الفجر

تفسير سورة الفجر

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالْفَجْرِ﴾

Sumpa man sa madaling-araw,

﴿وَلَيَالٍ عَشْرٍ﴾

sumpa man sa Sampung Gabi,

﴿وَالشَّفْعِ وَالْوَتْرِ﴾

sumpa man sa tukol at gansal,

﴿وَاللَّيْلِ إِذَا يَسْرِ﴾

sumpa man sa gabi kapag naglalakbay ito; [talagang bubuhayin nga kayo.]

﴿هَلْ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٌ لِذِي حِجْرٍ﴾

Sa gayon ba ay may panunumpa para sa may pang-unawa?

﴿أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ﴾

Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād,

﴿إِرَمَ ذَاتِ الْعِمَادِ﴾

ang [lipi ni] Irām na may mga haligi,

﴿الَّتِي لَمْ يُخْلَقْ مِثْلُهَا فِي الْبِلَادِ﴾

na hindi nilikha ang tulad ng mga iyon sa bayan,

﴿وَثَمُودَ الَّذِينَ جَابُوا الصَّخْرَ بِالْوَادِ﴾

at sa [liping] Thamūd na pumutol ng mga malaking bato sa lambak;

﴿وَفِرْعَوْنَ ذِي الْأَوْتَادِ﴾

at kay Paraon na may mga tulos?

﴿الَّذِينَ طَغَوْا فِي الْبِلَادِ﴾

[Silang lahat ay] ang mga nagmalabis sa bayan

﴿فَأَكْثَرُوا فِيهَا الْفَسَادَ﴾

sapagkat nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian,

﴿فَصَبَّ عَلَيْهِمْ رَبُّكَ سَوْطَ عَذَابٍ﴾

kaya nagbuhos sa kanila ang Panginoon mo ng hagupit ng pagdurusa.

﴿إِنَّ رَبَّكَ لَبِالْمِرْصَادِ﴾

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nasa pantambang.

﴿فَأَمَّا الْإِنْسَانُ إِذَا مَا ابْتَلَاهُ رَبُّهُ فَأَكْرَمَهُ وَنَعَّمَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَكْرَمَنِ﴾

Kaya tungkol naman sa tao, kapag sumubok dito ang Panginoon nito saka nagparangal dito at nagpaginhawa rito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin."

﴿وَأَمَّا إِذَا مَا ابْتَلَاهُ فَقَدَرَ عَلَيْهِ رِزْقَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَهَانَنِ﴾

At tungkol naman sa kapag sumubok Siya rito saka naghigpit Siya rito sa panustos dito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay humamak sa akin."

﴿كَلَّا ۖ بَلْ لَا تُكْرِمُونَ الْيَتِيمَ﴾

Aba’y hindi! Bagkus hindi kayo nagpaparangal sa ulila

﴿وَلَا تَحَاضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ الْمِسْكِينِ﴾

at hindi kayo naghihimukan sa pagpapakain sa dukha.

﴿وَتَأْكُلُونَ التُّرَاثَ أَكْلًا لَمًّا﴾

Lumalamon kayo ng pamana nang paglamong masidhi.

﴿وَتُحِبُّونَ الْمَالَ حُبًّا جَمًّا﴾

Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na labis.

﴿كَلَّا إِذَا دُكَّتِ الْأَرْضُ دَكًّا دَكًّا﴾

Aba’y hindi! Kapag dinurog ang lupa nang durog na durog,

﴿وَجَاءَ رَبُّكَ وَالْمَلَكُ صَفًّا صَفًّا﴾

at dumating ang Panginoon mo at ang mga anghel nang hanay-hanay,

﴿وَجِيءَ يَوْمَئِذٍ بِجَهَنَّمَ ۚ يَوْمَئِذٍ يَتَذَكَّرُ الْإِنْسَانُ وَأَنَّىٰ لَهُ الذِّكْرَىٰ﴾

at dadalhin sa Araw na iyon ang Impiyerno. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao, at paano na para sa kanya ang paalaala?

﴿يَقُولُ يَا لَيْتَنِي قَدَّمْتُ لِحَيَاتِي﴾

Magsasabi siya: "O kung sana ako ay nagpauna [ng kabutihan] para sa buhay ko."

﴿فَيَوْمَئِذٍ لَا يُعَذِّبُ عَذَابَهُ أَحَدٌ﴾

Kaya sa araw na iyon ay walang isang magpaparusa gaya ng pagpaparusa Niya,

﴿وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُ أَحَدٌ﴾

at walang isang gagapos gaya ng paggapos Niya.

﴿يَا أَيَّتُهَا النَّفْسُ الْمُطْمَئِنَّةُ﴾

"O kaluluwang napapanatag,

﴿ارْجِعِي إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةً مَرْضِيَّةً﴾

manumbalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod na kinalulugdan,

﴿فَادْخُلِي فِي عِبَادِي﴾

saka pumasok ka sa mga lingkod Ko,

﴿وَادْخُلِي جَنَّتِي﴾

at pumasok ka sa Paraiso Ko."

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: