الزلزلة

تفسير سورة الزلزلة

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ إِذَا زُلْزِلَتِ الْأَرْضُ زِلْزَالَهَا﴾

Kapag pagagalawin ang lupa sa pagpapagalaw na matindi na mangyayari rito sa Araw ng Pagbangon,

﴿وَأَخْرَجَتِ الْأَرْضُ أَثْقَالَهَا﴾

at magpapalabas ang lupa ng nasa loob nito na mga patay at iba pa sa kanila,

﴿وَقَالَ الْإِنْسَانُ مَا لَهَا﴾

at magsasabi ang tao habang nalilito: "Ano ang lagay ng lupa na gumagalaw-galaw at nauuga?" -

﴿يَوْمَئِذٍ تُحَدِّثُ أَخْبَارَهَا﴾

sa dakilang Araw na iyon ay mag-uulat ang lupa ng ginawa sa ibabaw nito na kabutihan at kasamaan

﴿بِأَنَّ رَبَّكَ أَوْحَىٰ لَهَا﴾

dahil si Allāh ay nagpaalam dito at nag-utos dito niyon.

﴿يَوْمَئِذٍ يَصْدُرُ النَّاسُ أَشْتَاتًا لِيُرَوْا أَعْمَالَهُمْ﴾

Sa dakilang Araw na iyon na mayayanig ang lupa, lalabas ang mga tao mula sa tinigilan sa pagtutuos nang pangkat-pangkat upang makasaksi sila sa mga gawa nila na ginawa nila sa Mundo.

﴿فَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ﴾

Kaya ang sinumang gumawa ng isang katimbang ng isang munting langgam na mga gawain ng kabutihan at pagpapakabuti ay makikita niya iyon sa harapan niya,

﴿وَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَرًّا يَرَهُ﴾

at ang sinumang gumawa ng isang katimbang niyon na mga gawain ng kasamaan ay makikita niya iyon sa gayon din.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: