الطارق

تفسير سورة الطارق

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالسَّمَاءِ وَالطَّارِقِ﴾

Sumumpa si Allāh sa langit at sumupa Siya sa bituin na lumilitaw sa gabi.

﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا الطَّارِقُ﴾

At ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, sa pumapatungkol sa dakilang bituing ito?

﴿النَّجْمُ الثَّاقِبُ﴾

Ito, ang bituin, ay tumatagos sa langit sa pamamagitan ng tanglaw nitong nagliliyab.

﴿إِنْ كُلُّ نَفْسٍ لَمَّا عَلَيْهَا حَافِظٌ﴾

Walang anumang kaluluwa malibang nagtalaga si Allāh rito ng isang anghel na nag-ingat sa mga gawa nito para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.

﴿فَلْيَنْظُرِ الْإِنْسَانُ مِمَّ خُلِقَ﴾

Kaya magnilay-nilay ang tao mula sa ano lumikha sa kanya si Allāh upang lumiwanag para sa kanya ang kakayahan ni Allāh at ang kawalang-kakayahan ng tao.

﴿خُلِقَ مِنْ مَاءٍ دَافِقٍ﴾

Lumikha sa kanya si Allāh mula sa isang likidong may pagbugang bumubuhos sa sinapupunan,

﴿يَخْرُجُ مِنْ بَيْنِ الصُّلْبِ وَالتَّرَائِبِ﴾

na lumabas ang likidong ito mula sa pagitan ng butong gulugod ng lalaki at mga buto sa dibdib.

﴿إِنَّهُ عَلَىٰ رَجْعِهِ لَقَادِرٌ﴾

Tunay na Siya - kaluwalhatian sa Kanya - yayamang lumikha Siya rito mula sa likidong hamak ay Nakakakaya sa pagbuhay rito matapos ng kamatayan nito para maging buhay para sa pagtutuos at pagganti.

﴿يَوْمَ تُبْلَى السَّرَائِرُ﴾

Sa Araw na susulitin ang mga lihim para mabunyag ang dating inililingid ng mga puso na mga layunin, mga paniniwala, at iba pa sa mga ito para mahayag ang maayos mula sa mga ito at ang sira.

﴿فَمَا لَهُ مِنْ قُوَّةٍ وَلَا نَاصِرٍ﴾

walang ukol sa tao sa Araw na iyon na anumang lakas na makapipigil siya sa pamamagitan nito sa pagdurusang dulot ni Allāh, ni tagatulong na tutulong sa kanya.

﴿وَالسَّمَاءِ ذَاتِ الرَّجْعِ﴾

Sumumpa si Allāh sa langit na may ulan dahil ito ay bumababa mula sa isang dako nito nang paulit-ulit.

﴿وَالْأَرْضِ ذَاتِ الصَّدْعِ﴾

Sumumpa Siya sa lupa na nagkabiyak-biyak dahil sa naritong mga halaman, mga bunga, at mga punong-kahoy.

﴿إِنَّهُ لَقَوْلٌ فَصْلٌ﴾

tunay na ang Qur’ān na ito na pinababa kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ay talagang isang sinabing nagbubukod sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, at katapatan at kasinungalingan;

﴿وَمَا هُوَ بِالْهَزْلِ﴾

at ito ay hindi ang laro at ang kawalang-kabuluhan; bagkus ito ay seryoso at katotohanan.

﴿إِنَّهُمْ يَكِيدُونَ كَيْدًا﴾

Tunay na ang mga tagapasinungaling, sa dinala sa kanila ng Sugo nila, ay nagpapakana ng maraming pakana,

﴿وَأَكِيدُ كَيْدًا﴾

at nagpapakana naman Ako mismo ng pakana para sa paghahayag ng relihiyon at pagpapasinungaling sa kabulaanan.

﴿فَمَهِّلِ الْكَافِرِينَ أَمْهِلْهُمْ رُوَيْدًا﴾

Kaya mag-antabay ka, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na ito; mag-antabay ka sa kanila nang kaunti at huwag kang magmadali sa pagdurusa nila at pagpapasawi sa kanila.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: