المرسلات

تفسير سورة المرسلات

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالْمُرْسَلَاتِ عُرْفًا﴾

Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,

﴿فَالْعَاصِفَاتِ عَصْفًا﴾

at sa mga [hanging] bumubugso sa isang pagbugso;

﴿وَالنَّاشِرَاتِ نَشْرًا﴾

sumpa man sa mga [anghel na] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagpapakalat,

﴿فَالْفَارِقَاتِ فَرْقًا﴾

at sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,

﴿فَالْمُلْقِيَاتِ ذِكْرًا﴾

at sa mga [anghel na] naghahatid ng paalaala

﴿عُذْرًا أَوْ نُذْرًا﴾

bilang pagdadahilan o bilang babala.

﴿إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَاقِعٌ﴾

Tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.

﴿فَإِذَا النُّجُومُ طُمِسَتْ﴾

Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,

﴿وَإِذَا السَّمَاءُ فُرِجَتْ﴾

kapag ang langit ay biniyak,

﴿وَإِذَا الْجِبَالُ نُسِفَتْ﴾

kapag ang mga bundok ay pinalis,

﴿وَإِذَا الرُّسُلُ أُقِّتَتْ﴾

at kapag ang mga sugo ay tinaningan,

﴿لِأَيِّ يَوْمٍ أُجِّلَتْ﴾

para sa aling araw inantala sila?

﴿لِيَوْمِ الْفَصْلِ﴾

Para sa Araw ng Pagpapasya.

﴿وَمَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الْفَصْلِ﴾

At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿أَلَمْ نُهْلِكِ الْأَوَّلِينَ﴾

Hindi ba Kami nagpasawi sa mga sinauna?

﴿ثُمَّ نُتْبِعُهُمُ الْآخِرِينَ﴾

Pagkatapos ay nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.

﴿كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِالْمُجْرِمِينَ﴾

Gayon ang gagawin Namin sa mga salarin.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿أَلَمْ نَخْلُقْكُمْ مِنْ مَاءٍ مَهِينٍ﴾

Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong hamak,

﴿فَجَعَلْنَاهُ فِي قَرَارٍ مَكِينٍ﴾

at naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay

﴿إِلَىٰ قَدَرٍ مَعْلُومٍ﴾

hanggang sa panahong nalalaman?

﴿فَقَدَرْنَا فَنِعْمَ الْقَادِرُونَ﴾

Kaya nagtakda Kami, at kay inam ang Tagatakda!

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿أَلَمْ نَجْعَلِ الْأَرْضَ كِفَاتًا﴾

Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan

﴿أَحْيَاءً وَأَمْوَاتًا﴾

sa mga buhay at mga patay?

﴿وَجَعَلْنَا فِيهَا رَوَاسِيَ شَامِخَاتٍ وَأَسْقَيْنَاكُمْ مَاءً فُرَاتًا﴾

Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog, at nagpainom Kami sa inyo ng tubig tabang.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿انْطَلِقُوا إِلَىٰ مَا كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ﴾

[Sasabihin]: "Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.

﴿انْطَلِقُوا إِلَىٰ ظِلٍّ ذِي ثَلَاثِ شُعَبٍ﴾

Humayo kayo tungo sa aninong may tatlong sangay,

﴿لَا ظَلِيلٍ وَلَا يُغْنِي مِنَ اللَّهَبِ﴾

na hindi makalililim ni makapagdudulot laban sa liyab."

﴿إِنَّهَا تَرْمِي بِشَرَرٍ كَالْقَصْرِ﴾

Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.

﴿كَأَنَّهُ جِمَالَتٌ صُفْرٌ﴾

Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿هَٰذَا يَوْمُ لَا يَنْطِقُونَ﴾

Ito ay Araw na hindi sila bibigkas,

﴿وَلَا يُؤْذَنُ لَهُمْ فَيَعْتَذِرُونَ﴾

at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿هَٰذَا يَوْمُ الْفَصْلِ ۖ جَمَعْنَاكُمْ وَالْأَوَّلِينَ﴾

Ito ay Araw ng Pagpapasya; kakalap Kami sa inyo at sa mga sinauna.

﴿فَإِنْ كَانَ لَكُمْ كَيْدٌ فَكِيدُونِ﴾

Kaya kung mayroon kayong isang pakana ay magpakana kayo laban sa Akin.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي ظِلَالٍ وَعُيُونٍ﴾

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal,

﴿وَفَوَاكِهَ مِمَّا يَشْتَهُونَ﴾

at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila.

﴿كُلُوا وَاشْرَبُوا هَنِيئًا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

[Sasabihin]: "Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa."

﴿إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ﴾

Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿كُلُوا وَتَمَتَّعُوا قَلِيلًا إِنَّكُمْ مُجْرِمُونَ﴾

[Sasabihin]: "Kumain kayo at magtamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin."

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ارْكَعُوا لَا يَرْكَعُونَ﴾

At kapag sinabi sa kanila: "Yumukod kayo," hindi sila yumuyukod.

﴿وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ﴾

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling!

﴿فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ﴾

Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila?

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: