الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ الْحَاقَّةُ﴾
Bumabanggit si Allāh ng oras ng Pagbangon [ng mga patay] na magkakatotoo sa lahat.
﴿مَا الْحَاقَّةُ﴾
Pagkatapos dinakila ang kalagayan niyon sa pamamagitan ng tanong na ito: Aling bagay ang Magkakatotoo?
﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا الْحَاقَّةُ﴾
At ano ang nagpaalam sa iyo kung ano ang Magkakatotoong ito?
﴿كَذَّبَتْ ثَمُودُ وَعَادٌ بِالْقَارِعَةِ﴾
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd na lipi ni Ṣāliḥ at ang [liping] `Ād na lipi ni Hūd sa Pagbangon [ng mga patay] na dadagok sa tao dahil sa tindi ng mga hilakbot niyon.
﴿فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهْلِكُوا بِالطَّاغِيَةِ﴾
Tungkol sa [liping] Thamūd, nagpasawi nga sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng sigaw na umabot sa sukdulan sa tindi at hilakbot.
﴿وَأَمَّا عَادٌ فَأُهْلِكُوا بِرِيحٍ صَرْصَرٍ عَاتِيَةٍ﴾
Tungkol naman sa [liping] `Ād, nagpasawi nga sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng isang hanging matindi ang lamig na umabot sa sukdulan sa kabangisan sa kanila,
﴿سَخَّرَهَا عَلَيْهِمْ سَبْعَ لَيَالٍ وَثَمَانِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومًا فَتَرَى الْقَوْمَ فِيهَا صَرْعَىٰ كَأَنَّهُمْ أَعْجَازُ نَخْلٍ خَاوِيَةٍ﴾
Nagpadala nito si Allāh sa kanila sa loob ng pitong gabi at walong araw na lumilipol sa kanila nang sama-sama. Kaya makakikita ka sa mga tao sa mga tahanan nila na mga nasawing ibinuwal sa lupa. Para bang sila, matapos ng pagpapasawi sa kanila, ay mga puno ng datiles na bumagsak sa lupa, na nabubulok.
﴿فَهَلْ تَرَىٰ لَهُمْ مِنْ بَاقِيَةٍ﴾
Kaya nakakikita ka ba para sa kanila ng isang kaluluwang natitira matapos ng tumama sa kanila na pagdurusa?
﴿وَجَاءَ فِرْعَوْنُ وَمَنْ قَبْلَهُ وَالْمُؤْتَفِكَاتُ بِالْخَاطِئَةِ﴾
At nagdala si Paraon, ang nauna sa kanya kabilang sa mga kalipunan, at ang mga pamayanang pinagdusa sa pamamagitan ng pagtaob sa mataas sa mga iyon papunta sa mababa sa mga iyon na mga kababayan ni Lot ng mga gawaing mali
﴿فَعَصَوْا رَسُولَ رَبِّهِمْ فَأَخَذَهُمْ أَخْذَةً رَابِيَةً﴾
sapagkat sumuway ang bawat isa kabilang sa kanila sa sugo Niya na ipinadala Niya sa kanila, at nagpasinungaling sila roon kaya dumaklot sa kanila si Allāh sa isang pagdaklot na nakadaragdag sa natatapos na kasawian nila.
﴿إِنَّا لَمَّا طَغَى الْمَاءُ حَمَلْنَاكُمْ فِي الْجَارِيَةِ﴾
Tunay na Kami, noong lumampas ang tubig sa kataasan sa hangganan nito, ay nagdala sa mga taong kayo ay nasa mga gulugod nila sa daong na naglalayag na ginawa ni Noe - sumakanya ang pangangalaga - ayon sa utos Namin, kaya iyon ay naging isang pagdadala para sa inyo.
﴿لِنَجْعَلَهَا لَكُمْ تَذْكِرَةً وَتَعِيَهَا أُذُنٌ وَاعِيَةٌ﴾
upang gumawa Kami sa daong at kasaysayan nito bilang pangaral na ipampapatunay sa pagpapasawi sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagliligtas sa mga alagad ng pananampalataya, at [upang] mag-ingat dito ang isang taingang tagaingat sa naririnig nito.
﴿فَإِذَا نُفِخَ فِي الصُّورِ نَفْخَةٌ وَاحِدَةٌ﴾
Kaya kapag umihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay nang nag-iisang pag-ihip, ang ikalawang pag-ihip,
﴿وَحُمِلَتِ الْأَرْضُ وَالْجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةً وَاحِدَةً﴾
at inangat ang lupa at ang mga bundok, at saka binayo ang mga ito nang nag-iisang pagbayo na matindi, na pumisa sa mga bahagi ng lupa at mga bahagi ng mga bundok,
﴿فَيَوْمَئِذٍ وَقَعَتِ الْوَاقِعَةُ﴾
sa araw na mangyayari iyon sa kabuuan niyon ay magaganap ang Pagbangon [ng mga patay].
﴿وَانْشَقَّتِ السَّمَاءُ فَهِيَ يَوْمَئِذٍ وَاهِيَةٌ﴾
Magkakabiyak-biyak ang langit sa araw na iyon dahil sa pagbaba ng mga anghel mula roon sapagkat ito sa araw na iyon ay mahina matapos na ito noon ay naging matibay na siksik.
﴿وَالْمَلَكُ عَلَىٰ أَرْجَائِهَا ۚ وَيَحْمِلُ عَرْشَ رَبِّكَ فَوْقَهُمْ يَوْمَئِذٍ ثَمَانِيَةٌ﴾
Ang mga anghel ay nasa mga gilid nito at mga bingit nito. May magpapasan sa Trono ng Panginoon mo sa dakilang araw na iyon na walong anghel na inilapit [kay Allāh].
﴿يَوْمَئِذٍ تُعْرَضُونَ لَا تَخْفَىٰ مِنْكُمْ خَافِيَةٌ﴾
Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo, O mga tao, kay Allāh; walang makakukubli kay Allāh mula sa inyo na isang tagakubli maging alinman ito; bagkus si Allāh ay Maalam dito, Nakababatid dito.
﴿فَأَمَّا مَنْ أُوتِيَ كِتَابَهُ بِيَمِينِهِ فَيَقُولُ هَاؤُمُ اقْرَءُوا كِتَابِيَهْ﴾
Kaya tungkol sa bibigyan ng talaan ng mga gawa niya sa kanang kamay niya, siya ay magsasabi dala ng galak at saya: "Kunin ninyo; basahin ninyo ang talaan ng mga gawa ko.
﴿إِنِّي ظَنَنْتُ أَنِّي مُلَاقٍ حِسَابِيَهْ﴾
Tunay na ako ay nakaalam sa Mundo at nakatiyak na ako ay bubuhayin at makikipagkita sa pagganti sa akin."
﴿فَهُوَ فِي عِيشَةٍ رَاضِيَةٍ﴾
Kaya siya ay nasa isang pamumuhay na nagpapalugod dahil sa makikita niya na kaginhawahang palagi,
﴿فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٍ﴾
sa isang harding angat ang lugar at ang kalagayan,
﴿قُطُوفُهَا دَانِيَةٌ﴾
na ang mga bunga niyon ay malapit sa sinumang kukuha ng mga ito.
﴿كُلُوا وَاشْرَبُوا هَنِيئًا بِمَا أَسْلَفْتُمْ فِي الْأَيَّامِ الْخَالِيَةِ﴾
Sasabihan bilang pagpaparangal sa kanila: "Kumain kayo at uminom kayo ng makakain at maiinom nang walang kasiraan dito dahil sa ipinauna ninyo na mga gawang maayos sa mga araw na lumipas sa Mundo."
﴿وَأَمَّا مَنْ أُوتِيَ كِتَابَهُ بِشِمَالِهِ فَيَقُولُ يَا لَيْتَنِي لَمْ أُوتَ كِتَابِيَهْ﴾
Kaya tungkol sa bibigyan ng talaan ng mga gawa niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya dahil sa tindi ng pagsisisi: "O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ng mga gawa ko dahil sa taglay nito na mga gawang masagwa na nag-oobliga ng pagdurusa sa akin.
﴿وَلَمْ أَدْرِ مَا حِسَابِيَهْ﴾
O kung sana ako ay hindi nakakilala ng alinmang bagay na magiging pagtutuos sa akin!
﴿يَا لَيْتَهَا كَانَتِ الْقَاضِيَةَ﴾
O kung sana ang kamatayan na ikinamatay ko ay naging ang kamatayan na hindi ako bubuhayin matapos nito magpakailanman!
﴿مَا أَغْنَىٰ عَنِّي مَالِيَهْ ۜ﴾
Hindi nakapagtanggol para sa akin sa anuman ang yaman ko laban sa pagdurusang dulot ni Allāh.
﴿هَلَكَ عَنِّي سُلْطَانِيَهْ﴾
Nalingid sa akin ang katwiran ko at ang sinasandigan ko na lakas at reputasyon."
﴿خُذُوهُ فَغُلُّوهُ﴾
Sasabihin: "Kunin ninyo siya, o mga anghel, at igapos ninyo ang kamay niya sa leeg niya.
﴿ثُمَّ الْجَحِيمَ صَلُّوهُ﴾
Pagkatapos Impiyerno ay magpapasok kayo sa kanya sa Apoy upang magdusa siya sa init nito.
﴿ثُمَّ فِي سِلْسِلَةٍ ذَرْعُهَا سَبْعُونَ ذِرَاعًا فَاسْلُكُوهُ﴾
Pagkatapos ay ipasok ninyo siya sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig."
﴿إِنَّهُ كَانَ لَا يُؤْمِنُ بِاللَّهِ الْعَظِيمِ﴾
Tunay na siya noon ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan,
﴿وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ الْمِسْكِينِ﴾
at hindi nag-uudyok sa iba sa kanya sa pagpapakain sa dukha.
﴿فَلَيْسَ لَهُ الْيَوْمَ هَاهُنَا حَمِيمٌ﴾
Kaya walang ukol sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang malapit na magsasanggalang sa kanya laban sa pagdurusa.
﴿وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنْ غِسْلِينٍ﴾
at walang ukol sa kanya na pagkaing kakainin niya kundi mula sa katas ng mga katawan ng mga maninirahan sa Impiyerno.
﴿لَا يَأْكُلُهُ إِلَّا الْخَاطِئُونَ﴾
Walang kakain ng pagkaing iyon kundi ang mga nagtataglay ng mga pagkakasala at mga pagsuway.
﴿فَلَا أُقْسِمُ بِمَا تُبْصِرُونَ﴾
Sumusumpa si Allāh sa anumang nasasaksihan ninyo,
﴿وَمَا لَا تُبْصِرُونَ﴾
Sumusumpa Siya sa anumang hindi ninyo nasasaksihan.
﴿إِنَّهُ لَقَوْلُ رَسُولٍ كَرِيمٍ﴾
Tunay na ang Qur’ān ay talagang salita ni Allāh na binibigkas sa mga tao ng Sugo Niyang marangal.
﴿وَمَا هُوَ بِقَوْلِ شَاعِرٍ ۚ قَلِيلًا مَا تُؤْمِنُونَ﴾
At hindi ito sinabi ng isang manunula dahil ito ay hindi ayon sa pagkataludtod ng tula. Kakaunti ang sinasampalatayanan ninyo!
﴿وَلَا بِقَوْلِ كَاهِنٍ ۚ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ﴾
At hindi sinabi ng isang manghuhula sapagkat ang salita ng mga manghuhula ay isang bagay na naiiba sa Qur'ān na ito. Kakaunti ang isinasaalaala ninyo!
﴿تَنْزِيلٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾
Subalit ito ay isang ibinaba mula sa Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila.
﴿وَلَوْ تَقَوَّلَ عَلَيْنَا بَعْضَ الْأَقَاوِيلِ﴾
At kung sakaling nagsabi-sabi si Muḥammad laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi na hindi Namin sinabi,
﴿لَأَخَذْنَا مِنْهُ بِالْيَمِينِ﴾
talaga sanang naghiganti Kami sa kanya at dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay,
﴿ثُمَّ لَقَطَعْنَا مِنْهُ الْوَتِينَ﴾
pagkatapos ay talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat na karugtong ng puso.
﴿فَمَا مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ عَنْهُ حَاجِزِينَ﴾
Kaya walang kabilang sa inyo na isa man na magsasanggalang sa kanya kaya malayong magsabi-sabi siya laban sa Amin alang-alang sa inyo.
﴿وَإِنَّهُ لَتَذْكِرَةٌ لِلْمُتَّقِينَ﴾
At tunay na ang Qur’ān ay talagang isang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
﴿وَإِنَّا لَنَعْلَمُ أَنَّ مِنْكُمْ مُكَذِّبِينَ﴾
At tunay na Kami ay talagang nakaaalam na sa gitna ninyo ay may nagpapasinungaling sa Qur'ān na ito.
﴿وَإِنَّهُ لَحَسْرَةٌ عَلَى الْكَافِرِينَ﴾
At tunay na ang pagpapasinungaling sa Qur'ān ay talagang isang pagsisising sukdulan sa Araw ng Pagbangon.
﴿وَإِنَّهُ لَحَقُّ الْيَقِينِ﴾
At tunay na ang Qur’ān, talagang ito ay ang katotohanan ng katiyakan na walang pasubali at walang pag-aalinlangan na ito ay mula sa ganang kay Allāh.
﴿فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ﴾
Kaya magpawalang-kaugnayan ka, Sugo, sa Panginoon mo sa anumang hindi naaangkop sa Kanya at banggitin mo ang pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة الحاقة : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة الحاقة : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة الحاقة : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة الحاقة : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة الحاقة : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة الحاقة : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة الحاقة : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة الحاقة : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة الحاقة : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة الحاقة : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة الحاقة : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة الحاقة : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة الحاقة : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة الحاقة : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة الحاقة : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة الحاقة : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الحاقة : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الحاقة : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة الحاقة : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة الحاقة : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة الحاقة : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة الحاقة : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة الحاقة : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة الحاقة : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة الحاقة : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة الحاقة : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحاقة : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحاقة : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحاقة : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحاقة : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة الحاقة : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة الحاقة : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة الحاقة : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة الحاقة : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة الحاقة : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة الحاقة : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة الحاقة : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة الحاقة : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة الحاقة : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة الحاقة : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة الحاقة : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة الحاقة : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة الحاقة : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة الحاقة : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة الحاقة : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة الحاقة : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة الحاقة : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة الحاقة : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة الحاقة : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الحاقة : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الحاقة : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة الحاقة : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الحاقة : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الحاقة : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة الحاقة : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة الحاقة : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة الحاقة : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة الحاقة : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة الحاقة : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة الحاقة : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة الحاقة : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الحاقة : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الحاقة : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة الحاقة : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة الحاقة : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة الحاقة : الترجمة الصينية 中文 - الصينية