الذاريات

تفسير سورة الذاريات

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالذَّارِيَاتِ ذَرْوًا﴾

Sumusumpa si Allāh sa mga hanging naglilipad ng alikabok,

﴿فَالْحَامِلَاتِ وِقْرًا﴾

at sa mga ulap na nagdadala ng masaganang tubig,

﴿فَالْجَارِيَاتِ يُسْرًا﴾

at sa mga daong na naglalayag sa dagat sa kadalian at kagaanan,

﴿فَالْمُقَسِّمَاتِ أَمْرًا﴾

at sa mga anghel na nagbabahagi ng ipinag-utos ni Allāh na bahaginin na mga nauukol sa mga lingkod,

﴿إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٌ﴾

tunay na ang ipinangangako sa inyo ng Panginoon ninyo na pagtutuos at pagganti ay talagang walang pag-aatubili rito,

﴿وَإِنَّ الدِّينَ لَوَاقِعٌ﴾

at tunay na ang pagtutuos sa mga lingkod ay talagang magaganap sa Araw ng Pagbangon nang walang pasubali!

﴿وَالسَّمَاءِ ذَاتِ الْحُبُكِ﴾

Sumusumpa si Allāh sa langit na maganda ang pagkalikha na may mga daan,

﴿إِنَّكُمْ لَفِي قَوْلٍ مُخْتَلِفٍ﴾

tunay na kayo, O mga naninirahan sa Makkah, ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakasalungatan na nagkakabanggaan. Minsan ay nagsasabi kayo: Ang Qur'ān ay panggagaway, at minsan naman ay tula. Nagsasabi kayo: si Muḥammad ay manggagaway, at minsan ay manunula.

﴿يُؤْفَكُ عَنْهُ مَنْ أُفِكَ﴾

Naibabaling palayo sa pananampalataya sa Qur'ān at sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ang sinumang naibaling palayo dahil sa pagkakaalam ni Allāh batay sa kaalaman Niya na iyon ay hindi mananampalataya kaya naman hindi itinutuon sa kapatnubayan.

﴿قُتِلَ الْخَرَّاصُونَ﴾

Isinumpa ang mga palasinungaling na nagsabi hinggil sa Qur'ān at hinggil sa Propeta nila ng sinabi nila,

﴿الَّذِينَ هُمْ فِي غَمْرَةٍ سَاهُونَ﴾

na sila sa kamangmangan ay mga nalilingat sa tahanang pangkabilang-buhay, na hindi pumapansin doon.

﴿يَسْأَلُونَ أَيَّانَ يَوْمُ الدِّينِ﴾

Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggaganti?" Sila ay hindi nakaaalam niyon.

﴿يَوْمَ هُمْ عَلَى النَّارِ يُفْتَنُونَ﴾

Kaya sasagot sa kanila si Allāh hinggil sa tanong nila: Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay pinagdurusa.

﴿ذُوقُوا فِتْنَتَكُمْ هَٰذَا الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تَسْتَعْجِلُونَ﴾

Sasabihin sa kanila: Lasapin ninyo ang pagdurusa ninyo; ito ay ang dati ninyong hinihiling ang pagpapadali nito nang ipinamamanata ninyo bilang pangungutya!

﴿إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ﴾

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa Araw ng Pagbangon ay nasa mga taniman at mga bukal na dumadaloy,

﴿آخِذِينَ مَا آتَاهُمْ رَبُّهُمْ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَبْلَ ذَٰلِكَ مُحْسِنِينَ﴾

habang mga tumatanggap ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila ng masaganang ganti. Tunay na sila noon bago ng masaganang ganting ito ay mga tagagawa ng maganda sa Mundo.

﴿كَانُوا قَلِيلًا مِنَ اللَّيْلِ مَا يَهْجَعُونَ﴾

Sila noon ay nagdarasal sa bahagi ng gabi; hindi sila natutulog kundi sa panahong kakaunti.

﴿وَبِالْأَسْحَارِ هُمْ يَسْتَغْفِرُونَ﴾

Sa oras ng mga huling bahagi ng gabi, humihiling sila ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila.

﴿وَفِي أَمْوَالِهِمْ حَقٌّ لِلسَّائِلِ وَالْمَحْرُومِ﴾

Sa mga yaman nila ay may karapatan - na ikinukusang-loob nila - para sa nanghihingi kabilang sa mga tao at para sa hindi nanghihingi sa kanila kabilang sa napagkaitan ng panustos dahil sa alinmang kadahilanang nangyari.

﴿وَفِي الْأَرْضِ آيَاتٌ لِلْمُوقِنِينَ﴾

At sa lupa at anumang inilagay ni Allāh rito na mga bundok, mga dagat, mga ilog, mga punong-kahoy, mga halaman, at mga hayop ay may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga nakatitiyak na si Allāh ay ang Tagalikha, ang Tagaanyo,

﴿وَفِي أَنْفُسِكُمْ ۚ أَفَلَا تُبْصِرُونَ﴾

at sa mga sarili ninyo, O mga tao, ay may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh. Kaya hindi ba kayo nakakikita upang magsaalang-alang kayo?

﴿وَفِي السَّمَاءِ رِزْقُكُمْ وَمَا تُوعَدُونَ﴾

At sa langit ay ang panustos ninyong pangmundo at panrelihiyon at naroon ang ipinangangako sa inyo na kabutihan o kasamaan.

﴿فَوَرَبِّ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِنَّهُ لَحَقٌّ مِثْلَ مَا أَنَّكُمْ تَنْطِقُونَ﴾

Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ang pagbubuhay ay talagang katotohanan na walang pagdududa roon, gaya ng walang pagdududa sa pagbigkas ninyo kapag bumibigkas kayo.

﴿هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ ضَيْفِ إِبْرَاهِيمَ الْمُكْرَمِينَ﴾

Dumating ba sa iyo, O Sugo, ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham na mga anghel na pinarangalan niya?

﴿إِذْ دَخَلُوا عَلَيْهِ فَقَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ قَوْمٌ مُنْكَرُونَ﴾

Nang pumasok sila sa kanya at nagsabi sila sa kanya: "Kapayapaan" ay nagsabi naman si Abraham bilang pagtugon sa kanila: "Kapayapaan," at nagsabi siya sa sarili niya: "Ang mga ito ay mga taong hindi namin nakikilala."

﴿فَرَاغَ إِلَىٰ أَهْلِهِ فَجَاءَ بِعِجْلٍ سَمِينٍ﴾

Kaya kumiling siya sa mag-anak niya nang pakubli, at nagdala ang nasa piling nila ng isang guyang ganap na mataba dala ng isang pagpapalagay mula sa kanya na sila ay mga tao.

﴿فَقَرَّبَهُ إِلَيْهِمْ قَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ﴾

Kaya inilapit niya ang guya sa kanila; kinausap niya sila nang banayad: "Hindi ba kayo kakain ang inihain para sa inyo na pagkain?"

﴿فَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَامٍ عَلِيمٍ﴾

Kaya noong hindi sila kumain, nagkimkim siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila ngunit nakatalos sila sa kanya kaya nagsabi sila habang mga nagpapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay mga sugo mula sa ganang kay Allāh." Nagpabatid sila ng ikinagagalak niya, na siya ay magkakaanak ng isang batang lalaking may maraming kaalaman. Ang ibinalitang nakasisiya ay si Isaac - sumakanya ang pangangalaga.

﴿فَأَقْبَلَتِ امْرَأَتُهُ فِي صَرَّةٍ فَصَكَّتْ وَجْهَهَا وَقَالَتْ عَجُوزٌ عَقِيمٌ﴾

Kaya noong narinig ng maybahay niya ang balitang nakasisiya, lumapit ito habang sumisigaw sa tuwa, at tinampal nito ang mukha nito at nagsabi habang nagtataka: "Magkakaanak ba ang isang matandang babae gayong siya sa simula pa ay isang baog?"

﴿قَالُوا كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ ۖ إِنَّهُ هُوَ الْحَكِيمُ الْعَلِيمُ﴾

Nagsabi rito ang mga anghel: "Ang ipinabatid namin sa iyo ay sinabi ng Panginoon mo. Ang anumang sinabi Niya ay walang makapagtutulak doon; tunay na Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pagtatakda Niya, ang Maalam sa nilikha Niya at anumang naaangkop para sa kanila."

﴿۞ قَالَ فَمَا خَطْبُكُمْ أَيُّهَا الْمُرْسَلُونَ﴾

Nagsabi si Abraham - sumakanya ang pangangalaga - sa mga anghel: "Ano ang pakay ninyo? Ano ang nilalayon ninyo?"

﴿قَالُوا إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمٍ مُجْرِمِينَ﴾

Nagsabi ang mga anghel bilang sagot sa kanya: "Tunay na kami ay ipinadala ni Allāh sa mga taong salarin na gumagawa ng mga pangit sa mga pagkakasala,

﴿لِنُرْسِلَ عَلَيْهِمْ حِجَارَةً مِنْ طِينٍ﴾

upang magpadala kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad na tumigas,

﴿مُسَوَّمَةً عِنْدَ رَبِّكَ لِلْمُسْرِفِينَ﴾

tinatakan buhat sa Panginoon mo, O Abraham, na ipinadadala sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh, na mga tagapagpalabis sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."

﴿فَأَخْرَجْنَا مَنْ كَانَ فِيهَا مِنَ الْمُؤْمِنِينَ﴾

Kaya nagpalabas Kami sa sinumang nangyaring nasa pamayanan ng mga kababayan ni Lot kabilang sa mga mananampalataya upang hindi tumama sa kanila ang tatama sa mga salarin na pagdurusa.

﴿فَمَا وَجَدْنَا فِيهَا غَيْرَ بَيْتٍ مِنَ الْمُسْلِمِينَ﴾

Ngunit wala kaming natagpuan sa pamayanan nilang ito maliban sa nag-iisang sambahayan ng mga tagapasakop. Sila ay ang mag-anak ni Lot - sumakanya ang pangangalaga.

﴿وَتَرَكْنَا فِيهَا آيَةً لِلَّذِينَ يَخَافُونَ الْعَذَابَ الْأَلِيمَ﴾

Nag-iwan Kami sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot ng mga bakas ng pagdurusa, na nagpapatunay sa pagkaganap ng pagdurusa sa kanila upang maisaalang-alang ng sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit na tumama sa kanila para hindi gumawa ayon sa gawain nila upang maligtas doon.

﴿وَفِي مُوسَىٰ إِذْ أَرْسَلْنَاهُ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ﴾

At kay Moises, nang nagpadala Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng mga katwirang maliwanag, ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit.

﴿فَتَوَلَّىٰ بِرُكْنِهِ وَقَالَ سَاحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ﴾

Ngunit umayaw si Paraon - habang nangangaway sa pamamagitan ng lakas niya at kawal niya - sa katotohanan. Nagsabi siya tungkol kay Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Siya ay manggagaway na nanggagaway ng mga tao, o baliw na nagsasabi ng hindi niya nauunawaan."

﴿فَأَخَذْنَاهُ وَجُنُودَهُ فَنَبَذْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٌ﴾

Kaya kinuha Namin siya mismo at ang mga kawal niya sa kabuuan nila at inihagis Namin sila sa dagat kaya nalunod sila at nasawi sila habang si Paraon ay nakagagawa ng maisisisi sa kanya na pagpapasinungaling at pag-aangkin na siya ay diyos.

﴿وَفِي عَادٍ إِذْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الرِّيحَ الْعَقِيمَ﴾

At sa `Ād, ang lipi ni Hūd, ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit nang nagpadala Kami sa kanila ng hanging hindi nagdadala ng ulan, hindi nagpapabunga ng mga punung-kahoy, at walang biyaya.

﴿مَا تَذَرُ مِنْ شَيْءٍ أَتَتْ عَلَيْهِ إِلَّا جَعَلَتْهُ كَالرَّمِيمِ﴾

Hindi ito nang-iiwan ng isang tao o isang ari-arian o iba pa na pinuntahan nito malibang winasak nito iyon at iniwan nito iyon gaya ng nalumang nagkapira-piraso.

﴿وَفِي ثَمُودَ إِذْ قِيلَ لَهُمْ تَمَتَّعُوا حَتَّىٰ حِينٍ﴾

At sa Thamūd, ang lipi ni Ṣāliḥ - sumakanya ang pangangalaga - ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit nang sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo sa buhay ninyo bago ng pagwawakas ng mga taning ninyo."

﴿فَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ فَأَخَذَتْهُمُ الصَّاعِقَةُ وَهُمْ يَنْظُرُونَ﴾

Ngunit nagpakamalaki sila sa utos ng Panginoon nila at nagmataas sila bilang pagmamalaki sa pag-ayaw sa pananampalataya at pagtalima kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusa habang sila ay naghihintay ng pagbaba nito yayamang sila noon ay pinangakuan ng pagdurusa tatlong araw bago ng pagbaba nito.

﴿فَمَا اسْتَطَاعُوا مِنْ قِيَامٍ وَمَا كَانُوا مُنْتَصِرِينَ﴾

Kaya hindi sila nakakaya na magtaboy palayo sa kanila ng bumaba sa kanila na pagdurusa, at hindi sila nagkaroon ng lakas na maipampipigil nila.

﴿وَقَوْمَ نُوحٍ مِنْ قَبْلُ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ﴾

At nagpasawi nga Kami sa mga kababayan ni Noe sa pamamagitan ng pagkalunod noong bago pa man ng mga nabanggit na ito; tunay na sila noon ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh kaya naging karapat-dapat sila sa parusa Niya.

﴿وَالسَّمَاءَ بَنَيْنَاهَا بِأَيْدٍ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ﴾

At ang langit ay ipinatayo Namin ito at hinusayan Namin ang pagpapatayo nito sa pamamagitan ng lakas, at tunay na Kami ay talagang nagpapalawak sa mga gilid nito.

﴿وَالْأَرْضَ فَرَشْنَاهَا فَنِعْمَ الْمَاهِدُونَ﴾

At ang lupa ay ginawa Namin ito na nakahimlay para sa mga tumatahak sa ibabaw nito gaya ng banig para sa kanila, at kay inam na tagapaghimlay Kami yayamang naghimlay Kami nito para sa kanila.

﴿وَمِنْ كُلِّ شَيْءٍ خَلَقْنَا زَوْجَيْنِ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ﴾

At mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares gaya ng lalaki at babae, ng langit at lupa, at ng katihan at karagatan nang sa gayon kayo ay makapag-aalaala sa kaisahan ni Allāh na lumikha mula sa bawat bagay ng magkapares at makapag-aalaala kayo sa kakayahan Niya.

﴿فَفِرُّوا إِلَى اللَّهِ ۖ إِنِّي لَكُمْ مِنْهُ نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾

Kaya tumakas kayo mula sa parusa ni Allāh patungo sa gantimpala Niya sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya at kawalan ng pagsuway sa Kanya. Tunay na ako para sa inyo, O mga tao, ay isang tagapagbabala laban sa parusa Niya, na malinaw ang pagbabala.

﴿وَلَا تَجْعَلُوا مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ ۖ إِنِّي لَكُمْ مِنْهُ نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾

At huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng iba pang sinasamba na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya; tunay na ako para sa inyo ay isang tagapagbabala laban sa [pagsambang] ito, na malinaw ang pagbabala.

﴿كَذَٰلِكَ مَا أَتَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا قَالُوا سَاحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ﴾

Tulad ng pagpapasinungaling na iyon na nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Makkah, nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna sapagkat walang dumating sa kanila na isang sugo mula sa ganang kay Allāh malibang nagsabi sila tungkol doon: "Siya ay isang manggagaway o isang baliw."

﴿أَتَوَاصَوْا بِهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ﴾

Nagtagubilinan ba ang mga tagapanguna kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapahuli kabilang sa kanila laban sa pagpapasinungaling sa mga sugo? Hindi; bagkus nagbuklod sa kanila rito ang pagmamalabis nila.

﴿فَتَوَلَّ عَنْهُمْ فَمَا أَنْتَ بِمَلُومٍ﴾

Kaya umayaw ka, O Sugo, palayo sa mga tagapasinungaling na ito, at ikaw ay hindi masisisi sapagkat dumating na sa kanila ang ipinasugo sa iyo sa kanila.

﴿وَذَكِّرْ فَإِنَّ الذِّكْرَىٰ تَنْفَعُ الْمُؤْمِنِينَ﴾

At huwag pumigil sa iyo ang pag-ayaw mo sa kanila sa pangangaral sa kanila at pagpapaalaala sa kanila. Kaya mangaral ka sa kanila at magpaalaala ka sa kanila sapagkat tunay na ang pagpapaalaala ay nagpapakinabang sa mga may pananampalataya kay Allāh.

﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ﴾

At hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi para sa pagsamba sa Akin - tanging sa Akin - at hindi Ako lumikha sa kanila upang gumawa sila para sa Akin ng katambal.

﴿مَا أُرِيدُ مِنْهُمْ مِنْ رِزْقٍ وَمَا أُرِيدُ أَنْ يُطْعِمُونِ﴾

Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng panustos at hindi Ako nagnanais mula sa kanila na pakainin nila Ako.

﴿إِنَّ اللَّهَ هُوَ الرَّزَّاقُ ذُو الْقُوَّةِ الْمَتِينُ﴾

Tunay na si Allāh ay ang Palatustos sa mga lingkod Niya sapagkat ang lahat ay mga nangangailangan ng panustos Niya, ang May Lakas, ang Matibay na walang nakadadaig sa Kanya na anuman. Ang lahat ng jinn at tao ay mga napapasailalim sa lakas Niya - kaluwalhatian sa Kanya.

﴿فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا ذَنُوبًا مِثْلَ ذَنُوبِ أَصْحَابِهِمْ فَلَا يَسْتَعْجِلُونِ﴾

Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagpapasinungaling sa iyo, O Sugo, ay isang bahagi ng pagdurusa tulad ng bahagi ng mga kasamahan nilang nauna. Mayroon itong isang taning na tinakdaan, kaya huwag silang humiling mula sa Akin ng pagpapadali niyon bago ng taning niyon.

﴿فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ يَوْمِهِمُ الَّذِي يُوعَدُونَ﴾

Kaya kasawian at kalugihan ay ukol sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo nila mula sa araw nilang ipinangangako sa kanila roon ang pagpababa ng pagdurusa sa kanila.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: