الصافات

تفسير سورة الصافات

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالصَّافَّاتِ صَفًّا﴾

Sumumpa Siya sa mga anghel na humahanay sa pagsamba nila nang magkahanay.

﴿فَالزَّاجِرَاتِ زَجْرًا﴾

Sumumpa sa mga anghel na nagtataboy sa pagtataboy sa mga ulap at umaakay sa mga ito saanman loloobin ni Allāh para sa mga ito na pababain.

﴿فَالتَّالِيَاتِ ذِكْرًا﴾

Sumumpa sa mga anghel na bumibigkas ng salita ni Allāh.

﴿إِنَّ إِلَٰهَكُمْ لَوَاحِدٌ﴾

Tunay na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan, o mga tao, ay talagang nag-iisa na walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh.

﴿رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَرَبُّ الْمَشَارِقِ﴾

Ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, ang Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang Panginoon ng araw sa mga sinisikatan nito at mga nilulubugan nito sa kahabaan ng taon.

﴿إِنَّا زَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِزِينَةٍ الْكَوَاكِبِ﴾

Tunay na Kami ay nagpaganda sa pinakamalapit sa mga langit sa lupa ng gayak na maganda, ang mga tala na sa paningin ay gaya ng mga hiyas na nagniningning.

﴿وَحِفْظًا مِنْ كُلِّ شَيْطَانٍ مَارِدٍ﴾

Nag-ingat Kami sa langit na pinakamababa sa pamamagitan ng mga bituin laban sa bawat demonyong mapaghimagsik na lumalabas sa pagtalima upang ipambato.

﴿لَا يَسَّمَّعُونَ إِلَى الْمَلَإِ الْأَعْلَىٰ وَيُقْذَفُونَ مِنْ كُلِّ جَانِبٍ﴾

Hindi nakakakaya ang mga demonyong ito na makinig-kinig sa mga anghel sa langit kapag nagsalita sila ng ikinakasi sa kanila ng Panginoon nila na batas Niya o takda Niya. Binabato ang mga ito ng mga ningas mula sa bawat gilid

﴿دُحُورًا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ وَاصِبٌ﴾

sa isang pagtataboy sa mga ito at pagpapalayo sa pakikinig sa kanila. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit na mamamalagi nang walang pagkaputol,

﴿إِلَّا مَنْ خَطِفَ الْخَطْفَةَ فَأَتْبَعَهُ شِهَابٌ ثَاقِبٌ﴾

maliban sa sinumang nakahablot kabilang sa mga demonyo ng isang hablot. Ang hablot ay [tumutukoy sa] isang pangungusap mula sa napagsanggunian ng mga anghel at umiikot sa pagitan nila kabilang sa anumang hindi nakarating ang kaalaman nito sa mga mamamayan ng lupa. Sinusundan ang demonyo ng isang ningas na nagtatanglaw, na sumusunog doon. Marahil nagpupukol ang demonyo ng pangungusap na iyon - bago nakasunog sa kanya ang ningas - sa mga kapatid niya at nakaaabot ito sa mga manghuhula, at magsisinungaling sila kasama nito ng isang daang kasinungalingan.

﴿فَاسْتَفْتِهِمْ أَهُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَمْ مَنْ خَلَقْنَا ۚ إِنَّا خَلَقْنَاهُمْ مِنْ طِينٍ لَازِبٍ﴾

Kaya magtanong ka, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagakaila sa pagkabuhay na muli: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha, higit na malakas sa mga katawan, at higit na malaki sa mga bahagi ng katawan kaysa sa mga nilikha Namin mula sa mga langit at lupa, at sa mga anghel?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na madikit. Kaya papaano silang nagkakaila sa pagkabuhay na muli gayong sila ay mga nilikha mula sa isang nilikhang mahina, ang putik na madikit?

﴿بَلْ عَجِبْتَ وَيَسْخَرُونَ﴾

Bagkus nagtaka ka, O Muḥammad, sa kakayahan ni Allāh at pangangasiwa Niya sa mga nauukol sa nilikha Niya; at nagtaka ka sa pagpapasinungaling ng mga tagatambal sa pagkabuhay na muli habang ang mga tagatambal na ito dahil sa tindi ng pagpapasinungaling nila sa pagkabuhay na muli ay nanunuya sa sinasabi mo patungkol dito.

﴿وَإِذَا ذُكِّرُوا لَا يَذْكُرُونَ﴾

Kapag pinangaralan ang mga tagatambal na ito ng isang pangaral kabilang sa mga pangaral ay hindi sila napangangaralan at hindi sila nakikinabang dahil sa taglay nilang katigasan ng mga puso.

﴿وَإِذَا رَأَوْا آيَةً يَسْتَسْخِرُونَ﴾

Kapag nakasaksi sila ng isang tanda kabilang sa mga tanda ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - na nagpapatunay sa katapatan niya ay nagpapakalabis sila sa panunuya at pagtataka roon.

﴿وَقَالُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ﴾

Nagsasabi sila: "Walang iba itong dinala ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - kundi isang panggagaway na maliwanag.

﴿أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ﴾

Nagsabi sila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong bulok na nagkalansag-lansag, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin bilang mga buhay matapos niyon? Tunay na ito ay imposible."

﴿أَوَآبَاؤُنَا الْأَوَّلُونَ﴾

Bubuhayin ba ang mga ninuno naming sinaunang namatay bago namin?"

﴿قُلْ نَعَمْ وَأَنْتُمْ دَاخِرُونَ﴾

Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanila: "Oo; bubuhayin kayo matapos na kayo ay naging alabok at mga butong bulok at bubuhayin ang mga ninuno ninyong sinauna. Bubuhayin kayong lahat habang kayo ay mga aabahing hamak."

﴿فَإِنَّمَا هِيَ زَجْرَةٌ وَاحِدَةٌ فَإِذَا هُمْ يَنْظُرُونَ﴾

Ito ay nag-iisang ihip lamang sa tambuli (sa ikalawang pag-ihip), at biglang silang lahat ay magmamasid sa mga sindak ng Araw ng Pagbangon habang nag-aabang sa gagawin ni Allāh sa kanila.

﴿وَقَالُوا يَا وَيْلَنَا هَٰذَا يَوْمُ الدِّينِ﴾

Magsasabi ang mga tagatambal na tagapasinungaling sa pagbubuhay na muli: "O kasawian sa amin! Ito ay ang Araw ng Pagganting gaganti roon si Allāh sa mga lingkod Niya dahil sa ipinauna nilang gawa sa buhay nilang pangmundo."

﴿هَٰذَا يَوْمُ الْفَصْلِ الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ﴾

Sasabihin sa kanila: "Ito ay ang Araw ng Paghuhusga sa pagitan ng mga tao na kayo noon dito ay nagkakaila nito at nagpapasinungaling dito sa Mundo.

﴿۞ احْشُرُوا الَّذِينَ ظَلَمُوا وَأَزْوَاجَهُمْ وَمَا كَانُوا يَعْبُدُونَ﴾

22.-23.
Sasabihin sa mga anghel sa Araw na iyon: "Tipunin ninyo ang mga tagatambal na tagalabag sa katarungan dahil sa shirk nila mismo, ang mga kawangis nila sa shirk at ang mga tagakampi sa kanila sa pagpapasinungaling, at ang mga diyus-diyusang dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh, at saka ipakilala ninyo sila sa daan ng Apoy, ituro ninyo sa kanila iyon, at akayin ninyo sila roon sapagkat tunay na iyon ay ang kahahantungan nila.

﴿مِنْ دُونِ اللَّهِ فَاهْدُوهُمْ إِلَىٰ صِرَاطِ الْجَحِيمِ﴾

22.-23.
Sasabihin sa mga anghel sa Araw na iyon: "Tipunin ninyo ang mga tagatambal na tagalabag sa katarungan dahil sa shirk nila mismo, ang mga kawangis nila sa shirk at ang mga tagakampi sa kanila sa pagpapasinungaling, at ang mga diyus-diyusang dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh, at saka ipakilala ninyo sila sa daan ng Apoy, ituro ninyo sa kanila iyon, at akayin ninyo sila roon sapagkat tunay na iyon ay ang kahahantungan nila.

﴿وَقِفُوهُمْ ۖ إِنَّهُمْ مَسْئُولُونَ﴾

Ikulong ninyo sila para sa pagtutuos bago ng pagpapasok sa kanila sa Impiyerno sapagkat tunay na sila ay mga tatanungin. Pagkatapos matapos niyon ay akayin ninyo sila patungo sa Apoy."

﴿مَا لَكُمْ لَا تَنَاصَرُونَ﴾

Sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Ano ang nangyayari sa inyo na hindi nag-aadya ang isa't isa sa inyo kung paanong kayo dati sa Mundo ay nag-aadyaan at nag-aangking ang mga diyus-diyusan ninyo ay nag-aadya sa inyo?"

﴿بَلْ هُمُ الْيَوْمَ مُسْتَسْلِمُونَ﴾

Bagkus sila sa Araw na iyon ay mga magpapaakay sa utos ni Allāh, na mga hamak. Hindi mag-aadya ang isa't isa sa kanila dahil sa kawalang-kakayahan nila at kakauntian ng pamamaraan nila.

﴿وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ﴾

Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nag-aalitan kapag hindi magpapakinabang ang pagsisihan at ang pag-aalitan.

﴿قَالُوا إِنَّكُمْ كُنْتُمْ تَأْتُونَنَا عَنِ الْيَمِينِ﴾

Magsasabi ang mga tagasunod sa mga sinusunod: "Tunay na kayo, O malalaking tao namin, ay pumupunta noon sa amin mula sa panig ng relihiyon at katotohanan kaya nagpapaakit kayo sa amin sa kawalang-pananampalataya at pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway at nagpapaayaw kayo sa amin sa katotohanang dinala ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh."

﴿قَالُوا بَلْ لَمْ تَكُونُوا مُؤْمِنِينَ﴾

Magsasabi ang mga sinunod sa mga tagasunod: Ang usapin ay hindi gaya ng hinaka-haka ninyo. Bagkus kayo noon ay nasa kawalang-pananampalataya at kayo noon ay hindi mga mananampalataya, bagkus kayo noon ay mga tagakaila.

﴿وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيْكُمْ مِنْ سُلْطَانٍ ۖ بَلْ كُنْتُمْ قَوْمًا طَاغِينَ﴾

Hindi kami nagkaroon sa inyo, o mga tagasunod, ng anumang pangingibabaw sa pamamagitan ng panggagapi o pananaig para makapagsadlak kami sa inyo sa kawalang-pananampalataya, shirk, at paggawa ng mga pagsuway; bagkus kayo noon ay mga taong lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.

﴿فَحَقَّ عَلَيْنَا قَوْلُ رَبِّنَا ۖ إِنَّا لَذَائِقُونَ﴾

Kaya kinailangan sa amin at sa inyo ang banta ni Allāh sa sabi Niya (Qur'ān 38:85): 'talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa iyo at mula sa sinumang sumunod sa iyo mula sa kanila nang magkakasama!' Dahil doon, tunay na tayo ay mga lalasap - walang pasubali - ng ibinanta ng Panginoon natin.

﴿فَأَغْوَيْنَاكُمْ إِنَّا كُنَّا غَاوِينَ﴾

Kaya nag-anyaya kami sa inyo sa pagkaligaw at kawalang-pananampalataya; tunay na kami noon ay mga nalilisya sa daan ng patnubay."

﴿فَإِنَّهُمْ يَوْمَئِذٍ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ﴾

Kaya tunay na ang mga tagasunod at ang mga sinusunod ay nasa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, na mga nakikilahok.

﴿إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِالْمُجْرِمِينَ﴾

Tunay na Kami, gaya ng ginawa Namin sa mga ito na pagpapalasap ng pagdurusa, ay gagawa ng gayon sa mga tagasalansang kabilang sa mga iba pa.

﴿إِنَّهُمْ كَانُوا إِذَا قِيلَ لَهُمْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا اللَّهُ يَسْتَكْبِرُونَ﴾

Tunay na ang mga tagatambal na ito noon, kapag sinabi sa kanila sa Mundo [ang adhikaing] walang Diyos kundi si Allāh para gawin ang kahilingan nito at iwan ang sumasalungat dito, ay tumatanggi sa pagtugon para roon at pagpapasakop para roon dala ng pagmamalaki sa katotohanan at pagmamataas dito.

﴿وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُو آلِهَتِنَا لِشَاعِرٍ مَجْنُونٍ﴾

Nagsasabi sila habang mga nangangatwiran para sa kawalang-pananampalataya nila: "Mag-iiwan ba kami sa pagsamba sa mga diyos namin dahil sa sabi ng isang manunulang baliw?" Tinutukoy nila sa sabi nila itong Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.

﴿بَلْ جَاءَ بِالْحَقِّ وَصَدَّقَ الْمُرْسَلِينَ﴾

Talaga ngang pinalaki nila ang paninirang-puri sapagkat hindi nangyaring ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay isang baliw ni isang manunula. Bagkus naghatid siya ng Qur'ān na nag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsunod sa Sugo Niya. Nagpatotoo siya sa mga isinugo hinggil sa dinala nila mula sa ganang kay Allāh na paniniwala sa kaisahan Niya at pagpapatibay sa Kabilang-buhay. Hindi siya sumalungat sa kanila sa anuman.

﴿إِنَّكُمْ لَذَائِقُو الْعَذَابِ الْأَلِيمِ﴾

Tunay na kayo, O mga tagatambal, ay talagang mga lalasap ng pagdurusang nakasasakit sa Araw ng Pagbangon dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo.

﴿وَمَا تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Hindi kayo gagantihan, o mga tagatambal, maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway.

﴿إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ﴾

Subalit ang mga lingkod ni Allāh na mga mananampalataya na mga itinangi ni Allāh dahil sa pagsamba sa Kanya, at nagtangi para kay Allāh ng pagsamba, ay nasa pagliligtasan mula sa pagdurusang ito.

﴿أُولَٰئِكَ لَهُمْ رِزْقٌ مَعْلُومٌ﴾

Ang mga lingkod na itinanging iyon, ukol sa kanila ay isang panustos na itutustos ni Allāh, na nalalaman sa pagkakaaya-aya nito, kagandahan nito, at pamamalagi nito.

﴿فَوَاكِهُ ۖ وَهُمْ مُكْرَمُونَ﴾

Kabilang sa pagtustos na ito ay na sila ay tutustusan ng mga bungang-kahoy mula sa pinakakaaya-aya sa kinakain nila at ninanasa nila habang sila higit pa roon ay mga pinararangalan sa pamamagitan ng pag-aangat sa mga antas at sa pamamagitan ng pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh.

﴿فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ﴾

Lahat ng iyon ay matatamo nila sa mga hardin ng ginhawang mananatiling mamamalaging hindi napuputol at hindi maaalis.

﴿عَلَىٰ سُرُرٍ مُتَقَابِلِينَ﴾

Sasandig sila sa mga trono na mga magkakaharap, na nakatingin sila sa isa't isa sa kanila.

﴿يُطَافُ عَلَيْهِمْ بِكَأْسٍ مِنْ مَعِينٍ﴾

Magpapaikot sa kanila ng mga kopa ng alak na sa kadalisayan nito ay gaya ng tubig na dumadaloy,

﴿بَيْضَاءَ لَذَّةٍ لِلشَّارِبِينَ﴾

na maputi ang kulay, na masasarapan sa pag-inom nito ang sinumang iinom nito sa kasarapang ganap.

﴿لَا فِيهَا غَوْلٌ وَلَا هُمْ عَنْهَا يُنْزَفُونَ﴾

Hindi ito gaya ng alak ng Mundo sapagkat wala ritong nakapag-aalis ng mga pag-iisip dahil sa kalasingan at hindi dinadapuan ang manginginom nito ng sakit ng ulo. Maliligtas para sa umiinom nito ang katawan niya at ang pag-iisip niya.

﴿وَعِنْدَهُمْ قَاصِرَاتُ الطَّرْفِ عِينٌ﴾

Sa piling nila sa Paraiso ay may mga maybahay na mabini, na hindi umaabot ang mga pagtingin nila sa iba pa sa mga asawa nila, na mga maganda ang mga mata,

﴿كَأَنَّهُنَّ بَيْضٌ مَكْنُونٌ﴾

na para bang sila, sa kaputian ng mga kulay nilang nahahaluan ng kadilawan ay mga itlog ng ibong pinangangalagaan, na hindi nasaling ng mga kamay.

﴿فَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ﴾

Kaya lalapit ang mga mamamayan ng Paraiso sa iba pa habang nagtatanungan tungkol sa nakaraan nila at nangyari sa kanila sa Mundo.

﴿قَالَ قَائِلٌ مِنْهُمْ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٌ﴾

Sasabihin ng isang magsasabi kabilang sa mga mananampalatayang ito: "Tunay na ako noon ay may isang kasamahan sa Mundo, na nagkakaila sa pagbubuhay na muli.

﴿يَقُولُ أَإِنَّكَ لَمِنَ الْمُصَدِّقِينَ﴾

na nagsasabi sa akin habang nagkakaila at nanunuya: Ikaw ba, O kaibigan, ay kabilang sa mga tagapatotoo sa pagbubuhay na muli sa mga patay?

﴿أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَدِينُونَ﴾

Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong nabukbok, tunay bang kami ay talagang mga bubuhaying muli na gagantihan sa mga gawa namin na ginawa namin sa Mundo?"

﴿قَالَ هَلْ أَنْتُمْ مُطَّلِعُونَ﴾

Magsasabi ang kapisan niyong mananampalataya sa mga kasamahan nito kabilang sa mga mamamayan ng Paraiso: "Tumingin kayo kasama sa akin upang makita natin ang kinahinatnan ng kapisang iyon na dating nagkakaila sa pagbubuhay na muli?"

﴿فَاطَّلَعَ فَرَآهُ فِي سَوَاءِ الْجَحِيمِ﴾

Kaya titingin ito mismo at makikita nito ang kapisan nito sa gitna ng Impiyerno.

﴿قَالَ تَاللَّهِ إِنْ كِدْتَ لَتُرْدِينِ﴾

Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalapit ka, O kapisan, na magpasawi sa akin sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy dahil sa pag-anyaya mo sa akin sa kawalang-pananampalataya at pagkakaila sa pagbubuhay na muli.

﴿وَلَوْلَا نِعْمَةُ رَبِّي لَكُنْتُ مِنَ الْمُحْضَرِينَ﴾

Kung hindi dahil sa pagbiyaya ni Allāh sa akin sa pamamagitan ng pagpatnubay sa pananampalataya at pagtutuon dito, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin sa pagdurusa tulad mo.

﴿أَفَمَا نَحْنُ بِمَيِّتِينَ﴾

Kaya hindi tayo, mga naninirahan sa Paraiso, mga namatay,

﴿إِلَّا مَوْتَتَنَا الْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ﴾

bukod pa sa pagkamatay nating una sa buhay na pangmundo? Bagkus tayo ay mga mananatili sa Paraiso at hindi tayo mga pagdurusahin kung papaanong pinagdurusa ang mga tagatangging sumampalataya."

﴿إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾

Tunay na itong iginanti sa atin ng Panginoon natin na pagpasok sa Hardin, pananatili rito, at kaligtasan mula sa Apoy ay talagang ang pagkakamit na sukdulan na walang pagkakamit na nakapapantay dito.

﴿لِمِثْلِ هَٰذَا فَلْيَعْمَلِ الْعَامِلُونَ﴾

Para sa tulad ng ganting sukdulang ito ay kinakailangang gumawa ang mga tagagawa sapagkat tunay na ito ay ang pangangalakal na tumutubo.

﴿أَذَٰلِكَ خَيْرٌ نُزُلًا أَمْ شَجَرَةُ الزَّقُّومِ﴾

Ang ginhawang nabanggit na iyon ba, na inihanda ni Allāh para sa mga lingkod Niya na itinangi Niya dahil sa pagtalima sa Kanya, ay higit na mabuti at higit na mainam bilang isang tinitigilan at isang parangal o ang puno ng zaqqūm na isinumpa sa Qur'ān, na pagkain ng mga tagatangging sumampalataya, na hindi nakatataba ni nakasasapat para sa gutom?

﴿إِنَّا جَعَلْنَاهَا فِتْنَةً لِلظَّالِمِينَ﴾

Tunay na Kami ay gumawa sa punong-kahoy na ito bilang isang pagsubok na ipansusubok sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway yayamang nagsabi sila: "Tunay na ang Apoy ay kakain sa mga punong-kahoy kaya hindi maaaring tumubo ang mga ito roon."

﴿إِنَّهَا شَجَرَةٌ تَخْرُجُ فِي أَصْلِ الْجَحِيمِ﴾

Tunay na ang puno ng zaqqūm ay isang punong-kahoy na karima-rimarim ang tinutubuan sapagkat ito ay lumalabas sa kailaliman ng Impiyerno.

﴿طَلْعُهَا كَأَنَّهُ رُءُوسُ الشَّيَاطِينِ﴾

Ang mga bunga nitong lumalabas mula rito ay kasuklam-suklam ang anyo, na para bang ang mga iyon ay mga ulo ng demonyo. Ang kapangitan ng anyo ay patunay sa kapangitan ng pinatutungkulan. Ito ay nangangahulugang ang mga bunga nito ay karima-rimarim ang lasa.

﴿فَإِنَّهُمْ لَآكِلُونَ مِنْهَا فَمَالِئُونَ مِنْهَا الْبُطُونَ﴾

Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay talagang mga kakain mula sa mga bunga nitong mapait na pangit, at mga pupuno mula rito ng mga tiyan nilang hungkag.

﴿ثُمَّ إِنَّ لَهُمْ عَلَيْهَا لَشَوْبًا مِنْ حَمِيمٍ﴾

Pagkatapos tunay na sila, matapos ng pagkain nila mula rito, ukol sa kanila ay isang inuming hinaluan, na pangit, na mainit.

﴿ثُمَّ إِنَّ مَرْجِعَهُمْ لَإِلَى الْجَحِيمِ﴾

Pagkatapos tunay na ang panunumbalik nila matapos niyon ay talagang sa pagdurusa sa Impiyerno sapagkat sila ay lilipat mula sa isang pagdurusa patungo sa isang pagdurusa.

﴿إِنَّهُمْ أَلْفَوْا آبَاءَهُمْ ضَالِّينَ﴾

Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay nakasumpong sa mga magulang nila na mga naliligaw sa daan ng kapatnubayan kaya tumulad sila sa mga iyon bilang paggaya-gaya hindi ayon sa katwiran.

﴿فَهُمْ عَلَىٰ آثَارِهِمْ يُهْرَعُونَ﴾

Kaya sila ay sumusunod sa mga bakas ng mga magulang nila sa kaligawan habang mga nagmamadali.

﴿وَلَقَدْ ضَلَّ قَبْلَهُمْ أَكْثَرُ الْأَوَّلِينَ﴾

Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna, kaya ang mga kababayan mo, O Sugo, ay hindi ang una sa mga naligaw na mga kalipunan.

﴿وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا فِيهِمْ مُنْذِرِينَ﴾

Talaga ngang nagsugo Kami sa gitna ng mga kalipunang sinaunang iyon ng mga sugong nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh ngunit tumanggi silang sumampalataya.

﴿فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُنْذَرِينَ﴾

Kaya magmasid ka, O Sugo, kung papaano naging ang wakas ng mga taong binalaan ng mga sugo nila ngunit hindi sila tumugon sa mga iyon. Tunay na ang wakas nila ay ang pagpasok sa Apoy bilang mga mananatili roon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila sa mga sugo nila,

﴿إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ﴾

maliban sa mga itinangi ni Allāh sa pananampalataya sa Kanya sapagkat tunay na sila ay mga maliligtas mula sa pagdurusa na siyang magiging wakas ng mga tagapasinungaling na mga tagatangging sumampalataya.

﴿وَلَقَدْ نَادَانَا نُوحٌ فَلَنِعْمَ الْمُجِيبُونَ﴾

Talaga ngang dumalangin sa Amin ang propeta Naming si Noe - sumakanya ang pangangalaga - nang nag-anyaya siya sa mga kababayan niya na nagpasinungaling sa kanya, at talagang kay inam Kami, ang Tagatugon, sapagkat nagdali-dali Kami sa pagtugon sa panalangin niya laban sa kanila.

﴿وَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ﴾

Talagang nagpaligtas Kami sa kanya, sa mag-anak niya, at sa mga mananampalataya kasama sa kanya mula sa pananakit ng mga kababayan niya at mula sa pagkalunod sa gunaw na sukdulan, na ipinadala sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya.

﴿وَجَعَلْنَا ذُرِّيَّتَهُ هُمُ الْبَاقِينَ﴾

Nagligtas Kami sa mag-anak niya at mga tagasunod niyang mga mananampalataya - tanging sa kanila - sapagkat nilunod Namin ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.

﴿وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ﴾

Nagpaiwan Kami para sa kanya sa mga kalipunang sumunod ng magandang pagbubunyi na nagbubunyi sila sa pamamagitan nito sa kanya.

﴿سَلَامٌ عَلَىٰ نُوحٍ فِي الْعَالَمِينَ﴾

Katiwasayan at kapayapaan ay ukol kay Noe na may sabihin hinggil sa kanya na kasagwaan sa mga kalipunang kasunod, bagkus mananatili para sa kanya ang pagbubunyi at ang pagbanggit na maganda.

﴿إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ﴾

Tunay na tulad ng ganting ito na iginanti Namin kay Noe - sumakanya ang pangangalaga - ay igaganti Namin sa mga tagagawa ng maganda dahil sa pagsamba nila at pagtalima nila kay Allāh - tanging sa Kanya.

﴿إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ﴾

Tunay na si Noe ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya na gumagawa ng pagtalima kay Allāh.

﴿ثُمَّ أَغْرَقْنَا الْآخَرِينَ﴾

Pagkatapos ay lumunod Kami sa mga naiwan sa pamamagitan ng gunaw na ipinadala Namin sa kanila, kaya walang natira mula sa kanila na isa man.

﴿۞ وَإِنَّ مِنْ شِيعَتِهِ لَإِبْرَاهِيمَ﴾

Tunay na si Abraham ay kabilang sa mga alagad ng relihiyon niya, na mga sumang-ayon sa kanya sa pag-aanyaya niya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.

﴿إِذْ جَاءَ رَبَّهُ بِقَلْبٍ سَلِيمٍ﴾

Kaya banggitin mo nang dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis mula sa shirk, na nagpapayo alang-alang kay Allāh sa nilikha Niya,

﴿إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَاذَا تَعْبُدُونَ﴾

nang nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niyang mga tagatambal habang nanunumbat sa kanila: "Ano ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh?"

﴿أَئِفْكًا آلِهَةً دُونَ اللَّهِ تُرِيدُونَ﴾

Mga diyos na pinasinungalingan ba ay sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh?

﴿فَمَا ظَنُّكُمْ بِرَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

Kaya ano ang palagay ninyo, O mga kababayan, sa Panginoon ng mga nilalang kapag nakipagkita kayo sa Kanya habang kayo ay sumasamba sa iba pa sa kanya? Ano sa tingin ninyo ang gagawin sa inyo?"

﴿فَنَظَرَ نَظْرَةً فِي النُّجُومِ﴾

Kaya tumingin si Abraham nang isang tingin sa mga bituin, habang nagpapanukala ng isang pakana para sa pagwawaksi ng paglabas kasama sa mga kababayan niya.

﴿فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٌ﴾

at saka nagsabi habang nagdadahilan ng paglabas kasama sa mga kababayan niya patungo sa pagdiriwang nila: "Tunay na ako ay maysakit."

﴿فَتَوَلَّوْا عَنْهُ مُدْبِرِينَ﴾

Kaya iniwan nila siya sa likuran nila at umalis.

﴿فَرَاغَ إِلَىٰ آلِهَتِهِمْ فَقَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ﴾

Kaya kumiling siya sa mga diyos nilang sinasamba nila bukod pa kay Allāh at nagsabi habang nanunuya sa mga diyos nila: "Hindi ba kayo kumakain ng pagkain na ginagawa ng mga tagatambal para sa inyo?

﴿مَا لَكُمْ لَا تَنْطِقُونَ﴾

Ano ang lagay ninyo na hindi kayo nagsasalita at hindi kayo sumasagot sa nagtatanong sa inyo? Ang tulad ba nito ay sinasamba bukod pa kay Allāh?"

﴿فَرَاغَ عَلَيْهِمْ ضَرْبًا بِالْيَمِينِ﴾

Kumiling laban sa kanila si Abraham habang humahampas sa kanila ng kanang kamay niya upang basagin sila.

﴿فَأَقْبَلُوا إِلَيْهِ يَزِفُّونَ﴾

Kaya lumapit patungo sa kanya ang mga mananamba ng mga diyus-diyusang ito, na nagmamadali.

﴿قَالَ أَتَعْبُدُونَ مَا تَنْحِتُونَ﴾

Kaya humarap sa kanila si Abraham nang may katatagan at nagsabi sa kanila habang naninisi sa kanila: "Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa mga diyos na kayo ang lumilok ng mga kamay ninyo

﴿وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ وَمَا تَعْمَلُونَ﴾

samantalang si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay lumikha sa inyo mismo at lumikha sa gawa ninyo, na kabilang sa gawa ninyo itong mga diyus-diyusan, sapagkat Siya ang karapat-dapat na sambahin - tanging Siya - at hindi Siya tambalan ng iba pa sa Kanya?"

﴿قَالُوا ابْنُوا لَهُ بُنْيَانًا فَأَلْقُوهُ فِي الْجَحِيمِ﴾

Noong nawalang-kakayahan sila sa pakikipagtunggali sa kanya sa pamamagitan ng katwiran, gumamit sila ng lakas. Nagsanggunian sila sa gitna nila hinggil sa gagawin nila kay Abraham. Nagsabi sila: "Magpatayo kayo para sa kanya ng isang gusali, punuin ninyo iyon ng kahoy na panggatong, pagningasin ninyo iyon, at pagkatapos ay itapon ninyo siya roon."

﴿فَأَرَادُوا بِهِ كَيْدًا فَجَعَلْنَاهُمُ الْأَسْفَلِينَ﴾

Nagnais ang mga kababayan ni Abraham kay Abraham ng kasagwaan sa pamamagitan ng pagpapasawi sa kanya para makapagpahinga sila sa kanya, ngunit gumawa Kami sa kanila bilang mga lugi nang gumawa Kami sa apoy sa kanya bilang kalamigan at kaligtasan.

﴿وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهْدِينِ﴾

Nagsabi si Abraham: "Tunay na ako ay lilikas sa Panginoon ko habang iniiwan ang bayan ng mga kababayan upang makapagsagawa ako ng pagsamba sa Kanya; gagabay sa akin ang Panginoon ko sa naroon ang kabutihan para sa akin sa Mundo at Kabilang-buhay.

﴿رَبِّ هَبْ لِي مِنَ الصَّالِحِينَ﴾

O Panginoon ko, tumustos ka sa akin ng anak na maayos na magiging isang tulong at pamalit para sa akin sa mga kababayan ko dahil sa pagkakalayo sa bayang tinubuan."

﴿فَبَشَّرْنَاهُ بِغُلَامٍ حَلِيمٍ﴾

Kaya tumugon Kami sa kanya sa panalangin niya at nagpabatid Kami sa kanya ng ikagagalak niya yamang nagbalita Kami sa kanya hinggil sa isang anak na lalaki at magiging matimpiin. Ang anak na ito ay si Ismael - sumakanya ang pangangalaga.

﴿فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ السَّعْيَ قَالَ يَا بُنَيَّ إِنِّي أَرَىٰ فِي الْمَنَامِ أَنِّي أَذْبَحُكَ فَانْظُرْ مَاذَا تَرَىٰ ۚ قَالَ يَا أَبَتِ افْعَلْ مَا تُؤْمَرُ ۖ سَتَجِدُنِي إِنْ شَاءَ اللَّهُ مِنَ الصَّابِرِينَ﴾

Kaya noong nagbinata si Ismael at nakaabot ang pagpupunyagi nito sa pagpupunyagi ng ama nito, nanaginip ang ama nitong si Abraham ng isang panaginip. Ang panaginip ng mga propeta ay rebelasyon. Nagsabi si Abraham habang nagpapabatid sa anak niya tungkol sa katuturan ng panaginip na ito: "O munting anak ko, tunay na ako ay nakakita sa panaginip na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang naiisip mo hinggil doon." Kaya sumagot si Ismael sa ama niya habang nagsasabi: "O ama ko, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo ni Allāh na pagkakatay sa akin. Matatagpuan mo po ako kabilang sa mga nagtitiis na nalulugod sa kahatulan ni Allāh."

﴿فَلَمَّا أَسْلَمَا وَتَلَّهُ لِلْجَبِينِ﴾

Kaya noong nagpasakop silang dalawa kay Allāh at nagpaakay silang dalawa sa Kanya, inilapag ni Abraham ang anak niya sa tagiliran ng noo nito upang tuparin ang ipinag-utos sa kanya na pag-aalay rito.

﴿وَنَادَيْنَاهُ أَنْ يَا إِبْرَاهِيمُ﴾

Nanawagan Kami kay Abraham habang siya ay nagbabalak ng pagpapatupad sa utos ni Allāh na pagkakatay sa anak niya: "O Abraham,

﴿قَدْ صَدَّقْتَ الرُّؤْيَا ۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ﴾

Nagpatotoo ka nga sa panaginip na nakita mo sa pagtulog mo sa pamamagitan ng pagtitika mo sa pagkatay sa anak mo. Tunay na Kami - kung paanong gumanti sa iyo sa pamamagitan ng pagpapaalpas sa iyo mula sa sukdulang pagsusulit na ito - ay gaganti sa mga tagagawa ng maganda para magpaalpas Kami sa kanila mula sa mga pagsusulit at mga kasawiangpalad."

﴿إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْبَلَاءُ الْمُبِينُ﴾

Tunay na ito ay talagang ang pagsisiyasat na maliwanag. Nakapasa nga si Abraham dito.

﴿وَفَدَيْنَاهُ بِذِبْحٍ عَظِيمٍ﴾

Tumubos Kami kay Ismael ng isang tupang dakila bilang isang pamalit sa kanya, na kakatayin kapalit sa kanya.

﴿وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ﴾

Nagpamalagi Kami para kay Abraham ng pagbubunying maganda sa mga kalipunang kasunod.

﴿سَلَامٌ عَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ﴾

Pagbati mula kay Allāh sa kanya at panawagan ng kaligtasan mula sa bawat pinsala at kasiraan.

﴿كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ﴾

Kung paanong gumanti Kami kay Abraham ng ganting ito dahil sa pagtalima niya, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda.

﴿إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ﴾

Tunay na si Abraham ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya na tumupad sa hinihiling ng pagkaalipin kay Allāh.

﴿وَبَشَّرْنَاهُ بِإِسْحَاقَ نَبِيًّا مِنَ الصَّالِحِينَ﴾

Nagbalita Kami sa kanya ng nakalulugod hinggil sa isa pang anak na magiging isang propeta at isang lingkod na maayos, si Isaac, bilang isang ganti sa pagtalima niya kay Allāh sa pag-aalay kay Ismael, ang anak niyang kaisa-isa noon.

﴿وَبَارَكْنَا عَلَيْهِ وَعَلَىٰ إِسْحَاقَ ۚ وَمِنْ ذُرِّيَّتِهِمَا مُحْسِنٌ وَظَالِمٌ لِنَفْسِهِ مُبِينٌ﴾

Nagpababa Kami sa kanya at sa anak niyang si Isaac ng isang pagpapala mula sa amin. Nagparami Kami para sa kanilang dalawa ng mga biyaya. Kabilang sa mga ito ang pagpaparami sa mga anak nilang dalawa. Kabilang sa supling nilang dalawa ay tagagawa ng maganda dahil sa pagtalima nito sa Panginoon nito. Kabilang sa kanila ay tagalabag sa katarungan sa sarili nito dahil sa kawalang pananampalataya, at ang paggawa ng mga pagsuway ay maliwanag na kawalang-katarungan.

﴿وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَارُونَ﴾

Talagang nagmagandang-loob Kami ng pagkapropeta kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron.

﴿وَنَجَّيْنَاهُمَا وَقَوْمَهُمَا مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ﴾

Nagpaligtas Kami sa kanilang dalawa at sa mag-anak nilang dalawa, ang mga anak ni Israel, mula sa pang-aalipin ni Paraon sa kanila at mula sa pagkalunod.

﴿وَنَصَرْنَاهُمْ فَكَانُوا هُمُ الْغَالِبِينَ﴾

Nag-adya Kami sa kanila laban kay Paraon at sa mga kawal nito, kaya ang pananaig ay naging ukol sa kanila laban sa kaaway nila.

﴿وَآتَيْنَاهُمَا الْكِتَابَ الْمُسْتَبِينَ﴾

Nagbigay Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron ng Torah bilang isang kasulatan mula sa ganang kay Allāh, na maliwanag na walang pagkalito rito.

﴿وَهَدَيْنَاهُمَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ﴾

Nagpatnubay Kami sa kanilang dalawa sa landasing tuwid na walang kabaluktutan dito, ang daan ng relihiyong Islām na nagpaparating sa kaluguran ng Tagalikha - kaluwalhatian sa Kanya.

﴿وَتَرَكْنَا عَلَيْهِمَا فِي الْآخِرِينَ﴾

Nagpamalagi Kami para sa kanilang dalawa ng pagbubunyi at pagbanggit na kaaya-aya sa mga kalipunang kasunod.

﴿سَلَامٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَارُونَ﴾

Pagbating kaaya-aya mula kay Allāh para sa kanila, pagbubunyi sa kanilang dalawa, at panawagan ng kaligtasan mula sa bawat kinasusuklaman.

﴿إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ﴾

Tunay na kung paanong gumanti Kami kina Moises at Aaron ng magandang ganting ito, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda sa pamamagitan ng pagtalima nila sa Panginoon nila.

﴿إِنَّهُمَا مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ﴾

Tunay na sina Moises at Aaron ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya kay Allāh, na mga tagagawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila.

﴿وَإِنَّ إِلْيَاسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ﴾

Tunay na si Elias ay talagang kabilang sa mga isinugo mula sa Panginoon niya. Nagbiyaya si Allāh sa kanya ng pagkapropeta at pagkasugo

﴿إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَلَا تَتَّقُونَ﴾

noong nagsabi siya sa mga kalipi niya na isinugo siya sa kanila kabilang sa mga anak ni Israel: "O mga kalipi ko, hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya - na kabilang sa mga ito ang paniniwala sa kaisahan [Niya] - at pag-iwas sa mga sinasaway Niya - na kabilang sa mga ito ang pagtatambal sa [Kanya]?

﴿أَتَدْعُونَ بَعْلًا وَتَذَرُونَ أَحْسَنَ الْخَالِقِينَ﴾

Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa diyus-diyusan ninyong si Baal at nag-iiwan kayo sa pagsamba kay Allāh, na pinakamagaling sa mga tagalikha,

﴿اللَّهَ رَبَّكُمْ وَرَبَّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ﴾

Si Allāh ay ang Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at lumikha sa mga ninuno ninyo noong una, kaya Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba, hindi ang iba pa sa Kanya na mga diyus-diyusang hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala."

﴿فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ﴾

Ngunit walang nangyari mula sa mga kababayan niya malibang nagpasinungaling sila sa kanya at dahilan sa pagpapasinungaling nila, sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa],

﴿إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ﴾

maliban sa sinumang kabilang sa mga kalipi niya na naging mananampalatayang nagtatangi para kay Allāh sa pagsamba sa Kanya sapagkat tunay na ito ay maliligtas sa pagpapadalo sa pagdurusa.

﴿وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ﴾

Nagpamalagi Kami para sa kanya ng pagbubunyi at pagbanggit na kaaya-aya sa mga kalipunang kasunod.

﴿سَلَامٌ عَلَىٰ إِلْ يَاسِينَ﴾

Pagbati mula kay Allāh at pagbubunyi ay kay Elias.

﴿إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ﴾

Tunay na kung paanong gumanti Kami kay Elias ng magandang ganting ito, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.

﴿إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ﴾

Tunay na si Elias ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya nang totohanan, na tapat sa pananampalataya nila sa Panginoon nila.

﴿وَإِنَّ لُوطًا لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ﴾

Tunay na si Lot ay talagang kabilang sa mga sugo ni Allāh na isinugo Niya sa mga tao nila bilang mga tagabalita ng nakagagalak at mga tagababala,

﴿إِذْ نَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ أَجْمَعِينَ﴾

Kaya banggitin mo nang nagpaligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya sa kabuuan nila mula sa pagdurusang ipinadala sa mga kababayan niya,

﴿إِلَّا عَجُوزًا فِي الْغَابِرِينَ﴾

maliban sa maybahay niya sapagkat ito noon ay isang babaing nasaklawan ng pagdurusa ng mga kalipi nito dahil sa ito noon ay isang tagatangging sumampalataya tulad nila.

﴿ثُمَّ دَمَّرْنَا الْآخَرِينَ﴾

Pagkatapos ay nagpasawi Kami sa mga nagpaiwan kabilang sa mga kababayan niya kabilang sa mga nagpasinungaling sa kanya at hindi nagpatotoo sa dinala niya.

﴿وَإِنَّكُمْ لَتَمُرُّونَ عَلَيْهِمْ مُصْبِحِينَ﴾

Tunay na kayo, O mga mamayan ng Makkah, ay talagang nagdaraan sa mga yugto sa mga paglalakbay ninyo patungo sa Sirya sa oras ng umaga

﴿وَبِاللَّيْلِ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ﴾

at nagdaraan kayo sa mga iyon, gayon din, sa gabi. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa at napangangaralan ng kinauwian ng lagay nila matapos ng pagpapasinungaling nila, kawalang-pananampalataya nila, at paggawa nila ng mahalay na hindi sila naunahan doon?

﴿وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ﴾

Tunay na ang lingkod na si Lot ay talagang kabilang sa mga sugo ni Allāh na isinugo Niya sa mga tao nila bilang mga tagabalita ng nakagagalak at mga tagababala,

﴿إِذْ أَبَقَ إِلَى الْفُلْكِ الْمَشْحُونِ﴾

noong tumakas mula sa mga tao niya nang walang pahintulot ng Panginoon niya at sumakay siya sa isang daong na puno ng mga pasahero at mga bagahe.

﴿فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ الْمُدْحَضِينَ﴾

Kaya halos ang daong ay malunod dahil sa pagkakapuno nito, kaya nagpalabunutan ang mga pasahero upang itapon ang iba sa kanila dala ng pangamba sa pagkalunod ng daong dahilan sa dami ng mga pasahero. Si Jonas ay kabilang sa mga nadaig na ito kaya itinapon nila siya sa dagat.

﴿فَالْتَقَمَهُ الْحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٌ﴾

Kaya noong itinapon nila siya sa dagat ay kinuha siya ng isda at nilunok nito habang siya ay nagdadala ng isinisisi sa kanya dahil sa pagpunta niya sa dagat nang walang pahintulot ng Panginoon niya.

﴿فَلَوْلَا أَنَّهُ كَانَ مِنَ الْمُسَبِّحِينَ﴾

Kaya kung hindi dahil sa si Jonas ay nangyaring kabilang sa mga tagabanggit kay Allāh nang madalas bago ng dumapo sa kanya, at kung hindi dahil sa pagluluwalhati niya sa loob ng tiyan ng isda,

﴿لَلَبِثَ فِي بَطْنِهِ إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ﴾

talaga sanang nanatili siya sa tiyan ng isda hanggang sa Araw ng Pagbangon kung saan ito ay magiging isang libingan para sa kanya.

﴿۞ فَنَبَذْنَاهُ بِالْعَرَاءِ وَهُوَ سَقِيمٌ﴾

Ngunit ibinato Namin siya mula sa tiyan ng isda sa lupang hungkag sa punong-kahoy at gusali, habang siya ay mahina ang katawan dahil sa pananatili niya ng isang yugto sa loob ng tiyan ng isda.

﴿وَأَنْبَتْنَا عَلَيْهِ شَجَرَةً مِنْ يَقْطِينٍ﴾

Nagpatubo Kami sa ibabaw niya sa lupaing hungkag na iyon ng isang puno ng malakalabasa, na nagpapalilim siya rito at kumakain mula rito.

﴿وَأَرْسَلْنَاهُ إِلَىٰ مِائَةِ أَلْفٍ أَوْ يَزِيدُونَ﴾

Nagsugo Kami sa kanya sa mga kalipi niya, na ang bilang nila ay isang daang libo, bagkus nadaragdagan sila.

﴿فَآمَنُوا فَمَتَّعْنَاهُمْ إِلَىٰ حِينٍ﴾

Sumampalataya sila at nagpatotoo sila sa dinala niya, kaya nagpatamasa sa kanila si Allāh sa buhay nilang pangmundo hanggang sa nagwakas ang mga taning nilang tinakdaan para sa kanila.

﴿فَاسْتَفْتِهِمْ أَلِرَبِّكَ الْبَنَاتُ وَلَهُمُ الْبَنُونَ﴾

Kaya magtanong ka, O Muḥammad, sa mga tagatambal ng tanong ng pagtutol: "Gumagawa kayo para kay Allāh ng mga anak na babae na kinasusuklaman ninyo at gumagawa kayo para sa inyo ng mga anak na lalaking naiibigan ninyo? Aling paghahati ito?"

﴿أَمْ خَلَقْنَا الْمَلَائِكَةَ إِنَاثًا وَهُمْ شَاهِدُونَ﴾

Papaano silang naghaka-haka na ang mga anghel ay mga babae samantalang sila ay hindi dumalo sa paglikha sa mga iyon at hindi nakasaksi roon?

﴿أَلَا إِنَّهُمْ مِنْ إِفْكِهِمْ لَيَقُولُونَ﴾

Pakaalamin, tunay na ang mga tagatambal dala ng kasinungalingan nila kay Allāh at paninirang-puri nila sa Kanya

﴿وَلَدَ اللَّهُ وَإِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ﴾

Sumumpa Siya sa mga anghel na humahanay sa pagsamba nila nang magkahanay.

﴿أَصْطَفَى الْبَنَاتِ عَلَى الْبَنِينَ﴾

Pumili ba si Allāh para sa sarili Niya ng mga anak na babae na kinasusuklaman ninyo higit sa mga anak na lalaki na naiibigan ninyo? Aba'y hindi!

﴿مَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ﴾

Ano ang mayroon sa inyo, O mga tagapagtambal? Humahatol kayo ng hatol na ito yayamang gumagawa kayo para kay Allāh ng mga anak na babae samantalang gumagawa kayo para sa inyo ng mga anak na lalaki?

﴿أَفَلَا تَذَكَّرُونَ﴾

Kaya hindi ba kayo magsasaalaala sa kabulaanan ng taglay ninyong paniniwalang tiwaling ito sapagkat tunay na kung kayo sana ay magsasaalaala, ay hindi kayo nagsabi ng pananalitang ito?

﴿أَمْ لَكُمْ سُلْطَانٌ مُبِينٌ﴾

O mayroon ba kayong isang katwirang lantad at isang patotoong maliwanag mula sa isang kasulatan hinggil doon o mula sa isang sugo?

﴿فَأْتُوا بِكِتَابِكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾

Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyong nagdadala para sa inyo ng katwiran dito kung nangyaring kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo.

﴿وَجَعَلُوا بَيْنَهُ وَبَيْنَ الْجِنَّةِ نَسَبًا ۚ وَلَقَدْ عَلِمَتِ الْجِنَّةُ إِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ﴾

Naglagay ang mga tagatambal sa pagitan ni Allāh at ng mga anghel na nakatago sa mga tao ng isang kaangkanan nang naghaka-haka sila na ang mga anghel ay mga anak na babae ni Allāh. Talaga ngang nalaman ng mga anghel na si Allāh ay magpapadalo sa mga tagatambal para sa pagtutuos.

﴿سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ﴾

Nagpakasakdal si Allāh at nagpakabanal Siya palayo sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga tagatambal kabilang sa anumang hindi naaangkop sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - na pagkakaroon ng anak, katambal, at iba pa roon,

﴿إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ﴾

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh sapagkat tunay na sila ay hindi naglalarawan kay Allāh malibang naaangkop sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - na mga katangian ng kapitaganan at pagkaganap.

﴿فَإِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ﴾

Kaya tunay na kayo, O mga tagatambal, at ang anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh,

﴿مَا أَنْتُمْ عَلَيْهِ بِفَاتِنِينَ﴾

Hindi kayo mga makapagpapaligaw ng isa man palayo sa relihiyon ng katotohanan,

﴿إِلَّا مَنْ هُوَ صَالِ الْجَحِيمِ﴾

maliban sa sinumang itinadhana ni Allāh dito na ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad ng itinadhana Niya kaya tatanggi itong sumampalataya at papasok ito sa Apoy. Tungkol naman sa inyo at mga sinasamba ninyo, walang kakayahan para sa inyo laban doon.

﴿وَمَا مِنَّا إِلَّا لَهُ مَقَامٌ مَعْلُومٌ﴾

Magsasabi ang mga anghel, na naglilinaw ng pagkaalipin nila kay Allāh at kawalang-ugnayan nila sa hinaka-haka ng mga tagatambal: "Walang kabilang sa amin na isa man malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya.

﴿وَإِنَّا لَنَحْنُ الصَّافُّونَ﴾

165.-166. Tunay na kami, kaming mga anghel, ay talagang mga nakatayo sa mga hanay sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Tunay na kami ay talagang mga nagpapawalang-ugnayan sa anumang hindi naaangkop sa Kanya na mga katangian at mga paglalarawan."

﴿وَإِنَّا لَنَحْنُ الْمُسَبِّحُونَ﴾

165.-166. Tunay na kami, kaming mga anghel, ay talagang mga nakatayo sa mga hanay sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Tunay na kami ay talagang mga nagpapawalang-ugnayan sa anumang hindi naaangkop sa Kanya na mga katangian at mga paglalarawan."

﴿وَإِنْ كَانُوا لَيَقُولُونَ﴾

167.-170.
Tunay na ang mga tagatambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi noon bago ng pagpapadala kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat nagdala sa kanila si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.

﴿لَوْ أَنَّ عِنْدَنَا ذِكْرًا مِنَ الْأَوَّلِينَ﴾

167.-170.
Tunay na ang mga tagatambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi noon bago ng pagpapadala kay Muḥammad - pagpalin siya ni Allāh at pangalagaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat nagdala sa kanila si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.

﴿لَكُنَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ﴾

167.-170.
Tunay na ang mga tagatambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi noon bago ng pagpapadala kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat nagdala sa kanila si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.

﴿فَكَفَرُوا بِهِ ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ﴾

167.-170.
Tunay na ang mga tagatambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi noon bago ng pagpapadala kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat nagdala sa kanila si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.

﴿وَلَقَدْ سَبَقَتْ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا الْمُرْسَلِينَ﴾

171.-173.
Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga sugo Namin na sila ay mga iaadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng minagandang-loob ni Allāh sa kanila na katwiran at lakas, at ang pananaig ay ukol sa mga kawal Naming nakikipaglaban sa landas ni Allāh upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas.

﴿إِنَّهُمْ لَهُمُ الْمَنْصُورُونَ﴾

171.-173.
Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga sugo Namin na sila ay mga iaadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng minagandang-loob ni Allāh sa kanila na katwiran at lakas, at na ang pananaig ay ukol sa mga kawal Naming nakikipaglaban sa landas ni Allāh upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas.

﴿وَإِنَّ جُنْدَنَا لَهُمُ الْغَالِبُونَ﴾

171.-173.
Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga sugo Namin na sila ay mga iaadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng minagandang-loob ni Allāh sa kanila na katwiran at lakas, at na ang pananaig ay ukol sa mga kawal Naming nakikipaglaban sa landas ni Allāh upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas.

﴿فَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ﴾

Kaya umayaw ka, O Sugo, palayo sa mga tagatambal na nagmamatigas na ito hanggang sa isang yugtong nalalaman ni Allāh hanggang sa dumating ang oras ng pagdurusa nila.

﴿وَأَبْصِرْهُمْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ﴾

Tumingin ka sa kanila kapag bumababa sa kanila ang pagdurusa sapagkat makikita nila mismo kapag hindi magpapakinabang sa kanila ang isang pagkakita.

﴿أَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُونَ﴾

Kaya ba nagmamadali ang mga tagatambal na ito sa pagdurusang dulot ni Allāh?

﴿فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمْ فَسَاءَ صَبَاحُ الْمُنْذَرِينَ﴾

Ngunit kapag bumaba ang pagdurusang dulot ni Allāh sa kanila, kay saklap na umaga ang umaga nila!

﴿وَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ﴾

Umayaw ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.

﴿وَأَبْصِرْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ﴾

Tumingin ka sapagkat titingin ang mga ito sa dadapo sa kanila na pagdurusang dulot ni Allāh at parusa Niya.

﴿سُبْحَانَ رَبِّكَ رَبِّ الْعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ﴾

Nagpakasakdal ang Panginoon mo, O Muḥammad, ang Panginoon ng Lakas, at nagpakabanal Siya palayo sa anumang ipinanlalarawan sa Kanya ng mga tagatambal na mga katangian ng kakulangan.

﴿وَسَلَامٌ عَلَى الْمُرْسَلِينَ﴾

Pagbati ni Allāh at pagbubunyi Niya ay ukol sa mga sugo Niyang mararangal.

﴿وَالْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

Ang pagbubunyi sa kalahatan nito ay ukol kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - sapagkat Siya ay ang karapat-dapat dito. Siya ay ang Panginoon ng mga nilalang sa kalahatan: walang panginoon ukol sa kanila bukod pa sa Kanya.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: