البلد

تفسير سورة البلد

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ لَا أُقْسِمُ بِهَٰذَا الْبَلَدِ﴾

Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito -

﴿وَأَنْتَ حِلٌّ بِهَٰذَا الْبَلَدِ﴾

at ikaw ay napahihintulutan sa bayang ito -

﴿وَوَالِدٍ وَمَا وَلَدَ﴾

at sa nag-anak at sa inanak niya;

﴿لَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ فِي كَبَدٍ﴾

talaga ngang lumikha Kami sa tao na nasa pagpapakahirap.

﴿أَيَحْسَبُ أَنْ لَنْ يَقْدِرَ عَلَيْهِ أَحَدٌ﴾

Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?

﴿يَقُولُ أَهْلَكْتُ مَالًا لُبَدًا﴾

Magsasabi siya: "Umubos ako ng isang tambak na yaman."

﴿أَيَحْسَبُ أَنْ لَمْ يَرَهُ أَحَدٌ﴾

Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?

﴿أَلَمْ نَجْعَلْ لَهُ عَيْنَيْنِ﴾

Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,

﴿وَلِسَانًا وَشَفَتَيْنِ﴾

isang dila, at dalawang labi?

﴿وَهَدَيْنَاهُ النَّجْدَيْنِ﴾

At nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan.

﴿فَلَا اقْتَحَمَ الْعَقَبَةَ﴾

Ngunit hindi kasi siya sumuong sa balakid.

﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا الْعَقَبَةُ﴾

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang balakid?

﴿فَكُّ رَقَبَةٍ﴾

[Ito ay] pagpapalaya sa isang alipin,

﴿أَوْ إِطْعَامٌ فِي يَوْمٍ ذِي مَسْغَبَةٍ﴾

o pagpapakain sa isang araw na may taggutom

﴿يَتِيمًا ذَا مَقْرَبَةٍ﴾

sa isang ulilang may pagkakamag-anak

﴿أَوْ مِسْكِينًا ذَا مَتْرَبَةٍ﴾

o sa isang dukhang may paghihikahos.

﴿ثُمَّ كَانَ مِنَ الَّذِينَ آمَنُوا وَتَوَاصَوْا بِالصَّبْرِ وَتَوَاصَوْا بِالْمَرْحَمَةِ﴾

Pagkatapos ay naging kabilang sa mga sumampalataya at nagtagubilinan sa pagtitiis at nagtagubilinan sa pagkaawa.

﴿أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ﴾

Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.

﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا هُمْ أَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ﴾

Ang mga tumangging sumampalataya sa tanda Namin ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.

﴿عَلَيْهِمْ نَارٌ مُؤْصَدَةٌ﴾

Sa ibabaw nila ay may Apoy na nakataklob.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: