الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ إِذَا وَقَعَتِ الْوَاقِعَةُ﴾
Kapag sumapit ang Pagbangon [ng mga patay] nang walang pasubali,
﴿لَيْسَ لِوَقْعَتِهَا كَاذِبَةٌ﴾
hindi makatatagpo ng isang kaluluwang magpapasinungaling dito kung paanong ito noon ay pinasisinungalingan sa Mundo.
﴿خَافِضَةٌ رَافِعَةٌ﴾
Magbaba ng mga tagatangging sumampalatayang masamang-loob sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa Apoy, mag-aangat ng mga mananampalatayang tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa Hardin.
﴿إِذَا رُجَّتِ الْأَرْضُ رَجًّا﴾
Kapag pinagalaw ang lupa sa isang malaking pagpapagalaw
﴿وَبُسَّتِ الْجِبَالُ بَسًّا﴾
at nilansag ang mga bundok sa isang paglansag,
﴿فَكَانَتْ هَبَاءً مُنْبَثًّا﴾
[ang mga ito] dahil sa paglansag ay magiging alabok na kumakalat, nang walang pamamalagi sa mga ito.
﴿وَكُنْتُمْ أَزْوَاجًا ثَلَاثَةً﴾
Kayo ay magiging tatlong uri sa araw na iyon.
﴿فَأَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ﴾
Kaya ang mga kasamahan sa kanan na kukuha ng talaan nila sa pamamagitan ng mga kanang kamay nila, anong taas at anong dakila ang kalagayan nila!
﴿وَأَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ﴾
Kaya ang mga kasamahan sa kaliwa na kukuha ng talaan nila sa pamamagitan ng mga kaliwang kamay nila, anong hamak at anong sagwa ang kalagayan nila!
﴿وَالسَّابِقُونَ السَّابِقُونَ﴾
Ang mga tagapanguna sa paggawa ng mga kabutihan sa Mundo ay ang mga tagapanguna sa Kabilang-buhay sa pagpasok sa Paraiso.
﴿أُولَٰئِكَ الْمُقَرَّبُونَ﴾
Ang mga iyon ay ang mga inilapit sa piling ni Allāh
﴿فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ﴾
sa mga hardin ng ginhawa habang nagpapakaginhawa sa mga uri ng ginhawa.
﴿ثُلَّةٌ مِنَ الْأَوَّلِينَ﴾
Isang pangkat mula sa kalipunang ito at mula sa mga kalipunang nauna
﴿وَقَلِيلٌ مِنَ الْآخِرِينَ﴾
at kaunti mula sa mga tao sa hulihan ng panahon ay ang mga nangungunang inilapit [kay Allāh],
﴿عَلَىٰ سُرُرٍ مَوْضُونَةٍ﴾
sa mga kama na hinabian ng ginto,
﴿مُتَّكِئِينَ عَلَيْهَا مُتَقَابِلِينَ﴾
na mga nakasandal sa mga kamang ito na mga naghaharapan ng mga mukha nila, nang hindi tumitingin ang isa sa kanila sa batok ng iba pa sa kanya.
﴿يَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَانٌ مُخَلَّدُونَ﴾
May papaligid sa kanila para sa paglilingkod sa kanila na mga batang lalaki na hindi dadapuan ng pag-uulyanin ni pagkalipol.
﴿بِأَكْوَابٍ وَأَبَارِيقَ وَكَأْسٍ مِنْ مَعِينٍ﴾
Papaligid ang mga ito sa kanila nang may mga inumang walang mga hawakan, mga pitsel na may mga hawakan, at mga kopa ng alak na dumadaloy sa paraiso nang hindi natitigil,
﴿لَا يُصَدَّعُونَ عَنْهَا وَلَا يُنْزِفُونَ﴾
na hindi gaya ng alak sa Mundo sapagkat hindi nasusundan ang tagainom nito ng sakit ng ulo ni ng pagkaalis ng pang-unawa,
﴿وَفَاكِهَةٍ مِمَّا يَتَخَيَّرُونَ﴾
at papaligid sa kanila ang mga batang ito nang may prutas mula sa napipili nila,
﴿وَلَحْمِ طَيْرٍ مِمَّا يَشْتَهُونَ﴾
at papaligid sa kanila ang ito nang may karne ng ibon kabilang sa ninanasa ng mga sarili nila,
﴿وَحُورٌ عِينٌ﴾
at ukol sa kanila sa paraiso ay mga babaing malalapad ang mga mata sa ganda,
﴿كَأَمْثَالِ اللُّؤْلُؤِ الْمَكْنُونِ﴾
na gaya ng mga tulad ng mga mutyang pinangangalagaan sa mga kabibe ng mga ito,
﴿جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
bilang gantimpala para sa kanila dahil sa dati nilang ginagawa na mga gawang maayos sa Mundo.
﴿لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا وَلَا تَأْثِيمًا﴾
Hindi sila makaririnig sa paraiso ng mahalay na pananalita ni ng nagdudulot sa tao ng kasalanan.
﴿إِلَّا قِيلًا سَلَامًا سَلَامًا﴾
Hindi sila makaririnig maliban sa pagbati ng mga anghel sa kanila at pagbati nila sa isa't isa!
﴿وَأَصْحَابُ الْيَمِينِ مَا أَصْحَابُ الْيَمِينِ﴾
Ang mga kasamahan sa kanan, ano ang mga kasamahan sa kanan? O talagang kadakilaan ang kalagayan nila at ang nauukol sa kanila sa ganang kay Allāh.
﴿فِي سِدْرٍ مَخْضُودٍ﴾
[Sila ay] sa mga [puno ng] Sidrah na pinutol ang mga tinik, na walang nakasasakit doon,
﴿وَطَلْحٍ مَنْضُودٍ﴾
at mga [puno ng] saging na nagkatumpuk-tumpok na nakahanay ang isa't isa [sa mga bunga],
﴿وَظِلٍّ مَمْدُودٍ﴾
at sa lilim na inilatag na nagpapatuloy na hindi naglalaho,
﴿وَمَاءٍ مَسْكُوبٍ﴾
at tubig na umaagos nang hindi humihintu-hinto,
﴿وَفَاكِهَةٍ كَثِيرَةٍ﴾
at prutas na marami na hindi nalilimitahan,
﴿لَا مَقْطُوعَةٍ وَلَا مَمْنُوعَةٍ﴾
hindi mapuputol sa kanila magpakailanman sapagkat wala ritong panahon, at walang magbabalakid dito na isang tagahadlang sa alinmang oras na magnais sila nito,
﴿وَفُرُشٍ مَرْفُوعَةٍ﴾
at sa mga higaan iniangat na nakataas na nakalagay sa mga kama.
﴿إِنَّا أَنْشَأْنَاهُنَّ إِنْشَاءً﴾
Tunay na Kami ay nagpaluwal sa mga dilag na nabanggit sa isang pagpapaluwal na hindi nakagawian,
﴿فَجَعَلْنَاهُنَّ أَبْكَارًا﴾
at gumawa sa kanila bilang mga birhen na hindi pa nasasaling,
﴿عُرُبًا أَتْرَابًا﴾
mga naiibigan para sa mga asawa nila, na magkakapantay sa gulang,
﴿لِأَصْحَابِ الْيَمِينِ﴾
Nagpaluwal Kami sa kanila para sa mga kasamahan sa kanan, na mga kukunin sa gawing kanan bilang palatandaan ng kaligayahan nila.
﴿ثُلَّةٌ مِنَ الْأَوَّلِينَ﴾
Sila ay isang pangkat mula sa mga naunang kalipunan ng mga propeta.
﴿وَثُلَّةٌ مِنَ الْآخِرِينَ﴾
at isang pangkat mula sa kalipunan ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at ito ang panghuli sa mga kalipunan.
﴿وَأَصْحَابُ الشِّمَالِ مَا أَصْحَابُ الشِّمَالِ﴾
At ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa? O kasagwaan ang kalagayan nila at ang kahahantungan nila.
﴿فِي سَمُومٍ وَحَمِيمٍ﴾
[Sila ay] sa mga hanging matindi ang init at sa tubig na matindi ang init,
﴿وَظِلٍّ مِنْ يَحْمُومٍ﴾
at sa lilim ng usok na pinaitim,
﴿لَا بَارِدٍ وَلَا كَرِيمٍ﴾
hindi kaaya-aya ang ihip at hindi maganda ang makikita.
﴿إِنَّهُمْ كَانُوا قَبْلَ ذَٰلِكَ مُتْرَفِينَ﴾
Tunay na sila noon bago ng dinanas nila na pagdurusa ay mga nagtatamasa sa Mundo; walang alalahanin para sa kanila kundi ang mga nasa nila.
﴿وَكَانُوا يُصِرُّونَ عَلَى الْحِنْثِ الْعَظِيمِ﴾
Sila noon ay naggigiit sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at sa pagsamba sa mga diyus-diyusan bukod pa sa Kanya.
﴿وَكَانُوا يَقُولُونَ أَئِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ﴾
Sila noon ay nagkakaila sa pagbubuhay at nagsasabi bilang pangungutya at pagtuturing na imposible iyon: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong bulok, bubuhayin ba Kami matapos niyon,
﴿أَوَآبَاؤُنَا الْأَوَّلُونَ﴾
Bubuhayin ba ang mga ninuno naming sinaunang namatay bago namin?"
﴿قُلْ إِنَّ الْأَوَّلِينَ وَالْآخِرِينَ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Tunay na ang mga sinauna sa mga ito at ang mga nahuli sa kanila
﴿لَمَجْمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَاتِ يَوْمٍ مَعْلُومٍ﴾
ay talagang titipunin sa Araw ng Pagbangon nang walang pasubali para sa pagtutuos at pagganti."
﴿ثُمَّ إِنَّكُمْ أَيُّهَا الضَّالُّونَ الْمُكَذِّبُونَ﴾
Pagkatapos tunay na kayo, o mga tagapasinungaling sa pagbubuhay na mga naliligaw sa landasing tuwid
﴿لَآكِلُونَ مِنْ شَجَرٍ مِنْ زَقُّومٍ﴾
ay talagang mga kakain sa Araw ng Pagbangon mula sa mga bunga ng mga punong Zaqqūm. Ito ay pinakamasama sa mga bunga at pinakakarima-rimarim sa mga ito,
﴿فَمَالِئُونَ مِنْهَا الْبُطُونَ﴾
saka mga magpupuno mula sa mga mapait na punong iyon ng mga tiyan ninyong hungkag,
﴿فَشَارِبُونَ عَلَيْهِ مِنَ الْحَمِيمِ﴾
saka mga iinom dahil doon mula sa tubig na mainit na matindi ang init,
﴿فَشَارِبُونَ شُرْبَ الْهِيمِ﴾
saka mga magpaparami sa pag-inom gaya ng pagpaparami ng mga kamelyo sa pag-inom dahilan sa sakit na matinding pagkauhaw!"
﴿هَٰذَا نُزُلُهُمْ يَوْمَ الدِّينِ﴾
Ang nabanggit na ito na pagkaing mapait at tubig na mainit ay ang pagtanggap sa kanila na sasalubong sa kanila sa Araw ng Pagganti.
﴿نَحْنُ خَلَقْنَاكُمْ فَلَوْلَا تُصَدِّقُونَ﴾
Kami ay lumikha sa inyo, O mga tagapasinungaling, matapos na kayo ay naging wala, kaya bakit ba hindi kayo naniwala na Kami ay magpapabangon sa inyo bilang mga buhay matapos ng kamatayan ninyo?
﴿أَفَرَأَيْتُمْ مَا تُمْنُونَ﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo, O mga tao, sa inilalabas ninyo na punlay sa mga sinapupunan ng mga maybahay ninyo?
﴿أَأَنْتُمْ تَخْلُقُونَهُ أَمْ نَحْنُ الْخَالِقُونَ﴾
Kayo ba ay lumilikha ng punlay na iyon o Kami ay ang lumilikha niyon?
﴿نَحْنُ قَدَّرْنَا بَيْنَكُمُ الْمَوْتَ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ﴾
Kami ay nagtakda sa pagitan ninyo ng kamatayan sapagkat bawat isa sa inyo ay may taning na hindi siya nakauuna rito ni nakahuhuli, at Kami ay hindi nawawalang-kakayahan.
﴿عَلَىٰ أَنْ نُبَدِّلَ أَمْثَالَكُمْ وَنُنْشِئَكُمْ فِي مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾
na magpalit Kami ng kalagayan ninyo sa pagkakalikha at pagpapaanyo kabilang sa nalalaman ninyo, at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman sa pagkakalikha at pagpapaanyo.
﴿وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ النَّشْأَةَ الْأُولَىٰ فَلَوْلَا تَذَكَّرُونَ﴾
At talaga ngang nalaman ninyo kung papaano Kaming lumikha sa inyo sa unang pagkakalikha, kaya hindi ba kayo nagsasaalang-alang na ang lumikha sa inyo sa unang pagkakataon ay nakakakaya sa pagbubuhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo?
﴿أَفَرَأَيْتُمْ مَا تَحْرُثُونَ﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa isinasabog ninyo na binhi sa lupa?
﴿أَأَنْتُمْ تَزْرَعُونَهُ أَمْ نَحْنُ الزَّارِعُونَ﴾
Kayo ba ay nagpapatubo ng binhing iyon o Kami ay ang nagpapatubo niyon?
﴿لَوْ نَشَاءُ لَجَعَلْنَاهُ حُطَامًا فَظَلْتُمْ تَفَكَّهُونَ﴾
Kung sakaling niloloob Namin ang paggawa sa tanim na iyon na maging ipa ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa matapos halos na mahinog, at kayo matapos niyon ay magtataka sa tumama roon.
﴿إِنَّا لَمُغْرَمُونَ﴾
Magsasabi kayo: "Tunay na kami ay talagang mga pagdurusahin dahil sa pagkalugi sa ginugol Namin;
﴿بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ﴾
bagkus kami ay mga napagkaitan ng panustos!"
﴿أَفَرَأَيْتُمُ الْمَاءَ الَّذِي تَشْرَبُونَ﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na umiinom kayo mula rito kapag nauhaw kayo?
﴿أَأَنْتُمْ أَنْزَلْتُمُوهُ مِنَ الْمُزْنِ أَمْ نَحْنُ الْمُنْزِلُونَ﴾
Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap sa langit, o Kami ay ang nagpababa niyon?
﴿لَوْ نَشَاءُ جَعَلْنَاهُ أُجَاجًا فَلَوْلَا تَشْكُرُونَ﴾
Kung sakaling niloloob Namin ang paggawa sa tubig na iyon na maging matindi ang kaalatan na hindi pakikinabangan sa pag-inom ni sa pagpapatubig ay talaga sanang ginawa Namin iyon na maging matindi ang kaalatan. Kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat kay Allāh sa pagpapababa Niya ng tubig tabang bilang awa sa inyo?
﴿أَفَرَأَيْتُمُ النَّارَ الَّتِي تُورُونَ﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaririkit ninyo para sa mga kapakinabangan ninyo?
﴿أَأَنْتُمْ أَنْشَأْتُمْ شَجَرَتَهَا أَمْ نَحْنُ الْمُنْشِئُونَ﴾
Kayo ba ay ang nagpapaluwal ng punong-kahoy na nagpapaningas mula rito, o Kami ay ang nagpaluwal nito bilang kabaitan sa inyo?
﴿نَحْنُ جَعَلْنَاهَا تَذْكِرَةً وَمَتَاعًا لِلْمُقْوِينَ﴾
Kami ay gumawa ng apoy na ito na isang pagpapaalaala para sa inyo na magpapaalaala sa inyo ng apoy ng Kabilang-buhay, at gumawa nito na isang napakikinabangan para sa mga naglalakbay kabilang sa inyo.
﴿فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ﴾
Kaya ipawalang-kaugnayan mo, O Sugo, ang Panginoon mong Sukdulan sa anumang hindi nababagay sa Kanya.
﴿۞ فَلَا أُقْسِمُ بِمَوَاقِعِ النُّجُومِ﴾
Kaya nanunumpa Ako kay Allāh sa mga lugar ng mga bituin at mga lubugan ng mga ito,
﴿وَإِنَّهُ لَقَسَمٌ لَوْ تَعْلَمُونَ عَظِيمٌ﴾
at tunay na ang panunumpa sa mga lubugang ito - kung sakaling nalalaman ninyo ang kasukdulan nito - ay talagang sukdulan dahil sa taglay nito na mga tanda at mga aral na hindi na natatakdaan.
﴿إِنَّهُ لَقُرْآنٌ كَرِيمٌ﴾
Tunay na ang Qur'ān na binibigkas sa inyo, o mga tao, ay isang Qur’ān na marangal dahil sa taglay nito na mga kapakinabangang sukdulan,
﴿فِي كِتَابٍ مَكْنُونٍ﴾
na nasa isang Aklat na pinangangalagaan sa mga mata ng mga tao, ang Tablerong Pinag-iingatan,
﴿لَا يَمَسُّهُ إِلَّا الْمُطَهَّرُونَ﴾
na walang nakasasaling dito kundi ang mga anghel na dinalisay mula sa mga pagkakasala at mga kapintasan,
﴿تَنْزِيلٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾
na pinababa mula sa Panginoon ng mga nilikha sa Propeta Niyang si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.
﴿أَفَبِهَٰذَا الْحَدِيثِ أَنْتُمْ مُدْهِنُونَ﴾
Kaya sa salaysay na ito ba kayo, O mga tagatambal, ay mga tagapasinungaling na hindi mga tagapaniwala?
﴿وَتَجْعَلُونَ رِزْقَكُمْ أَنَّكُمْ تُكَذِّبُونَ﴾
Gumagawa kayo sa pagtatambal ninyo kay Allāh sa kabila ng pagtustos sa inyo ng mga biyaya na kayo ay nagpapasinungaling sa kanya sapagkat nag-uugnay kayo ng ulan sa bituin sapagkat nagsasabi kayo: "Inulan kami dahil sa bituing ganito at bituing ganito."
﴿فَلَوْلَا إِذَا بَلَغَتِ الْحُلْقُومَ﴾
Kaya bakit hindi [kayo makagagawa ng anuman] kapag dumating ang kaluluwa sa lalamunan
﴿وَأَنْتُمْ حِينَئِذٍ تَنْظُرُونَ﴾
at habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin sa naghihingalo sa harapan ninyo.
﴿وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنْكُمْ وَلَٰكِنْ لَا تُبْصِرُونَ﴾
At Kami sa pamamagitan ng kaalaman Namin, kakayahan Namin, at mga anghel Namin ay higit na malapit sa patay ninyo kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nasasaksihan ang mga anghel na ito.
﴿فَلَوْلَا إِنْ كُنْتُمْ غَيْرَ مَدِينِينَ﴾
Kaya bakit ba hindi - kung kayo gaya ng inaakala ninyo ay hindi mga bubuhayin para gantihan kayo sa mga gawa ninyo -
﴿تَرْجِعُونَهَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾
kayo ay magpanumbalik sa kaluluwang ito na lumalabas sa patay ninyo kung kayo ay mga tapat. Hindi kayo makakakaya niyon!
﴿فَأَمَّا إِنْ كَانَ مِنَ الْمُقَرَّبِينَ﴾
Kaya kung ang patay naman ay kabilang sa mga nangunguna sa mga kabutihan,
﴿فَرَوْحٌ وَرَيْحَانٌ وَجَنَّتُ نَعِيمٍ﴾
ukol sa kanya ay pahinga: walang pagod matapos nito, panustos na kaaya-aya, awa, at hardin na magiginhawahan siya roon sa pamamagitan ng ninanasa ng sarili niya.
﴿وَأَمَّا إِنْ كَانَ مِنْ أَصْحَابِ الْيَمِينِ﴾
90.91. Kung ang patay naman ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan, huwag kang mag-alala sa nauukol sa kanila sapagkat ukol sa kanila ang kaligtasan at ang katiwasayan.
﴿فَسَلَامٌ لَكَ مِنْ أَصْحَابِ الْيَمِينِ﴾
90.91. Kung ang patay naman ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan, huwag kang mag-alala sa nauukol sa kanila sapagkat ukol sa kanila ang kaligtasan at ang katiwasayan.
﴿وَأَمَّا إِنْ كَانَ مِنَ الْمُكَذِّبِينَ الضَّالِّينَ﴾
Kung ang patay naman ay kabilang sa mga tagapasinungaling sa inihatid ng Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - na mga naliligaw palayo sa landasing tuwid,
﴿فَنُزُلٌ مِنْ حَمِيمٍ﴾
ang pagtanggap sa kanya na ipinansasalubong sa kanya ay tubig na mainit na matindi ang init
﴿وَتَصْلِيَةُ جَحِيمٍ﴾
ukol sa kanya ang pagsunog sa pamamagitan ng apoy ng Impiyerno.
﴿إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ الْيَقِينِ﴾
Tunay na ang isinalaysay Naming ito sa iyo, O Sugo, ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan na walang pag-aalinlangan.
﴿فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ﴾
Kaya ipawalang-kapintasan mo ang pangalan ng Panginoon mong Sukdulan, at pakabanalin mo Siya laban sa mga kakulangan.
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة الواقعة : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة الواقعة : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة الواقعة : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة الواقعة : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة الواقعة : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة الواقعة : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة الواقعة : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة الواقعة : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة الواقعة : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة الواقعة : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة الواقعة : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة الواقعة : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة الواقعة : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة الواقعة : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة الواقعة : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة الواقعة : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الواقعة : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الواقعة : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة الواقعة : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة الواقعة : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة الواقعة : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة الواقعة : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة الواقعة : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة الواقعة : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة الواقعة : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة الواقعة : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الواقعة : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الواقعة : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الواقعة : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الواقعة : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة الواقعة : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة الواقعة : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة الواقعة : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة الواقعة : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة الواقعة : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة الواقعة : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة الواقعة : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة الواقعة : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة الواقعة : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة الواقعة : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة الواقعة : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة الواقعة : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة الواقعة : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة الواقعة : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة الواقعة : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة الواقعة : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة الواقعة : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة الواقعة : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة الواقعة : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الواقعة : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الواقعة : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة الواقعة : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الواقعة : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الواقعة : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة الواقعة : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة الواقعة : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة الواقعة : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة الواقعة : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة الواقعة : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة الواقعة : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة الواقعة : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الواقعة : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الواقعة : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة الواقعة : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة الواقعة : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة الواقعة : الترجمة الصينية 中文 - الصينية