المائدة

تفسير سورة المائدة آية رقم 44

﴿ﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬ ﴾

﴿إِنَّا أَنْزَلْنَا التَّوْرَاةَ فِيهَا هُدًى وَنُورٌ ۚ يَحْكُمُ بِهَا النَّبِيُّونَ الَّذِينَ أَسْلَمُوا لِلَّذِينَ هَادُوا وَالرَّبَّانِيُّونَ وَالْأَحْبَارُ بِمَا اسْتُحْفِظُوا مِنْ كِتَابِ اللَّهِ وَكَانُوا عَلَيْهِ شُهَدَاءَ ۚ فَلَا تَخْشَوُا النَّاسَ وَاخْشَوْنِ وَلَا تَشْتَرُوا بِآيَاتِي ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ﴾

Tunay na Kami ay nagbaba ng Torah kay Moises, sumakanya ang pangangalaga, na sa loob nito ay may paggabay at pagpatnubay sa kabutihan, at liwanag na ipinantatanglaw. Naghahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta ng mga anak ni Israel sa mga nagpaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga maalam at ang mga marunong sa batas na nagtuturo sa mga tao ng ipinaingat sa kanila ni Allāh sa kasulatan Niya. Ginawa Niya sila bilang mga tagapag-ingat dito na nangangalaga rito laban sa paglilihis at pagpapalit ng kahulugan. Sila ay mga saksi rito na ito ay katotohanan. Sa kanila sumasangguni ang mga tao hinggil sa pumapatungkol dito. Kaya huwag kayong mangamba, O mga Hudyo, sa mga tao ngunit mangamba kayo kay Allāh, tanging sa Kanya. Huwag kayong tumanggap ng isang pamalit sa hatol ayon sa ibinaba ni Allāh kapalit ng kakaunting halaga gaya ng posisyon o prestihiyo o salapi. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa ibinaba ni Allāh mula sa pagsisiwalat habang nagtuturing na ipinahihintulot iyon o minamagaling higit doon ang iba pa roon o ipinapantay iyon dito, ang mga taong iyon ay ang mga tumatangging sumampalataya nang totohanan.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: