المزّمّل

تفسير سورة المزّمّل

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ يَا أَيُّهَا الْمُزَّمِّلُ﴾

O nakabalot,

﴿قُمِ اللَّيْلَ إِلَّا قَلِيلًا﴾

bumangon ka [upang magdasal] sa gabi, maliban sa kaunting [bahagi nito]:

﴿نِصْفَهُ أَوِ انْقُصْ مِنْهُ قَلِيلًا﴾

kalahati nito, o magbawas ka mula rito ng kaunti,

﴿أَوْ زِدْ عَلَيْهِ وَرَتِّلِ الْقُرْآنَ تَرْتِيلًا﴾

o magdagdag ka rito at bumigkas ka sa Qur’ān sa isang [tamang] pagbigkas.

﴿إِنَّا سَنُلْقِي عَلَيْكَ قَوْلًا ثَقِيلًا﴾

Tunay na Kami ay magpupukol sa iyo ng isang sinasabing mabigat.

﴿إِنَّ نَاشِئَةَ اللَّيْلِ هِيَ أَشَدُّ وَطْئًا وَأَقْوَمُ قِيلًا﴾

Tunay na ang [pagsambang] namumutawi sa gabi ay higit na matindi sa pagtalab at higit na matuwid sa pagsabi.

﴿إِنَّ لَكَ فِي النَّهَارِ سَبْحًا طَوِيلًا﴾

Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang magagawang mahaba.

﴿وَاذْكُرِ اسْمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلْ إِلَيْهِ تَبْتِيلًا﴾

At bumanggit ka sa pangalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol.

﴿رَبُّ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَاتَّخِذْهُ وَكِيلًا﴾

Ang Panginoon ng silangan at kanluran, walang Diyos kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan.

﴿وَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَاهْجُرْهُمْ هَجْرًا جَمِيلًا﴾

At magtiis ka sa sinasabi nila at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang maganda.

﴿وَذَرْنِي وَالْمُكَذِّبِينَ أُولِي النَّعْمَةِ وَمَهِّلْهُمْ قَلِيلًا﴾

At magpaubaya Ka sa akin sa mga tagapasinungaling na may biyaya, at mag-anta-antabay ka sa kanila nang kaunti.

﴿إِنَّ لَدَيْنَا أَنْكَالًا وَجَحِيمًا﴾

Tunay na taglay Namin ay mga panggapos at isang impiyerno,

﴿وَطَعَامًا ذَا غُصَّةٍ وَعَذَابًا أَلِيمًا﴾

at isang pagkain na may pambara at isang pagdurusang masakit,

﴿يَوْمَ تَرْجُفُ الْأَرْضُ وَالْجِبَالُ وَكَانَتِ الْجِبَالُ كَثِيبًا مَهِيلًا﴾

sa Araw na yayanig ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging bunton ng buhanging gumuguho.

﴿إِنَّا أَرْسَلْنَا إِلَيْكُمْ رَسُولًا شَاهِدًا عَلَيْكُمْ كَمَا أَرْسَلْنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ رَسُولًا﴾

Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo.

﴿فَعَصَىٰ فِرْعَوْنُ الرَّسُولَ فَأَخَذْنَاهُ أَخْذًا وَبِيلًا﴾

Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na mabigat.

﴿فَكَيْفَ تَتَّقُونَ إِنْ كَفَرْتُمْ يَوْمًا يَجْعَلُ الْوِلْدَانَ شِيبًا﴾

Kaya papaano kayong mangingilag kung tumanggi kayong sumampalataya, sa isang araw na gagawa sa mga bata na ubanin?

﴿السَّمَاءُ مُنْفَطِرٌ بِهِ ۚ كَانَ وَعْدُهُ مَفْعُولًا﴾

Ang langit ay mabibitak sa [Araw na] iyon. Laging ang pangako Niya ay magagawa.

﴿إِنَّ هَٰذِهِ تَذْكِرَةٌ ۖ فَمَنْ شَاءَ اتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِ سَبِيلًا﴾

Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.

﴿۞ إِنَّ رَبَّكَ يَعْلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدْنَىٰ مِنْ ثُلُثَيِ اللَّيْلِ وَنِصْفَهُ وَثُلُثَهُ وَطَائِفَةٌ مِنَ الَّذِينَ مَعَكَ ۚ وَاللَّهُ يُقَدِّرُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ ۚ عَلِمَ أَنْ لَنْ تُحْصُوهُ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۖ فَاقْرَءُوا مَا تَيَسَّرَ مِنَ الْقُرْآنِ ۚ عَلِمَ أَنْ سَيَكُونُ مِنْكُمْ مَرْضَىٰ ۙ وَآخَرُونَ يَضْرِبُونَ فِي الْأَرْضِ يَبْتَغُونَ مِنْ فَضْلِ اللَّهِ ۙ وَآخَرُونَ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ فَاقْرَءُوا مَا تَيَسَّرَ مِنْهُ ۚ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَقْرِضُوا اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا ۚ وَمَا تُقَدِّمُوا لِأَنْفُسِكُمْ مِنْ خَيْرٍ تَجِدُوهُ عِنْدَ اللَّهِ هُوَ خَيْرًا وَأَعْظَمَ أَجْرًا ۚ وَاسْتَغْفِرُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng magdamag o kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkat kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] magdamag at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda. Ang anumang ipinauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: