الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ المص﴾
Alif. Lām. Mīm. Sād. Naunang napag-usapan ang mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
﴿كِتَابٌ أُنْزِلَ إِلَيْكَ فَلَا يَكُنْ فِي صَدْرِكَ حَرَجٌ مِنْهُ لِتُنْذِرَ بِهِ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ﴾
Ang Marangal na Qur'ān ay isang Aklat na ibinaba ni Allāh sa iyo, O Sugo, kaya huwag magkaroon sa dibdib mo ng paninikip ni duda. Ibinaba Niya ito sa iyo upang pangambahin mo sa pamamagitan nito ang mga tao at ilahad sa pamamagitan nito ang katwiran, at upang paalalahanan mo sa pamamagitan nito ang mga mananampalataya sapagkat sila ay makikinabang sa paalaala.
﴿اتَّبِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ وَلَا تَتَّبِعُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۗ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ﴾
Sumunod kayo, O mga tao, sa Aklat na ibinaba ng Panginoon ninyo sa inyo at sa Sunnah ng Propeta ninyo. Huwag kayong sumunod sa mga pithaya ng itinuturing ninyo bilang mga katangkilik kabilang sa mga demonyo o mga pantas ng kasagwaan, na tinatanggkilik ninyo habang mga nag-iiwan ng ibinaba sa inyo alang-alang sa idinidikta ng mga pithaya nila. Tunay na kayo ay kakaunti ang inaalaala, yayamang kung sakaling nag-aalaala kayo ay talaga sanang hindi ninyo itinanggi higit sa katotohanan ang iba pa rito, at talaga sanang sinunod ninyo ang inihatid ng Sugo ninyo, nagsagawa kayo nito, at iniwan ninyo ang anumang naiba rito.
﴿وَكَمْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا فَجَاءَهَا بَأْسُنَا بَيَاتًا أَوْ هُمْ قَائِلُونَ﴾
Anong dami ang mga pamayanang nilipol Namin sa pamamagitan ng parusa Namin noong nagpumilit ang mga iyon sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon at pagkaligaw ng mga iyon. Bumaba sa mga iyon ang parusa Naming matindi sa sandali ng pagkalingat nila sa gabi o araw kaya hindi nila nakayang itaboy ang pagdurusa palayo sa mga sarili nila at hindi ito naitaboy palayo sa kanila ng mga diyos nilang inaakala.
﴿فَمَا كَانَ دَعْوَاهُمْ إِذْ جَاءَهُمْ بَأْسُنَا إِلَّا أَنْ قَالُوا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ﴾
Walang namutawi sa kanila matapos ng pagbaba ng parusa malibang kumilala sila laban sa mga sarili nila ng kawalang-katarungan nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh.
﴿فَلَنَسْأَلَنَّ الَّذِينَ أُرْسِلَ إِلَيْهِمْ وَلَنَسْأَلَنَّ الْمُرْسَلِينَ﴾
Pagkatapos ay talagang tatanungin nga Namin sa Araw ng Pagbangon ang mga kalipunang pinagsuguan Namin ng mga sugo Namin tungkol sa isinagot nila sa mga sugo at talagang tatanungin nga Namin ang mga sugo tungkol sa pagpapaabot na ipinag-utos sa kanilang ipaabot at tungkol sa isinagot sa kanila ng mga kalipunan nila.
﴿فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيْهِمْ بِعِلْمٍ ۖ وَمَا كُنَّا غَائِبِينَ﴾
Kaya talagang magsasalaysay nga Kami sa lahat ng mga gawa ng nilikha na ginawa nila sa Mundo nang may kaalamang mula sa Amin sapagkat Kami lagi ay nakaaalam sa mga gawa nila sa kalahatan ng mga ito; walang anumang naililingid sa Amin mula sa mga ito. Kami lagi ay hindi nakaliban sa kanila sa alinmang oras sa mga oras.
﴿وَالْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ ۚ فَمَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾
Ang sukatan ng mga gawa sa Araw ng Pagbangon ay ang katarungang walang kasamang pang-aapi ni paglabag. Kaya sa sandali ng pagtitimbang, ang mga naging matimbang ang lalagyan ng mga magandang gawa nila kaysa sa lalagyan ng mga masagwang gawa nila ay ang mga iyon ang mga nagtamo ng minimithi at naligtas sa kinasisindakan.
﴿وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَظْلِمُونَ﴾
Ang sinumang naging matimbang sa sandali ng pagtitimbang ang lalagyan ng mga masagwang gawa nila kaysa sa lalagyan ng mga magandang gawa nila ,ay ang mga iyon ang mga nagpalugi sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan sa Araw ng Pagbangon dahilan sa pagtanggi nila sa mga tanda ni Allāh.
﴿وَلَقَدْ مَكَّنَّاكُمْ فِي الْأَرْضِ وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَايِشَ ۗ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ﴾
Talaga ngang nagbigay Kami sa inyo ng kapamahalaan, O mga anak ni Adan, sa lupa at gumawa Kami para sa inyo roon ng mga kaparaanan ng ikabubuhay kaya nararapat lamang sa inyo na magpasalamat kayo kay Allāh dahil doon subalit, ang pasasalamat ninyo ay kakaunti.
﴿وَلَقَدْ خَلَقْنَاكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَاكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ لَمْ يَكُنْ مِنَ السَّاجِدِينَ﴾
Talaga ngang pinalitaw Namin, O mga tao, ang ama ninyong si Adan. Pagkatapos ay inanyuan Namin siya sa pinakamahusay na anyo at pinakamahusay na tikas. Pagkatapos ay ipinag-utos Namin sa mga anghel ang magpatirapa kay Adan bilang pagpaparangal sa kanya. Sumunod naman sila at nagpatirapa sila maliban kay Satanas; tumangi itong magpatirapa dala ng pagmamalaki at pagmamatigas.
﴿قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ ۖ قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِنْهُ خَلَقْتَنِي مِنْ نَارٍ وَخَلَقْتَهُ مِنْ طِينٍ﴾
Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - bilang paninisi kay Satanas: "Alin ang nakapigil sa iyo sa pagsunod sa utos Ko sa iyo na magpatirapa kay Adan? Nagsabi si Satanas habang sumasagot sa Panginoon niya: "Napigilan ako ng aking pagiging higit na mainam kaysa sa kanya sapagkat nilikha Mo ako mula sa apoy samantalang nilikha Mo siya mula sa putik. Ang apoy ay higit na marangal kaysa sa putik."
﴿قَالَ فَاهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَنْ تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَاخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ الصَّاغِرِينَ﴾
Nagsabi si Allāh dito: "Lumapag ka mula sa Paraiso sapagkat hindi ukol sa iyo na magmalaki rito dahil ito ay tahanan ng mga mabuting dalisay kaya hindi ipinahihintulot sa iyo na maging nasa loob nito. Tunay na ikaw, O Satanas, ay kabilang sa mga kahamak-hamak na kaaba-aba, kahit pa ikaw ay nagtuturing sa sarili mo na ikaw ay higit na marangal kaysa kay Adan."
﴿قَالَ أَنْظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ﴾
Nagsabi si Satanas: "O Panginoon, magpalugit Ka sa akin hanggang sa Araw ng Pagkabuhay upang mapalisya ko ang sinumang makakaya kong ipalisya sa mga tao."
﴿قَالَ إِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ﴾
Nagsabi rito si Allāh: "Tunay na ikaw, O Satanas, ay kabilang sa mga pinalulugitan na itatakda sa kanila ang kamatayan sa araw ng unang pag-ihip sa tambuli kapag mamatay ang mga nilikha sa kalahatan nila at matitira ang Tagapaglikha nila - tanging Siya."
﴿قَالَ فَبِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأَقْعُدَنَّ لَهُمْ صِرَاطَكَ الْمُسْتَقِيمَ﴾
Nagsabi si Satanas: "Dahilan sa pagpapaligaw Mo sa akin hanggang sa naiwan ko ang pagsunod sa utos Mo na magpatirapa kay Adan, talaga ngang mag-aabang ako sa mga anak ni Adan sa landasin Mong tuwid upang ibaling ko sila at iligaw ko sila gaya ng pagkaligaw ko mismo sa pagtangging magpatirapa sa ama nilang si Adan."
﴿ثُمَّ لَآتِيَنَّهُمْ مِنْ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَانِهِمْ وَعَنْ شَمَائِلِهِمْ ۖ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَاكِرِينَ﴾
Pagkatapos ay talagang darating ako sa kanila sa lahat ng mga dako upang pasuklamin sa Kabilang-buhay, paibigin sa Mundo, pukulan ng mga maling-akala, at pagandahin ang mga masamang hilig. Hindi Mo matatagpuan, O Panginoon, ang higit na marami sa kanila bilang mga tagapagpasalamat sa Iyo dahil sa idinidikta ko sa kanila na kawalang-pananampalataya."
﴿قَالَ اخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًا مَدْحُورًا ۖ لَمَنْ تَبِعَكَ مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنْكُمْ أَجْمَعِينَ﴾
Nagsabi si Allāh rito: "Lumabas ka, O Satanas, mula sa Paraiso habang pinupulaan samantalang itinataboy mula sa awa Ko. Talagang pupunuin Ko nga ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon mula sa iyo at mula sa lahat ng sumunod sa iyo, tumalima sa Iyo, at sumuway sa Akin.
﴿وَيَا آدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ﴾
Nagsabi si Allāh kay Adan: "O Adan, manahan ka at ang maybahay mo - si Eva - sa Paraiso at saka kumain kayong dalawa mula rito ng mga kaaya-aya na ninais ninyong dalawa ngunit huwag kayong kumain mula sa punong-kahoy na ito (isang punong-kahoy na itinakda ni Allāh sa kanilang dalawa) sapagkat tunay na kayong dalawa, kung kumain kayong dalawa mula roon matapos ng pagsaway Ko sa inyong dalawa, ay magiging kabilang kayo sa mga lumalampas sa mga hangganan Ko."
﴿فَوَسْوَسَ لَهُمَا الشَّيْطَانُ لِيُبْدِيَ لَهُمَا مَا وُورِيَ عَنْهُمَا مِنْ سَوْآتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَاكُمَا رَبُّكُمَا عَنْ هَٰذِهِ الشَّجَرَةِ إِلَّا أَنْ تَكُونَا مَلَكَيْنِ أَوْ تَكُونَا مِنَ الْخَالِدِينَ﴾
Ngunit nanulsol sa kanilang dalawa ang demonyo upang itambad niya sa kanilang dalawa ang binalot para sa kanilang dalawa mula sa kahubaran nilang dalawa at nagsabi ito: "Sumaway lamang sa inyong dalawa ang Panginoon ninyong dalawa laban sa punong-kahoy na ito upang kayo ay [hindi] maging mga anghel o [hindi] maging kabilang sa mga mananatiling-buhay sa loob ng paraiso."
﴿وَقَاسَمَهُمَا إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ النَّاصِحِينَ﴾
Sumumpa siya sa kanilang dalawa: "Tunay na ako sa inyong dalawa, O Adan at Eva, ay kabilang sa mga tagapayo kaugnay sa tinukoy ko sa inyong dalawa."
﴿فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ ۚ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ ۖ وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَنْ تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُلْ لَكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُبِينٌ﴾
Kaya ibinagsak Niya silang dalawa mula sa kalagayang naroon silang dalawa dati dahil sa panlilinlang mula sa kanya at kahibangan.
Noong nakakain silang dalawa mula sa punong-kahoy na sinaway silang dalawa laban sa pagkain mula rito ay lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa na nakalantad kaya nagsimula silang dalawa na magdikit sa kanilang dalawa ng mga dahon ng Paraiso upang takpan ang kahubaran nilang dalawa.
Tinawag silang dalawa ng Panginoon nila: "Hindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa punong-kahoy na ito at nagsabi sa inyong dalawa habang nagbibigay-babala sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo ay isang kaaway para sa inyong dalawa, na maliwanag ang pangangaway?"
﴿قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَا أَنْفُسَنَا وَإِنْ لَمْ تَغْفِرْ لَنَا وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾
Nagsabi sina Adan at Eva: "O Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin dahil sa paggawa ng sinaway mo sa amin laban sa pagkain mula sa punong-kahoy. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin sa mga pagkakasala namin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nalulugi sa pamamagitan ng pagwala namin sa bahagi namin sa Mundo at Kabilang-buhay."
﴿قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ﴾
Nagsabi si Allāh kina Adan, Eva, at Satanas: "Lumapag kayo mula sa Paraiso at ang iba sa inyo ay magiging kaaway para sa iba. Ukol sa inyo sa lupa ay isang lugar ng pagtigil hanggang sa isang nalalamang panahon at isang pagpapalugod sa pamamagitan ng nasa loob niyon hanggang sa isang takdang taning."
﴿قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ﴾
Nagsabi si Allāh habang kinakausap sina Adan, Eva, at ang mga supling nilang dalawa: "Sa lupang ito kayo mabubuhay sa yugtong itinakda ni Allāh para sa inyo mula sa mga taning, sa loob niyon kayo ay mamamatay at ililibing, at mula sa mga puntod ninyo kayo ilalabas para buhayin muli.
﴿يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنْزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ﴾
O mga anak ni Adan, gumawa nga Kami para sa inyo ng isang kasuutan na kinakailangan para sa pagtatakip ng mga kahubaran ninyo at gumawa nga Kami para sa inyo ng isang kasuutang panlubos na ipinapampaganda ninyo sa mga tao, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, na pagsunod sa ipinag-utos ni Allāh at pag-iwas sa sinaway Niya, ay higit na mabuti kaysa sa kasuutang pisikal na ito. Ang nabanggit na iyon kabilang sa kasuutan ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay mag-aalaala sa mga biyaya Niya sa inyo at magpapasalamat sa mga ito.
﴿يَا بَنِي آدَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطَانُ كَمَا أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مِنَ الْجَنَّةِ يَنْزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْآتِهِمَا ۗ إِنَّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ﴾
O mga anak ni Adan, huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagsuway sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasuutang pisikal para sa pagtatakip sa kahubaran o ng pag-iwan sa kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, sapagkat nadaya nga niya ang mga [unang] magulang ninyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagkain mula sa [bawal na] puno hanggang sa ang kinauwian niyon ay na pinalabas silang dalawa mula sa Paraiso at tumambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na ang demonyo at ang mga inapo niya ay nakakikita sa inyo at nakasasaksi sa inyo samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila ni nakasasaksi sa kanila kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iingat laban sa kanya at laban sa mga inapo niya. Tunay na Kami ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh samantalang ang mga mananampalataya namang gumagawa ng mga matuwid ay walang paraan ang mga iyon laban sa mga ito.
﴿وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾
Kapag nakagawa ang mga tagapagtambal ng isang bagay na masidhi ang kasamaan gaya ng shirk, pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah habang mga nakahubad, at iba pa sa mga ito ay nagdadahilan sila na sila ay nakatagpo sa mga magulang nila na gumagawa niyon at na si Allāh ay nag-utos sa kanila niyon." Sabihin mo, O Muḥammad, bilang tugon sa kanila: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng mga pagsuway, bagkus sinasaway Niya ang mga ito. "Kaya papaano silang mag-aangkin niyon laban sa Kanya? Nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal, laban kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman bilang kasinungalingan at paninirang-puri?"
﴿قُلْ أَمَرَ رَبِّي بِالْقِسْطِ ۖ وَأَقِيمُوا وُجُوهَكُمْ عِنْدَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَادْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ ۚ كَمَا بَدَأَكُمْ تَعُودُونَ﴾
Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na si Allāh ay nag-utos ng katarungan at hindi nag-utos ng kalaswaan at nakasasama, at nag-utos na magpakawagas kayo sa Kanya sa pagsamba sa pangkalahatan, higit sa lahat sa mga masjid, at na dumalangin kayo sa Kanya - tanging sa Kanya - bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima. Kung paanong nilikha Niya kayo mula sa kawalan sa kauna-unahang pagkakataon, panunumbalikin Niya kayong mga buhay sa ikalawang pagkakataon sapagkat ang Nakakakaya sa pagpapasimula sa paglikha sa inyo ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa inyo at pagbuhay sa inyo."
﴿فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيْهِمُ الضَّلَالَةُ ۗ إِنَّهُمُ اتَّخَذُوا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ مُهْتَدُونَ﴾
Ginawa nga ni Allāh ang mga tao bilang dalawang pangkat: isang pangkat kabilang sa inyo na pinatnubayan Niya, pinadali Niya para rito ang mga kadahilanan ng patnubay, at ibinaling Niya palayo rito ang mga hadlang dito; at isa pang pangkat na kinailangan sa kanila ang pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan. Iyon ay dahil sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik sa halip ni Allāh, kaya naakay sila ng mga ito sa kamangmangan habang sila ay nag-aakalang sila ay mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid.
﴿۞ يَا بَنِي آدَمَ خُذُوا زِينَتَكُمْ عِنْدَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَكُلُوا وَاشْرَبُوا وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ﴾
O mga anak ni Adan, isuot ninyo ang anumang nagtatakip sa mga kahubaran ninyo at ang ipinapampaganda ninyong kasuutan na malinis at dalisay sa sandali ng ṣalāh at ṭawāf. Kumain kayo at uminom kayo ng anumang ninais ninyo kabilang sa mga kaaya-aya na ipinahintulot sa inyo ni Allāh ngunit huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagkakatamtaman kaugnay doon at huwag kayong lumampas sa ipinahihintulot patungo sa ipinagbabawal. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan ng pagkakatamtaman.
﴿قُلْ مَنْ حَرَّمَ زِينَةَ اللَّهِ الَّتِي أَخْرَجَ لِعِبَادِهِ وَالطَّيِّبَاتِ مِنَ الرِّزْقِ ۚ قُلْ هِيَ لِلَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا خَالِصَةً يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ﴾
Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa mga tagapagtambal na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh kabilang sa kasuutan at mga kaaya-aya kabilang sa mga pagkain at iba pa: "Sino ang nagbawal sa inyo ng kasuutan na gayak para sa inyo? Sino ang nagbawal sa inyo ng mga kaaya-aya kabilang sa mga pagkain, mga inumin, at iba pa sa mga ito kabilang sa itinustos sa inyo ni Allāh?" Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga kaaya-ayang iyon ay ukol sa mga mananampalataya sa makamundong buhay." Kung nakilahok man sa kanila ang iba pa sa kanila sa Mundo, iyon ay laan naman sa kanila sa Araw ng Pagbangon, na hindi na makikilahok ang isang tumatangging sumampalataya dahil ang Paraiso ay ipinagbabawal sa mga tumatangging sumampalataya. Tulad ng pagdedetalyeng ito, dinidetalye Namin ang mga tanda para sa mga taong nakatatalos dahil sila ang mga makikinabang sa mga ito.
﴿قُلْ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ الْفَوَاحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ وَالْإِثْمَ وَالْبَغْيَ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَأَنْ تُشْرِكُوا بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَأَنْ تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na mga nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh: "Tunay na si Allāh ay nagbawal lamang sa mga lingkod Niya ng mga malaswa - ang mga pangit sa mga pagkakasala - na nakalantad o nakakubli; nagbawal lamang sa mga pagsuway sa kabuuan nito, at sa paglabag dala ng kawalang-katarungan sa mga tao sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila; nagbawal lamang sa inyo na magtambal kayo kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya nang wala naman kayong katwiran doon; at nagbawal sa inyo ng pagsasabi laban sa Kanya nang walang kaalaman hinggil sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, mga gawain Niya, at batas Niya.
﴿وَلِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ﴾
Ang bawat salinlahi at siglo ay may yugto at pampanahong nagtatakda sa mga taning nila. Kaya kapag dumating ang pampanahon nilang itinakda ay hindi sila makapagpapahuli rito ng isang panahon kahit kaunti man at hindi sila makapagpapauna rito.
﴿يَا بَنِي آدَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي ۙ فَمَنِ اتَّقَىٰ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ﴾
O mga anak ni Adan, kapag may dumating sa inyo na mga sugo mula sa Akin kabilang sa mga tao ninyo, na bumibigkas sa inyo ng ibinaba Ko sa kanila na mga kasulatan, ay tumalima kayo sa kanila at sundin ninyo ang inihatid nila sapagkat ang mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at nagpapakamatuwid sa mga gawain nila ay walang pangamba sa kanila at hindi sila malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahagi sa mundo.
﴿وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾
Ang mga tumatangging sumampalataya na mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin, hindi sumampalataya sa mga ito, at nagmataas bilang pagmamalaki sa pagsasagawa sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila, tunay na sila ay ang mga maninirahan sa Apoy, ang mga mamamalagi roon, ang mga mananatili roon magpakailanman.
﴿فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۚ أُولَٰئِكَ يَنَالُهُمْ نَصِيبُهُمْ مِنَ الْكِتَابِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوْنَهُمْ قَالُوا أَيْنَ مَا كُنْتُمْ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالُوا ضَلُّوا عَنَّا وَشَهِدُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا كَافِرِينَ﴾
Walang isa mang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa kanya na gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal sa Kanya o ng kakulangan o ng pagsabi laban sa Kanya ng hindi naman Niya sinabi o ng pagpapasinungaling sa mga tanda Niyang hayag na nagpapatnubay tungo sa landasin Niyang tuwid. Ang mga nagtataglay ng katangiang iyon ay magtatamo ng bahagi nilang itinakda para sa kanila sa Talaang Pinangalagaan gaya ng mga sarap ng Mundo.
Ito ay hanggang sa kapag dumating sa kanila ang anghel ng kamatayan at ang mga katulong nito kabilang sa mga anghel para kunin ang mga kaluluwa nila ay magsasabi ang mga anghel sa kanila bilang paninisi sa kanila: "Nasaan ang mga diyos na sinasamba ninyo noon bukod pa kay Allāh? Dumalangin kayo sa mga iyon upang pakinabangin kayo." Magsasabi ang mga tagapagtambal sa mga anghel: "Talaga nga umalis sa amin ang mga diyos na sinasamba namin noon at naglaho sila kaya hindi namin nalalaman kung nasaan sila." Kikilala sila laban sa mga sarili nila na sila noon ay mga tumatangging sumampalataya subalit ang pagkilala nila sa sandaling iyon ay isang katwiran laban sa kanila at hindi magpapakinabang sa kanila.
﴿قَالَ ادْخُلُوا فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِكُمْ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ فِي النَّارِ ۖ كُلَّمَا دَخَلَتْ أُمَّةٌ لَعَنَتْ أُخْتَهَا ۖ حَتَّىٰ إِذَا ادَّارَكُوا فِيهَا جَمِيعًا قَالَتْ أُخْرَاهُمْ لِأُولَاهُمْ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ أَضَلُّونَا فَآتِهِمْ عَذَابًا ضِعْفًا مِنَ النَّارِ ۖ قَالَ لِكُلٍّ ضِعْفٌ وَلَٰكِنْ لَا تَعْلَمُونَ﴾
Ipinasabi Niya sa mga anghel sa kanila: "Pumasok kayo, O mga tagapagtambal, sa kabuuan ng mga kalipunang nagdaan bago ninyo sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw kabilang sa jinn at tao sa Apoy.
Sa tuwing pumapasok ang isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay isinusumpa nito ang [kalipunang] huwaran nito na nauna rito sa Impiyerno, hanggang sa nang nagsunuran sila roon at nagkatipon sila sa kabuuan nila ay magsasabi ang huli sa kanila sa pagkakapasok, ang mga mababa at ang mga tagasunod, sa una sa kanila, ang mga malaki at ang mga pinapanginoon: "O Panginoon Namin, ang mga malaking ito ay ang mga nagpaligaw sa amin palayo sa daan ng patnubay kaya parusahan Mo sila ng isang ibayong pagdurusa dahil sa pang-aakit nila sa kaligawan para sa amin." Magsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Ukol sa bawat pangkatin kabilang sa inyo ay ibayong parte ng pagdurusa, subalit hindi ninyo nalalaman iyon at hindi ninyo natatalos iyon."
﴿وَقَالَتْ أُولَاهُمْ لِأُخْرَاهُمْ فَمَا كَانَ لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْسِبُونَ﴾
Magsasabi ang mga pinapanginoong sinusunod sa mga tagasunod nila: "Hindi kayo nagkaroon, O mga tagasunod, higit sa amin ng isang kalamangang nagiging karapat-dapat kayo dahil dito sa pagpapagaan ng pagdurusa sa inyo sapagkat ang isinasaalang-alang ay ayon sa nakamit ninyong gawa. Walang dahilan para sa inyo sa pagsunod sa kabulaanan kaya lasapin ninyo, O mga tagasunod, ang pagdurusa tulad ng nilasap namin dahilan sa nakakamit ninyo noon na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
﴿إِنَّ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمْ أَبْوَابُ السَّمَاءِ وَلَا يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ الْجَمَلُ فِي سَمِّ الْخِيَاطِ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُجْرِمِينَ﴾
Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Naming maliwanag at nagpakapalalo sa pagpapaakay at pagpapahinuhod sa mga ito bilang mga nawawalan ng pag-asa sa lahat ng kabutihan sapagkat hindi bubuksan ang mga pinto ng langit para sa mga gawa nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila ni para sa mga kaluluwa nila kapag namatay sila. Hindi sila papasok sa Paraiso magpakailanman hanggang sa pumasok ang kamelyo - na kabilang sa pinakamalaki sa mga hayop - sa butas ng karayom, na kabilang sa pinakamasikip sa mga bagay. Ito ay kabilang sa imposible kaya ang nakaugnay rito, ang pagpasok nila sa Paraiso, ay imposible. Tulad ng ganting ito gagantihan ni Allāh ang sinumang bumigat ang mga pagkakasala niya.
﴿لَهُمْ مِنْ جَهَنَّمَ مِهَادٌ وَمِنْ فَوْقِهِمْ غَوَاشٍ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ﴾
Ukol sa mga tagapagpasinungaling na nagmamalaking ito mula sa Impiyerno ay himlayang hihimlayan nila at ukol sa kanila mula sa ibabaw nila ay mga panakip yari sa apoy. Ang tulad sa ganting ito ay igaganti Namin sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pag-ayaw nila sa Kanya.
﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾
Ang mga sumampalataya sa Panginoon nila at gumawa ng mga gawang matuwid na nakakaya nila ay hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa [sa kanila] higit sa nakakaya nito. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Papasok sila roon bilang mga mamalagi roon magpakailanman.
﴿وَنَزَعْنَا مَا فِي صُدُورِهِمْ مِنْ غِلٍّ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ ۖ وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي هَدَانَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهْتَدِيَ لَوْلَا أَنْ هَدَانَا اللَّهُ ۖ لَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ ۖ وَنُودُوا أَنْ تِلْكُمُ الْجَنَّةُ أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾
Bahagi ng kalubusan ng lugod nila sa Paraiso ay na aalisin ni Allāh ang anumang nasa mga puso nila na pagkamuhi at ngitngit at padadaluyin Niya ang mga ilog mula sa ilalim nila.
Magsasabi sila bilang mga umaamin kay Allāh ng pagpapalugod Niya sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtuon sa amin para sa matuwid na gawang ito na nagpatamo sa amin ng kalagayang ito at hindi sana mangyayaring kami ay maitutuon doon ayon sa pagkukusa ng mga sarili namin kung sakaling hindi nagtuon sa amin si Allāh doon. Talaga ngang dumating ang mga sugo ng Panginoon namin dala ang katotohanang walang mapag-aalinlanganan at ang katapatan sa pangako at banta." Ipananawagan sa kanila ng isang tagapanawagan na: "Ito ay ang Paraiso na ipinabatid sa inyo ng mga sugo Ko sa Mundo." Ipinasunod kayo ni Allāh doon dahil sa ginagawa ninyo noon na mga matuwid na gawa na ninanais ninyo dahil sa mga ito ang ikalulugod ng mukha ni Allāh.
﴿وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ أَصْحَابَ النَّارِ أَنْ قَدْ وَجَدْنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقًّا فَهَلْ وَجَدْتُمْ مَا وَعَدَ رَبُّكُمْ حَقًّا ۖ قَالُوا نَعَمْ ۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنٌ بَيْنَهُمْ أَنْ لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ﴾
Tatawagin ng mga maninirahan sa Paraiso, na mga mamamalagi roon, ang mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon, matapos ng pagpasok ng bawat isa sa dalawang pangkat sa tahanan nitong inihanda para rito [na nagsasabi]: "Tunay na kami ay nakipagharap sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin na Paraiso, na tunay na naisasakatuparan, sapagkat pinapasok Niya kami rito. Kaya nakipagharap ba kayo, O mga tumatangging sumampalataya, sa ibinanta sa inyo ng Panginoon ninyo na Impiyerno?" Magsasabi ang mga tumatangging sumampalataya: "Talaga ngang natagpuan namin ang ibinanta Niya sa amin na Impiyerno sa totoo." Kaya ipananawagan ng isang tagapanawagang dumadalangin kay Allāh na itaboy ang mga lumalabag sa katarungan palayo sa awa Niya sapagkat binuksan na sa kanila ang mga pinto ng awa ngunit inayawan pa nila ang mga ito sa makamundong buhay.
﴿الَّذِينَ يَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا وَهُمْ بِالْآخِرَةِ كَافِرُونَ﴾
Itong mga tagalabag sa katarungan ay ang mga humaharang noon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga sarili nila, nag-uudyok sa iba sa kanila sa pag-ayaw roon, at umaasang ang landas ng katotohanan ay maging baluktot upang hindi ito tahakin ng mga tao samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tumatangging sumampalataya na mga hindi handa para roon.
﴿وَبَيْنَهُمَا حِجَابٌ ۚ وَعَلَى الْأَعْرَافِ رِجَالٌ يَعْرِفُونَ كُلًّا بِسِيمَاهُمْ ۚ وَنَادَوْا أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ ۚ لَمْ يَدْخُلُوهَا وَهُمْ يَطْمَعُونَ﴾
Sa pagitan ng dalawang pangkat na ito: ang mga maninirahan sa Paraiso at ang mga maninirahan sa Impiyerno ay mayroong isang harang na mataas na tinatawag na ang mga [tuktok]. Sa harang na mataas na ito ay may mga lalaking nagkapantay ang mga magandang gawa nila at ang mga masagwang gawa nila. Sila ay nakakikilala sa mga maninirahan sa Paraiso ayon sa mga palatandaan ng mga ito gaya ng kaputian ng mga mukha, at sa mga maninirahan sa Impiyerno ayon sa mga palatandaan ng mga ito gaya ng kaitiman ng mga mukha. Tatawagin ng mga lalaking ito ang mga maninirahan sa Paraiso bilang pagpaparangal sa mga ito, habang mga nagsasabi: "Kapayapaan ay sumainyo." Ang mga maninirahan sa Paraiso ay hindi pa nakapasok doon at sila ay umaasa ng pagpasok doon dahil sa awa mula kay Allāh.
﴿۞ وَإِذَا صُرِفَتْ أَبْصَارُهُمْ تِلْقَاءَ أَصْحَابِ النَّارِ قَالُوا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾
Kapag ililipat ang mga paningin ng mga tumitigil sa mga tuktok tungo sa mga maninirahan sa Impiyerno at nasaksihan ng mga ito ang daranasin ng mga itong matinding pagdurusa ay magsasabi ang mga ito habang mga dumadalangin kay Allāh: "O Panginoon Namin, huwag Mo kaming gawing kasama ng mga taong tagalabag ng katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagtatambal sa Iyo."
﴿وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْأَعْرَافِ رِجَالًا يَعْرِفُونَهُمْ بِسِيمَاهُمْ قَالُوا مَا أَغْنَىٰ عَنْكُمْ جَمْعُكُمْ وَمَا كُنْتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ﴾
Mananawagan ang mga tumitigil sa mga tuktok sa mga taong kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno kabilang sa mga tumatangging sumampalataya na nakikilala nila ayon sa mga tanda ng mga ito gaya ng kaitiman ng mga mukha ng mga ito at kabughawan ng mga mata ng mga ito habang mga nagsasabi sa mga ito: "Hindi nagpakinabang sa inyo ang pagpapakarami ninyo sa yaman at mga tauhan at hindi nagpakinabang sa inyo ang pag-ayaw ninyo sa katotohanan dala ng pagmamalaki at pagmamataas."
﴿أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمْتُمْ لَا يَنَالُهُمُ اللَّهُ بِرَحْمَةٍ ۚ ادْخُلُوا الْجَنَّةَ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمْ وَلَا أَنْتُمْ تَحْزَنُونَ﴾
Magsasabi si Allāh habang naninisi sa mga tumatangging sumampalataya: "Ang mga ito ba ang mga isinumpa ninyong hindi magpapatamo sa kanila si Allāh ng awa mula sa ganang Kanya?" Magsasabi si Allāh sa mga mananampalataya: "Pumasok kayo, O mga mananampalataya, sa Paraiso; walang pangamba sa inyo sa hinaharap ninyo ni kayo ay malulungkot sa anumang nakaalpas sa inyo mula sa mga parte sa mundo dahil sa nakaharap ninyong lugod na mamamalagi."
﴿وَنَادَىٰ أَصْحَابُ النَّارِ أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ أَفِيضُوا عَلَيْنَا مِنَ الْمَاءِ أَوْ مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ ۚ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى الْكَافِرِينَ﴾
Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na mga humihiling sa mga ito habang mga nagsasabi: "Magpalawak naman kayo sa pagbuhos ng tubig sa amin, O mga naninirahan sa Paraiso, o ng kabilang sa anumang pagkaing itinustos sa inyo ni Allāh." Magsasabi ang mga naninirahan sa Paraiso: "Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tumatangging sumampalataya dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at tunay na kami ay hindi magsasaklolo sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo."
﴿الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَهْوًا وَلَعِبًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ نَنْسَاهُمْ كَمَا نَسُوا لِقَاءَ يَوْمِهِمْ هَٰذَا وَمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ﴾
Ang mga tumatangging sumampalatayang ito ay ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang isang biro at walang-kapararakan. Nadaya sila ng makamundong buhay sa pamamagitan ng mga gayak nito at pang-akit nito.
Kaya sa Araw ng Pagbangon ay kakalimutan sila ni Allāh at iiwan Niya silang dumaranas ng pagdurusa gaya ng paglimot nila sa pakikipagtagpo sa Araw ng Pagbangon kaya naman hindi sila gumawa para rito at hindi sila naghanda, at dahil din sa pagkakaila nila sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya at pagmamasama nila sa mga ito sa kabila ng kaalaman nila na ang mga ito ay totoo.
﴿وَلَقَدْ جِئْنَاهُمْ بِكِتَابٍ فَصَّلْنَاهُ عَلَىٰ عِلْمٍ هُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾
Talaga ngang dinalhan Namin sila nitong Qur'ān na isang kasulatan na ibinaba kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nilinaw nga Namin ito ayon sa kaalaman mula sa Amin. Ito ay tagapagpatnubay sa mga mananampalataya tungo sa daan ng pagkagabay at katotohanan at bilang awa sa kanila dahil sa taglay nito na paggabay sa kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay.
﴿هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا تَأْوِيلَهُ ۚ يَوْمَ يَأْتِي تَأْوِيلُهُ يَقُولُ الَّذِينَ نَسُوهُ مِنْ قَبْلُ قَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ فَهَلْ لَنَا مِنْ شُفَعَاءَ فَيَشْفَعُوا لَنَا أَوْ نُرَدُّ فَنَعْمَلَ غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ قَدْ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ﴾
Walang hinihintay ang mga tumatangging sumampalataya kundi ang pagkaganap ng ipinabatid sa kanila na masakit na pagdurusa na kauuwian ng kalagayan nila sa Kabilang-buhay sa araw na darating ang ipinabatid sa kanila mula roon at ang ipinabatid sa mga mananampalataya na gantimpala. Magsasabi ang mga lumimot sa Qur'ān sa Mundo at hindi gumawa ayon sa nasaad dito: "Talaga ngang dumating ang sugo ng Panginoon Namin dala ang katotohanan na walang mapag-aalinlanganan kaugnay dito at walang duda na ito ay mula sa ganang kay Allāh.
Kaya kung sana mayroon kaming mga tagapagpagitan na mamamagitan para sa amin sa piling ni Allāh upang palampasin Niya sa amin ang pagdurusa, o kung sana kami ay makababalik sa makamundong buhay upang gumawa ng gawang matuwid na maliligtas kami sa pamamagitan nito kapalit ng mga masagwang gawang ginagawa namin noon." Ipinalugi na ng mga tumatangging sumampalataya na ito ang mga sarili nila dahil sa pagpapunta sa mga ito sa mga puntahan ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Nawala na sa kanila ang mga sinasamba nila noon bukod pa kay Allāh kaya hindi nakapagpakinabang ang mga ito sa kanila.
﴿إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ ۗ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ ۗ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ﴾
Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay si Allāh na lumikha sa mga langit at lumikha sa lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad sa loob ng anim na araw. Pagkatapos ay pumaitaas Siya at umangat - napakamaluwalhati Niya - sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, na hindi natin natatalos ang pamamaraan nito. Inaalis Niya ang dilim ng gabi sa pamamagitan ng tanglaw ng maghapon at ang tanglaw ng maghapon sa pamamagitan ng dilim ng gabi. Ang bawat isa sa dalawang ito ay humahabol sa isa pa, sa isang mabilis na paghabol, sa paraang hindi nagpapahuli. Kapag umalis itong isa ay pumapasok yaong isa. Nilikha Niya - napakamaluwalhati Niya - ang araw, ang buwan, at ang mga bituin bilang mga sunud-sunuran at mga nakahanda. Pakatandaan, ukol kay Allāh - tanging sa Kanya - ang paglikha sa kalahatan nito sapagkat sino ang Tagapaglikhang iba pa sa Kanya? Ukol sa Kanya ang pag-uutos - tanging sa Kanya-. Matindi ang kabutihan Niya at marami ang pagmamagandang-loob Niya sapagkat Siya ay nagtataglay ng mga katangian ng pagkapinagpipitaganan at kalubusan, ang Panginoon ng mga nilalang.
﴿ادْعُوا رَبَّكُمْ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ﴾
Manalangin kayo, O mga mananampalataya, sa Panginoon ninyo nang may pagpapakaabang lubusan at pagpapakumbabang pakubli at palihim, habang mga nagpapakawagas sa pagdalangin, na hindi mga nagpapakitang-tao ni mga nagtatambal sa Kanya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa iba pa sa Kanya sa pagdalangin. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya sa pagdalangin. Kabilang sa pinakamalaking paglampas sa mga hangganan Niya sa pagdalangin ay ang pagdalangin sa iba pa sa Kanya kasama sa Kanya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal.
﴿وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا وَادْعُوهُ خَوْفًا وَطَمَعًا ۚ إِنَّ رَحْمَتَ اللَّهِ قَرِيبٌ مِنَ الْمُحْسِنِينَ﴾
Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway matapos na isaayos ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagsusugo sa mga sugo - sumakanila ang pangangalaga - at ng paglinang nito sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya - tanging sa Kanya. Dumalangin kayo sa Kanya - tanging sa Kanya - habang mga nakadarama sa pangamba sa kaparusahan Niya, habang mga naghihintay ng pagtamo ng gantimpala Niya. Tunay na ang awa ni Allāh ay malapit sa mga tagagawa ng maganda kaya maging kabilang kayo sa kanila.
﴿وَهُوَ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَقَلَّتْ سَحَابًا ثِقَالًا سُقْنَاهُ لِبَلَدٍ مَيِّتٍ فَأَنْزَلْنَا بِهِ الْمَاءَ فَأَخْرَجْنَا بِهِ مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۚ كَذَٰلِكَ نُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ﴾
Si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay ang nagsugo sa mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakalulugod na ulan, hanggang sa nang nagdala ang mga hangin ng mga ulap na pinabigat ng tubig ay inakay Niya ang mga ulap tungo sa isang bayang tuyot at ibinaba Niya sa bayan ang tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan ng tubig ng lahat ng mga uri ng mga bunga. Tulad ng pagpapalabas ng bunga ayon sa anyong iyon, pinalalabas Niya ang mga patay mula sa mga libingan nila bilang mga buhay. Ginawa ni Allāh iyon sa pag-asang kayo, O mga tao, ay makapag-aalaala sa kakayahan Niya at kahanga-hanga sa pagkakayari Niya, at na Siya ay nakakakaya sa pagbubuhay sa mga patay.
﴿وَالْبَلَدُ الطَّيِّبُ يَخْرُجُ نَبَاتُهُ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَالَّذِي خَبُثَ لَا يَخْرُجُ إِلَّا نَكِدًا ۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَشْكُرُونَ﴾
Ang bayang kaaya-aya ay nagpapalabas ng tanim nito ayon sa kapahintulutan ni Allāh ayon sa isang pagpapalabas na lubos na maganda. Gayon din ang mananampalataya, nakaririnig siya ng pangaral kaya nakikinabang siya rito at nagdudulot ito ng gawang matuwid. Ang lupang babad sa maalat na tubig ay hindi nagpapalabas ng tanim nito malibang may kahirapan at walang pakinabang dito. Gayon din ang tumatangging sumampalataya, hindi siya nakikinabang sa mga pangaral kaya hindi nagdudulot ang mga ito sa kanya ng gawang matuwid.
Tulad ng pagsasari-saring kahanga-hangang ito, sinari-sari ni Allāh ang mga patotoo at ang mga katwiran para sa pagpapatibay sa katotohanan para sa mga taong nagpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh kaya naman hindi nila ikinakaila ang mga ito at tumatalima sila sa Panginoon nila.
﴿لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ﴾
Talaga ngang nagpadala si Allāh kay Noe bilang isang sugo sa mga kalipi nito, na nag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at sa pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, kaya nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - sapagkat walang sinasambang ukol sa inyo ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi, sa pagdurusa sa isang sukdulang araw habang nasa kalagayan ng pagpupumilit ninyo sa kawalang-pananampalataya."
﴿قَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾
Nagsabi sa kanya ang mga ginoo ng mga kalipi niya at mga malaking tao nila: "Tunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo, O Noe, sa isang maliwanag na kalayuan sa tama."
﴿قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي ضَلَالَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾
Nagsabi si Noe sa mga malaking tao ng mga kalipi niya: "Ako ay hindi naliligaw gaya ng inakala ninyo. Ako ay nasa isang patnubay mula sa Panginoon ko lamang, sapagkat ako ay isang sugo sa inyo mula kay Allāh, ang Panginoon ko, ang Panginoon niya, at ang Panginoon ng mga nilalang sa kabuuan nila."
﴿أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنْصَحُ لَكُمْ وَأَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ﴾
Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin ni Allāh sa inyo kabilang sa isiniwalat Niya sa akin. Ninanais ko para sa inyo ang kabutihan sa pamamagitan ng pagpapa-ibig sa inyo sa pagsunod sa utos ni Allāh at anumang ibinubunga nito na gantimpala, at pagpapangilabot sa inyo laban sa paggawa ng mga sinasaway Niya at anumang ibinubunga nito na kaparusahan. Nalalaman ko mula kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - ang hindi ninyo nalalaman mula sa itinuro Niya sa akin ayon sa paraan ng pagsisiwalat.
﴿أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ وَلِتَتَّقُوا وَلَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ﴾
Napukaw ba ang paghanga ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang siwalat at pangaral mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa inyo na nakikilala ninyo sapagkat lumaki siya sa inyo at hindi siya naging isang palasinungaling ni naliligaw ni hindi kabilang sa ibang lahi? Dumating siya sa inyo upang magpangamba sa inyo laban sa kaparusahan ni Allāh kung nagpasinungaling kayo at sumuway kayo, at upang mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa pag-asang kaawaan kayo kung sumampalataya kayo sa Kanya.
﴿فَكَذَّبُوهُ فَأَنْجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ فِي الْفُلْكِ وَأَغْرَقْنَا الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا عَمِينَ﴾
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at hindi sumampalataya sa kanya, bagkus nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila, kaya dumalangin siya laban sa kanila na ipahamak sila ni Allāh. Iniligtas siya ni Allāh at iniligtas Niya sa pagkalunod ang mga kasama niya sa daong kabilang sa mga mananampalataya. Ipinahamak naman ni Allāh ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Niya at nagpatuloy sa pagpapasinungaling nila sa pamamagitan ng pagkalunod at pagkagunaw na ibinaba bilang parusa sa kanila. Tunay na ang mga puso nila noon ay mga bulag sa katotohanan.
﴿۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ﴾
Nagsugo si Allāh sa liping `Ād ng isang sugong kabilang sa kanila. Siya ay si Hūd - sumakanya ang pangangalaga. Nagsabi ito: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - sapagkat walang sinasambang ukol sa inyo ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo sa parusa Niya?"
﴿قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي سَفَاهَةٍ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ الْكَاذِبِينَ﴾
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pinapanginoon kabilang sa mga kalipi niyang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya: "Tunay na kami ay talagang nakaaalam na ikaw, O Hūd, ay nasa isang kahinaan ng isip at isang katunggakan nang nag-aanyaya ka sa amin sa pagsamba kay Allāh - tanging sa Kanya - at sa pag-iwan sa pagsamba sa mga anito. Tunay na kami ay talagang naniniwala nang kumbinsido na ikaw ay kabilang sa mga sinungaling kaugnay sa inaangkin mong ikaw ay isang isinugo."
﴿قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي سَفَاهَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾
Nagsabi si Hūd bilang pagtugon sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, walang isang kahinaan ng isip at isang katunggakan sa akin, bagkus ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang."
﴿أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنَا لَكُمْ نَاصِحٌ أَمِينٌ﴾
Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ni Allāh, ang pagpapaabot niyon sa inyo gaya ng paniniwala sa kaisahan Niya at batas Niya, at ako para sa inyo ay isang tagapayo hinggil sa anumang ipinag-utos sa akin ang pagpapaabot niyon, pinagkakatiwalaan: hindi ako nagdaragdag dito at hindi nagbabawas.
﴿أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ قَوْمِ نُوحٍ وَزَادَكُمْ فِي الْخَلْقِ بَسْطَةً ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾
Napukaw ba ang paghanga ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang pagpapaalaala mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa lahi ninyo na hindi kabilang sa lahi ng mga anghel o mga jinn upang magbabala sa inyo? Magpuri kayo sa Panginoon ninyo at magpasalamat kayo sa Kanya dahil nagbigay Siya ng kapamahalaan sa inyo sa lupa at gumawa Siya sa inyo na humalili sa mga tao ni Noe na ipinahamak Niya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Magpasalamat kayo kay Allāh na itinangi Niya kayo sa laki ng mga katawan at kapangyarihan at tindi ng lakas. Alalahanin ninyo ang mga malawak na biyaya ni Allāh sa inyo sa pag-asang magtamo kayo ng hinihiling at maligtas kayo sa pinangingilabutan.
﴿قَالُوا أَجِئْتَنَا لِنَعْبُدَ اللَّهَ وَحْدَهُ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا ۖ فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ﴾
Nagsabi ang mga kalipi niya sa kanya: "Dumating ka ba sa Amin, O Hūd, upang ipag-utos mo sa amin ang pagsamba kay Allāh - tanging sa Kanya - at upang iwan namin ang anumang sinasamba noon ng mga ninuno namin? Kaya dalhin mo sa amin ang ipinapangako mo sa amin na pagdurusa kung ikaw ay tapat sa inaangkin mo."
﴿قَالَ قَدْ وَقَعَ عَلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ رِجْسٌ وَغَضَبٌ ۖ أَتُجَادِلُونَنِي فِي أَسْمَاءٍ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا نَزَّلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ﴾
Kaya tumugon siya sa kanila na nagsasabi: "Talaga ngang naging kinakailangan sa inyo ang parusa ni Allāh at ang galit Niya sapagkat ito ay magaganap sa inyo nang walang pagkaiwas. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga anitong pinangalanan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo bilang mga diyos gayong walang katotohanan sa mga ito? Hindi nagpababa si Allāh ng isang katwirang maipangangatwiran ninyo sa inaangkin ninyo para sa mga ito na pagkadiyos. Kaya hintayin ninyo ang pagdurusang hiniling ninyo ang pagmamadali niyon para sa inyo at ako ay kasama ninyo kabilang sa mga naghihintay sapagkat ito ay magaganap."
﴿فَأَنْجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَقَطَعْنَا دَابِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۖ وَمَا كَانُوا مُؤْمِنِينَ﴾
Kaya napaligtas Namin si Hūd - sumakanya ang pangangalaga - at ang sinumang kasama niya kabilang sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Pinuksa Namin sa pamamagitan ng kapahamakan ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Sila noon ay hindi mga mananampalataya, bagkus sila noon ay mga tagapagpasinungaling kaya naging karapat-dapat sila sa pagdurusa.
﴿وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ هَٰذِهِ نَاقَةُ اللَّهِ لَكُمْ آيَةً ۖ فَذَرُوهَا تَأْكُلْ فِي أَرْضِ اللَّهِ ۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾
Talaga nang nagsugo si Allāh sa lipi ng Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ na nag-aanyaya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya. Nagsabi si Ṣāliḥ sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - sapagkat walang sinasambang ukol sa inyo na iba pa sa Kanya na karapat-dapat sa pagsamba. May dumating nga sa inyo na isang maliwanag na tanda mula kay Allāh sa katapatan ng inihatid ko sa inyo, na kumakatawan sa isang dumalagang kamelyo na lumalabas mula sa isang bato. Ukol dito ay isang panahon sa pag-inom at ukol sa inyo ay pag-inom sa isang takdang araw kaya pabayaan ninyo itong manginain sa lupain ni Allāh sapagkat hindi kailangan sa inyo ang pagkukumpay rito ng anuman. Huwag ninyong dulutan ito ng pananakit at dudulutan kayo dahilan sa pananakit dito ng isang pagdurusang nakasasakit.
﴿وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ عَادٍ وَبَوَّأَكُمْ فِي الْأَرْضِ تَتَّخِذُونَ مِنْ سُهُولِهَا قُصُورًا وَتَنْحِتُونَ الْجِبَالَ بُيُوتًا ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ﴾
Pakaalalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang humalili kayo sa liping `Ād.
Pinatira Niya kayo sa lupain ninyo, habang nagtatamasa kayo rito, nagtatamo kayo ng mga hinihiling ninyo matapos ng paglipol sa liping `Ād matapos ng paggigiit nila sa kawalang-pananampalataya, nagtatayo kayo ng mga palasyo sa mga kapatagan ng lupa, at tumatapyas kayo ng mga bundok upang yumari ng mga bahay para sa inyo. Kaya alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat sa Kanya dahil sa mga iyon. Itigil ninyo ang pagpupunyagi sa kaguluhan sa lupa, sa pamamagitan ng pag-iwan sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pag-iwan sa mga pagsuway.
﴿قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِمَنْ آمَنَ مِنْهُمْ أَتَعْلَمُونَ أَنَّ صَالِحًا مُرْسَلٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلَ بِهِ مُؤْمِنُونَ﴾
Nagsabi ang mga pinapanginoon at ang mga pangulo - kabilang sa mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya - sa mga mananampalataya - kabilang sa mga kalipi niya na mga minamahina nila: "Nalalaman ba ninyo, O mga mananampalataya, na si Ṣāliḥ ay isang sugo ni Allāh sa totoo?" Kaya sumagot sa kanila ang mga mananampalatayang minamahina: "Tunay na kami sa ipinasugo kay Ṣāliḥ sa amin ay mga naniniwala, mga kumikilala, at mga nagpapaakay sa batas Niya, mga nagsasagawa."
﴿قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا بِالَّذِي آمَنْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ﴾
Nagsabi ang mga tagapagmataas kabilang sa mga kalipi niya: "Tunay na kami sa pinaniwalaan ninyo, O mga mananampalataya, ay mga tumatangging sumampalataya kaya hindi kami sasampalataya sa kanya at hindi kami magsasagawa ng batas niya."
﴿فَعَقَرُوا النَّاقَةَ وَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ وَقَالُوا يَا صَالِحُ ائْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ﴾
Kaya kinatay nila ang dumalagang kamelyo na sinaway sila na salingin ito sa pamamagitan ng pananakit.
Mga nagmamalaki laban sa pagsunod sa utos ni Allāh, nagsabi sila habang nangungutya na mga nagtuturing na imposible ang ibinanta sa kanila ni Ṣāliḥ: "O Ṣāliḥ, dalhin mo sa amin ang ibinanta mo sa amin na pagdurusang masakit kung ikaw ay kabilang sa mga sugo ni Allāh sa totoo."
﴿فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ﴾
Kaya dinala niya sa mga tumatangging sumampalataya ang minadali nilang pagdurusa yayamang dinaklot sila ng matinding lindol kaya sila ay naging mga nakabuwal na nakadikit ang mga mukha nila at mga tuhod nila sa lupa at walang isang nakaligtas kabilang sa kanila sa kapahamakan.
﴿فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَةَ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ وَلَٰكِنْ لَا تُحِبُّونَ النَّاصِحِينَ﴾
Kaya umayaw si Ṣāliḥ - sumakanya ang pangangalaga - sa mga kalipi niya matapos ang pagkawala ng pag-asa sa pagtugon nila.
Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi, talaga ngang nagparating ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ni Allāh na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo habang nagpapagusto sa inyo at nagpapahilakbot, subalit kayo ay mga taong hindi umiibig sa mga tagapayong masigasig sa paggabay sa inyo sa kabutihan at pagpapalayo sa inyo sa kasamaan."
﴿وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ مَا سَبَقَكُمْ بِهَا مِنْ أَحَدٍ مِنَ الْعَالَمِينَ﴾
Banggitin mo si Lot nang nagsabi siya habang nagmamasama sa mga kalipi niya: "Gumagawa ba kayo ng gawaing nakasasama, na naituturing na pangit, at ito ay ang pakikipagtalik sa mga lalaki? Ang gawaing ito na inimbento ninyo ay hindi kayo naunahan sa paggawa nito ng isa man."
﴿إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ شَهْوَةً مِنْ دُونِ النِّسَاءِ ۚ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ مُسْرِفُونَ﴾
Tunay na kayo ay talagang pumupunta sa mga lalaki para sa pagtugon sa pagnanasa bukod pa sa mga babae na nilikha para sa pagtugon nito.
Hindi kayo sumunod sa gawain ninyong ito sa isip ni sa ipinarating na katuruan ni sa kalikasan ng pagkalalang, bagkus kayo ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa paglabas ninyo sa hangganan ng pagtitimping pantao at pagkalihis ninyo sa hinihiling ng mga matinong isip at marangal na kalikasan ng pagkalalang.
﴿وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَخْرِجُوهُمْ مِنْ قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ﴾
Walang iba ang tugon ng mga kababayan niyang gumagawa ng malaswang gawaing ito tungkol sa minasama niya sa kanila kundi na nagsabi sila habang mga tumututol sa katotohanan: "Palabasin ninyo si Lot at ang mag-anak niya mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapawalang-ugnayan sa gawain nating ito kaya hindi sila naaangkop sa atin na manatili sa gitna natin."
﴿فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ﴾
Kaya napaligtas Namin siya at ang mag-anak niya yayamang nag-utos Kami sa kanila na lumabas isang gabi mula sa pamayanang kasasadlakan ng parusa, maliban sa maybahay niya; ito ay naging kabilang sa mga nanatili sa mga kalipi niya kaya dumapo sa kanya ang dumapo sa kanilang pagdurusa.
﴿وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ﴾
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang mabigat na ulan yayamang pinukol Namin sila ng mga batong yari sa putik. Binaliktad Namin ang pamayanan kaya ginawa Namin ang mataas nito na mababa nito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, sa kinahinatnan ng mga kababayan ni Lot na mga salarin. Ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang kahihiyang namamalagi.
﴿وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا الْكَيْلَ وَالْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾
Nagsugo si Allāh sa liping Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi ito sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya. Walang ukol sa inyo na sinasambang karapat-dapat sa pagsamba maliban pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang maliwanag na patotoo mula kay Allāh at isang hayag na patunay sa katapatan ng inihatid ko sa inyo mula sa Panginoon ko. Gampanan ninyo sa mga tao ang mga karapatan nila sa pamamagitan ng paglubos sa pagtakal at paglubos sa pagtimbang. Huwag ninyong bawasan ang mga tao dahil sa kapintasan ng mga paninda sa kanila at pagpapakaunti sa mga ito o pandaraya sa mga mamimili ng mga ito. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway matapos ng pagsasaayos nito sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga propeta noon.
Ang nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang kung kayo ay mga mananampalataya sa nakasaad ditong pag-iwan sa mga pagsuway bilang pag-iwas sa sinasaway ni Allāh at sa nakasaad ditong pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa anumang ipinag-utos Niya.
﴿وَلَا تَقْعُدُوا بِكُلِّ صِرَاطٍ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِهِ وَتَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ كُنْتُمْ قَلِيلًا فَكَثَّرَكُمْ ۖ وَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ﴾
Huwag kayong maghintay sa bawat daan, habang nagbabanta sa sinumang tumatahak dito na mga tao upang dambungin ang mga ari-arian nila, at habang bumabalakid sa Relihiyon ni Allāh sa sinumang nagnais ng pagkapatnubay, samantalang mga naghahangad na ang landas ni Allāh ay maging baluktot upang hindi ito tahakin ng mga tao. Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa kanya sapagkat ang bilang ninyo noon ay kakaunti ngunit pinarami Niya kayo. Pagnilay-nilayan ninyo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga tagapanggulo sa lupa bago kayo sapagkat tunay na ang kinahinatnan nila ay ang pagkapahamak at ang pagkawasak.
﴿وَإِنْ كَانَ طَائِفَةٌ مِنْكُمْ آمَنُوا بِالَّذِي أُرْسِلْتُ بِهِ وَطَائِفَةٌ لَمْ يُؤْمِنُوا فَاصْبِرُوا حَتَّىٰ يَحْكُمَ اللَّهُ بَيْنَنَا ۚ وَهُوَ خَيْرُ الْحَاكِمِينَ﴾
Kung may isang pangkat kabilang sa inyo na sumampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko at may isang pangkat na hindi sumampalataya roon ay hintayin ninyo, O mga tagapagpasinungaling, ang ipapasya ni Allāh sa pagitan ninyo. Siya ay ang pinakamainam sa sinumang nagpapasya at higit na makatarungan sa sinumang humuhusga.
﴿۞ قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لَنُخْرِجَنَّكَ يَا شُعَيْبُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَكَ مِنْ قَرْيَتِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۚ قَالَ أَوَلَوْ كُنَّا كَارِهِينَ﴾
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pangulo na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi ni Shu`ayb: "Talagang palalabasin ka nga namin, O Shu`ayb, mula sa pamayanan nating ito at ang sinumang kasama mo kabilang sa mga naniwala sa iyo, o talagang babalik nga kayo sa kapaniwalaan namin." Nagsabi sa kanila si Shu`ayb habang nag-iisip at nagtataka: "Susunod ba kami sa relihiyon ninyo at kapaniwalaan ninyo kahit pa man kami ay mga nasusuklam doon dahil sa pagkakaalam namin sa kabulaanan ng kalagayan ninyo?
﴿قَدِ افْتَرَيْنَا عَلَى اللَّهِ كَذِبًا إِنْ عُدْنَا فِي مِلَّتِكُمْ بَعْدَ إِذْ نَجَّانَا اللَّهُ مِنْهَا ۚ وَمَا يَكُونُ لَنَا أَنْ نَعُودَ فِيهَا إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ رَبُّنَا ۚ وَسِعَ رَبُّنَا كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا ۚ عَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْنَا ۚ رَبَّنَا افْتَحْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ قَوْمِنَا بِالْحَقِّ وَأَنْتَ خَيْرُ الْفَاتِحِينَ﴾
Umimbento nga kami laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kung kami ay naniwala sa taglay ninyong shirk at kawalang-pananampalataya matapos na pinaligtas kami ni Allāh mula roon mula sa kabutihang-loob Niya. Hindi nagiging tumpak ni matuwid para sa amin na bumalik sa kapaniwalaan ninyong bulaan malibang loobin ni Allāh, ang Panginoon namin, dahil sa pagkapasakop ng lahat sa kalooban Niya - napakamaluwalhati Niya. Sumaklaw ang Panginoon namin sa kaalaman sa bawat bagay; walang naikukubli sa Kanya mula rito na anuman. Kay Allāh - tanging sa Kanya - kami umaasa upang patatagin Niya kami sa landasing tuwid at ipagsanggalang Niya kami laban sa mga daan ng Impiyerno. O Panginoon namin, humatol Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi naming mga tumatangging sumampalataya ayon sa katotohanan. Iadya Mo ang naaping alagad ng katotohanan laban sa mang-aaping nagmamatigas sapagkat Ikaw, O Panginoon namin, ay ang pinakamainam sa mga tagahatol."
﴿وَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لَئِنِ اتَّبَعْتُمْ شُعَيْبًا إِنَّكُمْ إِذًا لَخَاسِرُونَ﴾
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pangulo na mga tumatangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niyang tumatanggi sa paanyaya ng Tawḥīd habang mga nagbibigay-babala laban kay Shu`ayb at sa relihiyon niya: "Talagang kung pumasok kayo, O mga kalipi namin, sa relihiyon ni Shu`ayb at iniwan ninyo ang relihiyon ninyo at ang relihiyon ng mga ama ninyo, tunay na kayo dahil doon ay talagang mga napapahamak."
﴿فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ﴾
Kaya dumaklot sa kanila ang matinding pagyanig at sila ay naging mga nalipol sa mga tahanan nila habang mga nakasubsob sa mga tuhod nila at mga mukha nila, mga patay na walang tinag sa tahanan nila.
﴿الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۚ الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَانُوا هُمُ الْخَاسِرِينَ﴾
Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay nasawi sa kalahatan. Naging para bang sila ay hindi nanirahan sa tahanan nila at hindi nagtamasa roon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay naging ang mga lugi dahil ipinalugi nila ang mga sarili nila at ang minay-ari nila. Ang mga mananampalataya kabilang sa mga kalipi nila ay hindi ang mga lugi, gaya ng inakala ng mga tumatanging sumampalataya na mga nagpapasinungaling na ito.
﴿فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ ۖ فَكَيْفَ آسَىٰ عَلَىٰ قَوْمٍ كَافِرِينَ﴾
Kaya umayaw sa kanila ang propeta nilang si Shu`ayb - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi habang nakikipag-usap sa kanila: "O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ng Panginoon ko na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo ngunit hindi ninyo tinanggap ang pagpapayo ko at hindi kayo nagpaakay sa paggagabay ko, kaya papaano akong malulungkot sa mga taong tumangging sumampalataya sa relihiyon ni Allāh habang mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila?"
﴿وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا أَخَذْنَا أَهْلَهَا بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَضَّرَّعُونَ﴾
Hindi Kami nagsugo sa isa sa mga pamayanan ng isang propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh at nagpasinungaling ang mga mamayan nito at tumanggi silang sumampalataya malibang nagpataw Siya sa kanila ng karalitaan at karamdaman sa pag-asang magpakaaba sila sa Kanya at iwan nila ang taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagmamalaki. Ito ay pagbibigay-babala sa Quraysh at sa bawat sinumang tumangging sumampalataya at nagpasinungaling, sa pamamagitan ng pagbanggit ng kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang nagpasinungaling.
﴿ثُمَّ بَدَّلْنَا مَكَانَ السَّيِّئَةِ الْحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَوْا وَقَالُوا قَدْ مَسَّ آبَاءَنَا الضَّرَّاءُ وَالسَّرَّاءُ فَأَخَذْنَاهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ﴾
Pagkatapos ay tinumbasan Namin sila matapos ng pagpataw ng karalitaan at karamdaman, ng kabutihan, kasaganaan, at katiwasayan hanggang sa dumami ang mga bilang nila, lumago ang mga yaman nila, at nagsabi sila: "Ang dumapo sa amin na kasamaan at kabutihan ay pangkalahatang kinaugaliang dumapo sa mga ninuno namin noon." Hindi nila natalos na ang dumapo sa kanila na mga kasawian ay nagnanais ng pagsasaalang-alang at ang dumapo sa kanila na mga biyaya ay nagnanais ng pagdadahan-dahan. Kaya nagpataw Kami sa kanila ng parusa nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam ng parusa at hindi nag-aabang nito.
﴿وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْقُرَىٰ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَفَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَرَكَاتٍ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنْ كَذَّبُوا فَأَخَذْنَاهُمْ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ﴾
Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanang ito na nagsugo Kami ng mga sugo Namin ay naniwala sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pag-iwan sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at pagsunod sa mga ipinag-uutos ay talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng kabutihan mula sa bawat dako subalit sila ay hindi naniwala at hindi nangilag magkasala, bagkus nagpasinungaling sila sa inihatid ng mga sugo nila kaya nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa nang biglaan dahilan sa nakakamit nila noon na mga kasalanan at mga pagkakasala.
﴿أَفَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا بَيَاتًا وَهُمْ نَائِمُونَ﴾
Natiwasay ba ang mga nakatira sa mga pamayanang nagpapasinungaling na ito na dumating sa kanila ang kaparusahan Namin sa gabi habang sila ay mga natutulog na mahimbing sa pamamahinga nila at kapanatagan nila?
﴿أَوَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا ضُحًى وَهُمْ يَلْعَبُونَ﴾
Natiwasay ba sila na dumating sa kanila ang kaparusahan Namin sa simula ng maghapon habang sila ay mga nalilibang nalilingat dahil sa pagkaabala nila sa makamundong buhay nila?
﴿أَفَأَمِنُوا مَكْرَ اللَّهِ ۚ فَلَا يَأْمَنُ مَكْرَ اللَّهِ إِلَّا الْقَوْمُ الْخَاسِرُونَ﴾
Tumingin kayo sa ipinagkaloob ni Allāh sa kanila na pagpapalugit at sa ibiniyaya Niya sa kanila na lakas at kaluwagan sa panustos bilang pagpapain sa kanila. Kaya natiwasay ba ang mga tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga pamayanang iyon sa panlalansi ni Allāh at panlalalang Niyang nakakubli? Walang natitiwasay sa panlalansi ni Allāh kundi ang mga taong napahahamak. Ang mga naituon naman, tunay na sila ay nangangamba sa panlalansi Niya kaya hindi sila nalilinlang ng ibiniyaya ni Allāh sa kanila at nakikita lamang nila ang biyaya Niya sa kanila kaya nagpapasalamat sila sa Kanya.
﴿أَوَلَمْ يَهْدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ الْأَرْضَ مِنْ بَعْدِ أَهْلِهَا أَنْ لَوْ نَشَاءُ أَصَبْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ ۚ وَنَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ﴾
Hindi ba luminaw ito para sa mga hahalili sa lupa matapos ng paglipol ng mga ninuno nila kabilang sa mga kalipunan dahilan sa mga pagkakasala nila, pagkatapos ay hindi nagsaalang-alang sa anumang dumapo sa kanila, bagkus ginawa nila ang gawain nila? Hindi luminaw sa mga ito na si Allāh, kung sakaling niloob Niya na magparusa sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila, ay talaga sanang nagparusa sa kanila dahil sa mga ito gaya ng kalakaran Niya? Nagsasara Siya sa mga puso nila kaya naman hindi napangangaralan ang mga ito sa pamamagitan ng isang pangangaral at hindi napakikinabangan ang mga ito ng isang paalaala.
﴿تِلْكَ الْقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنْبَائِهَا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا بِمَا كَذَّبُوا مِنْ قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ الْكَافِرِينَ﴾
Ang mga naunang pamayanang iyon - ang mga pamayanan ng mga lipi nina Noe, Hūd, Ṣāliḥ, Lot, at Shu`ayb - ay bumibigkas Kami sa iyo at nagpapabatid Kami sa iyo, O Sugo, ng ilan sa mga panuto ng mga iyon at nangyari sa mga iyon na pagpapasinungaling, pagmamatigas, at ang dumapo sa kanila na pagkalipol upang iyon ay maging isang pagsasaalang-alang para sa sinumang nagsasaalang-alang at isang pangaral para sa sinumang napangangaralan.
Naghatid sa mga naninirahan sa mga pamayanang ito ang mga sugo nila ng mga maliwanag na patotoo sa katapatan nila, ngunit hindi naging ukol sa kanilang sumampalataya, sa sandali ng pagdating ng mga sugo, sa bagay na nauna na sa kaalaman ni Allāh na sila ay magpapasinungaling dito.
Tulad ng pagsasara ni Allāh sa mga puso ng mga naninirahan sa mga pamayanang ito, na mga tagapagpasinungaling sa mga sugo nila, magsasara si Allāh sa mga puso ng mga tumatangging sumampalataya kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kaya naman hindi sila mapapatnubayan sa pananampalataya.
﴿وَمَا وَجَدْنَا لِأَكْثَرِهِمْ مِنْ عَهْدٍ ۖ وَإِنْ وَجَدْنَا أَكْثَرَهُمْ لَفَاسِقِينَ﴾
Hindi Kami nakatagpo sa higit na marami sa mga kalipunan na pinadalhan ng mga sugo ng pagtupad at pagganap sa itinagubilin Namin. Hindi Kami nakatagpo sa kanila ng pagpapaakay sa mga ipinag-uutos Namin. Nakatagpo lamang Kami sa higit na marami sa kanila bilang talagang mga lumalabas sa pagtalima sa Amin.
﴿ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَظَلَمُوا بِهَا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ﴾
Pagkatapos ay ipinadala Namin, matapos ng mga sugong iyon, si Moises - sumakanya ang pangangalaga - dala ang mga katwiran Naming malinaw sa katapatan niya at inihatid kay Paraon at sa mga tao nito.
Walang nangyari sa kanila malibang nagkaila sila sa mga tandang ito at tumangging sumampalataya sa mga ito kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano ang naging kinahinatnan ni Paraon at mga tao nito sapagkat nilipol nga sila ni Allāh sa pamamagitan ng paglunod at pinasundan Niya sila ng sumpa sa Mundo at Kabilang-buhay.
﴿وَقَالَ مُوسَىٰ يَا فِرْعَوْنُ إِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾
Nagsabi si Moises noong ipinadala siya ni Allāh kay Paraon at pinuntahan niya ito: "O Paraon, tunay na ako ay isang isinugo mula sa Tagapaglikha ng mga nilikha sa kalahatan, Tagapagmay-ari nila, at Tagapangasiwa ng mga kapakanan nila."
﴿حَقِيقٌ عَلَىٰ أَنْ لَا أَقُولَ عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ قَدْ جِئْتُكُمْ بِبَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ فَأَرْسِلْ مَعِيَ بَنِي إِسْرَائِيلَ﴾
Nagsabi si Moises: "Noong ako noon ay isinugo mula sa Kanya, ako ay karapat-dapat na hindi ako magsabi tungkol sa Kanya malibang totoo. Dumating nga ako sa inyo na may dalang isang katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ko at na ako ay isang isinugo sa inyo mula sa Panginoon ninyo kaya palayain mo kasama ko ang mga anak ni Israel mula sa dinaranas nilang pagkabihag at paniniil."
﴿قَالَ إِنْ كُنْتَ جِئْتَ بِآيَةٍ فَأْتِ بِهَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ﴾
Nagsabi si Paraon kay Moises: "Kung ikaw ay pumunta na may dalang isang tanda gaya ng inaakala mo ay maglahad ka nito kung ikaw ay naging tapat sa pahayag mo."
﴿فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُبِينٌ﴾
Kaya itinapon ni Moises ang tungkod niya at nagbagong-anyo na isang ahas na malaki na nakalantad sa sinumang nanonood dito.
﴿وَنَزَعَ يَدَهُ فَإِذَا هِيَ بَيْضَاءُ لِلنَّاظِرِينَ﴾
Inilabas niya ang kamay niya at inilantad mula sa nakabukas sa kamisa niya mula sa tabi ng dibdib niya o mula sa ilalim ng kilikili niya at lumabas itong walang ketong, na nagniningning para sa mga tagatingin dahil sa tindi ng kaputian nito.
﴿قَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِ فِرْعَوْنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَاحِرٌ عَلِيمٌ﴾
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pangulo sa nasaksihan nilang pagbabagong-anyo ng tungkod ni Moises na naging ahas at pagpapanibago ng kamay niya na naging maputing walang ketong: "Walang iba si Moises kundi isang manggagaway na malakas ang kaalaman sa panggagaway.
﴿يُرِيدُ أَنْ يُخْرِجَكُمْ مِنْ أَرْضِكُمْ ۖ فَمَاذَا تَأْمُرُونَ﴾
Naglalayon siya ng isasagawa niya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo, ang Ehipto. Pagkatapos ay sumangguni sa kanila si Paraon hinggil sa lagay ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - habang nagsasabi sa kanila: "Ano ang itatagubilin ninyo sa akin na pananaw?"
﴿قَالُوا أَرْجِهْ وَأَخَاهُ وَأَرْسِلْ فِي الْمَدَائِنِ حَاشِرِينَ﴾
Nagsabi sila kay Paraon: "Magpaliban ka kay Moises at kapatid niyang si Aaron at magpadala ka sa mga lungsod ng Ehipto ng mga kakalap doon ng mga manggagaway,
﴿يَأْتُوكَ بِكُلِّ سَاحِرٍ عَلِيمٍ﴾
Magdadala itong mga isinugo mo para mangalap ng mga manggagaway mula sa mga lungsod ng bawat manggagaway na bihasa sa panggagaway na malakas sa pagsasagawa nito."
﴿وَجَاءَ السَّحَرَةُ فِرْعَوْنَ قَالُوا إِنَّ لَنَا لَأَجْرًا إِنْ كُنَّا نَحْنُ الْغَالِبِينَ﴾
Kaya nagpadala si Paraon ng mga kakalap ng mga manggagaway. Noong dumating ang mga manggagaway kay Paraon ay nagtanong sila rito kung mayroon ba silang gantimpala kung madadaig nila si Moises sa pamamagitan ng panggagaway nila at magwawagi laban sa kanya?"
﴿قَالَ نَعَمْ وَإِنَّكُمْ لَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ﴾
Kaya sumagot sa kanila si Paraon sa pagsabi nito: "Oo, at tunay na magkakaroon kayo ng gantimpala at bayad, at kayo ay magiging kabilang sa mga minamalapit sa mga katungkulan."
﴿قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِمَّا أَنْ تُلْقِيَ وَإِمَّا أَنْ نَكُونَ نَحْنُ الْمُلْقِينَ﴾
Nagsabi ang mga manggagaway habang mga nagtitiwala sa pananaig nila kay Moises nang may pagmamataas at pagmamalaki: "Mamili ka, O Moises, ng niloob mong pagsisimula mo sa pagpukol ng ninanais mong ipukol o pagsisimula namin niyon?"
﴿قَالَ أَلْقُوا ۖ فَلَمَّا أَلْقَوْا سَحَرُوا أَعْيُنَ النَّاسِ وَاسْتَرْهَبُوهُمْ وَجَاءُوا بِسِحْرٍ عَظِيمٍ﴾
Sumagot si Moises sa kanila habang nagtitiwala sa pag-aadya ng Panginoon niya sa kanya: "Magtapon kayo ng mga lubid ninyo at mga tungkod ninyo." Kaya noong pumukol sila ay ginaway nila ang mga mata ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabaling sa mga ito palayo sa katumpakan ng pagkatalos, sinindak nila ang mga ito, at nagdala sila ng isang panggagaway na malakas sa mga mata ng mga tagatingin.
﴿۞ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَإِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ﴾
Nagsiwalat si Allāh sa propeta Niya at kinausap Niya si Moises - sumakanya ang pangangalaga - na [nagsasabi]: "Itapon mo, O Moises, ang tungkod mo," at itinapon niya ito kaya nagbagong-anyo ang tungkod na naging isang ahas na lumalamon sa mga lubid nila at mga tungkod nila na ginagamit nila noon sa pagbaliktad sa mga reyalidad at sa pagpapaakala sa mga tao na ang mga ito ay mga ahas na gumagapang.
﴿فَوَقَعَ الْحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
Kaya lumitaw ang katotohanan, luminaw ang katapatan ng inihatid ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - at luminaw ang kawalang-saysay ng ginawa ng mga manggagaway mula sa panggagaway.
﴿فَغُلِبُوا هُنَالِكَ وَانْقَلَبُوا صَاغِرِينَ﴾
Kaya nadaig sila, natalo sila, nagwagi si Moises - sumakanya ang pangangalaga - sa nasaksihang iyon, at bumalik silang mga hamak na mga nagapi.
﴿وَأُلْقِيَ السَّحَرَةُ سَاجِدِينَ﴾
Kaya walang nagawa ang mga manggagaway, nang nasaksihan nila ang sukdulang kakayahan ni Allāh at nakita nila ang mga tandang malinaw, kundi sumubsob na mga nakapatirapa sa Kanya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas
﴿قَالُوا آمَنَّا بِرَبِّ الْعَالَمِينَ﴾
Nagsabi ang mga manggagaway: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilikha sa kalahatan,
﴿رَبِّ مُوسَىٰ وَهَارُونَ﴾
Ang Panginoon nina Moises at Aaron - sumakanilang dalawa ang pangangalaga - sapagkat Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba sa halip ng iba pa sa Kanya na mga diyos na inaakala.
﴿قَالَ فِرْعَوْنُ آمَنْتُمْ بِهِ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكْرٌ مَكَرْتُمُوهُ فِي الْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا مِنْهَا أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ﴾
Nagsabi sa kanila si Paraon habang nagbabanta sa kanila matapos ng pagsampalataya nila kay Allāh - tanging sa Kanya: "Naniwala kayo kay Moises bago ako nagpahintulot sa inyo? Tunay na ang pananampalataya ninyo sa kanya at ang paniniwala ninyo sa inihatid niya ay talagang isang panlilinlang at pakanang ipinanlalalang ninyo at ni Moises upang palabasin ninyo ang mga naninirahan sa lungsod mula rito, kaya malalaman ninyo, o mga manggagaway, ang sasapit sa inyong parusa at ang dadapo sa inyong pahirap na nagsisilbing halimbawa.
﴿لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ مِنْ خِلَافٍ ثُمَّ لَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ﴾
Talagang pagpuputul-putulin ko nga mula sa bawat isa sa inyo ang kanang kamay niya at ang kaliwang paa niya, o ang kaliwang kamay niya at ang kanang paa niya, pagkatapos ay talagang ibibitin ko nga kayong lahat sa mga puno ng datiles bilang isang pagpaparusang nagsisilbing halimbawa sa inyo at bilang isang pagpapangilabot sa bawat sinumang nakasasaksi sa inyo sa kalagayang ito."
﴿قَالُوا إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا مُنْقَلِبُونَ﴾
Nagsabi ang mga manggagaway bilang pagtugon sa banta ni Paraon: "Tunay na kami ay sa Panginoon namin - tanging sa Kanya - kami ay babalik kaya hindi namin pinapansin ang ibinabanta mo.
﴿وَمَا تَنْقِمُ مِنَّا إِلَّا أَنْ آمَنَّا بِآيَاتِ رَبِّنَا لَمَّا جَاءَتْنَا ۚ رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَتَوَفَّنَا مُسْلِمِينَ﴾
Hindi ka nagmasama sa amin at hindi ka naghinanakit sa amin, O Paraon, maliban sa paniniwala namin sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin sa kamay ni Moises. Kaya kung ito ay naging isang pagkakasalang napipintasan, ito ay pagkakasala namin.
Pagkatapos ay bumaling kayo kay Allāh sa panalangin habang mga nagsasabi sa pagpapakumbaba: "O Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis hanggang sa malipos kami nito upang magpakatatag kami sa katotohanan, at bawian Mo kami ng buhay bilang mga Muslim sa iyo, na mga nagpapaakay sa utos Mo, na mga sumusunod sa Sugo Mo."
﴿وَقَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِ فِرْعَوْنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوْمَهُ لِيُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَيَذَرَكَ وَآلِهَتَكَ ۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبْنَاءَهُمْ وَنَسْتَحْيِي نِسَاءَهُمْ وَإِنَّا فَوْقَهُمْ قَاهِرُونَ﴾
Nagsabi ang mga pinapanginoon at ang mga malaking tao kabilang sa mga tao ni Paraon kay Paraon habang mga nag-uudyok dito laban kay Moises at sa sinumang kasama niya kabilang sa mga mananampalataya: "Magpapabaya ka ba, O Paraon, kay Moises at sa mga tao niya upang magpalaganap sila ng gulo sa lupain, upang magpabaya sa iyo mismo at sa mga diyos mo, at mag-anyaya sa pagsamba kay Allāh - tanging sa Kanya?" Nagsabi si Paraon: "Pagpapatayin natin ang mga anak na lalaki ng mga angkan ni Israel at pananatilihin natin ang mga babae nila. Tunay na tayo ay mga gagamit laban sa kanila ng paniniil, panlulupig, at kapamahalaan."
﴿قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ اسْتَعِينُوا بِاللَّهِ وَاصْبِرُوا ۖ إِنَّ الْأَرْضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ﴾
Nagsabi si Moises habang nagtatagubilin sa mga tao niya: "O mga kalipi, hingin ninyo ang tulong mula kay Allāh - tanging sa Kanya - sa pagtaboy ng kapinsalaan palayo sa inyo at pagtamo ng pakinabang patungo sa inyo. Magtitiis kayo sa dinaranas ninyong pagsusulit sapagkat tunay na ang lupa ay kay Allāh - tanging sa Kanya - at hindi kay Paraon ni sa iba pa sa kanya para magdomina rito. Si Allāh ay nagpapalipat-lipat nito sa pagitan ng mga tao alinsunod sa kalooban niya, ngunit ang magandang kinahihinatnan sa lupa ay ukol sa mga mananampalatayang sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa mga ipinagbabawal Niya. Ito ay ukol sa kanila kahit pa dapuan sila ng anumang dumapo sa kanila na mga pagsubok at mga pagsusulit."
﴿قَالُوا أُوذِينَا مِنْ قَبْلِ أَنْ تَأْتِيَنَا وَمِنْ بَعْدِ مَا جِئْتَنَا ۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُهْلِكَ عَدُوَّكُمْ وَيَسْتَخْلِفَكُمْ فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرَ كَيْفَ تَعْمَلُونَ﴾
Nagsabi kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - ang mga kalipi ni Moises kabilang sa mga anak ni Israel: "Sinulit kami sa kamay ni Paraon sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaking anak namin at pagpapanatiling-buhay sa mga kababaihan namin bago ka pumunta sa amin at matapos niyon.
" Nagsabi sa kanila si Moises - sumakanya ang pangangalaga - bilang nagpapayo sa kanila at nagbabalita ng nakalulugod na ginhawa: "Marahil ang Panginoon ninyo ay lilipol sa kaaway ninyong si Paraon at ang mga tao niya, at magkakaloob ng kapamahalaan sa inyo sa lupain matapos nila para tingnan Niya kung ano ang gagawin ninyong pagkilala o pagkakaila ng utang na loob matapos niyon."
﴿وَلَقَدْ أَخَذْنَا آلَ فِرْعَوْنَ بِالسِّنِينَ وَنَقْصٍ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ﴾
Talaga ngang nagparusa si Allāh sa angkan ni Paraon ng tagtuyot at kawalang-ulan at sumubok Siya sa kanila sa pamamagitan ng kabawasan sa mga bunga ng lupa at mga ani nito sa pag-asang mag-aalaala sila at mapangangaralan sila na ang anumang dumating sa kanila mula roon ay kaparusahan lamang sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila para magbalik-loob sila sa Kanya.
﴿فَإِذَا جَاءَتْهُمُ الْحَسَنَةُ قَالُوا لَنَا هَٰذِهِ ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَطَّيَّرُوا بِمُوسَىٰ وَمَنْ مَعَهُ ۗ أَلَا إِنَّمَا طَائِرُهُمْ عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾
Ngunit kapag dumating sa angkan ni Paraon ang kasaganahan, ang kabutihan ng bunga, at ang kamurahan ng mga halaga ay nagsasabi sila: "Ibinigay sa amin ito dahil sa pagiging karapat-dapat namin dito at sa pagkanauukol sa amin nito." Kung nagtamo sila o dinapuan sila ng isang kasawian gaya ng tagtuyot, kawalang-ulan, dami ng mga sakit, at iba pa rito na mga kalamidad ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya kabilang sa mga anak ni Israel. Ang totoo ay na ang anumang dumapo sa kanila mula roon sa kalahatan niyon ay dahil sa isang pagtatakda lamang mula kay Allāh - napakamaluwalhati Niya. Sila at si Moises - sumakanya ang pangangalaga - ay walang kinalaman doon maliban pa sa bahagi ng panalangin ni Moises laban sa kanila, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam kaya inuugnay nila iyon sa iba pa kay Allāh.
﴿وَقَالُوا مَهْمَا تَأْتِنَا بِهِ مِنْ آيَةٍ لِتَسْحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ﴾
Nagsabi ang mga tao ni Paraon kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - bilang pagmamatigas sa katotohanan: "Alinmang himala at katunayan ang dalhin mo sa amin at alinmang katwiran ang ilahad mo laban sa kabulaanan ng anumang taglay namin upang ibaling kami palayo roon at tungo sa katapatan ng inihatid mo ay hindi kami maniniwala sa iyo."
﴿فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الطُّوفَانَ وَالْجَرَادَ وَالْقُمَّلَ وَالضَّفَادِعَ وَالدَّمَ آيَاتٍ مُفَصَّلَاتٍ فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُجْرِمِينَ﴾
Kaya nagpadala Kami sa kanila ng maraming tubig bilang parusa sa pagpapasinungaling nila at pagmamatigas nila kaya nilunod ang mga pananim nila at ang mga bunga nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga balang kaya kinain ng mga ito ang mga aanihin nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga kulisap na tinatawag na mga kuto na namiminsala ng pananim o nakasasakit sa tao sa buhok nito. Nagpadala Kami sa kanila ng mga palaka kaya pinuno ng mga ito ang mga lalagyan nila, sinira ang mga pagkain nila, at pinuyat sila sa mga tulog nila. Nagpadala Kami sa kanila ng dugo kaya ang mga tubig ng mga balon nila at mga ilog nila ay naging dugo. Nagpadala Kami ng lahat ng iyon bilang mga tandang naglilinaw at nagtatangi, na nagsunuran ang ilan sa mga ito sa iba. Sa kabila ng lahat ng dumapo sa kanila na mga kaparusahan ay nagmataas sila laban sa pagsampalataya kay Allāh at paniniwala sa inihatid ni Moises - sumakanya ang pangangalaga. Sila noon ay mga taong gumagawa ng mga pagsuway. Hindi sila kumakalas sa kabulaanan at hindi sila napapatnubayan sa katotohanan.
﴿وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ الرِّجْزُ قَالُوا يَا مُوسَى ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ ۖ لَئِنْ كَشَفْتَ عَنَّا الرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِي إِسْرَائِيلَ﴾
Noong dinapuan sila ng pagdurusa dahil sa mga bagay-bagay na ito ay bumaling sila kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi sa kanya: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinantangi Niya sa iyo na pagkapropeta at sa pamamagitan ng ipinangako Niya sa iyo na pag-aalis ng parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na alisin Niya sa amin ang dumapo sa amin na parusa. Kung aalisin Niya sa amin iyon ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo, talagang ipadadala nga namin kasama mo ang mga anak ni Israel, at palalayain namin sila."
﴿فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الرِّجْزَ إِلَىٰ أَجَلٍ هُمْ بَالِغُوهُ إِذَا هُمْ يَنْكُثُونَ﴾
Ngunit noong inalis Namin sa kanila ang parusa hanggang sa isang yugtong itinakda bago ng paglipol sa kanila sa pamamagitan ng pagkalunod, biglang sila ay sumisira sa inobliga nila sa mga sarili nila na paniniwala at pagpapalaya sa mga angkan ni Israel kaya nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila at tumangging palayain ang mga anak ni Israel kasama ni Moises - sumakanya ang pangangalaga.
﴿فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ﴾
Kaya noong sumapit ang taning na itinakda para sa paglipol sa kanila ay ibinaba Namin sa kanila ang paghihiganti Namin sa pamamagitan ng paglunod sa kanila sa dagat dahilan sa pagpapasinungaling nila sa mga tanda Namin at pag-ayaw nila sa ipinahiwatig ng mga ito na katotohanang hindi mapag-aalinlanganan.
﴿وَأَوْرَثْنَا الْقَوْمَ الَّذِينَ كَانُوا يُسْتَضْعَفُونَ مَشَارِقَ الْأَرْضِ وَمَغَارِبَهَا الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۖ وَتَمَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ الْحُسْنَىٰ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ بِمَا صَبَرُوا ۖ وَدَمَّرْنَا مَا كَانَ يَصْنَعُ فِرْعَوْنُ وَقَوْمُهُ وَمَا كَانُوا يَعْرِشُونَ﴾
Ipinamana Namin sa mga anak ni Israel, na mga hinahamak-hamak noon ni Paraon at mga tao nito, ang mga silangan ng lupain at ang mga kanluran nito. Ang tinutukoy niyon ay ang bayan ng Malaking Syria na pinagpala ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapatubo ng mga pananim doon at mga bunga roon sa paraang pinakaganap. Nalubos ang napakagandang salita ng Panginoon mo, O Sugo. Ito ay ang nabanggit sa sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 28:5): "Nagnanais Kaming magmabuting-loob sa mga siniil sa lupain, gumawa sa kanila na mga pinuno, gumawa sa kanila na mga tagapagmana." Nagbigay si Allāh ng kapamahalaan sa kanila sa lupa dahilan sa pagtitiis nila sa dumapo sa kanila na pananakit ni Paraon at ng mga tao nito. Winasak ni Allāh ang niyayari noon ni Paraon na mga taniman at mga tahanan, at ipinatatayo nila noon na mga palasyo.
﴿وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتَوْا عَلَىٰ قَوْمٍ يَعْكُفُونَ عَلَىٰ أَصْنَامٍ لَهُمْ ۚ قَالُوا يَا مُوسَى اجْعَلْ لَنَا إِلَٰهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ ۚ قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ﴾
Nagpatawid Kami sa mga anak ni Israel sa dagat noong hinampas ito ni Moises ng tungkod niya at nabiyak. Napadaan sila sa mga taong namamalagi sa pagsamba sa mga anito, na sinasamba ng mga ito bukod pa kay Allāh. Kaya nagsabi ang mga anak ni Israel kay Moises - sumakanya ang pangangalaga: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang anitong sasambahin namin kung paanong sila ay mayroong mga anitong sinasamba bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Moises sa kanila: "O mga kalipi ko, tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang sa anumang kinakailangan kay Allāh na pagdakila at paniniwala sa kaisahan Niya at anumang hindi naaangkop sa Kanya na pagtatambal sa Kanya at pagsamba sa iba pa sa Kanya."
﴿إِنَّ هَٰؤُلَاءِ مُتَبَّرٌ مَا هُمْ فِيهِ وَبَاطِلٌ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
Tunay na ang mga namamalaging ito sa pagsamba ng mga anito nila ay pupuksain ang anumang ginagawa nilang pagsamba sa iba pa kay Allāh at walang-kabuluhan ang anumang ginagawa nila noon na pagtalima dahil sa pagtatambal nila sa pagsamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya.
﴿قَالَ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِيكُمْ إِلَٰهًا وَهُوَ فَضَّلَكُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ﴾
Nagsabi si Moises sa mga kalipi Niya: "O mga kalipi ko, papaano akong hihiling para sa inyo ng isang diyos na iba pa kay Allāh na sasambahin ninyo samantalang nakasaksi na kayo ng mga dakilang tanda Niyang nasaksihan ninyo. Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas - ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang sa panahon ninyo sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa inyo gaya ng paglipol sa kaaway ninyo, pagpapahalili sa inyo sa lupain, at pagpapatatag para sa inyo roon?"
﴿وَإِذْ أَنْجَيْنَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۖ يُقَتِّلُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ﴾
Banggitin, O mga anak ni Israel, nang iniligtas Namin kayo sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo mula sa panghahamak ni Paraon at ng mga tao niya sa inyo yayamang sila noon ay nagpapalasap sa inyo ng mga uri ng kaabahan gaya ng pagkitil sa mga lalaking anak ninyo at pagpapanatiling-buhay sa mga babae ninyo para maglingkod. Sa pagsagip sa inyo mula kay Paraon at sa mga tao niya ay may isang sukdulang pagsusulit sa inyo mula sa Panginoon ninyo, na humihiling mula sa inyo ng pagpapasalamat.
﴿۞ وَوَاعَدْنَا مُوسَىٰ ثَلَاثِينَ لَيْلَةً وَأَتْمَمْنَاهَا بِعَشْرٍ فَتَمَّ مِيقَاتُ رَبِّهِ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَارُونَ اخْلُفْنِي فِي قَوْمِي وَأَصْلِحْ وَلَا تَتَّبِعْ سَبِيلَ الْمُفْسِدِينَ﴾
Nakipagtipan si Allāh sa sugo Niyang si Moises para sa pakikipagniigan dito nang tatlumpong gabi. Pagkatapos ay binuo ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sampung araw pa kaya naging apatnapung gabi.
Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron noong ninais niyang pumunta para sa pakikipagniigan sa Panginoon niya: "O Aaron, maging kahalili ka sa akin sa mga tao ko at gumawa ka ng matuwid sa nauukol sa kanila sa pamamagitan ng kagandahan ng pamamahala at kalumayan sa kanila. Huwag kang tumahak sa daan ng mga tagapanggulo sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at huwag kang maging tagatulong para sa mga tagasuway."
﴿وَلَمَّا جَاءَ مُوسَىٰ لِمِيقَاتِنَا وَكَلَّمَهُ رَبُّهُ قَالَ رَبِّ أَرِنِي أَنْظُرْ إِلَيْكَ ۚ قَالَ لَنْ تَرَانِي وَلَٰكِنِ انْظُرْ إِلَى الْجَبَلِ فَإِنِ اسْتَقَرَّ مَكَانَهُ فَسَوْفَ تَرَانِي ۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُ لِلْجَبَلِ جَعَلَهُ دَكًّا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقًا ۚ فَلَمَّا أَفَاقَ قَالَ سُبْحَانَكَ تُبْتُ إِلَيْكَ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُؤْمِنِينَ﴾
Noong dumating si Moises para sa pakikipagniigan sa tipanang pinagpasyahan, na ganap na apatnapung gabi. Kinausap ito ng Panginoon nito ng tungkol sa mga pag-uutos, mga pagsaway, at iba pa. Nanabik ang sarili nito na makita ang Panginoon nito kaya hiniling nito sa Kanya na tumingin sa mukha Niya. Tinugon ito ni Allāh - Napakamaluwalhati Niya at kapita-pitagan: "Hindi mo Ako makikita sa makamundong buhay dahil sa kawalan ng kakayahan mo roon subalit tumingin ka sa bundok kapag lumitaw Ako roon. Kung namalagi iyon sa pook niyon nang hindi naaapektuhan ay makikita mo Ako; ngunit kung ito ay naging kapantay ng lupa, hindi mo Ako makikita sa Mundo." Kaya noong lumitaw si Allāh sa bundok, ginawa Niya ito na kapantay ng lupa at bumagsak si Moises nang walang malay. Noong nagkamalay ito mula sa kawalang-malay na dumapo rito ay nagsabi ito: "Nagpapawalang-kapintasan ako sa Iyo, O Panginoon ko, ayon sa pagpapawalang-kapintasan sa bawat anumang hindi naaangkop sa Iyo. Heto ako, nagbabalik-loob sa Iyo dahil sa paghiling ko sa Iyo na makita Ka sa Mundo habang ako ay kauna-unahan sa mga mananampalataya kabilang sa mga kalipi ko."
﴿قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنِّي اصْطَفَيْتُكَ عَلَى النَّاسِ بِرِسَالَاتِي وَبِكَلَامِي فَخُذْ مَا آتَيْتُكَ وَكُنْ مِنَ الشَّاكِرِينَ﴾
Nagsabi si Allāh kay Moises: "O Moises, tunay na Ako ay pumili sa iyo at nagtangi sa iyo higit sa mga tao sa pamamagitan ng mga pasugo Ko nang nagsugo Ako sa iyo sa kanila at nagtangi Ako sa iyo sa pamamagitan ng pakikipag-usap Ko sa iyo ng walang isang tagapagpagitna. Kaya tanggapin mo ang anumang ibinigay Ko sa iyo mula sa marangal na karangalang ito at maging kabilang ka sa mga nagpapasalamat sa Akin dahil sa dakilang bigay na ito.
﴿وَكَتَبْنَا لَهُ فِي الْأَلْوَاحِ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ مَوْعِظَةً وَتَفْصِيلًا لِكُلِّ شَيْءٍ فَخُذْهَا بِقُوَّةٍ وَأْمُرْ قَوْمَكَ يَأْخُذُوا بِأَحْسَنِهَا ۚ سَأُرِيكُمْ دَارَ الْفَاسِقِينَ﴾
Nagsulat Kami para kay Moises sa mga tablerong yari sa kahoy o iba pa ng bawat kakailanganin ng mga anak ni Israel mula sa mga bagay-bagay kaugnay sa panrelihiyon at pangmundong buhay nila bilang isang pangaral para sa sinumang napangangaralan sa kanila at bilang isang masusing pagpapaliwanag sa mga patakarang nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag. Kaya kunin mo ang Torah na ito, O Moises, nang may pagkaseryoso at pagsisikhay. Mag-utos ka sa mga kalipi mo, ang mga anak ni Israel, na kunin nila ang pinakamagaling sa anumang nasa loob nito kabilang sa anumang ang pabuya ay pinakadakila gaya ng paggawa sa ipinag-uutos sa pinakalubos na paraang gaya ng pagtitiis at pagpapaumanhin. Ipakikita Ko sa inyo ang kahihinatnan ng sinumang sumalungat sa utos Ko at lumabas sa pagtalima sa Akin, at ang mangyayari sa kanya na kapahamakan at pagkawasak.
﴿سَأَصْرِفُ عَنْ آيَاتِيَ الَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَإِنْ يَرَوْا كُلَّ آيَةٍ لَا يُؤْمِنُوا بِهَا وَإِنْ يَرَوْا سَبِيلَ الرُّشْدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا وَإِنْ يَرَوْا سَبِيلَ الْغَيِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ﴾
Ibabaling Ko palayo sa pagsasaalang-alang sa mga tanda Ko sa mga abot-tanaw at mga tao at palayo sa pagkaintindi sa mga talata ng Aklat Ko ang mga nagmamataas sa mga lingkod Ko at sa katotohanan nang walang karapatan. Kung makikita nila ang bawat tanda ay hindi sila maniniwala rito dahil sa pagtutol nila rito at pag-ayaw nila rito at dahil sa pagsalangsang nila kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung makikita nila ang daan ng katotohanang nagpaparating sa kaluguran ni Allāh ay hindi nila tatahakin ito at hindi nila iibigin ito. Kung makikita nila ang daan ng kamalian at kaligawang nagpaparating sa pagkainis Ko ay tatahakin nila ito. Yaong dumapo sa kanila ay dumapo lamang sa kanila dahil sa pagpapasinungaling nila sa Aking mga dakilang tandang nagpapatunay sa katapatan ng anumang inihatid ng mga sugo, at dahil sa pagkalingat nila sa pagtingin doon.
﴿وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَلِقَاءِ الْآخِرَةِ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Naming nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo Namin at sa pakikipagtagpo sa Amin sa Araw ng Pagbangon ay nawalang-saysay ang mga gawa nila na kabilang sa uri ng mga pagtalima kaya naman hindi sila gagantimpalaan sa mga iyon dahil sa pagkawala ng kundisyon ng mga iyon; ang pananampalataya, at hindi sila gagantihan sa Araw ng Pagkabuhay maliban sa ginagawa nila noon na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya. Ang ganti roon ay ang pamamalagi sa Impiyerno.
﴿وَاتَّخَذَ قَوْمُ مُوسَىٰ مِنْ بَعْدِهِ مِنْ حُلِيِّهِمْ عِجْلًا جَسَدًا لَهُ خُوَارٌ ۚ أَلَمْ يَرَوْا أَنَّهُ لَا يُكَلِّمُهُمْ وَلَا يَهْدِيهِمْ سَبِيلًا ۘ اتَّخَذُوهُ وَكَانُوا ظَالِمِينَ﴾
Naglagay ang mga tao ni Moises, matapos ng pag-alis niya para sa pakikipagniig sa Panginoon niya, ng mga hiyas nila sa isang bulô na walang kaluluwa ngunit may tinig.
Hindi ba nila nalamang ang bulô na ito ay hindi nagsasalita sa kanila, hindi gumagabay sa kanila sa isang mabuting landas na pisikal o espirituwal, at hindi nagdudulot sa kanila ng pakinabang o nag-aalis sa kanila ng kapinsalaan? Ginawa nila itong isang sinasamba habang sila ay mga lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil doon.
﴿وَلَمَّا سُقِطَ فِي أَيْدِيهِمْ وَرَأَوْا أَنَّهُمْ قَدْ ضَلُّوا قَالُوا لَئِنْ لَمْ يَرْحَمْنَا رَبُّنَا وَيَغْفِرْ لَنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾
Noong nagsisi sila, nalito sila, at nalaman nilang sila ay naligaw nga palayo sa landasing tuwid sa pamamagitan ng paggawa nila sa bulô bilang isang sinasamba kasama kay Allāh, nagpakumbaba sila kay Allāh at nagsabi: "Talagang kung hindi naawa sa atin ang Panginoon Natin sa pamamagitan ng pagtutuon sa pagtalima sa Kanya at hindi nagpatawad sa atin sa ipinangahas natin laban sa Kanya sa pagsamba sa bulô, talagang tayo nga ay magiging kabilang sa mga nagpalugi sa pangmundong buhay nila at pangkabilang-buhay nila."
﴿وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِي مِنْ بَعْدِي ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى الْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ابْنَ أُمَّ إِنَّ الْقَوْمَ اسْتَضْعَفُونِي وَكَادُوا يَقْتُلُونَنِي فَلَا تُشْمِتْ بِيَ الْأَعْدَاءَ وَلَا تَجْعَلْنِي مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾
Noong bumalik si Moises sa mga tao niya mula sa pakikipagniig sa Panginoon niya, puno siya ng galit sa kanila at lungkot dahil sa natagpuan niya sa kanila na pagsamba sa bulô. Nagsabi siya: "Kaaba-aba ang kalagayang ipinanghalili ninyo sa akin, O mga kalipi, matapos ng pag-alis ko sa inyo, dahil sa ihahantong nito na kasawian at kalumbayan. Nagsawa ba kayo sa paghihintay sa akin kaya nangahas kayo ng pagsamba sa bulô?" Ibinato niya ang mga tablero dahil sa tindi ng galit at lungkot na dumapo sa kanya. Humawak siya sa ulo ng kapatid niyang si Aaron at balbas nito habang hinihila ito papunta sa kanya dahil sa pananatili nito sa kanila at hindi pagbabago nito sa nakita nito sa kanilang pagsamba sa bulô.
Nagsabi si Aaron habang humihingi ng paumanhin kay Moises habang nagsusumamo rito: "O anak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagpalagay na ako ay mahina kaya inaba nila ako at muntik na nilang akong mapatay kaya huwag mo akong parusahan ng isang kaparusahang magpapagalak sa mga kaaway ko at huwag mo akong gawing dahilan sa galit mo sa akin, na mapabilang sa mga tagalabag ng katarungan kabilang sa mga tao dahilan sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh."
﴿قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَلِأَخِي وَأَدْخِلْنَا فِي رَحْمَتِكَ ۖ وَأَنْتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ﴾
Kaya dumalangin si Moises sa Panginoon Niya: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at sa kapatid kong si Aaron. Papasukin Mo kami sa awa Mo at gawin Mo itong nakapaligid sa amin sa bawat dako yayamang Ikaw, O Panginoon namin, ay ang pinakamaawain sa amin kaysa sa bawat naaawa."
﴿إِنَّ الَّذِينَ اتَّخَذُوا الْعِجْلَ سَيَنَالُهُمْ غَضَبٌ مِنْ رَبِّهِمْ وَذِلَّةٌ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُفْتَرِينَ﴾
Tunay na ang mga gumawa sa bulô bilang isang diyos ay may dadapo sa kanilang isang matinding galit mula sa Panginoon nila at isang pagkahamak sa buhay na ito dahil sa pagpapagalit nila sa Panginoon nila at panghahamak nila sa Kanya. Sa pamamagitan ng tulad ng ganting ito gagantihan ni Allāh ang mga tagagawa-gawa ng kasinungalingan sa Kanya.
﴿وَالَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ ثُمَّ تَابُوا مِنْ بَعْدِهَا وَآمَنُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ﴾
Ang mga gumawa ng mga masagwang gawa gaya ng pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway, pagkatapos ay nagbalik-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kanya at pagtigil sa dati nilang ginagawang mga pagsuway, tunay na ang Panginoon mo, matapos ng pagbabalik-loob na ito at pagtalikod mula sa shirk patungo sa pananampalataya at mula sa mga pagsuway patungo sa pagtalima, ay talagang Mapagpatawad sa kanila sa pamamagitan ng pagtatakip at pagpapalampas, Maawain sa kanila.
﴿وَلَمَّا سَكَتَ عَنْ مُوسَى الْغَضَبُ أَخَذَ الْأَلْوَاحَ ۖ وَفِي نُسْخَتِهَا هُدًى وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ هُمْ لِرَبِّهِمْ يَرْهَبُونَ﴾
Noong tumahan mula kay Moises ang galit at napayapa siya, kinuha niya ang mga tablerong itinapon niya dahilan sa galit. Ang mga tablerong ito ay naglalaman ng patnubay laban sa pagkaligaw at ng paglilinaw sa katotohanan, at naglalaman ng awa para sa mga natatakot sa Panginoon nila at nangangamba sa parusa Niya.
﴿وَاخْتَارَ مُوسَىٰ قَوْمَهُ سَبْعِينَ رَجُلًا لِمِيقَاتِنَا ۖ فَلَمَّا أَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ قَالَ رَبِّ لَوْ شِئْتَ أَهْلَكْتَهُمْ مِنْ قَبْلُ وَإِيَّايَ ۖ أَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ السُّفَهَاءُ مِنَّا ۖ إِنْ هِيَ إِلَّا فِتْنَتُكَ تُضِلُّ بِهَا مَنْ تَشَاءُ وَتَهْدِي مَنْ تَشَاءُ ۖ أَنْتَ وَلِيُّنَا فَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا ۖ وَأَنْتَ خَيْرُ الْغَافِرِينَ﴾
Humirang si Moises ng pitumpong lalaking kabilang sa mga mainam sa mga kalipi niya upang humingi ng paumanhin sa Panginoon nila dahil sa ginawa ng mga hunghang nila na pagsamba sa bulô. Nangako si Allāh sa kanila ng isang tipanang pupuntahan nila. Noong nakapunta na sila ay naglakas-loob sila kay Allāh. Hiniling nila kay Moises na ipakita nito sa kanila si Allāh nang mata sa mata, kaya dinaklot sila ng lindol at nawalan sila ng malay dala ng hilakbot doon at nalipol sila. Kaya nagsumamo si Moises sa Panginoon niya at nagsabi: "O Panginoon ko, kung sakaling niloob Mo ang paglipol sa kanila at ang paglipol sa akin kasama nila bago ng pagdating nila ay talaga sanang nilipol Mo sila.
Lilipulin Mo ba kami dahilan sa ginawa ng mga mahina ang isip kabilang sa amin? Ang isinagawa ng mga kalipi ko na pagsamba sa bulô ay walang iba kundi isang pagsusulit Mo at pagsubok Mo, na pinaliligaw Mo sa pamamagitan niyon ang sinumang niloloob Mo at pinapatnubayan Mo ang sinumang niloloob Mo. Ikaw ay ang tagatangkilik sa kapakanan namin kaya magpatawad Ka sa Amin sa mga pagkakasala namin at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng awa Mong malawak yayamang Ikaw ang pinakamainam sa mga nagpatawad ng pagkakasala at nagpaumanhin ng kasalanan.
﴿۞ وَاكْتُبْ لَنَا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ إِنَّا هُدْنَا إِلَيْكَ ۚ قَالَ عَذَابِي أُصِيبُ بِهِ مَنْ أَشَاءُ ۖ وَرَحْمَتِي وَسِعَتْ كُلَّ شَيْءٍ ۚ فَسَأَكْتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالَّذِينَ هُمْ بِآيَاتِنَا يُؤْمِنُونَ﴾
Gawin Mo kaming kabilang sa mga pinarangalan Mo sa buhay na ito sa pamamagitan ng mga biyaya at kagalingan at mga itinuon Mo sa gawang matuwid, at kabilang sa mga pinaghandaan Mo ng Paraiso kabilang sa mga lingkod Mong matuwid sa Kabilang-buhay. Tunay na kami ay nagbalik-loob sa Iyo at nanumbalik na mga umaamin sa pagkukulang namin.
Nagsabi si Allāh: "Ang parusa Ko ay pinadadapo Ko sa sinumang niloloob Ko kabilang sa sinumang gumagawa ng mga kadahilanan ng kamiserablehan at ang awa Ko ay sumakop sa bawat bagay sa Mundo kaya walang nilikha malibang nakarating sa kanya ang awa Ko at pinuspos siya ng kabutihang-loob Ko at pagmamagandang-loob Ko.
Itatakda Ko ang awa Ko sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko, para sa mga nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga karapat-dapat sa mga ito, at para sa mga sumasampalataya sa mga tanda Ko."
﴿الَّذِينَ يَتَّبِعُونَ الرَّسُولَ النَّبِيَّ الْأُمِّيَّ الَّذِي يَجِدُونَهُ مَكْتُوبًا عِنْدَهُمْ فِي التَّوْرَاةِ وَالْإِنْجِيلِ يَأْمُرُهُمْ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَاهُمْ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُحِلُّ لَهُمُ الطَّيِّبَاتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيْهِمُ الْخَبَائِثَ وَيَضَعُ عَنْهُمْ إِصْرَهُمْ وَالْأَغْلَالَ الَّتِي كَانَتْ عَلَيْهِمْ ۚ فَالَّذِينَ آمَنُوا بِهِ وَعَزَّرُوهُ وَنَصَرُوهُ وَاتَّبَعُوا النُّورَ الَّذِي أُنْزِلَ مَعَهُ ۙ أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾
[Sila ay] ang mga sumusunod kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Siya ay ang Propetang iliteratong hindi nakababasa ni nakasusulat at pinagsiwalatan lamang ng Panginoon niya. Ang pangalan niya, ang mga katangian niya, at ang ibinaba sa kanya ay natatagpuan nilang nakasulat sa Torah na pinababa kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - at Ebanghelyo - na pinababa kay Hesus - sumakanya ang pangangalaga. Nag-uutos siya sa kanila ng anumang nalaman ang kagandahan nito at ang kabutihan nito. Sumasaway siya sa kanila ng anumang nalaman ang kapangitan nito sa mga tumpak na pag-iisip at matinong kalikasan ng pagkalalang. Nagpapahintulot siya para sa kanila ng mga minamasarap na mga walang kapinsalaang dulot na mga pagkain, mga inumin, at mga gawaing pangmag-asawa. Nagbabawal siya sa kanila ng mga itinuturing na karima-rimarim kabilang sa mga ito. Nag-aalis siya ng mga tungkuling mahirap na inaatang noon sa kanila gaya ng pagkatungkulin ng pagpatay sa pumatay, maging ang pagpatay man ay isang pananadya o isang pagkakamali.
Kaya ang mga sumampalataya sa kanya kabilang sa mga anak ni Israel at iba pa sa mga ito ay dumakila sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya laban sa umaaway sa kanya kabilang sa mga tumatangging sumampalataya, at sumunod sa Qur'ān na ibinaba sa kanya gaya ng liwanag na tagapagpatnubay ay ang mga iyon ang mga magtatagumpay na magtatamo ng hinihiling nila at makaiiwas sa pinangingilabutan nila."
﴿قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ جَمِيعًا الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ النَّبِيِّ الْأُمِّيِّ الَّذِي يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَكَلِمَاتِهِ وَاتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ﴾
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan, sa mga Arabe sa inyo at mga di-Arabe sa inyo. Ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at ukol sa Kanya ang paghahari sa lupa. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya - napakamaluwalhati Niya. Nagbibigay-buhay Siya sa mga patay at bumabawi Siya ng buhay ng mga buhay.
Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh at sumampalataya kayo kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa at hindi nakasusulat, na naghatid lamang ng isang pagsisiwalat na isiniwalat sa kanya ng Panginoon niya, na sumasampalataya kay Allāh at sumampalataya sa ibinaba sa kanya, at sa ibinaba sa mga propeta kabilang sa nauna sa kanya nang walang pagtatangi. Sundin ninyo siya sa inihatid niya mula sa Panginoon niya, sa pag-asang mapapatnubayan kayo tungo sa nagtataglay ng mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay."
﴿وَمِنْ قَوْمِ مُوسَىٰ أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ﴾
Kabilang sa mga tao ni Moises kabilang sa mga angkan ni Israel ay isang pangkat na matuwid sa Tumpak na Relihiyon, na gumagabay sa mga tao roon at humahatol ayon sa katarungan kaya hindi sila nakapang-aapi.
﴿وَقَطَّعْنَاهُمُ اثْنَتَيْ عَشْرَةَ أَسْبَاطًا أُمَمًا ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ إِذِ اسْتَسْقَاهُ قَوْمُهُ أَنِ اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانْبَجَسَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَشْرَبَهُمْ ۚ وَظَلَّلْنَا عَلَيْهِمُ الْغَمَامَ وَأَنْزَلْنَا عَلَيْهِمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ﴾
Hinati-hati Namin ang mga anak ni Israel sa labindalawang lipi. Nagsiwalat Kami kay Moises noong humiling sa kanya ang mga kalipi niya na manalangin siya kay Allāh na painumin sila. [Nag-utos si Allāh sa kanya]: "Hampasin mo, O Moises, ng tungkod mo ang bato." Kaya hinampas naman iyon ni Moises at may bumulwak mula roon na labindalawang bukal, ayon sa bilang ng labindalawang lipi nila. Nalaman nga ng bawat lipi nila ang inuman nitong nakalaan dito kaya walang nakikilahok dito na iba pang lipi. Nagpalilim Kami sa kanila ng mga ulap na umuusad sa pag-usad nila at tumitigil sa pagtigil nila. Nagbaba Kami sa kanila mula sa mga biyaya Namin ng matamis na inumin tulad ng pulut-pukyutan at munting ibong kaaya-aya ang karne na nakahahawig ng pugong labuyo. Nagsabi Kami sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo.
Hindi Kami nagkulang ng anuman sa naganap sa kanila na paglabag sa katarungan, kawalan ng utang na loob sa mga biyaya, at kawalan ng pagpapahalaga sa mga ito nang totoong pagpapahalaga, subalit sila ay sa mga sarili nila lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga bahagi ng mga ito nang dinala nila ito sa mga pinagmumulan ng kapahamakan dahil sa pagkagawa nila ng pagsuway sa utos ni Allāh at pagkakaila nila sa mga biyaya nila."
﴿وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ اسْكُنُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ وَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا حِطَّةٌ وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا نَغْفِرْ لَكُمْ خَطِيئَاتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ﴾
Banggitin mo, O Sugo ni Allāh, nang nagsabi si Allāh sa kanila: "Pumasok kayo sa Jerusalem. Kumain kayo mula sa mga bunga ng pamayanan niyon mula sa alinmang pook mula roon at sa alinmang oras ninyo loobin. Magsabi kayo: O Panginoon namin, alisin Mo sa amin ang mga kasalanan namin. Pumasok kayo sa pinto na mga nakayukod, na mga nagpapasakop sa Panginoon ninyo. Kung gagawin ninyo iyan, magpapalampas Kami sa mga pagkakasala ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagapagpaganda ng gawa ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay."
﴿فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَظْلِمُونَ﴾
Ngunit pinalitan ng mga lumabag sa katarungan kabilang sa mga iyon ang salitang ipinag-utos sa kanila at nagsabi sila: "Isang butil sa sebada," bilang isang panumbas sa ipinag-utos sa kanila na paghingi ng kapatawaran; at pinalitan nila ang gawaing ipinag-utos sa kanila at pumasok silang gumagapang nang patihaya sa halip ng pagpasok na mga nagpapasakop kay Allāh habang mga nakatalukbong ang mga ulo nila. Kaya nagpadala Kami sa kanila ng isang parusa mula sa langit dahilan sa paglabag nila sa katarungan.
﴿وَاسْأَلْهُمْ عَنِ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ حَاضِرَةَ الْبَحْرِ إِذْ يَعْدُونَ فِي السَّبْتِ إِذْ تَأْتِيهِمْ حِيتَانُهُمْ يَوْمَ سَبْتِهِمْ شُرَّعًا وَيَوْمَ لَا يَسْبِتُونَ ۙ لَا تَأْتِيهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ نَبْلُوهُمْ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ﴾
Tanungin mo, O Sugo, ang mga Hudyo bilang pagpapaalaala sa kanila sa pagparusa ni Allāh sa mga ninuno nila tungkol sa kasaysayan ng pamayanan noon na nasa malapit sa dagat nang lumampas sila sa hangganan ni Allāh dahil sa pangingisda nila sa araw ng Sabado matapos ng pagsaway sa kanila nang sinubok sila ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapunta sa kanila ng mga isda nang hayagan sa ibabaw ng dagat sa araw ng Sabado gayon sa ibang mga araw ay hindi naman pumupunta ang mga ito sa kanila. Sinubok sila ni Allāh niyon dahilan sa paglabas nila sa pagtalima sa Kanya at paggawa nila ng mga pagsuway. Nanlansi sila sa pangingisda sa pamamagitan ng pagtukod sa mga lambat nila at paghukay nila ng hukay nila kaya naman ang mga isda ay bumabagsak roon sa araw ng Sabado. Kapag araw ng Linggo ay kinukuha nila ang mga iyon at kinakain ang mga iyon.
﴿وَإِذْ قَالَتْ أُمَّةٌ مِنْهُمْ لِمَ تَعِظُونَ قَوْمًا ۙ اللَّهُ مُهْلِكُهُمْ أَوْ مُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ قَالُوا مَعْذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ﴾
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa kanila na sumasaway sa kanila laban sa nakasasamang ito at nagbibigay-babala sa kanila laban dito.
May nagsabi ritong iba pang pangkat: "Bakit kayo nagpapayo sa isang pangkat na si Allāh ay lilipol sa kanila sa Mundo dahil sa ginawang mga pagsuway o magpaparusa sa kanila ng isang matinding pagdurusa?" Nagsabi ang mga tagapagpayo: "Ang payo namin sa kanila ay upang mapawalang-sala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa amin na pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama upang hindi Niya kami sisihin sa pag-iwan niyon nang sa gayon sila ay makinabang sa pangaral at tatanggalin nila ang ginagawa nilang pagsuway."
﴿فَلَمَّا نَسُوا مَا ذُكِّرُوا بِهِ أَنْجَيْنَا الَّذِينَ يَنْهَوْنَ عَنِ السُّوءِ وَأَخَذْنَا الَّذِينَ ظَلَمُوا بِعَذَابٍ بَئِيسٍ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ﴾
Kaya noong umayaw ang mga sumusuway sa ipinaalaala sa kanila ng mga nangangaral at hindi tumigil, iniligtas Namin ang mga sumaway sa nakasasama mula sa pagdurusa at pinatawan Namin ang mga lumabag sa katarungan dahil sa paglabag sa [pagbabawal sa] pangingisda sa araw ng Sabado ng isang matinding pagdurusa dahilan sa paglabas nila sa pagtalima kay Allāh at pagpupumilit nila sa pagsuway.
﴿فَلَمَّا عَتَوْا عَنْ مَا نُهُوا عَنْهُ قُلْنَا لَهُمْ كُونُوا قِرَدَةً خَاسِئِينَ﴾
Kaya noong lumampas sila sa hangganan sa pagsuway kay Allāh dala ng pagmamalaki at pagmamatigas at hindi sila napangaralan, nagsabi Kami sa kanila: "O mga tagasuway, kayo ay maging mga unggoy na kaaba-aba," kaya sila ay naging gaya ng ninais Namin. Ang utos Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami ay na magsabi Kami rito ng mangyari at mangyayari.
﴿وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبْعَثَنَّ عَلَيْهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ يَسُومُهُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ الْعِقَابِ ۖ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ﴾
Banggitin mo, O Sugo, nang nagpahayag si Allāh ng isang pagpapahayag na tahasan, na walang kalituhan dito upang paghariin sa mga Hudyo ang aaba sa kanila at hahamak sa kanila sa buhay nila sa Mundo hanggang sa Araw ng Pagbangon.
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang mabilis ang pagpaparusa sa sinumang sumuway sa Kanya hanggang sa tunay na Siya ay maaaring magpaaga ng kaparusahan doon sa Mundo, ngunit tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
﴿وَقَطَّعْنَاهُمْ فِي الْأَرْضِ أُمَمًا ۖ مِنْهُمُ الصَّالِحُونَ وَمِنْهُمْ دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَبَلَوْنَاهُمْ بِالْحَسَنَاتِ وَالسَّيِّئَاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾
Pinaghati-hati Namin sila sa lupa at pinaggutay-gutay Namin sila rito para maging mga pangkat matapos na sila dati ay mga nagkakabuklod. Kabilang sa kanila ang mga matuwid na nagsasagawa sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga lingkod Niya, kabilang sa kanila ang mga nagpapakakatamtaman, at kabilang sa kanila ang mga nagmamalabis sa mga sarili nila sa pamamagitan ng mga pagsuway. Sinubok Namin sila sa pamamagitan ng kaginhawahan at kagipitan sa pag-asang manumbalik sila palayo sa dating kalagayan nila.
﴿فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ وَرِثُوا الْكِتَابَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا الْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِنْ يَأْتِهِمْ عَرَضٌ مِثْلُهُ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِمْ مِيثَاقُ الْكِتَابِ أَنْ لَا يَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ وَدَرَسُوا مَا فِيهِ ۗ وَالدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ﴾
Pagkatapos ay dumating matapos ng mga ito ang mga taong masama na humahalili sa mga ito. Kinuha nila ang Torah mula sa mga ninuno nila. Binibigkas nila ito ngunit hindi nila isinasagawa ang nilalaman nito. Kumukuha sila ng masamang pakinabang sa Mundo bilang panunuhol sa paglilihis nila sa kasulatan ni Allāh at paghatol sa hindi ayon sa ibinaba Niya rito. Pinagmimithi nila ang sarili nila na si Allāh ay magpapatawad sa kanila sa mga pagkakasala nila. Kapag may dumating sa kanilang isang makamundong pakinabang ay kinukuha nila ito nang paulit-ulit.
Hindi ba gumawa si Allāh ng mga kasunduan at mga tipan sa mga ito na huwag silang magsabi tungkol kay Allāh kundi katotohanan nang walang paglilihis o pagpapalit? Ang pag-iwan nila sa pagsasagawa ayon sa kasulatan ay hindi dala ng kamangmangan, bagkus dala ng kaalaman sapagkat nabasa nila ang nilalaman nito at nalaman ito, kaya ang pagkakasala nila ay higit na matindi.
Ang tahanang pangkabilang-buhay at ang anumang nasa tahanang pangkabilang-buhay na lugod ay namamalaging higit na mabuti kaysa sa naglalahong pakinabang na iyon para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Hindi ba nauunawaan nitong mga kumukuha ng katiting na pakinabang na ito na ang inihanda ni Allāh sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala ay higit na mabuti at higit na magtatagal?
﴿وَالَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِالْكِتَابِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُصْلِحِينَ﴾
Ang mga nakakapit sa kasulatan at gumagawa ayon dito, at nagpapanatili sa pagdarasal sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga oras nito, mga kundisyon nito, mga tungkulin dito, at mga sunnah nito ay gagantihan ni Allāh sa mga gawa nila sapagkat si Allāh ay hindi nagsasayang sa pabuya ng sinumang ang gawa niya ay matuwid.
﴿۞ وَإِذْ نَتَقْنَا الْجَبَلَ فَوْقَهُمْ كَأَنَّهُ ظُلَّةٌ وَظَنُّوا أَنَّهُ وَاقِعٌ بِهِمْ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاذْكُرُوا مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ﴾
Banggitin mo, O Muḥammad, noong binunot Namin ang bundok at inangat Namin ito sa ibabaw ng mga anak ni Israel noong tumanggi silang tanggapin ang nasa Torah. Ang bundok ay naging para bang isang ulap na lumilim sa mga ulo nila at natiyak nilang ito ay babagsak sa kanila.
Sinabi sa kanila: "Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may kaseryosohan at determinasyon at pakatandaan ninyo ang nilalaman nitong mga patakarang isinabatas ni Allāh para sa inyo at huwag ninyong kalimutan, sa pag-asang mangingilag kayong magkasala kay Allāh kapag isinagawa ninyo iyon."
﴿وَإِذْ أَخَذَ رَبُّكَ مِنْ بَنِي آدَمَ مِنْ ظُهُورِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَأَشْهَدَهُمْ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَلَسْتُ بِرَبِّكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ ۛ شَهِدْنَا ۛ أَنْ تَقُولُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ إِنَّا كُنَّا عَنْ هَٰذَا غَافِلِينَ﴾
Banggitin mo, O Muḥammad, noong pinalabas ng Panginoon mo mula sa mga gulugod ng mga anak ni Adan ang mga supling nila.
Pinaamin Niya sila sa pagkilala sa pagkapanginoon Niya sa pamamagitan ng inilagak Niya sa mga kalikasan ng pagkalalang sa kanila na pagkilala na Siya ay Tagapaglikha nila at Panginoon nila habang nagsasabi sa kanila: "Hindi ba Ako ay Panginoon ninyo?" Nagsabi naman silang lahat: "Opo; Ikaw ay Panginoon namin." Nagsabi Siya: "Sumubok lamang Kami sa inyo at gumawa Kami sa inyo ng isang tipan upang hindi ninyo ikaila sa Araw ng Pagbangon ang katwiran Namin sa inyo at magsabi kayo na wala kayong kaalaman doon."
﴿أَوْ تَقُولُوا إِنَّمَا أَشْرَكَ آبَاؤُنَا مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةً مِنْ بَعْدِهِمْ ۖ أَفَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ الْمُبْطِلُونَ﴾
O upang hindi ninyo ikatwiran na ang mga ninuno ninyo ay ang mga sumira sa kasunduan sapagkat nagtambal sila kay Allāh at na kayo noon ay mga tumutulad sa mga ninuno ninyo sa natagpuan ninyo sa kanila na shirk para magsabi kayo: "Kaya sisisihin Mo ba kami, O Panginoon namin, dahil sa ginawa ng mga ninuno naming nagpawalang-saysay sa mga gawa nila sa pamamagitan ng pagtatambal sa Iyo at parurusahan Mo kami? Walang pagkakasala sa amin dahil sa kamangmangan namin at paggaya namin sa mga ninuno namin."
﴿وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ وَلَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾
Gaya ng paglilinaw sa mga talata sa kahahantungan ng mga kalipunang nagpapasinungaling, gayon lilinawin iyon para sa mga ito sa pag-asang manumbalik sila palayo sa dating ginagawa nilang shirk patungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya - gaya ng nasaad sa kasunduang taimtim nilang ipinangako kay Allāh para sa mga sarili nila.
﴿وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ الَّذِي آتَيْنَاهُ آيَاتِنَا فَانْسَلَخَ مِنْهَا فَأَتْبَعَهُ الشَّيْطَانُ فَكَانَ مِنَ الْغَاوِينَ﴾
Bigkasin mo, O Sugo, sa mga anak ni Israel ang ulat tungkol sa isang lalaking kabilang sa kanila, na binigyan Namin ng mga tanda Namin kaya nalaman niya ang mga ito at naunawaan ang katotohanang ipinahiwatig ng mga ito ngunit hindi siya gumawa ayon sa mga ito at kumalas siya sa mga ito kaya nahabol siya ng demonyo at siya ay naging kasama niyon kaya naging kabilang siya sa mga naliligaw na masasawi matapos na siya naging kabilang sa mga napatnubayan na maliligtas sana.
﴿وَلَوْ شِئْنَا لَرَفَعْنَاهُ بِهَا وَلَٰكِنَّهُ أَخْلَدَ إِلَى الْأَرْضِ وَاتَّبَعَ هَوَاهُ ۚ فَمَثَلُهُ كَمَثَلِ الْكَلْبِ إِنْ تَحْمِلْ عَلَيْهِ يَلْهَثْ أَوْ تَتْرُكْهُ يَلْهَثْ ۚ ذَٰلِكَ مَثَلُ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ فَاقْصُصِ الْقَصَصَ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ﴾
Kung sakaling niloob Namin ang pagpapakinabang sa kanya sa pamamagitan ng mga tandang ito ay talaga sanang inangat Namin siya sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanya sa pagsasagawa ayon sa mga ito kaya aangat siya sa Mundo at Kabilang-buhay subalit siya ay pumili sa nagpahantong sa kanya sa kabiguan niya nang nahilig siya sa mga ninanasa sa mundo, na nakaaapekto ang buhay na pangmundo niya sa pangkabilang-buhay niya. Sinunod niya ang pinipithaya ng sarili niya na kawalang-kabuluhan, kaya ang paghahalintulad sa kanya sa katindihan ng pagkasigasig sa kamunduhan ay kahalintulad ng aso. Hindi ito tumitigil sa paglawit-lawit ng dila. Kung ito ay nakadapa, lumalawit-lawit ang dila. Kung binugaw ito, lumalawit-lawit ang dila.
Ang paghahalintulad na nabanggit na iyon ay ang paghahalintulad sa mga taong naliligaw dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga tanda Namin Kaya isalaysay mo, O Sugo, ang mga kasaysayan sa kanila, sa pag-asang mag-iisip-isip sila para mapigilan sila sa ginagawa nilang pagpapasinungaling at kaligawan.
﴿سَاءَ مَثَلًا الْقَوْمُ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَأَنْفُسَهُمْ كَانُوا يَظْلِمُونَ﴾
Wala ng hihigit pa sa kasagwaan ng mga taong nagpasinungaling sa mga katwiran Namin at mga patotoo Namin at hindi naniwala sa mga ito. Sila dahil doon ay lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagpapapunta sa mga ito sa mga puntahan ng kapahamakan.
﴿مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِي ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ﴾
Ang sinumang itinuon ni Allāh sa patnubay tungo sa landasin Niyang tuwid, siya ay ang napapatnubayan nang totohanan. Ang mga pinalayo Niya sa landasing tuwid, ang mga iyon ay ang nagbabawas sa mga sarili nila ng mga bahagi nila nang totohanan. Yaong nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon, hindi ba iyon ang pagkaluging malinaw?
﴿وَلَقَدْ ذَرَأْنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرًا مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ ۖ لَهُمْ قُلُوبٌ لَا يَفْقَهُونَ بِهَا وَلَهُمْ أَعْيُنٌ لَا يُبْصِرُونَ بِهَا وَلَهُمْ آذَانٌ لَا يَسْمَعُونَ بِهَا ۚ أُولَٰئِكَ كَالْأَنْعَامِ بَلْ هُمْ أَضَلُّ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْغَافِلُونَ﴾
Talaga ngang lumikha Kami para sa Impiyerno ng marami sa jinn at marami sa tao dahil sa pagkakaalam Namin na sila ay gagawa ng gawain ng karapat-dapat doon. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakatatalos sa pamamagitan ng mga ito ng magpapakinabang sa kanila ni ng mamiminsala sa kanila. Mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh sa mga sarili nila at mga abot tanaw upang magsaalang-alang sila sa pamamagitan ng mga ito. Mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh upang pagbubulay-bulayan ito. Ang mga nagtataglay na iyon ng mga katangiang ito ay tulad ng mga hayupan sa pagkawala ng isip, bagkus sila ay higit na malayo sa pagkaligaw kaysa sa mga hayupan. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat sa pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw.
﴿وَلِلَّهِ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ فَادْعُوهُ بِهَا ۖ وَذَرُوا الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي أَسْمَائِهِ ۚ سَيُجْزَوْنَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
Taglay ni Allāh - napakamaluwalhati Niya - ang mga pangalang napakagagandang nagpapatunay sa pagkapinagpipitaganan Niya at kalubusan Niya kaya magsumamo kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito sa paghiling ng ninanais ninyo at magbunyi kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga kumikiling palayo sa katotohanan kaugnay sa mga pangalang ito sa pamamagitan ng pagtatalaga sa mga ito sa iba pa kay Allāh o pagkakaila sa mga ito sa Kanya o paglilihis sa kahulugan ng mga ito o pagwawangis ng iba pa sa Kanya sa mga ito. Gagantihan ni Allāh ang mga lumilihis sa mga ito palayo sa katotohanan: ang pagdurusang nakasasakit dahil sa ginagawa nila noon.
﴿وَمِمَّنْ خَلَقْنَا أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ﴾
Kabilang sa nilikha Namin ay isang pangkat na napatnubayan sa mga sarili nila ayon sa katotohanan, nag-aanyaya tungo rito sa iba pa sa kanila at napapatnubayan naman ang mga ito, at humahatol ayon dito sa pamamagitan ng katarungan kaya hindi sila nang-aapi.
﴿وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُمْ مِنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ﴾
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at hindi sumampalataya sa mga ito, bagkus ay nagkaila sa mga ito, bubuksan Namin para sa kanila ang mga pinto ng panustos hindi bilang pagpaparangal sa kanila, bagkus para painan sila upang magpatuloy sila sa pagkaligaw na kinasasadlakan nila. Pagkatapos ay dadapo sa kanila ang parusa Namin sa sandali ng pagkalingat.
﴿وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ﴾
Ipahuhuli sa kanila ang kaparusahan hanggang sa akalain nilang sila ay hindi mga parurusahan para magpatuloy sila sa pagpapasinungaling nila at kawalang-pananampalataya nila hanggang sa pag-ibayuhin sa kanila ang pagdurusa. Tunay na ang pakana Ko ay malakas sapagkat nagpapakita Ako sa kanila ng pagmamagandang-loob samantalang nagnanais Ako sa kanila ng pagkakanulo.
﴿أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا ۗ مَا بِصَاحِبِهِمْ مِنْ جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾
Hindi ba nag-isip-isip ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh at sa Sugo Niya para paganahin nila ang mga isip nila upang lumiwanag sa kanila na si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay hindi isang baliw? Siya ay isang Sugo mula kay Allāh lamang. Ipinadala siya bilang isang tagapagbigay-babala laban sa parusa ni Allāh ayon sa isang pagbibigay-babalang malinaw.
﴿أَوَلَمْ يَنْظُرُوا فِي مَلَكُوتِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا خَلَقَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ وَأَنْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ قَدِ اقْتَرَبَ أَجَلُهُمْ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ﴾
Hindi ba tumingin ang mga ito nang pagtingin ng pagsasaalang-alang sa paghahari ni Allāh sa mga langit at lupa, ni tumingin sa nilikha ni Allāh sa mga ito na hayop, halaman, at iba pa sa mga ito, ni tumingin sa mga taning nila na marahil ang wakas ng mga ito ay nalapit na para magbalik-loob sila bago mahuli ang lahat? Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa Qur'ān at anumang nilalaman nito na pangako at banta, sa aling aklat na iba pa rito sumasampalataya sila?
﴿مَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَا هَادِيَ لَهُ ۚ وَيَذَرُهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ﴾
Ang sinumang binigo ni Allāh sa patnubay sa katotohanan at pinaligaw Niya palayo sa landasing tuwid ay walang tagapagpatnubay para sa kanya na magpapatnubay tungo roon. Hinahayaan Niya sila sa pagkaligaw nila at kawalang-pananampalataya nila habang nalilito nang hindi napapatnubayan tungo sa anuman.
﴿يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ رَبِّي ۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقْتِهَا إِلَّا هُوَ ۚ ثَقُلَتْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا تَأْتِيكُمْ إِلَّا بَغْتَةً ۗ يَسْأَلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنْهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ﴾
Tinatanong ka ng mga nagpapasinungaling na nanlilitu-lito tungkol sa [Araw ng] Pagbangon: sa aling oras magaganap ito at mapagtitibay ang kaalaman hinggil dito? Sabihin mo, O Muḥammad: "Ang kaalaman dito ay wala sa ganang akin ni sa ganang iba pa sa akin. Ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang - tanging sa Kanya. Walang maglalantad dito sa oras nitong itinakda kundi si Allāh. Naikubli ang usapin ng paglantad nito sa mga naninirahan sa mga langit at mga naninirahan sa lupa. Hindi ito darating sa inyo malibang biglaan." Tinatanong ka nila tungkol sa Huling Sandali na para bang ikaw ay masigasig sa pag-alam tungkol dito. Hindi nila nalaman na ikaw ay hindi tinatanong tungkol dito dahil sa kalubusan ng kaalaman mo sa Panginoon mo. Sabihin mo, O Muḥammad: "Ang kaalaman dito ay nasa Panginoon ko lamang - tanging sa Kanya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon."
﴿قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ ۚ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾
Sabihin mo, O Muḥammad: "Hindi ko nakakayang magdulot ng kabutihan para sa sarili ko ni magpawi ng kasamaan malibang niloob ni Allāh. Iyon ay kay Allāh lamang. Wala akong nalalaman maliban sa itinuro sa akin ni Allāh kaya hindi ko nalalaman ang Lingid.
Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talaga sanang gumawa ako ng mga kadahilanang nalalaman ko na ang mga ito ay magdudulot sa akin ng mga kapakanan at magtutulak palayo sa akin ng mga kasiraan dahil sa pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay bago ng pangyayari ng mga ito at sa pagkakaalam ko sa anumang kahahantungan ng mga ito. Ako ay walang iba kundi isang Sugo mula sa ganang kay Allāh. Nagpapangamba ako ng parusa Niyang masakit. Nagbabalita ako ng nakalulugod na gantimpala Niyang marangal sa mga taong sumasampalatayang ako ay isang Sugo mula sa Kanya at naniniwala sa anumang inihatid ko."
﴿۞ هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ وَجَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا لِيَسْكُنَ إِلَيْهَا ۖ فَلَمَّا تَغَشَّاهَا حَمَلَتْ حَمْلًا خَفِيفًا فَمَرَّتْ بِهِ ۖ فَلَمَّا أَثْقَلَتْ دَعَوَا اللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنْ آتَيْتَنَا صَالِحًا لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ﴾
Siya ay ang nagpairal sa inyo, O mga lalaki at mga babae, mula sa iisang kaluluwa, si Adan - sumakanya ang pangangalaga -, at lumikha mula kay Adan - sumakanya ang pangangalaga - ng maybahay nitong si Eva, at lumikha kay Eva mula sa tadyang nito upang makapalagayang-loob niya at mapanatag sa kanya. Kaya noong nilukuban ng asawa ang maybahay nito ay nagbuntis iyon ng isang magaang pagbubuntis na hindi nararamdaman niyon dahil ito ay sa simula nito. Nagpatuloy iyon sa pagbubuntis na ito habang nagtuluy-tuloy sa mga pangangailangan niyon nang hindi nakadarama ng kabigatan.
Ngunit noong nabigatan na iyon dito nang lumaki ito sa tiyan, nanalangin ang mag-asawa sa Panginoon nilang dalawa habang mga nagsasabi: "Talagang kung bibigyan Mo kami, O Panginoon namin, ng isang anak na matuwid ang pagkalikha, na lubos dito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat sa mga biyaya Mo."
﴿فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾
Ngunit noong tinugon ni Allāh ang panalangin nilang dalawa at binigyan ng isang anak na matuwid gaya ng ipinanalangin nilang dalawa kay Allāh ay gumawa silang dalawa para kay Allāh ng mga katambal kaugnay sa ipinagkaloob Niya sa kanilang dalawa. Pinangalanan nilang dalawa ang anak nilang dalawa ng pagkaalipin sa iba pa sa Kanya. Pinangalanan nilang dalawa ito na `Abdul-Ḥārith (Alipin ni Ḥārith), ngunit pagkataas-taas ni Allāh at nagpakalayu-layo sa bawat katambal sapagkat Siya ay ang namumukod sa pagkapanginoon at pagkadiyos.
﴿أَيُشْرِكُونَ مَا لَا يَخْلُقُ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ﴾
Ginagawa ba nila ang mga anitong ito at iba pa sa mga ito bilang mga katambal kay Allāh sa pagsamba samantalang sila ay nakaaalam na ang mga ito ay hindi lumilikha ng anuman para maging karapat-dapat ang mga ito sa pagsamba? Bagkus ang mga ito ay mga nilikha, kaya papaano silang gumagawa sa mga ito bilang mga katambal kay Allāh?
﴿وَلَا يَسْتَطِيعُونَ لَهُمْ نَصْرًا وَلَا أَنْفُسَهُمْ يَنْصُرُونَ﴾
Hindi nakakaya ng mga sinasambang ito ang pag-aadya sa mga sumasamba sa mga ito, ni nakakaya ng mga ito ang pag-aadya sa mga sarili ng mga ito, kaya papaanong sumasamba sila sa mga ito?
﴿وَإِنْ تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمْ ۚ سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ أَدَعَوْتُمُوهُمْ أَمْ أَنْتُمْ صَامِتُونَ﴾
Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anitong ito na ginagawa ninyo bilang mga diyos bukod pa kay Allāh tungo sa patnubay ay hindi tutugon ang mga ito sa pag-anyaya ninyo at hindi susunod sa inyo sapagkat magkatulad sa ganang mga ito ang pag-anyaya ninyo sa mga ito at ang pananahimik ninyo sa mga ito dahil ang mga ito ay payak na mga walang-buhay: hindi nag-iisip ang mga ito ni nagsasalita.
﴿إِنَّ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ عِبَادٌ أَمْثَالُكُمْ ۖ فَادْعُوهُمْ فَلْيَسْتَجِيبُوا لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾
Tunay na ang mga sinasamba ninyo, O mga tagapagtambal, bukod pa kay Allāh ay mga nilikha ni Allāh, na mga pagmamay-ari Niya. Siya ay mga tulad ninyo roon bagamat kayo ay higit na mainam sa kalagayan dahil kayo ay mga buhay na nagsasalita, naglalakad, nakaririnig, at nakakikita samantalang ang mga anito ay hindi gayon. Kaya manalangin nga kayo sa kanila at gumanti nga sila ng sagot kung kayo ay mga nagpapakatotoo.
﴿أَلَهُمْ أَرْجُلٌ يَمْشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَيْدٍ يَبْطِشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَعْيُنٌ يُبْصِرُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۗ قُلِ ادْعُوا شُرَكَاءَكُمْ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنْظِرُونِ﴾
Itong mga anitong ginawa ninyong mga diyos ay mayroon bang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito kaya magtatrabaho sa mga pangangailangan ninyo, o mayroon silang mga kamay na tumutulak sila sa inyo sa pamamagitan ng mga ito nang malakas, o mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakalingid sa inyo kaya magpapabatid sila sa inyo, o mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakakubli sa kanila kaya magpaparating sila ng kaalaman dito sa inyo? Kung ang mga ito ay mga salat doon sa lahat ng iyon, papaanong sinasamba ninyo ang mga ito sa pag-asang magtamo ng pakinabang at magtulak ng pinsala? Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin nga kayo sa mga ipinantay ninyo kay Allāh. Pagkatapos ay manlansi nga kayo para pinasalin ako at huwag kayong magpalugit sa akin."
﴿إِنَّ وَلِيِّيَ اللَّهُ الَّذِي نَزَّلَ الْكِتَابَ ۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى الصَّالِحِينَ﴾
Tunay na ang Mapag-adya sa akin at ang Tagatulong sa akin ay si Allāh na nangangalaga sa akin kaya hindi ako umaasa sa iba pa sa Kanya at hindi ako nangangamba sa anuman sa mga anito ninyo sapagkat Siya ay ang nagpababa sa akin ng Qur'ān bilang patnubay sa mga tao at Siya ay tumatangkilik sa mga matuwid kabilang sa mga lingkod Niya at nag-iingat sa kanila.
﴿وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَكُمْ وَلَا أَنْفُسَهُمْ يَنْصُرُونَ﴾
Ang mga dinadalanginan ninyo, O mga tagapagtambal, kabilang sa mga anitong ito ay hindi nakakakaya sa pag-adya sa inyo at hindi nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila sapagkat sila ay mga walang-kakayahan. Kaya papaanong dumadalangin kayo sa kanila sa halip kay Allāh?
﴿وَإِنْ تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَسْمَعُوا ۖ وَتَرَاهُمْ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ وَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ﴾
Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anito ninyong sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh tungo sa pagpapakatuwid ay hindi sila makaririnig sa paanyaya ninyo. Napagmamasdan mo silang humaharap sa iyo nang may mga matang iginuhit gayong ang mga ito ay mga walang-buhay na hindi nakakikita sapagkat sila nga noon ay niyayari bilang mga rebulto ayon sa anyo ng mga anak ni Adan o ng mga hayop. Ang mga ito ay may mga kamay, mga paa, at mga mata subalit ang mga ito ay walang-kaluluwa, walang buhay, at walang pagkilos.
﴿خُذِ الْعَفْوَ وَأْمُرْ بِالْعُرْفِ وَأَعْرِضْ عَنِ الْجَاهِلِينَ﴾
Tumanggap ka, O Sugo, mula sa mga tao, ng ipinahintulot ng mga sarili nila at ng naging madali sa kanila na mga gawain at mga kaasalan. Huwag mo silang atangan ng hindi ipinahihintulot ng mga kalikasan nila sapagkat tunay na iyon ay maglalayo ng loob nila. Mag-utos ka ng bawat pananalitang maganda at gawaing mahusay. Umayaw ka sa mga mangmang kaya huwag mong harapin sila sa kamangmangan nila. Ang sinumang nanakit sa iyo ay huwag mong saktan. Ang sinumang nagkait sa iyo ay huwag mong pagkaitan.
﴿وَإِمَّا يَنْزَغَنَّكَ مِنَ الشَّيْطَانِ نَزْغٌ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ ۚ إِنَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾
Kapag naramdaman mo, O Sugo, na ang demonyo ay nagpapatama sa iyo ng isang panunulsol o isang pagsagabal sa paggawa ng kabutihan ay dumulog ka kay Allāh at mangunyapit ka sa Kanya sapagkat tunay na Siya ay Madinigin sa anumang sinasabi mo, Maalam sa pagdulog mo kaya ipagsasanggalang ka Niya laban sa demonyo.
﴿إِنَّ الَّذِينَ اتَّقَوْا إِذَا مَسَّهُمْ طَائِفٌ مِنَ الشَّيْطَانِ تَذَكَّرُوا فَإِذَا هُمْ مُبْصِرُونَ﴾
Tunay na ang mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kapag pinatamaan sila ng isang panunulsol mula sa demonyo at nagkasala sila, ay nag-aalaala sila sa kadakilaan ni Allāh, parusa Niya sa mga tagasuway, at gantimpala Niya sa mga tagatalima. Nagsisisi sila mula sa mga pagkakasala nila, nagbabalik-loob sila sa Panginoon nila, kaya biglang sila ay nagpakatatag sa katotohanan, natauhan sa dating kalagayan nila, at tumigil.
﴿وَإِخْوَانُهُمْ يَمُدُّونَهُمْ فِي الْغَيِّ ثُمَّ لَا يُقْصِرُونَ﴾
Ang mga kapatid ng mga demonyo kabilang sa mga masamang-loob at mga tagatangging sumampalataya ay hindi tinitigilan ng mga demonyo sa pagdagdag ng kaligawan sa pamamagitan ng isang pagkakasala matapos ng isang pagkakasala. Hindi nagpipigil ang mga demonyo sa paglisya at pagpapaligaw, ni ang mga masamang-loob kabilang sa tao sa pagpapaakay at paggawa ng kasamaan.
﴿وَإِذَا لَمْ تَأْتِهِمْ بِآيَةٍ قَالُوا لَوْلَا اجْتَبَيْتَهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ مِنْ رَبِّي ۚ هَٰذَا بَصَائِرُ مِنْ رَبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾
Kapag naghatid ka, O Sugo, ng isang tanda ay nagpapasinungaling sila sa iyo at umaayaw roon. Kung hindi ka nagdala sa kanila ng isang tanda ay magsasabi sila: "Bakit hindi ka kasi umimbento ng isang talata mula sa ganang iyo at gumawa-gawa nito.
" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ukol sa akin na maghatid ng isang talata mula sa pagkukusa ng sarili ko at wala akong sinusunod kundi ang isinisiwalat ni Allāh sa akin, itong Qur'ān na binibigkas ko sa inyo bilang mga katwiran at mga patotoo mula kay Allāh, ang Tagapaglikha ninyo at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan ninyo, at bilang paggagabay at awa para sa mga mananampalataya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang mga hindi mananampalataya naman, sila ay mga naliligaw at mga miserable."
﴿وَإِذَا قُرِئَ الْقُرْآنُ فَاسْتَمِعُوا لَهُ وَأَنْصِتُوا لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ﴾
Kapag binigkas ang Qur’ān ay makinig kayo sa pagbigkas nito, huwag kayong magsalita, at huwag kayong magpakaabala sa iba pa rito, nang sa gayon kayo ay kaaawaan ni Allāh.
﴿وَاذْكُرْ رَبَّكَ فِي نَفْسِكَ تَضَرُّعًا وَخِيفَةً وَدُونَ الْجَهْرِ مِنَ الْقَوْلِ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ وَلَا تَكُنْ مِنَ الْغَافِلِينَ﴾
Alalahanin mo, O Sugo, si Allāh, ang Panginoon mo, habang nagpapakumbaba at nangangamba. Gawin mo ang panalangin mo na katamtaman sa pagitan ng pag-aangat ng tinig at pagpapababa nito sa simula ng maghapon at katapusan nito dahil sa kainaman ng dalawang oras na ito. Huwag kang maging kabilang sa mga nakalilingat sa pag-alaala kay Allāh - pagkataas-taas Niya.
﴿إِنَّ الَّذِينَ عِنْدَ رَبِّكَ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَيُسَبِّحُونَهُ وَلَهُ يَسْجُدُونَ ۩﴾
Tunay na ang mga nasa piling ng Panginoon mo, O Sugo, na mga anghel ay hindi nagmamataas [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya - napakamaluwalhati Niya, bagkus ay nagpapaakay doon habang mga nagpapakumbaba nang hindi nananamlay habang sila ay nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh sa gabi at araw ng anumang hindi nababagay sa Kanya. Sa Kanya - tanging sa Kanya - nagpapatirapa sila.
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة الأعراف : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة الأعراف : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة الأعراف : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة الأعراف : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة الأعراف : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة الأعراف : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة الأعراف : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة الأعراف : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة الأعراف : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة الأعراف : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة الأعراف : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة الأعراف : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة الأعراف : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة الأعراف : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة الأعراف : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة الأعراف : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الأعراف : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الأعراف : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة الأعراف : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة الأعراف : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة الأعراف : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة الأعراف : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة الأعراف : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة الأعراف : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة الأعراف : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة الأعراف : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الأعراف : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الأعراف : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الأعراف : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الأعراف : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة الأعراف : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة الأعراف : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة الأعراف : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة الأعراف : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة الأعراف : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة الأعراف : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة الأعراف : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة الأعراف : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة الأعراف : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة الأعراف : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة الأعراف : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة الأعراف : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة الأعراف : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة الأعراف : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة الأعراف : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة الأعراف : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة الأعراف : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة الأعراف : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة الأعراف : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الأعراف : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الأعراف : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة الأعراف : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الأعراف : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الأعراف : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة الأعراف : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة الأعراف : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة الأعراف : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة الأعراف : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة الأعراف : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة الأعراف : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة الأعراف : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الأعراف : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الأعراف : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة الأعراف : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة الأعراف : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة الأعراف : الترجمة الصينية 中文 - الصينية