الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ طسم﴾
Ṭā. Sīn. Mīm. Nauna na ang pagtalakay sa mga kapares nito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
﴿تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْمُبِينِ﴾
Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur'ān na maliwanag.
﴿نَتْلُو عَلَيْكَ مِنْ نَبَإِ مُوسَىٰ وَفِرْعَوْنَ بِالْحَقِّ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾
Bumibigkas Kami sa iyo ng kabilang sa ulat kay Moises at kay Paraon ayon sa katotohanang walang pag-aatubili rito para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa nasaad dito.
﴿إِنَّ فِرْعَوْنَ عَلَا فِي الْأَرْضِ وَجَعَلَ أَهْلَهَا شِيَعًا يَسْتَضْعِفُ طَائِفَةً مِنْهُمْ يُذَبِّحُ أَبْنَاءَهُمْ وَيَسْتَحْيِي نِسَاءَهُمْ ۚ إِنَّهُ كَانَ مِنَ الْمُفْسِدِينَ﴾
Tunay na si Paraon ay nagmalabis sa lupain ng Ehipto at nangibabaw roon. Gumawa siya sa mga naninirahan doon na mga pangkat na hinati-hati. Naniniil siya sa isang pangkat kabilang sa kanila, ang mga anak ni Israel, sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaki sa mga anak nila at pagpapanatili sa mga babae nila para sa paglilingkod bilang pagpapaigting sa pang-aaba sa kanila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-katarungan, pagmamalabis, at pagmamalaki.
﴿وَنُرِيدُ أَنْ نَمُنَّ عَلَى الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا فِي الْأَرْضِ وَنَجْعَلَهُمْ أَئِمَّةً وَنَجْعَلَهُمُ الْوَارِثِينَ﴾
Nagnanais Kaming magmabuting-loob Kami sa mga anak ni Israel na sinisiil ni Paraon sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng pagpapasawi sa kaaway nila, pag-aalis ng paniniil sa kanila, at paggawa sa kanila na mga pasimuno na tutularan sila sa katotohanan; at gumawa Kami sa kanila na magmamana sa pinagpalang lupain ng Sirya matapos ng pagkasawi ni Paraon, gaya ng sabi Namin (Qur'ān 7:137): "Ipinamana Namin sa mga taong dating sinisiil ang mga silangan ng lupain at ang mga kanluran nito, na nagpala Kami sa mga ito..."
﴿وَنُمَكِّنَ لَهُمْ فِي الْأَرْضِ وَنُرِيَ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَجُنُودَهُمَا مِنْهُمْ مَا كَانُوا يَحْذَرُونَ﴾
Nagnanais Kami na magpatatag Kami sa kanila sa lupain sa pamamagitan ng paggawa sa kanila bilang mga kasamahan ng naghahari roon; at magpakita Kami kay Paraon, sa tagasuporta niyang pinakamalaki na si Hāmān, at sa mga kawal nilang dalawa -na mga tagatulong para sa kanilang dalawa sa paghahari nilang dalawa- ng pinangangambahan nila noon na paglaho ng paghahari nila at pagwawakas nito sa kamay ng isang lalaking anak ng mga anak ng Israel.
﴿وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ أُمِّ مُوسَىٰ أَنْ أَرْضِعِيهِ ۖ فَإِذَا خِفْتِ عَلَيْهِ فَأَلْقِيهِ فِي الْيَمِّ وَلَا تَخَافِي وَلَا تَحْزَنِي ۖ إِنَّا رَادُّوهُ إِلَيْكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ الْمُرْسَلِينَ﴾
Nagpahiwatig Kami sa ina ni Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Magpasuso ka sa kanya. Kapag natakot ka para sa kanya kay Paraon at sa mga tao niya na baka patayin nila siya, ilagay mo siya sa kahon at itapon mo siya sa ilog ng Nilo. Huwag kang mangamba para sa kanya ng pagkalunod ni kay Paraon at huwag kang malungkot dahilan sa pagkakawalay sa kanya. Tunay na Kami ay magsasauli sa kanya sa iyo nang buhay at gagawa sa kanya kabilang sa mga sugo Namin na ipadadala sa mga nilikha."
﴿فَالْتَقَطَهُ آلُ فِرْعَوْنَ لِيَكُونَ لَهُمْ عَدُوًّا وَحَزَنًا ۗ إِنَّ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَجُنُودَهُمَا كَانُوا خَاطِئِينَ﴾
Kaya sumunod ang ina ni Moises sa ipinahiwatig Namin dito na paglalagay sa kanya sa kahon at pagtatapon sa kanya sa ilog. Kaya naman napulot siya ng mag-anak ni Paraon at kinuha nila siya upang magkatotoo ang ninais ni Allāh na si Moises ay maging isang kaaway para kay Paraon, na aalisin ni Allāh ang paghahari nito sa kamay nito, habang nagdudulot si Moises ng kalungkutan nila. Tunay na si Paraon, ang katuwang nitong si Hāmān, at ang mga katulong nilang dalawa ay mga nagkakasala noon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila, pagmamalabis nila, at panggugulo nila sa lupa.
﴿وَقَالَتِ امْرَأَتُ فِرْعَوْنَ قُرَّتُ عَيْنٍ لِي وَلَكَ ۖ لَا تَقْتُلُوهُ عَسَىٰ أَنْ يَنْفَعَنَا أَوْ نَتَّخِذَهُ وَلَدًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ﴾
Noong nagnais si Paraon na patayin si Moises ay nagsabi sa kanya ang maybahay niya: "Ang batang ito ay pinagmumulan ng tuwa para sa akin at para sa iyo. Huwag ninyo siyang patayin. Harinawang siya ay magpapakinabang sa atin sa pamamagitan ng paglilingkod o maituturing natin siya bilang isang anak sa pamamagitan ng pag-ampon." Sila ay hindi nakaaalam sa kauuwian ng paghahari nila sa kamay niya.
﴿وَأَصْبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَارِغًا ۖ إِنْ كَادَتْ لَتُبْدِي بِهِ لَوْلَا أَنْ رَبَطْنَا عَلَىٰ قَلْبِهَا لِتَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ﴾
Ang puso ng ina ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - ay naging hungkag sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa Mundo maliban sa nauukol kay Moises.
Hindi na ito makatiis hanggang sa muntik na nitong ihayag na si Moises ay anak nito dahil sa tindi ng pagkahumaling sa kanya kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito sa pamamagitan ng pagpapatatag sa puso nito at pagpapatiis dito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nananalig sa Panginoon nila, na mga nagtitiis sa anumang itinadhana Niya.
﴿وَقَالَتْ لِأُخْتِهِ قُصِّيهِ ۖ فَبَصُرَتْ بِهِ عَنْ جُنُبٍ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ﴾
Nagsabi ang ina ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - sa babaing kapatid niya matapos ng pagtapon nito sa kanya sa ilog: "Sumunod ka sa bakas niya upang malaman mo ang gagawin sa kanya." Kaya nakita niyon siya mula sa kalayuan upang hindi mabunyag ang ginagawa niya habang si Paraon at ang mga tao nito ay hindi nakararamdam na iyon ay babaing kapatid niya at na iyon ay nagsisiyasat sa lagay niya.
﴿۞ وَحَرَّمْنَا عَلَيْهِ الْمَرَاضِعَ مِنْ قَبْلُ فَقَالَتْ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ أَهْلِ بَيْتٍ يَكْفُلُونَهُ لَكُمْ وَهُمْ لَهُ نَاصِحُونَ﴾
Tumanggi si Moises, dahil sa isang pagpapakana mula kay Allāh, sa pagsuso sa mga [ibang] babae. Kaya noong nakita ng babaing kapatid niya ang sigasig nila sa pagpapasuso sa kanya ay nagsabi iyon sa kanila: "Gagabayan ko po ba kayo sa isang mag-anak na magsasagawa ng pagpapasuso sa kanya at pag-aaruga sa kanya, at sila sa kanya ay mga tagapayo?"
﴿فَرَدَدْنَاهُ إِلَىٰ أُمِّهِ كَيْ تَقَرَّ عَيْنُهَا وَلَا تَحْزَنَ وَلِتَعْلَمَ أَنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾
Kaya pinanumbalik Namin si Moises sa ina niya sa pag-asang malugod ang mata nito dahil sa pagkakalapit at hindi malungkot ito dahilan sa pagkakawalay sa kanya, at upang malaman nito na ang pangako ni Allāh ng pagpapanumbalik sa kanya rito ay totoong walang mapag-aatubilihan dito, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa pangakong ito at walang isang nakaaalam na iyon ay ang ina niya.
﴿وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُ وَاسْتَوَىٰ آتَيْنَاهُ حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ﴾
Noong umabot siya sa edad ng pagkamatipuno ng katawan at tumatag siya sa lakas niya ay nagbigay Kami sa kanya ng pag-intindi at kaalaman sa relihiyon ng mga anak ni Israel bago ng pagkapropeta niya. Kung paanong gumanti Kami kay Moises sa pagtalima niya, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda sa bawat panahon at pook.
﴿وَدَخَلَ الْمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفْلَةٍ مِنْ أَهْلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيْنِ يَقْتَتِلَانِ هَٰذَا مِنْ شِيعَتِهِ وَهَٰذَا مِنْ عَدُوِّهِ ۖ فَاسْتَغَاثَهُ الَّذِي مِنْ شِيعَتِهِ عَلَى الَّذِي مِنْ عَدُوِّهِ فَوَكَزَهُ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيْهِ ۖ قَالَ هَٰذَا مِنْ عَمَلِ الشَّيْطَانِ ۖ إِنَّهُ عَدُوٌّ مُضِلٌّ مُبِينٌ﴾
Pumasok si Moises sa lungsod sa isang oras ng pamamahinga ng mga tao sa mga bahay nila. Nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aalitan at nagsasapukan. Ang isa sa dalawa ay kabilang sa mga anak ni Israel na mga kalipi ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - at ang iba naman ay kabilang mga Kopto na mga kalipi ni Paraon na mga kaaway ni Moises. Humiling ang kabilang sa lipi niya na tulungan ito laban sa kabilang sa mga Kopto na mga kaaway niya. Kaya sinapok ni Moises ang kopto sa pamamagitan ng nakakuyom na kamay niya at napatay niya iyon sa pamamagitan ng pagsapok na iyon dahil sa lakas niya.
Nagsabi si Moises: "Ito ay kabilang sa pang-aakit ng demonyo at pagpapalisya niya; tunay na ang demonyo ay isang kaaway na tagapagligaw para sa sinumang sumunod sa kanya, na maliwanag sa pagkamuhi sapagkat ang nangyari sa akin ay dahilan sa pagkamuhi niya at dahilan sa siya ay tagapagligaw na nagnanais ng pagpapaligaw sa akin."
﴿قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمْتُ نَفْسِي فَاغْفِرْ لِي فَغَفَرَ لَهُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ﴾
Nagsabi si Moises habang dumadalangin sa Panginoon niya habang umaamin sa nangyari sa kanya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko dahil sa pagkapatay sa Koptong ito, kaya magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko." Kaya nilinaw ni Allāh sa atin ang pagpapatawad Niya kay Moises. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.
﴿قَالَ رَبِّ بِمَا أَنْعَمْتَ عَلَيَّ فَلَنْ أَكُونَ ظَهِيرًا لِلْمُجْرِمِينَ﴾
Pagkatapos ay nagpatuloy ang ulat tungkol sa panalangin ni Moises na nagsabi hinggil doon: "Panginoon ko, dahilan sa ibiniyaya Mo sa akin na kalakasan, karunungan, at kaalaman ay hindi ako magiging isang tagatulong sa mga salarin sa pagsasalarin nila."
﴿فَأَصْبَحَ فِي الْمَدِينَةِ خَائِفًا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا الَّذِي اسْتَنْصَرَهُ بِالْأَمْسِ يَسْتَصْرِخُهُ ۚ قَالَ لَهُ مُوسَىٰ إِنَّكَ لَغَوِيٌّ مُبِينٌ﴾
Kaya noong nangyari sa kanya ang nangyaring pagkapatay sa Kopto, siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay kung ano ang mangyayari, at biglang ang humingi sa kanya ng tulong at pag-aadya laban sa kaaway nitong Kopto kahapon ay nagpapatulong na naman sa kanya laban sa iba pang Kopto. Nagsabi sa kanya si Moises: "Tunay na Ikaw ay talagang may kalisyaan at pagkaligaw na maliwanag."
﴿فَلَمَّا أَنْ أَرَادَ أَنْ يَبْطِشَ بِالَّذِي هُوَ عَدُوٌّ لَهُمَا قَالَ يَا مُوسَىٰ أَتُرِيدُ أَنْ تَقْتُلَنِي كَمَا قَتَلْتَ نَفْسًا بِالْأَمْسِ ۖ إِنْ تُرِيدُ إِلَّا أَنْ تَكُونَ جَبَّارًا فِي الْأَرْضِ وَمَا تُرِيدُ أَنْ تَكُونَ مِنَ الْمُصْلِحِينَ﴾
Kaya noong nagnais si Moises - sumakanya ang pangangalaga - na bumugbog sa Kopto na isang kaaway para sa kanya at sa Israelita, nag-akala naman ang Israelita na si Moises ay nagnanais na mamugbog dito noong narinig nito siya na nagsasabi: "Tunay na Ikaw ay talagang maliwanag na lisya.
" Kaya nagsabi ito kay Moises: "Nagnanais ka bang pumatay sa akin tulad ng pagpatay mo sa isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi maging isang mapaniil ka sa lupain: pumapatay ka ng mga tao at lumalabag ka sa katarungan sa kanila, at hindi mo ninanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos sa pagitan ng mga nag-aalitan."
﴿وَجَاءَ رَجُلٌ مِنْ أَقْصَى الْمَدِينَةِ يَسْعَىٰ قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنَّ الْمَلَأَ يَأْتَمِرُونَ بِكَ لِيَقْتُلُوكَ فَاخْرُجْ إِنِّي لَكَ مِنَ النَّاصِحِينَ﴾
Noong lumaganap ang ulat at may dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na nagmamadali dala ng pagkahabag kay Moises sa [gagawing] pag-uusig. Nagsabi ito: "O Moises, tunay na ang mga maharlika ng mga tao ni Paraon ay nagsasanggunian hinggil sa pagpatay sa iyo kaya lisanin mo ang bayan. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapayo dala ng pagkahabag sa iyo na baka maabutan ka nila para patayin ka nila."
﴿فَخَرَجَ مِنْهَا خَائِفًا يَتَرَقَّبُ ۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾
Kaya sumunod si Moises sa utos ng lalaking tagapayo at nilisan niya ang bayan habang kinakabahang nag-aantabay kung ano ang mangyayari sa kanya. Nagsabi siya habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan para hindi makapagpaabot sa akin ng isang kasamaan.
﴿وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلْقَاءَ مَدْيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّي أَنْ يَهْدِيَنِي سَوَاءَ السَّبِيلِ﴾
Noong humayo siya nang nakaharap ang mukha niya sa dako ng Madyan ay nagsabi siya: "Marahil ang Panginoon ko ay gagabay sa akin sa mabuting daan."
﴿وَلَمَّا وَرَدَ مَاءَ مَدْيَنَ وَجَدَ عَلَيْهِ أُمَّةً مِنَ النَّاسِ يَسْقُونَ وَوَجَدَ مِنْ دُونِهِمُ امْرَأَتَيْنِ تَذُودَانِ ۖ قَالَ مَا خَطْبُكُمَا ۖ قَالَتَا لَا نَسْقِي حَتَّىٰ يُصْدِرَ الرِّعَاءُ ۖ وَأَبُونَا شَيْخٌ كَبِيرٌ﴾
Noong dumating siya sa tubigan ng Madyan na iniinuman nila, nakatagpo siya roon ng isang pangkat ng mga tao na nagpapainom ng mga hayupan nila at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing humahadlang sa mga tupa sa tubig hanggang sa makapagpainom ang mga tao.
Nagsabi sa kanilang dalawa si Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Ano ang lagay ninyong dalawa; hindi kayo nagpapainom kasama ng mga tao?" Nagsabi silang dalawa sa kanya: "Ang nakagawian namin ay maghinay-hinay kaya hindi kami nagpapainom hanggang sa lumisan ang mga pastol dahil sa pangingilag sa pakikihalubilo sa kanila. Ang ama namin ay lubhang matanda na sa edad; hindi niya kayang magpainom kaya napilitan kami sa pagpapainom sa mga tupa namin."
﴿فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰ إِلَى الظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَا أَنْزَلْتَ إِلَيَّ مِنْ خَيْرٍ فَقِيرٌ﴾
Kaya naawa siya sa kanilang dalawa at pinainom niya para sa kanilang dalawa ang mga tupa nila. Pagkatapos ay lumisan siya patungo sa lilim at nagpahinga roon. Dumalangin siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahiwatig sa pangangailangan niya kaya nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako sa ibinaba Mo sa akin na anumang mabuti ay nangangailangan."
﴿فَجَاءَتْهُ إِحْدَاهُمَا تَمْشِي عَلَى اسْتِحْيَاءٍ قَالَتْ إِنَّ أَبِي يَدْعُوكَ لِيَجْزِيَكَ أَجْرَ مَا سَقَيْتَ لَنَا ۚ فَلَمَّا جَاءَهُ وَقَصَّ عَلَيْهِ الْقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفْ ۖ نَجَوْتَ مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾
Kaya noong nakaalis silang dalawa ay nagbalita silang dalawa sa ama nilang dalawa hinggil kay Moises, at nagsugo naman iyon sa isa sa kanilang dalawa papunta sa kanya upang anyayahan siya. Dumating sa kanya ito, na naglalakad nang nahihiya. Nagsabi ito: "Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo na pumunta ka sa kanya sa layuning gantihan ka niya ng pabuya mo sa pagpainom mo [sa kawan] para sa amin.
" Kaya noong dumating si Moises sa ama nilang dalawa at nagbalita siya roon ng mga kuwento niya, nagsabi iyon sa kanya habang pinapanatag siya: "Huwag kang mangamba; nakaligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan, na sina Paraon at ang konseho niya, sapagkat tunay na walang kapamahalaan para sa kanila sa Madyan kaya hindi nila makakayang magpaabot sa iyo ng isang pananakit."
﴿قَالَتْ إِحْدَاهُمَا يَا أَبَتِ اسْتَأْجِرْهُ ۖ إِنَّ خَيْرَ مَنِ اسْتَأْجَرْتَ الْقَوِيُّ الْأَمِينُ﴾
Nagsabi ang isa sa dalawang babaing anak niyon: "O Ama ko, upahan mo siya upang magpastol sa mga tupa mo sapagkat siya ay marapat na upahan dahil sa pagkakatipon sa kanya ng lakas at tiwala. Sa pamamagitan ng lakas ay magagampanan niya ang iniatang sa kanya at sa pamamagitan ng tiwala ay mapangangalagaan niya ang ipinagkatiwala sa kanya."
﴿قَالَ إِنِّي أُرِيدُ أَنْ أُنْكِحَكَ إِحْدَى ابْنَتَيَّ هَاتَيْنِ عَلَىٰ أَنْ تَأْجُرَنِي ثَمَانِيَ حِجَجٍ ۖ فَإِنْ أَتْمَمْتَ عَشْرًا فَمِنْ عِنْدِكَ ۖ وَمَا أُرِيدُ أَنْ أَشُقَّ عَلَيْكَ ۚ سَتَجِدُنِي إِنْ شَاءَ اللَّهُ مِنَ الصَّالِحِينَ﴾
Nagsabi ang ama nilang dalawa habang kumakausap kay Moises -sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong ang bigay-kaya sa kanya ay magpastol ka ng mga tupa namin nang walong taon; ngunit kung kukumpletuhin mo ang yugto sa sampung taon, ito ay isang pagmamabuting-loob mula sa iyo, na walang nag-oobliga sa iyo dahil ang kasunduan ay sa walong taon lamang naman kaya ang anumang higit doon ay pagkukusang-loob. Hindi ako nagnanais na mag-obliga sa iyo ng anumang may pabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos na tumutupad sa mga kasunduan at hindi nagkukulang sa mga pangako."
﴿قَالَ ذَٰلِكَ بَيْنِي وَبَيْنَكَ ۖ أَيَّمَا الْأَجَلَيْنِ قَضَيْتُ فَلَا عُدْوَانَ عَلَيَّ ۖ وَاللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٌ﴾
Nagsabi si Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Yaong nasa pagitan ko at pagitan mo ay ayon sa napagkasunduan natin. Alin man sa dalawang yugtong gagawa ako para sa iyo: walong taon o sampung taon, ako ay makatutupad na ng tungkulin sa akin kaya huwag kang humiling sa akin ng karagdagan. Si Allāh ay Katiwala sa napagkasunduan natin at Tagapagmasid doon."
﴿۞ فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى الْأَجَلَ وَسَارَ بِأَهْلِهِ آنَسَ مِنْ جَانِبِ الطُّورِ نَارًا قَالَ لِأَهْلِهِ امْكُثُوا إِنِّي آنَسْتُ نَارًا لَعَلِّي آتِيكُمْ مِنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ جَذْوَةٍ مِنَ النَّارِ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ﴾
Kaya noong nakumpleto ni Moises at nagampanan ang dalawang taning na sampung taon at humayo siya kasama ng mag-anak niya mula sa Madyan patungo sa Ehipto, nakakita siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakakita ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o makapaghahatid ng isang ningas ng apoy na magpaparikit kayo sa pamamagitan niyon ng apoy, nang harinawa kayo ay makapagpapainit laban sa ginaw."
﴿فَلَمَّا أَتَاهَا نُودِيَ مِنْ شَاطِئِ الْوَادِ الْأَيْمَنِ فِي الْبُقْعَةِ الْمُبَارَكَةِ مِنَ الشَّجَرَةِ أَنْ يَا مُوسَىٰ إِنِّي أَنَا اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ﴾
Kaya noong dumating siya sa apoy na nakita niya, tumawag sa kanya ang Panginoon niya - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - mula sa kanang gilid ng lambak, sa kinaroroonang pinagpala ni Allāh dahil sa pakikipag-usap Niya kay Moises mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila.
﴿وَأَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَلَمَّا رَآهَا تَهْتَزُّ كَأَنَّهَا جَانٌّ وَلَّىٰ مُدْبِرًا وَلَمْ يُعَقِّبْ ۚ يَا مُوسَىٰ أَقْبِلْ وَلَا تَخَفْ ۖ إِنَّكَ مِنَ الْآمِنِينَ﴾
Maghagis ka ng tungkod mo." Kaya naghagis nito si Moises bilang pagsunod sa utos ng Panginoon niya. Ngunit noong nakita niya ito na kumikilos at kumakawag-kawag na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang tumatakas sa takot doon at hindi bumalik mula sa pagtakas niya. Kaya tinawag siya ng Panginoon niya: "O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba riyan sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay mula riyan at mula sa iba pa riyan na pinangangambahan mo.
﴿اسْلُكْ يَدَكَ فِي جَيْبِكَ تَخْرُجْ بَيْضَاءَ مِنْ غَيْرِ سُوءٍ وَاضْمُمْ إِلَيْكَ جَنَاحَكَ مِنَ الرَّهْبِ ۖ فَذَانِكَ بُرْهَانَانِ مِنْ رَبِّكَ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ﴾
Ipasok mo ang kanang kamay mo sa bukasan ng kamisa mo mula sa malapit sa leeg, lalabas ito na maputi na walang ketong," at ipinasok naman ito ni Moises kaya lumabas na mabuti gaya ng niyebe. "Iyapos mo sa iyo ang kamay mo upang mapanatag ang pangamba mo," at iniyapos ni Moises ito sa kanya kaya naman naglaho sa kanya ang pangamba. Ang dalawang nabanggit na ito, ang tungkod at ang kamay, ay dalawang patunay na isinugo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa mga maharlika nito kabilang sa mga tao nito. Tunay na sila ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.
﴿قَالَ رَبِّ إِنِّي قَتَلْتُ مِنْهُمْ نَفْسًا فَأَخَافُ أَنْ يَقْتُلُونِ﴾
Nagsabi si Moises habang nagsusumamo sa Panginoon nito: "Tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na papatayin nila ako dahil sa kanya kung pumunta ako sa kanila upang magpaabot sa kanila ng ipinasugo Mo sa akin.
﴿وَأَخِي هَارُونُ هُوَ أَفْصَحُ مِنِّي لِسَانًا فَأَرْسِلْهُ مَعِيَ رِدْءًا يُصَدِّقُنِي ۖ إِنِّي أَخَافُ أَنْ يُكَذِّبُونِ﴾
Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na malinaw kaysa sa akin sa pagsasalita, kaya ipadala Mo siya kasama sa akin bilang tagatulong na aalinsunod sa akin sa pagsasalita ko, kung magpapasinungaling sa akin si Paraon at ang mga tao niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin gaya nang nakagawian ng mga kalipunan na pinadalhan ng mga sugo noong wala pa ako sapagkat nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila."
﴿قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجْعَلُ لَكُمَا سُلْطَانًا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيْكُمَا ۚ بِآيَاتِنَا أَنْتُمَا وَمَنِ اتَّبَعَكُمَا الْغَالِبُونَ﴾
Nagsabi si Allāh habang sumasagot sa panalangin ni Moises: "Palalakasin ka Namin -O Moises,- sa pamamagitan ng pagpapadala sa kapatid mo kasama sa iyo bilang isang sugong tagatulong, maglalagay Kami sa inyong dalawa ng katwiran at pagkatig kaya hindi sila makapagpapaabot sa inyong dalawa ng kasamaang kasusuklaman ninyong dalawa dahilan sa mga tanda Naming isinugo Namin kayong dalawa dahil sa mga ito. Kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyo kabilang sa mga mananampalataya ay ang mga inaadya."
﴿فَلَمَّا جَاءَهُمْ مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا بَيِّنَاتٍ قَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُفْتَرًى وَمَا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي آبَائِنَا الْأَوَّلِينَ﴾
Kaya noong nagdala sa kanila si Moises ng mga tanda Namin bilang mga nagliliwanag ay nagsabi sila: "Walang iba ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha na nilikha-likha ni Moises. Hindi kami nakarinig ng ganito sa mga ninuno naming nauna."
﴿وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّي أَعْلَمُ بِمَنْ جَاءَ بِالْهُدَىٰ مِنْ عِنْدِهِ وَمَنْ تَكُونُ لَهُ عَاقِبَةُ الدَّارِ ۖ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ﴾
Nagsabi si Moises habang kumakausap kay Paraon: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa nagsatotoong nagdala ng kagabayan mula sa ganang Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - at nakaaalam sa sinumang magkakaroon ng kahihinatnang napupurihan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagalabag sa katarungan ng hinihiling nila at hindi sila maliligtas sa pinangingilabutan nila.
﴿وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ مَا عَلِمْتُ لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرِي فَأَوْقِدْ لِي يَا هَامَانُ عَلَى الطِّينِ فَاجْعَلْ لِي صَرْحًا لَعَلِّي أَطَّلِعُ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ مِنَ الْكَاذِبِينَ﴾
Nagsabi si Paraon habang kumakausap sa mga maharlika sa mga tao niya: "O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang sinasamba na iba pa sa Akin. Kaya magpaliyab ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad upang tumindi, at magpatayo ka para sa akin ng isang gusaling mataas sa pag-asang ako ay makatingin sa sinasamba ni Moises at makabatid. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay sinungaling sa pinagsasabi niya na siya ay isinugo mula kay Allāh sa akin at sa mga tao ko."
﴿وَاسْتَكْبَرَ هُوَ وَجُنُودُهُ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ إِلَيْنَا لَا يُرْجَعُونَ﴾
Tumindi ang pagmamalaki ni Paraon at ng mga kawal niya at nagpakamapagmataas sila sa lupain ng Ehipto nang walang nag-oobligang karapatan, nagkaila sila sa pagkabuhay na muli, at nag-akala sila na sila sa amin ay hindi panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa Pagtutuos.
﴿فَأَخَذْنَاهُ وَجُنُودَهُ فَنَبَذْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الظَّالِمِينَ﴾
Kaya sumunggab Kami sa kanya at sumunggab Kami sa hukbo niya, at inihagis Namin sila sa dagat hanggang sa nasawi sila sa kalahatan. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinauwian ng mga tagalabag sa katarungan at wakas nila sapagkat ang kinauwian nila at ang wakas nila ay ang kasawian.
﴿وَجَعَلْنَاهُمْ أَئِمَّةً يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ لَا يُنْصَرُونَ﴾
Ginawa Namin sila na mga huwaran sa mga tagapagmalabis at mga tagapagligaw patungo sa Apoy dahil sa ipinalalaganap nilang kawalang-pananampalataya at pagkaligaw. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya sa pamamagitan ng pagsagi sa kanila mula sa Apoy. Bagkus pag-iibayuhin sa kanila ang pagdurusa dahil nagsakalakaran sila ng mga kalakarang masagwa at nag-anyaya sila ng kaligawan. Isusulat laban sa kanila ang kasalanan ng gawain nila dahil doon at ang kasalanan ng gawain ng sinumang sumunod sa kanila sa paggawa niyon.
﴿وَأَتْبَعْنَاهُمْ فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا لَعْنَةً ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ هُمْ مِنَ الْمَقْبُوحِينَ﴾
Pinasundan Namin sila bilang karagdagan sa kaparusahan sa kanila sa Mundong ito ng isang kahihiyan at pagtataboy. Sa araw ng Pagkabuhay sila ay kabilang sa mga pupulaan at mga ilalayo sa awa ni Allāh.
﴿وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ مِنْ بَعْدِ مَا أَهْلَكْنَا الْقُرُونَ الْأُولَىٰ بَصَائِرَ لِلنَّاسِ وَهُدًى وَرَحْمَةً لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ﴾
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah noong matapos na nagsugo Kami sa mga salinlahing nauna sa mga sugo Namin ngunit nagpasinungaling sila sa mga iyon kaya nagpasawi Kami sa kanila dahilan sa pagpapasinungaling nila sa mga iyon. Nasa Torah ang nagpapatalos sa mga tao sa makapagpapakinabang sa kanila kaya magsasagawa sila nito at sa makapipinsala sa kanila kaya iiwan nila ito. Naroon ang paggabay sa kanila sa kabutihan, at awa dahil sa taglay niyon na mga kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay, nang sa gayon sila ay magsaalaala sa mga biyaya ni Allāh sa kanila kaya magpapasalamat sila sa Kanya at sasampalataya sila sa Kanya.
﴿وَمَا كُنْتَ بِجَانِبِ الْغَرْبِيِّ إِذْ قَضَيْنَا إِلَىٰ مُوسَى الْأَمْرَ وَمَا كُنْتَ مِنَ الشَّاهِدِينَ﴾
Hindi ka noon, O Sugo, nakadalo sa tagiliran ng kanluraning bahagi ng bundok kaugnay kay Moises - sumakanya ang pangangalaga. Nagparating kay Moises ng utos sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanya kay Paraon at konseho nito. Hindi ka noon kabilang sa mga nakadalo upang malaman mo ang ulat niyon para isalaysay mo sa mga tao sapagkat ang anumang ipinababatid mo sa kanila ay kabilang sa kasi ni Allāh sa iyo.
﴿وَلَٰكِنَّا أَنْشَأْنَا قُرُونًا فَتَطَاوَلَ عَلَيْهِمُ الْعُمُرُ ۚ وَمَا كُنْتَ ثَاوِيًا فِي أَهْلِ مَدْيَنَ تَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ﴾
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga kalipunan at mga nilikha noong matapos ni Moises, at nagkalayuan sa kanila ang panahon hanggang sa nakalimutan nila ang mga kasunduan kay Allāh. Hindi ka noon nananatili sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin, subalit Kami ay nagsugo sa iyo mula sa ganang Amin kaya nagkasi Kami sa iyo ng ulat kay Moises at pananatili niya sa Madyan. Kaya nagpabatid ka sa mga tao ng ikinasi ni Allāh.
﴿وَمَا كُنْتَ بِجَانِبِ الطُّورِ إِذْ نَادَيْنَا وَلَٰكِنْ رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ لِتُنْذِرَ قَوْمًا مَا أَتَاهُمْ مِنْ نَذِيرٍ مِنْ قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ﴾
Hindi ka noon nasa tagiliran ng bundok noong nanawagan Kami kay Moises at nagkasi Kami sa kanya ng ikinasi Namin upang magpabatid ka niyon, subalit isinugo ka bilang awa mula sa Panginoon mo para sa mga tao kaya ikinasi sa iyo ang ulat niyon upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang sugo, noong wala ka pa, na nagbababala sa kanila nang sa gayon sila ay mapangangaralan at sasampalataya sa dinala mo sa kanila mula sa ganang kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya.
﴿وَلَوْلَا أَنْ تُصِيبَهُمْ مُصِيبَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَيَقُولُوا رَبَّنَا لَوْلَا أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ آيَاتِكَ وَنَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ﴾
Kung sakaling hindi dahil may ipinatamo sa kanila na isang kaparusahang makadiyos - dahilan sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway - para magsabi sila habang mga nangangatwiran ng kawalan ng pagsusugo ng isang sugo sa kanila: "Panginoon Namin, bakit nga ba hindi Ka nagpadala sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo, gumawa kami ayon sa mga ito, at kami ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nagsasagawa sa utos ng Panginoon nila?" Kung sakaling hindi dahil doon ay talaga sanang minadali Namin sila sa parusa, subalit Kami ay nagpaliban niyon sa kanila hanggang sa makapagbigay-dahilan Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo sa kanila.
﴿فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا لَوْلَا أُوتِيَ مِثْلَ مَا أُوتِيَ مُوسَىٰ ۚ أَوَلَمْ يَكْفُرُوا بِمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ مِنْ قَبْلُ ۖ قَالُوا سِحْرَانِ تَظَاهَرَا وَقَالُوا إِنَّا بِكُلٍّ كَافِرُونَ﴾
Ngunit noong dumating sa liping Quraysh si Muḥammad dala ang pasugo mula sa Panginoon niya ay nagtanong sila sa mga Hudyo tungkol doon kaya idinikta ng mga ito sa kanila ang katwirang ito kaya naman nagsabi sila : "Bakit nga ba hindi binigyan si Muḥammad ng tulad sa ibinigay kay Moises na mga tandang nagpapatunay na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya gaya ng [paggaling ng] kamay at tungkod [na naging ahas]?" Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Hindi ba tumangging sumampalataya ang mga Hudyo sa ibinigay kay Moises noong una?" Nagsabi sila kaugnay sa Torah at Qur'ān: "Ang dalawang ito ay dalawang panggagaway na kumakatig ang isa sa dalawa sa isa pa." Nagsabi pa sila: "Tunay na kami sa bawat isa sa Torah at Qur'ān ay mga tagatangging sumampalataya."
﴿قُلْ فَأْتُوا بِكِتَابٍ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ هُوَ أَهْدَىٰ مِنْهُمَا أَتَّبِعْهُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga ito: "Kaya magdala kayo ng isang kasulatang ibinaba mula sa ganang kay Allāh, na higit na mapaggabay sa landas kaysa sa Qur'ān at Torah, sapagkat kung nakapaghatid kayo nito, susunod ako roon kung nangyaring kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na ang Torah at ang Qur'ān ay dalawang panggagaway."
﴿فَإِنْ لَمْ يَسْتَجِيبُوا لَكَ فَاعْلَمْ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهْوَاءَهُمْ ۚ وَمَنْ أَضَلُّ مِمَّنِ اتَّبَعَ هَوَاهُ بِغَيْرِ هُدًى مِنَ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ﴾
Ngunit kung hindi tumugon ang liping Quraysh sa pinaanyaya mo sa kanila na paghahatid ng isang kasulatang higit na mapaggabay kaysa sa Torah at Qur'ān, tiyakin mo na ang pagpapasinungaling nila sa dalawang ito ay hindi buhat sa patunay; ito ay pagsunod lamang sa pithaya. Walang isa mang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan at pagkagabay sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh.
﴿۞ وَلَقَدْ وَصَّلْنَا لَهُمُ الْقَوْلَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ﴾
Talaga ngang nagparating Kami sa mga tagapagtambal at mga Hudyo kabilang sa mga anak ni Israel ng pagsasabi ng mga kasaysayan ng mga kalipunang nauna at ng pinadapo Namin sa kanila na pagdurusa noong nagpasinungaling sila sa mga sugo Namin, sa pag-asang mapangaralan sila sa pamamagitan niyon para sumampalataya sila upang hindi tumama sa kanila ang [pagdurusang] tumama sa kanila.
﴿الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِهِ هُمْ بِهِ يُؤْمِنُونَ﴾
Ang mga nagpakatatag sa pananampalataya sa Torah noong bago ng pagbaba ng Qur'ān ay sa Qur'ān sumasampalataya yayamang nakatatagpo sila sa mga kasulatan nila ng pagpapabatid hinggil dito at ng katangian nito.
﴿وَإِذَا يُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ قَالُوا آمَنَّا بِهِ إِنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّنَا إِنَّا كُنَّا مِنْ قَبْلِهِ مُسْلِمِينَ﴾
Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanang walang pag-aatubili hinggil dito, na ibinaba mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati noong wala pa ang Qur'ān na ito ay mga tagapagpasakop dahil sa pananampalataya namin sa dinala ng mga sugo noong wala pa ito."
﴿أُولَٰئِكَ يُؤْتَوْنَ أَجْرَهُمْ مَرَّتَيْنِ بِمَا صَبَرُوا وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ﴾
Ang mga nailarawang iyon ayon sa nabanggit ay magbibigay si Allāh sa kanila ng gantimpala sa gawa nila nang makalawang ulit dahilan sa pagtitiis nila sa pananampalataya sa kasulatan nila at dahil sa pananampalataya nila kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - nang ipinadala siya. nagtutulak sila sa pamamagitan ng mga maganda sa mga gawa nilang maayos sa nakamit nila na mga kasalanan, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila sa mga uri ng kabutihan.
﴿وَإِذَا سَمِعُوا اللَّغْوَ أَعْرَضُوا عَنْهُ وَقَالُوا لَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ لَا نَبْتَغِي الْجَاهِلِينَ﴾
Kapag nakarinig ang mga mananampalatayang ito kabilang sa mga may kasulatan ng kabulaanan sa pananalita ay umaayaw sila roon nang hindi tumutuon doon at nagsasabi sila habang mga kumakausap sa mga tagapagsabi niyon: "Ukol sa amin ang ganti sa mga gawa namin at ukol sa inyo ang ganti sa mga gawa ninyo. Naligtas kayo mula sa amin mula sa pang-aalipusta at pananakit. Hindi kami naghahangad sa pakikisama sa mga alagad ng kamangmangan dahil sa dulot nito na pamiminsala at pananakit sa relihiyon at pangmundong pamumuhay."
﴿إِنَّكَ لَا تَهْدِي مَنْ أَحْبَبْتَ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ﴾
Tunay na ikaw, O Sugo, ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, tulad ni Abū Ṭālib at iba pa sa pamamagitan ng pagtutuon doon sa pananampalataya, subalit si Allāh - tanging Siya - ay nagtutuon sa sinumang niloloob Niya sa kapatnubayan. Siya ay higit na nakaaalam sa sinumang nauna sa kaalaman Niya na siya kabilang sa mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid.
﴿وَقَالُوا إِنْ نَتَّبِعِ الْهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفْ مِنْ أَرْضِنَا ۚ أَوَلَمْ نُمَكِّنْ لَهُمْ حَرَمًا آمِنًا يُجْبَىٰ إِلَيْهِ ثَمَرَاتُ كُلِّ شَيْءٍ رِزْقًا مِنْ لَدُنَّا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾
Nagsabi ang mga tagapagtambal kabilang sa mga naninirahan sa Makkah, habang mga nangangatwiran sa hindi pagsunod sa Islām at pagsampalataya rito: "Kung susundin namin itong Islām na dinala mo, hahablutin kami ng mga kaaway namin mula sa lupain namin nang may kabilisan?" Hindi ba nagpatatag Kami para sa mga tagapagtambal na ito ng isang kanlungang ipinagbabawal doon ang pagpapadanak ng mga dugo at ang kawalang-katarungan, na natitiwasay sila roon laban sa pagsalakay ng iba laban sa kanila, na hinahatak doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin na inakay Namin papunta sa kanila? Subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila para magpasalamat sa Kanya dahil doon.
﴿وَكَمْ أَهْلَكْنَا مِنْ قَرْيَةٍ بَطِرَتْ مَعِيشَتَهَا ۖ فَتِلْكَ مَسَاكِنُهُمْ لَمْ تُسْكَنْ مِنْ بَعْدِهِمْ إِلَّا قَلِيلًا ۖ وَكُنَّا نَحْنُ الْوَارِثِينَ﴾
Anong dami ang mga pamayanang tumangging magpasalamat sa biyaya ni Allāh kaya naman nagpakalabis sa mga pagkakasala at mga pagsuway, kaya nagsugo sa mga iyon ng pagdurusa at pinasawi ang mga iyon sa pamamagitan nito. Kaya iyon ang mga tirahan nila: pinawi, na dinadaan-daanan ng mga tao. Hindi tinirahan ang mga iyon noong wala na ang mga naninirahan sa mga iyon maliban ng ilan sa mga napaparaan. Kami ay ang Tagapagmana na nagpapamana sa mga langit at lupa at sinumang nasa mga ito.
﴿وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهْلِكَ الْقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبْعَثَ فِي أُمِّهَا رَسُولًا يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا ۚ وَمَا كُنَّا مُهْلِكِي الْقُرَىٰ إِلَّا وَأَهْلُهَا ظَالِمُونَ﴾
Hindi nangyaring ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapasawi sa mga pamayanan hanggang sa makapagbigay-dahilan Siya sa mga naninirahan sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo sa pamayanang pinakamalaki sa mga ito gaya ng pagpapadala sa iyo mismo sa Ina ng mga Pamayanan; ang Makkah. Hindi nangyaring Siya ay talagang magpapasawi sa mga naninirahan sa mga pamayanan habang sila ay mga nananatili sa katotohanan. Magpapasawi lamang Siya sa kanila kung nangyaring sila ay mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.
﴿وَمَا أُوتِيتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَمَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَزِينَتُهَا ۚ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ﴾
Ang ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyo na anumang bagay, ito ay kabilang sa tinatamasa ninyo at ipinanggagayak ninyo sa buhay na pangmundo, pagkatapos ay magmamaliw. Ang nasa ganang kay Allāh na gantimpalang dakila sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nagtatagal kaysa sa nasa lupa na anumang tinatamasa at gayak. Kaya hindi ba kayo nakauunawa niyon para ipagpalit ninyo ang nananatili sa nagmamaliw?
﴿أَفَمَنْ وَعَدْنَاهُ وَعْدًا حَسَنًا فَهُوَ لَاقِيهِ كَمَنْ مَتَّعْنَاهُ مَتَاعَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ثُمَّ هُوَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مِنَ الْمُحْضَرِينَ﴾
Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin sa Kabilang-buhay ng paraiso at anuman naroon na ginhawang mamamalagi ay gaya ng sinumang binigyan Namin ng tinatamasa niyang yaman at gayak sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging kabilang sa mga padadaluhin sa Impiyerno?
﴿وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنْتُمْ تَزْعُمُونَ﴾
[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - habang nagsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong sinasamba bukod pa sa Akin at inaangkin na sila ay mga katambal sa Akin?"
﴿قَالَ الَّذِينَ حَقَّ عَلَيْهِمُ الْقَوْلُ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَغْوَيْنَا أَغْوَيْنَاهُمْ كَمَا غَوَيْنَا ۖ تَبَرَّأْنَا إِلَيْكَ ۖ مَا كَانُوا إِيَّانَا يَعْبُدُونَ﴾
Nagsabi ang mga naobliga sa kanila ang pagdurusa kabilang sa mga tagapag-anyaya sa kawalang-pananampalataya: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang pinaligaw namin kung paanong naligaw kami. Nagpapawalang-kaugnayan kami para sa Iyo mula sa kanila. Hindi dati sila sumasamba sa amin; dati silang sumasamba sa mga demonyo."
﴿وَقِيلَ ادْعُوا شُرَكَاءَكُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُمْ وَرَأَوُا الْعَذَابَ ۚ لَوْ أَنَّهُمْ كَانُوا يَهْتَدُونَ﴾
Sasabihin sa kanila: "Manawagan kayo sa mga katambal ninyo upang sagipin nila kayo mula sa dinaranas ninyong kahihiyan," at mananawagan sila sa mga katambal nila ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa panawagan nila at masasaksihan nila ang pagdurusang inihanda para sa kanila. Kaya pakaiibigin nila na kung sana sila noon ay nasa Mundo bilang mga napapatnubayan sa katotohanan.
﴿وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ مَاذَا أَجَبْتُمُ الْمُرْسَلِينَ﴾
[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila habang nagsasabi: "Ano ang isinagot ninyo sa mga sugo Ko na ipinadala ko sa inyo?"
﴿فَعَمِيَتْ عَلَيْهِمُ الْأَنْبَاءُ يَوْمَئِذٍ فَهُمْ لَا يَتَسَاءَلُونَ﴾
Ngunit naikubli sa kanila ang mga ipinangangatwiran nila kaya hindi sila nakaalaala ng anuman at hindi nagtanong ang isa't isa sa kanila dahil sa taglay nilang hilakbot sa pagkagitla dahilan sa natiyak nila na sila ay mga masasadlak doon sa pagdurusa.
﴿فَأَمَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَعَسَىٰ أَنْ يَكُونَ مِنَ الْمُفْلِحِينَ﴾
Ngunit hinggil sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga tagapagtambal na ito mula sa kawalang-pananampalataya nito, sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, at gumawa ng gawang maayos, marahil siya ay maging kabilang sa mga magtatamo ng hinihiling nila, mga maliligtas mula sa pinangingilabutan nila.
﴿وَرَبُّكَ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ وَيَخْتَارُ ۗ مَا كَانَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾
Ang Panginoon mo, O Sugo, ay lumilikha ng anumang niloloob Niya na likhain, at hinihirang Niya ang sinumang niloloob Niya para sa pagtalima sa Kanya at pagkapropeta nito. Hindi para sa mga tagapagtambal ang pagpili upang tumutol kay Allāh. Nagpawalang-kaugnayan Siya - Kaluwalhatian sa Kanya - at nagpakabanal Siya sa anumang sinasamba ninyo kasama sa Kanya na mga katambal.
﴿وَرَبُّكَ يَعْلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمْ وَمَا يُعْلِنُونَ﴾
Ang Panginoon mo ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ng mga dibdib nila at anumang inilalantad nila: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti Siya sa kanila roon.
﴿وَهُوَ اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ لَهُ الْحَمْدُ فِي الْأُولَىٰ وَالْآخِرَةِ ۖ وَلَهُ الْحُكْمُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ﴾
Siya ay si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya; walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang papuri sa Mundo at ukol sa Kanya ang papuri sa Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad na hindi naitutulak at sa Kanya - tanging sa Kanya - kayo panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
﴿قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ جَعَلَ اللَّهُ عَلَيْكُمُ اللَّيْلَ سَرْمَدًا إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُمْ بِضِيَاءٍ ۖ أَفَلَا تَسْمَعُونَ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi na palagiang nagpapatuloy na walang pagkaputol hanggang sa Araw ng Pagbangon, sinong sinasambang iba pa kay Allāh ang maghahatid sa inyo ng isang tanglaw tulad ng tanglaw ng maghapon? Kaya hindi ba kayo nakaririnig sa mga katwirang ito at nalalaman ninyo na walang Diyos kundi si Allāh na naghatid sa inyo niyon?"
﴿قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ جَعَلَ اللَّهُ عَلَيْكُمُ النَّهَارَ سَرْمَدًا إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُمْ بِلَيْلٍ تَسْكُنُونَ فِيهِ ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ﴾
Sabihin mo, O Sugo: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng maghapon na palagiang nagpapatuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon, sinong sinasambang iba pa kay Allāh ang maghahatid sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon upang mamahinga kayo mula sa pahirap ng gawain sa maghapon? Kaya hindi ba kayo nakakikita sa mga tandang ito at nalalaman ninyo na walang Diyos kundi si Allāh na naghatid sa inyo niyon sa kabuuan niyon?"
﴿وَمِنْ رَحْمَتِهِ جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَلِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ﴾
Bahagi ng awa Niya - kaluwalhatian sa Kanya - na gumawa Siya para inyo, O mga tao, ng gabi bilang tagapagpadilim doon matapos na naghirap kayo sa gawain sa maghapon, at gumawa Siya para sa inyo ng maghapon bilang tagapagtanglaw upang magsikap kayo sa paghahanap ng panustos doon, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo at hindi kayo tumangging magpasalamat sa mga ito.
﴿وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنْتُمْ تَزْعُمُونَ﴾
[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - habang nagsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong sinasamba bukod pa sa Akin at inaangkin na sila ay mga katambal sa Akin?"
﴿وَنَزَعْنَا مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا فَقُلْنَا هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ فَعَلِمُوا أَنَّ الْحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ﴾
Maglalahad Kami mula sa bawat kalipunan ng propeta nito na sasaksi laban dito dahil sa taglay nito noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling.
Magsasabi Kami sa mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kalipunang iyon: "Magbigay kayo ng mga katwiran ninyo at mga patunay ninyo sa taglay ninyong kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling," at mapuputol ang mga katwiran nila at matitiyak nila na ang katotohanang walang pasubali hinggil dito ay kay Allāh. Malilingid sa kanila ang dati nilang nilikha-likha na mga katambal sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya.
﴿۞ إِنَّ قَارُونَ كَانَ مِنْ قَوْمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيْهِمْ ۖ وَآتَيْنَاهُ مِنَ الْكُنُوزِ مَا إِنَّ مَفَاتِحَهُ لَتَنُوءُ بِالْعُصْبَةِ أُولِي الْقُوَّةِ إِذْ قَالَ لَهُ قَوْمُهُ لَا تَفْرَحْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْفَرِحِينَ﴾
Tunay na si Qārūn ay dating kabilang sa mga kalipi ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - ngunit nagmalaki siya sa kanila.
Nagbigay Kami sa kanya ng mga nakalagak na mga yaman, na tunay na ang mga susi ng mga imbakan niya ay talagang bibigat ang pagpasan sa mga ito para sa pangkat na malakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang magpakatuwa ng pagpapakatuwa ng kawalang-pakundangan; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga nagpapakatuwa ng pagpapakatuwa ng kawalang-pakundangan. Bagkus nasusuklam Siya sa kanila at magpaparusa Siya sa kanila dahil doon.
﴿وَابْتَغِ فِيمَا آتَاكَ اللَّهُ الدَّارَ الْآخِرَةَ ۖ وَلَا تَنْسَ نَصِيبَكَ مِنَ الدُّنْيَا ۖ وَأَحْسِنْ كَمَا أَحْسَنَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ وَلَا تَبْغِ الْفَسَادَ فِي الْأَرْضِ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُفْسِدِينَ﴾
Hilingin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh na mga yaman ang gantimpala sa tahanan na pangkabilang-buhay sa pamamagitan ng paggugol dito sa mga uri ng kabutihan, at huwag mong kalimutan ang bahagi mo gaya ng pagkain, pag-inom, kasuutan, at iba pa roon kabilang sa mga biyaya, nang walang pagsasayang at walang kapalaluan. Gumawa ka ng maganda sa pakikitungo sa Panginoon mo at sa mga lingkod Niya kung paanong gumawa Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ng maganda sa iyo. Huwag mong hilingin ang kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pag-iwan sa mga pagtalima. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan niyon, bagkus nasusuklam sa kanila."
﴿قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ عِنْدِي ۚ أَوَلَمْ يَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ قَدْ أَهْلَكَ مِنْ قَبْلِهِ مِنَ الْقُرُونِ مَنْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُ قُوَّةً وَأَكْثَرُ جَمْعًا ۚ وَلَا يُسْأَلُ عَنْ ذُنُوبِهِمُ الْمُجْرِمُونَ﴾
Nagsabi si Qārūn: "Binigyan lamang ako ng mga yamang ito dahil sa isang kaalamang taglay ko at isang kakayahan kaya ako ay nararapat sa mga ito dahil doon." Hindi ba nakaaalam si Qārūn na si Allāh ay nagpasawi nga noong wala pa siya, mula sa mga kalipunan, ng mga higit na matindi sa lakas at higit na marami sa natipon sa mga yaman nila? Ngunit hindi nagpakinabang sa kanila ang lakas nila ni ang mga yaman nila. Hindi tatanungin sa Araw ng Pagbangon ang mga salarin tungkol sa mga pagkakasala nila dahil sa pagkakaalam ni Allāh sa mga iyon. Ang pagtatanong sa kanila ay ang pagtatanong ng paninisi at pagsumbat.
﴿فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِ فِي زِينَتِهِ ۖ قَالَ الَّذِينَ يُرِيدُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا يَا لَيْتَ لَنَا مِثْلَ مَا أُوتِيَ قَارُونُ إِنَّهُ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٍ﴾
Kaya lumabas si Qārūn sa gayak niya na naglalantad ng pagpapakitang-gilas niya. Nagsabi ang mga naghahangad ng gayak ng buhay na pangmundo kabilang sa mga kaibigan ni Qārūn: "O kung sana tayo ay binigyan ng gayak ng Mundo tulad ng ibinigay kay Qārūn; tunay na si Qārūn ay talagang may isang bahaging sapat na malaki."
﴿وَقَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ وَيْلَكُمْ ثَوَابُ اللَّهِ خَيْرٌ لِمَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا وَلَا يُلَقَّاهَا إِلَّا الصَّابِرُونَ﴾
Nagsabi naman ang mga binigyan ng karunungan nang nakita nila si Qārūn sa gayak niya at narinig nila ang minimithi ng mga kaibigan niya: "Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh sa Kabilang-buhay at ang inihanda Niya na ginhawa para sa sinumang sumampalataya sa Kanya at gumawa ng gawang maayos ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay kay Qārūn na ningning ng Mundo. Walang sumasang-ayon sa sinabi ng pangungusap na ito at sa paggawa ayon sa hinihiling nito kundi ang mga tagapagtiis na nagtitiis sa pagtatangi sa anumang nasa kay Allāh na gantimpala higit sa anumang nasa Mundo na pagtatamasang maglalaho."
﴿فَخَسَفْنَا بِهِ وَبِدَارِهِ الْأَرْضَ فَمَا كَانَ لَهُ مِنْ فِئَةٍ يَنْصُرُونَهُ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُنْتَصِرِينَ﴾
Kaya ipinalamon Namin siya sa lupa at ang tahanan niya at ang sinumang nasa loob nito bilang paghihiganti laban sa kanya dahil sa kapalaluan niya. Hindi nangyaring mayroon siyang anumang pangkat na nag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya dahil sa sarili niya.
﴿وَأَصْبَحَ الَّذِينَ تَمَنَّوْا مَكَانَهُ بِالْأَمْسِ يَقُولُونَ وَيْكَأَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ ۖ لَوْلَا أَنْ مَنَّ اللَّهُ عَلَيْنَا لَخَسَفَ بِنَا ۖ وَيْكَأَنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْكَافِرُونَ﴾
Ang mga nagmithi sa taglay niyang yaman at gayak bago ng paglamon sa kanya ay nagsasabi habang mga nanghihinayang na nagsasaalang-alang: "Hindi ba kami nakaaalam na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nanggigipit nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila? Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin kaya hindi nagparusa sa atin dahil sa sinabi natin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa] tulad ng pagpapalamon kay Qārūn." Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa Mundo man ni sa Kabilang-buhay, bagkus ang kahahantungan nila at ang kauuwian nila ay ang pagkalugi sa dalawang ito.
﴿تِلْكَ الدَّارُ الْآخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِي الْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا ۚ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ﴾
Ang tahanang pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin bilang tahanan ng ginhawa at pagpaparangal para sa mga hindi nagnanais ng pagmamalaki sa lupa sa pag-ayaw sa pananampalataya sa katotohanan at pagsunod dito at hindi nagnanais ng kaguluhan dito. Ang kahihinatnang mapapupurihan ay nasa anumang nasa loob ng paraiso na ginhawa at anumang dadapo sa loob nito na pagkalugod ni Allāh para sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
﴿مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِنْهَا ۖ وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَى الَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
Ang sinumang nagdala ng magandang gawa sa Araw ng Pagbangon gaya ng pagdarasal, zakāh, pag-aayuno, at iba pa, ukol sa kanya ay ganting higit na mabuti kaysa magandang gawang iyon yayamang pag-iibayuhin para sa kanya ang magandang gawa ng sampung tulad nito. Ang sinumang nagdala ng masagwang gawa sa Araw ng Pagbangon gaya ng kawalang-pananampalataya, pakikinabang sa patubo, pangangalunya, at iba pa rito, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang tulad sa ginawa nila nang walang karagdagan.
﴿إِنَّ الَّذِي فَرَضَ عَلَيْكَ الْقُرْآنَ لَرَادُّكَ إِلَىٰ مَعَادٍ ۚ قُلْ رَبِّي أَعْلَمُ مَنْ جَاءَ بِالْهُدَىٰ وَمَنْ هُوَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾
Tunay na ang nagbaba sa iyo ng Qur’ān at nagsatungkulin sa iyo ng pagpapaabot nito at paggawa ayon sa nasa loob nito ay talagang ang tagapagpanumbalik sa iyo sa Makkah bilang tagasakop.Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Ang Panginoon ko ay higit na nakaaalam sa sinumang nagdala ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa patnubay at katotohanan."
﴿وَمَا كُنْتَ تَرْجُو أَنْ يُلْقَىٰ إِلَيْكَ الْكِتَابُ إِلَّا رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرًا لِلْكَافِرِينَ﴾
Hindi ka dati, O Sugo, umaasa - bago ng pagsusugo - na iparating sa iyo ang Qur'ān bilang isang kasi mula kay Allāh subalit bilang isang awa mula sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - na humiling sa pagpapababa nito sa iyo. Kaya huwag ngang maging isang tagatulong para sa mga tagatangging sumampalataya sa anuman taglay nilang pagkaligaw.
﴿وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنْ آيَاتِ اللَّهِ بَعْدَ إِذْ أُنْزِلَتْ إِلَيْكَ ۖ وَادْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ﴾
Huwag ngang magpapalihis sa iyo ang mga tagapagtambal palayo sa mga talata ni Allāh - matapos ng pagpapababa sa mga ito sa iyo - para iwan mo ang pagbigkas ng mga ito at ang pagpaparating ng mga ito. Mag-anyaya ka sa mga tao tungo sa pananampalataya kay Allāh, paniniwala sa kaisahan Niya, at paggawa ayon sa Batas Niya. Huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh sa iba sa Kanya, bagkus maging kabilang ka sa mga naniniwala sa kaisahan Niya, na mga walang sinasamba kundi si Allāh - tanging Siya.
﴿وَلَا تَدْعُ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ ۘ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ كُلُّ شَيْءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجْهَهُ ۚ لَهُ الْحُكْمُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ﴾
Huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa isang sinasambang iba pa sa Kanya. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Bawat bagay ay masasawi maliban sa mukha Niya - kaluwalhatian sa Kanya. Ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahatol; humahatol Siya ayon sa anumang niloloob Niya. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - kayo panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة القصص : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة القصص : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة القصص : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة القصص : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة القصص : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة القصص : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة القصص : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة القصص : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة القصص : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة القصص : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة القصص : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة القصص : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة القصص : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة القصص : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة القصص : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة القصص : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة القصص : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة القصص : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة القصص : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة القصص : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة القصص : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة القصص : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة القصص : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة القصص : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة القصص : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة القصص : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة القصص : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة القصص : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة القصص : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة القصص : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة القصص : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة القصص : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة القصص : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة القصص : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة القصص : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة القصص : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة القصص : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة القصص : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة القصص : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة القصص : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة القصص : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة القصص : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة القصص : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة القصص : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة القصص : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة القصص : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة القصص : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة القصص : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة القصص : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة القصص : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة القصص : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة القصص : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة القصص : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة القصص : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة القصص : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة القصص : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة القصص : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة القصص : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة القصص : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة القصص : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة القصص : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة القصص : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة القصص : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة القصص : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة القصص : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة القصص : الترجمة الصينية 中文 - الصينية