الإنفطار

تفسير سورة الإنفطار

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ إِذَا السَّمَاءُ انْفَطَرَتْ﴾

Kapag ang langit ay nagkabiyak-biyak para sa pagbaba ng mga anghel mula roon,

﴿وَإِذَا الْكَوَاكِبُ انْتَثَرَتْ﴾

at kapag ang mga tala ay nagbagsakan na nakasabog,

﴿وَإِذَا الْبِحَارُ فُجِّرَتْ﴾

at kapag ang mga dagat ay binuksan ang ilan sa mga ito sa iba sa mga ito at nagkahalu-halo,

﴿وَإِذَا الْقُبُورُ بُعْثِرَتْ﴾

at kapag ang mga libingan ay itinaob ang alabok ng mga ito para sa pagbuhay sa sinumang nasa mga ito na mga patay;

﴿عَلِمَتْ نَفْسٌ مَا قَدَّمَتْ وَأَخَّرَتْ﴾

Sa sandaling iyon, malalaman ng bawat kaluluwa ang ipinauna niya na gawa at ang ipinahuli niya mula roon kaya hindi nito nagawa.

﴿يَا أَيُّهَا الْإِنْسَانُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ الْكَرِيمِ﴾

O taong tagatangging sumampalataya sa Panginoon mo, ano ang nagsanhi sa iyo para sumalungat ka sa utos ng Panginoon mo nang nag-antabay Siya sa iyo at hindi Siya nagmadali sa iyo sa kaparusahan bilang pagpaparangal sa iyo?

﴿الَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّاكَ فَعَدَلَكَ﴾

na nagpairal sa iyo matapos na ikaw dati ay wala, saka gumawa sa iyo nahubog sa mga bahagi ng katawan, na naaangkop sa mga ito?

﴿فِي أَيِّ صُورَةٍ مَا شَاءَ رَكَّبَكَ﴾

Sa alinmang anyo na niloob Niya na lumikha sa iyo ay lumikha Siya sa iyo. Nagbiyaya nga Siya sa iyo yayamang hindi Siya lumikha sa iyo sa anyo ng isang asno ni ng isang unggoy ni ng isang aso ni ng iba pa sa mga ito.

﴿كَلَّا بَلْ تُكَذِّبُونَ بِالدِّينِ﴾

Ang usapin ay hindi gaya ng ginuni-guni ninyo, O mga nalilinlang! Bagkus kayo ay nagpapasinungaling sa Araw ng Pagganti kaya hindi kayo gumagawa para roon.

﴿وَإِنَّ عَلَيْكُمْ لَحَافِظِينَ﴾

At tunay na sa inyo ay may mga anghel na nag-iingat sa mga gawa ninyo,

﴿كِرَامًا كَاتِبِينَ﴾

na mararangal sa ganang kay Allāh, na mga tagasulat na sumusulat sa mga gawa ninyo.

﴿يَعْلَمُونَ مَا تَفْعَلُونَ﴾

Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo na gawa, saka isinusulat nila ito.

﴿إِنَّ الْأَبْرَارَ لَفِي نَعِيمٍ﴾

Tunay na ang mga marami sa paggawa ng kabutihan at pagtalima ay talagang nasa Kaginhawahang mamamalagi sa Araw ng Pagbangon.

﴿وَإِنَّ الْفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٍ﴾

Tunay na ang mga may kasamaang-loob ay talagang nasa Apoy na magliliyab sa kanila.

﴿يَصْلَوْنَهَا يَوْمَ الدِّينِ﴾

Papasok sila roon sa Araw ng Pagganti, na magpapakasakit sa init niyon.

﴿وَمَا هُمْ عَنْهَا بِغَائِبِينَ﴾

At sila palayo roon ay hindi mga makaliliban magpakailanman; bagkus sila ay mga mamamalagi roon.

﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الدِّينِ﴾

At ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Araw ng Paggantimpala?

﴿ثُمَّ مَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الدِّينِ﴾

Pagkatapos ano ang nagpaalam sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala?

﴿يَوْمَ لَا تَمْلِكُ نَفْسٌ لِنَفْسٍ شَيْئًا ۖ وَالْأَمْرُ يَوْمَئِذٍ لِلَّهِ﴾

[Iyon ay] sa Araw na hindi makakaya ang isa man na magpakinabang sa isa pa. Ang pag-uutos sa kabuuan nito sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh - tanging sa Kanya: gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya, hindi ukol sa isang iba pa sa Kanya.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: