النّور

تفسير سورة النّور آية رقم 63

﴿ﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗﮘ ﴾

﴿لَا تَجْعَلُوا دُعَاءَ الرَّسُولِ بَيْنَكُمْ كَدُعَاءِ بَعْضِكُمْ بَعْضًا ۚ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنْكُمْ لِوَاذًا ۚ فَلْيَحْذَرِ الَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنْ أَمْرِهِ أَنْ تُصِيبَهُمْ فِتْنَةٌ أَوْ يُصِيبَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Magparangal kayo, o mga mananampalataya, sa Sugo ni Allāh. Kaya kapag nanawagan kayo sa kanya ay huwag kayong manawagan sa kanya sa pangalan niya tulad ng: "O Muḥammad," o sa pangalan ng ama niya tulad ng: "O anak ni `Abullāh," gaya ng ginagawa ng ilan sa inyo sa iba. Bagkus sabihin ninyo: "O Sugo ni Allāh; O Propeta ni Allāh." Kapag nanawagan siya sa inyo dahil sa isang bagay na panlahat, huwag ninyong gawin ang panawagan niya gaya ng panawagan ninyo sa isa't isa sa mga usaping walang halaga sa karaniwan. Bagkus magmadali kayo sa pagtugon doon. Nalalaman nga ni Allāh ang mga lumilisan kabilang sa inyo nang pakubli nang walang kapahintulutan. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na magpadapo si Allāh sa kanila ng isang sigalot at pagsusulit o magpadapo Siya sa kanila ng isang pagdurusang nakasasakit na hindi ito matiis para sa kanila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: