الدّخان

تفسير سورة الدّخان

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ حم﴾

Ḥā. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

﴿وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ﴾

Sumumpa si Allāh sa Qur'ān na nagliliwanag sa daan ng kapatnubayan tungo sa katotohanan:

﴿إِنَّا أَنْزَلْنَاهُ فِي لَيْلَةٍ مُبَارَكَةٍ ۚ إِنَّا كُنَّا مُنْذِرِينَ﴾

tunay na Kami ay nagpababa ng Qur'ān sa Gabi ng Pagtakda. Ito ay ang gabi ng maraming kabutihan. Tunay Kami noon ay nagpapangamba sa pamamagitan ng Qur'ān na ito.

﴿فِيهَا يُفْرَقُ كُلُّ أَمْرٍ حَكِيمٍ﴾

Sa gabing ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tinahas, na nauugnay sa mga panustos, mga taning, at iba pa sa mga ito kabilang sa anumang pinangyayari ni Allāh sa taon na iyon.

﴿أَمْرًا مِنْ عِنْدِنَا ۚ إِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ﴾

Nagpapasya Kami sa bawat usaping tinahas mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagpapadala ng mga sugo.

﴿رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ﴾

Nagpapadala ng mga sugo bilang awa mula sa Panginoon mo, O Sugo, para sa mga pinagsuguan. Tunay na Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga gawain nila at mga layunin nila: walang naikukubli sa kanya mula roon.

﴿رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِنْ كُنْتُمْ مُوقِنِينَ﴾

Panginoon ng mga langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo noon ay mga nakatitiyak doon kaya sumampalataya kayo sa Sugo Ko.

﴿لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ رَبُّكُمْ وَرَبُّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ﴾

Walang sinasamba ayon sa karapatan ng iba pa sa Kanya. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya; walang tagabigay-buhay at walang tagabigay-kamatayan na iba pa sa Kanya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga nauna.

﴿بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ يَلْعَبُونَ﴾

Ang mga tagatambal na ito ay hindi mga nakatitiyak doon, bagkus sila sa isang pagdududa roon ay naglilibang dahil sa taglay nilang kabulaanan.

﴿فَارْتَقِبْ يَوْمَ تَأْتِي السَّمَاءُ بِدُخَانٍ مُبِينٍ﴾

Kaya maghintay ka, O Sugo, sa pagdurusang malapit ng mga kababayan mo, sa Araw na maghahatid ang langit ng isang usok na maliwanag, na makikita nila sa pamamagitan ng mga mata nila dahil sa tindi hapdi.

﴿يَغْشَى النَّاسَ ۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Lalahatin nito ang mga tao mo. Ang pagdurusang ito na dadapo sa inyo ay isang pagdurusang mahapdi.

﴿رَبَّنَا اكْشِفْ عَنَّا الْعَذَابَ إِنَّا مُؤْمِنُونَ﴾

Kaya magsusumamo sila sa Panginoon nila habang mga humihiling: "Panginoon Namin, magbaling Ka palayo sa amin ng pagdurusang ipinadala Mo sa amin; tunay na Kami ay mga mananampalataya sa iyo at sa Sugo Mo kung magbabaling Ka nito palayo sa amin."

﴿أَنَّىٰ لَهُمُ الذِّكْرَىٰ وَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مُبِينٌ﴾

Papaanong ukol sa kanila na magsaalaala sila at manumbalik sa Panginoon nila gayong may dumating sa kanilang isang Sugong malinaw ang mensahe at nakilala nila ang katapatan niyon at pagkamapagkakatiwalaan niyon?

﴿ثُمَّ تَوَلَّوْا عَنْهُ وَقَالُوا مُعَلَّمٌ مَجْنُونٌ﴾

Pagkatapos ay umayaw sila sa pagpapatotoo sa kanya at nagsabi sila tungkol sa kanya: "Siya ay isang tinuruan na nagtuturo sa kanya ang iba sa kanya at hindi isang sugo." Nagsabi pa sila tungkol sa Kanya: "Siya ay isang baliw."

﴿إِنَّا كَاشِفُو الْعَذَابِ قَلِيلًا ۚ إِنَّكُمْ عَائِدُونَ﴾

Tunay na Kami kapag magbabaling palayo sa inyo ng pagdurusa nang kakaunti ay tunay na kayo naman ay mga babalik sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagpapasinungaling ninyo.

﴿يَوْمَ نَبْطِشُ الْبَطْشَةَ الْكُبْرَىٰ إِنَّا مُنْتَقِمُونَ﴾

Maghintay ka sa kanila, O Sugo, sa Araw na hahagupit Kami sa mga tagatangging sumampalataya sa mga kababayan mo ng paghagupit na pinakamalaki sa Araw ng Badr. Tunay na Kami ay maghihiganti sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa Sugo Niya.

﴿۞ وَلَقَدْ فَتَنَّا قَبْلَهُمْ قَوْمَ فِرْعَوْنَ وَجَاءَهُمْ رَسُولٌ كَرِيمٌ﴾

Talaga ngang sumulit Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal mula kay Allāh, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya, na si Moises - sumakanya ang pangangalaga.

﴿أَنْ أَدُّوا إِلَيَّ عِبَادَ اللَّهِ ۖ إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ﴾

Nagsabi si Moises kay Paraon at sa mga tao nito: "Iwan ninyo sa akin ang mga anak ni Israel sapagkat sila ay mga lingkod ni Allāh; wala kayong karapatan na umalipin sa kanila. Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan mula kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot ko sa inyo; hindi ako nagbabawas mula roon ng anuman at hindi ako nagdaragdag doon.

﴿وَأَنْ لَا تَعْلُوا عَلَى اللَّهِ ۖ إِنِّي آتِيكُمْ بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ﴾

at huwag kayong magpakamalaki kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa Kanya at pagmamataas laban sa pagsamba sa Kanya - tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may katwirang maliwanag.

﴿وَإِنِّي عُذْتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمْ أَنْ تَرْجُمُونِ﴾

At tunay na ako ay nagpasanggalang sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka patayin ninyo ako sa pamamagitan ng pagpukol ng bato.

﴿وَإِنْ لَمْ تُؤْمِنُوا لِي فَاعْتَزِلُونِ﴾

Kung hindi kayo nagpatotoo sa akin sa dinala ko ay lumayo kayo sa akin at huwag kayong magpalapit sa akin ng isang kasagwaan."

﴿فَدَعَا رَبَّهُ أَنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ مُجْرِمُونَ﴾

Kaya dumalangin si Moises - sumakanya ang pangangalaga sa Panginoon niya na ang mga taong - sina Paraon at ang konseho nito - ay mga taong salaring naging karapat-dapat sa pagpapadali sa kaparusahan.

﴿فَأَسْرِ بِعِبَادِي لَيْلًا إِنَّكُمْ مُتَّبَعُونَ﴾

Kaya nag-utos si Allāh kay Moises na maglakbay siya kasama ng mga tao nito sa isang gabi, at nagpabatid Siya rito na si Paraon at ang mga tao niyon ay susunod sa kanila.

﴿وَاتْرُكِ الْبَحْرَ رَهْوًا ۖ إِنَّهُمْ جُنْدٌ مُغْرَقُونَ﴾

Nag-utos Siya rito, kapag nakatawid ito sa dagat at ang mga anak ni Israel, na iwan nito ito nang tahimik gaya ng dati. Tunay na si Paraon at ang mga kawal niyon mga pasasawiin sa pagkalunod sa dagat.

﴿كَمْ تَرَكُوا مِنْ جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ﴾

Kay rami ng iniwanan ni Paraon at ng mga tao nito sa likuran nila na mga pataniman at mga bukal na dumadaloy!

﴿وَزُرُوعٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ﴾

Kay rami ng iniwanan nila sa likuran nila na mga pananim at pinagtitipunang maganda!

﴿وَنَعْمَةٍ كَانُوا فِيهَا فَاكِهِينَ﴾

Kay rami ng iniwanan nila sa likuran nila na kabuhayang sila dati roon ay mga nagtatamasa!

﴿كَذَٰلِكَ ۖ وَأَوْرَثْنَاهَا قَوْمًا آخَرِينَ﴾

Gayon nga; nangyari sa kanila ang inilarawan sa inyo. Nagpamana Kami sa mga hardin nila, mga bukal nila, mga pananim nila, at mga pinanatilihan nila sa mga ibang tao: ang mga anak ni Israel.

﴿فَمَا بَكَتْ عَلَيْهِمُ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ وَمَا كَانُوا مُنْظَرِينَ﴾

Kaya hindi umiyak para kay Paraon at sa mga tao nito ang langit at ang lupa nang nalunod sila, at sila noon ay hindi mga palulugitan upang magbalik-loob.

﴿وَلَقَدْ نَجَّيْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ مِنَ الْعَذَابِ الْمُهِينِ﴾

Talaga ngang sumagip Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang mang-aaba yayamang si Paraon at ang mga tao nito noon ay pumapatay sa mga anak nila at nagpapanatiling buhay sa mga kababaihan nila.

﴿مِنْ فِرْعَوْنَ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَالِيًا مِنَ الْمُسْرِفِينَ﴾

Sumagip Kami sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Paraon. Tunay na siya noon ay nagmamalaki kabilang sa mga lumalabag sa utos ni Allāh at relihiyon Niya.

﴿وَلَقَدِ اخْتَرْنَاهُمْ عَلَىٰ عِلْمٍ عَلَى الْعَالَمِينَ﴾

Talaga ngang pumili Kami sa mga anak ni Israel ayon sa kaalaman mula sa Amin higit sa [lahat ng] mga nilalang sa panahon nila dahil sa dami ng mga propeta nila.

﴿وَآتَيْنَاهُمْ مِنَ الْآيَاتِ مَا فِيهِ بَلَاءٌ مُبِينٌ﴾

Nagbigay Kami sa kanila ng mga katunayan at mga patotoo na inalalay Namin kay Moises na anumang may biyayang hayag para sa kanila gaya ng manna at pugo, at iba pa sa mga ito.

﴿إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَيَقُولُونَ﴾

Tunay na ang mga tagatambal na tagapasinungaling na ito ay talagang nagsasabi habang nagkakaila sa pagbubuhay na muli:

﴿إِنْ هِيَ إِلَّا مَوْتَتُنَا الْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُنْشَرِينَ﴾

"Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una kaya walang buhay matapos nito, at hindi kami mga bubuhaying muli matapos ng kamatayang ito.

﴿فَأْتُوا بِآبَائِنَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾

Kaya maglahad ka, O Muḥammad, ikaw at ang sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga tagasunod mo ng mga magulang namin bilang mga buhay, kung nangyaring kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo na si Allāh ay magpapabangon sa mga patay bilang mga buhay para sa pagtutuos at pagganti."

﴿أَهُمْ خَيْرٌ أَمْ قَوْمُ تُبَّعٍ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ أَهْلَكْنَاهُمْ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا مُجْرِمِينَ﴾

Ito bang mga tagatambal na tagapasinungaling sa iyo, O sugo, ay higit na mabuti sa lakas at tatag, o ang mga tao ng Tubba` at ang kabilang sa nauna sa kanila tulad ng `Ād at Thamūd, na nagpasawi Kami sa kanila sa kalahatan? Tunay na sila noon ay mga salarin.

﴿وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَاعِبِينَ﴾

Hindi Kami lumikha sa langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang mga naglalaro sa paglikha sa mga ito.

﴿مَا خَلَقْنَاهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa malibang dahil sa isang kasanhiang malalim subalit ang karamihan sa mga tagatambal ay hindi nakaaalam niyon.

﴿إِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ مِيقَاتُهُمْ أَجْمَعِينَ﴾

Tunay na ang Araw ng Pagbangon na magpapasya si Allāh doon sa pagitan ng mga lingkod Niya ay tipanan para sa mga nilikha sa kalahatan, na kakalapin sila ni Allāh doon,

﴿يَوْمَ لَا يُغْنِي مَوْلًى عَنْ مَوْلًى شَيْئًا وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ﴾

sa Araw na hindi magpapakinabang ang isang kaanak sa kaanak nito ni ang isang kaibigan sa kaibigan nito, at hindi sila makapipigil sa pagdurusang dulot ni Allāh dahil ang paghahari sa Araw na iyon ay kay Allāh; walang isang makakakayang mag-angkin nito,

﴿إِلَّا مَنْ رَحِمَ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ﴾

maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh kabilang sa mga tao sapagkat tunay na ito ay makikinabang dahil sa inihain nitong gawang maayos; tunay na si Allāh ay ang Makapangyarihang hindi nagagapi ng isa man, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.

﴿إِنَّ شَجَرَتَ الزَّقُّومِ﴾

Tunay na ang puno ng Zaqqūm na pinatubo ni Allāh sa ugat ng Impiyerno

﴿طَعَامُ الْأَثِيمِ﴾

ay pagkain ng may kasalanang mabigat, ang tagatangging sumampalataya na kakain mula sa bunga niyong karima-rimarim.

﴿كَالْمُهْلِ يَغْلِي فِي الْبُطُونِ﴾

Ang bungang ito ay tulad ng langis na itim, na kukulo ito sa loob ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito

﴿كَغَلْيِ الْحَمِيمِ﴾

gaya ng pagkulo ng tubig na lumalabis sa init.

﴿خُذُوهُ فَاعْتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَاءِ الْجَحِيمِ﴾

Sasabihin sa mga tanod ng Apoy: "Kunin ninyo siya at hilahin ninyo siya nang may karahasan at kagaspangan patungo sa gitna ng Impiyerno.

﴿ثُمَّ صُبُّوا فَوْقَ رَأْسِهِ مِنْ عَذَابِ الْحَمِيمِ﴾

Pagkatapos ay magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo ng pinagdurusang ito ng mainit na tubig kaya hindi hihiwalay sa kanya ang pagdurusa.

﴿ذُقْ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْكَرِيمُ﴾

Sasabihin sa kanya bilang pang-uuyam: "Lasapin mo ang pagdurusang masakit na ito; tunay na ikaw ay ang makapangyarihang hindi masisira ang pagkatao mo, ang mapagbigay sa mga tao mo.

﴿إِنَّ هَٰذَا مَا كُنْتُمْ بِهِ تَمْتَرُونَ﴾

Tunay na ang pagdurusang ito ay ang kayo noon ay nagdududa sa pagkaganap nito sa Araw ng Pagbangon ngunit naglaho na sa inyo ang pagdududa dahil sa pagkakita nito."

﴿إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٍ﴾

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa pook ng pananatili, na mga ligtas sa bawat kinasusuklamang tumama sa kanila,

﴿فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ﴾

sa mga pataniman at mga bukal na dumadaloy,

﴿يَلْبَسُونَ مِنْ سُنْدُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُتَقَابِلِينَ﴾

na magsusuot sa Paraiso ng manipis na sutla at makapal na sutla, na maghaharapan sila sa isa't isa at hindi titingin ang isa sa kanila sa batok ng iba.

﴿كَذَٰلِكَ وَزَوَّجْنَاهُمْ بِحُورٍ عِينٍ﴾

Gaya ng pagpaparangal Namin sa kanila ng nabanggit na iyon, ipakakasal Namin sila sa Paraiso sa mga magagandang babae na mabibilog ang mga mata kalakip ng tindi ng kaputian ng kaputian nito at tindi ng kaitiman ng kaitiman nito.

﴿يَدْعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَاكِهَةٍ آمِنِينَ﴾

Mananawagan sila sa mga tagapaglingkod nila roon upang maghatid sa kanila ang mga ito ng bawat bungang-kahoy na ninais nila, nang mga natitiwasay sa pagkaputol ng mga ito at mga kapinsalaan ng mga ito.

﴿لَا يَذُوقُونَ فِيهَا الْمَوْتَ إِلَّا الْمَوْتَةَ الْأُولَىٰ ۖ وَوَقَاهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ﴾

Mga mananatili roon, hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay sa buhay pangmundo, at mangangalaga sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Apoy

﴿فَضْلًا مِنْ رَبِّكَ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾

bilang isang pagmamabuting-loob at isang pagmamagandang-loob mula sa Panginoon mo sa kanila. Ang nabanggit na iyon na pagpapapasok sa kanila sa Paraiso at pangangalaga sa kanila laban sa Apoy, ay ang pagkatamong sukdulan na walang nakatutumbas na pagkatamo.

﴿فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ﴾

Kaya nagpadali Kami ng Qur'ān na ito at nagpagaan Kami lamang nito sa pamamagitan ng pagpapababa nito ayon sa dila mong Arabe, O Sugo, nang sa gayon sila ay mapangangaralan.

﴿فَارْتَقِبْ إِنَّهُمْ مُرْتَقِبُونَ﴾

Kaya maghintay ka sa pag-aadya sa iyo at pagkasawi nila; tunay na sila ay mga naghihintay sa pagkasawi nila.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: