النّور

تفسير سورة النّور آية رقم 62

﴿ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺ ﴾

﴿إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَإِذَا كَانُوا مَعَهُ عَلَىٰ أَمْرٍ جَامِعٍ لَمْ يَذْهَبُوا حَتَّىٰ يَسْتَأْذِنُوهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ فَإِذَا اسْتَأْذَنُوكَ لِبَعْضِ شَأْنِهِمْ فَأْذَنْ لِمَنْ شِئْتَ مِنْهُمْ وَاسْتَغْفِرْ لَهُمُ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Tanging ang mga mananampalatayang tapat sa pananampalataya nila ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa Sugo Niya. Kapag nangyaring sila ay kasama sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa isang usaping nagbubuklod sa kanila para sa kapakanan ng mga Muslim, hindi sila lumilisan hanggang sa humingi sila sa kanya ng kapahintulutan sa paglisan. Tunay ang mga humihingi sa iyo, O Sugo, ng kapahintulutan sa sandali ng paglisan, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Sugo Niya nang totohanan. Kaya kapag humingi sila sa iyo ng kapahintulutan dahil sa ilang bagay na pumapatungkol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo na pahintulutan kabilang sa kanila. Humingi ka para sa kanila ng kapatawaran para sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: