ص

تفسير سورة ص

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ ص ۚ وَالْقُرْآنِ ذِي الذِّكْرِ﴾

Ṣād. Sumpa man sa Qur'ān na may paalaala,

﴿بَلِ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي عِزَّةٍ وَشِقَاقٍ﴾

bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang kapalaluan at isang hidwaan.

﴿كَمْ أَهْلَكْنَا مِنْ قَبْلِهِمْ مِنْ قَرْنٍ فَنَادَوْا وَلَاتَ حِينَ مَنَاصٍ﴾

Kay rami ng pinasawi Namin noong bago nila na salinlahi, at nanawagan sila at hindi iyon oras ng pagtakas.

﴿وَعَجِبُوا أَنْ جَاءَهُمْ مُنْذِرٌ مِنْهُمْ ۖ وَقَالَ الْكَافِرُونَ هَٰذَا سَاحِرٌ كَذَّابٌ﴾

Nagtaka sila na may dumating sa kanila na isang tagababala kabilang sa kanila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Ito ay isang manggagaway na palasinungaling.

﴿أَجَعَلَ الْآلِهَةَ إِلَٰهًا وَاحِدًا ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ عُجَابٌ﴾

Gumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka."

﴿وَانْطَلَقَ الْمَلَأُ مِنْهُمْ أَنِ امْشُوا وَاصْبِرُوا عَلَىٰ آلِهَتِكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ يُرَادُ﴾

Nagdumali ang konseho kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: "Magpatuloy kayo at magtiis kayo para sa mga diyos ninyo. Walang iba ito kundi talagang isang bagay na ninanais.

﴿مَا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي الْمِلَّةِ الْآخِرَةِ إِنْ هَٰذَا إِلَّا اخْتِلَاقٌ﴾

Hindi kami nakarinig nito sa kapaniwalaang huli. Walang iba ito kundi paglilikha-likha.

﴿أَأُنْزِلَ عَلَيْهِ الذِّكْرُ مِنْ بَيْنِنَا ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِنْ ذِكْرِي ۖ بَلْ لَمَّا يَذُوقُوا عَذَابِ﴾

Ibinaba ba sa kanya ang paalaala habang kabilang sa gitna natin?" Bagkus sila ay nasa isang pagdududa sa paalaala Ko. Bagkus hindi pa sila lumasap ng pagdurusang dulot Ko.

﴿أَمْ عِنْدَهُمْ خَزَائِنُ رَحْمَةِ رَبِّكَ الْعَزِيزِ الْوَهَّابِ﴾

O taglay ba nila ang mga imbakan ng awa ng Panginoon mo, ang Makapangyarihan, ang Mapagkaloob?

﴿أَمْ لَهُمْ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ فَلْيَرْتَقُوا فِي الْأَسْبَابِ﴾

O sa kanila ba ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito? Kaya pumaitaas sila sa mga kaparaanan.

﴿جُنْدٌ مَا هُنَالِكَ مَهْزُومٌ مِنَ الْأَحْزَابِ﴾

[Sila ay] hukbo na doon tatalunin kabilang sa mga lapian.

﴿كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَعَادٌ وَفِرْعَوْنُ ذُو الْأَوْتَادِ﴾

Nagpasinungaling bago nila ang mga tao ni Noe, ang [liping] `Ād, si Paraon na may mga tulos,

﴿وَثَمُودُ وَقَوْمُ لُوطٍ وَأَصْحَابُ الْأَيْكَةِ ۚ أُولَٰئِكَ الْأَحْزَابُ﴾

ang [liping] Thamūd, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa kasukalan. Ang mga iyon ay ang mga lapian.

﴿إِنْ كُلٌّ إِلَّا كَذَّبَ الرُّسُلَ فَحَقَّ عِقَابِ﴾

Walang iba ang bawat isa kundi nagpasinungaling sa mga sugo kaya nagindapat ang parusa Ko.

﴿وَمَا يَنْظُرُ هَٰؤُلَاءِ إِلَّا صَيْحَةً وَاحِدَةً مَا لَهَا مِنْ فَوَاقٍ﴾

Walang hinihintay ang mga ito kundi nag-iisang hiyaw na wala iyong anumang pagpapaliban.

﴿وَقَالُوا رَبَّنَا عَجِّلْ لَنَا قِطَّنَا قَبْلَ يَوْمِ الْحِسَابِ﴾

Nagsabi sila: "Panginoon namin, magpabilis Ka para sa amin ng bahagi namin [sa parusa] bago ng Araw ng Pagtutuos.

﴿اصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَاذْكُرْ عَبْدَنَا دَاوُودَ ذَا الْأَيْدِ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ﴾

Magtiis ka sa sinasabi nila at bumanggit ka sa lingkod Naming si David na may mga lakas. Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].

﴿إِنَّا سَخَّرْنَا الْجِبَالَ مَعَهُ يُسَبِّحْنَ بِالْعَشِيِّ وَالْإِشْرَاقِ﴾

Tunay na Kami ay nagpalingkod sa mga bundok, na kasama sa kanya nagluluwalhati sa dapit-hapon at pagsikat [ng araw].

﴿وَالطَّيْرَ مَحْشُورَةً ۖ كُلٌّ لَهُ أَوَّابٌ﴾

Ang mga ibon ay tinitipon; bawat isa sa kanya ay palabalik.

﴿وَشَدَدْنَا مُلْكَهُ وَآتَيْنَاهُ الْحِكْمَةَ وَفَصْلَ الْخِطَابِ﴾

Nagpatindi Kami sa kaharian niya at nagbigay Kami sa kanya ng karunungan, at kapasyahan sa pakikipag-usap.

﴿۞ وَهَلْ أَتَاكَ نَبَأُ الْخَصْمِ إِذْ تَسَوَّرُوا الْمِحْرَابَ﴾

Dumating ba sa iyo ang balita ng mga magkaalitan noong umakyat sila sa sambahan niya?

﴿إِذْ دَخَلُوا عَلَىٰ دَاوُودَ فَفَزِعَ مِنْهُمْ ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ خَصْمَانِ بَغَىٰ بَعْضُنَا عَلَىٰ بَعْضٍ فَاحْكُمْ بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَلَا تُشْطِطْ وَاهْدِنَا إِلَىٰ سَوَاءِ الصِّرَاطِ﴾

Noong pumasok sila kay David ay nanghilakbot siya sa kanila. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba; [kami ay] magkaalitan. Lumabag ang iba sa amin sa iba kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katotohanan, huwag kang magpakalabis-labis, pumatnubay ka sa kalagitnaan ng landasin.

﴿إِنَّ هَٰذَا أَخِي لَهُ تِسْعٌ وَتِسْعُونَ نَعْجَةً وَلِيَ نَعْجَةٌ وَاحِدَةٌ فَقَالَ أَكْفِلْنِيهَا وَعَزَّنِي فِي الْخِطَابِ﴾

Tunay na ito ay kapatid ko. Mayroon siyang siyamnapu't siyam na tupang babae at mayroon akong nag-iisang tupang babae, ngunit nagsabi siya: 'Ipagkatiwala mo sa akin iyan,' at nangibabaw ito sa akin sa talumpati."

﴿قَالَ لَقَدْ ظَلَمَكَ بِسُؤَالِ نَعْجَتِكَ إِلَىٰ نِعَاجِهِ ۖ وَإِنَّ كَثِيرًا مِنَ الْخُلَطَاءِ لَيَبْغِي بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَقَلِيلٌ مَا هُمْ ۗ وَظَنَّ دَاوُودُ أَنَّمَا فَتَنَّاهُ فَاسْتَغْفَرَ رَبَّهُ وَخَرَّ رَاكِعًا وَأَنَابَ ۩﴾

Nagsabi siya: "Talaga ngang lumabag siya sa iyo sa katarungan sa paghiling ng pagsasama ng babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga kasosyo ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – at kakaunti sila." Nakatiyak si David na sinubok lamang siya kaya humingi siya ng tawad sa Panginoon niya, bumagsak siya na nakayukod, at nagsisising bumalik [kay Allāh].

﴿فَغَفَرْنَا لَهُ ذَٰلِكَ ۖ وَإِنَّ لَهُ عِنْدَنَا لَزُلْفَىٰ وَحُسْنَ مَآبٍ﴾

Kaya nagpatawad Kami sa kanya roon. Tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang malapit at kagandahan ng babalikan.

﴿يَا دَاوُودُ إِنَّا جَعَلْنَاكَ خَلِيفَةً فِي الْأَرْضِ فَاحْكُمْ بَيْنَ النَّاسِ بِالْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ الْهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَضِلُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ بِمَا نَسُوا يَوْمَ الْحِسَابِ﴾

[Sinabi]: "O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang isang kahalili sa lupa, kaya humatol ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katotohanan at huwag kang sumunod sa pithaya para magpaligaw ito sa iyo palayo sa landas ni Allāh." Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi dahil nakalimot sila sa pagtutuos.

﴿وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاءَ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا بَاطِلًا ۚ ذَٰلِكَ ظَنُّ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مِنَ النَّارِ﴾

Hindi Kami lumikha ng langit at lupa, at anumang nasa pagitan ng dalawang ito nang walang-kabuluhan. Iyon ay palagay ng mga tumangging sumampalataya, kaya kapighatian sa mga tumangging sumampalataya mula sa Apoy.

﴿أَمْ نَجْعَلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ كَالْمُفْسِدِينَ فِي الْأَرْضِ أَمْ نَجْعَلُ الْمُتَّقِينَ كَالْفُجَّارِ﴾

O gagawa ba Kami sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos gaya ng mga tagagulo sa lupa? O gagawa ba Kami sa mga tagapangilag magkasala gaya ng mga masamang-loob?

﴿كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ إِلَيْكَ مُبَارَكٌ لِيَدَّبَّرُوا آيَاتِهِ وَلِيَتَذَكَّرَ أُولُو الْأَلْبَابِ﴾

[Ito ay] isang pinagpalang Aklat na ibinaba Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip.

﴿وَوَهَبْنَا لِدَاوُودَ سُلَيْمَانَ ۚ نِعْمَ الْعَبْدُ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ﴾

Ipinagkaloob Namin kay David si Solomon. Kay inam na lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].

﴿إِذْ عُرِضَ عَلَيْهِ بِالْعَشِيِّ الصَّافِنَاتُ الْجِيَادُ﴾

[Banggitin] noong inilahad sa kanya sa dapit-hapon ang mga kabayong nakatayong nakaangat ang isang paa, na matutulin.

﴿فَقَالَ إِنِّي أَحْبَبْتُ حُبَّ الْخَيْرِ عَنْ ذِكْرِ رَبِّي حَتَّىٰ تَوَارَتْ بِالْحِجَابِ﴾

Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay umibig ng pagkaibig sa mabuting [bagay] sa halip ng pag-alaala sa Panginoon ko hanggang sa natakpan [ang araw] ng tabing.

﴿رُدُّوهَا عَلَيَّ ۖ فَطَفِقَ مَسْحًا بِالسُّوقِ وَالْأَعْنَاقِ﴾

Isauli ninyo ang mga ito sa akin." Kaya nagsimula siya sa pagtaga sa mga lulod at mga leeg [ng mga ito].

﴿وَلَقَدْ فَتَنَّا سُلَيْمَانَ وَأَلْقَيْنَا عَلَىٰ كُرْسِيِّهِ جَسَدًا ثُمَّ أَنَابَ﴾

Talaga ngang sumubok Kami kay Solomon at nagtalaga Kami sa silya niya ng isang katawan, pagkatapos ay nagsisising bumalik siya.

﴿قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَهَبْ لِي مُلْكًا لَا يَنْبَغِي لِأَحَدٍ مِنْ بَعْدِي ۖ إِنَّكَ أَنْتَ الْوَهَّابُ﴾

Nagsabi siya: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at magkaloob Ka sa akin ng isang paghaharing hindi nararapat para sa isa matapos ko. Tunay na Ikaw ay ang Tagapagkaloob."

﴿فَسَخَّرْنَا لَهُ الرِّيحَ تَجْرِي بِأَمْرِهِ رُخَاءً حَيْثُ أَصَابَ﴾

Kaya pinaglingkod Namin para sa kanya ang hangin na dumadaloy ayon sa utos niya nang banayad saan man niya ipatama,

﴿وَالشَّيَاطِينَ كُلَّ بَنَّاءٍ وَغَوَّاصٍ﴾

at ang mga demonyo – bawat tagapagpatayo at maninisid,

﴿وَآخَرِينَ مُقَرَّنِينَ فِي الْأَصْفَادِ﴾

at may mga ibang mga magkagapos sa mga posas.

﴿هَٰذَا عَطَاؤُنَا فَامْنُنْ أَوْ أَمْسِكْ بِغَيْرِ حِسَابٍ﴾

Ito ay bigay Namin kaya magmagandang-loob ka o magpigil ka nang walang pagtutuos.

﴿وَإِنَّ لَهُ عِنْدَنَا لَزُلْفَىٰ وَحُسْنَ مَآبٍ﴾

Tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang kadikitan at kagandahan ng babalikan.

﴿وَاذْكُرْ عَبْدَنَا أَيُّوبَ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ أَنِّي مَسَّنِيَ الشَّيْطَانُ بِنُصْبٍ وَعَذَابٍ﴾

Bumanggit ka sa lingkod Naming si Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay sinaling ako ng demonyo ng isang pagkapagal at isang pagdurusa."

﴿ارْكُضْ بِرِجْلِكَ ۖ هَٰذَا مُغْتَسَلٌ بَارِدٌ وَشَرَابٌ﴾

[Sinabi]: "Magpadyak ka ng paa mo." Ito ay isang paliguang malamig at isang inumin.

﴿وَوَهَبْنَا لَهُ أَهْلَهُ وَمِثْلَهُمْ مَعَهُمْ رَحْمَةً مِنَّا وَذِكْرَىٰ لِأُولِي الْأَلْبَابِ﴾

Nagkaloob Kami sa kanya ng mag-anak niya at tulad nila kasama sa kanila bilang isang awa mula sa Amin at isang paalaala para sa mga may pang-unawa.

﴿وَخُذْ بِيَدِكَ ضِغْثًا فَاضْرِبْ بِهِ وَلَا تَحْنَثْ ۗ إِنَّا وَجَدْنَاهُ صَابِرًا ۚ نِعْمَ الْعَبْدُ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ﴾

[Sinabi]: "Kumuha ka gamit ng kamay mo ng isang bungkos at pumalo ka gamit nito. Huwag kang sumira sa sinumpaan." Tunay na Kami ay nakatagpo sa kanya na nagtitiis. Kay inam ang lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].

﴿وَاذْكُرْ عِبَادَنَا إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ أُولِي الْأَيْدِي وَالْأَبْصَارِ﴾

Bumanggit ka sa mga lingkod Naming sina Abraham, Isaac, at Jacob na mga may lakas at mga pagkatalos.

﴿إِنَّا أَخْلَصْنَاهُمْ بِخَالِصَةٍ ذِكْرَى الدَّارِ﴾

Tunay na Kami ay nagtangi sa kanila dahil sa isang natatanging katangian na pag-alaala sa tahanan [sa kabilang-buhay].

﴿وَإِنَّهُمْ عِنْدَنَا لَمِنَ الْمُصْطَفَيْنَ الْأَخْيَارِ﴾

Tunay na sila, sa ganang Amin, ay talagang kabilang sa mga hinirang na mga mabuti.

﴿وَاذْكُرْ إِسْمَاعِيلَ وَالْيَسَعَ وَذَا الْكِفْلِ ۖ وَكُلٌّ مِنَ الْأَخْيَارِ﴾

Bumanggit ka kina Ismael, Eliseo, at Dhulkifl. Bawat isa ay kabilang sa mga mabuti.

﴿هَٰذَا ذِكْرٌ ۚ وَإِنَّ لِلْمُتَّقِينَ لَحُسْنَ مَآبٍ﴾

Ito ay isang pagbanggit. Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay talagang isang kagandahan ng uuwian:

﴿جَنَّاتِ عَدْنٍ مُفَتَّحَةً لَهُمُ الْأَبْوَابُ﴾

mga Hardin ng Pamamalagian na pinagbubuksan para sa kanila ang mga pintuan.

﴿مُتَّكِئِينَ فِيهَا يَدْعُونَ فِيهَا بِفَاكِهَةٍ كَثِيرَةٍ وَشَرَابٍ﴾

Habang mga nakasandig sa loob ng mga iyon, mananawagan sila sa loob ng mga iyan ng prutas na marami at inumin.

﴿۞ وَعِنْدَهُمْ قَاصِرَاتُ الطَّرْفِ أَتْرَابٌ﴾

Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, may mga magkasinggulang.

﴿هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِيَوْمِ الْحِسَابِ﴾

Ito ay ang ipinangangako sa inyo para sa Araw ng Pagtutuos.

﴿إِنَّ هَٰذَا لَرِزْقُنَا مَا لَهُ مِنْ نَفَادٍ﴾

Tunay na ito ay talagang and panustos Namin, na wala itong pagkaubos.

﴿هَٰذَا ۚ وَإِنَّ لِلطَّاغِينَ لَشَرَّ مَآبٍ﴾

Ito nga. Tunay na para sa mga nagpapakalabis-labis ay talagang kasamaan ng uuwian:

﴿جَهَنَّمَ يَصْلَوْنَهَا فَبِئْسَ الْمِهَادُ﴾

Impiyerno na papasukin nila. Kaya kay saklap ang himlayan!

﴿هَٰذَا فَلْيَذُوقُوهُ حَمِيمٌ وَغَسَّاقٌ﴾

Ito nga, kaya lumasap sila nito – isang kumukulong tubig at nana,

﴿وَآخَرُ مِنْ شَكْلِهِ أَزْوَاجٌ﴾

at iba pa, kabilang sa kaanyo nito, na mga uri.

﴿هَٰذَا فَوْجٌ مُقْتَحِمٌ مَعَكُمْ ۖ لَا مَرْحَبًا بِهِمْ ۚ إِنَّهُمْ صَالُو النَّارِ﴾

[Sasabihin]: "Ito ay isang pulutong na susugod kasama sa inyo. Walang mabuting pagtanggap sa kanila." Tunay na sila ay masusunog sa impiyerno

﴿قَالُوا بَلْ أَنْتُمْ لَا مَرْحَبًا بِكُمْ ۖ أَنْتُمْ قَدَّمْتُمُوهُ لَنَا ۖ فَبِئْسَ الْقَرَارُ﴾

Magsasabi sila: "Bagkus kayo, walang mabuting pagtanggap sa inyo. Kayo ay naghain nito sa amin. Kaya kay saklap ang pamamalagian!"

﴿قَالُوا رَبَّنَا مَنْ قَدَّمَ لَنَا هَٰذَا فَزِدْهُ عَذَابًا ضِعْفًا فِي النَّارِ﴾

Magsasabi sila: "Panginoon namin, ang sinumang naghain sa amin nito ay magdagdag Ka sa kanya ng isang ibayong pagdurusa sa Apoy."

﴿وَقَالُوا مَا لَنَا لَا نَرَىٰ رِجَالًا كُنَّا نَعُدُّهُمْ مِنَ الْأَشْرَارِ﴾

Magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa atin na hindi tayo nakakikita ng mga lalaking dati nating ibinibilang sila kabilang sa mga masama?

﴿أَتَّخَذْنَاهُمْ سِخْرِيًّا أَمْ زَاغَتْ عَنْهُمُ الْأَبْصَارُ﴾

Gumawa ba tayo sa kanila ng isang panunuya o lumihis palayo sa kanila ang mga paningin?"

﴿إِنَّ ذَٰلِكَ لَحَقٌّ تَخَاصُمُ أَهْلِ النَّارِ﴾

Tunay na iyon ay talagang isang katotohanan: ang pag-aalitan ng mga mamamayan ng Apoy.

﴿قُلْ إِنَّمَا أَنَا مُنْذِرٌ ۖ وَمَا مِنْ إِلَٰهٍ إِلَّا اللَّهُ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ﴾

Sabihin mo: "Ako ay isang tagababala lamang. Walang anumang Diyos kundi si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig,

﴿رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا الْعَزِيزُ الْغَفَّارُ﴾

ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Makapangyarihan, ang Palapatawad."

﴿قُلْ هُوَ نَبَأٌ عَظِيمٌ﴾

Sabihin mo: "Ito ay isang balitang dakila

﴿أَنْتُمْ عَنْهُ مُعْرِضُونَ﴾

na kayo palayo rito ay mga umaayaw.

﴿مَا كَانَ لِيَ مِنْ عِلْمٍ بِالْمَلَإِ الْأَعْلَىٰ إِذْ يَخْتَصِمُونَ﴾

Hindi nangyaring mayroon akong anumang kaalaman hinggil sa konsehong pinakamataas noong nag-aalitan sila.

﴿إِنْ يُوحَىٰ إِلَيَّ إِلَّا أَنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾

Walang ikinasi sa akin kundi ako ay isang tagababalang malinaw lamang.

﴿إِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي خَالِقٌ بَشَرًا مِنْ طِينٍ﴾

[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: "Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa putik.

﴿فَإِذَا سَوَّيْتُهُ وَنَفَخْتُ فِيهِ مِنْ رُوحِي فَقَعُوا لَهُ سَاجِدِينَ﴾

Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa.

﴿فَسَجَدَ الْمَلَائِكَةُ كُلُّهُمْ أَجْمَعُونَ﴾

Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang lahatan,

﴿إِلَّا إِبْلِيسَ اسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكَافِرِينَ﴾

maliban si Satanas; nagmalaki siya at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.

﴿قَالَ يَا إِبْلِيسُ مَا مَنَعَكَ أَنْ تَسْجُدَ لِمَا خَلَقْتُ بِيَدَيَّ ۖ أَسْتَكْبَرْتَ أَمْ كُنْتَ مِنَ الْعَالِينَ﴾

Nagsabi Siya: "O Satanas, ano ang pumigil sa iyo na magpatirapa ka sa nilikha Ko sa pamamagitan ng dalawang kamay Ko? Nagmalaki ka ba o naging kabilang ka sa mga nagpapataas?"

﴿قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِنْهُ ۖ خَلَقْتَنِي مِنْ نَارٍ وَخَلَقْتَهُ مِنْ طِينٍ﴾

Nagsabi ito: "Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya; lumikha Ka sa akin mula sa isang apoy at lumikha Ka sa kanya mula sa isang putik."

﴿قَالَ فَاخْرُجْ مِنْهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٌ﴾

Nagsabi Siya: "Kaya lumabas ka mula rito sapagkat tunay na ikaw ay isang isinumpa,

﴿وَإِنَّ عَلَيْكَ لَعْنَتِي إِلَىٰ يَوْمِ الدِّينِ﴾

at tunay na sumaiyo ang sumpa Ko hanggang sa Araw ng Paggantimpala."

﴿قَالَ رَبِّ فَأَنْظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ﴾

Nagsabi ito: "Panginoon ko, kaya magpaantala Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila."

﴿قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ﴾

Nagsabi Siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga inaantala

﴿إِلَىٰ يَوْمِ الْوَقْتِ الْمَعْلُومِ﴾

Hanggang sa Araw ng panahong nalalaman."

﴿قَالَ فَبِعِزَّتِكَ لَأُغْوِيَنَّهُمْ أَجْمَعِينَ﴾

Nagsabi ito: "Kaya sumpa man sa kapangyarihan Mo, talagang maglilisya nga ako sa kanila nang lahatan

﴿إِلَّا عِبَادَكَ مِنْهُمُ الْمُخْلَصِينَ﴾

maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi."

﴿قَالَ فَالْحَقُّ وَالْحَقَّ أَقُولُ﴾

Nagsabi Siya: "Ang katotohanan [ay mula sa Akin] at ang katotohanan ay sinasabi Ko:

﴿لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنْكَ وَمِمَّنْ تَبِعَكَ مِنْهُمْ أَجْمَعِينَ﴾

Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa iyo at mula sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila nang lahatan!"

﴿قُلْ مَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ وَمَا أَنَا مِنَ الْمُتَكَلِّفِينَ﴾

Sabihin mo: "Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang pabuya at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari.

﴿إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ لِلْعَالَمِينَ﴾

Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang.

﴿وَلَتَعْلَمُنَّ نَبَأَهُ بَعْدَ حِينٍ﴾

Talagang makaaalam nga kayo ng balita nito matapos ng isang panahon."

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: