الأعراف

تفسير سورة الأعراف

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ المص﴾

Alif. Lām. Mīm. Sād.

﴿كِتَابٌ أُنْزِلَ إِلَيْكَ فَلَا يَكُنْ فِي صَدْرِكَ حَرَجٌ مِنْهُ لِتُنْذِرَ بِهِ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ﴾

[Ito ay] isang Aklat na ibinaba sa iyo, kaya huwag magkaroon sa dibdib mo ng paninikip mula rito upang magbabala ka sa pamamagitan nito, at isang paalaala para sa mga mananampalataya.

﴿اتَّبِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ وَلَا تَتَّبِعُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۗ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ﴾

Sumunod kayo sa ibinaba sa inyo mula sa Panginoon ninyo at huwag kayong sumunod sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik. Kakaunti ang inaalaala ninyo!

﴿وَكَمْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا فَجَاءَهَا بَأْسُنَا بَيَاتًا أَوْ هُمْ قَائِلُونَ﴾

Kay rami ng pamayanang nilipol Namin, at dumating doon ang parusa Namin sa magdamag o habang sila ay mga umiidlip sa hapon,

﴿فَمَا كَانَ دَعْوَاهُمْ إِذْ جَاءَهُمْ بَأْسُنَا إِلَّا أَنْ قَالُوا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ﴾

at walang iba ang panawagan nila noong dumating sa kanila ang parusa Namin malibang nagsabi sila: "Tunay na kami dati ay mga lumalabag sa katarungan."

﴿فَلَنَسْأَلَنَّ الَّذِينَ أُرْسِلَ إِلَيْهِمْ وَلَنَسْأَلَنَّ الْمُرْسَلِينَ﴾

Pagkatapos ay talagang tatanungin nga Namin ang mga pinagsuguan at talagang tatanungin nga Namin ang mga isinugo.

﴿فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيْهِمْ بِعِلْمٍ ۖ وَمَا كُنَّا غَائِبِينَ﴾

Kaya talagang magsasalaysay nga Kami sa kanila nang may kaalaman at Kami lagi ay hindi nakaliban.

﴿وَالْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ ۚ فَمَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾

Ang sukatan sa Araw na iyon ay ang katotohanan. Kaya ang sinumang bumigat ang mga timbangan niya [ng kabutihan], ang mga iyon ay ang mga matagumpay.

﴿وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَظْلِمُونَ﴾

Ang sinumang magaan ang mga timbangan nila [ng kabutihan], ang mga iyon ang mga nagpalugi sa mga sarili nila dahil sila noon sa mga tanda Namin ay lumalabag sa katarungan.

﴿وَلَقَدْ مَكَّنَّاكُمْ فِي الْأَرْضِ وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَايِشَ ۗ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ﴾

Talaga ngang nagbigay Kami sa inyo ng kapamahalaan sa lupa at gumawa Kami para sa inyo roon ng mga ikabubuhay. Kakaunti ang pagpapasalamat ninyo!

﴿وَلَقَدْ خَلَقْنَاكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَاكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ لَمْ يَكُنْ مِنَ السَّاجِدِينَ﴾

Talaga ngang nilikha Namin kayo. Pagkatapos ay inanyuan Namin kayo. Pagkatapos ay nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," at nagpatirapa naman sila maliban kay Satanas; hindi siya naging kabilang sa mga nagpapatirapa.

﴿قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ ۖ قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِنْهُ خَلَقْتَنِي مِنْ نَارٍ وَخَلَقْتَهُ مِنْ طِينٍ﴾

Nagsabi Siya: "Ano ang pumigil sa iyo na hindi magpatirapa noong nag-utos Ako sa iyo?" Nagsabi ito: "Ako ay higit na mainam kaysa sa kanya; nilikha Mo ako mula sa apoy samantalang nilikha Mo siya mula sa putik."

﴿قَالَ فَاهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَنْ تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَاخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ الصَّاغِرِينَ﴾

Nagsabi Siya: "Kaya lumapag ka mula rito sapagkat hindi ukol sa iyo na magmalaki rito. Kaya lumabas ka; tunay na ikaw ay kabilang na sa mga hinahamak."

﴿قَالَ أَنْظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ﴾

Nagsabi ito: "Antalain Mo ako hanggang sa araw na bubuhayin sila."

﴿قَالَ إِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ﴾

Nagsabi Siya: "Tunay na ikaw ay kabilang sa mga inaantala."

﴿قَالَ فَبِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأَقْعُدَنَّ لَهُمْ صِرَاطَكَ الْمُسْتَقِيمَ﴾

Nagsabi ito: "Kaya dahil pinalisya Mo ako, talaga ngang mag-aabang ako sa kanila sa landasin Mong tuwid.

﴿ثُمَّ لَآتِيَنَّهُمْ مِنْ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَانِهِمْ وَعَنْ شَمَائِلِهِمْ ۖ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَاكِرِينَ﴾

Pagkatapos ay talagang pupuntahan ko nga sila sa harapan nila at sa likuran nila at sa dakong mga kanan nila at sa dakong mga kaliwa nila. Hindi Mo matatagpuan ang higit na marami sa kanila bilang mga tagapagpasalamat."

﴿قَالَ اخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًا مَدْحُورًا ۖ لَمَنْ تَبِعَكَ مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنْكُمْ أَجْمَعِينَ﴾

Nagsabi Siya: "Lumabas ka mula rito na nilalait na pinalalayas. Talagang ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila ay talagang pupunuin Ko nga ang Impiyerno kabilang sa inyong lahat.

﴿وَيَا آدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ﴾

O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso, at saka kumain kayong dalawa mula saanman ninyo loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito upang kayong dalawa ay [hindi] maging kabilang sa mga lumalabag sa katarungan."

﴿فَوَسْوَسَ لَهُمَا الشَّيْطَانُ لِيُبْدِيَ لَهُمَا مَا وُورِيَ عَنْهُمَا مِنْ سَوْآتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَاكُمَا رَبُّكُمَا عَنْ هَٰذِهِ الشَّجَرَةِ إِلَّا أَنْ تَكُونَا مَلَكَيْنِ أَوْ تَكُونَا مِنَ الْخَالِدِينَ﴾

Ngunit nanulsol sa kanilang dalawa ang demonyo upang itambad niya sa kanilang dalawa ang binalot para sa kanilang dalawa mula sa kahubaran nila at nagsabi ito: "Hindi sumaway sa inyong dalawa ang Panginoon ninyong dalawa laban sa punong-kahoy na ito malibang upang kayo ay [hindi] maging mga anghel o [hindi] maging kabilang sa mga mananatiling-buhay."

﴿وَقَاسَمَهُمَا إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ النَّاصِحِينَ﴾

Sumumpa siya sa kanilang dalawa: "Tunay na ako sa inyong dalawa ay kabilang sa mga tagapayo."

﴿فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ ۚ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ ۖ وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَنْ تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُلْ لَكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُبِينٌ﴾

Kaya ibinulid niya silang dalawa dahil sa kahibangan at noong natikman nilang dalawa ang [bunga ng] punong-kahoy ay natambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa at nagsimula silang dalawa na magtakip mula sa mga dahon ng Paraiso. Tinawag silang dalawa ng Panginoon nila: "Hindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa punong-kahoy na iyon at nagsabi sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo para sa inyong dalawa ay isang kaaway na maliwanag?"

﴿قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَا أَنْفُسَنَا وَإِنْ لَمْ تَغْفِرْ لَنَا وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾

Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nalulugi."

﴿قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ﴾

Nagsabi Siya: "Lumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang tinitigilan at isang pampalugod hanggang sa isang panahon."

﴿قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ﴾

Nagsabi Siya: "Sa loob niyon kayo mabubuhay, sa loob niyon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ilalabas.

﴿يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنْزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ﴾

O mga anak ni Adan, nagbaba nga Kami sa inyo ng isang kasuutan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang isang gayak, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, nang sa gayon sila ay mag-aalaala.

﴿يَا بَنِي آدَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطَانُ كَمَا أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مِنَ الْجَنَّةِ يَنْزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْآتِهِمَا ۗ إِنَّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ﴾

O mga anak ni Adan, huwag nga kayong patutukso sa demonyo yayamang napalabas niya ang [unang] mga magulang ninyo mula sa Paraiso. Inalis niya sa kanilang dalawa ang kasuutan nilang dalawa upang ipakita sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya sampu ng mga kampon niya, mula sa kung saan hindi ninyo sila nakikita. Tunay na ginawa Namin ang mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya."

﴿وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾

Kapag nakagawa sila ng isang malaswa ay magsasabi sila: "Natagpuan namin sa gayon ang mga magulang namin at si Allāh ay nag-utos sa amin niyon." Sabihin mo: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng kalaswaan; nagsasabi ba kayo laban kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?"

﴿قُلْ أَمَرَ رَبِّي بِالْقِسْطِ ۖ وَأَقِيمُوا وُجُوهَكُمْ عِنْدَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَادْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ ۚ كَمَا بَدَأَكُمْ تَعُودُونَ﴾

Sabihin mo: "Ipinag-utos ng Panginoon ko ang pagkamakatarungan, at na panatilihin ninyo ang mga mukha ninyo sa bawat patirapaan, at manalangin kayo sa Kanya bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima. Kung paanong nagpasimula Siya sa inyo ay [gayon] kayo magbabalik."

﴿فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيْهِمُ الضَّلَالَةُ ۗ إِنَّهُمُ اتَّخَذُوا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ مُهْتَدُونَ﴾

May isang pangkat na pinatnubayan Niya at may isa namang pangkat na naging dapat sa kanila ang pagkaligaw. Tunay na sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay Allāh, at nag-aakalang sila ay mga napapatnubayan.

﴿۞ يَا بَنِي آدَمَ خُذُوا زِينَتَكُمْ عِنْدَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَكُلُوا وَاشْرَبُوا وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ﴾

O mga anak ni Adan, isuot ninyo ang gayak ninyo sa bawat masjid. Kumain kayo at uminom kayo ngunit huwag kayong magpalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagapagpalabis.

﴿قُلْ مَنْ حَرَّمَ زِينَةَ اللَّهِ الَّتِي أَخْرَجَ لِعِبَادِهِ وَالطَّيِّبَاتِ مِنَ الرِّزْقِ ۚ قُلْ هِيَ لِلَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا خَالِصَةً يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ﴾

Sabihin mo: "Sino ang nagbawal sa gayak ni Allāh na pinalabas Niya para sa mga lingkod Niya at sa mga kaaya-aya kabilang sa panustos." Sabihin mo: "Ito ay ukol sa mga sumampalataya sa buhay pangmundo, samantalang nakalaan ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon." Gayon Kami masusing nagpapaliwanag ng mga tanda para sa mga taong umaalam.

﴿قُلْ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ الْفَوَاحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ وَالْإِثْمَ وَالْبَغْيَ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَأَنْ تُشْرِكُوا بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَأَنْ تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾

Sabihin mo: "Ipinagbawal lamang ng Panginoon ko ang mga malaswa: ang anumang nalantad sa mga ito at ang anumang nakubli, ang kasalanan, ang paglabag nang wala sa katuwiran, na magtambal kayo kay Allāh ng anumang hindi naman Siya nagpababa roon ng isang patunay, at na magsabi kayo laban kay Allāh ng anumang hindi ninyo nalalaman."

﴿وَلِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ﴾

Ang bawat kalipunan ay may taning. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapahuli ng isang saglit at hindi sila makapagpapauna.

﴿يَا بَنِي آدَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي ۙ فَمَنِ اتَّقَىٰ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ﴾

O mga anak ni Adan, kung may pupunta nga sa inyo na mga sugo kabilang sa inyo, na nagsasalaysay sa inyo ng mga tanda Ko, ang sinumang nangilag magkasala at nagpakatuwid ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.

﴿وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at nagmalaki sa mga ito, ang mga iyon ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.

﴿فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۚ أُولَٰئِكَ يَنَالُهُمْ نَصِيبُهُمْ مِنَ الْكِتَابِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوْنَهُمْ قَالُوا أَيْنَ مَا كُنْتُمْ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالُوا ضَلُّوا عَنَّا وَشَهِدُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا كَافِرِينَ﴾

Sino ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Matatamo nila ang bahagi nila mula sa nakatala, hanggang sa nang dumating sa kanila ang mga sugo Namin na magpapapanaw sa kanila ay magsasabi ang mga ito: "Nasaan ang dinadalanginan ninyo noon bukod pa kay Allāh?" Magsasabi sila: "Nawala sila sa amin." Sasaksi sila laban sa mga sarili nila na sila noon ay mga tumatangging sumampalataya.

﴿قَالَ ادْخُلُوا فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِكُمْ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ فِي النَّارِ ۖ كُلَّمَا دَخَلَتْ أُمَّةٌ لَعَنَتْ أُخْتَهَا ۖ حَتَّىٰ إِذَا ادَّارَكُوا فِيهَا جَمِيعًا قَالَتْ أُخْرَاهُمْ لِأُولَاهُمْ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ أَضَلُّونَا فَآتِهِمْ عَذَابًا ضِعْفًا مِنَ النَّارِ ۖ قَالَ لِكُلٍّ ضِعْفٌ وَلَٰكِنْ لَا تَعْلَمُونَ﴾

Nagsabi Siya: "Pumasok kayo sa mga kalipunang nagdaan na bago ninyo kabilang sa jinn at tao sa Apoy.
Sa tuwing pumapasok ang isang kalipunan ay isinusumpa nito ang [kalipunang] huwaran nito hanggang sa nang nagsunuran sila roon sa kalahatan ay magsasabi ang huli sa kanila sa una sa kanila: "Panginoon Namin, ang mga ito ay nagpaligaw sa amin kaya bigyan Mo sila ng isang ibayong pagdurusa mula sa Apoy." Magsasabi Siya: "Ukol sa bawat isa ay ibayo, subalit hindi ninyo nalalaman."

﴿وَقَالَتْ أُولَاهُمْ لِأُخْرَاهُمْ فَمَا كَانَ لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْسِبُونَ﴾

Magsasabi ang una sa kanila sa huli sa kanila: "Sapagkat wala kayong anumang kalamangan sa amin, kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil sa kayo noon ay nagkakamit."

﴿إِنَّ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمْ أَبْوَابُ السَّمَاءِ وَلَا يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ الْجَمَلُ فِي سَمِّ الْخِيَاطِ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُجْرِمِينَ﴾

Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at nagmalaki sa mga ito ay hindi magbubukas para sa kanila ng mga pinto ng langit at hindi sila papasok sa Paraiso hanggang sa lumusot ang kamelyo sa mata ng karayom. Gayon Namin gagantihan ang mga salarin.

﴿لَهُمْ مِنْ جَهَنَّمَ مِهَادٌ وَمِنْ فَوْقِهِمْ غَوَاشٍ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ﴾

Ukol sa kanila mula sa Impiyerno ay himlayan at mula sa ibabaw nila ay may mga panlambong. Gayon Namin gagantihan ang mga lumalabag sa katarungan.

﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga matuwid ay hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa [sa kanila] malibang ayon sa kakayahan nito; ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mananatili.

﴿وَنَزَعْنَا مَا فِي صُدُورِهِمْ مِنْ غِلٍّ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ ۖ وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي هَدَانَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهْتَدِيَ لَوْلَا أَنْ هَدَانَا اللَّهُ ۖ لَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ ۖ وَنُودُوا أَنْ تِلْكُمُ الْجَنَّةُ أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Aalisin Namin ang anumang nasa mga dibdib nila na paghihinakit, habang dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog at magsasabi sila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpatnubay sa amin para rito at hindi sana mangyayaring kami ay mapapatnubayan kung hindi dahil nagpatnubay sa amin si Allāh. Talaga ngang dumating ang mga sugo ng Panginoon namin dala ang katotohanan." Ipananawagan sa kanila na: "Iyon ang Paraiso; mamanahin ninyo iyon dahil sa ginagawa ninyo noon."

﴿وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ أَصْحَابَ النَّارِ أَنْ قَدْ وَجَدْنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقًّا فَهَلْ وَجَدْتُمْ مَا وَعَدَ رَبُّكُمْ حَقًّا ۖ قَالُوا نَعَمْ ۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنٌ بَيْنَهُمْ أَنْ لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ﴾

Tatawagin ng mga maninirahan sa Paraiso ang mga maninirahan sa Apoy, na [nagsasabi]: "Natagpuan nga namin ang ipinangako sa amin ng Panginoon namin na totoo, kaya natagpuan ba ninyo ang ipinangako ng Panginoon ninyo na totoo?" Magsasabi sila: "Oo." Kaya magpapahayag ang isang tagapagpahayag sa pagitan nila na ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tumatangging sumampalataya:

﴿الَّذِينَ يَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا وَهُمْ بِالْآخِرَةِ كَافِرُونَ﴾

ang mga sumasagabal sa landas ni Allāh at naghahangad na ito ay baluktot samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tumatangging sumampalataya.

﴿وَبَيْنَهُمَا حِجَابٌ ۚ وَعَلَى الْأَعْرَافِ رِجَالٌ يَعْرِفُونَ كُلًّا بِسِيمَاهُمْ ۚ وَنَادَوْا أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ ۚ لَمْ يَدْخُلُوهَا وَهُمْ يَطْمَعُونَ﴾

Sa pagitan ng dalawang [pangkat na] ito ay mayroong tabing. Sa mga tuktok ay may mga lalaking nakakikilala sa lahat ayon sa mga tatak ng mga ito. Tatawagin nila ang mga naninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: "Kapayapaan ay sumainyo." Hindi nakapasok ang mga ito roon at ang mga ito ay naghahangad.

﴿۞ وَإِذَا صُرِفَتْ أَبْصَارُهُمْ تِلْقَاءَ أَصْحَابِ النَّارِ قَالُوا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾

Kapag ibabaling ang mga paningin nila sa harap ng mga naninirahan sa Apoy ay magsasabi sila: "Panginoon Namin, huwag Mo kaming ilagay kasama ng mga taong tagalabag ng katarungan."

﴿وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْأَعْرَافِ رِجَالًا يَعْرِفُونَهُمْ بِسِيمَاهُمْ قَالُوا مَا أَغْنَىٰ عَنْكُمْ جَمْعُكُمْ وَمَا كُنْتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ﴾

Mananawagan ang mga tumitigil sa mga tuktok sa mga taong nakikilala nila ayon sa mga tatak ng mga ito, na magsasabi: "Walang nagawa para sa inyo ang pagkalap ninyo at ang ipinagmamalaki ninyo noon."

﴿أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمْتُمْ لَا يَنَالُهُمُ اللَّهُ بِرَحْمَةٍ ۚ ادْخُلُوا الْجَنَّةَ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمْ وَلَا أَنْتُمْ تَحْزَنُونَ﴾

Ang mga ito ba ang mga isinumpa ninyong hindi magpapatamo sa kanila si Allāh ng awa? [Sasabihin]: "Pumasok kayo sa Paraiso; walang pangamba sa inyo ni kayo ay malulungkot."

﴿وَنَادَىٰ أَصْحَابُ النَّارِ أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ أَفِيضُوا عَلَيْنَا مِنَ الْمَاءِ أَوْ مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ ۚ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى الْكَافِرِينَ﴾

Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: "Magpabaha naman kayo sa amin ng tubig o ng kabilang sa anumang itinustos sa inyo ni Allāh." Magsasabi ang mga ito: "Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tumatangging sumampalataya,

﴿الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَهْوًا وَلَعِبًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ نَنْسَاهُمْ كَمَا نَسُوا لِقَاءَ يَوْمِهِمْ هَٰذَا وَمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ﴾

Sila na mga gumawa sa relihiyon nila bilang libangan at laro, at nalinlang sila ng buhay na pangmundo." Kaya ngayong araw kakalimutan Namin sila gaya ng paglimot nila sa pagtatagpo sa araw nilang ito, at sila naman noon sa mga tanda Namin ay tumatanggi.

﴿وَلَقَدْ جِئْنَاهُمْ بِكِتَابٍ فَصَّلْنَاهُ عَلَىٰ عِلْمٍ هُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾

Talaga ngang dinalhan Namin sila ng isang aklat na masusing ipinaliwanag Namin ayon sa kaalaman bilang patnubay at awa para sa mga taong sumasampalataya.

﴿هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا تَأْوِيلَهُ ۚ يَوْمَ يَأْتِي تَأْوِيلُهُ يَقُولُ الَّذِينَ نَسُوهُ مِنْ قَبْلُ قَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ فَهَلْ لَنَا مِنْ شُفَعَاءَ فَيَشْفَعُوا لَنَا أَوْ نُرَدُّ فَنَعْمَلَ غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ قَدْ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ﴾

Wala silang hinihintay kundi ang paghantong nito.
Sa araw na darating ang paghantong nito ay magsasabi ang mga lumimot nito noon: "Naghatid nga ang mga sugo ng Panginoon Namin ng katotohanan, kaya mayroon ba kaming anumang mga tagapamagitan upang mamagitan sila para sa amin, o pababalikin kami upang makagawa kami ng iba pa sa ginagawa namin noon?" Ipinalugi na nila ang mga sarili nila at nawala na sa kanila ang ginawa-gawa nila noon.

﴿إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ ۗ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ ۗ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ﴾

Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa loob ng anim na araw, pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono - ipinambabalot Niya ang gabi sa maghapon na humahabol dito nang maliksi – at [lumikha] sa araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinaglilingkod ayon sa utos Niya. Pakatandaan, Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

﴿ادْعُوا رَبَّكُمْ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ﴾

Manalangin kayo sa Panginoon ninyo nang may pagpapakumbaba at pagkukubli. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag.

﴿وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا وَادْعُوهُ خَوْفًا وَطَمَعًا ۚ إِنَّ رَحْمَتَ اللَّهِ قَرِيبٌ مِنَ الْمُحْسِنِينَ﴾

Huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito, at dumalangin kayo sa Kanya nang may pangamba at paghahangad. Tunay na ang awa ni Allāh ay malapit sa mga tagagawa ng maganda.

﴿وَهُوَ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَقَلَّتْ سَحَابًا ثِقَالًا سُقْنَاهُ لِبَلَدٍ مَيِّتٍ فَأَنْزَلْنَا بِهِ الْمَاءَ فَأَخْرَجْنَا بِهِ مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۚ كَذَٰلِكَ نُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ﴾

Siya ay ang nagsugo sa mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakalulugod sa harap ng awa Niya, hanggang sa nang nagdala ang mga ito ng mga ulap na mabigat ay inakay ang mga ito tungo sa isang bayang patay at ibinaba roon ang tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan niyon ng lahat ng mga bunga. Gayon palalabasin ang mga patay nang sa gayon kayo ay makapag-aalaala.

﴿وَالْبَلَدُ الطَّيِّبُ يَخْرُجُ نَبَاتُهُ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَالَّذِي خَبُثَ لَا يَخْرُجُ إِلَّا نَكِدًا ۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَشْكُرُونَ﴾

Ang bayang kaaya-aya ay lumalabas ang tanim nito ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nito at ang naging karima-rimarim ay hindi lumalabas ito kundi pahirapan. Gayon Namin sinari-sari ang mga tanda para sa mga taong nagpapasalamat.

﴿لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ﴾

Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kalipi nito kaya nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang sukdulang araw."

﴿قَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾

Nagsabi ang pamunuan kabilang sa mga kalipi niya: "Tunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo sa isang pagkaligaw na malinaw."

﴿قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي ضَلَالَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, walang pagkaligaw sa akin, subalit ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.

﴿أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنْصَحُ لَكُمْ وَأَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾

Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, nagpapayo ako sa inyo, at nakaaalam ako mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman.

﴿أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ وَلِتَتَّقُوا وَلَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ﴾

O nagtaka ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng isang lalaki kabilang sa inyo upang magbabala siya sa inyo, upang mangilag kayong magkasala, at nang sa gayon kayo ay kaaawaan?"

﴿فَكَذَّبُوهُ فَأَنْجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ فِي الْفُلْكِ وَأَغْرَقْنَا الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا عَمِينَ﴾

Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya iniligtas Namin siya at ang mga kasama niya sa daong at nilunod Namin ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga taong bulag.

﴿۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ﴾

[Nagsugo sa] `Ād ang kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"

﴿قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي سَفَاهَةٍ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ الْكَاذِبِينَ﴾

Nagsabi ang pamunuang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: "Tunay na kami ay talagang nakakikita sa isang kahunghangan at tunay na kami ay nakatitiyak na ikaw ay kabilang sa mga nagsisinungaling."

﴿قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي سَفَاهَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, walang kahunghangan sa akin subalit ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.

﴿أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنَا لَكُمْ نَاصِحٌ أَمِينٌ﴾

Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, at ako para sa inyo ay isang tagapayong pinagkakatiwalaan.

﴿أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ قَوْمِ نُوحٍ وَزَادَكُمْ فِي الْخَلْقِ بَسْطَةً ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾

Nagtaka ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala sa inyo? Alalahanin ninyo noong ginawa Niya kayo na mga kahalili matapos ng mga kalipi ni Noe at dinagdagan Niya kayo sa pagkakalikha ng lawak. Kaya alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng Panginoon ninyo nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

﴿قَالُوا أَجِئْتَنَا لِنَعْبُدَ اللَّهَ وَحْدَهُ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا ۖ فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ﴾

Nagsabi sila: "Dumating ka ba sa Amin upang sambahin namin si Allāh lamang at pabayaan namin ang anumang sinasamba noon ng mga magulang namin? Kaya dalhin mo sa amin ang ipinapangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."

﴿قَالَ قَدْ وَقَعَ عَلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ رِجْسٌ وَغَضَبٌ ۖ أَتُجَادِلُونَنِي فِي أَسْمَاءٍ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا نَزَّلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ﴾

Nagsabi siya: "May bumagsak nga sa inyo mula sa Panginoon ninyo na isang kasalaulaan at isang galit. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo, na hindi nagpababa si Allāh sa mga ito ng anumang patunay. Kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama ninyo kabilang sa mga naghihintay."

﴿فَأَنْجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَقَطَعْنَا دَابِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۖ وَمَا كَانُوا مُؤْمِنِينَ﴾

Kaya iniligtas Namin siya at ang mga kasama niya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin, at nilipol Namin ang kahuli-hulihan sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Sila noon ay hindi mga mananampalataya.

﴿وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ هَٰذِهِ نَاقَةُ اللَّهِ لَكُمْ آيَةً ۖ فَذَرُوهَا تَأْكُلْ فِي أَرْضِ اللَّهِ ۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

At [Nagsugo sa] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang tanda, kaya hayaan ninyo itong manginain sa lupain ni Allāh at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan dahil dadaklutin kayo ng isang pagdurusang masakit.

﴿وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ عَادٍ وَبَوَّأَكُمْ فِي الْأَرْضِ تَتَّخِذُونَ مِنْ سُهُولِهَا قُصُورًا وَتَنْحِتُونَ الْجِبَالَ بُيُوتًا ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ﴾

Alalahanin ninyo noong ginawa Niya kayo na mga kahalili matapos ng [lipi ng] `Ād at pinatira Niya kayo sa lupain; gumagawa kayo sa mga kapatagan nito ng mga palasyo at lumililok kayo ng mga kabundukan na maging mga bahay. Kaya alalahanin ninyo ang mga biyaya ng Panginoon ninyo at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga nanggugulo."

﴿قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِمَنْ آمَنَ مِنْهُمْ أَتَعْلَمُونَ أَنَّ صَالِحًا مُرْسَلٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلَ بِهِ مُؤْمِنُونَ﴾

Nagsabi ang pamunuan na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya sa mga minamahina, sa mga sumampalataya kabilang sa mga ito: "Nalalaman ba ninyo na si Ṣāliḥ ay isang isinugo mula sa Panginoon niya?" Nagsabi ang mga ito: "Tunay na kami sa ipinasugo sa kanya ay mga mananampalataya."

﴿قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا بِالَّذِي آمَنْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ﴾

Nagsabi ang mga nagmalaki: "Tunay na kami sa sinampalatayanan ninyo ay mga tumatangging sumampalataya."

﴿فَعَقَرُوا النَّاقَةَ وَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ وَقَالُوا يَا صَالِحُ ائْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ﴾

Kaya kinitil nila ang dumalagang kamelyo, nagpakapalalo sila sa utos ng Panginoon nila, at nagsabi sila: "O Ṣāliḥ, dalhin mo sa amin ang ipinangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga isinugo."

﴿فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ﴾

Kaya dumaklot sa kanila ang lindol at sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.

﴿فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَةَ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ وَلَٰكِنْ لَا تُحِبُّونَ النَّاصِحِينَ﴾

Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: "O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot na ako sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo subalit hindi ninyo naiibigan ang mga tagapayo."

﴿وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ مَا سَبَقَكُمْ بِهَا مِنْ أَحَدٍ مِنَ الْعَالَمِينَ﴾

[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kalipi niya: "Gumagawa ba kayo ng malaswa na hindi kayo naunahan doon ng isa man kabilang sa mga nilalang?

﴿إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ شَهْوَةً مِنْ دُونِ النِّسَاءِ ۚ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ مُسْرِفُونَ﴾

Tunay na kayo ay talagang pumupunta sa mga lalaki dahil sa pagnanasa bukod pa sa mga babae, bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis.

﴿وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَخْرِجُوهُمْ مِنْ قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ﴾

Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Palabasin ninyo sila mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis."

﴿فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ﴾

Kaya iniligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay kabilang sa mga nagpaiwan.

﴿وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ﴾

Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan kaya tingnan mo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga salarin.

﴿وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا الْكَيْلَ وَالْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

At [Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sambahin ninyo si Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating na sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo, kaya lubusin ninyo ang pagtatakal at ang [pagtitimbang sa] timbangan, huwag kayong mag-umit sa mga tao ng mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya.

﴿وَلَا تَقْعُدُوا بِكُلِّ صِرَاطٍ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِهِ وَتَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ كُنْتُمْ قَلِيلًا فَكَثَّرَكُمْ ۖ وَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ﴾

Huwag kayong maupo sa bawat landasin, na nagbabanta at bumabalakid sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, habang naghahangad kayo rito ng kabaluktutan. Alalahanin ninyo, noong kayo noon ay kakaunti ay pinarami Niya kayo. Tingnan ninyo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga tagapanggulo.

﴿وَإِنْ كَانَ طَائِفَةٌ مِنْكُمْ آمَنُوا بِالَّذِي أُرْسِلْتُ بِهِ وَطَائِفَةٌ لَمْ يُؤْمِنُوا فَاصْبِرُوا حَتَّىٰ يَحْكُمَ اللَّهُ بَيْنَنَا ۚ وَهُوَ خَيْرُ الْحَاكِمِينَ﴾

Kung may isang pangkatin kabilang sa inyo na sumampalataya sa ipinasugo sa akin at may isang pangkatin na hindi sumampalataya ay magtiis kayo hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan natin, at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagahatol."

﴿۞ قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لَنُخْرِجَنَّكَ يَا شُعَيْبُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَكَ مِنْ قَرْيَتِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۚ قَالَ أَوَلَوْ كُنَّا كَارِهِينَ﴾

Nagsabi ang pamunuan na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya: "Talagang palalabasin ka nga namin, O Shu`ayb, at ang mga sumampalataya kasama mo mula sa pamayanan natin, o talagang babalik nga kayo sa kapaniwalaan namin." Nagsabi siya: "Kahit pa man ba kami ay mga nasusuklam?

﴿قَدِ افْتَرَيْنَا عَلَى اللَّهِ كَذِبًا إِنْ عُدْنَا فِي مِلَّتِكُمْ بَعْدَ إِذْ نَجَّانَا اللَّهُ مِنْهَا ۚ وَمَا يَكُونُ لَنَا أَنْ نَعُودَ فِيهَا إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ رَبُّنَا ۚ وَسِعَ رَبُّنَا كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا ۚ عَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْنَا ۚ رَبَّنَا افْتَحْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ قَوْمِنَا بِالْحَقِّ وَأَنْتَ خَيْرُ الْفَاتِحِينَ﴾

Gumawa-gawa nga kami laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kung bumalik kami sa kapaniwalaan ninyo matapos noong nailigtas kami ni Allāh mula roon. Hindi mangyayaring ukol sa amin na bumalik kami roon malibang naisin ni Allāh, ang Panginoon namin. Sumakop ang Panginoon namin sa bawat bagay sa kaalaman. Kay Allāh kami nananalig. Panginoon namin, humusga Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi namin ayon sa katotohanan, yayamang Ikaw ay ang pinakamainam sa mga tagahusga."

﴿وَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لَئِنِ اتَّبَعْتُمْ شُعَيْبًا إِنَّكُمْ إِذًا لَخَاسِرُونَ﴾

Nagsabi ang pamunuan na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: "Talagang kung sumunod kayo kay Shu`ayb, tunay na kayo samakatuwid ay talagang mga lugi."

﴿فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ﴾

Kaya dumaklot sa kanila ang lindol at sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.

﴿الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۚ الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَانُوا هُمُ الْخَاسِرِينَ﴾

Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay para bang hindi nanirahan doon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb, sila ay naging mga lugi.

﴿فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ ۖ فَكَيْفَ آسَىٰ عَلَىٰ قَوْمٍ كَافِرِينَ﴾

Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: "O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo, kaya papaano akong magdadalamhati sa mga taong tumangging sumampalataya?"

﴿وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا أَخَذْنَا أَهْلَهَا بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَضَّرَّعُونَ﴾

Hindi kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang propeta malibang nagpataw Kami sa kanila ng karalitaan at karamdaman nang sa gayon sila ay magpapakumbaba.

﴿ثُمَّ بَدَّلْنَا مَكَانَ السَّيِّئَةِ الْحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَوْا وَقَالُوا قَدْ مَسَّ آبَاءَنَا الضَّرَّاءُ وَالسَّرَّاءُ فَأَخَذْنَاهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ﴾

Pagkatapos ay nagpalit Kami sa lugar ng masagwang gawa ng magandang gawa hanggang sa lumago sila at nagsabi: "Nasaling nga ang mga magulang namin ng karalitaan at karamdaman." Kaya nagpataw Kami sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

﴿وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْقُرَىٰ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَفَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَرَكَاتٍ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنْ كَذَّبُوا فَأَخَذْنَاهُمْ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ﴾

Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanan ay sumampalataya at nangilag magkasala, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga biyaya mula sa langit at lupa subalit nagpasinungaling sila kaya pinarusahan Namin sila dahil sa nakakamit nila noon.

﴿أَفَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا بَيَاتًا وَهُمْ نَائِمُونَ﴾

Natiwasay ba ang mga nakatira sa mga pamayanan na dumating sa kanila ang parusa Namin sa gabi habang sila ay mga natutulog?

﴿أَوَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا ضُحًى وَهُمْ يَلْعَبُونَ﴾

O natiwasay ba ang mga nakatira sa mga pamayanan na dumating sa kanila ang parusa Namin sa kaumagahan habang sila ay naglalaro?

﴿أَفَأَمِنُوا مَكْرَ اللَّهِ ۚ فَلَا يَأْمَنُ مَكْرَ اللَّهِ إِلَّا الْقَوْمُ الْخَاسِرُونَ﴾

Natiwasay ba sila sa panlalansi ni Allāh sapagkat walang natitiwasay sa panlalansi ni Allāh kundi ang mga taong lugi.

﴿أَوَلَمْ يَهْدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ الْأَرْضَ مِنْ بَعْدِ أَهْلِهَا أَنْ لَوْ نَشَاءُ أَصَبْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ ۚ وَنَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ﴾

Hindi ba luminaw para sa mga nagmamana ng lupa matapos ng mga [naunang] nakatira rito na kung sakaling niloloob Namin ay magpaparusa sana Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila? Nagpipinid Kami sa mga puso nila kaya naman sila ay hindi makaririnig.

﴿تِلْكَ الْقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنْبَائِهَا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا بِمَا كَذَّبُوا مِنْ قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ الْكَافِرِينَ﴾

Ang mga pamayanang iyon ay nagsasalaysay Kami sa iyo ng ilan sa mga balita ng mga iyon. Talaga ngang dumating sa kanila ang mga sugo nila dala ang mga malinaw na patunay ngunit hindi nangyaring sila ay ukol na sumampalataya sa anumang pinasinungalingan nila noon pa. Ganyan nagpipinid si Allāh sa mga puso ng mga tumatangging sumampalataya.

﴿وَمَا وَجَدْنَا لِأَكْثَرِهِمْ مِنْ عَهْدٍ ۖ وَإِنْ وَجَدْنَا أَكْثَرَهُمْ لَفَاسِقِينَ﴾

Hindi Kami nakatagpo sa higit na marami sa kanila ng [pagtupad sa] tipan at nakatagpo lamang Kami sa higit na marami sa kanila bilang talagang mga suwail.

﴿ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَظَلَمُوا بِهَا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ﴾

Pagkatapos ay ipinadala Namin matapos nila si Moises dala ang mga tanda Namin patungo kay Paraon at sa pamunuan nito ngunit lumabag sila sa katarungan sa mga ito kaya tingnan mo kung naging papaano ang kinahinatnan ng mga tagapanggulo.

﴿وَقَالَ مُوسَىٰ يَا فِرْعَوْنُ إِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

Nagsabi si Moises: "O Paraon, tunay na ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.

﴿حَقِيقٌ عَلَىٰ أَنْ لَا أَقُولَ عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ قَدْ جِئْتُكُمْ بِبَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ فَأَرْسِلْ مَعِيَ بَنِي إِسْرَائِيلَ﴾

Karapat-dapat na hindi ako magsabi tungkol kay Allāh kundi ang totoo. Dumating nga ako sa inyo na may dalang isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo kaya ipadala mo kasama ko ang mga anak ni Israel.

﴿قَالَ إِنْ كُنْتَ جِئْتَ بِآيَةٍ فَأْتِ بِهَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ﴾

Nagsabi ito: "Kung ikaw ay dumating na may dalang isang tanda ay maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."

﴿فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُبِينٌ﴾

Kaya ipinukol niya ang tungkod niya at biglaang ito ay naging isang maliwanag na ulupong.

﴿وَنَزَعَ يَدَهُ فَإِذَا هِيَ بَيْضَاءُ لِلنَّاظِرِينَ﴾

Hinugot niya ang kamay niya at biglaang ito ay naging maputi para sa mga tagatingin.

﴿قَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِ فِرْعَوْنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَاحِرٌ عَلِيمٌ﴾

Nagsabi ang pamunuan kabilang sa mga tao ni Paraon: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.

﴿يُرِيدُ أَنْ يُخْرِجَكُمْ مِنْ أَرْضِكُمْ ۖ فَمَاذَا تَأْمُرُونَ﴾

Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo kaya ano ang ipag-uutos ninyo?"

﴿قَالُوا أَرْجِهْ وَأَخَاهُ وَأَرْسِلْ فِي الْمَدَائِنِ حَاشِرِينَ﴾

Nagsabi sila: "Mag-antala ka sa kanya at kapatid niya at magsugo ka sa mga lungsod ng mga tagapagtipon,

﴿يَأْتُوكَ بِكُلِّ سَاحِرٍ عَلِيمٍ﴾

magdadala sila sa iyo ng bawat manggagaway na maalam."

﴿وَجَاءَ السَّحَرَةُ فِرْعَوْنَ قَالُوا إِنَّ لَنَا لَأَجْرًا إِنْ كُنَّا نَحْنُ الْغَالِبِينَ﴾

Dumating ang mga manggagaway kay Paraon. Nagsabi sila: "Tunay na mayroon ba kami talagang pabuya kung kami ay ang mga tagapanaig?"

﴿قَالَ نَعَمْ وَإِنَّكُمْ لَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ﴾

Nagsabi ito: "Oo, at tunay na kayo ay talagang kabilang sa mga minamalapit [sa akin]."

﴿قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِمَّا أَنْ تُلْقِيَ وَإِمَّا أَنْ نَكُونَ نَحْنُ الْمُلْقِينَ﴾

Nagsabi sila: "O Moises, mauna kang pumukol o mauna kaming maging ang mga tagapukol?"

﴿قَالَ أَلْقُوا ۖ فَلَمَّا أَلْقَوْا سَحَرُوا أَعْيُنَ النَّاسِ وَاسْتَرْهَبُوهُمْ وَجَاءُوا بِسِحْرٍ عَظِيمٍ﴾

Nagsabi siya: "Pumukol kayo." Kaya noong pumukol sila ay ginaway nila ang mga mata ng mga tao, pinangilabot nila ang mga ito, at nagdala sila ng isang panggagaway na sukdulan.

﴿۞ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَإِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ﴾

Nagsiwalat Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Ipukol mo ang tungkod mo," kaya bigla itong lumamon sa ikinukunwari nila.

﴿فَوَقَعَ الْحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Kaya napagtibay ang katotohanan at napawalang-saysay ang ginagawa nila dati.

﴿فَغُلِبُوا هُنَالِكَ وَانْقَلَبُوا صَاغِرِينَ﴾

Kaya nadaig sila roon at nanumbalik na mga minamaliit.

﴿وَأُلْقِيَ السَّحَرَةُ سَاجِدِينَ﴾

Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa.

﴿قَالُوا آمَنَّا بِرَبِّ الْعَالَمِينَ﴾

Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,

﴿رَبِّ مُوسَىٰ وَهَارُونَ﴾

ang Panginoon nina Moises at Aaron."

﴿قَالَ فِرْعَوْنُ آمَنْتُمْ بِهِ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكْرٌ مَكَرْتُمُوهُ فِي الْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا مِنْهَا أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ﴾

Nagsabi si Paraon: "Sumampalataya kayo sa kanya bago ako nagpahintulot sa inyo. Tunay na ito ay talagang isang panlalansi na ipinanlansi ninyo sa lungsod upang palabasin ninyo mula rito ang mga nakatira rito, kaya malalaman ninyo.

﴿لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ مِنْ خِلَافٍ ثُمَّ لَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ﴾

Talagang pagpuputul-putulin ko nga ang mga kamay ninyo at ang mga paa ninyo nang magkabilaan, pagkatapos ay talagang ibibitin ko nga kayo sa kalahatan."

﴿قَالُوا إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا مُنْقَلِبُونَ﴾

Nagsabi sila: "Tunay na kami ay sa Panginoon namin mga manunumbalik.

﴿وَمَا تَنْقِمُ مِنَّا إِلَّا أَنْ آمَنَّا بِآيَاتِ رَبِّنَا لَمَّا جَاءَتْنَا ۚ رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَتَوَفَّنَا مُسْلِمِينَ﴾

Hindi ka naghiganti sa amin kundi dahil sumampalataya kami sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin. Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis at papanawin Mo kami bilang mga Muslim."

﴿وَقَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِ فِرْعَوْنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوْمَهُ لِيُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَيَذَرَكَ وَآلِهَتَكَ ۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبْنَاءَهُمْ وَنَسْتَحْيِي نِسَاءَهُمْ وَإِنَّا فَوْقَهُمْ قَاهِرُونَ﴾

Nagsabi ang pamunuan kabilang sa mga tao ni Paraon: "Magpapabaya ka ba kay Moises at sa mga tao niya upang manggulo sila sa lupain at magpabaya sa iyo at sa mga diyos mo?" Nagsabi siya: "Pagpapatayin natin ang mga anak na lalaki nila at pabubuhayin natin ang mga babae nila. Tunay na tayo sa ibabaw nila ay mga tagalupig."

﴿قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ اسْتَعِينُوا بِاللَّهِ وَاصْبِرُوا ۖ إِنَّ الْأَرْضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ﴾

Nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Magpatulong kayo kay Allāh at magtitiis kayo. Tunay na ang lupa ay kay Allāh; ipinamamana Niya ito sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag sa pagkakasala."

﴿قَالُوا أُوذِينَا مِنْ قَبْلِ أَنْ تَأْتِيَنَا وَمِنْ بَعْدِ مَا جِئْتَنَا ۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُهْلِكَ عَدُوَّكُمْ وَيَسْتَخْلِفَكُمْ فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرَ كَيْفَ تَعْمَلُونَ﴾

Nagsabi sila: "Napinsala kami bago ka pumunta sa amin at matapos ka dumating sa amin." Nagsabi siya: "Marahil ang Panginoon ninyo ay lilipol sa kaaway ninyo at magpahalili sa inyo sa lupain para makita Niya kung papaano kayong gagawa."

﴿وَلَقَدْ أَخَذْنَا آلَ فِرْعَوْنَ بِالسِّنِينَ وَنَقْصٍ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ﴾

Talaga ngang nagparusa Kami sa angkan ni Paraon ng mga taon [ng tagtuyot] at kabawasan sa mga bunga nang sa gayon sila ay mag-aalaala

﴿فَإِذَا جَاءَتْهُمُ الْحَسَنَةُ قَالُوا لَنَا هَٰذِهِ ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَطَّيَّرُوا بِمُوسَىٰ وَمَنْ مَعَهُ ۗ أَلَا إِنَّمَا طَائِرُهُمْ عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Ngunit kapag dumating sa kanila ang maganda ay nagsasabi sila: "Ukol sa atin ito;" at kung tinamaan sila ng masagwa ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya. Pakaalamin, ang kamalasan nila ay nasa kay Allāh lamang subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

﴿وَقَالُوا مَهْمَا تَأْتِنَا بِهِ مِنْ آيَةٍ لِتَسْحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ﴾

Nagsabi sila: "Anupaman ang ihatid mo sa amin na himala upang magaway mo kami nito, kami sa iyo ay hindi sasampalataya."

﴿فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الطُّوفَانَ وَالْجَرَادَ وَالْقُمَّلَ وَالضَّفَادِعَ وَالدَّمَ آيَاتٍ مُفَصَّلَاتٍ فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُجْرِمِينَ﴾

Kaya nagsugo Kami sa kanila ng baha, mga balang, mga kuto, mga palaka, at dugo bilang mga himalang naglilinaw ngunit nagmalaki sila at sila ay naging mga taong tagasalansang.

﴿وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ الرِّجْزُ قَالُوا يَا مُوسَى ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ ۖ لَئِنْ كَشَفْتَ عَنَّا الرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِي إِسْرَائِيلَ﴾

Noong bumagsak sa kanila ang kaparusahan ay nagsabi sila: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinangako Niya sa ganang iyo; talagang kung papawiin mo sa amin ang kaparusahan ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo at talagang ipadadala nga namin kasama mo ang mga anak ni Israel."

﴿فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الرِّجْزَ إِلَىٰ أَجَلٍ هُمْ بَالِغُوهُ إِذَا هُمْ يَنْكُثُونَ﴾

Ngunit noong tinanggal Namin sa kanila ang kaparusahan hanggang sa taning na sila ay aabot doon, biglang sila ay sumisira [sa pangako].

﴿فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ﴾

Kaya naghiganti Kami sa kanila at nilunod Namin sila sa dagat dahil sila ay nagpasinungaling sa kanila sa mga tanda Namin at sila noon sa mga ito ay mga nalilingat.

﴿وَأَوْرَثْنَا الْقَوْمَ الَّذِينَ كَانُوا يُسْتَضْعَفُونَ مَشَارِقَ الْأَرْضِ وَمَغَارِبَهَا الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۖ وَتَمَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ الْحُسْنَىٰ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ بِمَا صَبَرُوا ۖ وَدَمَّرْنَا مَا كَانَ يَصْنَعُ فِرْعَوْنُ وَقَوْمُهُ وَمَا كَانُوا يَعْرِشُونَ﴾

Ipinamana Namin sa mga taong minamahina ang mga silangan ng lupain at ang mga kanluran nito na nagpala Kami sa mga ito. Nalubos ang napakagandang salita ng Panginoon mo sa mga anak ni Israel dahil nagtiis sila at winasak Namin ang niyayari noon ni Paraon at ng mga tao niya at ang ipinapatayo nila noon.

﴿وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتَوْا عَلَىٰ قَوْمٍ يَعْكُفُونَ عَلَىٰ أَصْنَامٍ لَهُمْ ۚ قَالُوا يَا مُوسَى اجْعَلْ لَنَا إِلَٰهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ ۚ قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ﴾

Nagpatawid Kami sa mga angkan ni Israel sa dagat at napunta sila sa mga taong namamalagi sa pagsamba sa mga anito para sa mga ito. Nagsabi sila: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos." Nagsabi siya: "Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang."

﴿إِنَّ هَٰؤُلَاءِ مُتَبَّرٌ مَا هُمْ فِيهِ وَبَاطِلٌ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Tunay na ang mga ito ay wawasakin ang anumang sila ay naroon at walang-kabuluhan ang anumang ginagawa nila noon.

﴿قَالَ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِيكُمْ إِلَٰهًا وَهُوَ فَضَّلَكُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ﴾

Nagsabi siya: "Ang iba pa ba kay Allāh ay hahangarin ko sa inyo bilang Diyos samantalang Siya ay nagtangi sa inyo sa mga nilalang?"

﴿وَإِذْ أَنْجَيْنَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۖ يُقَتِّلُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ﴾

[Banggitin] noong pinaligtas Namin kayo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagpapatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa [ginawang] iyon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.

﴿۞ وَوَاعَدْنَا مُوسَىٰ ثَلَاثِينَ لَيْلَةً وَأَتْمَمْنَاهَا بِعَشْرٍ فَتَمَّ مِيقَاتُ رَبِّهِ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَارُونَ اخْلُفْنِي فِي قَوْمِي وَأَصْلِحْ وَلَا تَتَّبِعْ سَبِيلَ الْمُفْسِدِينَ﴾

Nakipagtipan Kami kay Moises nang tatlumpong gabi at nilubos Namin ang mga ito ng may sampu pa kaya nalubos ang yugto ng [pakikipagniigan sa] Panginoon niya sa apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron: "Humalili ka sa akin sa mga tao ko, gumawa ka ng matuwid, at huwag kang sumunod sa landas ng mga tagapanggulo."

﴿وَلَمَّا جَاءَ مُوسَىٰ لِمِيقَاتِنَا وَكَلَّمَهُ رَبُّهُ قَالَ رَبِّ أَرِنِي أَنْظُرْ إِلَيْكَ ۚ قَالَ لَنْ تَرَانِي وَلَٰكِنِ انْظُرْ إِلَى الْجَبَلِ فَإِنِ اسْتَقَرَّ مَكَانَهُ فَسَوْفَ تَرَانِي ۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُ لِلْجَبَلِ جَعَلَهُ دَكًّا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقًا ۚ فَلَمَّا أَفَاقَ قَالَ سُبْحَانَكَ تُبْتُ إِلَيْكَ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُؤْمِنِينَ﴾

Noong dumating si Moises para sa yugto ng [pakikipagniigan] at kinausap ito ng Panginoon nito ay nagsabi ito: "Panginoon ko, magpakita Ka sa akin, titingin ako sa Iyo." Nagsabi Siya: "Hindi mo Ako makikita, subalit tumingin ka sa bundok; kung namalagi iyon sa pook niyon ay makikita mo Ako." Ngunit noong lumitaw ang Panginoon niya sa bundok, ginawa Niya ito na isang patag at napahandusay si Moises nang walang ulirat; at noong nagkamalay siya ay nagsabi siya: "napakamaluwalhati Mo; nagbabalik-loob ako sa Iyo at habang ako ay ang una sa mga mananampalataya."

﴿قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنِّي اصْطَفَيْتُكَ عَلَى النَّاسِ بِرِسَالَاتِي وَبِكَلَامِي فَخُذْ مَا آتَيْتُكَ وَكُنْ مِنَ الشَّاكِرِينَ﴾

Nagsabi Siya: "O Moises, tunay na Ako ay humirang sa iyo sa mga tao sa mga pasugo Ko at sa pagsasalita Ko, kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo at maging kabilang ka sa mga nagpapasalamat."

﴿وَكَتَبْنَا لَهُ فِي الْأَلْوَاحِ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ مَوْعِظَةً وَتَفْصِيلًا لِكُلِّ شَيْءٍ فَخُذْهَا بِقُوَّةٍ وَأْمُرْ قَوْمَكَ يَأْخُذُوا بِأَحْسَنِهَا ۚ سَأُرِيكُمْ دَارَ الْفَاسِقِينَ﴾

Nagsulat Kami para sa kanya sa mga tablero ng bawat bagay bilang isang pangaral at isang masusing pagpapaliwanag sa bawat bagay kaya kunin mo ito nang may lakas at ipag-utos mo sa mga tao mo na kunin nila ayon sa pinakamagaling sa mga ito. Ipakikita Ko sa inyo ang tahanan ng mga suwail.

﴿سَأَصْرِفُ عَنْ آيَاتِيَ الَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَإِنْ يَرَوْا كُلَّ آيَةٍ لَا يُؤْمِنُوا بِهَا وَإِنْ يَرَوْا سَبِيلَ الرُّشْدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا وَإِنْ يَرَوْا سَبِيلَ الْغَيِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ﴾

Ibabaling Ko palayo sa mga tanda Ko ang mga nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan. Kung makikita nila ang bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito. Kung makikita nila ang landas ng kawastuhan ay hindi nila gagawin ito bilang isang landas; ngunit kung makikita nila ang landas ng kamalian ay gagawin nila ito bilang isang landas. Iyon ay dahil sila ay nagpasinungaling sa mga tanda Namin at sila noon sa mga ito ay mga nagpapabaya.

﴿وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَلِقَاءِ الْآخِرَةِ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at sa pakikipagtagpo sa Kabilang-buhay ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila. Walang gagantihan sa kanila kundi ang ginagawa nila noon.

﴿وَاتَّخَذَ قَوْمُ مُوسَىٰ مِنْ بَعْدِهِ مِنْ حُلِيِّهِمْ عِجْلًا جَسَدًا لَهُ خُوَارٌ ۚ أَلَمْ يَرَوْا أَنَّهُ لَا يُكَلِّمُهُمْ وَلَا يَهْدِيهِمْ سَبِيلًا ۘ اتَّخَذُوهُ وَكَانُوا ظَالِمِينَ﴾

Gumawa ang mga tao ni Moises, matapos [ng paglisan] niya, mula sa mga hiyas nila ng isang bulô na rebulto na may pag-unga. Hindi ba nila nakita na ito ay hindi nagsasalita sa kanila at hindi pumapatnubay sa kanila sa isang landas? Ginawa nila ito habang sila ay mga lumalabag sa katarungan.

﴿وَلَمَّا سُقِطَ فِي أَيْدِيهِمْ وَرَأَوْا أَنَّهُمْ قَدْ ضَلُّوا قَالُوا لَئِنْ لَمْ يَرْحَمْنَا رَبُّنَا وَيَغْفِرْ لَنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾

Noong nagsisi sila at nakita nilang sila ay naligaw nga ay nagsabi sila: "Talagang kung hindi naawa sa atin ang Panginoon Natin at nagpatawad sa atin, talagang tayo nga ay magiging kabilang sa mga lugi."

﴿وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِي مِنْ بَعْدِي ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى الْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ابْنَ أُمَّ إِنَّ الْقَوْمَ اسْتَضْعَفُونِي وَكَادُوا يَقْتُلُونَنِي فَلَا تُشْمِتْ بِيَ الْأَعْدَاءَ وَلَا تَجْعَلْنِي مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾

Noong nakabalik si Moises sa mga tao niya, na galit na galit na naghihinagpis, ay nagsabi siya: "Kaaba-aba ang ipinanghalili ninyo sa akin matapos [ng paglisan] ko. Minadali ba ninyo ang nauukol sa Panginoon ninyo?" Itinapon niya ang mga tablero at humawak siya sa ulo ng kapatid niya, na hinihila ito patungo sa kanya. Nagsabi ito: "Anak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagmahina sa akin at halos patayin nila ako, kaya huwag mong patuwain dahil sa akin ang mga kaaway at huwag mo akong gawing kasama ng mga taong tagalabag ng katarungan."

﴿قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَلِأَخِي وَأَدْخِلْنَا فِي رَحْمَتِكَ ۖ وَأَنْتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ﴾

Nagsabi siya: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at sa kapatid ko at papasukin Mo kami sa awa Mo yayamang Ikaw ay ang pinakamaawain sa mga naaawa."

﴿إِنَّ الَّذِينَ اتَّخَذُوا الْعِجْلَ سَيَنَالُهُمْ غَضَبٌ مِنْ رَبِّهِمْ وَذِلَّةٌ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُفْتَرِينَ﴾

Tunay na ang mga gumawa sa bulô [bilang diyos] ay magtatamo sila ng isang galit mula sa Panginoon nila at isang kaabahan sa makamundong buhay. Gayon Namin ginagantihan ang mga tagagawa-gawa [ng kabulaanan].

﴿وَالَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ ثُمَّ تَابُوا مِنْ بَعْدِهَا وَآمَنُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Ang mga gumawa ng mga masagwang gawa, pagkatapos ay nagbalik-loob matapos niyon at sumampalataya, tunay na ang Panginoon mo matapos niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain.

﴿وَلَمَّا سَكَتَ عَنْ مُوسَى الْغَضَبُ أَخَذَ الْأَلْوَاحَ ۖ وَفِي نُسْخَتِهَا هُدًى وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ هُمْ لِرَبِّهِمْ يَرْهَبُونَ﴾

Noong humupa kay Moises ang galit ay kinuha niya ang mga tablero. Sa nakatitik sa mga ito ay may patnubay at awa para sa kanilang sa Panginoon nila ay nangingilabot.

﴿وَاخْتَارَ مُوسَىٰ قَوْمَهُ سَبْعِينَ رَجُلًا لِمِيقَاتِنَا ۖ فَلَمَّا أَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ قَالَ رَبِّ لَوْ شِئْتَ أَهْلَكْتَهُمْ مِنْ قَبْلُ وَإِيَّايَ ۖ أَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ السُّفَهَاءُ مِنَّا ۖ إِنْ هِيَ إِلَّا فِتْنَتُكَ تُضِلُّ بِهَا مَنْ تَشَاءُ وَتَهْدِي مَنْ تَشَاءُ ۖ أَنْتَ وَلِيُّنَا فَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا ۖ وَأَنْتَ خَيْرُ الْغَافِرِينَ﴾

Pumili si Moises sa mga tao niya ng pitumpong lalaki para sa pakikipagtipan sa Amin. Ngunit noong dinapuan sila ng lindol ay nagsabi siya: "Panginoon ko, kung sakaling niloob Mo ay lumipol Ka sana sa kanila noong una at pati sa akin. Lilipulin Mo ba kami dahil sa ginawa ng mga hunghang kabilang sa amin? Iyon ay walang iba kundi isang pagsubok Mo. Pinaliligaw Mo sa pamamagitan niyon ang sinumang niloloob Mo at pinapatnubayan Mo ang sinumang niloloob Mo. Ikaw ay ang Katangkilik namin kaya magpatawad Ka sa Amin at maawa Ka sa amin yayamang Ikaw ay ang pinakamainam sa mga tagapagpatawad.

﴿۞ وَاكْتُبْ لَنَا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ إِنَّا هُدْنَا إِلَيْكَ ۚ قَالَ عَذَابِي أُصِيبُ بِهِ مَنْ أَشَاءُ ۖ وَرَحْمَتِي وَسِعَتْ كُلَّ شَيْءٍ ۚ فَسَأَكْتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالَّذِينَ هُمْ بِآيَاتِنَا يُؤْمِنُونَ﴾

Magtakda Ka para sa amin sa Mundong ito ng isang maganda at sa Kabilang-buhay; tunay na kami ay nagbalik sa Iyo." Nagsabi Siya: "Ang parusa Ko ay pinadadapo Ko sa sinumang niloloob Ko at ang awa Ko ay sumakop sa bawat bagay kaya itatakda Ko ito para sa mga nangingilag magkasala at nagbibigay ng zakāh, at sila sa mga tanda Namin ay sumasampalataya.

﴿الَّذِينَ يَتَّبِعُونَ الرَّسُولَ النَّبِيَّ الْأُمِّيَّ الَّذِي يَجِدُونَهُ مَكْتُوبًا عِنْدَهُمْ فِي التَّوْرَاةِ وَالْإِنْجِيلِ يَأْمُرُهُمْ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَاهُمْ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُحِلُّ لَهُمُ الطَّيِّبَاتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيْهِمُ الْخَبَائِثَ وَيَضَعُ عَنْهُمْ إِصْرَهُمْ وَالْأَغْلَالَ الَّتِي كَانَتْ عَلَيْهِمْ ۚ فَالَّذِينَ آمَنُوا بِهِ وَعَزَّرُوهُ وَنَصَرُوهُ وَاتَّبَعُوا النُّورَ الَّذِي أُنْزِلَ مَعَهُ ۙ أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾

[Sila ay] ang mga sumusunod sa Sugo - ang Propetang iliterato, na natatagpuan nila siya na nakasulat sa taglay nila sa Torah at Ebanghelyo - na nag-uutos sa kanila sa nakabubuti, sumasaway sa kanila sa nakasasama, nagpapahintulot sa kanila ng mga kaaya-aya, nagbabawal sa kanila ng mga karima-rimarim, at nag-aalis sa kanila ng pabigat sa kanila at mga kulyar na nakasuot noon sa kanila. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya, at sumunod sa liwanag na ibinaba sa kanya ay ang mga iyon ang mga magtatagumpay."

﴿قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ جَمِيعًا الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ النَّبِيِّ الْأُمِّيِّ الَّذِي يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَكَلِمَاتِهِ وَاتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ﴾

Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan, Siya na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at bumabawi Siya ng buhay. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa’t nakasusulat, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya, at sundin ninyo ito nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."

﴿وَمِنْ قَوْمِ مُوسَىٰ أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ﴾

Kabilang sa mga tao ni Moises ay isang kalipunang pumapatnubay ayon sa katotohanan at ayon dito ay nagpapatupad ng katarungan.

﴿وَقَطَّعْنَاهُمُ اثْنَتَيْ عَشْرَةَ أَسْبَاطًا أُمَمًا ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ إِذِ اسْتَسْقَاهُ قَوْمُهُ أَنِ اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانْبَجَسَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَشْرَبَهُمْ ۚ وَظَلَّلْنَا عَلَيْهِمُ الْغَمَامَ وَأَنْزَلْنَا عَلَيْهِمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ﴾

Hinati-hati Namin sila sa labindalawang lipi bilang mga kalipunan. Nagsiwalat Kami kay Moises noong humingi ng tubig sa kanya ang mga tao niya na [nagsasabi]: "Hampasin mo ng tungkod mo ang bato," at may tumagas mula roon na labindalawang bukal. Nalaman nga ng bawat [lipi] ng mga tao ang inuman nila. Nagpalilim Kami sa kanila ng mga ulap at nagbaba Kami sa kanila ng mana at mga pugo. Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo. Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin subalit sila ay sa mga sarili nila lumalabag sa katarungan.

﴿وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ اسْكُنُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ وَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا حِطَّةٌ وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا نَغْفِرْ لَكُمْ خَطِيئَاتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ﴾

[Banggitin] noong sinabi sa kanila: "Tumahan kayo sa pamayanang ito, kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin, magsabi kayo: Pag-aalis-sala, pumasok kayo sa pinto na mga nakayukod; magpapatawad Kami sa inyo sa mga kamalian ninyo. Magdaragdag Kami [ng gantimpala] sa mga tagapagpaganda ng gawa."

﴿فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَظْلِمُونَ﴾

Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila kaya nagpadala Kami sa kanila ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay lumalabag sa katarungan.

﴿وَاسْأَلْهُمْ عَنِ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ حَاضِرَةَ الْبَحْرِ إِذْ يَعْدُونَ فِي السَّبْتِ إِذْ تَأْتِيهِمْ حِيتَانُهُمْ يَوْمَ سَبْتِهِمْ شُرَّعًا وَيَوْمَ لَا يَسْبِتُونَ ۙ لَا تَأْتِيهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ نَبْلُوهُمْ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ﴾

Tanungin mo sila tungkol sa pamayanang nasa tabi noon ng dagat noong lumalabag sila sa Sabado noong dumarating sa kanila ang mga isda nila sa araw ng Sabado nila nang mga nakalitaw samantalang sa araw na hindi nila ipinangingilin ang Sabado ay hindi pumupunta ang mga ito sa kanila. Gayon Namin sinusubok sila dahil sila noon ay nagsusuwail.

﴿وَإِذْ قَالَتْ أُمَّةٌ مِنْهُمْ لِمَ تَعِظُونَ قَوْمًا ۙ اللَّهُ مُهْلِكُهُمْ أَوْ مُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ قَالُوا مَعْذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ﴾

[Banggitin] noong may nagsabing isang kalipunan kabilang sa kanila: "Bakit kayo nangangaral sa mga taong si Allāh ay lilipol sa mga iyon o magpaparusa sa mga iyon ng isang matinding pagdurusa?" ay nagsabi sila: "Upang mapawalang-sala sa Panginoon ninyo at nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala."

﴿فَلَمَّا نَسُوا مَا ذُكِّرُوا بِهِ أَنْجَيْنَا الَّذِينَ يَنْهَوْنَ عَنِ السُّوءِ وَأَخَذْنَا الَّذِينَ ظَلَمُوا بِعَذَابٍ بَئِيسٍ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ﴾

Kaya noong nilimot nila ang ipinaalaala sa kanila, iniligtas Namin ang sumasaway sa kasagwaan at pinatawan Namin ang mga lumabag sa katarungan ng isang pagdurusang kahapis-hapis dahil sa pagpapakasuwail nila.

﴿فَلَمَّا عَتَوْا عَنْ مَا نُهُوا عَنْهُ قُلْنَا لَهُمْ كُونُوا قِرَدَةً خَاسِئِينَ﴾

Kaya noong naghimagsik sila sa sinaway sa kanila ay nagsabi Kami sa kanila: "Kayo ay maging mga unggoy na ipinagtatabuyan."

﴿وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبْعَثَنَّ عَلَيْهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ يَسُومُهُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ الْعِقَابِ ۖ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Banggitin noong inihayag ng Panginoon mo na talagang magpapadala nga Siya laban sa kanila hanggang sa Araw ng Pagbangon ng magpapataw sa kanila ng kasagwaan ng pagdurusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang mabilis ang pagpaparusa, at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain.

﴿وَقَطَّعْنَاهُمْ فِي الْأَرْضِ أُمَمًا ۖ مِنْهُمُ الصَّالِحُونَ وَمِنْهُمْ دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَبَلَوْنَاهُمْ بِالْحَسَنَاتِ وَالسَّيِّئَاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾

Pinagputul-putol Namin sila sa lupa bilang mga kalipunan: kabilang sa kanila ang mga matuwid at kabilang sa kanila ang mababa roon. Sumubok Kami sa kanila ng mga maganda at mga masagwa nang sa gayon sila ay magbabalik.

﴿فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ وَرِثُوا الْكِتَابَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا الْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِنْ يَأْتِهِمْ عَرَضٌ مِثْلُهُ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِمْ مِيثَاقُ الْكِتَابِ أَنْ لَا يَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ وَدَرَسُوا مَا فِيهِ ۗ وَالدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ﴾

Pagkatapos ay hinalilinan matapos nila ng mga kahaliling [masamang] na nagmana ng kasulatan, na tumatanggap ng alok nitong pinakamababa at nagsasabi: "Magpapatawad sa atin." Kung may darating sa kanila na isang alok na tulad niyon ay tatanggapin nila iyon. Hindi ba tinanggap sa kanila ang tipan ng kasulatan na hindi sila magsasabi tungkol kay Allāh maliban ng katotohanan at pinag-aralan naman nila ang nasa loob nito? Ang tahanang pangkabilang-buhay ay higit na mainam para sa mga nangingilag magkasala. Kaya hindi ba ninyo nauunawaan?

﴿وَالَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِالْكِتَابِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُصْلِحِينَ﴾

Ang mga kumakapit sa kasulatan at nagpapanatili sa pagdarasal, tunay na Kami ay hindi magwawala sa pabuya ng mga tagapagtuwid.

﴿۞ وَإِذْ نَتَقْنَا الْجَبَلَ فَوْقَهُمْ كَأَنَّهُ ظُلَّةٌ وَظَنُّوا أَنَّهُ وَاقِعٌ بِهِمْ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاذْكُرُوا مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ﴾

[Banggitin] noong inangat Namin ang bundok sa ibabaw nila na para bang ito ay isang kulandong at natiyak nilang ito ay babagsak sa kanila. [Sinabi]: "Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at tandaan ninyo ang narito nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala."

﴿وَإِذْ أَخَذَ رَبُّكَ مِنْ بَنِي آدَمَ مِنْ ظُهُورِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَأَشْهَدَهُمْ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَلَسْتُ بِرَبِّكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ ۛ شَهِدْنَا ۛ أَنْ تَقُولُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ إِنَّا كُنَّا عَنْ هَٰذَا غَافِلِينَ﴾

[Banggitin] noong kinuha ng Panginoon mo mula sa mga anak ni Adan mula sa mga likod nila ang mga supling nila at pinasaksi Niya sila sa mga sarili nila: "Hindi ba Ako ay Panginoon ninyo?" ay nagsabi sila: "Opo; sumaksi kami," upang hindi ninyo sabihin sa Araw ng Pagbangon: "Tunay na Kami noon tungkol dito ay mga nalilingat,"

﴿أَوْ تَقُولُوا إِنَّمَا أَشْرَكَ آبَاؤُنَا مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةً مِنْ بَعْدِهِمْ ۖ أَفَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ الْمُبْطِلُونَ﴾

O upang hindi ninyo sabihin: "Nagtambal lamang ang mga ninuno namin noon at kami noon ay mga supling matapos nila; kaya ipahahamak Mo ba kami dahil sa ginawa ng mga tagapagpabula?"

﴿وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ وَلَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾

Gayon Kami puspusang nagpapaliwanag ng mga tanda, at nang sa gayon sila ay magbabalik.

﴿وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ الَّذِي آتَيْنَاهُ آيَاتِنَا فَانْسَلَخَ مِنْهَا فَأَتْبَعَهُ الشَّيْطَانُ فَكَانَ مِنَ الْغَاوِينَ﴾

Bigkasin mo sa kanila ang balita ng binigyan Namin ng mga tanda Namin ngunit kumalas siya sa mga ito kaya nasundan siya ng demonyo at siya ay naging kabilang sa mga nalilisya.

﴿وَلَوْ شِئْنَا لَرَفَعْنَاهُ بِهَا وَلَٰكِنَّهُ أَخْلَدَ إِلَى الْأَرْضِ وَاتَّبَعَ هَوَاهُ ۚ فَمَثَلُهُ كَمَثَلِ الْكَلْبِ إِنْ تَحْمِلْ عَلَيْهِ يَلْهَثْ أَوْ تَتْرُكْهُ يَلْهَثْ ۚ ذَٰلِكَ مَثَلُ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ فَاقْصُصِ الْقَصَصَ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ﴾

Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang inangat Namin siya sa pamamagitan ng mga [tandang] ito subalit siya ay nahilig sa lupa at sumunod sa pithaya niya. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay kahalintulad ng aso: kung bubugawin mo ito ay lalawit-lawit ang dila, o kung hahayaan mo ito ay lalawit-lawit din ang dila. Iyon ang paghahalintulad sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya isalaysay mo ang mga kasaysayan, nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.

﴿سَاءَ مَثَلًا الْقَوْمُ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَأَنْفُسَهُمْ كَانُوا يَظْلِمُونَ﴾

Kay sagwa bilang isang paghahalintulad, ang mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin at sa mga sarili nila sila noon ay lumalabag sa katarungan.

﴿مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِي ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ﴾

Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaligaw Niya ay ang mga iyon ang mga lugi.

﴿وَلَقَدْ ذَرَأْنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرًا مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ ۖ لَهُمْ قُلُوبٌ لَا يَفْقَهُونَ بِهَا وَلَهُمْ أَعْيُنٌ لَا يُبْصِرُونَ بِهَا وَلَهُمْ آذَانٌ لَا يَسْمَعُونَ بِهَا ۚ أُولَٰئِكَ كَالْأَنْعَامِ بَلْ هُمْ أَضَلُّ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْغَافِلُونَ﴾

Talaga ngang lumikha Kami para sa Impiyerno ng marami kabilang sa jinn at tao. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakauunawa sa pamamagitan ng mga ito, mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito, at mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito. Ang mga iyon ay gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat.

﴿وَلِلَّهِ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ فَادْعُوهُ بِهَا ۖ وَذَرُوا الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي أَسْمَائِهِ ۚ سَيُجْزَوْنَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Taglay ni Allāh ang mga pangalang napakagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga sumisinsay sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa anumang ginagawa nila noon.

﴿وَمِمَّنْ خَلَقْنَا أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ﴾

Kabilang sa nilikha Namin ay isang kalipunang nagpapatnubay ayon sa katotohanan at ayon dito ay nagpapatupad ng katarungan.

﴿وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُمْ مِنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay magpapain Kami sa kanila mula sa kung saan hindi nila nalalaman.

﴿وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ﴾

Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang pakana Ko ay matibay.

﴿أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا ۗ مَا بِصَاحِبِهِمْ مِنْ جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾

Hindi ba sila nag-isip-isip? Sa kasamahan nila ay walang anumang kabaliwan. Siya ay walang iba kundi isang tagapagbabalang malinaw.

﴿أَوَلَمْ يَنْظُرُوا فِي مَلَكُوتِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا خَلَقَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ وَأَنْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ قَدِ اقْتَرَبَ أَجَلُهُمْ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ﴾

Hindi ba sila tumingin sa paghahari sa mga langit at lupa at nilikha ni Allāh na bagay, at na marahil naging napalapit na ang taning nila? Kaya sa alin pang pag-uusap matapos nito sasampalataya sila?

﴿مَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَا هَادِيَ لَهُ ۚ وَيَذَرُهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ﴾

Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay walang tagapagpatnubay para sa kanya at hinahayaan Niya sila sa pagmamalabis nila habang nag-aalanganin sila.

﴿يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ رَبِّي ۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقْتِهَا إِلَّا هُوَ ۚ ثَقُلَتْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا تَأْتِيكُمْ إِلَّا بَغْتَةً ۗ يَسْأَلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنْهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Tinatanong ka nila tungkol sa Huling Sandali: Kailan ang pagdaong niyon? Sabihin mo: "Ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang; walang maghahayag dito sa oras nito kundi Siya. Bumigat ito para sa mga langit at lupa. Hindi ito darating sa inyo malibang biglaan." Tinatanong ka nila na para bang ikaw ay mausisa tungkol dito. Sabihin mo: "Ang kaalaman dito ay nasa Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam."

﴿قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ ۚ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾

Sabihin mo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng pakinabang ni pinsala malibang niloob ni Allāh. Kung sakaling nangyaring ako ay nakaaalam sa Lingid, talaga sanang nakapagparami ako ng kabutihan at hindi ako sinaling ng kasagwaan. Walang iba ako kundi isang tagapagbabala at isang tagapagbalita ng nakagagalak para sa mga taong sumasampalataya."

﴿۞ هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ وَجَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا لِيَسْكُنَ إِلَيْهَا ۖ فَلَمَّا تَغَشَّاهَا حَمَلَتْ حَمْلًا خَفِيفًا فَمَرَّتْ بِهِ ۖ فَلَمَّا أَثْقَلَتْ دَعَوَا اللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنْ آتَيْتَنَا صَالِحًا لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ﴾

Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa iisang kaluluwa at gumawa Siya mula rito ng maybahay nito upang matiwasay ito roon. Kaya noong nilukuban nito iyon ay nagdala iyon ng isang magaang dala at nagpatuloy iyon dito. Ngunit noong nabigatan na iyon ay nanalangin silang dalawa sa Panginoon nilang dalawa: "Talagang kung bibigyan Mo kami ng isang [anak na] matuwid, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat."

﴿فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾

Ngunit noong binigyan Niya silang dalawa ng isang anak na matuwid ay gumawa silang dalawa sa Kanya ng mga katambal kaugnay sa ibinigay Niya sa kanilang dalawa, ngunit pagkataas-taas ni Allāh para sa anumang itinatambal nila.

﴿أَيُشْرِكُونَ مَا لَا يَخْلُقُ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ﴾

Nagtatambal ba sila ng hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha?

﴿وَلَا يَسْتَطِيعُونَ لَهُمْ نَصْرًا وَلَا أَنْفُسَهُمْ يَنْصُرُونَ﴾

Hindi nakakaya ng mga ito [na magbigay] sa kanila ng isang pag-aadya, ni sa mga sarili ng mga ito ay hindi sila nakapag-aadya.

﴿وَإِنْ تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمْ ۚ سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ أَدَعَوْتُمُوهُمْ أَمْ أَنْتُمْ صَامِتُونَ﴾

Kung mag-aanyaya kayo sa mga ito tungo sa patnubay ay hindi susunod ang mga ito sa inyo. Magkatulad sa inyo: nag-anyaya man kayo sa mga ito o kayo ay mga nananahimik.

﴿إِنَّ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ عِبَادٌ أَمْثَالُكُمْ ۖ فَادْعُوهُمْ فَلْيَسْتَجِيبُوا لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾

Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay mga lingkod na mga tulad ninyo. Kaya manalangin nga kayo sa kanila at tumugon sila sa inyo, kung kayo ay mga nagpapakatotoo.

﴿أَلَهُمْ أَرْجُلٌ يَمْشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَيْدٍ يَبْطِشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَعْيُنٌ يُبْصِرُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۗ قُلِ ادْعُوا شُرَكَاءَكُمْ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنْظِرُونِ﴾

Mayroon ba silang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon ba silang mga kamay na humahagupit sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon ba silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon ba silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Sabihin mo: "Dumalangin nga kayo sa mga katambal ninyo [kay Allāh], pagkatapos ay magpakana nga kayo laban sa akin at huwag kayong magpaliban sa akin."

﴿إِنَّ وَلِيِّيَ اللَّهُ الَّذِي نَزَّلَ الْكِتَابَ ۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى الصَّالِحِينَ﴾

Tunay na ang Katangkilik ko ay si Allāh na nagpababa ng Aklat, at Siya ay tumatangkilik sa mga matuwid.

﴿وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَكُمْ وَلَا أَنْفُسَهُمْ يَنْصُرُونَ﴾

Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nakakaya sa pag-aadya sa inyo at hindi sa mga sarili nila nakapag-aadya.

﴿وَإِنْ تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَسْمَعُوا ۖ وَتَرَاهُمْ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ وَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ﴾

Kung mag-aanyaya kayo sa kanila sa patnubay ay hindi sila makaririnig. Napagmamasdan mo silang tumitingin sa iyo samantalang sila naman ay hindi nakakikita.

﴿خُذِ الْعَفْوَ وَأْمُرْ بِالْعُرْفِ وَأَعْرِضْ عَنِ الْجَاهِلِينَ﴾

Tumanggap ka ng paumanhin, mag-utos ka ng nakabubuti, at umayaw ka sa mga mangmang.

﴿وَإِمَّا يَنْزَغَنَّكَ مِنَ الشَّيْطَانِ نَزْغٌ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ ۚ إِنَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

Kung ibubuyo ka nga mula sa demonyo ng isang pambubuyo ay magpakupkop ka kay Allāh. Tunay na Siya ay Madinigin, Maalam.

﴿إِنَّ الَّذِينَ اتَّقَوْا إِذَا مَسَّهُمْ طَائِفٌ مِنَ الشَّيْطَانِ تَذَكَّرُوا فَإِذَا هُمْ مُبْصِرُونَ﴾

Tunay na ang mga nangilag magkasala, kapag nasaling sila ng isang udyok mula sa demonyo, ay nag-aalaala, kaya biglang sila ay mga nakakikita.

﴿وَإِخْوَانُهُمْ يَمُدُّونَهُمْ فِي الْغَيِّ ثُمَّ لَا يُقْصِرُونَ﴾

Ang mga kapatid nila ay umaayuda ang mga ito sa kanila sa kalisyaan, pagkatapos ay hindi nagkukulang ang mga ito.

﴿وَإِذَا لَمْ تَأْتِهِمْ بِآيَةٍ قَالُوا لَوْلَا اجْتَبَيْتَهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ مِنْ رَبِّي ۚ هَٰذَا بَصَائِرُ مِنْ رَبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾

Kapag hindi ka nagdala sa kanila ng isang tanda ay nagsasabi sila: "Bakit hindi ka kasi gumawa-gawa nito." Sabihin mo: "Sinusunod ko lamang ang isinisiwalat sa akin mula sa Panginoon ko. Ito ay mga patunay mula sa Panginoon ninyo, patnubay, at awa para sa mga taong sumasampalataya."

﴿وَإِذَا قُرِئَ الْقُرْآنُ فَاسْتَمِعُوا لَهُ وَأَنْصِتُوا لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ﴾

Kapag binigkas ang Qur’ān ay makinig kayo roon at manahimik kayo nang sa gayon kayo ay kaaawaan.

﴿وَاذْكُرْ رَبَّكَ فِي نَفْسِكَ تَضَرُّعًا وَخِيفَةً وَدُونَ الْجَهْرِ مِنَ الْقَوْلِ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ وَلَا تَكُنْ مِنَ الْغَافِلِينَ﴾

Alalahanin mo ang Panginoon mo sa sarili mo nang may pagpapakumbaba at pangamba at walang kalakasan sa pagsasabi sa mga umaga at mga hapon, at huwag kang maging kabilang sa mga nakalilingat.

﴿إِنَّ الَّذِينَ عِنْدَ رَبِّكَ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَيُسَبِّحُونَهُ وَلَهُ يَسْجُدُونَ ۩﴾

Tunay na ang mga [anghel] sa piling ng Panginoon mo ay hindi nagmamalaki [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya, nagluluwalhati sa Kanya, at sa Kanya sila nagpapatirapa.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: