الضحى

تفسير سورة الضحى

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالضُّحَىٰ﴾

Sumpa man sa umaga,

﴿وَاللَّيْلِ إِذَا سَجَىٰ﴾

sumpa man sa gabi kapag bumalot ito;

﴿مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ﴾

hindi nang-iwan sa iyo ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam.

﴿وَلَلْآخِرَةُ خَيْرٌ لَكَ مِنَ الْأُولَىٰ﴾

Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay.

﴿وَلَسَوْفَ يُعْطِيكَ رَبُّكَ فَتَرْضَىٰ﴾

Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka.

﴿أَلَمْ يَجِدْكَ يَتِيمًا فَآوَىٰ﴾

Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo?

﴿وَوَجَدَكَ ضَالًّا فَهَدَىٰ﴾

Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya.

﴿وَوَجَدَكَ عَائِلًا فَأَغْنَىٰ﴾

Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya.

﴿فَأَمَّا الْيَتِيمَ فَلَا تَقْهَرْ﴾

Kaya tungkol naman sa ulila ay huwag kang maniil.

﴿وَأَمَّا السَّائِلَ فَلَا تَنْهَرْ﴾

Tungkol naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy.

﴿وَأَمَّا بِنِعْمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثْ﴾

At tungkol naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsaysay ka.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: