الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ قَدْ سَمِعَ اللَّهُ قَوْلَ الَّتِي تُجَادِلُكَ فِي زَوْجِهَا وَتَشْتَكِي إِلَى اللَّهِ وَاللَّهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَا ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ﴾
Narinig nga ni Allāh ang pananalita ng babae (si Khawlah bint Tha`labah) na sumasangguni sa iyo, O Sugo, kaugnay sa asawa niya (si Aws bin Aṣ-Ṣāmit) noong nagsagawa ito sa kanya ng diborsiyong dhihār (paghahalintulad sa maybahay sa ina ng asawa), at dumaraing kay Allāh ng ginawa sa kanya ng asawa niya. Si Allāh ay nakaririnig sa pagsasanggunian ninyong dalawa sa pag-uusap; walang naikukubli kay Allāh mula roon na anuman. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga ginagawa nila: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman.
﴿الَّذِينَ يُظَاهِرُونَ مِنْكُمْ مِنْ نِسَائِهِمْ مَا هُنَّ أُمَّهَاتِهِمْ ۖ إِنْ أُمَّهَاتُهُمْ إِلَّا اللَّائِي وَلَدْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَيَقُولُونَ مُنْكَرًا مِنَ الْقَوْلِ وَزُورًا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ﴾
Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila sa pamamagitan ng pagsabi ng isa sa kanila sa maybahay niya: "Ikaw para sa akin ay gaya ng likod ng ina ko" ay nagsinungaling sa pagsasabi nilang ito sapagkat ang mga maybahay nila ay hindi mga ina nila. Ang mga ina nila ay ang mga nagsilang lamang sa kanila. Tunay na sila, yayamang nagsasabi sila ng sinabing iyon, ay talagang nagsasabi ng isang sinasabing karumal-dumal at isang kasinungalingan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad sapagkat nagsabatas Siya para sa kanila ng panakip-sala bilang isang pagpapalaya para sa kanila mula sa kasalanan.
﴿وَالَّذِينَ يُظَاهِرُونَ مِنْ نِسَائِهِمْ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُوا فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۚ ذَٰلِكُمْ تُوعَظُونَ بِهِ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ﴾
Ang mga nagsasabi ng karumal-dumal na sinasabing ito, pagkatapos ay nagnanais sila ng pakikipagtalik sa pinagsagawaan nila ng dhihār sa mga iyon, kailangan sa kanila na magtakip-sala sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang alipin bago sila makipagtalik sa mga iyon. Ang kahatulang nabanggit na iyon ay ipinag-uutos sa inyo bilang isang pagsawata para sa inyo sa pagsasagawa ng dhihār. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman.
﴿فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۖ فَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَإِطْعَامُ سِتِّينَ مِسْكِينًا ۚ ذَٰلِكَ لِتُؤْمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ ۗ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾
Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo kabilang sa inyo ng isang aliping mapalalaya niya ay kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunod bago siya makipagtalik sa maybahay niyang nagsagawa siya ng dhihār doon; ngunit ang sinumang hindi nakakaya ng pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunod ay kailangan sa kanya ang pagpapakain ng animnapung dukha. Ang kahatulang iyon na inihatol ay upang sumampalataya kayo na si Allāh ay nag-utos nito kaya sumunod kayo sa utos Niya. Ang mga kahatulang iyon na isinabatas ni Allāh para sa inyo ay mga hangganan niya na itinakda Niya para sa mga lingkod Niya kaya huwag kayong lumampas sa mga ito. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa mga kahatulan ni Allāh at mga hangganan Niyang itinakda Niya ay isang pagdurusang nakasasakit.
﴿إِنَّ الَّذِينَ يُحَادُّونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ كُبِتُوا كَمَا كُبِتَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ وَقَدْ أَنْزَلْنَا آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۚ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ مُهِينٌ﴾
Tunay na ang mga nangangaway kay Allāh at sa Sugo Niya ay dudustain at hihiyain kung paanong dinusta ang mga nangaway sa Kanya kabilang sa mga kalipunang nauna at hiniya sila. Nagbaba nga Kami ng mga tandang maliliwanag. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa mga tanda Niya ay isang pagdurusang mandudusta.
﴿يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ أَحْصَاهُ اللَّهُ وَنَسُوهُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ﴾
Sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan ay hindi Siya mag-iiwan sa kanila ng isa man at saka magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila sa Mundo na mga gawang pangit. Mag-iisa-isa niyon si Allāh sa kanila sapagkat walang makalulusot mula sa mga gawain nila na anuman. Lumimot niyon sila ngunit matatagpuan nila iyon na nakasulat sa mga talaan nila na hindi nag-iiwan ng maliit ni ng malaki malibang inisa-isa ng mga ito iyon. Si Allāh sa bawat bagay ay nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman.
﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِنْ نَجْوَىٰ ثَلَاثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَا أَدْنَىٰ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾
Hindi mo ba napag-alaman, O Sugo, na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa? Walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito.
Hindi nangyayaring may pag-uusap ng tatlo nang palihim malibang Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang ikaapat sa kanila sa kaalaman Niya, hindi nangyayaring may pag-uusap ng lima nang palihim malibang Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang ikaanim sa kanila sa kaalaman Niya, ni ng higit na kaunti kaysa sa bilang na iyon ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila sa kaalaman Niya nasaan man sila. Walang naikukubli sa Kanya mula sa pag-uusap nila na anuman. Pagkatapos ay magpapabatid sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman.
﴿أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ نُهُوا عَنِ النَّجْوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُوا عَنْهُ وَيَتَنَاجَوْنَ بِالْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُولِ وَإِذَا جَاءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ اللَّهُ وَيَقُولُونَ فِي أَنْفُسِهِمْ لَوْلَا يُعَذِّبُنَا اللَّهُ بِمَا نَقُولُ ۚ حَسْبُهُمْ جَهَنَّمُ يَصْلَوْنَهَا ۖ فَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾
Hindi ka ba tumingin, O Sugo, sa mga Hudyong nag-uusapan nang sarilinan kapag nakakita sila ng isang mananampalataya kaya sinaway sila ni Allāh laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos sila ay nanunumbalik sa sinaway sa kanila ni Allāh at nag-uusapan nang sarilinan sa gitna nila hinggil sa may dulot na kasalanan tulad ng panlilibak sa mga mananampalataya, hinggil sa may dulot na pangangaway sa mga ito, at hinggil sa may dulot na pagsuway sa Sugo? Kapag pumunta sila sa iyo, O Sugo, ay bumabati sila sa iyo ng isang pagbating hindi ibinabati sa iyo ni Allāh - ang pagsasabi nila ng Assāmu `alayka, na nilalayon nila ang kamatayan - at nagsasabi sila bilang pagpapasinungaling sa Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Bakit kaya hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin yayamang kung sakaling siya ay naging tapat sa pag-aangkin niya na siya ay isang propeta, talaga sanang pinagdusa tayo ni Allāh dahil sa sinasabi natin hinggil sa kanya?" Sasapat sa kanila ang Impiyerno bilang parusa sa sinabi nila. Daranas sila ng init niyon, kaya kay pangit na kahahantungan ang kahahantungan nila!
﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا تَنَاجَيْتُمْ فَلَا تَتَنَاجَوْا بِالْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُولِ وَتَنَاجَوْا بِالْبِرِّ وَالتَّقْوَىٰ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ﴾
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong mag-usap-usap nang sarilinan hinggil sa may dulot na kasalanan o pangangaway o pagsuway sa Sugo upang hindi kayo maging tulad ng mga Hudyo. Mag-usap-usap kayo nang sarilinan hinggil sa may dulot ng pagtalima kay Allāh at pagpipigil sa pagsuway sa kanya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat sa Kanya - tanging sa Kanya - kayo titipunin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
﴿إِنَّمَا النَّجْوَىٰ مِنَ الشَّيْطَانِ لِيَحْزُنَ الَّذِينَ آمَنُوا وَلَيْسَ بِضَارِّهِمْ شَيْئًا إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ﴾
Ang [masamang] sarilinang pag-uusap - na naglalaman ng kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo - ay mula sa pang-aakit ng demonyo lamang at panunulsol nito sa mga katangkilik nito upang pumasok ang lungkot sa mga mananampalataya [sa pag-aakala ] na sila ay ginagawan ng pakana. Ang demonyo ni ang pang-aakit nito ay hindi makapipinsala sa mga mananampalataya sa anuman malibang ayon sa kalooban ni Allāh at pagnanais Niya. Kay Allāh sumandig ang mga mananampalataya sa lahat ng mga nauukol sa kanila.
﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا قِيلَ لَكُمْ تَفَسَّحُوا فِي الْمَجَالِسِ فَافْسَحُوا يَفْسَحِ اللَّهُ لَكُمْ ۖ وَإِذَا قِيلَ انْشُزُوا فَانْشُزُوا يَرْفَعِ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَالَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ دَرَجَاتٍ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ﴾
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag sinabi sa inyo na magpakaluwang kayo sa mga pagtitipon ay magpaluwang kayo sa mga iyon; magpapaluwag si Allāh para sa inyo sa buhay ninyong sa Mundo at sa Kabilang-buhay.
Kapag sinabi sa inyo na bumangon kayo sa ilan sa mga pagtitipon upang umupo sa mga iyon ang mga may kalamangan ay bumangon kayo sa mga iyon; mag-aangat ng mga antas na sukdulan si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at sa mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga iyon.
﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَاجَيْتُمُ الرَّسُولَ فَقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾
O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo ng pakikipaglihiman sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng pakikipaglihiman ninyo, ng isang kawanggawa. Ang paghahandog na iyon ng kawanggawa ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay dahil sa taglay nito na pagtalima kay Allāh, na nagpapadalisay sa mga puso.
Ngunit kung hindi kayo nakatagpo ng maikakawanggawa ninyo, walang maisisisi sa inyo sa pakikipaglihiman sa kanya sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nag-atang sa kanila malibang ayon sa kakayahan nila.
﴿أَأَشْفَقْتُمْ أَنْ تُقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَاتٍ ۚ فَإِذْ لَمْ تَفْعَلُوا وَتَابَ اللَّهُ عَلَيْكُمْ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ﴾
Nangamba ba kayo sa karalitaan dahilan sa paghahandog ng kawanggawa kapag nakipag-usap kayo nang sarilinan sa Sugo? Kaya kapag hindi ninyo ginawa ang ipinag-utos ni Allāh at tumanggap naman Siya sa inyo ng pagbabalik-loob yayamang pumayag Siya para sa inyo sa pagwaglit niyon magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.
﴿۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ تَوَلَّوْا قَوْمًا غَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مَا هُمْ مِنْكُمْ وَلَا مِنْهُمْ وَيَحْلِفُونَ عَلَى الْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ﴾
Hindi ka ba tumingin, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na kumampi sa mga Hudyo, na nagalit si Allāh sa mga iyon dahilan sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon at mga pagsuway ng mga iyon? Ang mga mapagpaimbabaw na ito ay hindi kabilang sa mga mananampalataya ni sa mga Hudyo. Bagkus sila ay mga nag-aatubili: hindi kampi sa mga ito at hindi sa mga iyon. Sumusumpa sila na sila raw ay mga Muslim, at na sila raw ay hindi naghatid ng mga ulat tungkol sa mga Muslim sa mga Hudyo gayong sila ay mga sinungaling sa panunumpa nila.
﴿أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ إِنَّهُمْ سَاءَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi sa Kabilang-buhay yayamang magpapapasok Siya sa kanila sa pinakamababang palapag ng Apoy. Tunay na sila ay pumangit ang dating nasa kanilang mga gawain ng kawalang-pananampalataya sa Mundo.
﴿اتَّخَذُوا أَيْمَانَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ فَلَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ﴾
Gumawa sila sa mga panunumpa nila na dati nilang ipinanunumpa bilang isang pananggalang laban sa pagkapatay dahilan sa kawalang-pananampalataya yayamang nagpapakita sila sa pamamagitan ng mga ito ng [pag-anib] sa Islām upang mapangalagaan ang mga buhay nila at ang mga yaman nila. Kaya nagpabaling sila sa mga tao palayo sa katotohanan na may dulot na pagpapahina [sa kanila] at pagpapalakas sa mga Muslim. Kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang mang-aaba, na mag-aaba sa kanila at manghihiya sa kanila.
﴿لَنْ تُغْنِيَ عَنْهُمْ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُمْ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۚ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾
Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga mananahan sa Apoy, na papasukin nila bilang mga mananatili roon magpakailanman; hindi mapuputol para sa kanila ang pagdurusa,
﴿يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ جَمِيعًا فَيَحْلِفُونَ لَهُ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ ۖ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ عَلَىٰ شَيْءٍ ۚ أَلَا إِنَّهُمْ هُمُ الْكَاذِبُونَ﴾
sa Araw na bubuhayin sila ni Allāh nang lahatan: hindi Siya mag-iiwan sa kanila ng isa man malibang bubuhayin Niya ito para sa pagganti. Manunumpa sila kay Allāh na hindi raw sila dati nasa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, at sila raw dati ay mga mananampalataya na tagagawa lamang ng ikinalulugod ni Allāh. Manunumpa sila sa Kabilang-buhay kung paano sila dating nanunumpa sa inyo, O mga mananampalataya, sa Mundo na sila raw ay mga Muslim. Nagpapalagay sila na sila, dahil sa mga panunumpang ito na ipinanunumpa nila kay Allāh, ay [nakabatay] sa isang bagay na kabilang sa magdudulot para sa kanila ng isang pakinabang o magtutulak palayo sa kanila ng isang pinsala. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling talaga sa mga panunumpa nila sa Mundo at mga panunumpa nila sa Kabilang-buhay.
﴿اسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ الشَّيْطَانُ فَأَنْسَاهُمْ ذِكْرَ اللَّهِ ۚ أُولَٰئِكَ حِزْبُ الشَّيْطَانِ ۚ أَلَا إِنَّ حِزْبَ الشَّيْطَانِ هُمُ الْخَاسِرُونَ﴾
Naghari sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila, sa pamamagitan ng panunulsol nito, ng pag-alaala kay Allāh kaya hindi sila gumawa ng ikinalulugod Niya at gumawa lamang sila ng ikinagagalit Niya. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito. Pansinin, tunay na ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito ay ang mga lugi sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat ipinagbili nila ang patnubay kapalit ng kaligawan at ang Hardin kapalit ng Apoy.
﴿إِنَّ الَّذِينَ يُحَادُّونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ أُولَٰئِكَ فِي الْأَذَلِّينَ﴾
Tunay na ang mga umaaway kay Allāh at umaaway sa Sugo Niya, ang mga iyon ay nasa kabuuan ng inaaba ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay at ipinahihiya Niya na mga kalipunang tagatangging sumampalataya.
﴿كَتَبَ اللَّهُ لَأَغْلِبَنَّ أَنَا وَرُسُلِي ۚ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٌ﴾
Nagtadhana si Allāh sa nauna sa kaalaman Niya: "Talagang magwawagi nga Ako at ang mga sugo Ko sa mga kaaway Namin sa pamamagitan ng katwiran at lakas." Tunay na si Allāh ay Malakas sa pag-aadya sa mga sugo Niya, Makapangyarihan na maghihiganti sa mga kaaway nila.
﴿لَا تَجِدُ قَوْمًا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ يُوَادُّونَ مَنْ حَادَّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَوْ كَانُوا آبَاءَهُمْ أَوْ أَبْنَاءَهُمْ أَوْ إِخْوَانَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ ۚ أُولَٰئِكَ كَتَبَ فِي قُلُوبِهِمُ الْإِيمَانَ وَأَيَّدَهُمْ بِرُوحٍ مِنْهُ ۖ وَيُدْخِلُهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ أُولَٰئِكَ حِزْبُ اللَّهِ ۚ أَلَا إِنَّ حِزْبَ اللَّهِ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾
Hindi ka makatatagpo, O Sugo, ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Huling Araw na umiibig at kumakampi sa sinumang nangaway kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man itong mga kaaway kay Allāh at sa Sugo ay mga magulang nila o sila ay mga anak nila o sila ay mga kapatid nila o angkan nila na kinauugnayan nila dahil ang pananampalataya ay humahadlang sa pagkampi sa mga kalaban ni Allāh at ng Sugo Niya at dahil sa ang ugnayan ng pananampalataya ay higit na mataas kaysa sa lahat ng mga ugnayan. Ang [ugnayan ng pananampalatayang] ito ay nangunguna sa [iba pang mga ugnayang] iyon sa sandali ng salungatan.
Ang mga hindi kumakamping iyon sa sinumang nangaway kay Allāh at sa Sugo Niya - kahit pa man ang mga ito ay mga kamag-anak - ay ang mga pinatatag ni Allāh ang pananampalataya sa mga puso nila kaya hindi magbabago ang mga ito at pinalakas Niya sila sa pamamagitan ng isang patotoo mula sa Kanya at isang liwanag. Magpapapasok Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog habang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Hindi mapuputol sa kanila ang ginhawa sa mga ito at hindi maglalaho. Nalugod si Allāh sa kanila ayon sa pagkalugod na hindi Siya maiinis matapos nito magpakailanman, at nalugod sila sa Kanya dahil nagbigay Siya sa kanila ng ginhawang hindi mauubos, at kabilang dito ang pagkakita [nila] sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya. Ang mga nailalarawang iyon ayon sa nabanggit ay ang mga kawal ni Allāh, na mga sumusunod sa ipinag-utos Niya at nagpipigil sa sinaway Niya. Pansinin, tunay na ang mga kawal ni Allāh ay ang mga magwawagi dahil sa makakamit nilang hinihiling nila at dahil makaaalpas sila sa pinangingilabutan nila sa Mundo at Kabilang-buhay.
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة المجادلة : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة المجادلة : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة المجادلة : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة المجادلة : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة المجادلة : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة المجادلة : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة المجادلة : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة المجادلة : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة المجادلة : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة المجادلة : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة المجادلة : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة المجادلة : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة المجادلة : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة المجادلة : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة المجادلة : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة المجادلة : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة المجادلة : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة المجادلة : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة المجادلة : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة المجادلة : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة المجادلة : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة المجادلة : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة المجادلة : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة المجادلة : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة المجادلة : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة المجادلة : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة المجادلة : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة المجادلة : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة المجادلة : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة المجادلة : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة المجادلة : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة المجادلة : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة المجادلة : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة المجادلة : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة المجادلة : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة المجادلة : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة المجادلة : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة المجادلة : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة المجادلة : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة المجادلة : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة المجادلة : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة المجادلة : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة المجادلة : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة المجادلة : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة المجادلة : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة المجادلة : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة المجادلة : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة المجادلة : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة المجادلة : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة المجادلة : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة المجادلة : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة المجادلة : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة المجادلة : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة المجادلة : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة المجادلة : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة المجادلة : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة المجادلة : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة المجادلة : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة المجادلة : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة المجادلة : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة المجادلة : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة المجادلة : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة المجادلة : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة المجادلة : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة المجادلة : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة المجادلة : الترجمة الصينية 中文 - الصينية