الواقعة

تفسير سورة الواقعة

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ إِذَا وَقَعَتِ الْوَاقِعَةُ﴾

Kapag naganap ang Magaganap,

﴿لَيْسَ لِوَقْعَتِهَا كَاذِبَةٌ﴾

para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapasinungaling.

﴿خَافِضَةٌ رَافِعَةٌ﴾

Magbaba, mag-aangat [ito].

﴿إِذَا رُجَّتِ الْأَرْضُ رَجًّا﴾

Kapag niyanig ang lupa sa isang pagyanig,

﴿وَبُسَّتِ الْجِبَالُ بَسًّا﴾

at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,

﴿فَكَانَتْ هَبَاءً مُنْبَثًّا﴾

[ang mga ito ay] magiging alikabok na ikinalat.

﴿وَكُنْتُمْ أَزْوَاجًا ثَلَاثَةً﴾

Kayo ay magiging tatlong uri.

﴿فَأَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ﴾

Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

﴿وَأَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ﴾

Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

﴿وَالسَّابِقُونَ السَّابِقُونَ﴾

At ang mga tagapanguna [sa kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].

﴿أُولَٰئِكَ الْمُقَرَّبُونَ﴾

Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]

﴿فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ﴾

sa mga hardin ng ginhawa.

﴿ثُلَّةٌ مِنَ الْأَوَّلِينَ﴾

Isang pangkat mula sa mga nauna

﴿وَقَلِيلٌ مِنَ الْآخِرِينَ﴾

at kaunti mula sa mga nahuli,

﴿عَلَىٰ سُرُرٍ مَوْضُونَةٍ﴾

sa mga kama na pinalamutian,

﴿مُتَّكِئِينَ عَلَيْهَا مُتَقَابِلِينَ﴾

na mga nakasandal sa mga ito na mga naghaharapan.

﴿يَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَانٌ مُخَلَّدُونَ﴾

May magpapaikut-ikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],

﴿بِأَكْوَابٍ وَأَبَارِيقَ وَكَأْسٍ مِنْ مَعِينٍ﴾

ng mga baso, mga pitsel, at mga kopa ng alak na dumadaloy,

﴿لَا يُصَدَّعُونَ عَنْهَا وَلَا يُنْزِفُونَ﴾

na hindi sila pasasakitan sa ulo dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,

﴿وَفَاكِهَةٍ مِمَّا يَتَخَيَّرُونَ﴾

at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila,

﴿وَلَحْمِ طَيْرٍ مِمَّا يَشْتَهُونَ﴾

at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila,

﴿وَحُورٌ عِينٌ﴾

at may mga dilag na magaganda ang mga mata,

﴿كَأَمْثَالِ اللُّؤْلُؤِ الْمَكْنُونِ﴾

na gaya ng mga tulad ng mga mutyang itinatago,

﴿جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

bilang ganti sa dati nilang ginagawa.

﴿لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا وَلَا تَأْثِيمًا﴾

Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan

﴿إِلَّا قِيلًا سَلَامًا سَلَامًا﴾

maliban sa pagsasabi ng kapayapaan, kapayapaan!

﴿وَأَصْحَابُ الْيَمِينِ مَا أَصْحَابُ الْيَمِينِ﴾

Ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

﴿فِي سِدْرٍ مَخْضُودٍ﴾

[Sila ay] sa mga [puno ng] Sidrah na pinutulan ng mga tinik,

﴿وَطَلْحٍ مَنْضُودٍ﴾

at mga [puno ng] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],

﴿وَظِلٍّ مَمْدُودٍ﴾

at sa lilim na inilatag,

﴿وَمَاءٍ مَسْكُوبٍ﴾

at tubig na pinadaloy,

﴿وَفَاكِهَةٍ كَثِيرَةٍ﴾

at prutas na marami,

﴿لَا مَقْطُوعَةٍ وَلَا مَمْنُوعَةٍ﴾

hindi pinuputol at hindi hinahadlangan,

﴿وَفُرُشٍ مَرْفُوعَةٍ﴾

at sa mga higaan iniangat.

﴿إِنَّا أَنْشَأْنَاهُنَّ إِنْشَاءً﴾

Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila sa isang pagpapaluwal,

﴿فَجَعَلْنَاهُنَّ أَبْكَارًا﴾

at gumawa Kami sa kanila na mga birhen,

﴿عُرُبًا أَتْرَابًا﴾

malalambing na magkakasinggulang,

﴿لِأَصْحَابِ الْيَمِينِ﴾

para sa mga kasamahan sa kanan.

﴿ثُلَّةٌ مِنَ الْأَوَّلِينَ﴾

Isang pangkat mula sa mga nauna

﴿وَثُلَّةٌ مِنَ الْآخِرِينَ﴾

at isang pangkat mula sa mga nahuli.

﴿وَأَصْحَابُ الشِّمَالِ مَا أَصْحَابُ الشِّمَالِ﴾

At ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

﴿فِي سَمُومٍ وَحَمِيمٍ﴾

[Sila ay] sa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,

﴿وَظِلٍّ مِنْ يَحْمُومٍ﴾

at sa lilim ng usok na pagkaitim-itim,

﴿لَا بَارِدٍ وَلَا كَرِيمٍ﴾

hindi malamig at hindi marangal.

﴿إِنَّهُمْ كَانُوا قَبْلَ ذَٰلِكَ مُتْرَفِينَ﴾

Tunay na sila noon bago niyon ay mga pinariwasa.

﴿وَكَانُوا يُصِرُّونَ عَلَى الْحِنْثِ الْعَظِيمِ﴾

At sila noon ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan.

﴿وَكَانُوا يَقُولُونَ أَئِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ﴾

At sila noon ay nagsasabi: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,

﴿أَوَآبَاؤُنَا الْأَوَّلُونَ﴾

at ang mga ninuno naming sinauna?"

﴿قُلْ إِنَّ الْأَوَّلِينَ وَالْآخِرِينَ﴾

Sabihin mo: "Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli

﴿لَمَجْمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَاتِ يَوْمٍ مَعْلُومٍ﴾

ay talagang mga titipunin sa takdang oras ng isang araw na nalalaman."

﴿ثُمَّ إِنَّكُمْ أَيُّهَا الضَّالُّونَ الْمُكَذِّبُونَ﴾

Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga tagapasinungaling

﴿لَآكِلُونَ مِنْ شَجَرٍ مِنْ زَقُّومٍ﴾

ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,

﴿فَمَالِئُونَ مِنْهَا الْبُطُونَ﴾

saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,

﴿فَشَارِبُونَ عَلَيْهِ مِنَ الْحَمِيمِ﴾

saka mga iinom dahil doon mula sa nakapapasong tubig,

﴿فَشَارِبُونَ شُرْبَ الْهِيمِ﴾

saka mga iinom ng pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!"

﴿هَٰذَا نُزُلُهُمْ يَوْمَ الدِّينِ﴾

Ito ay pang-aliw sa kanila sa Araw ng Paggantimpala.

﴿نَحْنُ خَلَقْنَاكُمْ فَلَوْلَا تُصَدِّقُونَ﴾

Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?

﴿أَفَرَأَيْتُمْ مَا تُمْنُونَ﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa inilalabas ninyo [na punlay]?

﴿أَأَنْتُمْ تَخْلُقُونَهُ أَمْ نَحْنُ الْخَالِقُونَ﴾

Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang Tagalikha?

﴿نَحْنُ قَدَّرْنَا بَيْنَكُمُ الْمَوْتَ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ﴾

Kami ay nagtakda sa pagitan ninyo ng kamatayan, at Kami ay hindi mauunahan

﴿عَلَىٰ أَنْ نُبَدِّلَ أَمْثَالَكُمْ وَنُنْشِئَكُمْ فِي مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾

na magpalit Kami ng mga tulad ninyo at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman.

﴿وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ النَّشْأَةَ الْأُولَىٰ فَلَوْلَا تَذَكَّرُونَ﴾

At talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?

﴿أَفَرَأَيْتُمْ مَا تَحْرُثُونَ﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?

﴿أَأَنْتُمْ تَزْرَعُونَهُ أَمْ نَحْنُ الزَّارِعُونَ﴾

Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagatanim?

﴿لَوْ نَشَاءُ لَجَعَلْنَاهُ حُطَامًا فَظَلْتُمْ تَفَكَّهُونَ﴾

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa at kayo ay magiging nagtataka,

﴿إِنَّا لَمُغْرَمُونَ﴾

[na magsasabi]: "Tunay na kami ay talagang mga namultahan;

﴿بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ﴾

bagkus kami ay mga napagkaitan!"

﴿أَفَرَأَيْتُمُ الْمَاءَ الَّذِي تَشْرَبُونَ﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo?

﴿أَأَنْتُمْ أَنْزَلْتُمُوهُ مِنَ الْمُزْنِ أَمْ نَحْنُ الْمُنْزِلُونَ﴾

Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapababa?

﴿لَوْ نَشَاءُ جَعَلْنَاهُ أُجَاجًا فَلَوْلَا تَشْكُرُونَ﴾

Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat. Kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?

﴿أَفَرَأَيْتُمُ النَّارَ الَّتِي تُورُونَ﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?

﴿أَأَنْتُمْ أَنْشَأْتُمْ شَجَرَتَهَا أَمْ نَحْنُ الْمُنْشِئُونَ﴾

Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapaluwal?

﴿نَحْنُ جَعَلْنَاهَا تَذْكِرَةً وَمَتَاعًا لِلْمُقْوِينَ﴾

Kami ay gumawa nito na isang pagpapaalaala at isang napakikinabangan para sa mga naglalakbay.

﴿فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ﴾

Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.

﴿۞ فَلَا أُقْسِمُ بِمَوَاقِعِ النُّجُومِ﴾

Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin,

﴿وَإِنَّهُ لَقَسَمٌ لَوْ تَعْلَمُونَ عَظِيمٌ﴾

at tunay na ito ay talagang isang panunumpa - kung sakaling nalalaman ninyo - na sukdulan.

﴿إِنَّهُ لَقُرْآنٌ كَرِيمٌ﴾

Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān na marangal,

﴿فِي كِتَابٍ مَكْنُونٍ﴾

na nasa isang Aklat na itinatago,

﴿لَا يَمَسُّهُ إِلَّا الْمُطَهَّرُونَ﴾

na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,

﴿تَنْزِيلٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

na isang pagpapababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.

﴿أَفَبِهَٰذَا الْحَدِيثِ أَنْتُمْ مُدْهِنُونَ﴾

Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?

﴿وَتَجْعَلُونَ رِزْقَكُمْ أَنَّكُمْ تُكَذِّبُونَ﴾

Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.

﴿فَلَوْلَا إِذَا بَلَغَتِ الْحُلْقُومَ﴾

Kaya bakit hindi [kayo makagagawa ng anuman] kapag umabot [ang kaluluwa] sa lalamunan

﴿وَأَنْتُمْ حِينَئِذٍ تَنْظُرُونَ﴾

at habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin.

﴿وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنْكُمْ وَلَٰكِنْ لَا تُبْصِرُونَ﴾

At Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.

﴿فَلَوْلَا إِنْ كُنْتُمْ غَيْرَ مَدِينِينَ﴾

Kaya bakit hindi - kung kayo ay hindi mga pananagutin -

﴿تَرْجِعُونَهَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾

kayo ay magpanumbalik nito kung kayo ay mga tapat.

﴿فَأَمَّا إِنْ كَانَ مِنَ الْمُقَرَّبِينَ﴾

Kaya kung siya naman ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],

﴿فَرَوْحٌ وَرَيْحَانٌ وَجَنَّتُ نَعِيمٍ﴾

[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng ginhawa.

﴿وَأَمَّا إِنْ كَانَ مِنْ أَصْحَابِ الْيَمِينِ﴾

At kung siya naman ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,

﴿فَسَلَامٌ لَكَ مِنْ أَصْحَابِ الْيَمِينِ﴾

[sasabihin sa kanya]: "Kapayapaan ay ukol sa iyo; kabilang [ka] sa mga kasamahan ng kanan."

﴿وَأَمَّا إِنْ كَانَ مِنَ الْمُكَذِّبِينَ الضَّالِّينَ﴾

At kung siya naman ay kabilang sa mga tagapasinungaling na mga naliligaw,

﴿فَنُزُلٌ مِنْ حَمِيمٍ﴾

[ukol sa kanya ay] nakapapasong tubig

﴿وَتَصْلِيَةُ جَحِيمٍ﴾

at pagpapasok sa Impiyerno.

﴿إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ الْيَقِينِ﴾

Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.

﴿فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ﴾

Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: