التكوير

تفسير سورة التكوير

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ إِذَا الشَّمْسُ كُوِّرَتْ﴾

Kapag ang araw ay ipinulupot,

﴿وَإِذَا النُّجُومُ انْكَدَرَتْ﴾

kapag ang mga bituin ay pumanglaw,

﴿وَإِذَا الْجِبَالُ سُيِّرَتْ﴾

kapag ang mga bundok ay iuusad,

﴿وَإِذَا الْعِشَارُ عُطِّلَتْ﴾

kapag ang mga buntis na kamelyo ay pinabayaan,

﴿وَإِذَا الْوُحُوشُ حُشِرَتْ﴾

kapag ang mga mailap na hayop ay tinipon,

﴿وَإِذَا الْبِحَارُ سُجِّرَتْ﴾

kapag ang mga dagat ay pinagliyab,

﴿وَإِذَا النُّفُوسُ زُوِّجَتْ﴾

kapag ang mga kaluluwa ay ipinagtambal,

﴿وَإِذَا الْمَوْءُودَةُ سُئِلَتْ﴾

kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin

﴿بِأَيِّ ذَنْبٍ قُتِلَتْ﴾

dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,

﴿وَإِذَا الصُّحُفُ نُشِرَتْ﴾

kapag ang mga pahina ay inilatag,

﴿وَإِذَا السَّمَاءُ كُشِطَتْ﴾

kapag ang langit ay tinuklap,

﴿وَإِذَا الْجَحِيمُ سُعِّرَتْ﴾

kapag ang Impiyerno ay pinagliyab,

﴿وَإِذَا الْجَنَّةُ أُزْلِفَتْ﴾

at kapag ang Paraiso ay pinalapit;

﴿عَلِمَتْ نَفْسٌ مَا أَحْضَرَتْ﴾

malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito.

﴿فَلَا أُقْسِمُ بِالْخُنَّسِ﴾

Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong -

﴿الْجَوَارِ الْكُنَّسِ﴾

na umiinog na nagtatago -

﴿وَاللَّيْلِ إِذَا عَسْعَسَ﴾

at sa gabi kapag bumalik-balik ito,

﴿وَالصُّبْحِ إِذَا تَنَفَّسَ﴾

at sa madaling-araw kapag huminga ito;

﴿إِنَّهُ لَقَوْلُ رَسُولٍ كَرِيمٍ﴾

tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi sa isang sugong marangal

﴿ذِي قُوَّةٍ عِنْدَ ذِي الْعَرْشِ مَكِينٍ﴾

na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na mataas sa kalagayan,

﴿مُطَاعٍ ثَمَّ أَمِينٍ﴾

na tinatalima, pagkatapos ay mapagkakatiwalaan.

﴿وَمَا صَاحِبُكُمْ بِمَجْنُونٍ﴾

At ang kasamahan ninyo ay hindi isang baliw.

﴿وَلَقَدْ رَآهُ بِالْأُفُقِ الْمُبِينِ﴾

At talaga ngang nakakita siya rito sa abot-tanaw na malinaw.

﴿وَمَا هُوَ عَلَى الْغَيْبِ بِضَنِينٍ﴾

At siya, [sa pagpapaabot] sa Lingid, ay hindi isang maramot.

﴿وَمَا هُوَ بِقَوْلِ شَيْطَانٍ رَجِيمٍ﴾

At [Ang Qur’ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa.

﴿فَأَيْنَ تَذْهَبُونَ﴾

Kaya saan kayo pupunta?

﴿إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ لِلْعَالَمِينَ﴾

Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang

﴿لِمَنْ شَاءَ مِنْكُمْ أَنْ يَسْتَقِيمَ﴾

para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid,

﴿وَمَا تَشَاءُونَ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ﴾

at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: