المائدة

تفسير سورة المائدة آية رقم 15

﴿ﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃ ﴾

﴿يَا أَهْلَ الْكِتَابِ قَدْ جَاءَكُمْ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمْ كَثِيرًا مِمَّا كُنْتُمْ تُخْفُونَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَعْفُو عَنْ كَثِيرٍ ۚ قَدْ جَاءَكُمْ مِنَ اللَّهِ نُورٌ وَكِتَابٌ مُبِينٌ﴾

O mga May Kasulatan na mga Hudyo na mga tagasunod ng Torah at mga Kristiyano na mga tagasunod ng Ebanghelyo, dumating nga sa inyo ang Sugo Naming si Muḥammad - sumakanya ang basbas at ang pangangalaga - na naglilinaw sa inyo ng marami mula sa dating itinatago ninyo mula sa kasulatang pinababa sa inyo at nagpapalampas sa marami buhat doon na kabilang sa anumang walang kapakanan doon maliban sa pagbubunyag sa inyo. Dumating nga sa inyo ang Qur'ān bilang Aklat mula sa ganang kay Allāh. Ito ay isang liwanag na ipinantatanglaw at isang aklat na naglilinaw sa bawat kinakailangan ng mga tao sa mga nauukol sa kanila na pangmundo at pangkabilang-buhay.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: