التحريم

تفسير سورة التحريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَا أَحَلَّ اللَّهُ لَكَ ۖ تَبْتَغِي مَرْضَاتَ أَزْوَاجِكَ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

O Propeta, bakit ka nagbabawal ng ipinahintulot ni Allāh para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

﴿قَدْ فَرَضَ اللَّهُ لَكُمْ تَحِلَّةَ أَيْمَانِكُمْ ۚ وَاللَّهُ مَوْلَاكُمْ ۖ وَهُوَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ﴾

Nagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga pangako ninyo. Si Allāh ay ang Tagatangkilik ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong.

﴿وَإِذْ أَسَرَّ النَّبِيُّ إِلَىٰ بَعْضِ أَزْوَاجِهِ حَدِيثًا فَلَمَّا نَبَّأَتْ بِهِ وَأَظْهَرَهُ اللَّهُ عَلَيْهِ عَرَّفَ بَعْضَهُ وَأَعْرَضَ عَنْ بَعْضٍ ۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِ قَالَتْ مَنْ أَنْبَأَكَ هَٰذَا ۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ الْعَلِيمُ الْخَبِيرُ﴾

[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya ng isang napag-usapan; at noong nagbalita ito niyon at naghayag naman niyon si Allāh sa kanya ay nagpabatid siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala sa ibang bahagi. Kaya noong nagbalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: "Sino ang nagsabalita sa iyo nito?" Nagsabi siya: "Nagbalita sa akin ang Maalam, ang Nakababatid."

﴿إِنْ تَتُوبَا إِلَى اللَّهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوبُكُمَا ۖ وَإِنْ تَظَاهَرَا عَلَيْهِ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ مَوْلَاهُ وَجِبْرِيلُ وَصَالِحُ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ بَعْدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ﴾

[Nagindapat] kung magbabalik-loob kayong dalawa kay Allāh sapagkat lumihis ang mga puso ninyong dalawa. Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya, tunay na si Allāh ay Tagatangkilik niya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay tagapagtaguyod.

﴿عَسَىٰ رَبُّهُ إِنْ طَلَّقَكُنَّ أَنْ يُبْدِلَهُ أَزْوَاجًا خَيْرًا مِنْكُنَّ مُسْلِمَاتٍ مُؤْمِنَاتٍ قَانِتَاتٍ تَائِبَاتٍ عَابِدَاتٍ سَائِحَاتٍ ثَيِّبَاتٍ وَأَبْكَارًا﴾

Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagabalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قُوا أَنْفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا وَقُودُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ عَلَيْهَا مَلَائِكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَا يَعْصُونَ اللَّهَ مَا أَمَرَهُمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ﴾

O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo laban sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَعْتَذِرُوا الْيَوْمَ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

O mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa araw [na ito]; gagantimpalaan lamang kayo ayon sa dati ninyong ginagawa.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا تُوبُوا إِلَى اللَّهِ تَوْبَةً نَصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُكَفِّرَ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَيُدْخِلَكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يَوْمَ لَا يُخْزِي اللَّهُ النَّبِيَّ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ ۖ نُورُهُمْ يَسْعَىٰ بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَانِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا أَتْمِمْ لَنَا نُورَنَا وَاغْفِرْ لَنَا ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh ayon sa pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi manghihiya si Allāh sa Propeta at mga sumampalataya kasama nito. Ang liwanag nila ay sisinag sa mga harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: "Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan."

﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنَافِقِينَ وَاغْلُظْ عَلَيْهِمْ ۚ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾

O Propeta, makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at magpakabagsik ka sa kanila. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!

﴿ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ كَفَرُوا امْرَأَتَ نُوحٍ وَامْرَأَتَ لُوطٍ ۖ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَالِحَيْنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ اللَّهِ شَيْئًا وَقِيلَ ادْخُلَا النَّارَ مَعَ الدَّاخِلِينَ﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at sa maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod na kabilang sa mga lingkod Naming maaayos, ngunit nagtaksil silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa laban kay Allāh ng anuman. Sasabihin [sa kanilang dalawa]: "Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok."

﴿وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ آمَنُوا امْرَأَتَ فِرْعَوْنَ إِذْ قَالَتْ رَبِّ ابْنِ لِي عِنْدَكَ بَيْتًا فِي الْجَنَّةِ وَنَجِّنِي مِنْ فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهِ وَنَجِّنِي مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay ni Paraon noong nagsabi siya: "Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan."

﴿وَمَرْيَمَ ابْنَتَ عِمْرَانَ الَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهِ مِنْ رُوحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمَاتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِ وَكَانَتْ مِنَ الْقَانِتِينَ﴾

[Naglahad Siya ng isang paghahalintulad] kay Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya; kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin, at nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito, at siya noon ay kabilang sa mga masunurin.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: