العلق

تفسير سورة العلق

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ اقْرَأْ بِاسْمِ رَبِّكَ الَّذِي خَلَقَ﴾

Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,

﴿خَلَقَ الْإِنْسَانَ مِنْ عَلَقٍ﴾

lumikha sa tao mula sa isang malalinta.

﴿اقْرَأْ وَرَبُّكَ الْأَكْرَمُ﴾

Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Napakamapagbigay,

﴿الَّذِي عَلَّمَ بِالْقَلَمِ﴾

na nagturo sa pamamagitan ng panulat,

﴿عَلَّمَ الْإِنْسَانَ مَا لَمْ يَعْلَمْ﴾

nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.

﴿كَلَّا إِنَّ الْإِنْسَانَ لَيَطْغَىٰ﴾

Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmalabis

﴿أَنْ رَآهُ اسْتَغْنَىٰ﴾

dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.

﴿إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ الرُّجْعَىٰ﴾

Tunay na tungo sa Panginoon mo ang panunumbalikan.

﴿أَرَأَيْتَ الَّذِي يَنْهَىٰ﴾

Nakakita ka ba sa sumasaway

﴿عَبْدًا إِذَا صَلَّىٰ﴾

sa isang lingkod kapag nagdasal ito?

﴿أَرَأَيْتَ إِنْ كَانَ عَلَى الْهُدَىٰ﴾

Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,

﴿أَوْ أَمَرَ بِالتَّقْوَىٰ﴾

o nag-utos ng pangingilag magkasala?

﴿أَرَأَيْتَ إِنْ كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ﴾

Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya o tumalikod siya?

﴿أَلَمْ يَعْلَمْ بِأَنَّ اللَّهَ يَرَىٰ﴾

Hindi ba ito nakaalam na si Allāh ay tumitingin?

﴿كَلَّا لَئِنْ لَمْ يَنْتَهِ لَنَسْفَعًا بِالنَّاصِيَةِ﴾

Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:

﴿نَاصِيَةٍ كَاذِبَةٍ خَاطِئَةٍ﴾

isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.

﴿فَلْيَدْعُ نَادِيَهُ﴾

Kaya tumawag siya sa kapisanan niya.

﴿سَنَدْعُ الزَّبَانِيَةَ﴾

Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].

﴿كَلَّا لَا تُطِعْهُ وَاسْجُدْ وَاقْتَرِبْ ۩﴾

Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: