المطفّفين

تفسير سورة المطفّفين

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَيْلٌ لِلْمُطَفِّفِينَ﴾

Kapighatian sa mga tagaumit,

﴿الَّذِينَ إِذَا اكْتَالُوا عَلَى النَّاسِ يَسْتَوْفُونَ﴾

na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubos,

﴿وَإِذَا كَالُوهُمْ أَوْ وَزَنُوهُمْ يُخْسِرُونَ﴾

at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.

﴿أَلَا يَظُنُّ أُولَٰئِكَ أَنَّهُمْ مَبْعُوثُونَ﴾

Hindi ba nakatiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin

﴿لِيَوْمٍ عَظِيمٍ﴾

para sa isang araw na sukdulan,

﴿يَوْمَ يَقُومُ النَّاسُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?

﴿كَلَّا إِنَّ كِتَابَ الْفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٍ﴾

Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.

﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا سِجِّينٌ﴾

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?

﴿كِتَابٌ مَرْقُومٌ﴾

Isang talaan na sinulatan.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling,

﴿الَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوْمِ الدِّينِ﴾

na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Paggantimpala.

﴿وَمَا يُكَذِّبُ بِهِ إِلَّا كُلُّ مُعْتَدٍ أَثِيمٍ﴾

At walang nagpapasinungaling doon kundi bawat tagalabag na makasalanan.

﴿إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا قَالَ أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ﴾

Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna!"

﴿كَلَّا ۖ بَلْ ۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ﴾

Aba’y hindi! Bagkus, bumalot sa mga puso nila ang [mga pagsuway na] dati nilang nakakamit.

﴿كَلَّا إِنَّهُمْ عَنْ رَبِّهِمْ يَوْمَئِذٍ لَمَحْجُوبُونَ﴾

Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.

﴿ثُمَّ إِنَّهُمْ لَصَالُو الْجَحِيمِ﴾

Pagkatapos, tunay na sila ay talagang papasok sa Impiyerno.

﴿ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ﴾

Pagkatapos ay sasabihin sa kanila: "Ito ang dati ninyong pinabubulaanan."

﴿كَلَّا إِنَّ كِتَابَ الْأَبْرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ﴾

Aba’y hindi. Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.

﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا عِلِّيُّونَ﴾

At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?

﴿كِتَابٌ مَرْقُومٌ﴾

Isang talaan na sinulatan.

﴿يَشْهَدُهُ الْمُقَرَّبُونَ﴾

Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit.

﴿إِنَّ الْأَبْرَارَ لَفِي نَعِيمٍ﴾

Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa Kaginhawahan,

﴿عَلَى الْأَرَائِكِ يَنْظُرُونَ﴾

habang nasa mga supa na nakatingin.

﴿تَعْرِفُ فِي وُجُوهِهِمْ نَضْرَةَ النَّعِيمِ﴾

Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.

﴿يُسْقَوْنَ مِنْ رَحِيقٍ مَخْتُومٍ﴾

Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.

﴿خِتَامُهُ مِسْكٌ ۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلْيَتَنَافَسِ الْمُتَنَافِسُونَ﴾

Ang panghuli nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.

﴿وَمِزَاجُهُ مِنْ تَسْنِيمٍ﴾

At ang lahok nito ay mula sa Tasnīm,

﴿عَيْنًا يَشْرَبُ بِهَا الْمُقَرَّبُونَ﴾

isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.

﴿إِنَّ الَّذِينَ أَجْرَمُوا كَانُوا مِنَ الَّذِينَ آمَنُوا يَضْحَكُونَ﴾

Tunay na ang mga nagkasala ay noon sa mga sumampalataya tumatawa.

﴿وَإِذَا مَرُّوا بِهِمْ يَتَغَامَزُونَ﴾

At kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila.

﴿وَإِذَا انْقَلَبُوا إِلَىٰ أَهْلِهِمُ انْقَلَبُوا فَكِهِينَ﴾

At kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.

﴿وَإِذَا رَأَوْهُمْ قَالُوا إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَضَالُّونَ﴾

At kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga naliligaw."

﴿وَمَا أُرْسِلُوا عَلَيْهِمْ حَافِظِينَ﴾

At hindi sila ipinasugo sa mga ito bilang mga tagaingat.

﴿فَالْيَوْمَ الَّذِينَ آمَنُوا مِنَ الْكُفَّارِ يَضْحَكُونَ﴾

Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya sa mga tagatangging sumampalataya ay tatawa

﴿عَلَى الْأَرَائِكِ يَنْظُرُونَ﴾

habang nasa mga supa na nakatingin.

﴿هَلْ ثُوِّبَ الْكُفَّارُ مَا كَانُوا يَفْعَلُونَ﴾

Gagantimpalaan ba ang mga tagatangging sumampalataya ng anumang dati nilang ginagawa?

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: