السجدة

تفسير سورة السجدة

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ الم﴾

Alif. Lām. Mīm.

﴿تَنْزِيلُ الْكِتَابِ لَا رَيْبَ فِيهِ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

Ang pagbababa ng Aklat ay walang alinlangan hinggil dito mula sa Panginoon ng mga nilalang.

﴿أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۚ بَلْ هُوَ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ لِتُنْذِرَ قَوْمًا مَا أَتَاهُمْ مِنْ نَذِيرٍ مِنْ قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ﴾

O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong hindi napuntahan ng anumang tagapagbabala noong wala ka pa nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.

﴿اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ مَا لَكُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا شَفِيعٍ ۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ﴾

Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni tagapamagitan. Kaya hindi pa ba kayo magsasaalaala?

﴿يُدَبِّرُ الْأَمْرَ مِنَ السَّمَاءِ إِلَى الْأَرْضِ ثُمَّ يَعْرُجُ إِلَيْهِ فِي يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُ أَلْفَ سَنَةٍ مِمَّا تَعُدُّونَ﴾

Nangangasiwa Siya sa usapin mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos ay pumapanik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo.

﴿ذَٰلِكَ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ﴾

Iyon ay ang Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Maawain,

﴿الَّذِي أَحْسَنَ كُلَّ شَيْءٍ خَلَقَهُ ۖ وَبَدَأَ خَلْقَ الْإِنْسَانِ مِنْ طِينٍ﴾

na nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya sa paglikha sa tao mula sa putik.

﴿ثُمَّ جَعَلَ نَسْلَهُ مِنْ سُلَالَةٍ مِنْ مَاءٍ مَهِينٍ﴾

Pagkatapos ay gumawa Siya sa mga inapo nito mula sa isang hinango mula sa isang tubig na hamak.

﴿ثُمَّ سَوَّاهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِنْ رُوحِهِ ۖ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۚ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ﴾

Pagkatapos ay humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya. Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Anong kaunti ang ipinagpapasalamat ninyo!

﴿وَقَالُوا أَإِذَا ضَلَلْنَا فِي الْأَرْضِ أَإِنَّا لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ ۚ بَلْ هُمْ بِلِقَاءِ رَبِّهِمْ كَافِرُونَ﴾

Nagsabi sila: "Kapag ba naligaw kami sa lupa, tunay bang kami ay talagang nasa isang paglikhang bago?" Bagkus sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay mga tagatangging sumampalataya.

﴿۞ قُلْ يَتَوَفَّاكُمْ مَلَكُ الْمَوْتِ الَّذِي وُكِّلَ بِكُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ تُرْجَعُونَ﴾

Sabihin mo: "Kukunin kayo ng anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos sa Panginoon ninyo panunumbalikin kayo."

﴿وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الْمُجْرِمُونَ نَاكِسُو رُءُوسِهِمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ رَبَّنَا أَبْصَرْنَا وَسَمِعْنَا فَارْجِعْنَا نَعْمَلْ صَالِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ﴾

Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga salarin ay mga nakatungo ang mga ulo nila sa harap ng Panginoon nila, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, nakakita kami at nakarinig kami. Kaya magpanumbalik Ka sa amin, gagawa kami ng maayos. Tunay na kami ay mga nakatitiyak."

﴿وَلَوْ شِئْنَا لَآتَيْنَا كُلَّ نَفْسٍ هُدَاهَا وَلَٰكِنْ حَقَّ الْقَوْلُ مِنِّي لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ﴾

Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat tao ng patnubay niya, subalit magkakatotoo ang sabi mula sa Akin: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang sama-sama.

﴿فَذُوقُوا بِمَا نَسِيتُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا إِنَّا نَسِينَاكُمْ ۖ وَذُوقُوا عَذَابَ الْخُلْدِ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] dahil lumimot kayo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito. Tunay na Kami ay lilimot sa inyo. Lumasap kayo ng pagdurusa ng kawalang-hanggan dahil sa dati ninyong ginagawa.

﴿إِنَّمَا يُؤْمِنُ بِآيَاتِنَا الَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُوا بِهَا خَرُّوا سُجَّدًا وَسَبَّحُوا بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ ۩﴾

Sumasampalataya lamang sa mga talata Namin ang mga kapag pinaalalahanan sa mga ito ay sumusubsob na mga nakapatirapa at nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Panginoon nila habang sila ay hindi nagmamalaki.

﴿تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمْ عَنِ الْمَضَاجِعِ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ خَوْفًا وَطَمَعًا وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ﴾

Humihiwalay ang mga tagiliran nila sa mga hinihigaan habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.

﴿فَلَا تَعْلَمُ نَفْسٌ مَا أُخْفِيَ لَهُمْ مِنْ قُرَّةِ أَعْيُنٍ جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na kasiyahan ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa.

﴿أَفَمَنْ كَانَ مُؤْمِنًا كَمَنْ كَانَ فَاسِقًا ۚ لَا يَسْتَوُونَ﴾

Kaya ba ang sinumang naging isang mananampalataya ay gaya ng sinumang naging isang suwail? Hindi sila nagkakapantay?

﴿أَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَلَهُمْ جَنَّاتُ الْمَأْوَىٰ نُزُلًا بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Tungkol naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tuluyan dahil sa dati nilang ginagawa.

﴿وَأَمَّا الَّذِينَ فَسَقُوا فَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا أُعِيدُوا فِيهَا وَقِيلَ لَهُمْ ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ﴾

Tungkol naman sa mga nagpakasuwail, ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon ay ibinabalik sila roon at sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling hinggil dito."

﴿وَلَنُذِيقَنَّهُمْ مِنَ الْعَذَابِ الْأَدْنَىٰ دُونَ الْعَذَابِ الْأَكْبَرِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾

Talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng pinakamalapit na pagdurusa bukod pa sa pinakamalaking pagdurusa, nang sa gayon sila ay manunumbalik.

﴿وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ ذُكِّرَ بِآيَاتِ رَبِّهِ ثُمَّ أَعْرَضَ عَنْهَا ۚ إِنَّا مِنَ الْمُجْرِمِينَ مُنْتَقِمُونَ﴾

Sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos ay umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami, sa mga salarin, ay maghihiganti.

﴿وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ فَلَا تَكُنْ فِي مِرْيَةٍ مِنْ لِقَائِهِ ۖ وَجَعَلْنَاهُ هُدًى لِبَنِي إِسْرَائِيلَ﴾

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa kanya. Gumawa Kami rito bilang isang patnubay para sa mga anak ni Israel.

﴿وَجَعَلْنَا مِنْهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا لَمَّا صَبَرُوا ۖ وَكَانُوا بِآيَاتِنَا يُوقِنُونَ﴾

Gumawa Kami mula sa kanila ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.

﴿إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ﴾

Tunay na ang Panginoon mo ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang dati silang nagkakaiba-iba.

﴿أَوَلَمْ يَهْدِ لَهُمْ كَمْ أَهْلَكْنَا مِنْ قَبْلِهِمْ مِنَ الْقُرُونِ يَمْشُونَ فِي مَسَاكِنِهِمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ ۖ أَفَلَا يَسْمَعُونَ﴾

Hindi ba nagpatnubay para sa mga ito kung ilan na ang pinasawi Namin, noong wala pa ang mga ito, kabilang sa mga salinlahi habang naglalakad sila sa mga tirahan nila. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda, kaya hindi ba sila nakaririnig?

﴿أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَسُوقُ الْمَاءَ إِلَى الْأَرْضِ الْجُرُزِ فَنُخْرِجُ بِهِ زَرْعًا تَأْكُلُ مِنْهُ أَنْعَامُهُمْ وَأَنْفُسُهُمْ ۖ أَفَلَا يُبْصِرُونَ﴾

Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang at nagpapalabas Kami sa pamamagitan nito ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan ninyo at ang mga sarili ninyo? Kaya hindi ba sila tumitingin?

﴿وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْفَتْحُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾

Nagsasabi sila: "Kailan ang pagsakop na ito kung kayo ay mga tapat?"

﴿قُلْ يَوْمَ الْفَتْحِ لَا يَنْفَعُ الَّذِينَ كَفَرُوا إِيمَانُهُمْ وَلَا هُمْ يُنْظَرُونَ﴾

Sabihin mo: "Sa araw ng pagsakop, hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya ang pagsampalataya nila at hindi sila palulugitan."

﴿فَأَعْرِضْ عَنْهُمْ وَانْتَظِرْ إِنَّهُمْ مُنْتَظِرُونَ﴾

Kaya umayaw ka sa kanila at maghintay ka sa kanila. Tunay na sila ay mga naghihintay.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: