النّور

تفسير سورة النّور

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ سُورَةٌ أَنْزَلْنَاهَا وَفَرَضْنَاهَا وَأَنْزَلْنَا فِيهَا آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ﴾

Ito ay isang kabanatang ibinaba Namin at inobliga Namin ang paggawa ayon sa mga patakaran nito. Nagbaba Kami rito ng mga talatang naglilinaw, sa pag-asang magsaalaala kayo ng nasa loob nito na mga patakaran para gumawa kayo ayon dito.

﴿الزَّانِيَةُ وَالزَّانِي فَاجْلِدُوا كُلَّ وَاحِدٍ مِنْهُمَا مِائَةَ جَلْدَةٍ ۖ وَلَا تَأْخُذْكُمْ بِهِمَا رَأْفَةٌ فِي دِينِ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ وَلْيَشْهَدْ عَذَابَهُمَا طَائِفَةٌ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ﴾

Ang babaing nangangalunya at ang lalaking nangangalunya, na mga hindi pa nagkaasawa, ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit. Huwag kayong tangayin ng pagkahabag at pagkaawa sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng hindi pagpapatupad sa kanilang dalawa ng takdang parusa o pagpapagaan nito sa kanilang dalawa, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Dumalo sa pagpapatupad ng takdang parusa sa kanilang dalawa ang isang pulutong ng mga mananampalataya bilang pagpapaigting sa pagpapatanyag sa kanilang dalawa at pagpapaudlot sa kanilang dalawa at sa iba pa sa kanilang dalawa.

﴿الزَّانِي لَا يَنْكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوْ مُشْرِكَةً وَالزَّانِيَةُ لَا يَنْكِحُهَا إِلَّا زَانٍ أَوْ مُشْرِكٌ ۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ﴾

Para sa pagpapahayag ng karumalan ng pangangalunya, binanggit ni Allāh na ang lalaking nasanay nito ay hindi naiibigan ang pag-aasawa maliban sa isang babaing nangangalunyang tulad niya o sa isang babaing tagapagtambal, na hindi nangingilag sa pangangalunya, sa kabila ng kawalan ng kapahintulutan ng pag-aasawa sa kanya. Ang babaing nasanay sa pangangalunya ay hindi naiibigan ang pag-aasawa maliban sa isang lalaking nangangalunyang tulad niya o sa isang lalaking tagapagtambal, na hindi nangingilag sa pangangalunya, sa kabila ng pagkabawal ng pag-aasawa niya rito. Ipinagbawal ang pag-aasawa sa babaing nangangalunya at ang pagpapaasawa ng nangangalunya sa mga mananampalataya.

﴿وَالَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ ثُمَّ لَمْ يَأْتُوا بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ فَاجْلِدُوهُمْ ثَمَانِينَ جَلْدَةً وَلَا تَقْبَلُوا لَهُمْ شَهَادَةً أَبَدًا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ﴾

Ang mga nagpaparatang sa mga malinis na babae ( at mga malinis na lalaki tulad nilang mga babae), pagkatapos ay hindi nakapaglahad ng apat na saksi,sa mga ipinaratang nila sa kanya mula sa kahalayan, ay humagupit kayo sa kanila -o mga tagahatol- ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman. Ang mga nagpaparatang na iyon sa mga malilinis, sila ang mga lumabas sa pananampalataya kay Allāh.

﴿إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

maliban sa mga nagbalik-loob kay Allāh, matapos ng paglalakas-loob nila roon, at nagsaayos ng mga gawain nila sapagkat tunay na si Allāh ay tatanggap ng pagbabalik-loob nila at pagsaksi nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

﴿وَالَّذِينَ يَرْمُونَ أَزْوَاجَهُمْ وَلَمْ يَكُنْ لَهُمْ شُهَدَاءُ إِلَّا أَنْفُسُهُمْ فَشَهَادَةُ أَحَدِهِمْ أَرْبَعُ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الصَّادِقِينَ﴾

Ang mga lalaking nagpaparatang sa mga maybahay nila gayong wala silang mga saksing iba pa sa mga sarili nila ay sasaksi sa katumpakan ng ipinaratang nila sa maybahay: sasaksi ang isa sa kanila nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na siya ay talagang tapat sa ipinaratang niyang pangangalunya sa maybahay niya.

﴿وَالْخَامِسَةُ أَنَّ لَعْنَتَ اللَّهِ عَلَيْهِ إِنْ كَانَ مِنَ الْكَاذِبِينَ﴾

Pagkatapos, sa ikalimang pagsaksi ng asawa ay magdaragdag siya ng panalangin laban sa sarili niya sa pangingindapat sa sumpa [ni Allāh] kung siya ay sinungaling sa ipinararatang niya.

﴿وَيَدْرَأُ عَنْهَا الْعَذَابَ أَنْ تَشْهَدَ أَرْبَعَ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الْكَاذِبِينَ﴾

Kaya mangingindapat ang maybahay dahil doon na parusahan ng parusa ng pangangalunya, ngunit maitutulak palayo sa kanya ang parusang ito sa pagsaksi niya nang apat na pagsaksi kay Allāh na ang asawa niya ay talagang sinungaling sa ipinupukol nito sa kanya

﴿وَالْخَامِسَةَ أَنَّ غَضَبَ اللَّهِ عَلَيْهَا إِنْ كَانَ مِنَ الصَّادِقِينَ﴾

Pagkatapos, sa ikalimang pagsaksi ng maybahay ay magdaragdag siya ng panalangin laban sa sarili niya ng galit ni Allāh sa kanya kung ang asawa ay tapat sa ipinaratang nito sa kanya.

﴿وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ﴾

Kung hindi dahil sa pagmamabuting-loob ni Allāh sa inyo, o mga tao, at awa Niya sa inyo, at na dahil Siya ay Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya at Marunong sa pangangasiwa Niya at Batas Niya, talaga sanang nagmadali Siya sa inyo ng kaparusahan sa mga pagkakasala ninyo at talaga sanang nanghiya Siya sa inyo dahil sa mga ito.

﴿إِنَّ الَّذِينَ جَاءُوا بِالْإِفْكِ عُصْبَةٌ مِنْكُمْ ۚ لَا تَحْسَبُوهُ شَرًّا لَكُمْ ۖ بَلْ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۚ لِكُلِّ امْرِئٍ مِنْهُمْ مَا اكْتَسَبَ مِنَ الْإِثْمِ ۚ وَالَّذِي تَوَلَّىٰ كِبْرَهُ مِنْهُمْ لَهُ عَذَابٌ عَظِيمٌ﴾

Tunay na ang mga naghatid ng paninirang-puri (ang pagparatang ng kahalayan sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah - nalugod si Allāh sa kanya) ay isang pangkat na nauugnay sa inyo, O mga mananampalataya. Huwag ninyong ipagpalagay na ang ginawa-gawa nila ay masagwa para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo dahil sa dulot nitong paggantimpala at pagsubok para sa mga mananampalataya at dahil sa nakaaalinsabay nito na pagpapawalang-sala sa Ina ng mga Mananampalataya. Ukol sa bawat isang lumahok sa pagpaparatang sa kanya ng kahalayan ay ganti sa nakamit niya mula sa kasalanan dahil sa pagsasalita niya ng kabulaanan. Ang pumasan ng karamihan niyon dahil sa pagpapasimula niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat. Ang tinutukoy rito ay ang ulo ng mga mapagpaimbabaw na si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl.

﴿لَوْلَا إِذْ سَمِعْتُمُوهُ ظَنَّ الْمُؤْمِنُونَ وَالْمُؤْمِنَاتُ بِأَنْفُسِهِمْ خَيْرًا وَقَالُوا هَٰذَا إِفْكٌ مُبِينٌ﴾

Bakit nga kaya, noong narinig ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ang mabigat na kabulaanang ito, hindi sila nag-isip ng kalinisan ng pinaratangan niyon kabilang sa mga kapatid nilang mga mananampalataya at nagsabi: Ito ay isang kasinungalingang maliwanag?

﴿لَوْلَا جَاءُوا عَلَيْهِ بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ ۚ فَإِذْ لَمْ يَأْتُوا بِالشُّهَدَاءِ فَأُولَٰئِكَ عِنْدَ اللَّهِ هُمُ الْكَاذِبُونَ﴾

Bakit nga ba ang mga gumawa-gawa sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah - nalugod si Allāh sa kanya - ng paratang nilang mabigat ay hindi naghatid ng apat na saksing sasaksi sa katumpakan ng iniugnay nila sa kanya? Kaya kung hindi sila naghatid ng apat na saksi roon - at hindi sila maghahatid ng mga saksi magpakailanman - sila ay mga sinungaling sa hatol ni Allāh.

﴿وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ لَمَسَّكُمْ فِي مَا أَفَضْتُمْ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ﴾

Kung hindi dahil sa pagmamabuting-loob ni Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, at awa Niya sa inyo yayamang hindi Siya nagmadali sa inyo sa kaparusahan at tumanggap Siya ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa inyo, talaga sanang dinapuan kayo ng isang pagdurusang mabigat dahilan sa pinaggagawa ninyo na kasinungalingan at pagpaparatang sa Ina ng mga Mananampalataya.

﴿إِذْ تَلَقَّوْنَهُ بِأَلْسِنَتِكُمْ وَتَقُولُونَ بِأَفْوَاهِكُمْ مَا لَيْسَ لَكُمْ بِهِ عِلْمٌ وَتَحْسَبُونَهُ هَيِّنًا وَهُوَ عِنْدَ اللَّهِ عَظِيمٌ﴾

Noong nagsasalaysay niyon ang ilan sa inyo buhat sa iba pa at nagpapalipat-lipat kayo niyon sa pamamagitan ng dila ninyo kalakip ng kabulaanan niyon sapagkat wala naman kayong kaalaman hinggil doon, at nagpapalagay kayong iyon ay madali at magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat dahil sa taglay niyong kasinungalingan at paninirang-puri sa isang inosente.

﴿وَلَوْلَا إِذْ سَمِعْتُمُوهُ قُلْتُمْ مَا يَكُونُ لَنَا أَنْ نَتَكَلَّمَ بِهَٰذَا سُبْحَانَكَ هَٰذَا بُهْتَانٌ عَظِيمٌ﴾

Bakit nga kaya, noong narinig ninyo ang kabulaanang ito, hindi kayo nagsabi: "Hindi naaangkop para sa amin na magsalita kami ng karima-rimarim na bagay na ito, bilang pagpapawalang-kapintasan sa Iyo Panginoon namin. Itong ipinaratang nila sa Ina ng mga Mananampalataya ay isang kasinungalingang mabigat."

﴿يَعِظُكُمُ اللَّهُ أَنْ تَعُودُوا لِمِثْلِهِ أَبَدًا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

Nagpapaalaala sa inyo si Allāh at nagpapayo sa inyo na [huwag] kayong manumbalik sa tulad ng kabulaanang ito para [huwag] kayong magparatang ng kahalayan sa isang inosente, kung kayo ay mga mananampalataya kay Allāh.

﴿وَيُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Nagpapaliwanag si Allāh sa inyo ng mga talatang naglalaman. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

﴿إِنَّ الَّذِينَ يُحِبُّونَ أَنْ تَشِيعَ الْفَاحِشَةُ فِي الَّذِينَ آمَنُوا لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ﴾

Tunay na ang mga umiibig na lumaganap ang mga nakasasama - kabilang sa mga ito ang paninirang-puri hinggil sa pangangalunya - sa mga mananampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng takdang parusa sa paninirang-puri sa kanila, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay pagdurusa sa Apoy. Si Allāh ay nakaaalam sa kasinungalingan nila at anumang kinauuwian ng lagay ng mga lingkod Niya at nakaaalam sa mga kapakanan nila samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon.

﴿وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ﴾

Kung hindi dahil sa pagmamabuting-loob ni Allāh sa inyo, O mga nasasadlak sa kabulaanan, at awa Niya sa inyo; at kung hindi dahil si Allāh ay Mahabagin, Maawain sa inyo, talaga sanang nagmadali Siya sa inyo sa kaparusahan.

﴿۞ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ وَمَنْ يَتَّبِعْ خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ فَإِنَّهُ يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ وَالْمُنْكَرِ ۚ وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ مَا زَكَىٰ مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ أَبَدًا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يُزَكِّي مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas ni Allāh, huwag kayong sumunod sa mga daan ng demonyo sa pang-aakit niya sa kabulaanan. Ang sinumang sumusunod sa mga daan niya, tunay na siya ay nag-uutos ng pangit na mga gawain at mga pananalita, at anumang minamasama ng Batas ng Islām.
Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo, o mga mananampalataya, walang nadalisay kabilang sa inyo na isa man magpakailanman sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kung nagbalik-loob ito; subalit si Allāh ay nagdadalisay sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagbabalik-loob nito. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.

﴿وَلَا يَأْتَلِ أُولُو الْفَضْلِ مِنْكُمْ وَالسَّعَةِ أَنْ يُؤْتُوا أُولِي الْقُرْبَىٰ وَالْمَسَاكِينَ وَالْمُهَاجِرِينَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ وَلْيَعْفُوا وَلْيَصْفَحُوا ۗ أَلَا تُحِبُّونَ أَنْ يَغْفِرَ اللَّهُ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Huwag manumpa ang mga may kalamangan sa relihiyon at ang mga may kaluwagan sa yaman sa pagtigil sa pagbibigay sa mga kamag-anakan nilang mga nangangailangan - dahil sa taglay nilang karukhaan, na kabilang sa mga tagalikas sa landas ni Allāh - dahil sa pagkakasalang nagawa nila; magpaumanhin sila sa mga iyon; at magpalampas sila sa mga iyon.
Hindi ba kayo umiibig na magpatawad si Allāh para sa inyo sa mga pagkakasala ninyo kapag nagpaumanhin kayo sa kanila at nagpalampas? Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila kaya naman maaliw sa Kanya ang mga lingkod Niya. Bumaba ang talatang ito kaugnay kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq - nalugod si Allāh sa kanya - dahil sa pagsumpa Niya sa pagtigil sa paggugol kay Mistaḥ dahil sa pakikilahok nito sa kabulaanan.

﴿إِنَّ الَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ الْغَافِلَاتِ الْمُؤْمِنَاتِ لُعِنُوا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ﴾

Tunay na ang nagpaparatang sa mga malinis ang puri, na mga inosente sa kahalayang hindi pinapansin ng mga babaing mananampalataya ay itinaboy sila mula sa awa ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay at ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat sa Kabilang-buhay,

﴿يَوْمَ تَشْهَدُ عَلَيْهِمْ أَلْسِنَتُهُمْ وَأَيْدِيهِمْ وَأَرْجُلُهُمْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Magaganap sa kanila ang pagdurusang iyon sa Araw ng Pagbangon sa Araw na sasaksi laban sa kanila ang mga dila nila dahil sa binigkas nila na kabulaanan at sasaksi laban sa kanila ang mga kamay nila at ang mga paa nila sa dati nilang ginagawa.

﴿يَوْمَئِذٍ يُوَفِّيهِمُ اللَّهُ دِينَهُمُ الْحَقَّ وَيَعْلَمُونَ أَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ الْمُبِينُ﴾

Sa Araw na iyon, tutumbasan sila ni Allāh ng ganti sa kanila ayon sa katarungan at malalaman nilang si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang katotohanan sapagkat bawat namumutawi sa Kanya na ulat o pangako o banta ay totoong maliwanag na walang pag-aatubili rito.

﴿الْخَبِيثَاتُ لِلْخَبِيثِينَ وَالْخَبِيثُونَ لِلْخَبِيثَاتِ ۖ وَالطَّيِّبَاتُ لِلطَّيِّبِينَ وَالطَّيِّبُونَ لِلطَّيِّبَاتِ ۚ أُولَٰئِكَ مُبَرَّءُونَ مِمَّا يَقُولُونَ ۖ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ﴾

Ang bawat karima-rimarim na mga lalaki, mga babae, mga sinasabi, at mga ginagawa ay nababagay at naaangkop sa anumang karima-rimarin. Ang bawat kaaya-aya kabilang doon ay nababagay at naaangkop sa anumang kaaya-aya. Yaong mga lalaking kaaya-aya at mga babaing kaaya-aya ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi tungkol sa kanila ng mga lalaking karima-rimarim at mga babaing karima-rimarim. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran mula kay Allāh, na nagpapatawad Siya sa pamamagitan nito sa mga pagkakasala nila, at ukol sa kanila ay isang panustos na marangal, ang Paraiso.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ بُيُوتِكُمْ حَتَّىٰ تَسْتَأْنِسُوا وَتُسَلِّمُوا عَلَىٰ أَهْلِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas Niya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nakapagpaalam kayo sa mga nakatira sa mga ito sa pagpasok sa kanila at bumati kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ninyo sa pagbati at pagpaalam: "Assalāmu `alaykum. Maaari po bang pumasok?" Ang pagpaalam na iyon na ipinag-utos sa inyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagpasok nang biglaan, nang sa gayon kayo ay makapag-aalaala sa ipinag-utos sa inyo para sumunod kayo.

﴿فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فِيهَا أَحَدًا فَلَا تَدْخُلُوهَا حَتَّىٰ يُؤْذَنَ لَكُمْ ۖ وَإِنْ قِيلَ لَكُمُ ارْجِعُوا فَارْجِعُوا ۖ هُوَ أَزْكَىٰ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ﴾

Kaya kung hindi kayo nakatagpo sa mga bahay na iyon ng isa man ay huwag kayong pumasok sa mga iyon hanggang sa nagpahintulot sa inyo sa pagpasok sa mga iyon ang nagmamay-ari ng pahintulot. Kung nagsabi sa inyo ang mga may-ari ng mga ito: "Umuwi kayo," ay umuwi kayo at huwag kayong pumasok sa mga iyon sapagkat ito ay higit na dalisay para sa inyo sa ganang kay Allāh. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo at gaganti Siya sa inyo sa mga ito.

﴿لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ مَسْكُونَةٍ فِيهَا مَتَاعٌ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ﴾

Wala sa inyo ang paninisi na pumasok kayo nang walang pagpaalam sa mga pampublikong bahay na hindi natatangi sa isa man, na inihanda sa pampublikong kapakinabangan gaya ng mga aklatan at mga tindahan sa mga palengke. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo mula sa mga gawain ninyo at mga kalagayan ninyo at anumang ikinukubli ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti Siya sa inyo roon.

﴿قُلْ لِلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا مِنْ أَبْصَارِهِمْ وَيَحْفَظُوا فُرُوجَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَزْكَىٰ لَهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا يَصْنَعُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga lalaking mananampalataya na pumigil sila sa mga paningin nila sa pagtingin sa hindi ipinahihintulot para sa kanila na mga babae at mga kahubaran, at mangalaga sila sa mga ari nila laban sa pagkakasadlak sa ipinagbabawal at laban sa pagkakalantad sa mga ito. Ang pagpipigil na iyon sa pagtingin sa ipinagbawal ni Allāh ay higit na dalisay para sa kanila sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Nakababatid sa anumang niyayari nila: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti Siya sa kanila roon.

﴿وَقُلْ لِلْمُؤْمِنَاتِ يَغْضُضْنَ مِنْ أَبْصَارِهِنَّ وَيَحْفَظْنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا ۖ وَلْيَضْرِبْنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّ ۖ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوْ آبَائِهِنَّ أَوْ آبَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ أَبْنَائِهِنَّ أَوْ أَبْنَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي أَخَوَاتِهِنَّ أَوْ نِسَائِهِنَّ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ أَوِ التَّابِعِينَ غَيْرِ أُولِي الْإِرْبَةِ مِنَ الرِّجَالِ أَوِ الطِّفْلِ الَّذِينَ لَمْ يَظْهَرُوا عَلَىٰ عَوْرَاتِ النِّسَاءِ ۖ وَلَا يَضْرِبْنَ بِأَرْجُلِهِنَّ لِيُعْلَمَ مَا يُخْفِينَ مِنْ زِينَتِهِنَّ ۚ وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾

Sabihin mo sa mga babaing mananampalataya na pumigil sila ng mga paningin nila sa pagtingin sa anumang hindi ipinahihintulot sa kanila ang pagtingin na mga kahubaran; mangalaga sila sa mga ari nila sa pamamagitan ng paglayo sa mahalay at pagtatakip; huwag silang maglantad ng gayak nila sa mga di-kaanu-ano maliban sa nakalitaw na mula rito kabilang sa hindi maaaring ikubli gaya ng mga kasuutan, magpaabot sila ng mga pantakip nilang mga nakabukas sa mataas na bahagi ng mga kasuutan nila upang magtakip sa mga buhok nila, mga mukha nila, at mga leeg nila; huwag silang maglantad ng nakakubling gayak nila maliban sa mga asawa nila, o mga ama nila, o mga ama ng mga asawa nila, o mga lalaking anak nila, o mga lalaking anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, o mga kapwa babae nilang mapagkakatiwalaan: mga babaing Muslim man o mga babaing di-Muslim, o mga minay-ari nilang mga alipin: mga lalaki man o mga babae, o mga lalaking tagapaglingkod na walang paghahangad sa mga babae, o mga batang lalaking hindi nakabatid sa mga kahubaran ng mga babae dahil sa pagkabata nila. Huwag magpadyak ang mga babae ng mga paa nila sa paglalayong malaman ang tinatakpan nila mula sa gayak nila gaya ng pulseras sa paa at anumang nakawangis nito. Magbalik-loob kayo kay Allāh sa kalahatan, o mga mananampalataya, mula sa nangyari sa inyo na pagtingin at iba pa rito, sa pag-asang magkamit kayo ng hinihiling at maligtas kayo mula sa kinasisindakan.

﴿وَأَنْكِحُوا الْأَيَامَىٰ مِنْكُمْ وَالصَّالِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَائِكُمْ ۚ إِنْ يَكُونُوا فُقَرَاءَ يُغْنِهِمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ﴾

Ipakasal ninyo, O mga mananampalataya, ang mga lalaking walang mga maybahay at ang mga babaing malayang walang mga asawa. Ipakasal ninyo ang mga mananampalataya kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at kabilang sa mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magkakaloob sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niyang malawak. Si Allāh ay Malawak ang pagtutustos: hindi nababawasan ang panustos Niya sa pagkakaloob sa isa, Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya.

﴿وَلْيَسْتَعْفِفِ الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغْنِيَهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَالَّذِينَ يَبْتَغُونَ الْكِتَابَ مِمَّا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ فَكَاتِبُوهُمْ إِنْ عَلِمْتُمْ فِيهِمْ خَيْرًا ۖ وَآتُوهُمْ مِنْ مَالِ اللَّهِ الَّذِي آتَاكُمْ ۚ وَلَا تُكْرِهُوا فَتَيَاتِكُمْ عَلَى الْبِغَاءِ إِنْ أَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِتَبْتَغُوا عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَمَنْ يُكْرِهْهُنَّ فَإِنَّ اللَّهَ مِنْ بَعْدِ إِكْرَاهِهِنَّ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Maghangad ng kalinisang-puri ang mga hindi nakakakayang mag-asawa dahil sa karukhaan nila hanggang sa magkaloob sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niyang malawak. Ang mga aliping naghahangad ng pakikipagkasunduan sa mga pinapanginoon nila na magbayad ng salapi upang lumaya sila, kailangan sa mga pinapanginoon nila na tanggapin iyon mula sa kanila kung nakaalam ang mga ito sa kanila ng kakayahan sa pagganap at ng kaayusan sa relihiyon. Kailangan sa mga pinapanginoon na magbigay sa mga alipin mula sa yaman ni Allāh na ibinigay Niya sa mga pinapanginoon sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga pinapanginoon sa mga alipin ng isang bahagi mula sa napagkasunduan nilang bayaran.
Huwag ninyong pilitin ang mga babaing alipin ninyo sa pangangalunya bilang paghahanap ng salapi - gaya ng ginawa ni `Abdullāh bin Ubayy sa dalawang babaing alipin niya nang hiniling nang dalawang ito ang pagpapakabini at ang paglayo sa mahalay - upang hingin ninyo ang kikitain ng babaing alipin sa pagbibili ng katawan nito. Ang sinumang namilit para roon kabilang sa inyo sa mga babaing alipin, tunay na si Allāh, noong matapos ng pamimilit sa kanila, ay Mapagpatawad sa pagkakasala nila, Maawain sa kanila dahil sila ay mga pinilit; at ang kasalanan ay nasa namilit sa kanila.

﴿وَلَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ آيَاتٍ مُبَيِّنَاتٍ وَمَثَلًا مِنَ الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ﴾

Talaga nang nagbaba Kami sa inyo, o mga tao, ng mga tandang maliwanag: walang kalituhan sa mga ito, nagbaba Kami sa inyo ng halimbawa mula sa mga lumipas noong wala pa kayo kabilang sa mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya, at nagbaba Kami sa inyo ng pangaral na napangangaralan sa pamamagitan nito ang mga nangingilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

﴿۞ اللَّهُ نُورُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ مَثَلُ نُورِهِ كَمِشْكَاةٍ فِيهَا مِصْبَاحٌ ۖ الْمِصْبَاحُ فِي زُجَاجَةٍ ۖ الزُّجَاجَةُ كَأَنَّهَا كَوْكَبٌ دُرِّيٌّ يُوقَدُ مِنْ شَجَرَةٍ مُبَارَكَةٍ زَيْتُونَةٍ لَا شَرْقِيَّةٍ وَلَا غَرْبِيَّةٍ يَكَادُ زَيْتُهَا يُضِيءُ وَلَوْ لَمْ تَمْسَسْهُ نَارٌ ۚ نُورٌ عَلَىٰ نُورٍ ۗ يَهْدِي اللَّهُ لِنُورِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

Si Allāh ay ang liwanag ng mga langit at lupa at tagapatnubay ng sinumang nasa mga ito. Ang paghahalimbawa sa liwanag Niya - kaluwalhatian sa Kanya - sa puso ng mga mananampalataya ay gaya ng isang hindi tumatagos na butas sa isang dingding, na sa loob nito ay may isang ilawan. Ang ilawan ay nasa loob ng isang salaming nagliliyab. Para bang ito ay isang tala na nagtatanglaw na gaya ng perlas. Pinagniningas ang ilawan mula sa langis ng isang pinagpalang punong-kahoy, ang punong-kahoy ng oliba. Ang punong-kahoy ay hindi natatakpan sa araw ng anuman: hindi sa umaga at hindi sa gabi. Halos ang langis nito, dahil sa kadalisayan nito, ay nagtatanglaw kahit pa man hindi ito nasaling ng apoy kaya papaano na kapag nasaling ito? Ang liwanag ng ilawan ay sa ibabaw ng liwanag ng salamin. Ganito ang puso ng mananampalataya kapag sumikat dito ang liwanag ng kapatnubayan. Si Allāh ay nagtutuon para sa pagsunod sa Qur'ān sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Naglilinaw si Allāh sa mga bagay sa pamamagitan ng mga kawangis ng mga ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga paghahalimbawa. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman.

﴿فِي بُيُوتٍ أَذِنَ اللَّهُ أَنْ تُرْفَعَ وَيُذْكَرَ فِيهَا اسْمُهُ يُسَبِّحُ لَهُ فِيهَا بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ﴾

Pinagniningas ang ilawang ito sa mga masjid na ipinag-utos ni Allāh na itaas ang kahalagahan ng mga ito at ang pagpapatayo ng mga ito, at na banggitin sa mga ito ang pangalan Niya sa pamamagitan ng adhān, dhikr, at dasal. Nagdarasal sa mga ito sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh sa unang bahagi ng maghapon at sa huling bahagi nito.

﴿رِجَالٌ لَا تُلْهِيهِمْ تِجَارَةٌ وَلَا بَيْعٌ عَنْ ذِكْرِ اللَّهِ وَإِقَامِ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ ۙ يَخَافُونَ يَوْمًا تَتَقَلَّبُ فِيهِ الْقُلُوبُ وَالْأَبْصَارُ﴾

Mga lalaking hindi nalilibang ng isang pagbili ni ng isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya, pagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na anyo, at pagbibigay ng zakāh para sa mga gugulin nito. Nangangamba sila sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na iyon na magpapalipat-lipat doon ang mga puso sa pagitan ng pagmimithi sa kaligtasan mula sa pagdurusa at ng pangamba roon, at magpapalipat-lipat doon ang mga paningin sa alinmang dakong pupunta ang mga ito.

﴿لِيَجْزِيَهُمُ اللَّهُ أَحْسَنَ مَا عَمِلُوا وَيَزِيدَهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ﴾

Gumawa sila niyon upang gumantimpala sa kanila si Allāh dahil sa mga gawa nila sa pinakamaganda sa ginawa nila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya bilang ganti sa mga iyon. Si Allāh ay nagtutustos sa kaninumang niloloob Niya nang walang pagtutuos ayon sa sukat ng mga gawa nila, bagkus magbibigay Siya sa kanila ng ilang ulit sa ginawa nila.

﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَعْمَالُهُمْ كَسَرَابٍ بِقِيعَةٍ يَحْسَبُهُ الظَّمْآنُ مَاءً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَهُ لَمْ يَجِدْهُ شَيْئًا وَوَجَدَ اللَّهَ عِنْدَهُ فَوَفَّاهُ حِسَابَهُ ۗ وَاللَّهُ سَرِيعُ الْحِسَابِ﴾

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga gawa nilang ginawa nila na walang gantimpala sa mga ito ay tulad ng malikmata sa isang mababang bahagi ng lupa. Nakikita iyon ng uhaw kaya nag-aakala ito na iyon ay isang tubig at pumunta ito roon. Hanggang sa nang dumating ito roon at tumigil ito roon ay hindi ito nakatagpo ng tubig. Gayon din ang tagatangging sumampalataya; nag-aakala ito na ang mga gawa nito ay magpapakinabang dito. Hanggang sa nang namatay ito at binuhay ito, hindi ito nakatagpo ng gantimpala sa mga iyon. Nakatagpo ito sa Panginoon nito sa harap nito at magkakaloob Siya rito ayon sa pagtutuos dito nang ganap. Si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.

﴿أَوْ كَظُلُمَاتٍ فِي بَحْرٍ لُجِّيٍّ يَغْشَاهُ مَوْجٌ مِنْ فَوْقِهِ مَوْجٌ مِنْ فَوْقِهِ سَحَابٌ ۚ ظُلُمَاتٌ بَعْضُهَا فَوْقَ بَعْضٍ إِذَا أَخْرَجَ يَدَهُ لَمْ يَكَدْ يَرَاهَا ۗ وَمَنْ لَمْ يَجْعَلِ اللَّهُ لَهُ نُورًا فَمَا لَهُ مِنْ نُورٍ﴾

O ang mga gawa nila ay tulad ng mga kadiliman sa isang dagat na malalim na may pumapaibabaw na mga alon, na sa ibabaw ng mga alon na iyon ay may mga iba pang alon, na sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap na nagtatakip sa ipinapampatnubay na mga bituin. Mga kadilimang nagkapatung-patong, na ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba, kapag naglabas ang sinumang nasadlak sa mga kadilimang ito ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito dahil sa tindi ng kadiliman. Gayon din ang tagatangging sumampalataya sapagkat nagkapatung-patong sa kanya ang mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, pagdududa, pagkalito, at pagkapinid sa puso niya. Ang sinumang hindi tinustusan ni Allāh ng patnubay laban sa kaligawan at ng kaalaman sa Aklat Niya, walang ukol sa kanya na patnubay na ipampapatnubay niya at walang aklat na ipanliliwanag niya.

﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُسَبِّحُ لَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَالطَّيْرُ صَافَّاتٍ ۖ كُلٌّ قَدْ عَلِمَ صَلَاتَهُ وَتَسْبِيحَهُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِمَا يَفْعَلُونَ﴾

Hindi mo ba nalalaman, O Sugo, na kay Allāh nagluluwalhati ang sinumang nasa mga langit, nagluluwalhati sa Kanya ang sinumang nasa lupa na mga nilikha Niya, at nagluluwalhati ang mga ibon habang nagbuka ng mga pakpak ng mga ito sa himpapawid. Bawat [isa] sa mga nilikhang iyon ay nakaalam si Allāh ng dasal ng sinumang nagdarasal kabilang sa mga iyon gaya ng tao at ng pagluluwalhati ng sinumang nagluluwalhati kabilang sa mga iyon, gaya ng mga ibon. Si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa nila.

﴿وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَإِلَى اللَّهِ الْمَصِيرُ﴾

Kay Allāh - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa, at tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.

﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُزْجِي سَحَابًا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيْنَهُ ثُمَّ يَجْعَلُهُ رُكَامًا فَتَرَى الْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَالِهِ وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاءِ مِنْ جِبَالٍ فِيهَا مِنْ بَرَدٍ فَيُصِيبُ بِهِ مَنْ يَشَاءُ وَيَصْرِفُهُ عَنْ مَنْ يَشَاءُ ۖ يَكَادُ سَنَا بَرْقِهِ يَذْهَبُ بِالْأَبْصَارِ﴾

Hindi mo ba nalaman, O Sugo, na si Allāh ay nag-aakay sa mga ulap. Pagkatapos ay nagpapasanib Siya sa mga parte ng isang bahagi ng mga ito sa isang bahagi. Pagkatapos ay gumagawa Siya sa mga ito na nagkabuntun-bunton na pumapatong ang iba sa mga ito sa iba pa, at nakikita mo ang ulan na lumalabas mula sa loob ng mga ulap. Nagpapababa Siya mula sa dako ng langit mula sa mga ulap na nagkakapalan sa loob ng mga ito - na nakawawangis ng mga bundok sa laki ng mga ito - ng mga pirasong namumuong tubig na gaya ng mga munting bato. Nagpapatama Siya ng yelong iyon sa kaninumang niloloob Niya sa mga lingkod Niya at nagbabaling Siya niyon palayo sa kaninumang niloloob Niya sa kanila. Halos ang liwanag ng kidlat ng mga ulap, dahil sa tindi ng kislap nito, ay tumangay sa mga paningin.

﴿يُقَلِّبُ اللَّهُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِأُولِي الْأَبْصَارِ﴾

Nagpapasunuran si Allāh sa pagitan ng gabi at maghapon sa haba at ikli, at sa pagdating at pag-alis. Tunay na sa nabanggit na iyon na mga tanda na mga katunayan sa pagkapanginoon ay may pangaral sa mga nagtataglay ng mga pagkatalos sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya.

﴿وَاللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَابَّةٍ مِنْ مَاءٍ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ بَطْنِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ رِجْلَيْنِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ أَرْبَعٍ ۚ يَخْلُقُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Si Allāh ay lumikha sa bawat umuusad sa balat ng lupa na hayop mula sa isang patak. Mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan nang pagapang gaya ng mga ahas, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa gaya ng tao at ibon, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat gaya ng mga hayupan. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya kabilang sa hindi Niya binanggit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

﴿لَقَدْ أَنْزَلْنَا آيَاتٍ مُبَيِّنَاتٍ ۚ وَاللَّهُ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ﴾

Talaga ngang nagbaba Kami kay Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya - ng mga tandang maliwanag: walang kalituhan sa mga ito. Si Allāh ay nagtutuon sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon kaya nagpaparating sa kanya ang daang iyon tungo sa Paraiso.

﴿وَيَقُولُونَ آمَنَّا بِاللَّهِ وَبِالرَّسُولِ وَأَطَعْنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِنْهُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ﴾

Nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw: "Sumampalataya kami kay Allāh at sumampalataya Kami sa Sugo, at tumalima Kami kay Allāh at tumalima Kami sa Sugo Niya.
" Pagkatapos ay may tumatalikod na isang pangkatin kabilang sa kanila kaya hindi sila tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya sa pag-uutos ng pakikibaka sa landas ni Allāh at ng iba pa matapos na akalain nilang iyon ay bahagi ng pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at pagtalima sa kanilang dalawa. Ang mga tumatalikod sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi ang mga mananampalataya, kahit pa nag-angkin sila na sila ay mga mananampalataya.

﴿وَإِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ مُعْرِضُونَ﴾

Kapag inanyayahan ang mga mapagpaimbabaw na ito kay Allāh at sa Sugo upang humatol ang Sugo sa pagitan nila kaugnay sa naghihidwaan sila hinggil doon, biglang sila ay mga tagaayaw sa kahatulan nito dahil sa pagpapaimbabaw nila.

﴿وَإِنْ يَكُنْ لَهُمُ الْحَقُّ يَأْتُوا إِلَيْهِ مُذْعِنِينَ﴾

Kung nalaman nila na ang katotohanan ay ukol sa kanila at na siya ay hahatol sa kapakanan nila, pupunta sila sa kanya na mga nagpapaakay na mga nagpapasailalim.

﴿أَفِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ أَمِ ارْتَابُوا أَمْ يَخَافُونَ أَنْ يَحِيفَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَرَسُولُهُ ۚ بَلْ أُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ﴾

Sa mga puso ng mga ito ba ay may karamdamang nakakapit sa mga ito, o nagduda sila na siya ay Sugo ni Allāh, o nangangamba sila na mang-api si Allāh laban sa kanila at ang Sugo Niya sa kahatulan? Iyon ay hindi ukol sa anuman kabilang sa nabanggit. Bagkus dahil sa isang sakit sa mga sarili nila dahilan sa pag-ayaw nila sa kahatulan niya at pagmamatigas nila sa kanya.

﴿إِنَّمَا كَانَ قَوْلَ الْمُؤْمِنِينَ إِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ أَنْ يَقُولُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾

Tanging ang sasabihin ng mga mananampalataya kapag inanyayahan sila kay Allāh at sa Sugo upang humatol sa pagitan nila ay na magsabi sila: "Nakarinig kami sa sabi niya at tumalima kami sa utos niya." Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga magkakamit sa Mundo at Kabilang-buhay.

﴿وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَخْشَ اللَّهَ وَيَتَّقْهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ﴾

Ang sinumang tumatalima kay Allāh, tumatalima sa Sugo Niya, sumusuko sa kahatulan nilang dalawa, nangangamba sa anumang idudulot sa kanya ng mga pagsuway, at nangingilag sa pagdurusang dulot ni Allāh, sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya, ang mga iyon - tanging sila - ay ang mga magkakamit ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay.

﴿۞ وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ أَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّ ۖ قُلْ لَا تُقْسِمُوا ۖ طَاعَةٌ مَعْرُوفَةٌ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ﴾

Nanumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh nang pinakasukdulan sa mga panunumpa nilang mariin na nakakakaya nila ang panunumpa niyon: talagang kung nag-utos ka sa kanila ng paglabas tungo sa pakikibaka ay talagang lalabas nga sila. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Huwag kayong manumpa sapagkat ang kasinungalingan ninyo ay kilala at ang pagtalima ninyong ipinagpapalagay ay kilala." Tunay na si Allāh ay Tagabatid sa anumang ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo gaano man kayo magkubli ng mga ito.

﴿قُلْ أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُمْ مَا حُمِّلْتُمْ ۖ وَإِنْ تُطِيعُوهُ تَهْتَدُوا ۚ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na ito: "Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo nang lantaran at paloob; ngunit kung tatalikod kayo sa ipinag-utos sa inyo na pagtalima sa kanilang dalawa, tanging tungkulin sa kanya ang iniatang sa kanya na pagpapaabot at tungkulin sa inyo naman ang iniatang sa inyo na pagtalima at paggawa ayon sa inihatid niya. Kung tatalima kayo sa kanya sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos niya sa inyo sa pamamagitan ng pagpipigil sa sinaway niya sa inyo ay mapapatnubayan kayo sa katotohanan. Walang tungkulin sa Sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag sapagkat hindi tungkulin sa kanya ang pasanin kayo sa kapatnubayan at ang pilitin kayo roon.

﴿وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَيَسْتَخْلِفَنَّهُمْ فِي الْأَرْضِ كَمَا اسْتَخْلَفَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَلَيُمَكِّنَنَّ لَهُمْ دِينَهُمُ الَّذِي ارْتَضَىٰ لَهُمْ وَلَيُبَدِّلَنَّهُمْ مِنْ بَعْدِ خَوْفِهِمْ أَمْنًا ۚ يَعْبُدُونَنِي لَا يُشْرِكُونَ بِي شَيْئًا ۚ وَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ﴾

Nangako si Allāh sa mga sumampalataya sa Kanya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na mag-aadya Siya sa kanila laban sa mga kaaway nila, gagawa Siya sa kanila bilang mga kahalili sa lupain tulad ng ginawa Niya sa nauna sa kanila na mga mananampalataya bilang mga kahalili rito. Nangako Siya sa kanila na gagawa Siya sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila - ang Relihiyong Islām - na maging matatag at makapangyarihan. Nangako Siya sa kanila na magpapalit Siya sa kanila, matapos ng pangamba nila, ng katiwasayan. Sasamba sila sa Kanya - tanging sa Kanya; hindi sila magtatambal sa Kanya ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng mga pagpapalang iyon, ang mga iyon ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.

﴿وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ﴾

Magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na anyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos niya sa inyo at pag-iwan sa sinaway niya sa inyo, sa pag-asang kayo ay magkakamit ng awa ni Allāh.

﴿لَا تَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ ۚ وَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ وَلَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾

Huwag kang magpalagay, o Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh na makalulusot sila sa Kanya kapag nagnais Siya na magbaba sa kanila ng pagdurusa. Ang kanlungan nila sa Araw ng Pagbangon ay Impiyerno. Talagang sumagwa ang kahahantungan ng sinumang Impiyerno ang kahahantungan niya.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لِيَسْتَأْذِنْكُمُ الَّذِينَ مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ وَالَّذِينَ لَمْ يَبْلُغُوا الْحُلُمَ مِنْكُمْ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ ۚ مِنْ قَبْلِ صَلَاةِ الْفَجْرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُمْ مِنَ الظَّهِيرَةِ وَمِنْ بَعْدِ صَلَاةِ الْعِشَاءِ ۚ ثَلَاثُ عَوْرَاتٍ لَكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ وَلَا عَلَيْهِمْ جُنَاحٌ بَعْدَهُنَّ ۚ طَوَّافُونَ عَلَيْكُمْ بَعْضُكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, humiling mula sa inyo ng pahintulot ang mga lalaking alipin ninyo, ang mga babaing alipin ninyo, at ang mga malayang bata na hindi umabot sa edad ng kahustuhang gulang sa tatlong sandali: mula sa bago ng dasal sa madaling-araw sa oras ng pagpapalit sa mga kasuutan ng pagtulog ng mga kasuutan sa pagkagising, sa oras ng tanghali kapag naghubad kayo ng mga kasuutan ninyo para sa pag-idlip, at matapos ng dasal sa gabi dahil ito ay oras ng pagtulog ninyo at paghubad ng mga kasuutan ng pagkagising at pagsuot ng mga kasuutan ng pagtulog. Sa tatlong oras na ito ng kahubaran para sa inyo ay hindi sila papasok sa inyo malibang matapos ng isang pagpapahintulot mula sa inyo. Wala sa inyong sala sa pagpasok nila nang walang paalam at wala sa kanilang sala sa anumang iba pa sa mga iyon na mga oras. Sila ay madalas lumibot at ang ilan sa inyo ay lumilibot sa iba, kaya nagiging imposible ang pagpigil sa kanila sa pagpasok sa bawat oras malibang may pagpaalam. Gaya ng paglilinaw ni Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng pagpaalam, naglilinaw Siya para sa inyo ng mga talatang nagpapatunay sa isinabatas Niya para sa inyo na mga patakaran. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa isinabatas Niya para sa kanila na mga patakaran.

﴿وَإِذَا بَلَغَ الْأَطْفَالُ مِنْكُمُ الْحُلُمَ فَلْيَسْتَأْذِنُوا كَمَا اسْتَأْذَنَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa edad ng kahustuhang gulang ay humingi sila ng kapahintulutan sa sandali ng pagpasok sa mga bahay sa lahat ng mga oras na tulad ng nabanggit sa nauukol sa mga nakatatanda kanina. Gaya ng paglilinaw ni Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng pagpaalam, naglilinaw Siya para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa isinabatas Niya para sa kanila.

﴿وَالْقَوَاعِدُ مِنَ النِّسَاءِ اللَّاتِي لَا يَرْجُونَ نِكَاحًا فَلَيْسَ عَلَيْهِنَّ جُنَاحٌ أَنْ يَضَعْنَ ثِيَابَهُنَّ غَيْرَ مُتَبَرِّجَاتٍ بِزِينَةٍ ۖ وَأَنْ يَسْتَعْفِفْنَ خَيْرٌ لَهُنَّ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

Ang mga matandang babaing tumigil sa pagreregla at pagbubuntis dahil sa katandaan nila, na hindi nagmimithi ng pag-aasawa, ay wala sa kanilang kasalanan na maghubad sila ng ilan sa mga kasuutan nila gaya ng balabal at panakip sa mukha, nang hindi mga naglalantad ng magaang gayak, na ipinag-utos sa kanila na magtakip sa mga ito, ngunit ang tumigil sila sa paghuhubad ng mga kasuutang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa paghuhubad ng mga iyon bilang pagpapaigting sa pagtatakip at pagpapakahinhin. Si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Maalam sa mga gawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti Siya sa inyo sa mga iyon.

﴿لَيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ وَلَا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَنْ تَأْكُلُوا مِنْ بُيُوتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ آبَائِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أُمَّهَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ إِخْوَانِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخَوَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَعْمَامِكُمْ أَوْ بُيُوتِ عَمَّاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخْوَالِكُمْ أَوْ بُيُوتِ خَالَاتِكُمْ أَوْ مَا مَلَكْتُمْ مَفَاتِحَهُ أَوْ صَدِيقِكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَأْكُلُوا جَمِيعًا أَوْ أَشْتَاتًا ۚ فَإِذَا دَخَلْتُمْ بُيُوتًا فَسَلِّمُوا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ تَحِيَّةً مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُبَارَكَةً طَيِّبَةً ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ﴾

Sa bulag na nawala ang paningin niya ay walang kasalanan, sa lumpo ay walang kasalanan, sa maysakit ay walang kasalanan, kung iniwan nila ang hindi nila nakakaya na pagsasagawa ng mga iniatang gaya ng pakikibaka sa landas ni Allāh.
Walang kasalanan sa inyo, O mga mananampalataya, sa pagkain ninyo mula sa mga bahay ninyo - at kabilang dito ang mga bahay ng mga anak ninyo - ni sa pagkain mula sa mga bahay ng mga ama ninyo, o ng mga ina ninyo, o ng mga lalaking kapatid ninyo, o ng babaing kapatid ninyo, o ng mga tiyuhin sa ama ninyo, o ng mga tiyahin sa ama ninyo, o ng mga tiyuhin sa ina ninyo, o ng mga tiyahin sa ina ninyo, o ng anumang ipinagkatiwala sa inyo ang pangangalaga sa mga bahay tulad ng tagabantay ng pataniman. Walang maisisisi sa pagkain mula sa mga bahay ng kaibigan ninyo dahil sa kasiyahan ng sarili nito roon sa karaniwan. Wala sa inyong kasalanan na kumain kayo nang nagsasama-sama o nang bukud-bukod. Kapag pumasok kayo sa mga bahay tulad ng mga bahay na nabanggit at iba pa sa mga iyon ay bumati kayo sa sinumang nasa loob ng mga iyon sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo). Kung sa loob ng mga iyon ay walang isa man, bumati kayo sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaynā wa `alā `ibādi -llāhi -ṣṣāliḥīḥīn (ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maayos lingkod ni Allāh). [Ito ay] isang pagbating mula sa ganang kay Allāh na isinabatas Niya para sa inyo, na pinagpala dahil sa ipinalalaganap nito na pagmamahal at pagkakatugma sa pagitan ninyo, na kaaya-ayang ikasisiya ng sarili ng nakaririnig nito. Ayon sa tulad ng naunang paglilinaw na ito sa Kabanatang ito, naglilinaw si Allāh ng mga talata sa pag-asang makaunawa kayo sa mga ito at gumawa kayo ayon sa nasa mga ito.

﴿إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَإِذَا كَانُوا مَعَهُ عَلَىٰ أَمْرٍ جَامِعٍ لَمْ يَذْهَبُوا حَتَّىٰ يَسْتَأْذِنُوهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ فَإِذَا اسْتَأْذَنُوكَ لِبَعْضِ شَأْنِهِمْ فَأْذَنْ لِمَنْ شِئْتَ مِنْهُمْ وَاسْتَغْفِرْ لَهُمُ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Tanging ang mga mananampalatayang tapat sa pananampalataya nila ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa Sugo Niya. Kapag nangyaring sila ay kasama sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa isang usaping nagbubuklod sa kanila para sa kapakanan ng mga Muslim, hindi sila lumilisan hanggang sa humingi sila sa kanya ng kapahintulutan sa paglisan. Tunay ang mga humihingi sa iyo, O Sugo, ng kapahintulutan sa sandali ng paglisan, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Sugo Niya nang totohanan. Kaya kapag humingi sila sa iyo ng kapahintulutan dahil sa ilang bagay na pumapatungkol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo na pahintulutan kabilang sa kanila. Humingi ka para sa kanila ng kapatawaran para sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

﴿لَا تَجْعَلُوا دُعَاءَ الرَّسُولِ بَيْنَكُمْ كَدُعَاءِ بَعْضِكُمْ بَعْضًا ۚ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنْكُمْ لِوَاذًا ۚ فَلْيَحْذَرِ الَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنْ أَمْرِهِ أَنْ تُصِيبَهُمْ فِتْنَةٌ أَوْ يُصِيبَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Magparangal kayo, o mga mananampalataya, sa Sugo ni Allāh. Kaya kapag nanawagan kayo sa kanya ay huwag kayong manawagan sa kanya sa pangalan niya tulad ng: "O Muḥammad," o sa pangalan ng ama niya tulad ng: "O anak ni `Abullāh," gaya ng ginagawa ng ilan sa inyo sa iba. Bagkus sabihin ninyo: "O Sugo ni Allāh; O Propeta ni Allāh." Kapag nanawagan siya sa inyo dahil sa isang bagay na panlahat, huwag ninyong gawin ang panawagan niya gaya ng panawagan ninyo sa isa't isa sa mga usaping walang halaga sa karaniwan. Bagkus magmadali kayo sa pagtugon doon. Nalalaman nga ni Allāh ang mga lumilisan kabilang sa inyo nang pakubli nang walang kapahintulutan. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na magpadapo si Allāh sa kanila ng isang sigalot at pagsusulit o magpadapo Siya sa kanila ng isang pagdurusang nakasasakit na hindi ito matiis para sa kanila.

﴿أَلَا إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قَدْ يَعْلَمُ مَا أَنْتُمْ عَلَيْهِ وَيَوْمَ يُرْجَعُونَ إِلَيْهِ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

Pansinin, tunay na sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Nakaaalam Siya sa anumang kayo, O mga tao, ay naroon na mga kalagayan: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman, at sa Araw ng Pagbangon kapag ibabalik sila sa Kanya sa pamamagitan ng pagbuhay na muli matapos ng kamatayan. Magbabalita Siya sa kanila ng anumang ginawa nilang mga gawain sa Mundo. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: