المنافقون

تفسير سورة المنافقون

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ إِذَا جَاءَكَ الْمُنَافِقُونَ قَالُوا نَشْهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَكَاذِبُونَ﴾

Kapag dumating sa iyo ang mga mapagpaimbabaw ay nagsasabi sila: "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh." Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya. Si Allāh ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling.

﴿اتَّخَذُوا أَيْمَانَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ إِنَّهُمْ سَاءَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang isang panangga kaya nakasagabal sila sa landas ni Allāh. Tunay na sila ay sumagwa ang kanilang dating ginagawa.

﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ آمَنُوا ثُمَّ كَفَرُوا فَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَفْقَهُونَ﴾

Iyon ay dahil sila ay sumampalataya, pagkatapos ay tumanggi silang sumampalataya; kaya nagpinid sa mga puso nila, at sila ay hindi nakapag-uunawa.

﴿۞ وَإِذَا رَأَيْتَهُمْ تُعْجِبُكَ أَجْسَامُهُمْ ۖ وَإِنْ يَقُولُوا تَسْمَعْ لِقَوْلِهِمْ ۖ كَأَنَّهُمْ خُشُبٌ مُسَنَّدَةٌ ۖ يَحْسَبُونَ كُلَّ صَيْحَةٍ عَلَيْهِمْ ۚ هُمُ الْعَدُوُّ فَاحْذَرْهُمْ ۚ قَاتَلَهُمُ اللَّهُ ۖ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ﴾

Kapag nakakita ka sa kanila ay magpapahanga sa iyo ang mga anyo nila; at kung magsasabi sila ay makikinig ka sa sabi nila. Para bang sila ay mga kahoy na isinandal. Nag-aakala sila na bawat sigaw ay laban sa kanila. Sila ay ang mga kalaban kaya mag-ingat ka sa kanila. Sumpain sila ni Allāh! Paanong nalilinlang sila?

﴿وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا يَسْتَغْفِرْ لَكُمْ رَسُولُ اللَّهِ لَوَّوْا رُءُوسَهُمْ وَرَأَيْتَهُمْ يَصُدُّونَ وَهُمْ مُسْتَكْبِرُونَ﴾

Kapag sinabi sa kanila: "Halikayo, hihingi ng tawad para sa inyo ang Sugo ni Allāh," ay umiiling-iling sila ng mga ulo nila at nakakikita ka sa kanila na umiiwas habang sila ay mga nagmamalaki.

﴿سَوَاءٌ عَلَيْهِمْ أَسْتَغْفَرْتَ لَهُمْ أَمْ لَمْ تَسْتَغْفِرْ لَهُمْ لَنْ يَغْفِرَ اللَّهُ لَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ﴾

Magkapantay sa kanila na humingi ka man ng tawad para sa kanila o hindi ka humingi ng tawad para sa kanila; hindi magpapatawad si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.

﴿هُمُ الَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنْفِقُوا عَلَىٰ مَنْ عِنْدَ رَسُولِ اللَّهِ حَتَّىٰ يَنْفَضُّوا ۗ وَلِلَّهِ خَزَائِنُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَا يَفْقَهُونَ﴾

Sila ay ang mga nagsasabi: "Huwag kayong gumugol sa mga kapiling ng Sugo ni Allāh hanggang sa nagsikalat sila." Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa.

﴿يَقُولُونَ لَئِنْ رَجَعْنَا إِلَى الْمَدِينَةِ لَيُخْرِجَنَّ الْأَعَزُّ مِنْهَا الْأَذَلَّ ۚ وَلِلَّهِ الْعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِ وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَلَٰكِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Nagsasabi sila: "Talagang kung manunumbalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalayas ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakaaba." Sa kay Allāh ang karangalan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُلْهِكُمْ أَمْوَالُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُمْ عَنْ ذِكْرِ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ﴾

O mga sumampalataya, huwag lumibang sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pag-alaala kay Allāh. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ang mga lugi.

﴿وَأَنْفِقُوا مِنْ مَا رَزَقْنَاكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوْلَا أَخَّرْتَنِي إِلَىٰ أَجَلٍ قَرِيبٍ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُنْ مِنَ الصَّالِحِينَ﴾

At gumugol kayo mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa pumunta sa isa sa inyo ang kamatayan at saka siya magsasabi: "Panginoon ko, bakit hindi Ka nag-aantala sa akin hanggang sa isang taning na malapit para magkawanggawa ako at ako ay maging kabilang sa mga maayos."

﴿وَلَنْ يُؤَخِّرَ اللَّهُ نَفْسًا إِذَا جَاءَ أَجَلُهَا ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ﴾

Hindi mag-aantala si Allāh sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito. Si Allāh ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: