الطور

تفسير سورة الطور

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالطُّورِ﴾

Sumpa man sa [bundok] Tur,

﴿وَكِتَابٍ مَسْطُورٍ﴾

sumpa man sa isang Aklat na tinititikan

﴿فِي رَقٍّ مَنْشُورٍ﴾

sa isang pergaminong nakaladlad,

﴿وَالْبَيْتِ الْمَعْمُورِ﴾

sumpa man sa Bahay na dinadalaw

﴿وَالسَّقْفِ الْمَرْفُوعِ﴾

sumpa man sa bubong na iniangat,

﴿وَالْبَحْرِ الْمَسْجُورِ﴾

sumpa man sa dagat na pinupuno,

﴿إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ لَوَاقِعٌ﴾

tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magaganap.

﴿مَا لَهُ مِنْ دَافِعٍ﴾

Wala ritong anumang tagatulak,

﴿يَوْمَ تَمُورُ السَّمَاءُ مَوْرًا﴾

sa araw na mayayanig ang langit sa isang pagyanig,

﴿وَتَسِيرُ الْجِبَالُ سَيْرًا﴾

at uusad ang mga bundok sa isang pag-usad.

﴿فَوَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kaya kapighatian sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapasinungaling,

﴿الَّذِينَ هُمْ فِي خَوْضٍ يَلْعَبُونَ﴾

na sila sa pagsuong [sa kabulaanan] ay naglalaro.

﴿يَوْمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا﴾

Sa araw na ipagtutulukan sila patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulakan,

﴿هَٰذِهِ النَّارُ الَّتِي كُنْتُمْ بِهَا تُكَذِّبُونَ﴾

ito ang Apoy na kayo noon hinggil dito ay nagpapasinungaling.

﴿أَفَسِحْرٌ هَٰذَا أَمْ أَنْتُمْ لَا تُبْصِرُونَ﴾

Kaya panggagaway ba ito o kayo ay hindi nakakikita?

﴿اصْلَوْهَا فَاصْبِرُوا أَوْ لَا تَصْبِرُوا سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Pumasok kayo rito [sa apoy], at magtiis kayo o huwag kayong magtiis - magkapantay sa inyo. Gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa.

﴿إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَنَعِيمٍ﴾

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at pagtatamasa,

﴿فَاكِهِينَ بِمَا آتَاهُمْ رَبُّهُمْ وَوَقَاهُمْ رَبُّهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ﴾

na mga nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ng Panginoon nila at pinangalagaan sila ng Panginoon nila sa pagdurusa sa Impiyerno.

﴿كُلُوا وَاشْرَبُوا هَنِيئًا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa,

﴿مُتَّكِئِينَ عَلَىٰ سُرُرٍ مَصْفُوفَةٍ ۖ وَزَوَّجْنَاهُمْ بِحُورٍ عِينٍ﴾

habang mga nakasandal sa mga kama na inihanay. Ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maninining na mata.

﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا وَاتَّبَعَتْهُمْ ذُرِّيَّتُهُمْ بِإِيمَانٍ أَلْحَقْنَا بِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَمَا أَلَتْنَاهُمْ مِنْ عَمَلِهِمْ مِنْ شَيْءٍ ۚ كُلُّ امْرِئٍ بِمَا كَسَبَ رَهِينٌ﴾

Ang mga sumampalataya at sinundan sila sa pananampalataya ng mga supling nila ay isasama Namin sa kanila ang mga supling nila, at hindi Kami babawas sa kanila mula sa gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.

﴿وَأَمْدَدْنَاهُمْ بِفَاكِهَةٍ وَلَحْمٍ مِمَّا يَشْتَهُونَ﴾

Magkakaloob Kami sa kanila ng prutas at karne kabilang sa ninanasa nila.

﴿يَتَنَازَعُونَ فِيهَا كَأْسًا لَا لَغْوٌ فِيهَا وَلَا تَأْثِيمٌ﴾

Magpapasahan sila roon ng tasa na walang kabalbalan dito at walang pagpapakasalanan.

﴿۞ وَيَطُوفُ عَلَيْهِمْ غِلْمَانٌ لَهُمْ كَأَنَّهُمْ لُؤْلُؤٌ مَكْنُونٌ﴾

May iikot sa kanila na mga batang lalaking [lingkod] para sa kanila na para bang ang mga ito ay mga mutyang itinatago.

﴿وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ﴾

Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nagtatanungan.

﴿قَالُوا إِنَّا كُنَّا قَبْلُ فِي أَهْلِنَا مُشْفِقِينَ﴾

Magsasabi sila: "Tunay na kami dati noon sa piling ng mga mag-anak namin ay mga nababagabag.

﴿فَمَنَّ اللَّهُ عَلَيْنَا وَوَقَانَا عَذَابَ السَّمُومِ﴾

Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin at nangalaga Siya sa amin laban sa pagdurusa sa nakapapasong hangin.

﴿إِنَّا كُنَّا مِنْ قَبْلُ نَدْعُوهُ ۖ إِنَّهُ هُوَ الْبَرُّ الرَّحِيمُ﴾

Tunay na kami dati noong una ay dumadalangin sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Mabait, ang Maawain.

﴿فَذَكِّرْ فَمَا أَنْتَ بِنِعْمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٍ وَلَا مَجْنُونٍ﴾

Kaya magpaalaala ka sapagkat hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang manghuhula, ni isang baliw.

﴿أَمْ يَقُولُونَ شَاعِرٌ نَتَرَبَّصُ بِهِ رَيْبَ الْمَنُونِ﴾

O nagsasabi sila: "Isang makata, na nag-aabang kami sa kanya ng sakuna ng panahon."

﴿قُلْ تَرَبَّصُوا فَإِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُتَرَبِّصِينَ﴾

Sabihin mo: "Mag-abang kayo sapagkat tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagaabang."

﴿أَمْ تَأْمُرُهُمْ أَحْلَامُهُمْ بِهَٰذَا ۚ أَمْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ﴾

O nag-uutos ba sa kanila ang mga pang-unawa nila ng ganito o sila ay mga taong tagapagmalabis?

﴿أَمْ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُ ۚ بَلْ لَا يُؤْمِنُونَ﴾

O nagsasabi ba silang sinabi-sabi niya [ang Qur’an na] ito? Bagkus hindi sila sumasampalataya?

﴿فَلْيَأْتُوا بِحَدِيثٍ مِثْلِهِ إِنْ كَانُوا صَادِقِينَ﴾

Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad nito kung nangyaring sila ay mga tapat.

﴿أَمْ خُلِقُوا مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ أَمْ هُمُ الْخَالِقُونَ﴾

O nilikha ba sila mula sa hindi anuman o sila ay ang mga tagalikha?

﴿أَمْ خَلَقُوا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۚ بَلْ لَا يُوقِنُونَ﴾

O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.

﴿أَمْ عِنْدَهُمْ خَزَائِنُ رَبِّكَ أَمْ هُمُ الْمُصَيْطِرُونَ﴾

O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?

﴿أَمْ لَهُمْ سُلَّمٌ يَسْتَمِعُونَ فِيهِ ۖ فَلْيَأْتِ مُسْتَمِعُهُمْ بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ﴾

O mayroon ba silang isang hagdan [paakyat sa langit] na makakapakinig sila rito? Kaya maglahad ang tagapakinig nila ng isang katunayang malinaw.

﴿أَمْ لَهُ الْبَنَاتُ وَلَكُمُ الْبَنُونَ﴾

O ukol sa Kanya ay ang mga anak na babae at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki?

﴿أَمْ تَسْأَلُهُمْ أَجْرًا فَهُمْ مِنْ مَغْرَمٍ مُثْقَلُونَ﴾

O nanghihingi ka ba sa kanila ng isang pabuya kaya sila dahil sa multa ay mga napabibigatan?

﴿أَمْ عِنْدَهُمُ الْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُونَ﴾

O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?

﴿أَمْ يُرِيدُونَ كَيْدًا ۖ فَالَّذِينَ كَفَرُوا هُمُ الْمَكِيدُونَ﴾

O nagnanais ba sila ng isang pakana, ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay ang mga pinapakanaan?

﴿أَمْ لَهُمْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾

O mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa itinatambal nila!

﴿وَإِنْ يَرَوْا كِسْفًا مِنَ السَّمَاءِ سَاقِطًا يَقُولُوا سَحَابٌ مَرْكُومٌ﴾

Kung may makikita sila na isang tipak mula sa langit na nalalaglag ay magsasabi sila: "Mga ulap na ibinunton."

﴿فَذَرْهُمْ حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي فِيهِ يُصْعَقُونَ﴾

Kaya magpaubaya ka sa kanila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay malilintikan sila,

﴿يَوْمَ لَا يُغْنِي عَنْهُمْ كَيْدُهُمْ شَيْئًا وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ﴾

sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang pakana nila ng anuman at hindi sila iaadya.

﴿وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا عَذَابًا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay isang pagdurusang iba pa doon subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

﴿وَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعْيُنِنَا ۖ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ﴾

Magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa mga mata Namin. Magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka.

﴿وَمِنَ اللَّيْلِ فَسَبِّحْهُ وَإِدْبَارَ النُّجُومِ﴾

Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa paglubog ng mga bituin.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: