المدّثر

تفسير سورة المدّثر

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ يَا أَيُّهَا الْمُدَّثِّرُ﴾

O nakatakip,

﴿قُمْ فَأَنْذِرْ﴾

bumangon ka at magbabala ka!

﴿وَرَبَّكَ فَكَبِّرْ﴾

At ang Panginoon mo ay dakilain mo.

﴿وَثِيَابَكَ فَطَهِّرْ﴾

At ang mga kasuutan mo ay dalisayin mo.

﴿وَالرُّجْزَ فَاهْجُرْ﴾

At ang kasalaulaan ay layuan mo.

﴿وَلَا تَمْنُنْ تَسْتَكْثِرُ﴾

At huwag kang maghandog habang humiling ng marami.

﴿وَلِرَبِّكَ فَاصْبِرْ﴾

At alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.

﴿فَإِذَا نُقِرَ فِي النَّاقُورِ﴾

Kaya kapag umihip sa trumpeta,

﴿فَذَٰلِكَ يَوْمَئِذٍ يَوْمٌ عَسِيرٌ﴾

iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap.

﴿عَلَى الْكَافِرِينَ غَيْرُ يَسِيرٍ﴾

Sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.

﴿ذَرْنِي وَمَنْ خَلَقْتُ وَحِيدًا﴾

Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.

﴿وَجَعَلْتُ لَهُ مَالًا مَمْدُودًا﴾

Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak

﴿وَبَنِينَ شُهُودًا﴾

at mga anak na kapiling.

﴿وَمَهَّدْتُ لَهُ تَمْهِيدًا﴾

At nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaalwan.

﴿ثُمَّ يَطْمَعُ أَنْ أَزِيدَ﴾

Pagkatapos ay naghahangad siya na magdagdag Ako.

﴿كَلَّا ۖ إِنَّهُ كَانَ لِآيَاتِنَا عَنِيدًا﴾

Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.

﴿سَأُرْهِقُهُ صَعُودًا﴾

Magpapabigat Ako sa kanya ng isang pahirap.

﴿إِنَّهُ فَكَّرَ وَقَدَّرَ﴾

Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.

﴿فَقُتِلَ كَيْفَ قَدَّرَ﴾

Kaya pinanaigan siya kung papaano siyang nagtakda!

﴿ثُمَّ قُتِلَ كَيْفَ قَدَّرَ﴾

Pagkatapos ay pinanaigan siya kung papaano siyang naghanda!

﴿ثُمَّ نَظَرَ﴾

Pagkatapos ay nagmasid siya.

﴿ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ﴾

Pagkatapos ay nagkunut-noo siya at sumimangot siya.

﴿ثُمَّ أَدْبَرَ وَاسْتَكْبَرَ﴾

Pagkatapos ay tumalikod siya at nagmalaki siya.

﴿فَقَالَ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ يُؤْثَرُ﴾

Kaya nagsabi siya: "Walang iba ito ay kundi isang panggagaway na ipinamamana-mana.

﴿إِنْ هَٰذَا إِلَّا قَوْلُ الْبَشَرِ﴾

Walang iba ito ay kundi sabi ng tao."

﴿سَأُصْلِيهِ سَقَرَ﴾

Magpapasok Ako sa kanya sa Saqar.

﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا سَقَرُ﴾

At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Saqar?

﴿لَا تُبْقِي وَلَا تَذَرُ﴾

Hindi ito nagtitira at hindi ito nag-iiwan.

﴿لَوَّاحَةٌ لِلْبَشَرِ﴾

Isang tagapagtupok ng mga balat,

﴿عَلَيْهَا تِسْعَةَ عَشَرَ﴾

sa ibabaw nito ay may labingsiyam na anghel.

﴿وَمَا جَعَلْنَا أَصْحَابَ النَّارِ إِلَّا مَلَائِكَةً ۙ وَمَا جَعَلْنَا عِدَّتَهُمْ إِلَّا فِتْنَةً لِلَّذِينَ كَفَرُوا لِيَسْتَيْقِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَيَزْدَادَ الَّذِينَ آمَنُوا إِيمَانًا ۙ وَلَا يَرْتَابَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَالْمُؤْمِنُونَ ۙ وَلِيَقُولَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ وَالْكَافِرُونَ مَاذَا أَرَادَ اللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَا يَعْلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَ ۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكْرَىٰ لِلْبَشَرِ﴾

At hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban pa sa mga anghel.
Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya, upang makatiyak ang mga binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: "Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?" Gayon nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.

﴿كَلَّا وَالْقَمَرِ﴾

Aba’y hindi! Sumpa man sa buwan,

﴿وَاللَّيْلِ إِذْ أَدْبَرَ﴾

sumpa man sa gabi kapag tumalikod ito,

﴿وَالصُّبْحِ إِذَا أَسْفَرَ﴾

sumpa man sa madaling-araw kapag nagliwanag ito;

﴿إِنَّهَا لَإِحْدَى الْكُبَرِ﴾

tunay na [ang Apoy na] ito ay isa sa napakalalaki

﴿نَذِيرًا لِلْبَشَرِ﴾

bilang tagapagbabala para sa mga tao,

﴿لِمَنْ شَاءَ مِنْكُمْ أَنْ يَتَقَدَّمَ أَوْ يَتَأَخَّرَ﴾

para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na magpakauna o magpakahuli.

﴿كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ رَهِينَةٌ﴾

Bawat kaluluwa sa nakamit nito ay nakasangla,

﴿إِلَّا أَصْحَابَ الْيَمِينِ﴾

maliban sa mga kasamahan ng kanan,

﴿فِي جَنَّاتٍ يَتَسَاءَلُونَ﴾

na sa mga Hardin ay magtatanungan sila

﴿عَنِ الْمُجْرِمِينَ﴾

tungkol sa mga salarin:

﴿مَا سَلَكَكُمْ فِي سَقَرَ﴾

"Ano ang nagpasok sa inyo sa Saqar?"

﴿قَالُوا لَمْ نَكُ مِنَ الْمُصَلِّينَ﴾

Magsasabi ang mga ito: "Hindi kami noon kabilang sa mga nagdarasal,

﴿وَلَمْ نَكُ نُطْعِمُ الْمِسْكِينَ﴾

at hindi kami noon nagpapakain sa dukha,

﴿وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ الْخَائِضِينَ﴾

kami noon ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],

﴿وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوْمِ الدِّينِ﴾

at kami noon ay nagpapabula sa Araw ng Paggantimpala,

﴿حَتَّىٰ أَتَانَا الْيَقِينُ﴾

hanggang sa dumating sa amin ang katiyakan [ng kamatayan]."

﴿فَمَا تَنْفَعُهُمْ شَفَاعَةُ الشَّافِعِينَ﴾

Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.

﴿فَمَا لَهُمْ عَنِ التَّذْكِرَةِ مُعْرِضِينَ﴾

Kaya ano ang mayroon sa kanila na sa pagpapaalaala ay mga tagaayaw?

﴿كَأَنَّهُمْ حُمُرٌ مُسْتَنْفِرَةٌ﴾

Para bang sila ay mga asnong ligaw na naiilang,

﴿فَرَّتْ مِنْ قَسْوَرَةٍ﴾

na tumakas mula sa isang leyon.

﴿بَلْ يُرِيدُ كُلُّ امْرِئٍ مِنْهُمْ أَنْ يُؤْتَىٰ صُحُفًا مُنَشَّرَةً﴾

Bagkus nagnais ang bawat tao kabilang sa kanila na bigyan ng mga pahinang iniladlad.

﴿كَلَّا ۖ بَلْ لَا يَخَافُونَ الْآخِرَةَ﴾

Aba’y hindi! Bagkus hindi sila nangangamba sa Kabilang-buhay.

﴿كَلَّا إِنَّهُ تَذْكِرَةٌ﴾

Aba’y hindi! Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay isang pagpapaalaala.

﴿فَمَنْ شَاءَ ذَكَرَهُ﴾

Kaya ang sinumang lumuob ay mag-alaala siya nito.

﴿وَمَا يَذْكُرُونَ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ ۚ هُوَ أَهْلُ التَّقْوَىٰ وَأَهْلُ الْمَغْفِرَةِ﴾

At hindi sila mag-aalaala maliban na loobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat sa pangingilag sa pagkakasala at ang karapat-dapat sa pagpapatawad.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: