المائدة

تفسير سورة المائدة

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَوْفُوا بِالْعُقُودِ ۚ أُحِلَّتْ لَكُمْ بَهِيمَةُ الْأَنْعَامِ إِلَّا مَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ غَيْرَ مُحِلِّي الصَّيْدِ وَأَنْتُمْ حُرُمٌ ۗ إِنَّ اللَّهَ يَحْكُمُ مَا يُرِيدُ﴾

O mga sumampalataya, lumubos kayo sa lahat ng mga tipang pinagtibay sa pagitan ninyo at ng Tagapaglikha ninyo at sa pagitan ninyo at ng nilikha Niya.
Nagpahintulot nga si Allāh para sa inyo - bilang awa sa inyo - ng hayop ng mga panghayupan (mga kamelyo, mga baka, at mga tupa) maliban sa anumang bibigkasin sa inyo ang pagbabawal niyon at maliban sa ipinagbawal sa inyo na pangangaso sa kati habang nasa kalagayan ng iḥrām sa ḥajj o `umrah. Tunay na si Allāh ay naghahatol ng ninanais Niya na pagpapahintulot at pagbabawal ayon sa karunungan Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya at walang nakatututol sa kahatulan Niya.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُحِلُّوا شَعَائِرَ اللَّهِ وَلَا الشَّهْرَ الْحَرَامَ وَلَا الْهَدْيَ وَلَا الْقَلَائِدَ وَلَا آمِّينَ الْبَيْتَ الْحَرَامَ يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِنْ رَبِّهِمْ وَرِضْوَانًا ۚ وَإِذَا حَلَلْتُمْ فَاصْطَادُوا ۚ وَلَا يَجْرِمَنَّكُمْ شَنَآنُ قَوْمٍ أَنْ صَدُّوكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ أَنْ تَعْتَدُوا ۘ وَتَعَاوَنُوا عَلَى الْبِرِّ وَالتَّقْوَىٰ ۖ وَلَا تَعَاوَنُوا عَلَى الْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾

O mga sumampalataya, huwag kayong lumapastangan sa mga pinakababanal ni Allāh na nag-utos Siya sa inyo ng paggalang sa mga ito. Magpigil kayo sa mga pinipigil sa iḥrām gaya ng pagsusuot ng tinahi at sa mga ipinagbabawal sa Ḥaram gaya ng pangangaso. Huwag kayong lumapasatangan sa pagbabawal sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (Dhul qa`dah, Dhul ḥijjah, Muḥarram, at Rajab). Huwag kayong lumapastangan sa dinala sa Ḥaram na mga hayupan upang ialay kay Allāh doon, sa pamamagitan ng pangangamkam at tulad nito o ng pagpigil sa pag-abot nito sa pinag-aalayan nito. Huwag kayong lumapastangan sa hayop na nakakuwintas ng lana o iba pa rito para ipatalos na ito ay alay. Huwag kayong lumapastangan sa mga nagsasadya sa PInakababanal na Bahay ni Allāh, na naghahanap ng tubo sa pangangalakal at ng kaluguran ni Allāh. Kapag kumalas kayo sa iḥrām sa ḥajj at `umrah at lumabas kayo mula sa Ḥaram ay mangaso kayo kung niloob ninyo. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamuhi sa ilang tao, dahil sa pagbalakid nila sa inyo sa Masjid na Pinakababanal, sa pang-aapi at pag-iwan sa katarungan sa kanila. Magtulungan kayo, o mga mananampalataya, sa paggawa ng ipinag-utos sa inyo at pag-iwan sa sinaway sa inyo. Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pananatili sa pagtalima sa Kanya at paglayo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na si Allāh ay matindi ang pagpaparusa sa sinumang sumuway sa Kanya kaya mag-ingat kayo sa parusa Niya.

﴿حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةُ وَالدَّمُ وَلَحْمُ الْخِنْزِيرِ وَمَا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ وَالْمُنْخَنِقَةُ وَالْمَوْقُوذَةُ وَالْمُتَرَدِّيَةُ وَالنَّطِيحَةُ وَمَا أَكَلَ السَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيْتُمْ وَمَا ذُبِحَ عَلَى النُّصُبِ وَأَنْ تَسْتَقْسِمُوا بِالْأَزْلَامِ ۚ ذَٰلِكُمْ فِسْقٌ ۗ الْيَوْمَ يَئِسَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ دِينِكُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِ ۚ الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا ۚ فَمَنِ اضْطُرَّ فِي مَخْمَصَةٍ غَيْرَ مُتَجَانِفٍ لِإِثْمٍ ۙ فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Nagbawal si Allāh sa inyo ng anumang namatay na hayop nang walang pagkatay.
Nagbawal Siya ng dugong nabubo, laman ng baboy, anumang binanggit dito ang pangalang iba sa pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkatay, namatay dahil sa sakal, namatay dahil sa palo, nahulog mula sa isang mataas na lugar, namatay dahil sa pagsuwag ng ibang hayop, at anumang sinila ng mabangis na hayop tulad ng leyon, tigre, at lobo maliban sa naabutan ninyong buhay pa mula sa mga nabanggit at nakatay ninyo sapagkat ito ay ipinahihintulot sa inyo. Nagbawal Siya sa inyo ng anumang inialay sa mga diyus-diyusan. Nagbawal Siya sa inyo na hanapin ang itinakda para sa inyo kabilang sa nakalingid sa pamamagitan ng pagpapasya gamit ang tagdan: isang bato o isang palasong nasusulatan ng "gawin mo" o "huwag mong gawin," para magsagawa ng anumang lumabas mula sa mga ito. Ang paggawa ng mga ipinagbabawal na nabanggit na iyon ay paglabas sa pagtalima kay Allāh. Sa araw na ito ay nawalan ang mga tumangging sumampalataya ng pag-asa sa pagtalikod ninyo sa Relihiyong Islām dahil sa nakita nila na lakas nito. Kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin - tanging sa Akin. Sa araw na ito lumubos Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, ang Islām, bumuo Ako sa inyo ng pagpapala Kong nakalitaw at nakakubli, at pumili Ako para sa inyo ng Islām bilang relihiyon kaya hindi Ako tatanggap ng isang relihiyong iba pa rito. Ngunit ang sinumang nangailangan, dahilan sa isang kagutuman, sa pagkain ng patay nang hindi nahihilig sa kasalanan, walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

﴿يَسْأَلُونَكَ مَاذَا أُحِلَّ لَهُمْ ۖ قُلْ أُحِلَّ لَكُمُ الطَّيِّبَاتُ ۙ وَمَا عَلَّمْتُمْ مِنَ الْجَوَارِحِ مُكَلِّبِينَ تُعَلِّمُونَهُنَّ مِمَّا عَلَّمَكُمُ اللَّهُ ۖ فَكُلُوا مِمَّا أَمْسَكْنَ عَلَيْكُمْ وَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهِ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ﴾

Nagtatanong sa iyo, o Sugo, ang mga Kasamahan mo kung ano ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila na kainin. Sabihin mo, o Sugo: "Nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng anumang naging kaaya-aya sa mga pagkain at ng pagkain ng pinangaso ng mga sinanay na mga hayop na may mga pangil gaya ng mga aso at mga leopardo at mga ibong may mga pandagit na kuko gaya ng mga lawin. Nagturo kayo sa mga ito ng pangangaso, na kabilang sa iminagandang-loob ni Allāh sa inyo na kaalaman sa paghubog sa mga ito hanggang sa kapag inuutusan ang mga ito ay nauutusan ang mga ito at kapag pinipigilan ang mga ito ay napipigilan ang mga ito. Kaya kumain kayo mula sa nahuli ng mga ito kabilang sa pinapangasong hayop kahit pa man napatay na. Bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa pagpapawala sa mga ito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pagpipigil sa mga sinasaway Niya." Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawa.

﴿الْيَوْمَ أُحِلَّ لَكُمُ الطَّيِّبَاتُ ۖ وَطَعَامُ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حِلٌّ لَكُمْ وَطَعَامُكُمْ حِلٌّ لَهُمْ ۖ وَالْمُحْصَنَاتُ مِنَ الْمُؤْمِنَاتِ وَالْمُحْصَنَاتُ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ إِذَا آتَيْتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ مُحْصِنِينَ غَيْرَ مُسَافِحِينَ وَلَا مُتَّخِذِي أَخْدَانٍ ۗ وَمَنْ يَكْفُرْ بِالْإِيمَانِ فَقَدْ حَبِطَ عَمَلُهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾

Sa araw na ito, nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng pagkain ng mga minamasarap at pagkain ng mga kinatay ng mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Nagpahintulot Siya para sa kanila ng mga kinatay ninyo.
Nagpahintulot Siya para sa inyo ng pag-aasawa ng mga malayang babaing malinis ang puri kabilang sa mga babaing mananampalataya at mga malayang babaing malinis ang puri kabilang sa mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa nauna sa inyo na mga Hudyo at mga Kristiyano, kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila, habang kayo naman ay mga nagpapakalinis ng puri laban sa paggawa ng kahalayan at hindi mga gumagawa ng mga kasintahang nakagagawa kayo ng pangangalunya sa mga iyon. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa isinabatas ni Allāh para sa mga lingkod Niya na mga patakaran ay nawalang-saysay nga ang gawa niya dahil sa pagkawala ng kundisyon nito, ang pananampalataya. Siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga lugi dahil sa pagpasok niya sa Apoy bilang mananatiling pananatiliin doon.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا قُمْتُمْ إِلَى الصَّلَاةِ فَاغْسِلُوا وُجُوهَكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ إِلَى الْمَرَافِقِ وَامْسَحُوا بِرُءُوسِكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ إِلَى الْكَعْبَيْنِ ۚ وَإِنْ كُنْتُمْ جُنُبًا فَاطَّهَّرُوا ۚ وَإِنْ كُنْتُمْ مَرْضَىٰ أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوْ جَاءَ أَحَدٌ مِنْكُمْ مِنَ الْغَائِطِ أَوْ لَامَسْتُمُ النِّسَاءَ فَلَمْ تَجِدُوا مَاءً فَتَيَمَّمُوا صَعِيدًا طَيِّبًا فَامْسَحُوا بِوُجُوهِكُمْ وَأَيْدِيكُمْ مِنْهُ ۚ مَا يُرِيدُ اللَّهُ لِيَجْعَلَ عَلَيْكُمْ مِنْ حَرَجٍ وَلَٰكِنْ يُرِيدُ لِيُطَهِّرَكُمْ وَلِيُتِمَّ نِعْمَتَهُ عَلَيْكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ﴾

O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo na tumayo para sa pagsasagawa ng pagdarasal, habang kayo ay mga nawalan ng kadalisayang na maliit, magsagawa kayo ng wuḍū sa pamamagitan ng paghuhusgas ninyo ng mga mukha ninyo, paghuhugas ninyo ng mga kamay ninyo kasama ng mga siko ng mga ito, paghahaplos ninyo sa mga ulo ninyo, at paghuhugas ninyo ng mga paa ninyo kasama ng mga bukungbukong na mga nakausli sa kasukasuan ng binti. Kung kayo ay nawalan ng kadalisayang malaki, maligo kayo.
Kung kayo ay mga may-sakit, na nangangamba kayo ng paglala ng sakit o pagkaantala ng paggaling nito, o kayo ay mga naglalakbay habang nasa kalagayan ng kalusugan, o kayo ay mga nawalan ng kadalisayang maliit dahil sa pagtugon sa tawag ng kalikasan, halimbawa, o mga nawalan ng kadalisayang malaki dahil sa pakikipagtalik sa mga maybahay at hindi kayo nakatagpo ng tubig matapos ng paghahanap nito upang ipandalisay ninyo, magsadya kayo sa lupa, pumalo kayo rito ng mga kamay ninyo, magpunas kayo sa mga mukha ninyo, at magpunas kayo sa mga kamay ninyo mula rito.
Hindi nagnanais si Allāh na gumawa sa inyo ng hirap sa mga patakaran Niya sa pamamagitan ng pag-oobliga sa inyo sa paggamit ng tubig na hahantong sa kapinsalaan ninyo sapagkat nagsabatas Siya para sa inyo ng isang pamalit doon sa sandali ng kaimposiblehan [ng paggamti ng tubig] dahil sa sakit o kawalan ng tubig, bilang paglulubos sa biyaya Niya sa inyo nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa biyaya Niya sa inyo at hindi kayo tatangging kumilala rito.

﴿وَاذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَمِيثَاقَهُ الَّذِي وَاثَقَكُمْ بِهِ إِذْ قُلْتُمْ سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ﴾

Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo sa pamamagitan ng kapatnubayan sa Islām at umalaala kayo sa tipan Niya na nakipagtipan Siya sa inyo nang nagsabi kayo noong nangako kayo ng katapatan sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa pagdinig at pagtalima sa sandali ng kasiglahan at kaatubilian: "Nakarinig kami sa sabi mo at tumalima kami sa utos mo." Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya - kabilang sa mga ito ang mga tipan Niya - at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga puso kaya walang naikukubli sa kanya mula rito na anuman.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ لِلَّهِ شُهَدَاءَ بِالْقِسْطِ ۖ وَلَا يَجْرِمَنَّكُمْ شَنَآنُ قَوْمٍ عَلَىٰ أَلَّا تَعْدِلُوا ۚ اعْدِلُوا هُوَ أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, kayo ay maging mga mapagpanatili sa mga karapatan ni Allāh sa inyo bilang mga naghahangad dahil niyon ng kaluguran ng mukha Niya, at kayo ay maging mga saksi sa katarungan hindi sa pang-aapi. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamuhi sa ilang tao sa pag-iwan sa katarungan sapagkat ang katarungan ay hinihiling sa kaibigan at kaaway. Kaya magmakatarungan kayo sa kanilang dalawa sapagkat ang katarungan ay higit na malapit sa pangamba kay Allāh at ang pang-aapi ay higit na malapit sa kapusukan laban sa Kanya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.

﴿وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ۙ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ عَظِيمٌ﴾

Nangako si Allāh - na hindi sumisira sa pangako - sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga maayos ng kapatawaran sa mga pagkakasala nila ng gantimpalang sukdulan, ang pagpasok sa Paraiso.

﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ﴾

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy na papasukin nila bilang kaparusahan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila, bilang mga mamamalagi roon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ هَمَّ قَوْمٌ أَنْ يَبْسُطُوا إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ فَكَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ﴾

O mga sumampalataya, mag-alaala kayo sa mga puso ninyo at mga dila ninyo ng ibiniyaya ni Allāh sa inyo na katiwasayan at pagpukol ng pangamba sa mga puso ng mga kaaway ninyo nang naglayon sila na magbuhat ng mga kamay nila sa inyo upang humagupit sa inyo at kumitil, ngunit nagpabaling sa kanila si Allāh palayo sa inyo at nangalaga sa inyo laban sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Kay Allāh - tanging sa Kanya - umasa ang mga mananampalataya sa pagtamo ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.

﴿۞ وَلَقَدْ أَخَذَ اللَّهُ مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَبَعَثْنَا مِنْهُمُ اثْنَيْ عَشَرَ نَقِيبًا ۖ وَقَالَ اللَّهُ إِنِّي مَعَكُمْ ۖ لَئِنْ أَقَمْتُمُ الصَّلَاةَ وَآتَيْتُمُ الزَّكَاةَ وَآمَنْتُمْ بِرُسُلِي وَعَزَّرْتُمُوهُمْ وَأَقْرَضْتُمُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا لَأُكَفِّرَنَّ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَلَأُدْخِلَنَّكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۚ فَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ مِنْكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ﴾

Talaga ngang tumanggap si Allāh ng tipang binigyang-diin sa mga anak ni Israel sa darating na pagbanggit nito mamaya. Nagtalaga Siya sa kanila ng labindalawang pangulo, na ang bawat pangulo ay magiging isang tagapagmasid sa sinumang nasa ilalim niya.
Nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Tunay na Ako ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya at pag-aayuda kapag nagsagawa kayo ng pagdarasal sa paraang pinakalubos, nagbigay kayo ng zakāh ng mga ari-arian ninyo, naniwala kayo sa mga sugo Ko sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, gumalang kayo sa kanila, nag-adya kayo sa kanila, at gumugol kayo sa mga uri ng kabutihan. Kaya kapag nagsagawa kayo niyon sa kabuuan niyon, talagang magtatakip-sala nga Ako sa inyo sa mga masagwang gawa na nagawa ninyo at talagang magpapapasok nga Ako sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagtanggap sa tipang pinagtibay na ito ay lumigoy nga siya sa daan ng katotohanan nang nakaaalam at nananadya."

﴿فَبِمَا نَقْضِهِمْ مِيثَاقَهُمْ لَعَنَّاهُمْ وَجَعَلْنَا قُلُوبَهُمْ قَاسِيَةً ۖ يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ عَنْ مَوَاضِعِهِ ۙ وَنَسُوا حَظًّا مِمَّا ذُكِّرُوا بِهِ ۚ وَلَا تَزَالُ تَطَّلِعُ عَلَىٰ خَائِنَةٍ مِنْهُمْ إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۖ فَاعْفُ عَنْهُمْ وَاصْفَحْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ﴾

Kaya dahilan sa pagsira nila sa tipang tinanggap sa kanila, nagtaboy Kami sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami sa mga puso nila na maging magaspang at matigas, na walang umaabot sa mga ito na isang kabutihan at walang nagpapakinabang sa mga ito na isang pangaral. Naglilihis sila sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga bigkas sa mga ito at ng pagpapakahulugan sa mga kahulugan ng mga ito ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Iniwan nila ang paggawa sa ilan sa ipinaalaala sa kanila. Hindi ka natitigil, o Sugo, sa pagtuklas mo mula sa kanila ng isang kataksilan kay Allāh at sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, maliban sa kaunti sa kanila na tumupad sa tipang tinanggap sa kanila. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, huwag kang manisi sa kanila, at magpawalang-sala ka sa kanila sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng paggawa ng maganda. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda.

﴿وَمِنَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّا نَصَارَىٰ أَخَذْنَا مِيثَاقَهُمْ فَنَسُوا حَظًّا مِمَّا ذُكِّرُوا بِهِ فَأَغْرَيْنَا بَيْنَهُمُ الْعَدَاوَةَ وَالْبَغْضَاءَ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۚ وَسَوْفَ يُنَبِّئُهُمُ اللَّهُ بِمَا كَانُوا يَصْنَعُونَ﴾

Gaya ng pagtanggap sa mga Hudyo ng isang tipang binigyang-diin na pinagtibay, tinanggap sa mga nagmamalinis sa mga sarili nila na sila raw ay mga tagasunod ni Jesus - sumakanya ang pangangalaga - ngunit iniwan nila ang paggawa sa isang bahagi mula sa ipinaalaala sa kanila gaya ng ginawa ng mga ninuno nila kabilang sa mga Hudyo. Naghasik sa gitna nila ng hidwaan at matinding pagkasuklam hanggang sa Araw ng Pagbangon kaya sila ay naging mga nag-aawayang naglalaban-laban... nagpapaaratang sila ng kawalang-pananampalataya sa isa't isa sa kanila. Magpapabatid sa kanila si Allāh ng anumang dating pinaggagawa nila at gaganti Siya sa kanila rito.

﴿يَا أَهْلَ الْكِتَابِ قَدْ جَاءَكُمْ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمْ كَثِيرًا مِمَّا كُنْتُمْ تُخْفُونَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَعْفُو عَنْ كَثِيرٍ ۚ قَدْ جَاءَكُمْ مِنَ اللَّهِ نُورٌ وَكِتَابٌ مُبِينٌ﴾

O mga May Kasulatan na mga Hudyo na mga tagasunod ng Torah at mga Kristiyano na mga tagasunod ng Ebanghelyo, dumating nga sa inyo ang Sugo Naming si Muḥammad - sumakanya ang basbas at ang pangangalaga - na naglilinaw sa inyo ng marami mula sa dating itinatago ninyo mula sa kasulatang pinababa sa inyo at nagpapalampas sa marami buhat doon na kabilang sa anumang walang kapakanan doon maliban sa pagbubunyag sa inyo. Dumating nga sa inyo ang Qur'ān bilang Aklat mula sa ganang kay Allāh. Ito ay isang liwanag na ipinantatanglaw at isang aklat na naglilinaw sa bawat kinakailangan ng mga tao sa mga nauukol sa kanila na pangmundo at pangkabilang-buhay.

﴿يَهْدِي بِهِ اللَّهُ مَنِ اتَّبَعَ رِضْوَانَهُ سُبُلَ السَّلَامِ وَيُخْرِجُهُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ بِإِذْنِهِ وَيَهْدِيهِمْ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ﴾

Nagpapatnubay si Allāh sa pamamagitan ng Aklat na ito sa sinumang sumunod sa anumang nagpapalugod sa Kanya gaya ng pananampalataya at gawang maayos tungo sa mga daan ng kaligtasan mula sa parusa Niya, ang mga daang nagpaparating sa Paraiso. Nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at pagsuway tungo sa liwanag ng pananampalataya at pagtalima ayon sa pahintulot Niya. Nagtutuon Siya sa kanila tungo sa daang tuwid na matatag, ang daan ng Islām.

﴿لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ ۚ قُلْ فَمَنْ يَمْلِكُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ أَنْ يُهْلِكَ الْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ۗ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsasabi kabilang sa mga Kristiyano na si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria.
Sabihin mo sa kanila, o Sugo: "Sino ang nakakakaya na pumigil kay Allāh sa pagpuksa kay Kristo Jesus na anak ni Maria, at [nakakakaya] na pumuksa sa ina niya at pumuksa sa mga nasa lupa sa kabuuan nila kapag nagnnais Siya ng pagpuksa sa kanila? Kapag hindi nakakaya ang isa man na pumigil sa Kanya roon, nagpapatunay iyon na walang Diyos kundi si Allāh at na ang lahat - si Jesus, ang ina niya, at ang lahat ng nilikha - ay nilikha ni Allāh. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kabilang sa niloob Niyang likhain ay si Jesus - sumakanya ang pangangalaga - kaya ito ay lingkod Niya at Sugo Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.

﴿وَقَالَتِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَىٰ نَحْنُ أَبْنَاءُ اللَّهِ وَأَحِبَّاؤُهُ ۚ قُلْ فَلِمَ يُعَذِّبُكُمْ بِذُنُوبِكُمْ ۖ بَلْ أَنْتُمْ بَشَرٌ مِمَّنْ خَلَقَ ۚ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ﴾

Nag-aangkin ang kapwa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya.
Sabihin mo, o Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Bakit pagdurusahin kayo ni Allāh sa mga pagkakasala na nagawa ninyo? Kung sakaling kayo ay mga iniibig Niya gaya ng inakala ninyo, talaga sanang hindi Niya kayo pinagdusa sa pamamagitan ng pagkapatay at pagbabagong-anyo sa Mundo at sa pamamagitan ng Apoy sa Kabilang-buhay dahil Siya ay hindi nagpaparusa sa sinumang inibig Niya. Bagkus kayo ay mga tao gaya ng ibang mga tao. Ang sinumang gumawa ng maganda kabilang sa inyo ay gagantihan Niya ng Paraiso. Ang sinumang gumawa ng masagwa ay parurusahan Niya ng Apoy. Si Allāh ay nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya dahil sa kabutihang-loob Niya at nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya dahil sa katarungan Niya. Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ang panunumbalikan.

﴿يَا أَهْلَ الْكِتَابِ قَدْ جَاءَكُمْ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمْ عَلَىٰ فَتْرَةٍ مِنَ الرُّسُلِ أَنْ تَقُولُوا مَا جَاءَنَا مِنْ بَشِيرٍ وَلَا نَذِيرٍ ۖ فَقَدْ جَاءَكُمْ بَشِيرٌ وَنَذِيرٌ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, dumating nga sa inyo ang Sugo Niyang si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya - matapos ng pagkaputol [ng pagdating] ng mga sugo at dala ng tindi ng pangangailangan sa pagsugo sa kanya upang hindi kayo magsabi bilang mga nagdadahilan: "Walang dumating sa amin na anumang sugong nagbabalita ng nakagagalak sa amin hinggil sa gantimpala ni Allāh ni nagbababala sa amin ng parusa Niya," sapagkat dumating nga sa inyo si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya - bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa gantimpala Niya at bilang tapagbabala ng parusa Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang pagsusugo ng mga sugo, na ang pangwakas nila ay si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.

﴿وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَعَلَ فِيكُمْ أَنْبِيَاءَ وَجَعَلَكُمْ مُلُوكًا وَآتَاكُمْ مَا لَمْ يُؤْتِ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ﴾

Banggitin mo, o Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niyang mga anak ni Israel: "O mga kalipi, mag-alaala kayo sa mga puso ninyo at mga dila ninyo ng biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo ng mga propeta na nag-aanyaya sa inyo tungo sa patnubay, gumawa Siya sa inyo na mga haring naghahari kayo sa nauukol sa mga sarili ninyo matapos na kayo noon ay mga pinagmamay-aring inaalipin, at nagbigay Siya sa inyo mula sa mga biyaya Niya na hindi Niya ibinigay sa isa man kabilang sa mga nilalang sa panahon ninyo.

﴿يَا قَوْمِ ادْخُلُوا الْأَرْضَ الْمُقَدَّسَةَ الَّتِي كَتَبَ اللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَرْتَدُّوا عَلَىٰ أَدْبَارِكُمْ فَتَنْقَلِبُوا خَاسِرِينَ﴾

Nagsabi si Moises: "O mga kalipi, pumasok kayo sa lupaing dinalisay (ang Bahay ng Pinagbanalan at ang Paligid nito) na nangako sa inyo si Allāh ng pagpasok doon at ng pakikipaglaban sa sinumang nasa loob niyon kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Huwag kayong matalo sa harapan ng mga higante sapagkat ang kauuwian ninyo ay ang pagkalugi sa Mundo at Kabilang-buhay."

﴿قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِنَّ فِيهَا قَوْمًا جَبَّارِينَ وَإِنَّا لَنْ نَدْخُلَهَا حَتَّىٰ يَخْرُجُوا مِنْهَا فَإِنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا فَإِنَّا دَاخِلُونَ﴾

Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "O Moises, tunay na sa loob ng Lupang Binanal ay may mga taong may lakas at may matinding bangis. Ito ay pumipigil sa amin sa pagpasok doon kaya hindi kami papasok doon hanggat namamalagi ang mga ito sa loob niyon dahil wala kaming kapangyarihan at walang lakas sa pakikipaglaban sa kanila. Kaya kung lalabas sila mula roon, tunay na kami ay mga papasok doon.

﴿قَالَ رَجُلَانِ مِنَ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمَا ادْخُلُوا عَلَيْهِمُ الْبَابَ فَإِذَا دَخَلْتُمُوهُ فَإِنَّكُمْ غَالِبُونَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَتَوَكَّلُوا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

May nagsabing dalawang lalaki kabilang sa mga kasamahan ni Moises kabilang sa mga natatakot kay Allāh at nangangamba sa parusa Niya, na nagbiyaya si Allāh sa kanilang dalawa ng pagtutuon sa pagtalima sa Kanya, na natatangi sa mga kalipi nilang dalawa sa pagsunod sa utos ni Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Pumasok kayo sa kinaroroonan ng mga higante sa pintuan ng lungsod sapagkat kapag nakalusot kayo sa pinto at nakapasok kayo roon, tunay na kayo - ayon sa pahintulot ni Allāh - ay mananaig sa kanila dala ng pagtitiwala sa kalakaran ni Allāh sa pagsasaayos ng pagwawagi dahil sa paggamit ng mga kadahilanan gaya ng pananampalataya kay Allāh at paghahanda ng mga kaparaanang materyal. Kay Allāh - tanging sa Kanya - umasa kayo at manalig kayo, kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan sapagkat ang pananampalataya ay nag-oobliga ng pananalig sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya."

﴿قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِنَّا لَنْ نَدْخُلَهَا أَبَدًا مَا دَامُوا فِيهَا ۖ فَاذْهَبْ أَنْتَ وَرَبُّكَ فَقَاتِلَا إِنَّا هَاهُنَا قَاعِدُونَ﴾

Nagsabi ang mga kalipi ni Moises na mga anak ni Israel habang mga nagpupumilit sa pagsalungat sa utos ng propeta nilang si Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na kami ay hindi papasok sa lungsod hanggat namamalagi ang mga higante roon. Kaya pumunta ka, o Moises, at ang Panginoon mo at makipaglaban kayong dalawa sa mga higante. Tungkol naman sa amin, mananatili kaming mga namamalagi sa pook namin habang mga nagpapaiwan sa pakikipaglaban kasama sa inyong dalawa."

﴿قَالَ رَبِّ إِنِّي لَا أَمْلِكُ إِلَّا نَفْسِي وَأَخِي ۖ فَافْرُقْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ﴾

Nagsabi si Moises sa Panginoon niya: "O Panginoon ko, walang kapamahalaan para sa akin sa isa man maliban sa sarili ko at kapatid kong si Aaron, kaya magpahiwalay Ka sa pagitan namin at ng mga taong lumalabas sa pagtalima sa Iyo at pagtalima sa sugo Mo."

﴿قَالَ فَإِنَّهَا مُحَرَّمَةٌ عَلَيْهِمْ ۛ أَرْبَعِينَ سَنَةً ۛ يَتِيهُونَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَلَا تَأْسَ عَلَى الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ﴾

Nagsabi si Allāh sa propeta Niyang si Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na si Allāh ay nagbawal sa mga anak ni Israel ng pagpasok sa Lupang Binanal sa yugtong apatnapung taon, habang naliligaw sila sa yugtong ito sa disyerto, na mga nalilitong hindi napapatnubayan. Kaya huwag kang malumbay, o Moises, sa mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh sapagkat tunay na ang tatama sa kanila na parusa ay dahilan sa mga pagsuway nila at mga pagkakasala nila."

﴿۞ وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ ابْنَيْ آدَمَ بِالْحَقِّ إِذْ قَرَّبَا قُرْبَانًا فَتُقُبِّلَ مِنْ أَحَدِهِمَا وَلَمْ يُتَقَبَّلْ مِنَ الْآخَرِ قَالَ لَأَقْتُلَنَّكَ ۖ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ اللَّهُ مِنَ الْمُتَّقِينَ﴾

Magsalaysay ka, o Sugo, sa mga naiinggit na tagalabag sa katarungan na ito kabilang sa mga Hudyo ng sanaysay ng dalawang anak ni Adan na sina Cain at Abel ayon sa katapatang walang pag-aalangan hinggil doon nang naghandog silang dalawa ng alay na ipinapanglapit-loob ng bawat isa sa kanilang dalawa kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya. Tumanggap si Allāh sa alay na inihandog ni Abel dahil ito ay kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Hindi Siya tumanggap sa alay ni Cain dahil ito ay hindi kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Minasama ni Cain ang pagtanggap sa alay ni Abel dala ng inggit at nagsabi: "Talagang papatayin nga kita, o Abel." Nagsabi naman si Abel: "Tumatanggap lamang si Allāh ng isang alay mula sa sinumang nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

﴿لَئِنْ بَسَطْتَ إِلَيَّ يَدَكَ لِتَقْتُلَنِي مَا أَنَا بِبَاسِطٍ يَدِيَ إِلَيْكَ لِأَقْتُلَكَ ۖ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ﴾

Talagang kung pagbubuhatan mo ako ng kamay, na naglalayon ng pagpatay sa akin, ako ay hindi gaganti sa iyo ng tulad sa gawain mo. Iyon ay hindi isang karuwagan mula sa akin bagkus ako ay nangangamba kay Allāh, na Panginoon ng mga nilikha."

﴿إِنِّي أُرِيدُ أَنْ تَبُوءَ بِإِثْمِي وَإِثْمِكَ فَتَكُونَ مِنْ أَصْحَابِ النَّارِ ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الظَّالِمِينَ﴾

Kaya nagsabi pa si Abel kay Cain habang naninindak: "Tunay na ako ay nagnanais na manumbalik ka kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa akin, dala ng kawalang-katarungan at paglabag, karagdagan sa mga kasalanan mong nauna para ikaw ay maging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy, na papasok doon sa Araw ng Pagbangon. Ang ganting iyon ay ang ganti sa mga lumalabag. Ako ay hindi nagnanais na manumbalik kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa iyo para ako ay maging kabilang sa kanila."

﴿فَطَوَّعَتْ لَهُ نَفْسُهُ قَتْلَ أَخِيهِ فَقَتَلَهُ فَأَصْبَحَ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾

Pinaganda para kay Cain ng kaluluwa niyang palautos ng kasagwaan ang pagpatay sa kapatid niyang si Abel dala ng kawalang-katarungan kaya naman pinatay niya ito kaya siya, dahilan doon, ay naging kabilang sa mga nagbabawas sa mga sarili nila ng mga mabuting bahagi nila sa Mundo nila at Kabilang-buhay nila.

﴿فَبَعَثَ اللَّهُ غُرَابًا يَبْحَثُ فِي الْأَرْضِ لِيُرِيَهُ كَيْفَ يُوَارِي سَوْءَةَ أَخِيهِ ۚ قَالَ يَا وَيْلَتَا أَعَجَزْتُ أَنْ أَكُونَ مِثْلَ هَٰذَا الْغُرَابِ فَأُوَارِيَ سَوْءَةَ أَخِي ۖ فَأَصْبَحَ مِنَ النَّادِمِينَ﴾

Kaya nagsugo si Allāh ng isang uwak na bubungkal sa lupa sa harapan ni Cain upang maglibing ito roon ng isang patay na uwak upang malaman niya kung papaanong magtatakip ng katawan ng kapatid niya. Kaya siya ay naging kabilang sa mga nanghihinayang.

﴿مِنْ أَجْلِ ذَٰلِكَ كَتَبْنَا عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنَّهُ مَنْ قَتَلَ نَفْسًا بِغَيْرِ نَفْسٍ أَوْ فَسَادٍ فِي الْأَرْضِ فَكَأَنَّمَا قَتَلَ النَّاسَ جَمِيعًا وَمَنْ أَحْيَاهَا فَكَأَنَّمَا أَحْيَا النَّاسَ جَمِيعًا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ إِنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ بَعْدَ ذَٰلِكَ فِي الْأَرْضِ لَمُسْرِفُونَ﴾

Dahil sa pagpatay ni Cain sa kapatid niya, ipinaalam ni Allāh sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay ng isang tao nang hindi dahilan sa ganting kaparusahan o pagtitiwali sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya o pakikidigma ay para bang pinatay niya ang mga tao sa kalahatan dahil walang pagkakaiba sa ganang kanya sa pagitan ng inosente at may-sala.
Ang sinumang nagpigil sa pagpatay ng isang taong ipinagbawal ni Allāh [ang pagpatay rito] - pagkataas-taas Siya - habang naniniwala sa pagkabawal ng pagpatay rito at hindi niya pinatay ay para bang binuhay niya ang mga tao sa kalahatan dahil ang ginawa niya ay nagdudulot ng kaligtasan sa kanila sa kalahatan. Talaga ngang dumating ang mga sugo ni Allāh sa mga anak ni Israel kalakip ng mga maliwanag na katwiran at mga hayag na patunay. Sa kabila nito, tunay na ang marami sa kanila ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagawa ng mga pagsuway at pagsalungat sa mga sugo nila.

﴿إِنَّمَا جَزَاءُ الَّذِينَ يُحَارِبُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَسْعَوْنَ فِي الْأَرْضِ فَسَادًا أَنْ يُقَتَّلُوا أَوْ يُصَلَّبُوا أَوْ تُقَطَّعَ أَيْدِيهِمْ وَأَرْجُلُهُمْ مِنْ خِلَافٍ أَوْ يُنْفَوْا مِنَ الْأَرْضِ ۚ ذَٰلِكَ لَهُمْ خِزْيٌ فِي الدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ﴾

Walang kahihinatnan ang mga nakikipagdigma kay Allāh at sa Sugo Niya at nakikihamok sa Kanya sa pamamagitan ng pangangaway at pagtitiwali sa lupa sa pamamagitan ng pagpatay, pagkuha ng mga ari-arian ng iba, at panunulisan sa daan kundi na pagpapatayin sila nang walang pagbibitay, o pagpapatayin sila kasabay ng pagbibitay sa isang kahoy at tulad nito, o pagpuputulin ang kanang kamay ng bawat isa sa kanila kasama ng kaliwang paa - pagkatapos kung umulit ito ay puputulin naman ang kaliwang kamay niya kasama ng kanang paa niya - o ipatapon sila sa ibang bayan. Ang parusang iyon, ukol sa kanila ay kahihiyan sa Mundo at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay naman ay isang pagdurusang sukdulan,

﴿إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا مِنْ قَبْلِ أَنْ تَقْدِرُوا عَلَيْهِمْ ۖ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

maliban sa mga nagbalik-loob kabilang mga nakikipagdigmang ito noon bago ng pagkadakip ninyo, o mga may kapamahalaan, sa kanila. Kaya alamin ninyo na si Allāh ay Mapagpatawad sa kanila matapos ng pagbabalik-loob, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya sa kanila ang pag-aalis ng parusa sa kanila.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَابْتَغُوا إِلَيْهِ الْوَسِيلَةَ وَجَاهِدُوا فِي سَبِيلِهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾

O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, hilingin ninyo ang mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa inyo at ng paglayo sa sinaway Niya sa inyo, at makibaka kayo sa mga tagatangging sumampalataya bilang paghahangad sa kaluguran Niya nang sa gayon kayo ay magtatamo ng hinihiling ninyo at makakaiwas sa kinasisindakan ninyo kapag nagsagawa kayo niyon.

﴿إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لِيَفْتَدُوا بِهِ مِنْ عَذَابِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَا تُقُبِّلَ مِنْهُمْ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, kung sakaling itinakda na taglay ng bawat isa sa kanila ang pagmamay-ari sa anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad nito kasama nito at inihandog nila ito upang makawala ang mga sarili nila sa parusa ni Allāh sa Araw ng Pagbangon, hindi tatanggapin mula sa kanila ang pantubos na iyon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.

﴿يُرِيدُونَ أَنْ يَخْرُجُوا مِنَ النَّارِ وَمَا هُمْ بِخَارِجِينَ مِنْهَا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُقِيمٌ﴾

Magnanais sila ng paglabas mula sa Apoy kapag pumasok sila roon ngunit paano mangyayari sa kanila iyon sapagkat hindi sila makalalabas mula roon? Ukol sa kanila roon ay isang pagdurusang mamamalagi.

﴿وَالسَّارِقُ وَالسَّارِقَةُ فَاقْطَعُوا أَيْدِيَهُمَا جَزَاءً بِمَا كَسَبَا نَكَالًا مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo, o mga pinuno, ang kanang kamay ng bawat isa sa kanila bilang pagganti sa kanila, bilang kaparusahan mula kay Allāh sa nagawa nila na pagkuha sa mga ari-arian ng mga tao nang wala sa katwiran, at bilang pagpapasindak sa kanila at sa iba pa sa kanila. Si Allāh ay Makapangyarihan: hindi Siya nadadaig ng anuman, Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya.

﴿فَمَنْ تَابَ مِنْ بَعْدِ ظُلْمِهِ وَأَصْلَحَ فَإِنَّ اللَّهَ يَتُوبُ عَلَيْهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Kaya ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh mula sa pagnanakaw at nagsaayos ng gawain niya, tunay na si Allāh ay tatanggap sa kanya ng pagbabalik-loob bilang pagmamabuting-loob mula sa Kanya. Iyon ay dahil si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila; subalit hindi naaalis sa kanila ang takdang parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kapag umabot na ang usapin sa mga namamahala.

﴿أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ يُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Talaga ngang nakaalam ka, o Sugo, na si Allāh ay may-ari ng paghahari sa mga langit at lupa: gumagawa Siya sa mga ito ng anumang niloloob Niya, at na Siya ay nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya ayon sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman.

﴿۞ يَا أَيُّهَا الرَّسُولُ لَا يَحْزُنْكَ الَّذِينَ يُسَارِعُونَ فِي الْكُفْرِ مِنَ الَّذِينَ قَالُوا آمَنَّا بِأَفْوَاهِهِمْ وَلَمْ تُؤْمِنْ قُلُوبُهُمْ ۛ وَمِنَ الَّذِينَ هَادُوا ۛ سَمَّاعُونَ لِلْكَذِبِ سَمَّاعُونَ لِقَوْمٍ آخَرِينَ لَمْ يَأْتُوكَ ۖ يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ مِنْ بَعْدِ مَوَاضِعِهِ ۖ يَقُولُونَ إِنْ أُوتِيتُمْ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِنْ لَمْ تُؤْتَوْهُ فَاحْذَرُوا ۚ وَمَنْ يُرِدِ اللَّهُ فِتْنَتَهُ فَلَنْ تَمْلِكَ لَهُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۚ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَمْ يُرِدِ اللَّهُ أَنْ يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمْ ۚ لَهُمْ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ﴾

O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa paglalantad sa mga gawain ng kawalang-pananampalataya upang magpangitngit sila sa iyo sa mga mapagpaimbabaw na naglalantad ng pananampalataya habang naglilingid ng kawalang-pananampalataya. Huwag magpalungkot sa iyo ang mga Hudyo na nakikinig sa kasinungalingan ng mga nakatatanda nila at tumatanggap nito bilang mga gumagaya sa mga pinuno nila na hindi pumunta sa iyo dala ng isang pag-ayaw nila sa iyo. Nagpapalit sila sa Salita ni Allāh sa Torah ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Nagsasabi sila sa mga tagasunod nila: "Kung umalinsunod ang kahatulan ni Muḥammad sa mga pithaya ninyo ay sumunod kayo sa kanya. Kung sumalungat iyon sa mga ito ay mag-ingat kayo sa kanya." Ang sinumang nagnais si Allāh ng pagliligaw sa kanya kabilang sa mga tao ay hindi ka makatatagpo, o Sugo, ng sinumang magtutulak palayo sa kanya ng pagkaligaw at magpapatnubay sa kanya tungo sa landas ng katotohanan. Ang mga inilalarawang iyon sa pamamagitan ng mga katangiang ito kabilang sa mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw ay ang mga hindi nagnais si Allāh ng pagdadalisay sa mga puso nila mula sa kawalang-pananampalataya. Ukol sa kanila sa Mundo ay kadustaan at kahihiyan. Ukol sa kanila sa Kabilang -buhay ay isang pagdurusang sukdulan, ang pagdurusa sa Apoy.

﴿سَمَّاعُونَ لِلْكَذِبِ أَكَّالُونَ لِلسُّحْتِ ۚ فَإِنْ جَاءُوكَ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ أَوْ أَعْرِضْ عَنْهُمْ ۖ وَإِنْ تُعْرِضْ عَنْهُمْ فَلَنْ يَضُرُّوكَ شَيْئًا ۖ وَإِنْ حَكَمْتَ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ بِالْقِسْطِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ﴾

Ang mga Hudyo na ito ay mga madalas makinig sa kasinungalingan at mga madalas makinabang sa yamang galing sa ipinagbabawal gaya ng patubo sa pautang. Kaya kung nagpahatol sila sa iyo, o Sugo, ay magpasya ka sa pagitan nila kung loloobin mo o iwan mo ang pagpapasya sa pagitan nila kung loloobin mo sapagkat ikaw ay makapipili sa dalawang kalagayan. Kung iiwan mo ang pagpapasya sa pagitan nila ay hindi nila makakayang pinsalain ka sa anuman. Kung magpapasya ka sa pagitan nila ay magpasya ka sa pagitan nila ayon sa katarungan kahit sila man ay mga lumalabag sa katarungan at mga kaaway. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan sa hatol nila, kahit pa man ang mga nagpapahatol ay mga kaaway ng tagahatol.

﴿وَكَيْفَ يُحَكِّمُونَكَ وَعِنْدَهُمُ التَّوْرَاةُ فِيهَا حُكْمُ اللَّهِ ثُمَّ يَتَوَلَّوْنَ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ﴾

Tunay na ang kalagayan ng mga ito ay talagang kataka-taka.
Sila ay tumatangging sumampalataya sa iyo ngunit nagpapahatol sa iyo dala ng paghahangad sa paghahatol mo ng umaalinsunod sa mga nasa nila samantalang taglay nila ang Torah na sinasabi nilang sinasampalatayanan daw nila iyon na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos ay umaayaw sila sa hatol mo kapag hindi umalinsunod sa mga nasa nila. Kaya naman pinagsama nila ang kawalang-pananampalataya sa kasulatan nila at ang pag-ayaw sa hatol mo. Ang gawain ng mga ito ay hindi gawain ng mga mananampalataya kaya sila ay hindi kabilang sa mga manananampalataya sa iyo at sa inihatid mo.

﴿إِنَّا أَنْزَلْنَا التَّوْرَاةَ فِيهَا هُدًى وَنُورٌ ۚ يَحْكُمُ بِهَا النَّبِيُّونَ الَّذِينَ أَسْلَمُوا لِلَّذِينَ هَادُوا وَالرَّبَّانِيُّونَ وَالْأَحْبَارُ بِمَا اسْتُحْفِظُوا مِنْ كِتَابِ اللَّهِ وَكَانُوا عَلَيْهِ شُهَدَاءَ ۚ فَلَا تَخْشَوُا النَّاسَ وَاخْشَوْنِ وَلَا تَشْتَرُوا بِآيَاتِي ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ﴾

Tunay na Kami ay nagbaba ng Torah kay Moises, sumakanya ang pangangalaga, na sa loob nito ay may paggabay at pagpatnubay sa kabutihan, at liwanag na ipinantatanglaw. Naghahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta ng mga anak ni Israel sa mga nagpaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga maalam at ang mga marunong sa batas na nagtuturo sa mga tao ng ipinaingat sa kanila ni Allāh sa kasulatan Niya. Ginawa Niya sila bilang mga tagapag-ingat dito na nangangalaga rito laban sa paglilihis at pagpapalit ng kahulugan. Sila ay mga saksi rito na ito ay katotohanan. Sa kanila sumasangguni ang mga tao hinggil sa pumapatungkol dito. Kaya huwag kayong mangamba, O mga Hudyo, sa mga tao ngunit mangamba kayo kay Allāh, tanging sa Kanya. Huwag kayong tumanggap ng isang pamalit sa hatol ayon sa ibinaba ni Allāh kapalit ng kakaunting halaga gaya ng posisyon o prestihiyo o salapi. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa ibinaba ni Allāh mula sa pagsisiwalat habang nagtuturing na ipinahihintulot iyon o minamagaling higit doon ang iba pa roon o ipinapantay iyon dito, ang mga taong iyon ay ang mga tumatangging sumampalataya nang totohanan.

﴿وَكَتَبْنَا عَلَيْهِمْ فِيهَا أَنَّ النَّفْسَ بِالنَّفْسِ وَالْعَيْنَ بِالْعَيْنِ وَالْأَنْفَ بِالْأَنْفِ وَالْأُذُنَ بِالْأُذُنِ وَالسِّنَّ بِالسِّنِّ وَالْجُرُوحَ قِصَاصٌ ۚ فَمَنْ تَصَدَّقَ بِهِ فَهُوَ كَفَّارَةٌ لَهُ ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ﴾

Isinatungkulin ni Allāh sa mga Hudyo sa Torah na ang sinumang pumatay ng isang tao nang sinasadya ay papatayin dahil doon, ang sinumang dumukot ng isang mata nang sinasadya ay dudukutin ang mata niya, ang sinumang tumapyas ng isang ilong nang sinasadya ay tatapyasin ang ilong, ang sinumang pumutol ng isang tainga ay puputulin ang tainga niya, at ang sinumang bumungal ng isang ngipin ay bubungalin ang ngipin niya. Itinakda ni Allāh sa kanila na hinggil sa mga sugat ay parurusahan ang may-sala ng tulad sa kasalanan niya. Ang sinumang nagkusang-loob ng pagpapaumanhin sa may-sala, ang pagpapaumanhin niya ay magiging isang panakip-sala sa mga pagkakasala niya dahil sa pagpapaumanhin niya sa lumabag sa katarungan sa kanya. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa ibinaba ni Allāh kaugnay sa pumapatungkol sa pantay na ganti at sa pumapatungkol sa iba pa rito, siya ay lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.

﴿وَقَفَّيْنَا عَلَىٰ آثَارِهِمْ بِعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ ۖ وَآتَيْنَاهُ الْإِنْجِيلَ فِيهِ هُدًى وَنُورٌ وَمُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ وَهُدًى وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ﴾

Pinasundan Namin ang mga bakas ng mga propeta ng mga anak ni Israel kay Jesus na anak ni Maria bilang isang mananampalataya sa Torah at bilang isang tagahatol ayon dito.
Ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo bilang isang naglalaman ng patnubay sa katotohanan, nag-aalis ng mga kalituhan mula sa mga katwiran, at lumulutas sa mga suliranin mula sa mga kahatulan, at bilang isang umaalinsunod sa pinababang nauna rito na Torah maliban sa kakaunti na pinawalang-bisa nito mula sa mga kahatulan niyon. Ginawa Namin ang Ebanghelyo bilang isang patnubay na ipinapatnubay at isang pampigil sa paggawa ng ipinagbawal sa kanila.

﴿وَلْيَحْكُمْ أَهْلُ الْإِنْجِيلِ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فِيهِ ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ﴾

Sampalatayanan ng mga Kristiyano ang ibinaba ni Allāh sa Ebanghelyo at humatol sila ayon dito hinggil sa inihatid nito na katapatan bago ng pagpapadala kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa kanila. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa ibinaba ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, ang mga nag-iiwan sa katotohanan, ang mga kumikiling sa kabulaanan.

﴿وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ الْكِتَابِ وَمُهَيْمِنًا عَلَيْهِ ۖ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ عَمَّا جَاءَكَ مِنَ الْحَقِّ ۚ لِكُلٍّ جَعَلْنَا مِنْكُمْ شِرْعَةً وَمِنْهَاجًا ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ لِيَبْلُوَكُمْ فِي مَا آتَاكُمْ ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ﴾

Ibinaba ni Allāh sa iyo, o Sugo, ang Qur'ān taglay ang katapatang walang duda ni alinlangan hinggil dito na ito ay mula sa ganang kay Allāh bilang isang nagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatang ibinaba at isang pinagkakatiwalaan sa mga ito. Kaya ang anumang umalinsunod doon mula sa mga ito, iyan ay katotohanan; at ang anumang sumasalungat doon, iyan ay kabulaanan. Kaya humatol ka sa pagitan nila ayon sa ibinaba ni Allāh sa iyo hinggil doon at huwag kang sumunod sa mga nasa nilang pinanghahawakan nila habang iniiwan ang ibinaba sa iyo na katotohanang walang duda hinggil doon. Gumawa si Allāh para sa bawat kalipunan ng batas kabilang sa mga patakarang panggawain at paraang maliwanag na ipinapatnubay nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ang pag-iisa sa mga batas, talagang pinag-isa na Niya ang mga ito subalit Siya ay gumawa para sa bawat kalipunan ng batas upang sulitin ang lahat kaya malalantad ang tumatalima sa sumusuway. Kaya magmadali kayo tungo sa mga kabutihan at pag-iwan sa mga nakasasama sapagkat tungo kay Allāh, tanging sa Kanya, ang pagbabalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Magbabalita Siya sa inyo tungkol sa kayo noon hinggil doon ay nagkakasalungatan. Gagantihan Niya kayo sa ipinauna ninyong mga gawa.

﴿وَأَنِ احْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ وَاحْذَرْهُمْ أَنْ يَفْتِنُوكَ عَنْ بَعْضِ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَاعْلَمْ أَنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُصِيبَهُمْ بِبَعْضِ ذُنُوبِهِمْ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا مِنَ النَّاسِ لَفَاسِقُونَ﴾

Humatol ka sa pagitan nila, o Sugo, ng ayon sa ibinaba ni Allāh sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pananaw nilang namumutawi mula sa pagsunod ng nasa, at mag-ingat ka sa kanila na mailigaw ka nila palayo sa ilan sa ibinaba ni Allāh sa iyo sapagkat hindi sila mag-aalintana ng isang pagpupunyagi alang-alang doon. Kaya kung umayaw sila sa pagtanggap sa kahatulan ayon sa ibinaba ni Allāh sa iyo ay alamin mo na ninanais lamang ni Allāh na parusahan sila dahil sa ilan sa mga pagkakasala nila ayon sa isang kaparusahang pangmundo at parurusahan Niya sila sa lahat ng ito sa Kabilang-buhay. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.

﴿أَفَحُكْمَ الْجَاهِلِيَّةِ يَبْغُونَ ۚ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ اللَّهِ حُكْمًا لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ﴾

Umaayaw ba sila sa kahatulan mo habang humihiling ng kahatulan ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan kabilang sa mga mananamba ng mga diyus-diyusan, na mga humahatol bilang pagsunod sa mga nasa nila? Walang isang higit na magaling sa paghatol kaysa kay Allāh sa ganang mga alagad ng katiyakan, na mga nakauunawang buhat kay Allāh ang ibinaba sa Sugo Niya, hindi sa mga alagad ng mga mangmang at nasa na walang tinatanggap kundi ang umaalinsunod sa mga nasa nila kahit pa ito ay kabulaanan.

﴿۞ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْيَهُودَ وَالنَّصَارَىٰ أَوْلِيَاءَ ۘ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ مِنْكُمْ فَإِنَّهُ مِنْهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong gumawa mula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng mga kapanalig at mga hinirang na tatangkilikin ninyo sapagkat ang mga Hudyo ay tumatangkilik lamang sa mga alagad ng kapaniwalaan nila at ang mga Kristiyano ay tumatangkilik lamang sa mga alagad ng kapaniwalaan nila. Ang kapwa pangkat ay ibinubuklod nila ang pangangaway sa inyo. Ang sinumang tatangkilik sa kanila mula sa inyo, tunay na siya ay nasa panig nila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong lumalabag sa katarungan dahilan sa pakikipagtangkilik nila sa mga tumatangging sumampalataya.

﴿فَتَرَى الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ يُسَارِعُونَ فِيهِمْ يَقُولُونَ نَخْشَىٰ أَنْ تُصِيبَنَا دَائِرَةٌ ۚ فَعَسَى اللَّهُ أَنْ يَأْتِيَ بِالْفَتْحِ أَوْ أَمْرٍ مِنْ عِنْدِهِ فَيُصْبِحُوا عَلَىٰ مَا أَسَرُّوا فِي أَنْفُسِهِمْ نَادِمِينَ﴾

Ngunit nakikita mo, o Sugo, ang mga nagpapanggap na sumampalataya, ang mga mahina ang pananampalataya, habang nagdadali-dali sa pakikipagtangkilik sa mga Hudyo at mga Kristiyano, samantalang mga nagsasabi: "Natatakot kami na magtagumpay ang mga ito at magiging ukol sa kanila ang kapamahalaan at magkamit kami mula sa kanila ng isang kasuklam-suklam.
" Ngunit harinawang si Allāh ay maglalagay ng tagumpay sa Sugo at mga mananampalataya o magdadala ng isang bagay mula sa ganang Kanya na magtutulak sa paghahari-harian ng mga Hudyo at mga tumatangkilik sa kanila kaya ang mga nagmamadali sa pakikipagtangkilik sa kanila ay magsisisi dahil sa ikinubli nilang pagpapanggap ng pananampalataya sa mga puso nila dahil sa kabulaanan ng kinakapitan nilang mga mahinang kadahilanan.

﴿وَيَقُولُ الَّذِينَ آمَنُوا أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ ۙ إِنَّهُمْ لَمَعَكُمْ ۚ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فَأَصْبَحُوا خَاسِرِينَ﴾

Magsasabi ang mga sumampalataya habang mga nagtatataka sa kalagayan ng mga nagpapanggap na sumampalatayang ito: "Ang mga sumumpang ito ba habang mga nagbibigay-diin sa pananampalataya nila, tunay bang sila ay talagang kasama ninyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya, pag-aadya, at pakikipagtangkilik? Nawalan ng kabuluhan ang mga gawa nila kaya sila ay naging mga nalulugi dahil sa pagkaalpas ng nilayon nila at inihanda para sa kanila ng pagdurusa."

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا مَنْ يَرْتَدَّ مِنْكُمْ عَنْ دِينِهِ فَسَوْفَ يَأْتِي اللَّهُ بِقَوْمٍ يُحِبُّهُمْ وَيُحِبُّونَهُ أَذِلَّةٍ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ أَعِزَّةٍ عَلَى الْكَافِرِينَ يُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا يَخَافُونَ لَوْمَةَ لَائِمٍ ۚ ذَٰلِكَ فَضْلُ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ﴾

O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya patungo sa kawalan ng pananampalataya,ay papalitan ni Allāh ng mga taong iibigin Niya sila at iibigin nila Siya dahil sa pagmamakatuwid nila, na mga mapagpakumbaba sa mga mananampalataya, na mga makapangyarihan sa mga tumatangging sumampalataya, na nakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila upang maging ang salita ni Allāh ay kataas-taasan, at hindi sila nangangamba sa paninisi ng isang naninisi dahil sa ipinauuna nilang pagkalugod ni Allāh sa pagkalugod ng mga nilikha, Iyon ay ang kagandahang-loob ni Allāh na ipinagkakaloob Niya sa sinumang loloobin Niya sa lingkod Niya. Si Allāh ay malawak,ang kabutihang-loob at kabutihan, Maalam sa sinumang karapat-dapat sa kabutihang-loob Niya, at ipagkakaloob ito sa kanya, at sa sinumang hindi ito karapat-dapat sa kanya ay ipinagbabawal niya.

﴿إِنَّمَا وَلِيُّكُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَالَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ رَاكِعُونَ﴾

Hindi ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano ni ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tumatangging sumampalataya ang mga katangkilik ninyo, bagkus tunay na ang katangkilik ninyo at ang tagaadya ninyo ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalatayang nagsasagawa ng pagdarasal nang lubusan at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila habang sila ay mga nagpapakumbaba kay Allāh bilang mga nagpapakaaba.

﴿وَمَنْ يَتَوَلَّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَالَّذِينَ آمَنُوا فَإِنَّ حِزْبَ اللَّهِ هُمُ الْغَالِبُونَ﴾

Ang sinumang tatangkilik kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng pagkampi, siya ay kabilang sa lapian ni Allāh. Ang lapian ni Allāh ay ang mga mananaig dahil si Allāh ang tagaadya nila.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَكُمْ هُزُوًا وَلَعِبًا مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَالْكُفَّارَ أَوْلِيَاءَ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

O mga sumampalataya, huwag ninyong gawin ang mga nagbibiro sa relihiyon ninyo at naglalaru-laro rito mula sa mga binigyan ng kasulatan kabilang sa nauna sa inyo, sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga Mushrik bilang mga kapanalig at mga hinirang. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa sinaway Niya sa inyo na pakikipagtangkilik sa kanila, kung kayo ay mga mananampalataya sa Kanya at sa ibinaba Niya sa inyo.

﴿وَإِذَا نَادَيْتُمْ إِلَى الصَّلَاةِ اتَّخَذُوهَا هُزُوًا وَلَعِبًا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْقِلُونَ﴾

Gayon din, nagbibiro sila at naglalaro kapag nanawagan kayo para sa pagdarasal na pinakadakila sa pagpapalapit-loob kay Allāh. Iyon ay dahilan sa sila ay mga taong hindi nakauunawa hinggil kay Allāh sa mga kahulugan ng pagsamba sa Kanya at mga batas Niya na isinabatas Niya para sa mga tao.

﴿قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ هَلْ تَنْقِمُونَ مِنَّا إِلَّا أَنْ آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلُ وَأَنَّ أَكْثَرَكُمْ فَاسِقُونَ﴾

Sabihin mo, o Sugo, sa mga nangungutya kabilang sa mga May Kasulatan: "Wala kayong ipinipintas sa amin maliban sa pananampalataya namin kay Allāh, sa ibinaba Niya sa amin, at sa ibinaba Niya sa kabilang sa nauna sa amin, at sa pananampalataya namin na ang higit na marami sa inyo ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa pag-iwan ninyo sa pananampalataya at pagsunod sa mga ipinag-uutos! Kaya ang ipinipintas ninyo sa amin ay isang papuri sa amin at hindi pamumula."

﴿قُلْ هَلْ أُنَبِّئُكُمْ بِشَرٍّ مِنْ ذَٰلِكَ مَثُوبَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ مَنْ لَعَنَهُ اللَّهُ وَغَضِبَ عَلَيْهِ وَجَعَلَ مِنْهُمُ الْقِرَدَةَ وَالْخَنَازِيرَ وَعَبَدَ الطَّاغُوتَ ۚ أُولَٰئِكَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضَلُّ عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ﴾

Sabihin mo, o Sugo: "Magpapabatid ba Ako sa inyo hinggil sa kung sino silang higit na karapat-dapat sa kapintasan at higit na matindi sa kaparusahan kaysa sa mga ito? Tunay na sila ay ang mga ninuno nilang itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya. Matapos ng pagpapalit-anyo, inanyuan Niya sila bilang mga unggoy at mga baboy. Gumawa Siya mula sa kanila ng mga mananamba ng nagdidiyus-diyusan. Ang nagdidiyus-diyusan ay ang bawat nalulugod na sinasambang iba pa kay Allāh. Ang mga nabanggit na iyon ay higit na masama sa kalagayan sa Araw ng Pagkabuhay at higit na ligaw sa pagsisikap sa tuwid na landas."

﴿وَإِذَا جَاءُوكُمْ قَالُوا آمَنَّا وَقَدْ دَخَلُوا بِالْكُفْرِ وَهُمْ قَدْ خَرَجُوا بِهِ ۚ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا كَانُوا يَكْتُمُونَ﴾

Kapag dumating sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga nagpapanggap na sumampalataya kabilang sa kanila ay nagpapakita sila sa inyo ng pananampalataya bilang isang pagpapanggap ng pananampalataya mula sa kanila. Ang reyalidad ay na sila sa sandali ng pagpasok nila at paglabas nila ay mga nababalutan ng kawalang-pananampalataya na hindi sila nakakakalas dito. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa kinikimkim nilang kawalang-pananampalataya kahit nagpakita sila sa inyo ng pananampalataya, at gaganti sa kanila roon.

﴿وَتَرَىٰ كَثِيرًا مِنْهُمْ يُسَارِعُونَ فِي الْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَأَكْلِهِمُ السُّحْتَ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Nakakikita ka, o Sugo, ng marami sa mga Hudyo at mga nagpapanggap na sumampalataya na nagdadali-dali sa paggawa ng mga pagsuway tulad ng pagsisinungaling, paglabag sa mga iba sa pamamagitan ng paglabag sa katarungan sa mga ito, at pakikinabang sa mga yaman ng mga tao sa pamamagitan ng ipinagbabawal. Kay sagwa ng ginagawa nila!

﴿لَوْلَا يَنْهَاهُمُ الرَّبَّانِيُّونَ وَالْأَحْبَارُ عَنْ قَوْلِهِمُ الْإِثْمَ وَأَكْلِهِمُ السُّحْتَ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَصْنَعُونَ﴾

Bakit hindi sila sinasawata ng mga pinuno nila at mga maalam nila sa minamadali nilang pagsasabi ng kasinungalingan, pagsaksi sa kabulaanan, at pakikinabang sa mga yaman ng mga tao sa pamamagitan ng kabulaanan? Talaga ngang sumagwa ang gawain ng mga pinuno nila at mga maalam nilang hindi sila sinasaway sa nakasasama.

﴿وَقَالَتِ الْيَهُودُ يَدُ اللَّهِ مَغْلُولَةٌ ۚ غُلَّتْ أَيْدِيهِمْ وَلُعِنُوا بِمَا قَالُوا ۘ بَلْ يَدَاهُ مَبْسُوطَتَانِ يُنْفِقُ كَيْفَ يَشَاءُ ۚ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ طُغْيَانًا وَكُفْرًا ۚ وَأَلْقَيْنَا بَيْنَهُمُ الْعَدَاوَةَ وَالْبَغْضَاءَ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۚ كُلَّمَا أَوْقَدُوا نَارًا لِلْحَرْبِ أَطْفَأَهَا اللَّهُ ۚ وَيَسْعَوْنَ فِي الْأَرْضِ فَسَادًا ۚ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُفْسِدِينَ﴾

Nagsabi ang mga Hudyo noong dinapuan sila ng hirap at tagtuyot: "Ang kamay ni Allāh ay nakakuyom sa pagkakaloob ng biyaya at bigay. Pinigil Niya sa amin ang nasa Kanya" Kaingat, napigilan ang mga kamay nila sa paggawa ng kabutihan at pagbibigay. Itinaboy sila mula sa awa ni Allāh dahil sa sinabi nilang ito. Bagkus ang kamay Niya - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas - ay nakabukas sa kabutihan at pagbibigay. Gumugugol Siya kung papaano Niyang niloloob. Nagbubukas Siya at nagkukuyom. Walang tagahadlang sa Kanya at walang tagapilit sa Kanya. Walang naidadagdag sa mga Hudyo sa ibinaba sa iyo, o Sugo, maliban sa paglampas sa hangganan at pagkakaila. Iyon ay dahil sa taglay nilang inggit. Naghasik si Allāh sa pagitan ng mga pangkatin ng mga Hudyo ng pagkamuhi at pagkasuklam. Sa tuwing nagbubuklod sila para sa digmaan at naghahanda para rito ng kagamitan o nagsasabwatan para pagningasin ito, dinudurog ni Allāh ang bukluran nila at inaalis ang lakas nila. Hindi sila tumitigil sa pagsisikap sa paggawa ng anumang nagdudulot ng gulo sa lupa gaya ng pagsisikap para pabulaanan ang Islām at ng pagpapakana laban dito. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga alagad ng kaguluhan.

﴿وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْكِتَابِ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَكَفَّرْنَا عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَلَأَدْخَلْنَاهُمْ جَنَّاتِ النَّعِيمِ﴾

Kung sakaling ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay sumampalataya sa inihatid ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagsuway ay talaga sanang magpapawalang-sala Kami sa kanila sa mga pagsuway na ginawa nila kahit pa man ang mga ito ay marami at talaga sanang magpapapasok Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin ng lugod, na magtatamasa sila sa anumang nasa loob ng mga ito na lugod na hindi mapuputol.

﴿وَلَوْ أَنَّهُمْ أَقَامُوا التَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِمْ مِنْ رَبِّهِمْ لَأَكَلُوا مِنْ فَوْقِهِمْ وَمِنْ تَحْتِ أَرْجُلِهِمْ ۚ مِنْهُمْ أُمَّةٌ مُقْتَصِدَةٌ ۖ وَكَثِيرٌ مِنْهُمْ سَاءَ مَا يَعْمَلُونَ﴾

Kung sakaling ang mga Hudyo ay gumawa ng ayon sa Torah at ang mga Kristiyano ay gumawa ng ayon sa Ebanghelyo, at gumawa silang lahat ng ayon sa ibinaba sa kanila mula sa Qur'ān, talagang padadaliin Ko sa kanila ang mga kadahilanan ng pagkamit ng panustos gaya ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo ng lupa. Kabilang sa mga May Kasulatan ang makatamtamang nananatili sa katotohanan ngunit ang marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang ginagawa nila dahil sa kawalan ng pananampalataya nila.

﴿۞ يَا أَيُّهَا الرَّسُولُ بَلِّغْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ ۖ وَإِنْ لَمْ تَفْعَلْ فَمَا بَلَّغْتَ رِسَالَتَهُ ۚ وَاللَّهُ يَعْصِمُكَ مِنَ النَّاسِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ﴾

O Sugo, magpabatid ka ng ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo nang lubusan at huwag kang maglihim mula rito ng anuman sapagkat kung naglihim ka mula rito ng anuman, ikaw ay hindi nagpapaabot ng pasugo ng Panginoon mo. (Naipaabot nga ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ang lahat ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot kaya ang sinumang nag-akala ng salungat doon ay gumawa ng mabigat na kabulaanan laban kay Allāh.) Si Allāh ay magsasanggalang sa iyo sa mga tao matapos ng araw na ito kaya hindi nila makakayang makapagpaabot sa iyo ng kasamaan at walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pagkagabay sa mga taong tumatangging sumampalataya.

﴿قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَسْتُمْ عَلَىٰ شَيْءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُوا التَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ ۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ طُغْيَانًا وَكُفْرًا ۖ فَلَا تَأْسَ عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ﴾

Sabihin mo, o Sugo: "Kayo, O mga Hudyo at mga Kristiyano, ay hindi nakabatay sa anuman mula sa relihiyong maisasaalang-alang hanggang sa gumawa kayo ayon sa Torah at Ebanghelyo at gumawa kayo ayon sa ibinaba sa inyo mula sa Qur'ān na hindi tutumpak ang pananampalataya ninyo malibang sa pamamagitan ng pananampalataya rito at paggawa ayon sa nasa loob nito.
Talagang magdaragdag nga sa marami sa mga May Kasulatan ang ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo, ng isang pagmamalabis sa isang naunang pagmamalabis at ng isang kawalang-pananampalataya sa isang naunang kawalang-pananampalataya ,dahil sa taglay nilang inggit, kaya huwag kang magdalamhati sa mga tumatangging sumampalatayang ito. Magdudulot sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya ng yaman at kasaganaan.

﴿إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئُونَ وَالنَّصَارَىٰ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ﴾

Tunay na ang mga mananampalataya; ang mga Hudyo, ang mga Sabeo, isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta, at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng mga gawang matuwid ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa mga mabuting bahagi sa Mundo.

﴿لَقَدْ أَخَذْنَا مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَأَرْسَلْنَا إِلَيْهِمْ رُسُلًا ۖ كُلَّمَا جَاءَهُمْ رَسُولٌ بِمَا لَا تَهْوَىٰ أَنْفُسُهُمْ فَرِيقًا كَذَّبُوا وَفَرِيقًا يَقْتُلُونَ﴾

Talaga ngang tumanggap Kami sa mga anak ni Israel ng mga binigyang-diing tipan ng pagdinig at pagtalima ngunit sumira sila sa tinanggap sa kanila mula sa mga ito at sinunod nila ang idinidikta ng mga nasa nila gaya ng pag-ayaw sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at gaya ng pagpapasinungaling nila sa iba sa kanila at pagpatay nila sa iba sa kanila.

﴿وَحَسِبُوا أَلَّا تَكُونَ فِتْنَةٌ فَعَمُوا وَصَمُّوا ثُمَّ تَابَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ثُمَّ عَمُوا وَصَمُّوا كَثِيرٌ مِنْهُمْ ۚ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ﴾

Ipinagpalagay nilang ang pagsira nila sa mga tipan at mga kasunduan, ang pagpapasinungaling nila, at ang pagpatay nila sa mga propeta ay hindi nagreresulta ng kapinsalaan sa kanila ngunit nagresulta ito ng hindi nila ipinagpalagay kaya nabulag sila sa katotohanan kaya hindi sila napatnubayan tungo rito at nabingi sila sa pagdinig nito ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Pagkatapos ay tumanggap si Allāh sa kanila ng pagbabalik-loob dala ng isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya. Pagkatapos ay nabulag sila matapos niyon sa katotohanan at nabingi sila sa pagdinig nito ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Nangyari iyon sa marami sa kanila. Si Allāh ay nakakikita sa anumang ginagawa nila at gaganti sa kanila roon.

﴿لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ ۖ وَقَالَ الْمَسِيحُ يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۖ إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ ۖ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ﴾

Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabing si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria dahil sa pag-uugnay nila ng pagkadiyos sa iba pa kay Allāh gayong ang Kristo na anak ni Maria mismo ay nagsabi sa kanila: "O mga anak ni Israel, sambahin ninyo si Allāh, tanging Siya, sapagkat Siya ay Panginoon ko at Panginoon ninyo at tayo sa pagkaalipin sa Kanya ay magkapantay." Iyon ay dahil sa ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya, tunay na si Allāh ay pipigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso magpakailanman. Ang paglalagyan niya ay Apoy ng Impiyerno. Walang ukol sa kanyang tagaadya sa ganang kay Allāh ni tagatulong ni tagasagip na sasagip sa kanya mula sa naghihintay sa kanya na pagdurusa.

﴿لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ ثَالِثُ ثَلَاثَةٍ ۘ وَمَا مِنْ إِلَٰهٍ إِلَّا إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۚ وَإِنْ لَمْ يَنْتَهُوا عَمَّا يَقُولُونَ لَيَمَسَّنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabi: "Tunay na si Allāh ay binubuo ng tatlo: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo." Pagkataas-taas ni Allāh kaysa sa sabi nila ayon sa kataasang malaki. Si Allāh ay hindi marami. Siya lamang ay nag-iisang Diyos - walang katambal sa Kanya. Kung hindi sila titigil sa karumal-dumal na pinagsasabing ito ay talagang aabutin sila ng isang pagdurusang nakasasakit.

﴿أَفَلَا يَتُوبُونَ إِلَى اللَّهِ وَيَسْتَغْفِرُونَهُ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Kaya hindi ba mag-iiwan ang mga ito sa pinagsasabi nila habang mga nagbabalik-loob kay Allāh mula roon at humihiling sa Kanya ng kapatawaran sa ginawa nilang pagtatambal sa Kanya? Si Allāh ay mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob mula sa anumang pagkakasalang nangyari kahit pa man ang pagkakasala ay ang kawalang-pananampalataya sa Kanya, maawain sa mga mananampalataya.

﴿مَا الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ إِلَّا رَسُولٌ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِ الرُّسُلُ وَأُمُّهُ صِدِّيقَةٌ ۖ كَانَا يَأْكُلَانِ الطَّعَامَ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ الْآيَاتِ ثُمَّ انْظُرْ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ﴾

Walang iba ang Kristo Jesus na anak ni Maria kundi isang sugo kabilang sa mga sugo. Magaganap sa kanya ang anumang naganap sa kanila na kamatayan. Ang ina niyang si Maria - sumakanya ang pangangalaga - ay marami sa katapatan at paniniwala.
Silang dalawa ay kumakain ng pagkain dahil sa pangangailangan nila rito kaya papaanong sila ay naging mga sinasamba sa kabila ng pangangailangan nila sa pagkain? Kaya tingnan mo, o Sugo, ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano nililiwanag ni Allāh para sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya at sa kabulaanan ng taglay nilang pagpapalabis sa pag-uugnay ng pagkadiyos sa iba pa sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - habang sila sa kabila niyon ay nagkakaila sa mga tandang ito. Pagkatapos ay tingnan mo ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano silang nababaling palayo sa katotohanan sa isang pagbaling sa kabila nitong mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh.

﴿قُلْ أَتَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَكُمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا ۚ وَاللَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ﴾

Sabihin mo, o Sugo, habang nangangatwiran sa kanila kaugnay sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh: "Sumasamba ba kayo sa hindi nagdudulot sa inyo ng pakinabang at hindi nagtutulak palayo sa inyo ng pinsala gayong ito ay walang-kakayahan samantalang si Allāh ay malaya sa kawalang-kakayahan? Si Allāh, tanging Siya, ay ang madinigin sa mga sinasabi ninyo kaya naman walang nakalulusot sa Kanya sa mga ito na anuman, ang maalam sa mga ginagawa ninyo kaya walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, gaganti Siya sa inyo sa mga ito.

﴿قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَا تَغْلُوا فِي دِينِكُمْ غَيْرَ الْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعُوا أَهْوَاءَ قَوْمٍ قَدْ ضَلُّوا مِنْ قَبْلُ وَأَضَلُّوا كَثِيرًا وَضَلُّوا عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ﴾

Sabihin mo, o Sugo, sa mga Kristiyano: "Huwag kayong lumampas sa hangganan kaugnay sa ipinag-utos sa inyo na pagsunod sa katotohanan at huwag kayong magpalabis sa pagdakila sa sinumang ipinag-utos sa inyo ang pagdakila roon - tulad ng mga propeta - kaya naman paniniwalaan ninyo kaugnay sa kanila ang pagkadiyos gaya ng ginawa ninyo kay Jesus na anak ni Maria dahilan sa paggaya ninyo sa mga ninuno ninyo kabilang sa mga alagad ng pagkaligaw na nagpaligaw sa marami sa mga tao at naligaw palayo sa daan ng katotohanan."

﴿لُعِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ عَلَىٰ لِسَانِ دَاوُودَ وَعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ ۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوْا وَكَانُوا يَعْتَدُونَ﴾

Ipinababatid ni Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - na Siya ay nagtaboy sa mga tumatangging sumampalataya kabilang sa mga anak ni Israel mula sa awa Niya ayon sa nasaad sa aklat na ibinaba Niya kay David, ang Salmo, at aklat na ibinaba Niya kay Jesus na anak ni Maria, ang Ebanghelyo. Ang pagtataboy na iyon mula sa awa ay dahilan sa nagawa nilang mga pagsuway at paglabag sa mga pinakababanal kay Allāh.

﴿كَانُوا لَا يَتَنَاهَوْنَ عَنْ مُنْكَرٍ فَعَلُوهُ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَفْعَلُونَ﴾

Hindi nila sinasaway noon ang isa't isa sa paggawa ng pagsuway, bagkus naghahayag ang mga sumusuway kabilang sa kanila ng ginagawa nilang mga pagsuway at mga nakasasamang gawa dahil walang nagmamasamang tumututol sa kanila. Talagang kay sagwa ng ginagawa nila noon na pagpapabaya sa pagsaway sa nakasasama.

﴿تَرَىٰ كَثِيرًا مِنْهُمْ يَتَوَلَّوْنَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ لَبِئْسَ مَا قَدَّمَتْ لَهُمْ أَنْفُسُهُمْ أَنْ سَخِطَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَفِي الْعَذَابِ هُمْ خَالِدُونَ﴾

Nakasasaksi ka, o Sugo, sa marami sa mga tumatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyong ito na umiibig sa mga tumatangging sumampalataya at kumikiling sa mga ito, at nangangaway sa iyo at nangangaway sa mga Monoteista. Kay sagwa ng ipinangangahas nilang pakikipagtangkilik nila sa mga tumatangging sumampalataya sapagkat ito ay dahilan ng galit ni Allāh sa kanila at pagpapasok Niya sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon; hindi sila lalabas mula rito magpakailanman.

﴿وَلَوْ كَانُوا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالنَّبِيِّ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مَا اتَّخَذُوهُمْ أَوْلِيَاءَ وَلَٰكِنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ فَاسِقُونَ﴾

Kung sakaling ang mga Hudyong ito ay sumasampalataya kay Allāh nang totohanan at sa Propeta Niya, hindi sana sila gumawa mula sa mga Mushrik bilang mga katangkilik na iniibig nila at kinikilingan nila sa halip ng mga mananampalataya dahil sila ay sinaway laban sa paggawa sa mga tumatangging sumampalataya bilang mga katangkilik subalit marami sa mga Hudyong ito ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, sa pagtangkilik sa Kanya, at sa pagtangkilik sa mga mananampalataya.

﴿۞ لَتَجِدَنَّ أَشَدَّ النَّاسِ عَدَاوَةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الْيَهُودَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا ۖ وَلَتَجِدَنَّ أَقْرَبَهُمْ مَوَدَّةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ قَالُوا إِنَّا نَصَارَىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّ مِنْهُمْ قِسِّيسِينَ وَرُهْبَانًا وَأَنَّهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ﴾

Talagang matatagpuan mo nga, o Sugo, na ang pinakamalaki sa mga tao sa pagkamuhi sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga Hudyo dahil sa taglay nilang poot, inggit, at pagmamalaki, ang mga mananamba ng mga diyus-diyusan, at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga nagtatambal [kay Allāh]. Talagang matatagpuan mo ngang ang pinakamalapit sa kanila sa pag-ibig sa mga sumampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga nagsasabi tungkol sa mga sarili nila na sila ay mga Kristiyano. Ang lapit ng pagmamahal nila sa mga mananampalataya ay dahil mayroon sa kanilang mga maalam at mga palasamba at sila ay mga nagpapakumbaba hindi mga nagmamalaki dahil ang nagmamalaki ay hindi naaabot ng kabutihan ang puso nito.

﴿وَإِذَا سَمِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَى الرَّسُولِ تَرَىٰ أَعْيُنَهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ مِمَّا عَرَفُوا مِنَ الْحَقِّ ۖ يَقُولُونَ رَبَّنَا آمَنَّا فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ﴾

Ang mga ito - gaya ng Hari ng Ethiopia at mga kasamahan nito - ay may mga pusong malambot yayamang sila ay umiiyak dala ng kataimtiman sa sandali ng pakikinig sa ibinaba mula sa Qur'ān noong nakilala nila na ito ay mula sa katotohanan dahil sa pagkakilala nila sa inihatid ni Jesus - sumakanya ang pangangalaga.
Nagsasabi sila: "O Panginoon Namin, sumampalataya kami sa ibinaba Mo sa Sugo mong si Muḥammad - pagpalain Mo siya at pangalagaan - kaya isulat Mo kami, O Panginoon namin, kasama ng kalipunan ni Muḥammad - pagpalain Mo siya at pangalagaan - na magiging isang katwiran laban sa mga tao sa Araw ng Pagbangon.

﴿وَمَا لَنَا لَا نُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَمَا جَاءَنَا مِنَ الْحَقِّ وَنَطْمَعُ أَنْ يُدْخِلَنَا رَبُّنَا مَعَ الْقَوْمِ الصَّالِحِينَ﴾

Aling dahilan ang humaharang sa pagitan natin at ng pananampalataya kay Allāh at sa ibinaba Niya na katotohanang inihatid ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - samantalang tayo ay umaasa sa pagpasok sa Paraiso kasama ng mga propeta at mga tagasunod nilang mga tumatalima kay Allāh, na mga nangangamba sa parusa Niya?

﴿فَأَثَابَهُمُ اللَّهُ بِمَا قَالُوا جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْمُحْسِنِينَ﴾

Kaya ginantihan sila ni Allāh sa pagsampalataya nila at pag-amin nila sa katotohanan ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito bilang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Iyon ay ang ganti sa mga nagmamagandang-loob sa pagsunod nila sa katotohanan at pagpapaakay nila rito nang walang pasubali o kundisyon.

﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ﴾

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, at nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh na ibinaba Niya sa Sugo Niya, ang mga iyon ang mga mananatili sa Apoy na naglalagablab. Hindi sila makalalabas mula roon magpakailanman.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُحَرِّمُوا طَيِّبَاتِ مَا أَحَلَّ اللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ﴾

O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga minamasarap na pinapayagan ni Allāh gaya ng mga pagkain, mga inumin, at mga pag-aasawa. Huwag ninyong ipagbawal ang mga ito dala ng pagkakasya sa kaunti o pagkamananamba. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya, bagkus napupuot Siya sa kanila.

﴿وَكُلُوا مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ حَلَالًا طَيِّبًا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي أَنْتُمْ بِهِ مُؤْمِنُونَ﴾

Kumain kayo mula sa inakay ni Allāh sa inyo na panustos Niya sa kalagayan ng pagiging isang ipinahintulot na kaaya-aya nito, huwag kung ito ay ipinagbabawal gaya ng nakuha dala ng pangangamkam o sa minamasamang paraan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya ang sinasampalatayanan ninyo at ang pananampalataya ninyo sa Kanya ay nag-oobliga sa inyo na mangilag kayong magkasala sa Kanya.

﴿لَا يُؤَاخِذُكُمُ اللَّهُ بِاللَّغْوِ فِي أَيْمَانِكُمْ وَلَٰكِنْ يُؤَاخِذُكُمْ بِمَا عَقَّدْتُمُ الْأَيْمَانَ ۖ فَكَفَّارَتُهُ إِطْعَامُ عَشَرَةِ مَسَاكِينَ مِنْ أَوْسَطِ مَا تُطْعِمُونَ أَهْلِيكُمْ أَوْ كِسْوَتُهُمْ أَوْ تَحْرِيرُ رَقَبَةٍ ۖ فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ ثَلَاثَةِ أَيَّامٍ ۚ ذَٰلِكَ كَفَّارَةُ أَيْمَانِكُمْ إِذَا حَلَفْتُمْ ۚ وَاحْفَظُوا أَيْمَانَكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ﴾

Hindi kayo tutuusin ni Allāh, O mga mananampalataya, sa nangyayari sa mga dila ninyo na panunumpa nang hindi sadyaan. Pananagutin Niya lamang kayo sa pinagpasyahan ninyo, ibinigkis ninyo sa mga puso, at sinira ninyo. Kaya pinapawi sa inyo ang kasalanan ng pinagpasyahan ninyong mga panunumpa at binigkas ninyo, kapag sumira kayo, sa pamamagitan ng isa sa tatlong bagay ayon sa mapagpipilian.
Ang mga ito ay ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa pagkain ng mga naninirahan sa bayan ninyo: para sa bawat dukha ay kalahating Sā`, o ang pagpapadamit sa kanila ng anumang itinuturing sa kaugalian bilang isang damit, o ang pagpapalaya sa isang aliping mananampalataya, ngunit kapag hindi nakatagpo ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya ng isa sa tatlong bagay na ito, magtatakip-sala siya rito sa pamamagitan ng pag-aayuno ng tatlong araw. Ang nabanggit na iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo, O mga mananampalataya, kapag nanumpa kayo kay Allāh at sumira kayo [nito]. Pangalagaan ninyo ang mga panunumpa ninyo laban sa pagsumpa kay Allāh nang pasinungaling, laban sa kadalasan ng panunumpa kay Allāh, at laban sa kawalan ng pagtupad sa panunumpa hanggat ang kawalan ng pagtupad ay hindi mabuti. Gumawa kayo ng kabutihan at magtakip-sala kayo sa mga panunumpa ninyo gaya ng nilinaw ni Allāh sa inyo na panakip-sala sa panunumpa. Nililinaw ni Allāh para sa inyo ang mga kahatulan Niyang naglilinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh dahil tinuruan Niya kayo ng dati'y hindi ninyo nalalaman.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّمَا الْخَمْرُ وَالْمَيْسِرُ وَالْأَنْصَابُ وَالْأَزْلَامُ رِجْسٌ مِنْ عَمَلِ الشَّيْطَانِ فَاجْتَنِبُوهُ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾

O mga sumampalataya, ang nakalalasing na nag-aalis ng isip, ang sugal na sumasaklaw sa taya ng dalawang panig, ang mga bato na nagkakatay sa tabi ng mga ito ang mga tagapagtambal bilang pagdakila sa mga ito o nagtatayo sila ng mga ito para sa pagsamba sa mga ito, at ang mga patpat ng palaso na hinihiling nila noon sa pamamagitan ng mga ito kung ano ang ibinahagi sa kanila mula sa Lingid [sa kanila], ang lahat ng iyon ay kasalanan mula sa panghahalina ng demonyo kaya layuan ninyo siya nang sa gayon kayo ay magtatamo ng isang buhay na marangal sa Mundo at ng lugod ng Paraiso sa Kabilang-buhay.

﴿إِنَّمَا يُرِيدُ الشَّيْطَانُ أَنْ يُوقِعَ بَيْنَكُمُ الْعَدَاوَةَ وَالْبَغْضَاءَ فِي الْخَمْرِ وَالْمَيْسِرِ وَيَصُدَّكُمْ عَنْ ذِكْرِ اللَّهِ وَعَنِ الصَّلَاةِ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ مُنْتَهُونَ﴾

Nilalayon lamang ng demonyo sa paghahalina sa nakalalasing at sugal ang pagpapaganap ng poot at suklam sa pagitan ng mga puso at ang pagbaling palayo sa pag-alaala kay Allāh at sa pagdarasal, kaya kayo ba, O mga mananampalataya, ay mga mag-iiwan sa mga nakasasamang ito? Walang duda na iyon ay ang nababagay sa inyo kaya tumigil kayo.

﴿وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَاحْذَرُوا ۚ فَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ﴾

Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos ng Batas ng Islām at pag-iwas sa sinaway nito at mag-ingat kayo laban sa pagsalungat. Ngunit kung umayaw kayo roon ay alamin ninyo na ang tungkulin ng Sugo ni Allāh ay ang pagpapaabot ng ipinag-utos Niya na ipaabot, at naipaabot nga naman niya. Kayo kung napatnubayan kayo ay dahil sa sarili ninyo at kung nakagawa kayo ng masagwa ay laban naman sa mga ito.

﴿لَيْسَ عَلَى الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جُنَاحٌ فِيمَا طَعِمُوا إِذَا مَا اتَّقَوْا وَآمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ثُمَّ اتَّقَوْا وَآمَنُوا ثُمَّ اتَّقَوْا وَأَحْسَنُوا ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ﴾

Walang kasalanan sa mga sumampalataya at gumawa ng mga mabuti bilang pagpapakalapit-loob [kay Allāh] kaugnay sa anumang ininom nilang alak bago ang pagbabawal nito kapag iniwasan na nila ang mga ipinagbabawal bilang mga nangingilag sa pagkainis ni Allāh sa kanila, bilang mga mananampalataya sa Kanya, bilang mga nagsasagawa ng mga gawang mabuti, pagkatapos ay nadagdagan sila sa pagsasaalang-alang kay Allāh hanggang sa sila ay naging sumasamba sa Kanya na para bang sila ay nakakikita sa Kanya. Si Allāh ay umiibig sa mga sumasamba sa Kanya na para bang sila ay nakakikita sa Kanya dahil sa taglay nilang pagkadama sa namamalaging pagsasaalang-alang kay Allāh. Iyon ang nag-aakay sa mananampalataya sa pagpapahusay sa gawa niya at pagpapagaling nito.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَيَبْلُوَنَّكُمُ اللَّهُ بِشَيْءٍ مِنَ الصَّيْدِ تَنَالُهُ أَيْدِيكُمْ وَرِمَاحُكُمْ لِيَعْلَمَ اللَّهُ مَنْ يَخَافُهُ بِالْغَيْبِ ۚ فَمَنِ اعْتَدَىٰ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَلَهُ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

O mga sumampalataya, talagang susubukin nga kayo ni Allāh ng isang bagay na aakayin Niya sa inyo na pinangangasong hayop na ligaw samantalang kayo ay nasa iḥrām, na nakukuha ninyo ang mga maliit sa mga ito sa pamamagitan ng mga kamay ninyo at ang mga malaki sa pamamagitan ng mga sibat ninyo upang malaman ni Allāh ayon sa kaalaman ng paglitaw na tutuusin doon ang tao kung sino ang nangangamba sa Kanya nang Lingid dahil sa kalubusan ng pananampalataya nito sa kaalaman ni Allāh, kaya naman magpipigil ito sa panghuhuli sa pinangangasong hayop dala ng pangamba sa tagapaglikha niyon na hindi naikukubli sa Kanya ang gawa nito. Kaya ang sinumang lumampas sa hangganan at nangaso habang siya ay nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah, ukol sa kanya ay isang parusang nakasasakit sa Araw ng Pagbangon dahil sa paggawa niya sa sinaway ni Allāh.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَقْتُلُوا الصَّيْدَ وَأَنْتُمْ حُرُمٌ ۚ وَمَنْ قَتَلَهُ مِنْكُمْ مُتَعَمِّدًا فَجَزَاءٌ مِثْلُ مَا قَتَلَ مِنَ النَّعَمِ يَحْكُمُ بِهِ ذَوَا عَدْلٍ مِنْكُمْ هَدْيًا بَالِغَ الْكَعْبَةِ أَوْ كَفَّارَةٌ طَعَامُ مَسَاكِينَ أَوْ عَدْلُ ذَٰلِكَ صِيَامًا لِيَذُوقَ وَبَالَ أَمْرِهِ ۗ عَفَا اللَّهُ عَمَّا سَلَفَ ۚ وَمَنْ عَادَ فَيَنْتَقِمُ اللَّهُ مِنْهُ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ ذُو انْتِقَامٍ﴾

O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, kailangan sa kanya ay ganting nakatutulad ng pinatay niya na pinangangasong hayop gaya ng kamelyo o baka o tupa, na ihahatol ito ng dalawang lalaking nagtataglay ng katangian ng pagiging makatarungan sa mga Muslim.
Ang anumang inihatol nilang dalawa ay gagawin ang ginagawa sa handog gaya ng pagpapadala sa Makkah at pagkakatay nito sa Ḥaram o sa halaga niyon na pagkaing ibinibigay sa mga maralita ng Ḥaram: para sa bawat maralita ay kalahating Sā', o sa pag-aayuno ng isang araw katumbas ng bawat kalahating ṣā' ng pagkain. Ang lahat ng iyon ay upang malasap ng pumatay ng pinangangasong hayop ang kinahihinatnan ng paglalakas-loob niya sa pagpatay niyon. Nagpalampas si Allāh sa anumang nakalipas na pagpatay sa pinangangasong hayop ng Ḥaram at pagpatay ng taong nasa iḥrām ng pinangangasong hayop ng ilang, bago ang pagbabawal nito. Ang sinumang umulit nito matapos ang pagbabawal ay maghihiganti si Allāh sa kanya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kanya dahil doon. Si Allāh ay malakas, matatag. Bahagi ng lakas Niya na Siya ay naghihiganti sa sinumang sumuway sa Kanya kung niloob Niya. Hindi Siya napipigil doon ng isang tagapigil.

﴿أُحِلَّ لَكُمْ صَيْدُ الْبَحْرِ وَطَعَامُهُ مَتَاعًا لَكُمْ وَلِلسَّيَّارَةِ ۖ وَحُرِّمَ عَلَيْكُمْ صَيْدُ الْبَرِّ مَا دُمْتُمْ حُرُمًا ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ﴾

Ipinahintulot para sa inyo ang panghuhuli ng mga hayop na pantubig at ang anumang ibinubuga ng dagat para sa inyo buhay man o patay bilang kapakinabangan para sa sinumang kabilang sa inyo na isang nanunuluyan man o isang naglalakbay na magbabaon nito. Ipinagbawal Niya sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya - tanging Siya - ay ang babalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon at gagantihan Niya kayo sa mga gawa ninyo.

﴿۞ جَعَلَ اللَّهُ الْكَعْبَةَ الْبَيْتَ الْحَرَامَ قِيَامًا لِلنَّاسِ وَالشَّهْرَ الْحَرَامَ وَالْهَدْيَ وَالْقَلَائِدَ ۚ ذَٰلِكَ لِتَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

Ginawa ni Allāh ang Ka’bah bilang Bahay na binanal bilang pagpapanatili para sa mga tao. Pinananatili nito ang mga kapakanan nilang panrelihiyon gaya ng pagdarasal, hajj, at `umrah at ang mga kapakanan nilang pangmundo sa pamamagitan ng katiwasayan sa Ḥaram at ng pagkalap ng mga bunga ng bawat bagay patungo roon. Ginawa Niya ang mga buwang pinakababanal: ang Dhul qa`dah, ang Dhul ḥijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab bilang isang pagpapanatili para sa kanila ng katiwasayan nila roon laban sa pakikipaglaban sa kanila ng iba ba sa kanila. [Ginawa Niya] ang alay at ang mga hayop na nakakuwintas na nagpapadama na ang mga ito ay inaakay patungo sa Ḥaram bilang isang pagpapanatili para sa kanila ng katiwasayan ng mga may-ari ng mga ito laban sa pagsasailalim sa kanila sa kapinsalaan.
Yaong ibiniyaya ni Allāh sa inyo ay upang malaman ninyo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa at na si Allāh sa bawat bagay ay maalam sapagkat tunay na ang pagsasabatas Niya roon upang makamit ang mga kapakanan para sa inyo at maitulak ang mga kapinsalaan palayo sa anyo bago mangyari ang mga ito ay isang patunay sa kaalaman Niya sa nakabubuti para sa mga tao.

﴿اعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ وَأَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Alamin ninyo, O mga tao, na si Allāh ay matindi ang pagpaparusa sa sinumang sumuway sa Kanya, mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob, maawain dito.

﴿مَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ﴾

Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot sa anumang ipinag-utos sa kanya ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapaabot nito kaya naman wala sa kanya ang pagtutuon sa mga tao tungo sa patnubay sapagkat iyon ay nasa kamay ni Allāh - tanging sa Kanya. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang itinatago ninyong patnubay o pagkaligaw, at gaganti sa inyo roon.

﴿قُلْ لَا يَسْتَوِي الْخَبِيثُ وَالطَّيِّبُ وَلَوْ أَعْجَبَكَ كَثْرَةُ الْخَبِيثِ ۚ فَاتَّقُوا اللَّهَ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Hindi pumapantay ang karima-rimarim mula sa bawat bagay sa kaaya-aya mula sa bawat bagay, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim sapagkat tunay na ang dami nito ay hindi nagpapatunay sa kainaman nito." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may mga pang-unawa, sa pamamagitan ng pag-iwan sa nakaririmarim at ng paggawa ng kaaya-aya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng Paraiso.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَسْأَلُوا عَنْ أَشْيَاءَ إِنْ تُبْدَ لَكُمْ تَسُؤْكُمْ وَإِنْ تَسْأَلُوا عَنْهَا حِينَ يُنَزَّلُ الْقُرْآنُ تُبْدَ لَكُمْ عَفَا اللَّهُ عَنْهَا ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ﴾

O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong sa Sugo ninyo tungkol sa mga bagay na walang pangangailangan sa inyo sa mga ito at hindi kabilang sa nakatutulong sa inyo sa nauukol sa relihiyon ninyo, na kung ilalantad ang mga ito sa inyo ay ikayayamot ninyo dahil sa taglay ng mga ito na hirap; ngunit kung magtatanong kayo tungkol sa mga bagay na ito, na sinaway kayo sa pagtatanong tungkol sa mga ito sa sandaling pinabababa ang pagsisiwalat sa Sugo, ay lilinaw ang mga ito sa inyo. Iyon kay Allāh ay madali. Nagpalampas na si Allāh sa mga bagay na nanahimik tungkol sa mga ito ang Qur'ān kaya huwag kayong magtanong tungkol sa mga ito sapagkat tunay kung nagtanong kayo tungkol sa mga ito ay ibaba sa inyo ang pag-aatang sa kahatulan ng mga ito.

﴿قَدْ سَأَلَهَا قَوْمٌ مِنْ قَبْلِكُمْ ثُمَّ أَصْبَحُوا بِهَا كَافِرِينَ﴾

Nagtanong na tungkol sa tulad ng mga ito ang mga tao kabilang sa nauna sa inyo ngunit noong inatangan sila ng mga ito ay hindi sila nagsagawa sa mga ito kaya sila ay naging mga tumatangging sumampalataya dahilan sa mga ito.

﴿مَا جَعَلَ اللَّهُ مِنْ بَحِيرَةٍ وَلَا سَائِبَةٍ وَلَا وَصِيلَةٍ وَلَا حَامٍ ۙ وَلَٰكِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ ۖ وَأَكْثَرُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ﴾

Ipinahintulot ni Allāh ang mga hayupan sapagkat hindi Siya nagbawal mula sa mga ito ng ipinagbawal ng mga tagapagtambal sa mga sarili nila para sa mga anito nila.
Kabilang sa mga ito ang baḥīrah, na babaing kamelyo na pinuputol ang tainga kapag nakapagsilang ng isang takdang bilang; ang sā’ibah, na babaing kamelyo na kapag umabot sa isang takdang edad ay iniiwan sa mga anito nila; ang waṣīlah, na babaing kamelyo na nagpapatuloy ang pagsisilang sa isang babae matapos ng isang babae; ang ḥāmī, na lalaking kamelyo kapag nagkaanak ito ng isang bilang ng mga kamelyo, subalit ang mga tumangging sumampalataya ay nag-aakala ng isang kasinungalingan at paninirang-puri na si Allāh ay nagbawal sa mga nabanggit. Ang higit na marami sa mga tumatangging sumampalataya ay hindi nakatatalos sa pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at ng ipinahintulot at ipinagbabawal.

﴿وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا إِلَىٰ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَإِلَى الرَّسُولِ قَالُوا حَسْبُنَا مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا ۚ أَوَلَوْ كَانَ آبَاؤُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ شَيْئًا وَلَا يَهْتَدُونَ﴾

Kapag sinabi sa mga gumawa-gawang ito kay Allāh ng kasinungalingan ng pagbabawal sa ilan sa mga hayupan: "Halikayo sa ibinaba ni Allāh na Qur'ān at sa Sunnah ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - upang makilala ninyo ang ipinahihintulot sa ipinagbabawal" ay nagsasabi sila: "Nakasasapat sa amin ang nakuha namin at minana namin buhat sa mga ninuno namin na mga paniniwala, mga sinasabi, at mga ginagawa.
" Papaanong nakasasapat sa kanila iyon samantalang ang mga ninuno nila noon nga ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan sa katotohanan? Kaya naman walang sumusunod sa kanila kundi ang sinumang higit na mangmang kaysa sa kanila at higit na ligaw sa landas sapagkat sila ay mga mangmang na naliligaw.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا عَلَيْكُمْ أَنْفُسَكُمْ ۖ لَا يَضُرُّكُمْ مَنْ ضَلَّ إِذَا اهْتَدَيْتُمْ ۚ إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

O mga sumampalataya, tungkulin ninyo ang mga sarili ninyo kaya obligahin ninyo ang mga ito ng pagsasagawa sa anumang nagpapabuti rito. Hindi kayo napipinsala ng sinumang naligaw sa mga tao at hindi tumugon sa inyo kapag napatnubayan kayo mismo. Bahagi ng pagkapatnubay ninyo ang pag-uutos ninyo sa nakabubuti at ang pagsaway ninyo sa nakasasama. Tungo kay Allāh - tanging sa Kanya - ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, at magbabalita Siya sa inyo ng anumang ginagawa ninyo noon sa Mundo at gagantihan Niya kayo roon.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا شَهَادَةُ بَيْنِكُمْ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ حِينَ الْوَصِيَّةِ اثْنَانِ ذَوَا عَدْلٍ مِنْكُمْ أَوْ آخَرَانِ مِنْ غَيْرِكُمْ إِنْ أَنْتُمْ ضَرَبْتُمْ فِي الْأَرْضِ فَأَصَابَتْكُمْ مُصِيبَةُ الْمَوْتِ ۚ تَحْبِسُونَهُمَا مِنْ بَعْدِ الصَّلَاةِ فَيُقْسِمَانِ بِاللَّهِ إِنِ ارْتَبْتُمْ لَا نَشْتَرِي بِهِ ثَمَنًا وَلَوْ كَانَ ذَا قُرْبَىٰ ۙ وَلَا نَكْتُمُ شَهَادَةَ اللَّهِ إِنَّا إِذًا لَمِنَ الْآثِمِينَ﴾

O mga sumampalataya, kapag nalapit sa isa sa inyo ang paglitaw ng isa sa mga tanda ng kamatayan ay magpasaksi siya sa paghahabilin niya sa dalawang makatarungan kabilang sa mga Muslim o dalawang lalaki kabilang sa mga tumatangging sumampalataya sa sandali ng pangangailangan dahil sa kawalan ng iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga Muslim kung naglakbay kayo at bumaba sa inyo ang kamatayan.
Kung nangyari ang pag-aalinlangan sa pagsaksi nilang dalawa ay patigilin ninyo silang dalawa matapos ang isa sa mga pagdarasal at manunumpa silang dalawa kay Allāh na hindi silang dalawa magbebenta ng bahagi nilang dalawa mula kay Allāh kapalit ng isang panumbas, hindi silang dalawa papanig sa isang kaanak, hindi sila magkukubli ng isang pagsasaksi kay Allāh sa ganang kanilang dalawa, at na kung ginawa nilang dalawa iyon, silang dalawa ay magiging kabilang sa mga nagkakasalang sumusuway kay Allāh.

﴿فَإِنْ عُثِرَ عَلَىٰ أَنَّهُمَا اسْتَحَقَّا إِثْمًا فَآخَرَانِ يَقُومَانِ مَقَامَهُمَا مِنَ الَّذِينَ اسْتَحَقَّ عَلَيْهِمُ الْأَوْلَيَانِ فَيُقْسِمَانِ بِاللَّهِ لَشَهَادَتُنَا أَحَقُّ مِنْ شَهَادَتِهِمَا وَمَا اعْتَدَيْنَا إِنَّا إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ﴾

Ngunit kung luminaw, matapos ng pagpapanumpa, ang kasinungalingan nilang dalawa sa pagsasaksi o panunumpa o lumitaw ang kataksilan nilang dalawa, pasasaksihin o panunumpain ang dalawang iba pang tatayo sa katayuan nilang dalawa kabilang sa pinakamalapit na mga tao sa namatay kung ano ang totoo. Susumpa ang dalawang ito kay Allāh ng ganito: "Talagang ang pagkasaksi namin sa kasinungalingan nilang dalawa at kataksilan nilang dalawa ay higit na totoo sa pagsaksi nilang dalawa sa katapatan nilang dalawa at pagkamapagkakatiwalaan nilang dalawa. Hindi kami sumumpa ng kabulaanan. Tunay na kami, kung sumaksi kami sa kabulaanan, ay talagang kabilang sa mga lumalabag sa katarungan, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh."

﴿ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَنْ يَأْتُوا بِالشَّهَادَةِ عَلَىٰ وَجْهِهَا أَوْ يَخَافُوا أَنْ تُرَدَّ أَيْمَانٌ بَعْدَ أَيْمَانِهِمْ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاسْمَعُوا ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ﴾

Ang nabanggit na iyon na pagpapasumpa sa dalawang saksi matapos ng pagdarasal sa sandali ng pagdududa sa pagsasaksi nilang dalawa at laban sa pagtanggi sa pagsasaksi nilang dalawa ay higit na malapit sa pagsasagawa nilang dalawa sa pagsasaksi ayon sa paraang legal ng pagsasagawa nito kaya hindi silang dalawa maglilihis sa pagsasaksi o magpapalit nito o magtataksil, at higit na malapit sa pangangamba nilang dalawa na tanggihan ang mga panunumpa ng mga tagapagmana matapos ng mga panunumpa nilang dalawa sapagkat manunumpa sila ng salungat sa sinaksihan nila kaya maiiskandalo silang dalawa. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasinungalingan at kataksilan sa pagsasaksi at panunumpa. Dinggin ninyo ang ipinag-utos sa inyo sa pagdinig na sinasamahan ng pagtanggap. Si Allāh ay hindi natutuon sa mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya.

﴿۞ يَوْمَ يَجْمَعُ اللَّهُ الرُّسُلَ فَيَقُولُ مَاذَا أُجِبْتُمْ ۖ قَالُوا لَا عِلْمَ لَنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ﴾

Banggitin ninyo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon kung kailan titipunin ni Allāh ang lahat ng mga sugo at magsasabi Siya sa kanila: "Ano ang itinugon sa inyo ng mga kalipunan ninyo na pinagsuguan Ko sa inyo?" Magsasabi sila, habang mga ipinagkakatiwala ang sagot kay Allāh: "Walang kaalaman sa amin at ang kaalaman ay sa Iyo lamang; tunay na Ikaw - tanging Ikaw - ay ang nakaaalam sa mga bagay-bagay na Lingid."

﴿إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ اذْكُرْ نِعْمَتِي عَلَيْكَ وَعَلَىٰ وَالِدَتِكَ إِذْ أَيَّدْتُكَ بِرُوحِ الْقُدُسِ تُكَلِّمُ النَّاسَ فِي الْمَهْدِ وَكَهْلًا ۖ وَإِذْ عَلَّمْتُكَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَالتَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ ۖ وَإِذْ تَخْلُقُ مِنَ الطِّينِ كَهَيْئَةِ الطَّيْرِ بِإِذْنِي فَتَنْفُخُ فِيهَا فَتَكُونُ طَيْرًا بِإِذْنِي ۖ وَتُبْرِئُ الْأَكْمَهَ وَالْأَبْرَصَ بِإِذْنِي ۖ وَإِذْ تُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ بِإِذْنِي ۖ وَإِذْ كَفَفْتُ بَنِي إِسْرَائِيلَ عَنْكَ إِذْ جِئْتَهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ﴾

Banggitin mo kapag magsasabi si Allāh habang nakikipag-usap kay Hesus - sumakanya ang pangangalaga: "O Hesus na anak ni Maria, banggitin mo ang biyaya Ko sa iyo nang lumikha Ako sa iyo nang walang ama at alalahanin mo ang biyaya Ko sa ina mo - sumakanya ang pangangalaga - nang humirang Ako sa kanya higit sa mga babae sa panahon niya.
Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay nang nagpalakas Ako sa iyo sa pamamagitan ni Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga : nagsasalita ka sa mga tao - habang ikaw ay isang sanggol - sa pag-aanyaya sa kanila tungo sa Akin at nagsasalita ka sa kanila sa kasapatang-gulang mo ng ipinasugo Ko sa iyo sa kanila. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay na itinuro Ko sa iyo ang pagsulat, itinuro Ko sa iyo ang Torah na ibinaba kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - at ang Ebanghelyo na ibinaba sa iyo, at itinuro Ko sa iyo ang mga lihim ng Batas, mga pakinabang nito, at mga karunungan nito.
Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay na ikaw ay nagbibigay-anyo mula sa putik ng anyo ng isang ibon, pagkatapos ay umiihip ka rito at ito ay nagiging isang ibon, na ikaw ay nagpapagaling sa ipinanganak na bulag mula sa pagkabulag nito, nagpapagaling ng ketongin at ito ay nagiging magaling ang balat, at bumubuhay ng mga patay sa pamamagitan ng panalangin mo sa Akin na buhayin sila. Lahat ng iyon ay ayon sa kapahintulutan Ko.
Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay na nagtanggol Ako sa iyon sa mga anak ni Israel noong nagbalak silang patayin ka noong dinalhan mo sila ng mga himalang maliwanag ngunit walang nangyari sa kanila malibang tumanggi silang sumampalataya sa mga ito at nagsabi sila: "Walang iba itong dinala ni Hesus kundi isang panggagaway na maliwang."

﴿وَإِذْ أَوْحَيْتُ إِلَى الْحَوَارِيِّينَ أَنْ آمِنُوا بِي وَبِرَسُولِي قَالُوا آمَنَّا وَاشْهَدْ بِأَنَّنَا مُسْلِمُونَ﴾

Banggitin mo na kabilang sa ibiniyaya ko sa iyo ay na nagkaloob Ako sa iyo ng mga katulong nang nagpahiwatig Ako sa mga disipulo na sumampalataya sila sa Akin at sa iyo at nagpaakay naman sila roon, tumugon, at nagsabi: "Sumampalataya kami at sumaksi Ka, O Panginoon namin, na kami ay mga sumusuko sa Iyo, mga nagpapaakay."

﴿إِذْ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ هَلْ يَسْتَطِيعُ رَبُّكَ أَنْ يُنَزِّلَ عَلَيْنَا مَائِدَةً مِنَ السَّمَاءِ ۖ قَالَ اتَّقُوا اللَّهَ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

Banggitin mo noong nagsabi ang mga disipulo: "O Hesus na anak ni Maria, makakaya ba ng Panginoon mo, kapag dumalangin ka sa Kanya, na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" Kaya sumagot si Hesus - sumakanya ang pangangalaga - sa pamamagitan ng pag-utos sa kanila ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at ng pag-iwan ng paghiling ng hiningi nila yayamang baka may dulot itong isang tukso sa kanila at nagsabi siya sa kanila: "Manalig kayo sa Panginoon ninyo sa paghiling ng panustos kung kayo ay mga mananampalataya."

﴿قَالُوا نُرِيدُ أَنْ نَأْكُلَ مِنْهَا وَتَطْمَئِنَّ قُلُوبُنَا وَنَعْلَمَ أَنْ قَدْ صَدَقْتَنَا وَنَكُونَ عَلَيْهَا مِنَ الشَّاهِدِينَ﴾

Nagsabi ang mga disipulo kay Hesus: "Ninanais namin na kumain mula sa hapag na ito, mapanatag ang mga puso namin sa kalubusan ng kakayahan ni Allāh at na ikaw ay Sugo Niya, malaman namin ng ayon sa kaalaman ng katiyakan na ikaw ay nagtapat sa amin sa inihatid mo mula sa ganang kay Allāh, at maging kabilang kami sa mga sumasaksi roon para sa hindi nakadalo roon kabilang sa mga tao."

﴿قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ اللَّهُمَّ رَبَّنَا أَنْزِلْ عَلَيْنَا مَائِدَةً مِنَ السَّمَاءِ تَكُونُ لَنَا عِيدًا لِأَوَّلِنَا وَآخِرِنَا وَآيَةً مِنْكَ ۖ وَارْزُقْنَا وَأَنْتَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ﴾

Kaya tumugon si Hesus sa hiling nila at dumalangin kay Allāh, na nagsasabi: "Panginoon namin, magbaba Ka sa amin ng isang hapag ng pagkain, na gagawin namin, mula sa araw ng pagbaba nito, na isang pagdiriwang na dadakilain namin bilang pasasalamat sa iyo at magiging isang tanda at patotoo sa kaisahan Mo at sa katapatan ng ipinadala No. Tustusan Mo kami ng panustos na tutulong sa amin sa pagsamba sa Iyo yayamang Ikaw, O Panginoon namin, ay pinakamainam sa mga nagtutustos."

﴿قَالَ اللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيْكُمْ ۖ فَمَنْ يَكْفُرْ بَعْدُ مِنْكُمْ فَإِنِّي أُعَذِّبُهُ عَذَابًا لَا أُعَذِّبُهُ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ﴾

Kaya tinugon ni Allāh ang panalangin ni Hesus - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi: "Tunay na Ako ay magpapababa ng hapag na ito na hiniling ninyong ibaba sa inyo; kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ibaba ito ay huwag nga siyang maninisi maliban sa sarili niya sapagkat parurusahan Ko siya ng isang pagdurusang matinding hindi Ko ipinarurusa sa isa man dahil siya ay nakasaksi sa himalang kahanga-hanga kaya ang kawalang-pananampalataya niya ay naging kawalang-pananampalataya ng pagmamatigas. Isinakatuparan ni Allāh sa kanila ang pangako Niya at ibinaba Niya ito sa kanila.

﴿وَإِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ أَأَنْتَ قُلْتَ لِلنَّاسِ اتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيْنِ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالَ سُبْحَانَكَ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أَقُولَ مَا لَيْسَ لِي بِحَقٍّ ۚ إِنْ كُنْتُ قُلْتُهُ فَقَدْ عَلِمْتَهُ ۚ تَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِي وَلَا أَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِكَ ۚ إِنَّكَ أَنْتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ﴾

Banggitin mo kapag magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon habang kinakausap si Hesus na anak ni Maria - sumakanya ang pangangalaga: "O Hesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang sinasamba bukod pa kay Allāh?" Kaya magsasabi si Hesus habang nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon niya: "Hindi nararapat sa akin na magsabi sa kanila malibang ang katotohanan. Kung itinakdang ako ay nagsabi niyon, nalaman Mo na sana iyon dahil walang naikukubli sa Iyo na anuman. Nalalaman Mo ang inililingid ko sa sarili ko at hindi ko nalalaman ang nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw - tanging Ikaw - ay ang nakaaalam sa bawat nakaliban, bawat nakakubli, at bawat nakalitaw.

﴿مَا قُلْتُ لَهُمْ إِلَّا مَا أَمَرْتَنِي بِهِ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۚ وَكُنْتُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا مَا دُمْتُ فِيهِمْ ۖ فَلَمَّا تَوَفَّيْتَنِي كُنْتَ أَنْتَ الرَّقِيبَ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنْتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ﴾

Nagsabi si Hesus sa Panginoon niya: "Wala akong sinabi sa mga tao kundi ang ipinag-utos Mo sa akin sa pamamagitan ng pagsabi sa utos sa kanila na ibukod-tangi Ka sa pagsamba. Ako noon ay mapagmasid sa sinasabi nila sa yugto ng kairalan ko sa gitna nila ngunit noong winakasan Mo ang panahon ng pananatili ko sa kanila sa pamamagitan ng pag-angat sa akin sa langit nang buhay, Ikaw, O Panginoon ko, ay ang mapag-ingat sa mga gawain nila. Ikaw sa bawat bagay ay isang saksi: walang naililingid sa Iyo na anuman kaya hindi naikukubli sa Iyo ang sinabi ko sa kanila at ang sinabi nila matapos ko.

﴿إِنْ تُعَذِّبْهُمْ فَإِنَّهُمْ عِبَادُكَ ۖ وَإِنْ تَغْفِرْ لَهُمْ فَإِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

Kung pagdurusahin Mo sila, O Panginoon, tunay na sila ay mga lingkod Mo, na nagagawa Mo sa kanila ang niloob Mo; at kung magkakaloob Ka ng kapatawaran sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila, walang nakapipigil sa Iyo roon sapagkat tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihang hindi nagagapi, ang Marunong sa pangangasiwa Mo."

﴿قَالَ اللَّهُ هَٰذَا يَوْمُ يَنْفَعُ الصَّادِقِينَ صِدْقُهُمْ ۚ لَهُمْ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾

Magsasabi si Allāh kay Hesus - sumakanya ang pangangalaga: "Ito ay araw na pakikinabangin ang mga tapat sa mga layunin, mga ginagawa, at mga sinasabi, ng katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito habang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Hindi sila dadapuan ng kamatayan." Nalugod si Allāh sa kanila kaya hindi Siya maiinis sa kanila magpakailanman at nalugod sila sa Kanya dahil sa nakamtan nilang kaalwanang namamalagi. Ang ganti at ang pagkalugod sa kanila na iyon ay ang pagkatamong sukdulan sapagkat walang pagkatamong makapapantay niyon.

﴿لِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا فِيهِنَّ ۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Kay Allāh - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at lupa sapagkat Siya ay ang Tagapaglikha ng mga ito at ang Tagapangasiwa sa nauukol sa mga ito, at Kanya ang paghahari sa anumang nasa loob ng mga ito na lahat ng mga nilikha. Siya sa bawat bagay ay may-kakayahan kaya hindi Siya napanghihina ng anuman.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: