الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ تَبَارَكَ الَّذِي بِيَدِهِ الْمُلْكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾
Tumindi at dumami ang kabutihan ni Allāh na nasa kamay Niya - tanging sa Kanya - ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapahina sa Kanya na anuman.
﴿الَّذِي خَلَقَ الْمَوْتَ وَالْحَيَاةَ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْغَفُورُ﴾
na lumikha sa kamatayan at lumikha sa buhay upang sumulit Siya sa inyo, O mga tao, kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan na walang dumadaig sa Kanya na isa man, ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya,
﴿الَّذِي خَلَقَ سَبْعَ سَمَاوَاتٍ طِبَاقًا ۖ مَا تَرَىٰ فِي خَلْقِ الرَّحْمَٰنِ مِنْ تَفَاوُتٍ ۖ فَارْجِعِ الْبَصَرَ هَلْ تَرَىٰ مِنْ فُطُورٍ﴾
na lumikha sa pitong langit, na bawat langit ay nakapatong sa nauna rito nang walang pagsasalingan sa pagitan ng dalawang langit. Hindi ka nakasasaksi, o tumitingin, sa anumang nilikha ni Allāh ng alinmang pagtataliwasan o kawalan ng pagkakaangkupan. Kaya magpanumbalik ka ng paningin, nakakikita ka ba ng pagkakabitak-bitak o pagkakalamat-lamat? Hindi ka makakikita niyon! Makakikita ka lamang ng isang nilikhang tinumpak at hinusayan [ang pagkakalikha].
﴿ثُمَّ ارْجِعِ الْبَصَرَ كَرَّتَيْنِ يَنْقَلِبْ إِلَيْكَ الْبَصَرُ خَاسِئًا وَهُوَ حَسِيرٌ﴾
Pagkatapos ay magpanumbalik ka ng paningin isang ulit matapos ng isang ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na aba nang wala kang nakikitang isang kapintasan o kasiraan sa pagkalikha sa langit samantalang ito ay pata, na naputol sa pagtingin.
﴿وَلَقَدْ زَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِمَصَابِيحَ وَجَعَلْنَاهَا رُجُومًا لِلشَّيَاطِينِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابَ السَّعِيرِ﴾
Talaga ngang gumayak Kami sa pinakamalapit na langit sa lupa ng mga bituing tagatanglaw at gumawa Kami sa mga bituing iyon na mga bulalakaw na ipinambabato sa mga demonyo na nagnanakaw ng pakikinig [sa langit] at sumusunog sa kanila. Naglaan Kami para sa kanila sa Kabilang-buhay ng apoy na nagliliyab.
﴿وَلِلَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ عَذَابُ جَهَنَّمَ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾
At ukol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon ang pagdurusa sa Apoy na nagniningas. Sumagwa ang hantungan na hahantungan nila!
﴿إِذَا أُلْقُوا فِيهَا سَمِعُوا لَهَا شَهِيقًا وَهِيَ تَفُورُ﴾
Kapag ihinagis sila sa Apoy ay makaririnig sila ng isang matinding pangit na tunog habang ito ay kumukulo tulad ng pagkulo ng kawa.
﴿تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ الْغَيْظِ ۖ كُلَّمَا أُلْقِيَ فِيهَا فَوْجٌ سَأَلَهُمْ خَزَنَتُهَا أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَذِيرٌ﴾
Halos nakakalas ang ibang bahagi niyon sa iba pa at nagkakapira-piraso sa tindi ng galit niyon sa sinumang pumapasok doon.
Tuwing nakapagbato sa loob niyon ng isang pangkat ng mga maninirahan doon na mga tagatangging sumampalataya ay magtatanong sa kanila ang mga anghel na itinalaga doon ng isang tanong ng panunumbat: "Wala bang pumunta sa inyo sa Mundo na isang sugo na nagpapangamba sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh?"
﴿قَالُوا بَلَىٰ قَدْ جَاءَنَا نَذِيرٌ فَكَذَّبْنَا وَقُلْنَا مَا نَزَّلَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا فِي ضَلَالٍ كَبِيرٍ﴾
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Oo, may pumunta sa amin na isang sugo na nagpapangamba sa amin sa pagdurusang dulot ni Allāh ngunit nagpasinungaling kami sa kanya at nagsabi kami sa kanya: Hindi nagbaba si Allāh ng anumang kasi; walang iba kayo, O mga sugo, kundi nasa isang pagkaligaw na sukdulan palayo sa katotohanan."
﴿وَقَالُوا لَوْ كُنَّا نَسْمَعُ أَوْ نَعْقِلُ مَا كُنَّا فِي أَصْحَابِ السَّعِيرِ﴾
At magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Kung sakaling kami noon ay nakikinig ayon sa pakikinig na napakikinabangan o nakapag-uuna ayon sa pagkaunawa ng nakatatalos ng katotohanan sa kabulaanan, hindi sana kami naging nasa kabuuan ng mga naninirahan sa Apoy, bagkus kami sana noon ay sumasampalataya sa mga sugo at nagpapatotoo sa inihatid nila at kami sana ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Hardin."
﴿فَاعْتَرَفُوا بِذَنْبِهِمْ فَسُحْقًا لِأَصْحَابِ السَّعِيرِ﴾
Kaya kikilala sila laban sa mga sarili nila ng kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling at magiging karapat-dapat sila sa Apoy, kaya kalayuan ay ukol sa mga maninirahan sa Apoy!
﴿إِنَّ الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ﴾
Tunay na ang mga nangangamba kay Allāh sa Panginoon nila sa mga pag-iisa nila, ukol sa kanila ay isang kapatawaran sa mga pagkakasala nila at ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan, ang Paraiso.
﴿وَأَسِرُّوا قَوْلَكُمْ أَوِ اجْهَرُوا بِهِ ۖ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ﴾
At magkubli kayo, O mga tao, ng pananalita ninyo o magpahayag nito, si Allāh ay nakaaalam nito. Tunay na Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.
﴿أَلَا يَعْلَمُ مَنْ خَلَقَ وَهُوَ اللَّطِيفُ الْخَبِيرُ﴾
Hindi ba nakaaalam ang lumikha sa mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sa lihim at anumang higit na nakakubli kaysa sa lihim? Siya ay ang Nakatatalos sa mga lingkod Niya, ang Nakababatid sa mga kapakanan nila: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.
﴿هُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ ذَلُولًا فَامْشُوا فِي مَنَاكِبِهَا وَكُلُوا مِنْ رِزْقِهِ ۖ وَإِلَيْهِ النُّشُورُ﴾
Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagbubuhay.
﴿أَأَمِنْتُمْ مَنْ فِي السَّمَاءِ أَنْ يَخْسِفَ بِكُمُ الْأَرْضَ فَإِذَا هِيَ تَمُورُ﴾
Natiwasay ba kayo kay Allāh na nasa langit na bumiyak Siya ng lupa mula sa ilalim ninyo kung paanong bumiyak Siya nito mula sa ilalim ni Qārūn matapos na ang lupa ay naging isang patag na pinadali para sa paninirahan sa ibabaw nito at biglang ito ay mag-uuga sa inyo matapos ng pagkamatatag nito?
﴿أَمْ أَمِنْتُمْ مَنْ فِي السَّمَاءِ أَنْ يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ كَيْفَ نَذِيرِ﴾
O natiwasay kayo kay Allāh na nasa langit na magpadala Siya sa inyo ng mga bato mula sa langit tulad ng ipinadala Niya sa mga kababayan ni Lot, kaya makaaalam kayo, kapag nakakikita na kayo sa parusa Ko, sa pagbabala Ko sa inyo subalit kayo ay hindi makikinabang nito matapos ng pagkakita sa pagdurusa?
﴿وَلَقَدْ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ﴾
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna sa mga tagatambal na ito at bumaba sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh noong nagpumilit sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila, kaya papaano naging ang pagtutol Ko sa kanila? Talaga ngang iyon ay isang pagtutol na matindi.
﴿أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَى الطَّيْرِ فَوْقَهُمْ صَافَّاتٍ وَيَقْبِضْنَ ۚ مَا يُمْسِكُهُنَّ إِلَّا الرَّحْمَٰنُ ۚ إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ بَصِيرٌ﴾
Hindi ba nakasaksi ang mga tagapasinungaling na ito sa mga ibon sa ibabaw nila sa sandali ng paglipad ng mga iyon, na naglaladlad ng mga pakpak sa himpapawid minsan at nagkikipkip ng mga ito minsan pa? Walang pumipigil sa mga iyon na bumagsak sa lupa kundi si Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita: walang naikukubli sa Kanya mula roon na anuman.
﴿أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ جُنْدٌ لَكُمْ يَنْصُرُكُمْ مِنْ دُونِ الرَّحْمَٰنِ ۚ إِنِ الْكَافِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ﴾
Walang isang hukbo para sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung nagnais Siya na pagdusahin kayo. Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi mga nadadaya; nandaya sa kanila ang demonyo kaya nalinlang sila dahil sa kanya.
﴿أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي يَرْزُقُكُمْ إِنْ أَمْسَكَ رِزْقَهُ ۚ بَلْ لَجُّوا فِي عُتُوٍّ وَنُفُورٍ﴾
Walang isang magtutustos sa inyo kung humadlang si Allāh sa panustos Niya na makarating sa inyo? Bagkus ang nangyari ay na ang mga tagatangging sumampalataya ay nagpumilit sa pagmamatigas, pagmamalaki, at pagtanggi sa katotohanan.
﴿أَفَمَنْ يَمْشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجْهِهِ أَهْدَىٰ أَمَّنْ يَمْشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ﴾
Kaya ang naglalakad ba nang nakangudngod sa mukha niya habang nakasubsob doon - habang siya ay nagtatambal - ay higit na napatnubayan o ang mananampalataya na naglalakad nang tuwid sa isang daang tuwid?
﴿قُلْ هُوَ الَّذِي أَنْشَأَكُمْ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۖ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito: "Si Allāh ang lumikha sa inyo at gumawa para sa inyo ng mga pandinig na ipinandidinig ninyo, mga paningin na ipinantitingin ninyo, at mga pusong ipinang-uunawa ninyo. Kay dalang kayong nagpapasalamat sa mga biyaya Niyang ibiniyaya Niya sa inyo!"
﴿قُلْ هُوَ الَّذِي ذَرَأَكُمْ فِي الْأَرْضِ وَإِلَيْهِ تُحْشَرُونَ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito: "Si Allāh ay ang nagpakalat sa inyo sa lupa at nagpalaganap sa inyo rito, hindi ang mga diyus-diyusan ninyo na hindi lumilikha ng anuman. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - sa Araw ng Pagbangon kakalapin kayo para sa pagtutuos at pagganti, hindi tungo sa mga diyus-diyusan ninyo, kaya mangamba kayo sa Kanya at sumamba kayo sa Kanya - tanging sa Kanya."
﴿وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾
Magsasabi ang mga tagapasinungaling sa pagbubuhay bilang pagtuturing ng kaimposiblehan ng pagbubuhay: "Kailan ang pangakong ito na ipinangangako mo sa amin, O Muḥammad, at ng mga kasamahan mo kung kayo ay mga tapat?"
﴿قُلْ إِنَّمَا الْعِلْمُ عِنْدَ اللَّهِ وَإِنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾
Sabihin mo, O Sugo: "Ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa ganang kay Allāh lamang; walang nakaaalam kung kailan ito magaganap kundi Siya. Ako ay isang tagababala lamang na malinaw sa pagbabala ko sa inyo."
﴿فَلَمَّا رَأَوْهُ زُلْفَةً سِيئَتْ وُجُوهُ الَّذِينَ كَفَرُوا وَقِيلَ هَٰذَا الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تَدَّعُونَ﴾
Ngunit kapag dumapo sa kanila ang pangako at nakakita sila nito sa malapit sa kanila sa Araw na iyon, magbabago ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh at mangingitim. Sasabihin sa kanila: "Ito ang dati ninyong hinihiling sa Mundo at minamadali ninyo."
﴿قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَهْلَكَنِيَ اللَّهُ وَمَنْ مَعِيَ أَوْ رَحِمَنَا فَمَنْ يُجِيرُ الْكَافِرِينَ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ﴾
Sabihin mo, O Sugo sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito habang nagmamasama sa kanila: "Magpabatid kayo sa akin! Kung nagpapanaw sa akin si Allāh at nagpapanaw Siya sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya, sino ang magliligtas sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang nakasasakit? Walang magliligtas sa kanila mula roon na isa man."
﴿قُلْ هُوَ الرَّحْمَٰنُ آمَنَّا بِهِ وَعَلَيْهِ تَوَكَّلْنَا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na ito: "Siya ay ang Napakamaawain na nag-aanyaya sa inyo sa pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya kami - tanging sa Kanya - sumandig alang-alang sa mga kapakanan namin. Kaya makaaalam kayo nang walang pasubali kung sino ang nasa isang pagkaligaw na maliwanag mula sa kung sino ang nasa isang landasing tuwid."
﴿قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَصْبَحَ مَاؤُكُمْ غَوْرًا فَمَنْ يَأْتِيكُمْ بِمَاءٍ مَعِينٍ﴾
Sabihin mo, O Sugo sa mga tagatambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin! Kung ang tubig ninyo na iniinuman ninyo ay naging nakalubog sa lupa na hindi ninyo nakakaya ang makarating doon, sino ang maghahatid sa inyo ng isang tubig na maraming umaagos? Walang isang iba pa kay Allāh."
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة الملك : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة الملك : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة الملك : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة الملك : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة الملك : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة الملك : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة الملك : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة الملك : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة الملك : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة الملك : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة الملك : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة الملك : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة الملك : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة الملك : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة الملك : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة الملك : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الملك : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الملك : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة الملك : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة الملك : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة الملك : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة الملك : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة الملك : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة الملك : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة الملك : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة الملك : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الملك : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الملك : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الملك : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الملك : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة الملك : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة الملك : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة الملك : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة الملك : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة الملك : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة الملك : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة الملك : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة الملك : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة الملك : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة الملك : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة الملك : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة الملك : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة الملك : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة الملك : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة الملك : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة الملك : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة الملك : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة الملك : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة الملك : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الملك : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الملك : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة الملك : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الملك : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الملك : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة الملك : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة الملك : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة الملك : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة الملك : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة الملك : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة الملك : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة الملك : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الملك : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الملك : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة الملك : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة الملك : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة الملك : الترجمة الصينية 中文 - الصينية