التحريم

تفسير سورة التحريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَا أَحَلَّ اللَّهُ لَكَ ۖ تَبْتَغِي مَرْضَاتَ أَزْوَاجِكَ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

O Sugo, bakit ka nagbabawal ng pinayagan ni Allāh para sa iyo na pagpapasiya sa babaing alipin mong si Maria, na naghahangad dahil doon ng pagpapalugod sa mga maybahay mo noong nanibugho sila roon? Si Allāh ay Mapagpatawad sa iyo, Maawain sa iyo!

﴿قَدْ فَرَضَ اللَّهُ لَكُمْ تَحِلَّةَ أَيْمَانِكُمْ ۚ وَاللَّهُ مَوْلَاكُمْ ۖ وَهُوَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ﴾

Nagsabatas nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga pangako ninyo sa pamamagitan ng panakip-sala kung nakatagpo kayo ng kabutihan doon o nagsinungaling kayo sa pangako. Si Allāh ay ang Tagaadya ninyo at Siya ay ang Maalam sa mga kalagayan ninyo at anumang naangkop para sa inyo, ang Marunong sa pagbabatas Niya at pagtatakda Niya.

﴿وَإِذْ أَسَرَّ النَّبِيُّ إِلَىٰ بَعْضِ أَزْوَاجِهِ حَدِيثًا فَلَمَّا نَبَّأَتْ بِهِ وَأَظْهَرَهُ اللَّهُ عَلَيْهِ عَرَّفَ بَعْضَهُ وَأَعْرَضَ عَنْ بَعْضٍ ۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِ قَالَتْ مَنْ أَنْبَأَكَ هَٰذَا ۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ الْعَلِيمُ الْخَبِيرُ﴾

Banggitin mo nang nagtangi ang Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - kay Ḥafṣah ng isang ulat. Bahagi nito ay na siya ay hindi lalapit sa maybahay niyang si Maria.
Noong nagpabatid si Ḥafṣah kay `Ā'ishah hinggil sa ulat at nagbalita naman si Allāh sa Propeta Niya tungkol sa pagpalaganap ng lihim niya, pinagalitan niya si Ḥafṣah at bumanggit siya rito ng isang bahagi mula sa binanggit nito at nanahimik siya tungkol sa ibang bahagi. Nagtanong ito sa kanya: "Sino ang nagpabatid sa iyo nito?" Nagsabi naman siya: "Nagpabatid sa akin ang Maalam sa bawat bagay, ang Nakababatid sa bawat nakakubli."

﴿إِنْ تَتُوبَا إِلَى اللَّهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوبُكُمَا ۖ وَإِنْ تَظَاهَرَا عَلَيْهِ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ مَوْلَاهُ وَجِبْرِيلُ وَصَالِحُ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ بَعْدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ﴾

Nagindapat sa inyong dalawa na magbalik-loob kayong dalawa dahil ang mga puso ninyong dalawa ay kumiling sa pag-ibig sa kinasuklaman ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - na pag-iwas sa babaing alipin niya at pagbabawal nito sa sarili niya. Kung magpupumilit kayo sa pag-ulit sa panunulsol ninyong dalawa sa kanya, tunay na si Allāh ay Tagatangkilik niya at Tagaadya Niya, at gayon din si Anghel Gabriel. Ang mabubuti sa mga mananampalataya ay mga katangkilik niya at mga mapag-adya sa kanya. Ang mga anghel, matapos ng pag-aadya ni Allāh sa kanya, ay mga katulong para sa kanya at mga mapag-adya laban sa sinumang nananakit sa kanya.

﴿عَسَىٰ رَبُّهُ إِنْ طَلَّقَكُنَّ أَنْ يُبْدِلَهُ أَزْوَاجًا خَيْرًا مِنْكُنَّ مُسْلِمَاتٍ مُؤْمِنَاتٍ قَانِتَاتٍ تَائِبَاتٍ عَابِدَاتٍ سَائِحَاتٍ ثَيِّبَاتٍ وَأَبْكَارًا﴾

Marahil ang Panginoon ng Propeta - kaluwalhatian sa Kanya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing nagpapaakay sa utos niya, mga babaing mananampalataya kay Allāh at sa Sugo, mga babaing tagatalima kay Allāh, mga babaing tagabalik-loob mula sa mga pagkakasala nila, mga babaing mananamba sa Panginoon nila, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen hindi nakatalik ng iba pa sa kanya; subalit hindi siya nagdiborsiyo sa kanila.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قُوا أَنْفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا وَقُودُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ عَلَيْهَا مَلَائِكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَا يَعْصُونَ اللَّهَ مَا أَمَرَهُمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, gumawa kayo para sa mga sarili ninyo at para sa mga mag-anak ninyo ng isang pananggalang laban sa Apoy na malaki, na pinaniningas ng mga tao at mga bato. Sa ibabaw ng Apoy na ito ay may mga anghel na mababagsik sa sinumang pumapasok dito, na matitindi. Hindi sila sumusuway sa utos ni Allāh kapag nag-utos Siya sa kanila, at gumagawa sila sa anumang ipinag-uutos Niya sa kanila nang walang panlulupaypay ni pananamlay.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَعْتَذِرُوا الْيَوْمَ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Sasabihin sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon: "O mga tumangging sumampalataya kay Allāh, huwag kayong magdahi-dahilan sa araw [na ito] dahil sa dating taglay ninyo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sapagkat hindi tatanggapin ang mga dahi-dahilan ninyo. Gagantimpalaan lamang kayo sa Araw na ito ayon sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga sugo Niya."

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا تُوبُوا إِلَى اللَّهِ تَوْبَةً نَصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُكَفِّرَ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَيُدْخِلَكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يَوْمَ لَا يُخْزِي اللَّهُ النَّبِيَّ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ ۖ نُورُهُمْ يَسْعَىٰ بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَانِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا أَتْمِمْ لَنَا نُورَنَا وَاغْفِرْ لَنَا ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, magbalik-loob kayo kay Allāh mula sa mga pagkakasala ninyo ayon sa pagbabalik-loob na tapat.
Marahil ang Panginoon ninyo ay magbubura para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito ang mga ilog sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na hindi mang-aaba si Allāh sa Propeta at hindi Siya mang-aaba sa mga sumampalataya kasama nito sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy.
Ang liwanag nila ay sisinag sa mga harapan nila at sa mga kanang kamay nila sa Landasin, habang nagsasabi: "O Panginoon namin, buuhin Mo para sa amin ang liwanag namin hanggang sa makapasok kami sa Paraiso para hindi kami maging tulad ng mga mapagpaimbabaw na naaapula ang liwanag nila sa Landasin, at magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan sapagkat hindi Ka nawawalang-kakayahan sa pagbuo ng liwanag namin at pagpapalampas sa mga pagkakasala namin."

﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنَافِقِينَ وَاغْلُظْ عَلَيْهِمْ ۚ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾

O Sugo, makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng tabak at sa mga mapagpaimbabaw sa pamamagitan ng dila at pagpapatupad sa mga takdang parusa, at magpakatindi ka sa kanila upang magpakundangan sila sa iyo. Ang kanlungan nila na kakanlungan nila sa Araw ng Pagbangon ay ang Impiyerno. Kay sagwa bilang kahahantungan ang kahahantungan nila na pagwawakasan nila!

﴿ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ كَفَرُوا امْرَأَتَ نُوحٍ وَامْرَأَتَ لُوطٍ ۖ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَالِحَيْنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ اللَّهِ شَيْئًا وَقِيلَ ادْخُلَا النَّارَ مَعَ الدَّاخِلِينَ﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, na ang kaugnayan nila sa mga mananampalataya ay hindi magpapakinabang, gaya ng sa kalagayan ng mga maybahay ni Noe at ni Lot.
Silang dalawa noon ay mga maybahay ng dalawang lingkod na maaayos, ngunit nagtaksil silang dalawa sa mga asawa nilang dalawa dahil sa ginagawa nilang dalawa noon na pagsagabal sa landas ni Allāh at pakikipag-adya sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipi nilang dalawa kaya hindi nagpakinabang sa kanilang dalawa ang kanilang pagiging mga asawa para sa dalawang lingkod na maayos. Sasabihin sa kanilang dalawa: "Pumasok kayong dalawa sa Apoy kabilang sa kabuuan ng mga papasok doon kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail."

﴿وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ آمَنُوا امْرَأَتَ فِرْعَوْنَ إِذْ قَالَتْ رَبِّ ابْنِ لِي عِنْدَكَ بَيْتًا فِي الْجَنَّةِ وَنَجِّنِي مِنْ فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهِ وَنَجِّنِي مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, na pagkakaugnay nila sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakapipinsala at hindi nakaaapekto sa kanila hanggat sila ay mga nananatiling matatag sa katotohanan, gaya ng sa kalagayan ng maybahay ni Paraon nang nagsabi siya: "O Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magpaligtas Ka sa akin laban sa kapangyarihan ni Paraon, kapamahalaan niya, at mga gawain niyang masagwa, at magpaligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagsunod nila sa kanya sa pagmamalabis niya at paglabag niya sa katarungan."

﴿وَمَرْيَمَ ابْنَتَ عِمْرَانَ الَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهِ مِنْ رُوحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمَاتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِ وَكَانَتْ مِنَ الْقَانِتِينَ﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, sa kalagayan ni Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya laban sa pangangalunya. Kaya nag-utos si Allāh kay Anghel Gabriel na umihip doon [sa bulsa ng baro ni Maria] kaya ipinagbuntis nito, dahil sa kakayahan ni Allāh, si Hesus na anak ni Maria, nang walang ama. Nagpatotoo si Maria sa mga batas ni Allāh at sa mga kasulatan Nito na ibinaba sa mga sugo Nito. Siya noon ay kabilang sa mga tumatalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: