التوبة

تفسير سورة التوبة

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بَرَاءَةٌ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ إِلَى الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ مِنَ الْمُشْرِكِينَ﴾

Ito ay isang kawalang-kaugnayan, mula kay Allāh at mula sa Sugo Niya, at isang patalastas ng pagwawakas ng mga tipang isinagawa ninyo, O mga Muslim, sa mga tagapagtambal sa Peninsula ng Arabya.

﴿فَسِيحُوا فِي الْأَرْضِ أَرْبَعَةَ أَشْهُرٍ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ غَيْرُ مُعْجِزِي اللَّهِ ۙ وَأَنَّ اللَّهَ مُخْزِي الْكَافِرِينَ﴾

Kaya humayo kayo, O mga tagapagtambal, sa lupain sa loob ng apat na buwan na mga tiwasay ngunit walang tipan sa inyo matapos nito ni kapanatagan. Maniwala kayo nang tiyakan na kayo ay hindi makalulusot sa pagdurusa mula kay Allāh at parusa Niya kung nagpatuloy kayo sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Kanya. Maniwala kayo nang tiyakan na si Allāh ay hahamak sa mga tumatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag sa Mundo at sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy sa Araw ng Pagbangon. Napabibilang dito ang mga sumira sa tipan sa kanila at ang tipan sa kanila ay walang takda, hindi pansamantala. Ang mga may tipang pansamantala, kahit pa man higit sa apat na buwan, tunay na lulubusin ang tipan sa kanila hanggang sa wakas ng yugto nito.

﴿وَأَذَانٌ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ إِلَى النَّاسِ يَوْمَ الْحَجِّ الْأَكْبَرِ أَنَّ اللَّهَ بَرِيءٌ مِنَ الْمُشْرِكِينَ ۙ وَرَسُولُهُ ۚ فَإِنْ تُبْتُمْ فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ غَيْرُ مُعْجِزِي اللَّهِ ۗ وَبَشِّرِ الَّذِينَ كَفَرُوا بِعَذَابٍ أَلِيمٍ﴾

[Ito ay] isang pagpapahayag mula kay Allāh at sa Sugo Niya sa lahat ng mga tao sa araw ng pag-aalay [sa ḥajj] na si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay walang-kaugnayan sa mga tagapagtambal at ang Sugo Niya ay gayon din sa kanila. Kaya kung nagbalik-loob kayo, O mga tagapagtambal, mula sa pagtatambal ninyo, ang pagbabalik-loob ninyo ay higit na mabuti para sa inyo. Maniwala kayo nang tiyakan na kayo ay hindi makalulusot kay Allāh at hindi makalulusot sa kaparusahan Niya. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng ikasasama ng loob nila, na isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila.

﴿إِلَّا الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ مِنَ الْمُشْرِكِينَ ثُمَّ لَمْ يَنْقُصُوكُمْ شَيْئًا وَلَمْ يُظَاهِرُوا عَلَيْكُمْ أَحَدًا فَأَتِمُّوا إِلَيْهِمْ عَهْدَهُمْ إِلَىٰ مُدَّتِهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ﴾

Maliban sa mga nakipagtipan kayo kabilang sa mga tagapagtambal at tumupad naman sila sa tipan sa inyo, at hindi sila nagkulang mula rito ng anuman, sila ay mga itinatangi sa naunang kahatulan. Lubusin ninyo sa kanila ang pagtupad sa tipan hanggang sa magtapos ang yugto nito. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nangingilag magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, kabilang sa mga ito ang pagtupad sa tipan, at sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kabilang sa mga ito ang pagtataksil.

﴿فَإِذَا انْسَلَخَ الْأَشْهُرُ الْحُرُمُ فَاقْتُلُوا الْمُشْرِكِينَ حَيْثُ وَجَدْتُمُوهُمْ وَخُذُوهُمْ وَاحْصُرُوهُمْ وَاقْعُدُوا لَهُمْ كُلَّ مَرْصَدٍ ۚ فَإِنْ تَابُوا وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ فَخَلُّوا سَبِيلَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Kaya kapag nagwakas ang mga buwang pinakababanal na natiwasay sa mga buwang ito ang mga kaaway ninyo, patayin ninyo ang mga tagapagtambal saanman ninyo sila nakatagpo, kubkubin ninyo sila sa mga muog nila, at mag-abang kayo sa kanila sa mga daan nila. Ngunit kung nagbalik-loob sila kay Allāh mula sa shirk, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila, naging mga kapatid ninyo sila sa Islām kaya itigil ninyo ang pakikipaglaban sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

﴿وَإِنْ أَحَدٌ مِنَ الْمُشْرِكِينَ اسْتَجَارَكَ فَأَجِرْهُ حَتَّىٰ يَسْمَعَ كَلَامَ اللَّهِ ثُمَّ أَبْلِغْهُ مَأْمَنَهُ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Kung may pumasok na isang kabilang sa mga tagapagtambal na ipinahihintulot labagin ang buhay at ang ari-arian ,at humiling ito ng pagkandili mo, O Sugo ni Allāh, ay tugunin mo ang hiling niya hanggang sa marinig niya ang Qur'ān. Pagkatapos ay paratingin mo siya sa isang pook na ligtas siya. Iyon ay dahil ang mga tumangging sumampalataya ay mga taong hindi nakaaalam ng mga katotohanan ng relihiyong ito. Kaya kapag nalaman nila ang mga ito mula sa pakikinig sa pagbigkas ng Qur'ān, baka mapatnubayan sila.

﴿كَيْفَ يَكُونُ لِلْمُشْرِكِينَ عَهْدٌ عِنْدَ اللَّهِ وَعِنْدَ رَسُولِهِ إِلَّا الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ عِنْدَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۖ فَمَا اسْتَقَامُوا لَكُمْ فَاسْتَقِيمُوا لَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ﴾

Hindi natutumpak na ang mga tagapagtambal ay may tipan kay Allāh at katiwasayan sa ganang kay Allāh at sa ganang Sugo Niya maliban sa tipan sa mga tagapagtambal na nakipagtipan kayo, O mga Muslim, sa tabi ng Masjid na Pinakababanal kaugnay sa Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah. Kaya hanggat nanatili sila sa tipan na nasa pagitan ninyo at nila at hindi sila sumira rito, manatili kayo rito at huwag kayong sumira rito. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nangingilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya na sumusunod sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas sa mga sinasaway Niya.

﴿كَيْفَ وَإِنْ يَظْهَرُوا عَلَيْكُمْ لَا يَرْقُبُوا فِيكُمْ إِلًّا وَلَا ذِمَّةً ۚ يُرْضُونَكُمْ بِأَفْوَاهِهِمْ وَتَأْبَىٰ قُلُوبُهُمْ وَأَكْثَرُهُمْ فَاسِقُونَ﴾

Papaanong nangyaring mayroon silang tipan at katiwasayan samantalang sila ay mga kaaway ninyo? Kung magtagumpay sila sa inyo ay hindi sila magsasaalang-alang sa inyo kay Allāh ni sa pagkakamag-anak ni sa tipan, bagkus magpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa! Pinalulugod nila kayo sa pamamagitan ng magandang pananalitang binibigkas ng mga dila nila subalit ang mga puso nila ay hindi sumasang-ayon kaya naman hindi sila tumutupad sa sinasabi nila. Ang higit na marami sa kanila ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa pagsira nila sa tipan.

﴿اشْتَرَوْا بِآيَاتِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا فَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِهِ ۚ إِنَّهُمْ سَاءَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Ipinanumbas nila at ipinampalit nila ang pagsunod sa mga tanda ni Allāh, na kabilang sa mga ito ang pagtupad sa mga tipan, sa isang halagang hamak kabilang sa mga panandaliang bagay ng Mundo na nagpapatamo ng mga nasa nila at mga pithaya nila kaya sumasagabal sila sa mga sarili nila sa pagsunod sa katotohanan, umayaw sila rito, at sumagabal sila sa iba sa kanila sa katotohanan. Tunay na kay sagwa ang gawain nila na ginagawa nila noon.

﴿لَا يَرْقُبُونَ فِي مُؤْمِنٍ إِلًّا وَلَا ذِمَّةً ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُعْتَدُونَ﴾

Hindi sila magsasaalang-alang kay Allāh ni sa pagkakamag-anak ni sa tipan kaugnay sa isang mananampalataya dahil sa taglay nilang pagkamuhi kaya naman sila ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil nagtataglay sila ng katangian ng kawalang-katarungan at pangangaway.

﴿فَإِنْ تَابُوا وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ ۗ وَنُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ﴾

Ngunit kung nagbalik-loob sila kay Allāh mula sa kawalang-pananampalataya nila, bumigkas sila ng Dalawang Pagsaksi, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila, sila ay naging mga Muslim at mga kapatid ninyo sa relihiyon. Ukol sa kanila ang ukol sa inyo at kailangan sa kanila ang kailangan sa inyo. Hindi ipinahihintulot sa inyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat ang pagyakap nila sa Islām ay nangangalaga sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila. Nililinaw ni Allāh ang mga tanda at ipinaliliwanag ang mga ito para sa mga taong umaalam kaya naman nakikinabang sila sa mga ito at nagpapakinabang sila sa pamamagitan ng mga ito sa iba pa sa kanila.

﴿وَإِنْ نَكَثُوا أَيْمَانَهُمْ مِنْ بَعْدِ عَهْدِهِمْ وَطَعَنُوا فِي دِينِكُمْ فَقَاتِلُوا أَئِمَّةَ الْكُفْرِ ۙ إِنَّهُمْ لَا أَيْمَانَ لَهُمْ لَعَلَّهُمْ يَنْتَهُونَ﴾

Ngunit kung sumira ang mga tagapagtambal na ito - na nakipagtipan kayo sa kanila na itigil ang pakikipaglaban sa isang takdang yugto - sa mga tipan nila at mga kasunduan sa kanila, namintas sa relihiyon ninyo, at humamak dito, makipaglaban kayo sa kanila sapagkat sila ay mga pasimuno ng kawalang-pananampalataya at mga pinuno nito. Walang mga tipan sa kanila ni mga kasunduang magliligtas sa mga buhay nila. Makipaglaban kayo sa kanila sa pag-asang titigil sila sa kawalang-pananampalataya nila, sa pagsira nila sa mga tipan, at sa paghamak nila sa Relihiyon.

﴿أَلَا تُقَاتِلُونَ قَوْمًا نَكَثُوا أَيْمَانَهُمْ وَهَمُّوا بِإِخْرَاجِ الرَّسُولِ وَهُمْ بَدَءُوكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۚ أَتَخْشَوْنَهُمْ ۚ فَاللَّهُ أَحَقُّ أَنْ تَخْشَوْهُ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

Hindi ba kayo makikipaglaban, O mga mananampalataya, sa mga taong sumira sa mga tipan nila at mga kasunduan sa kanila at nagpunyagi sa pagpupulong nila sa Bahay Sanggunian sa pagpapalayas sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - mula sa Makkah? Sila ay nagpasimula sa pakikipag-away sa unang pagkakataon nang tumulong sila sa Liping Bakr na mga kaalyado ng Liping Quraysh laban sa Liping Khuzā`ah na mga kaalyado ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pinangangambahan ba ninyo sila kaya hindi kayo naglalakas-loob sa pakikipaglaban sa kanila gayong si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay higit na karapat-dapat na pangambahan ninyo kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan?

﴿قَاتِلُوهُمْ يُعَذِّبْهُمُ اللَّهُ بِأَيْدِيكُمْ وَيُخْزِهِمْ وَيَنْصُرْكُمْ عَلَيْهِمْ وَيَشْفِ صُدُورَ قَوْمٍ مُؤْمِنِينَ﴾

Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga tagapagtambal sapagkat tunay na kung makikipaglaban kayo sa kanila ay pagdurusahin sila ni Allāh sa mga kamay ninyo. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpaslang ninyo sa kanila. Manghahamak Siya sa kanila sa pamamagitan ng pagkatalo at pagkabihag. Magpapawagi Siya sa inyo laban sa kanila sa pamamagitan ng pagtatalaga ng pananaig sa inyo. Magpapagaling Siya sa sakit ng mga dibdib ng mga taong mananampalatayang hindi nakasaksi sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng nangyari sa kaaway nila na pagkapaslang, pagkabihag, pagkatalo, at pagpapawagi sa mga mananampalataya laban sa mga iyon.

﴿وَيُذْهِبْ غَيْظَ قُلُوبِهِمْ ۗ وَيَتُوبُ اللَّهُ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Maglalayo Siya ng ngitngit sa mga puso ng mga lingkod Niyang mananampalataya dahil sa natamo nilang pagkawagi laban sa kanila. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga nagmamatigas na ito kung nagbalik-loob sila, gaya ng naganap sa ilan sa mga mamayan ng Makkah sa Araw ng Pagsakop. Si Allāh ay Maalam sa katapatan ng nagbabalik-loob kabilang sa kanila, Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.

﴿أَمْ حَسِبْتُمْ أَنْ تُتْرَكُوا وَلَمَّا يَعْلَمِ اللَّهُ الَّذِينَ جَاهَدُوا مِنْكُمْ وَلَمْ يَتَّخِذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَا رَسُولِهِ وَلَا الْمُؤْمِنِينَ وَلِيجَةً ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ﴾

O inaakala ba ninyo, O mga mananampalataya, na mag-iiwan sa inyo si Allāh nang walang pagsubok? Ang pagsubok ay isang kalakaran kabilang sa mga kalakaran Niya. Susubukin kayo hanggang sa maipaalam ni Allāh ayon sa kaalamang hayag sa mga lingkod Niyang nakikibaka kabilang sa inyo sa pamamagitan ng pag-uukol ng kawagasan kay Allāh. Sila ang mga hindi gumawa sa halip kay Allāh ni sa Sugo Niya ni sa mga mananampalataya ng mga alagad kabilang sa mga tumatangging sumampalataya, na tinatangkilik nila, at mga hinirang kabilang sa kanila, na iniibig nila. Si Allāh ay Tagabatid sa anumang ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya mula rito na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.

﴿مَا كَانَ لِلْمُشْرِكِينَ أَنْ يَعْمُرُوا مَسَاجِدَ اللَّهِ شَاهِدِينَ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ بِالْكُفْرِ ۚ أُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ وَفِي النَّارِ هُمْ خَالِدُونَ﴾

Hindi nararapat sa mga tagapagtambal na magtaguyod sa mga masjid ni Allāh sa pamamagitan ng pagsamba at mga uri ng pagtalima samantalang sila ay mga umaamin sa mga sarili nila ng kawalang-pananampalataya sa inihahayag nila. Ang mga iyon ay nawalan ng saysay ang mga gawa nila dahil sa pagkawala ng kundisyon sa pagtanggap sa mga ito, ang pananampalataya. Papasok sila sa Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman, maliban kung magbalik-loob sila mula sa shirk bago ng kamatayan nila.

﴿إِنَّمَا يَعْمُرُ مَسَاجِدَ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَأَقَامَ الصَّلَاةَ وَآتَى الزَّكَاةَ وَلَمْ يَخْشَ إِلَّا اللَّهَ ۖ فَعَسَىٰ أُولَٰئِكَ أَنْ يَكُونُوا مِنَ الْمُهْتَدِينَ﴾

Nagiging karapat-dapat lamang sa pagtataguyod sa mga masjid at gumaganap sa karapatan ng mga ito ang sumampalataya kay Allāh - tanging sa Kanya - hindi nagtambal sa Kanya ng isa man, sumampalataya sa Araw ng Pagbangon, nagpanatili sa pagsasagawa ng pagdarasal, nagbibigay ng zakāh ng yaman niya, at hindi nangamba sa isa man maliban kay Allāh - napakamaluwalhati Niya. Kaya naman ang mga ito ay maaasahang maging mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid. Tungkol naman sa mga tagapagtambal, sila ay ang pinakamalayo roon.

﴿۞ أَجَعَلْتُمْ سِقَايَةَ الْحَاجِّ وَعِمَارَةَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ كَمَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَجَاهَدَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ لَا يَسْتَوُونَ عِنْدَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ﴾

Ginawa ba ninyo, O mga tagapagtambal, ang mga tagapagsagawa ng pagpapainom sa tagapagsagawa ng ḥajj at ng pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal tulad ng sumampalataya kay Allāh at hindi nagtambal sa Kanya ng isa man at sumampalataya sa Araw ng Pagbangon at nakibaka sa pamamagitan ng sarili niya at yaman niya upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa? Ginawa ba ninyo silang kapantay sa kalamangan sa ganang kay Allāh? Hindi sila nagkakapantay magpakailanman sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong lumalabag sa katarungan dahil sa shirk kahit pa man sila ay gumagawa ng mga gawain ng kabutihan gaya ng pagpapainom sa tagapagsagawa ng ḥajj.

﴿الَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ أَعْظَمُ دَرَجَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ﴾

Ang mga nagsama sa pananampalataya kay Allāh, paglikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya patungo sa bayan ng Islām, at pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman at mga sarili ay higit na dakila sa antas sa ganang kay Allāh kaysa sa iba pa sa kanila. Ang mga nailalarawan sa mga katangiang iyon ay ang mga tagapagtamo ng Paraiso.

﴿يُبَشِّرُهُمْ رَبُّهُمْ بِرَحْمَةٍ مِنْهُ وَرِضْوَانٍ وَجَنَّاتٍ لَهُمْ فِيهَا نَعِيمٌ مُقِيمٌ﴾

Nagpapabatid sa kanila si Allāh, ang Panginoon nila, ng nagpapagalak sa kanila na awa Niya at pagpapadapo ng pagkalugod Niya sa kanila sapagkat hindi Siya naiinis sa kanila magpakailanman, at ng pagpasok sa mga harding may ukol sa kanila sa mga iyon na kaalwanang mananatiling hindi mapuputol magpakailanman,

﴿خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ أَجْرٌ عَظِيمٌ﴾

habang mga mamamalagi sa mga harding iyon sa isang pamamalaging walang wakas bilang isang gantimpala ukol sa kanila dahil sa mga gawa nilang mabuti na ginagawa nila noon sa Mundo. Tunay na si Allāh, sa ganang Kanya, ay may isang gantimpalang sukdulan para sa sinumang sumunod sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya bilang nag-uukol sa Kanya ng kawagasan sa Relihiyon.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا آبَاءَكُمْ وَإِخْوَانَكُمْ أَوْلِيَاءَ إِنِ اسْتَحَبُّوا الْكُفْرَ عَلَى الْإِيمَانِ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ مِنْكُمْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa inihatid ng Sugo Niya, huwag ninyong gawin ang mga magulang ninyo at ang mga kapatid ninyo sa kaangkanan at iba pa sa kanila kabilang sa mga kaanak ninyo bilang mga hinirang na tinatangkilik ninyo sa pamamagitan ng pagkakalat sa kanila ng mga lihim ng mga mananampalataya at pagsangguni sa kanila, kung itatangi nila ang kawalang-pananampalataya higit sa pananampalataya kay Allāh - tanging sa Kanya.
Ang sinumang gumagawa sa kanila bilang mga katangkilik sa kabila ng pananatili nila sa kawalang-pananampalataya at nagpapakita sa kanila ng pagmamahal ay sumuway nga kay Allāh at lumabag sa katarungan sa sarili dahil sa paghahatid nito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagsuway.

﴿قُلْ إِنْ كَانَ آبَاؤُكُمْ وَأَبْنَاؤُكُمْ وَإِخْوَانُكُمْ وَأَزْوَاجُكُمْ وَعَشِيرَتُكُمْ وَأَمْوَالٌ اقْتَرَفْتُمُوهَا وَتِجَارَةٌ تَخْشَوْنَ كَسَادَهَا وَمَسَاكِنُ تَرْضَوْنَهَا أَحَبَّ إِلَيْكُمْ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ وَجِهَادٍ فِي سَبِيلِهِ فَتَرَبَّصُوا حَتَّىٰ يَأْتِيَ اللَّهُ بِأَمْرِهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Kung ang mga magulang ninyo, O mga mananampalataya, ang mga anak ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang mga kamag-anak ninyo, ang mga yaman ninyong kinita ninyo, ang pangangalakal ninyong naiibigan ninyo ang pagkamabili nito at pinangangambahan ninyo ang katumalan nito, at ang bahay ninyong kinalulugdan ninyo ang paninirahan sa mga ito, kung ang lahat ng mga ito ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay Allāh at sa Sugo Niya, at kaysa sa pakikibaka ayon sa landas Niya ay maghintay kayo sa ibababa ni Allāh sa inyo na kaparusahan at parusang nagsisilbing aral." Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya para gawin ang kinalulugdan Niya.

﴿لَقَدْ نَصَرَكُمُ اللَّهُ فِي مَوَاطِنَ كَثِيرَةٍ ۙ وَيَوْمَ حُنَيْنٍ ۙ إِذْ أَعْجَبَتْكُمْ كَثْرَتُكُمْ فَلَمْ تُغْنِ عَنْكُمْ شَيْئًا وَضَاقَتْ عَلَيْكُمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ ثُمَّ وَلَّيْتُمْ مُدْبِرِينَ﴾

Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, laban sa kaaway ninyo kabilang sa mga tagapagtambal sa maraming labanan sa kabila ng kakauntian ng bilang ninyo at kahinaan ng kasangkapan ninyo noong nanalig kayo kay Allāh, nagsagawa kayo ng mga kaparaanan, at hindi nagpahanga sa inyo ang dami ninyo sapagkat hindi ang dami ang dahilan ng pagwawagi ninyo laban sa kanila.
Sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn naman noong nagpahanga sa inyo ang dami ninyo kaya nagsabi kayo: "Hindi tayo madadaig ngayong araw dahil sa kakauntian," ngunit hindi nagpakinabang sa inyo ng anuman ang dami ninyong nagpahanga sa inyo sapagkat nanaig laban sa inyo ang kaaway ninyo at sumikip sa inyo ang lupa sa kabila ng luwang nito. Pagkatapos ay tumalikod kayo sa mga kaaway ninyo habang mga tumatakas na mga talunan.

﴿ثُمَّ أَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَعَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَأَنْزَلَ جُنُودًا لَمْ تَرَوْهَا وَعَذَّبَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْكَافِرِينَ﴾

Pagkatapos ng pagtakas ninyo sa mga kalaban ninyo ay nagbaba si Allāh ng kapanatagan Niya sa Sugo Niya at nagbaba nito sa mga mananampalataya kaya naging matatag sila sa pakikipaglaban at nagbaba Siya ng mga anghel na hindi ninyo sila nakikita.
Pinagdusa Niya ang mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng nakamit nilang pagpatay at pagkabihag at pagkuha ng mga yaman at pagbihag sa mga bata, ang ganting iyon na iginanti sa kanila ay ganti para sa mga tumangging sumampalatayang nagpasinungaling sa sugo nila at umaayaw sa naihatid niya

﴿ثُمَّ يَتُوبُ اللَّهُ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Pagkatapos, tunay na ang sinumang nagbalik-loob mula sa kawalang-pananampalataya niya at kaligawan niya matapos ng pagpaparusang iyon, tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanya at tatanggap ng pagbabalik-loob niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang tumatanggap Siya mula sa kanila ng pagbabalik-loob matapos ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّمَا الْمُشْرِكُونَ نَجَسٌ فَلَا يَقْرَبُوا الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ بَعْدَ عَامِهِمْ هَٰذَا ۚ وَإِنْ خِفْتُمْ عَيْلَةً فَسَوْفَ يُغْنِيكُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ إِنْ شَاءَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at sumunod sa isinabatas Niya sa kanila, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang dahil sa taglay nilang kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, mga kaasalang napupulaan, at mga kaugaliang masagwa kaya huwag silang pumasok sa Looban ng Makkah - at bahagi ng sakop nito ang Masjid na Pinakababanal - kahit pa man sila ay mga magsasagawa ng ḥajj o mga magsasagawa ng `umrah matapos ng taon nilang ito na ika-9 ng Taong Hijrah. Kung nangamba kayo, O mga mananampalataya, ng karalitaan dahilan sa idinudulot nila noon sa inyo na mga pagkain at mga kalakalang sari-sari, tunay na si Allāh ay sasapat sa inyo mula sa kabutihang-loob Niya kung niloob Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa kalagayan ninyo na dinaranas ninyo, Marunong sa pangangasiwa Niya sa inyo.

﴿قَاتِلُوا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَلَا بِالْيَوْمِ الْآخِرِ وَلَا يُحَرِّمُونَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَلَا يَدِينُونَ دِينَ الْحَقِّ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حَتَّىٰ يُعْطُوا الْجِزْيَةَ عَنْ يَدٍ وَهُمْ صَاغِرُونَ﴾

Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga tagatangging sumampalataya na mga hindi sumasampalataya kay Allāh bilang Diyos na walang katambal sa Kanya, ni sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon, ni umiiwas sa ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya sa kanila gaya ng pagkain ng hayop na namatay nang hindi kinatay at ng baboy, ng alak, at ng patubo, at hindi nagpapasailalim sa isinabatas ni Allāh, kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, hanggang sa magbigay sila ng jizyah sa pamamagitan ng mga kamay nila bilang mga hamak na mga nagapi.

﴿وَقَالَتِ الْيَهُودُ عُزَيْرٌ ابْنُ اللَّهِ وَقَالَتِ النَّصَارَى الْمَسِيحُ ابْنُ اللَّهِ ۖ ذَٰلِكَ قَوْلُهُمْ بِأَفْوَاهِهِمْ ۖ يُضَاهِئُونَ قَوْلَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَبْلُ ۚ قَاتَلَهُمُ اللَّهُ ۚ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ﴾

Ang mga Hudyo at gayon din ang mga Kristiyano ay mga tagapagtambal. Ang mga Hudyo ay nagtambal kay Allāh noong inangkin nilang si Ezra ay anak ni Allāh at ang mga Kristiyano ay nagtambal sa Kanya noong inangkin nilang ang Kristo ay anak ni Allāh. Ang sabing iyon na ginawa-gawa nila ay sinabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila nang walang paglalahad ng patotoo roon. Sila ay nakawawangis sa pagsasabing ito sa sabi ng mga tagapagtambal kabilang sa nauna sa kanila na nagsabi: "Tunay na ang mga anghel ay mga babaing anak ni Allāh." Pagkataas-taas ni Allāh kaysa roon ayon sa malaking kataasan! Lipulin nawa sila ni Allāh! Paano silang nababaling palayo sa katotohanang malinaw patungo sa kabulaanan?

﴿اتَّخَذُوا أَحْبَارَهُمْ وَرُهْبَانَهُمْ أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَالْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا إِلَٰهًا وَاحِدًا ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ سُبْحَانَهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾

Ginawa ng mga Hudyo ang mga maalam nila at ginawa ng mga Kristiyano ang mga relihiyoso nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh, na nagpapahintulot sa kanila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila at nagbabawal sa kanila ng ipinahintulot ni Allāh sa kanila.
Ginawa ng mga Kristiyano ang Kristo Hesus na anak ni Maria bilang isang diyos kasama kay Allāh samantalang walang ipinag-utos si Allāh sa mga maalam ng mga Hudyo at mga relihiyoso ng mga Kristiyano at wala Siyang ipinag-utos kay Ezra at kay Hesus na Anak ni Maria kundi sumamba sila sa Kanya - tanging sa Kanya - at huwag magtambal sa Kanya ng anuman sapagkat Siya - napakamaluwalhati Niya - ay nag-iisang Diyos – walang sasambahing iba pa sa Kanya. Nagpawalang-kaugnayan Siya - napakamaluwalhati Niya - at kabanal-banalan Siya na magkaroon Siya ng katambal gaya ng sinasabi ng mga tagapagtambal na ito at iba pa sa kanila!

﴿يُرِيدُونَ أَنْ يُطْفِئُوا نُورَ اللَّهِ بِأَفْوَاهِهِمْ وَيَأْبَى اللَّهُ إِلَّا أَنْ يُتِمَّ نُورَهُ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ﴾

Ang mga tagatangging sumampalataya na ito at iba pa sa kanila kabilang sa nasa isa sa mga kapaniwalaan ng kawalang-pananampalataya ay nagnanais sa mga paninirang-puri nilang ito at pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na magbigay-wakas sa Islām, magpabula rito, at magpabula sa nasaad dito na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at sa katotohanan ng inihatid ng Sugo Niya.
Igigiit ni Allāh na mabuo ang relihiyon Niya, maipangibabaw ito, at maitaas ito sa iba pa rito, kahit pa nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya sa pagbuo sa relihiyon Niya, pagpapangibabaw rito, pagtataas dito sapagkat tunay na si Allāh ay maglulubos dito, magpapangibabaw rito, at magtataas dito. Kapag nagnais si Allāh ng isang bagay, nawawalang-saysay ang pagnanais ng iba pa sa Kanya.

﴿هُوَ الَّذِي أَرْسَلَ رَسُولَهُ بِالْهُدَىٰ وَدِينِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهُ عَلَى الدِّينِ كُلِّهِ وَلَوْ كَرِهَ الْمُشْرِكُونَ﴾

Si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay ang nagsugo sa Sugo Niyang si Muḥammad - pagpalain Niya ito at pangalagaan - dala ang Qur'ān na isang patnubay para sa mga tao at dala ang relihiyon ng katotohanan, ang relihiyong Islām, upang itaas Niya ito dahil sa taglay nito na mga patunay, mga patotoo, at mga patakaran higit sa iba ritong mga relihiyon, kahit pa man nasuklam ang mga tagpagtambal doon.

﴿۞ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ كَثِيرًا مِنَ الْأَحْبَارِ وَالرُّهْبَانِ لَيَأْكُلُونَ أَمْوَالَ النَّاسِ بِالْبَاطِلِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۗ وَالَّذِينَ يَكْنِزُونَ الذَّهَبَ وَالْفِضَّةَ وَلَا يُنْفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَبَشِّرْهُمْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ﴾

O mga sumampalataya at gumawa ayon sa isinabatas ni Allāh sa kanila, tunay na marami sa mga pantas ng mga Hudyo at marami sa mga relihiyoso ng mga Kristiyano ay talagang kumukuha ng mga yaman ng mga tao nang walang karapatang isinabatas sapagkat kumukuha sila ng mga ito sa pamamagitan ng panunuhol at iba pa, habang sila ay pumipigil sa mga tao sa pagpasok sa relihiyon ni Allāh. Ang mga nagtitipon ng ginto at pilak at hindi nagbibigay ng isinasatungkulin sa kanila na zakāh sa mga ito ay magpabatid ka sa kanila, O Sugo, ng ikasasama ng loob nila sa Araw ng Pagbangon na isang pagdurusang nakasasakit.

﴿يَوْمَ يُحْمَىٰ عَلَيْهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكْوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمْ وَجُنُوبُهُمْ وَظُهُورُهُمْ ۖ هَٰذَا مَا كَنَزْتُمْ لِأَنْفُسِكُمْ فَذُوقُوا مَا كُنْتُمْ تَكْنِزُونَ﴾

Sa Araw ng Pagbangon ay magpapaningas sa anumang tinipon nila at ipinagkait nilang karapatan, sa Apoy ng Impiyerno. Kapag tumindi ang init ng mga ito ay ilalagay ang mga ito sa mga noo nila, sa mga tagiliran nila, at sa mga likod nila.
Sasabihin sa kanila bilang paninisi: "Ang mga ito ay ang mga yaman ninyo na tinipon ninyo at hindi ninyo ginampanan ang mga tungkuling kinakailangan sa mga ito, kaya lasapin ninyo ang masamang kinahantungan ng mga iniipon ninyo noon habang hindi ninyo ginagampanan ang mga tungkulin sa mga ito, at ang kahihinatnan niyon."

﴿إِنَّ عِدَّةَ الشُّهُورِ عِنْدَ اللَّهِ اثْنَا عَشَرَ شَهْرًا فِي كِتَابِ اللَّهِ يَوْمَ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ مِنْهَا أَرْبَعَةٌ حُرُمٌ ۚ ذَٰلِكَ الدِّينُ الْقَيِّمُ ۚ فَلَا تَظْلِمُوا فِيهِنَّ أَنْفُسَكُمْ ۚ وَقَاتِلُوا الْمُشْرِكِينَ كَافَّةً كَمَا يُقَاتِلُونَكُمْ كَافَّةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ﴾

Tunay na ang bilang ng mga buwan ng taon sa kahatulan ni Allāh at pasya Niya ay labindalawang buwan ayon sa pinagtibay ni Allāh sa Tablerong Pinangalagaan nang unang nilikha ang mga langit at lupa. Kabilang sa labindalawang buwang ito ay apat na buwang ipinagbawal ni Allāh sa mga ito ang pakikipaglaban. Ang mga ito ay tatlong magkakasunod (Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Muḥarram) at isang namumukod-tangi (Rajab).
Yaong nabanggit na bilang ng mga buwan ng taon at pagbabawal sa apat sa mga ito ay ang relihiyong tuwid, kaya huwag kayong lumabag sa mga buwang pinakababanal na ito sa katarungan sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagpapaganap ng labanan sa mga ito at paglapastangan sa kabanalan ng mga ito. Makipaglaban kayo sa mga tagapagtambal nang sama-sama kung paanong sila ay nakipaglaban sa inyo nang sama-sama. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa ipinagbawal Niya sa pamamagitan ng pagpapawagi at pagpapatatag. Ang sinumang si Allāh ay kasama niya ay hindi magagapi ng isa man.

﴿إِنَّمَا النَّسِيءُ زِيَادَةٌ فِي الْكُفْرِ ۖ يُضَلُّ بِهِ الَّذِينَ كَفَرُوا يُحِلُّونَهُ عَامًا وَيُحَرِّمُونَهُ عَامًا لِيُوَاطِئُوا عِدَّةَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ فَيُحِلُّوا مَا حَرَّمَ اللَّهُ ۚ زُيِّنَ لَهُمْ سُوءُ أَعْمَالِهِمْ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ﴾

Ang pagpapaliban sa kabanalan ng buwang binanal sa buwang hindi binanal at ang paglalagay nito sa kinalalagyan niyon - gaya ng ginagawa noon ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan - ay isang pagdaragdag ng kawalang-pananampalataya sa dating kawalang-pananampalataya nila kay Allāh yayamang tumanggi silang sumampalataya sa kahatulan Niya sa mga buwang pinakababanal. Inililigaw ng demonyo sa pamamagitan ng mga ito ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh nang pinauso niya sa kanila ang masagwang kalakarang ito. Nagpapahintulot sila [ng labanan] sa isang taon sa isang buwang pinakababanal sa pamamagitan ng pagpapalit nito ng isang buwang kabilang sa mga buwang karaniwan. Pinanatili nila ito sa pagpapabanal nito sa isang taon upang umalinsunod sa bilang ng mga buwang binanal ni Allāh. Kung sumalungat sila sa mga ito ay hindi sila nagpapahintulot ng [labanan sa] isang buwan malibang nagbabawal sila ng [labanan sa] kapalit nito sa isa pang buwan. Kaya naman ipinahintulot nila sa pamamagitan niyon ang ipinagbawal ni Allāh kabilang sa mga buwang pinakababanal at sumasalungat sila sa kahatulan Niya. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawaing masagwa kaya naman ginawa nila ang mga ito, na kabilang sa mga mga ito ang pinauso nilang pag-aantala [sa buwang pinakababanal]. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga tumatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا مَا لَكُمْ إِذَا قِيلَ لَكُمُ انْفِرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ اثَّاقَلْتُمْ إِلَى الْأَرْضِ ۚ أَرَضِيتُمْ بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا مِنَ الْآخِرَةِ ۚ فَمَا مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا فِي الْآخِرَةِ إِلَّا قَلِيلٌ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at gumawa ayon sa isinabatas Niya sa kanila, ano ang nangyayari sa inyo na kapag inanyayahan kayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh para makipaglaban sa kaaway ninyo ay nagbagal-bagalan kayo at nahilig kayo sa pananatili sa mga tirahan ninyo? Nalugod ba kayo sa kasiyahan ng buhay na makamundong naglalaho at mga sarap nitong napuputol bilang panumbas sa nanatiling lugod sa Kabilang-buhay na inihanda ni Allāh para sa mga nakikibaka ayon sa landas Niya? Ngunit ano ang kasiyahan ng buhay na makamundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi hamak? Kaya papaanong ukol sa isang nag-iisip na pumili ng isang naglalaho kaysa sa isang namamalagi at isang hamak kaysa isang dakila?

﴿إِلَّا تَنْفِرُوا يُعَذِّبْكُمْ عَذَابًا أَلِيمًا وَيَسْتَبْدِلْ قَوْمًا غَيْرَكُمْ وَلَا تَضُرُّوهُ شَيْئًا ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Kung hindi kayo hahayo -O mga mananampalataya- sa pakikibaka sa landas ni Allāh, upang makipaglaban sa mga kaaway ninyo, ay pagdrusahin kayo ni Allāh sa pamamagitan ng pagsakop at paghihiya [sa inyo ng mga tumangging sumampalataya] at iba pa nito, papalitan Niya [kayo] ng mga taong sumasampalataya kay Allāh kapag [ipinag-utos sa kanilang] humayo kayo sa pakikibaka ay humahayo sila, at hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman dahil sa pagsuway ninyo sa utos Niya. Siya ay walang pangangailangan sa inyo, samantalang kayo ay mga maralita para sa Kanya. Si Allāh sa bawat bagay ay nakakakaya, walang nakakapanaig sa kanya na anuman, Siya ay may kakayahan sa pagpapawagi sa relihiyon Niya, at Propeta Niya na wala kayo.

﴿إِلَّا تَنْصُرُوهُ فَقَدْ نَصَرَهُ اللَّهُ إِذْ أَخْرَجَهُ الَّذِينَ كَفَرُوا ثَانِيَ اثْنَيْنِ إِذْ هُمَا فِي الْغَارِ إِذْ يَقُولُ لِصَاحِبِهِ لَا تَحْزَنْ إِنَّ اللَّهَ مَعَنَا ۖ فَأَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَيْهِ وَأَيَّدَهُ بِجُنُودٍ لَمْ تَرَوْهَا وَجَعَلَ كَلِمَةَ الَّذِينَ كَفَرُوا السُّفْلَىٰ ۗ وَكَلِمَةُ اللَّهِ هِيَ الْعُلْيَا ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Kung hindi kayo, O mga mananampalataya, mag-aadya sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at tutugon sa paanyaya niya sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh, nag-adya na sa kanya si Allāh nang hindi kayo kasama sa kanya, noong nagpalayas ang mga tagapagtambal sa kanya at kay Abū Bakr-malugod si Allāh sa kanya- Walang ikatlong [kasama] sila noong sila ay nasa Yungib ng Thawr habang mga nagkukubli sa mga tumatangging sumampalataya na naghahanap sa kanila nang nagsasabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa kasamahan niyang si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq nang nangamba ito na maaabutan ito ng mga tagapagtambal: "Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama natin sa pamamagitan ng pag-alalay Niya at pag-aadya Niya." Kaya nagpababa si Allāh ng kapanatagan sa puso ng Sugo Niya at nagpababa sa kanya ng mga kawal na hindi ninyo nakita. Sila ay ang mga anghel na umaalalay sa kanya. Ginawa Niya ang salita ng mga tagapagtambal bilang ang pinakamababa. Ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas nang itinaas Niya ang Islām. Si Allāh ay Makapangyarihan sa sarili Niya, sa paggapi Niya, at paghahari Niya: walang dumadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa pangangasiwa Niya, pagtatakda Niya, at sa batas Niya.

﴿انْفِرُوا خِفَافًا وَثِقَالًا وَجَاهِدُوا بِأَمْوَالِكُمْ وَأَنْفُسِكُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ﴾

Maglakbay kayo, O mga mananampalataya, para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa hirap at ginhawa, maging mga kabataan man o mga katandaan.
Makibaka kayo sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo sapagkat tunay na yaong paghayo at pakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman at mga sarili ay higit na kapaki-pakinabang sa buhay sa Mundo at Kabilang-buhay kaysa sa pananatili sa bahay at pagkahumaling sa kaligtasan ng mga yaman at mga sarili. Kung kayo ay nakaaalam niyon, magsigasig kayo roon.

﴿لَوْ كَانَ عَرَضًا قَرِيبًا وَسَفَرًا قَاصِدًا لَاتَّبَعُوكَ وَلَٰكِنْ بَعُدَتْ عَلَيْهِمُ الشُّقَّةُ ۚ وَسَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَوِ اسْتَطَعْنَا لَخَرَجْنَا مَعَكُمْ يُهْلِكُونَ أَنْفُسَهُمْ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ﴾

Kung nangyaring ang inaanyaya ninyo rito sa mga nagpaalam sa inyo kabilang sa mga mapagkunwari sa pagpapaiwan-ay madaliang [pagkuha] ng samsam at paglalakbay na walang paghihirap dito ay talaga sanang sumama sila sa iyo -O Propeta- subalit malayo para sa kanila ang distansiya ng inaanyaya mo upang lakbayin ito tungo sa mga kaaway, kaya nagpaiwan sila, at manunumpa silang nagpaalam kabilang sa mga mapagkunwari sa pagpapaiwan kapag bumalik kayo sa kanila, na nagsasabing: "Kung sakaling nakaya namin ang lumisan sa pakikibaka kasama ninyo ay talaga sanang lumisan kami kasama ninyo," habang nagpapahamak sila sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahayag nito sa parusa ni Allāh dahilan ng pagpapaiwan nila at dahilan ng panunumpang kasinungalingan. Si Allāh ay nakaaalam na tunay na sila ay talagang mga nagsisinungaling sa inaangkin nila at sa panunumpa nilang ito.

﴿عَفَا اللَّهُ عَنْكَ لِمَ أَذِنْتَ لَهُمْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكَ الَّذِينَ صَدَقُوا وَتَعْلَمَ الْكَاذِبِينَ﴾

Magpaumanhin si Allāh sa iyo -O Sugo- sa pagpasya mo ukol sa pagpapahintulot mo sa pagpapaiwan,. Bakit ka pumayag sa kanila rito [na manatili]? [Sana ay] hanggang sa luminaw sa iyo ang mga nagtotoo sa mga dahilang ipinauna nila at ang mga nagsisinungaling rito, at mapahintulutan mo ang mga nagpatotoo at hindi ang mga nagsinungaling.

﴿لَا يَسْتَأْذِنُكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ أَنْ يُجَاهِدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالْمُتَّقِينَ﴾

Hindi bahagi ng nauukol sa mga mananampalataya kay Allāh at sa Araw ng Pagbangon ayon sa isang pananampalatayang tapat na humiling sila sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa pagpapaiwan sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila, bagkus ang nauukol sa kanila ay tumugon sila kapag nanawagan ka sa kanila ng pagsasandata at makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga nangingilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niyang hindi nagpapaalam sa iyo malibang may tanggap na dahilang pumipigil sa kanila sa paghayo kasama mo.

﴿إِنَّمَا يَسْتَأْذِنُكَ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَارْتَابَتْ قُلُوبُهُمْ فَهُمْ فِي رَيْبِهِمْ يَتَرَدَّدُونَ﴾

Tunay na ang mga humihingi sa iyo, O Sugo, ng pahintulot na magpaiwan sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh ay ang mga mapagkunwari na hindi sumasampalataya kay Allāh at hindi sumasampalataya sa Huling Araw. Dumapo sa mga puso nila ang pagdududa sa relihiyon ni Allāh kaya naman sila, sa pagdududa nila, ay nag-aalinlangan habang mga litong hindi napapatnubayan sa katotohanan.

﴿۞ وَلَوْ أَرَادُوا الْخُرُوجَ لَأَعَدُّوا لَهُ عُدَّةً وَلَٰكِنْ كَرِهَ اللَّهُ انْبِعَاثَهُمْ فَثَبَّطَهُمْ وَقِيلَ اقْعُدُوا مَعَ الْقَاعِدِينَ﴾

Kung sakaling sila ay mga tapat sa pag-aangking sila ay nagnanais ng paglisan kasama mo ayon sa landas ni Allāh ay talaga sanang naghanda sila para roon sa pamamagitan ng isang paghahanda ng kasangkapan, subalit kinamuhian ni Allāh ang paglisan nila kasama mo kaya pinabigat Niya sa kanila ang paglisan hanggang sa minabuti nila ang pananatili sa mga tahanan nila.

﴿لَوْ خَرَجُوا فِيكُمْ مَا زَادُوكُمْ إِلَّا خَبَالًا وَلَأَوْضَعُوا خِلَالَكُمْ يَبْغُونَكُمُ الْفِتْنَةَ وَفِيكُمْ سَمَّاعُونَ لَهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ﴾

Higit na mabuting hindi lumisan ang mga mapagpaimbabaw na ito kasama ninyo sapagkat sila, kung humayo sila kasama ninyo, ay walang maidadagdag sa inyo kundi gulo dahil sa isinasagawa nilang pagpapakanulo at paghahasik ng kalituhan at talaga sanang nagmadali sila sa pagpapalaganap ng mga bulung-bulungan [tsismis] sa mga hanay ninyo para paghati-hatiin kayo. Sa gitna ninyo, O mga mananampalataya, ay may nakikinig sa inilalako nilang kasinungalingan, na tinatanggap at ipinalalaganap ito, kaya naman lilitaw ang alitan sa pagitan ninyo. Si Allāh ay Maalam sa mga lumalabag sa katarungan kabilang sa mga mapagpaimbabaw na naghahasik ng mga intriga at mga pagdududa sa pagitan ng mga mananampalataya.

﴿لَقَدِ ابْتَغَوُا الْفِتْنَةَ مِنْ قَبْلُ وَقَلَّبُوا لَكَ الْأُمُورَ حَتَّىٰ جَاءَ الْحَقُّ وَظَهَرَ أَمْرُ اللَّهِ وَهُمْ كَارِهُونَ﴾

Talaga ngang nagsigasig ang mga mapagpaimbabaw na ito sa panggugulo sa pamamagitan ng paghahati sa paninindigan ng mga mananampalataya at pagwatak-watak sa bukluran nila bago ang paglusob sa Tabūk. Sinari-sari nila at iniba-iba sa iyo, O Sugo, ang mga gawain sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga pakana, nang sa gayon ang mga pakana nila ay makaapekto sa determinasyon mo sa pakikibaka, hanggang sa dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pag-alalay sa iyo. Pinarangalan ni Allāh ang relihiyon Niya at ginapi Niya ang mga kaaway Niya samantalang sila ay mga nasusuklam doon dahil sila ay naghahangad noon ng pagwawagi ng kabulaanan laban sa katotohanan.

﴿وَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ ائْذَنْ لِي وَلَا تَفْتِنِّي ۚ أَلَا فِي الْفِتْنَةِ سَقَطُوا ۗ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةٌ بِالْكَافِرِينَ﴾

Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nagdadahilan ng mga pagdadahilang magkakaiba at nagsasabi: "O Sugo ni Allāh, magpahintulot ka sa akin na magpaiwan sa pakikibaka at huwag mo akong hikayatin sa paglisan kasama mo upang hindi ako dapuan ng pagkakasala dahilan sa tukso ng mga kababaihan ng kaaway, ang mga Bizanteo, kapag nasaksihan ko sila." Kaingat, nasadlak sila sa isang pagsubok na higit na mabigat kaysa sa inakala nila, ang pagsubok ng pagpapaimbabaw at ang pagsubok ng pagpapaiwan. Tunay na ang Impiyerno, sa Araw ng Pagbangon, ay talagang papalibot sa mga tumatangging sumampalataya. Walang makaaalpas doon sa kanila ni isa man at wala silang matatagpuang matatakasan buhat doon.

﴿إِنْ تُصِبْكَ حَسَنَةٌ تَسُؤْهُمْ ۖ وَإِنْ تُصِبْكَ مُصِيبَةٌ يَقُولُوا قَدْ أَخَذْنَا أَمْرَنَا مِنْ قَبْلُ وَيَتَوَلَّوْا وَهُمْ فَرِحُونَ﴾

Kung dinatnan ka, O Sugo ni Allāh, ng isang biyaya mula kay Allāh na ikinagagalak mo gaya ng isang pagwawagi o isang samsam sa digmaan ay kinasusuklaman nila iyon at nalulungkot sila dahil doon.
Kung dinatnan ka ng isang kasawiang gaya ng isang kalamidad o isang pagkawagi ng kaaway ay nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw na ito: "Nag-ingat nga kami para sa mga sarili namin at nagsagawa ng pagtitika nang hindi kami lumisan para makipaglaban gaya ng paglisan ng mga mananampalataya kaya naman dinapuan sila ng dumapo sa kanila ng pagkapatay at pagkabihag." Pagkatapos ay bumalik ang mga mapagpaimbabaw na ito sa mga mag-anak nila habang mga nagagalak sa pagkakaligtas.

﴿قُلْ لَنْ يُصِيبَنَا إِلَّا مَا كَتَبَ اللَّهُ لَنَا هُوَ مَوْلَانَا ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na ito: "Walang dadatal sa amin maliban ng itinakda ni Allāh ukol sa amin.
Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang Pinapanginoon namin at ang kanlungan Namin, sa Kanya kami kumakanlong habang kami ay mga nananalig sa kanya sa mga kapakanan namin at sa Kanya - tanging sa Kanya - ipinagkakatiwala ng mga mananampalataya ang mga kapakanan nila sapagkat Siya ay nakasasapat sa kanila. Kay inam ang Pinagkakatiwalaan!

﴿قُلْ هَلْ تَرَبَّصُونَ بِنَا إِلَّا إِحْدَى الْحُسْنَيَيْنِ ۖ وَنَحْنُ نَتَرَبَّصُ بِكُمْ أَنْ يُصِيبَكُمُ اللَّهُ بِعَذَابٍ مِنْ عِنْدِهِ أَوْ بِأَيْدِينَا ۖ فَتَرَبَّصُوا إِنَّا مَعَكُمْ مُتَرَبِّصُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Naghihintay ba kayong maganap sa amin ang pagwawagi o ang pagkamartir? Kami ay naghihintay na magbaba sa inyo si Allāh ng isang pagdurusa mula sa ganang Kanya na magpapahamak sa inyo o magpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng mga kamay namin sa pamamagitan ng pagkapatay sa inyo at pagkabihag sa inyo kapag nagpahintulot sa amin ng pakikipaglaban sa inyo. Kaya maghintay kayo sa kahihinatnan namin; tunay na kami ay mga naghihintay sa kahihinatnan ninyo."

﴿قُلْ أَنْفِقُوا طَوْعًا أَوْ كَرْهًا لَنْ يُتَقَبَّلَ مِنْكُمْ ۖ إِنَّكُمْ كُنْتُمْ قَوْمًا فَاسِقِينَ﴾

Sabihin mo, O sugo, sa kanila: gumugol kayo ng anuman na gugulin ninyo mula sa mga kayamanan ninyo bilang pagtalima o sapilitan, ay hinding hindi na tatanggapin mula sa inyo ang anumang ginugol ninyo mula rito dahilan sa pagtanggi ninyo at paglabas ninyo mula sa pagsunod kay Allah.

﴿وَمَا مَنَعَهُمْ أَنْ تُقْبَلَ مِنْهُمْ نَفَقَاتُهُمْ إِلَّا أَنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَبِرَسُولِهِ وَلَا يَأْتُونَ الصَّلَاةَ إِلَّا وَهُمْ كُسَالَىٰ وَلَا يُنْفِقُونَ إِلَّا وَهُمْ كَارِهُونَ﴾

Walang humadlang sa kanila na pagtanggap sa mga gugol nila kundi ang tatlong bagay: ang kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya, ang katamaran nila at ang pagbibigat-bigatan ng katawan nila kapag nagdarasal sila, at ang hindi nila paggugol ng mga yaman nila nang kusang-loob at ang paggugol nila ng mga ito nang napipilitan dahil sila ay hindi naghahangad ng gantimpala sa pagdarasal nila ni sa paggugol nila.

﴿فَلَا تُعْجِبْكَ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُمْ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمْ بِهَا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَتَزْهَقَ أَنْفُسُهُمْ وَهُمْ كَافِرُونَ﴾

Kaya huwag magpahanga sa iyo, O Sugo, ang mga yaman ng mga mapagpaimbabaw ni ang mga anak nila at huwag mong magandahin ang mga ito. Ang kahihinatnan ng mga yaman nila at mga anak nila ay masagwa. Si Allāh ay gagawa sa mga ito bilang pagdurusa laban sa kanila sa pamamagitan ng pagpapagal at pagpapagod sa pagtamo sa mga ito. Dahil sa bumababa na mga kasawian dahil sa mga ito hanggang sa palabasin ni Allāh ang mga kaluluwa nila sa sandali ng kawalang-pananampalataya nila, pagdurusahin Niya sila sa pamamagitan ng pananatili sa pinakamababang palapag ng Apoy.

﴿وَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ إِنَّهُمْ لَمِنْكُمْ وَمَا هُمْ مِنْكُمْ وَلَٰكِنَّهُمْ قَوْمٌ يَفْرَقُونَ﴾

Nanunumpa ang mga mapagpaimbabaw sa inyo, O mga mananampalataya, habang mga nagsisinungaling na tunay na sila raw ay kabilang sa hanay ninyo.
Sila ay hindi kabilang sa inyo sa mga kaibuturan nila kahit pa man pinalalabas nila na sila ay kabilang sa inyo, bagkus sila ay mga taong nangangamba na dumapo sa kanila ang dumapo sa mga tagapagtambal na pagkapatay at pagkabihag kaya nagpapakita sila ng pag-anib sa Islām bilang pagkukubli ng tunay na saloobin.

﴿لَوْ يَجِدُونَ مَلْجَأً أَوْ مَغَارَاتٍ أَوْ مُدَّخَلًا لَوَلَّوْا إِلَيْهِ وَهُمْ يَجْمَحُونَ﴾

Kung sakaling nakatatagpo ang mga mapagpaimbabaw na ito ng isang kanlungan na isang kutang mapangangalagaan nila roon ang mga sarili nila o nakatatagpo sila ng mga yungib sa mga bundok na makapagtatago sila sa mga iyon o nakatatagpo sila ng isang lagusan na makapapasok sila roon, talaga sanang kakanlong sila roon at papasok doon habang sila ay mga nagmamadali.

﴿وَمِنْهُمْ مَنْ يَلْمِزُكَ فِي الصَّدَقَاتِ فَإِنْ أُعْطُوا مِنْهَا رَضُوا وَإِنْ لَمْ يُعْطَوْا مِنْهَا إِذَا هُمْ يَسْخَطُونَ﴾

Kabilang sa mga mapagpaimbabaw ang namimintas sa iyo, O Sugo, sa paghahati ng mga kawanggawa kapag hindi sila nagtatamo mula sa mga ito ng ninanais nila. Kung nagbigay ka sa kanila mula sa mga ito ng hinihiling nila ay nalulugod sila sa iyo. Kung hindi ka nagbigay sa kanila ng hinihiling nila mula sa mga ito ay nagpapakita sila ng pagmamaktol.

﴿وَلَوْ أَنَّهُمْ رَضُوا مَا آتَاهُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَقَالُوا حَسْبُنَا اللَّهُ سَيُؤْتِينَا اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ وَرَسُولُهُ إِنَّا إِلَى اللَّهِ رَاغِبُونَ﴾

Kung sakaling itong mga mapagpaimbabaw na namimintas sa iyo sa paghahati ng mga kawanggawa ay nalugod sa isinatungkulin ni Allāh para sa kanila at sa ibinigay sa kanila ng Sugo Niya at nagsabi: "Nakasasapat sa amin si Allāh; magbibigay sa amin si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ng niloob Niya at magbibigay sa amin ang Sugo Niya mula sa ibinigay Niya roon. Tunay na kami kay Allāh - tanging sa Kanya - ay mga nagmimithi na magbigay Siya sa amin mula sa kabutihang-loob Niya." Kung sakaling sila ay gumawa niyon, talaga sanang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa mamintas sila sa iyo.

﴿۞ إِنَّمَا الصَّدَقَاتُ لِلْفُقَرَاءِ وَالْمَسَاكِينِ وَالْعَامِلِينَ عَلَيْهَا وَالْمُؤَلَّفَةِ قُلُوبُهُمْ وَفِي الرِّقَابِ وَالْغَارِمِينَ وَفِي سَبِيلِ اللَّهِ وَابْنِ السَّبِيلِ ۖ فَرِيضَةً مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Ang mga kawanggawang inoobliga ay inuukol ang pagbibigay nito sa mga maralita, at sila ang mga nangangailangan, na mayroong mga taglay na yaman mula sa mga trabaho, subalit hindi ito nakasasapat sa kanila ni hindi nagbibigay-pansin sa kalagayan nila, at ang mga dukha; sila ang halos walang minamay-aring anuman, at hindi nila naikukubli sa mga tao dahil sa kalagayan nila o salita nila, at sa mga manggagawa; sila ang mga ipinapadala ng mga Imam upang ipunin ang mga ito, at sa mga tumangging sumampalatayang napalulubag-loob sa mga ito upang yumakap sila sa Islam, o sa mga nagtataglay ng mahinang pananampalataya upang mapalakas ang pananampalataya nila, o para sa sinumang maitulak ang kasamaan niya dahil dito, at ibinibigay sa mga alipin upang mapalaya sila rito, at sa mga nagkakautang na hindi nagmalabis at hindi sa pagsuway, kung hindi sila nakatagpo ng anumang pambayad sa kanilang pagkaka-utang, at ibinibigay rin para sa paghahanda ng mga nakikibaka ayon sa landas ni Allāh, at sa manlalakbay na kinapos ang panggugol nito – at ang pag-iipon sa pagbibigay ng mga zakāh para sa kanila ay isang tungkuling iniatang ni Allāh. Si Allāh ay Maalam sa nakabubuti para sa kanyang mga lingkod, Marunong sa pangangasiwa nito at batas nito.

﴿وَمِنْهُمُ الَّذِينَ يُؤْذُونَ النَّبِيَّ وَيَقُولُونَ هُوَ أُذُنٌ ۚ قُلْ أُذُنُ خَيْرٍ لَكُمْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَيُؤْمِنُ لِلْمُؤْمِنِينَ وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ ۚ وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ رَسُولَ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Kabilang sa kanila ang mga nananakit sa Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-sa pamamagitan ng pananalita, at nagsasabi sila kapag nakita na nila ang dala-dala niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:" Tunay na siya ay nakikinig sa bawat isa, at hindi niya naitatangi ang sa pagitan ng katotohanan sa kabulaanan.
Sabihin mo sa kanila -O Sugo-:"Tunay na ang Sugo ay hindi nakaririnig maliban sa kabutihan, may paniniwala kay Allāh, at naniniwala sa anumang ipinababatid sa kanya ng mga mananampalataya na mga tapat, at naaawa siya sa kanila dahil ang pagpapadala sa kanya ay bilang awa sa sinumang nanampalataya sa kanya, at sa sinumang nanakit sa kanya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan- sa kahit anong uri ng pananakit, ay ukol sa kanila ang parusang masakit.

﴿يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ لِيُرْضُوكُمْ وَاللَّهُ وَرَسُولُهُ أَحَقُّ أَنْ يُرْضُوهُ إِنْ كَانُوا مُؤْمِنِينَ﴾

Sumusumpa ang mga mapagimbabaw kay Allāh sa harap ninyo -O mananampalataya- na sila ay hindi nagsalita ng anumang masakit sa Propeta- pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan- iyon ay upang palugurin nila kayo, samantalang si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na karapat-dapat na palugurin, sa pamamagitan ng pananampalataya at mga mabuting gawa, kung sila ay mga totoong mananampalataya.

﴿أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّهُ مَنْ يُحَادِدِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَأَنَّ لَهُ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدًا فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ الْخِزْيُ الْعَظِيمُ﴾

Hindi ba nalaman ng mga mapagpaimbabaw na ito na sila, sa pamamagitan ng gawa nilang ito, ay mga nakikipag-away kay Allāh at sa Sugo Niya, at na ang sinumang nakikipag-away kay Allāh at sa Sugo Niya ay papasok sa Araw ng Pagbangon sa Apoy ng Impiyerno bilang mamamalagi roon magpakailanman? Iyon ay ang kahamakan at ang kaabahang malaki.

﴿يَحْذَرُ الْمُنَافِقُونَ أَنْ تُنَزَّلَ عَلَيْهِمْ سُورَةٌ تُنَبِّئُهُمْ بِمَا فِي قُلُوبِهِمْ ۚ قُلِ اسْتَهْزِئُوا إِنَّ اللَّهَ مُخْرِجٌ مَا تَحْذَرُونَ﴾

Nangangamba ang mga mapagpaimbabaw na magpababa si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang magpapabatid sa mga mananampalataya sa kinikimkim nila na kawalang-pananampalataya. Sabihin mo, O Sugo: "Magpatuloy kayo, O mga mapagpaimbabaw, sa panunuya ninyo at paninirang-puri ninyo sa Islām sapagkat si Allāh ay magpapalabas sa pinangangambahan ninyo." Iyon ay sa pamamagitan ng pagpababa ng isang kabanata o sa pamamagitan ng pagbabalita sa Sugo Niya niyon.

﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلْعَبُ ۚ قُلْ أَبِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنْتُمْ تَسْتَهْزِئُونَ﴾

Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw tungkol sa sinabi nilang paninirang-puri at panlalait sa mga mananampalataya matapos ng pagpapabatid ni Allāh sa iyo niyon ay talaga ngang magsasabi sila: "Kami ay nasa isang pag-uusap na nagbibiro roon at kami ay hindi mga seryoso." Sabihin mo, O Sugo: "Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?

﴿لَا تَعْتَذِرُوا قَدْ كَفَرْتُمْ بَعْدَ إِيمَانِكُمْ ۚ إِنْ نَعْفُ عَنْ طَائِفَةٍ مِنْكُمْ نُعَذِّبْ طَائِفَةً بِأَنَّهُمْ كَانُوا مُجْرِمِينَ﴾

Huwag kayong magdahilan sa pamamagitan ng mga dahi-dahilang sinungaling na ito sapagkat naghayag nga kayo ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng pangungutya ninyo matapos na kayo noon ay nagkikimkim nito.
Kung magpapalampas Kami sa isang pangkat kabilang sa inyo dahil sa pag-iwan nila sa pagpapaimbabaw, pagbabalik-loob nila mula roon, at pag-uukol nila ng kawagasan kay Allāh, pagdurusahin naman Namin ang isang pangkat kabilang sa inyo dahil sa paggigiit nila sa pagpapaimbabaw at hindi pagbabalik-loob nila mula roon."

﴿الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ بَعْضُهُمْ مِنْ بَعْضٍ ۚ يَأْمُرُونَ بِالْمُنْكَرِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمَعْرُوفِ وَيَقْبِضُونَ أَيْدِيَهُمْ ۚ نَسُوا اللَّهَ فَنَسِيَهُمْ ۗ إِنَّ الْمُنَافِقِينَ هُمُ الْفَاسِقُونَ﴾

Ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw ay sumasang-ayon sa mga kalagayan ng pagpapaimbabaw, sila ay salungat sa mga mananampalataya, Nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti, at nagdadamot sila ng mga yaman nila at hindi nila ito ginugugol para sa landas ni Allāh. Kinalimutan nila si Allāh na sumunod sila sa Kanya, kaya iniwan sila ni Allāh sa pagtutuon Niya. Tunay na ang mga mapagpaimbabaw; sila ay lumabas mula sa pananampalataya kay Allāh at landasing totoo tungo sa pagiging suwail sa Kanya at landasing ligaw.

﴿وَعَدَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْكُفَّارَ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ هِيَ حَسْبُهُمْ ۚ وَلَعَنَهُمُ اللَّهُ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُقِيمٌ﴾

Nangako si Allāh sa mga mapagpaimbabaw at mga tagatangging sumampalataya na hindi nagbalik-loob na papasukin Niya sila sa Apoy ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Ito ay sasapat sa kanila bilang parusa. Itinaboy sila ni Allāh mula sa awa Niya. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nagpapatuloy.

﴿كَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ كَانُوا أَشَدَّ مِنْكُمْ قُوَّةً وَأَكْثَرَ أَمْوَالًا وَأَوْلَادًا فَاسْتَمْتَعُوا بِخَلَاقِهِمْ فَاسْتَمْتَعْتُمْ بِخَلَاقِكُمْ كَمَا اسْتَمْتَعَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ بِخَلَاقِهِمْ وَخُضْتُمْ كَالَّذِي خَاضُوا ۚ أُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ﴾

Kayo, O pulutong ng mga mapagpaimbabaw, sa kawalang-pananampalataya at pangungutya ay tulad ng mga kalipunang nagpapasinungaling kabilang sa mga nauna sa inyo. Sila noon ay higit na malaki sa lakas kaysa sa inyo at higit na marami sa mga yaman at mga anak. Nagtamasa sila ng bahagi nilang itinadhana para sa kanila kabilang sa mga minamasarap sa Mundo at mga ninanasa rito. Nagtamasa kayo, O mga mapagpaimbabaw, ng bahagi ninyong itinakda para sa inyo kabilang doon tulad ng pagtamasa ng mga naunang nagpasinungaling na kalipunan sa bahagi nila. Sumuong kayo sa pagpapasinungaling sa katotohanan at paninirang-puri sa Sugo tulad ng pagsuong nila sa pagpapasinungaling at paninirang-puri sa mga sugo. Yaong mga nagtataglay ng mga kasisi-sising katangiang iyon ay ang mga nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil sa katiwalian ng mga ito sa ganang kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya. Ang mga iyon ay ang mga lugi na nagpalugi sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan.

﴿أَلَمْ يَأْتِهِمْ نَبَأُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ وَقَوْمِ إِبْرَاهِيمَ وَأَصْحَابِ مَدْيَنَ وَالْمُؤْتَفِكَاتِ ۚ أَتَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ ۖ فَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ﴾

Hindi ba dumating sa mga mapagpaimbabaw na ito ang ulat sa ginawa ng mga kalipunang nagpasinungaling at ginawa sa mga ito na parusa, na mga tao ni Noe, ni `Ad, at ni Thamud, mga tao ni Abraham, mga naninirahan sa Madyan, at mga nayon ng mga kababayan ni Lot? Dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila dala ang mga patotoong maliwanag at mga katwirang hayag kaya hindi nangyaring si Allāh ay ukol na lalabag sa katarungan sa kanila sapagkat nagbabala na sa kanila ang mga sugo sa kanila subalit sila sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan dahil sa taglay nilang kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga sugo sa kanila.

﴿وَالْمُؤْمِنُونَ وَالْمُؤْمِنَاتُ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ يَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَيُطِيعُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ أُولَٰئِكَ سَيَرْحَمُهُمُ اللَّهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga tagaadya ng isa’t isa at mga tagatulong nila dahil sa pagbubuklod ng pananampalataya sa pagitan nila.
Nag-uutos sila sa nakabubuti; ang bawat naiibigan ni Allāh - pagkataas-taas Niya - na mga uri ng pagtalima sa Kanya gaya ng Tawḥid at pagdarasal; sumasaway sila sa nakasasama, ang bawat kinasusuklaman ni Allāh - pagkataas-taas Niya - na mga pagsuway gaya ng kawalang-pananampalataya at pagpapatubo. Nagsasagawa sila ng pagdarasal nang lubusan, ayon sa pinakalubos na paraan. Tumatalima sila kay Allāh at tumatalima sila sa Sugo Niya. Yaong mga nagtataglay ng mga katangiang kapuri-puring ito ay papapasukin ni Allāh sa awa Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang dumadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya.

﴿وَعَدَ اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَمَسَاكِنَ طَيِّبَةً فِي جَنَّاتِ عَدْنٍ ۚ وَرِضْوَانٌ مِنَ اللَّهِ أَكْبَرُ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾

Nangako si Allāh sa mga lalaking mananampalataya sa Kanya at mga babaing mananampalataya sa Kanya na papapasukin Niya sila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga manunuluyan sa mga ito nang palagian. Hindi sila mamamatay sa mga ito at hindi mapuputol ang lugod nila. Nangako Siya sa kanila na papapasukin Niya sila sa mga tahanang maganda sa mga hardin ng pananatili. May pagkalugod na padadapuin ni Allāh sa kanila na pinakamalaki kaysa roon sa kalahatan niyon. Ang ganting nabanggit na iyon ay ang pagkatamong sukdulang hindi natutumbasan ng [anumang] pagkatamo.

﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنَافِقِينَ وَاغْلُظْ عَلَيْهِمْ ۚ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾

O Sugo, makibaka ka laban sa mga tumatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kanila sa pamamagitan ng tabak at makibaka ka sa mga mapagpaimbabaw sa pamamagitan ng pagsasalita at katwiran. Maghigpit ka sa dalawang pangkat sapagkat sila ay karapat-dapat doon. Ang tutuluyan nila sa Araw ng Pagbangon ay ang Impiyerno. Kay sagwang kahahantungan ang kahahantungan nila!

﴿يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ مَا قَالُوا وَلَقَدْ قَالُوا كَلِمَةَ الْكُفْرِ وَكَفَرُوا بَعْدَ إِسْلَامِهِمْ وَهَمُّوا بِمَا لَمْ يَنَالُوا ۚ وَمَا نَقَمُوا إِلَّا أَنْ أَغْنَاهُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ مِنْ فَضْلِهِ ۚ فَإِنْ يَتُوبُوا يَكُ خَيْرًا لَهُمْ ۖ وَإِنْ يَتَوَلَّوْا يُعَذِّبْهُمُ اللَّهُ عَذَابًا أَلِيمًا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَمَا لَهُمْ فِي الْأَرْضِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ﴾

Sumusumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh habang mga nagsisinungaling na hindi sila nagsabi ng nakaabot sa iyo buhat sa kanila na panlalait sa iyo at pamimintas sa relihiyon mo samantalang talaga ngang nagsabi sila ng nakaabot sa iyo buhat sa kanila na nagpapawalang-pananampalataya sa kanila. Nagpahayag sila ng kawalang-pananampalataya matapos ng pagpapahayag nila ng pananampalataya. Talaga ngang naghangad sila ng hindi nila napanagumpayan na pagpaslang sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Wala silang minamasamang bagay kundi isang bagay na hindi minamasama: na si Allāh ay nagmabuting-loob sa kanila sa pamamagitan ng pagpapayaman sa kanila mula sa mga samsam sa digmaan, na ipinagkaloob Niya sa Propeta Niya. Kung magbabalik-loob sila kay Allāh mula sa pagpapaimbabaw nila, ang pagbabalik-loob nila mula roon ay magiging higit na mabuti para sa kanila kaysa sa pananatili roon. Kung tatalikod sila sa pagbabalik-loob kay Allāh ay pagdurusahin sila ni Allāh ng isang pagdurusang nakasasakit sa Mundo sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang nakasasakit sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng Apoy. Walang ukol sa kanila na isang katangkilik na tatangkilik sa kanila at sasagip sa kanila mula sa pagdurusa ni isang tagapag-adyang magtataboy palayo sa kanila ng pagdurusa.

﴿۞ وَمِنْهُمْ مَنْ عَاهَدَ اللَّهَ لَئِنْ آتَانَا مِنْ فَضْلِهِ لَنَصَّدَّقَنَّ وَلَنَكُونَنَّ مِنَ الصَّالِحِينَ﴾

Kabilang sa mga mapagpaimbabaw ang nakipagtipan kay Allāh, na nagsabi: "Talagang kung binigyan kami ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ay talagang magkakawanggawa nga kami sa mga nangangailangan at talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga mabubuti na naging mabuti ang mga gawa nila."

﴿فَلَمَّا آتَاهُمْ مِنْ فَضْلِهِ بَخِلُوا بِهِ وَتَوَلَّوْا وَهُمْ مُعْرِضُونَ﴾

Ngunit noong nagbigay sa kanila si Allāh - napakamaluwalhati Niya - mula sa kabutihang-loob Niya ay hindi sila tumupad sa pakikipagtipan nila kay Allāh, bagkus nagkait sila ng mga yaman nila sapagkat hindi sila nagkawanggawa ng anuman at tumalikod sila samantalang sila ay mga umaayaw sa pananampalataya.

﴿فَأَعْقَبَهُمْ نِفَاقًا فِي قُلُوبِهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ يَلْقَوْنَهُ بِمَا أَخْلَفُوا اللَّهَ مَا وَعَدُوهُ وَبِمَا كَانُوا يَكْذِبُونَ﴾

Kaya ginawa Niya ang kahihinatnan nila ay pagpapaimbabaw na mananatili sa mga puso nila hanggang sa Araw ng Pagbangon bilang isang parusa para sa kanila dahil sa pagsira nila sa tipan ni Allāh at dahil sa pagsisinungaling nila.

﴿أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ سِرَّهُمْ وَنَجْوَاهُمْ وَأَنَّ اللَّهَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ﴾

Hindi ba nalaman ng mga mapagpaimbabaw na si Allāh ay nakaaalam sa ikinukubli nilang panlalansi at pakana sa mga pagtitipon nila, at na si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay Palaalam sa mga lingid kaya walang naikukubling anuman sa Kanya mula sa mga gawa nila at gaganti sa kanila sa mga ito.

﴿الَّذِينَ يَلْمِزُونَ الْمُطَّوِّعِينَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ فِي الصَّدَقَاتِ وَالَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهْدَهُمْ فَيَسْخَرُونَ مِنْهُمْ ۙ سَخِرَ اللَّهُ مِنْهُمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Ang mga namimintas sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya kaugnay sa mga maliit na kawanggawa na mga walang natatagpuan kundi ang kakaunting bagay lamang, siya ay kukuha sa anumang pinagpunyagian nila rito, kaya manunuya sila sa mga ito na nagsasabing: Ano ang mapapala ng mga kawang-gawa nila?! manunuya si Allāh sa kanila, bilang ganti sa mga panunuya nila sa mga mananampalataya at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

﴿اسْتَغْفِرْ لَهُمْ أَوْ لَا تَسْتَغْفِرْ لَهُمْ إِنْ تَسْتَغْفِرْ لَهُمْ سَبْعِينَ مَرَّةً فَلَنْ يَغْفِرَ اللَّهُ لَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ﴾

Humingi ka, O Sugo, ng kapatawaran para sa kanila o huwag kang humingi nito para sa kanila. Kung humingi ka nito nang pitumpong ulit, tunay na ito, sa kabila ng dami nito, ay hindi hahantong sa kapatawaran ni Allāh sa kanila dahil sila ay tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga lumalabas sa batas Niya ayon sa pananadya at paglalayon.

﴿فَرِحَ الْمُخَلَّفُونَ بِمَقْعَدِهِمْ خِلَافَ رَسُولِ اللَّهِ وَكَرِهُوا أَنْ يُجَاهِدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَقَالُوا لَا تَنْفِرُوا فِي الْحَرِّ ۗ قُلْ نَارُ جَهَنَّمَ أَشَدُّ حَرًّا ۚ لَوْ كَانُوا يَفْقَهُونَ﴾

Natuwa ang mga mapagpaimbabaw na mga nagpaiwan sa pagsalakay sa Tabūk sa pag-upo nila [sa bahay] malayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh habang mga sumasalungat sa Sugo ni Allāh. Nasuklam sila na makibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ayon sa landas ni Allāh gaya ng pakikibaka ng mga mananampalataya. Nagsabi sila habang mga nagpapatamlay sa mga kapatid nila kabilang sa mga mapagpaimbabaw: "Huwag kayong maglakbay sa init." Ang pagsalakay sa Tabūk noon ay nasa panahon ng tag-init. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang apoy ng Impiyerno na naghihintay sa mga mapagpaimbabaw ay higit na matindi sa init kaysa sa init na ito na tinakasan nila kung sakaling sila ay nakaaalam."

﴿فَلْيَضْحَكُوا قَلِيلًا وَلْيَبْكُوا كَثِيرًا جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ﴾

Kaya tumawa ang mga mapagpaimbabaw na nagpaiwan na ito malayo sa pakikibaka nang kaunti sa buhay nilang makamundong maglalaho at umiyak sila nang marami sa buhay nilang pangkabilang-buhay na mananatili bilang isang ganti sa nakamit nila noon na kawalang-pananampalataya, mga pagsuway, at mga kasalanan sa Mundo.

﴿فَإِنْ رَجَعَكَ اللَّهُ إِلَىٰ طَائِفَةٍ مِنْهُمْ فَاسْتَأْذَنُوكَ لِلْخُرُوجِ فَقُلْ لَنْ تَخْرُجُوا مَعِيَ أَبَدًا وَلَنْ تُقَاتِلُوا مَعِيَ عَدُوًّا ۖ إِنَّكُمْ رَضِيتُمْ بِالْقُعُودِ أَوَّلَ مَرَّةٍ فَاقْعُدُوا مَعَ الْخَالِفِينَ﴾

Kaya kung nagpanumbalik sa iyo si Allāh sa isang pangkat kabilang sa mga mapagpaimbabaw na ito na matatag sa pagpapaimbabaw nito at humingi sila sa iyo ng paalam para sa paglisan kasama mo sa iba pang paglusob ay sabihin mo sa kanila: "Hindi kayo lilisan, O mga mapagpaimbabaw, kasama ko sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh magpakailanman bilang isang kaparusahan sa inyo at bilang isang pag-iingat laban sa mga gulong ireresulta ng pagsama ninyo sa akin sapagkat nalugod nga kayo sa pag-upo [sa bahay] at pagpapaiwan malayo sa pagsalakay sa Tabūk. Kaya umupo kayo at manatili kayo kasama ng mga nagpapaiwan kabilang sa mga maysakit, mga babae, at mga bata."

﴿وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰ أَحَدٍ مِنْهُمْ مَاتَ أَبَدًا وَلَا تَقُمْ عَلَىٰ قَبْرِهِ ۖ إِنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَمَاتُوا وَهُمْ فَاسِقُونَ﴾

Huwag kang magdasal -O Sugo- sa kahit sinong mamamatay mula sa mga nagpapaimbabaw kailanman, at huwag kang tumayo sa libingan nito upang manalangin para sa kanya ng kapatawaran, iyon ay dahil sa sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Kanyang Sugo, at namatay sila, habang sila ay lumabas sa pananampalataya kay Allāh. At ang sinuman ang nasa kalagayang iyon, ay hindi dapat pag-alayan ng dasal ni manalangin para sa kanya.

﴿وَلَا تُعْجِبْكَ أَمْوَالُهُمْ وَأَوْلَادُهُمْ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُعَذِّبَهُمْ بِهَا فِي الدُّنْيَا وَتَزْهَقَ أَنْفُسُهُمْ وَهُمْ كَافِرُونَ﴾

Huwag magpahanga sa iyo -O Sugo- ang mga yaman ng mga mapagpaimbabaw ni ang mga anak nila.
Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin Niya sila sa pamamagitan ng mga ito sa pamumuhay sa Mundo, ito ay dahil sa mga mararamdaman nila dito na mga paghihirap sa daan nito, at sa anumang dadapo sa kanila rito kabilang sa mga pagdurusa, at ang lumisan ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila habang sila ay mga tumatangging sumampalataya.

﴿وَإِذَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ أَنْ آمِنُوا بِاللَّهِ وَجَاهِدُوا مَعَ رَسُولِهِ اسْتَأْذَنَكَ أُولُو الطَّوْلِ مِنْهُمْ وَقَالُوا ذَرْنَا نَكُنْ مَعَ الْقَاعِدِينَ﴾

Kapag nagbaba si Allāh ng isang kabanata sa Propeta Niyang si Muḥammad - pagpalain Niya ito at pangalagaan - na naglalaman ng utos ng pagsampalataya sa Kanya at pakikibaka ayon sa landas Niya ay humingi ng pahintulot na magpaiwan malayo sa iyo ang mga may yaman at kaluwagan kabilang sa kanila. Nagsabi sila: "Pabayaan mo kaming nagpapaiwan kasama ng mga may mga kadahilanan gaya ng mga mahina at mga maysakit na talamak."

﴿رَضُوا بِأَنْ يَكُونُوا مَعَ الْخَوَالِفِ وَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَفْقَهُونَ﴾

Ikinalugod ng mga mapagpaimbabaw na ito sa mga sarili nila ang pagkaaba at ang pagkahamak nang nalugod sila na magpaiwan kasama ng mga may mga kadahilanan. Nagpinid si Allāh sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapaimbabaw nila kaya sila ay hindi nakaaalam sa may dulot ng kapakanan nila.

﴿لَٰكِنِ الرَّسُولُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ جَاهَدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۚ وَأُولَٰئِكَ لَهُمُ الْخَيْرَاتُ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾

Tungkol naman Sugo at mga mananampalataya kasama niya, hindi sila nagpaiwan malayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh tulad ng mga yaon. Nakibaka lamang sila ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila.
Ang ganti sa kanila sa ganang kay Allāh ay ang pagtamo ng mga pakinabang na pangmundo ukol sa kanila gaya ng pagwawagi at mga samsam sa digmaan, at ang pagtamo ng mga pakinabang na pangkabilang-buhay, na kabilang sa mga ito ang pagpasok sa paraiso at ang pagtamo ng pananagumpay sa hinihiling at kaligtasan mula sa pinangingilabutan.

﴿أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾

Naglaan si Allāh para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman: hindi sila daranas ng pagkalipol. Iyon ay ang tagumpay na sukdulan na hindi natutumbasan ng [anumang] tagumpay.

﴿وَجَاءَ الْمُعَذِّرُونَ مِنَ الْأَعْرَابِ لِيُؤْذَنَ لَهُمْ وَقَعَدَ الَّذِينَ كَذَبُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ سَيُصِيبُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

May dumating na mga tao kabilang sa mga Arabeng disyerto ng Madīnah at mula sa paligid nito, na nagdadahilan sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - upang magpahintulot sa kanila sa pagpapaiwan sa paglisan at pakikibaka sa landas ni Allāh. May nagpaiwang mga ibang tao na hindi nagdahilan sa simula pa sa pag-iwas sa paglisan dahil sa kawalan ng paniniwala nila sa Propeta at dahil sa kawalan ng pananampalataya nila sa pangako ni Allāh. Magtatamo ang mga ito dahilan sa kawalang-pananampalataya nilang ito ng isang pagdurusang nakasasakit at mahapdi.

﴿لَيْسَ عَلَى الضُّعَفَاءِ وَلَا عَلَى الْمَرْضَىٰ وَلَا عَلَى الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ مَا يُنْفِقُونَ حَرَجٌ إِذَا نَصَحُوا لِلَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ مَا عَلَى الْمُحْسِنِينَ مِنْ سَبِيلٍ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Walang tungkulin sa mga babae, mga bata, mga maysakit, mga may kapansanan, mga bulag, at mga maralitang walang natatagpuang yamang maigugugol nila upang maipanghanda nila. Walang kasalanan para sa mga ito sa kalahatan sa pagpapaiwan sa paglisan dahil ang mga kadahilanan nila ay umiiral, kapag nag-ukol sila ng kawagasan kay Allāh at sa Sugo Niya at gumawa sila ayon sa batas Niya. Walang daan sa mga nagmamagandang-loob kabilang sa mga may mga kadahilanang ito para sa pagpataw ng parusa sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagmamagandang-loob, Maawain sa kanila.

﴿وَلَا عَلَى الَّذِينَ إِذَا مَا أَتَوْكَ لِتَحْمِلَهُمْ قُلْتَ لَا أَجِدُ مَا أَحْمِلُكُمْ عَلَيْهِ تَوَلَّوْا وَأَعْيُنُهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ حَزَنًا أَلَّا يَجِدُوا مَا يُنْفِقُونَ﴾

Walang kasalanan, gayon din, sa mga nagpaiwang, kung pumunta sila sa iyo, O Sugo, na humihiling ng maipasasakay mo sa kanila na mga hayop ngunit nagsabi ka sa kanila: "Wala akong natagpuang mapasasakyan ko sa inyo na mga hayop" tatalikod sila sa iyo habang ang mga mata nila ay dumadaloy ang luha dala ng panghihinayang na sila ay hindi nakatatagpo ng maigugugol nila mula sa ganang sarili nila o mula sa ganang iyo.

﴿۞ إِنَّمَا السَّبِيلُ عَلَى الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ وَهُمْ أَغْنِيَاءُ ۚ رَضُوا بِأَنْ يَكُونُوا مَعَ الْخَوَالِفِ وَطَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Noong nilinaw Niya na walang daan para sa pagpaparusa sa mga may mga kadahilanan, binanggit Niya kung sino ang nagiging karapat-dapat sa parusa at paninisi. Nagsabi Siya: "Ang daan para sa pagpaparusa at paninisi ay nasa yaong mga humihiling sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa pagpapaiwan malayo sa pakikibaka, samantalang sila ay mga nakakakaya niyon dahil sa pagkakaroon ng maipanghahanda nila. Ikinalugod nila para sa mga sarili na ang pagkaaba at pagkahamak na manatili sila kasama ng mga nagpapaiwan sa mga bahay." Nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya sila ay hindi tinatablan ng pangaral habang sila, dahilan sa pagpinid na ito, ay hindi nakaaalam sa may dulot ng kapakanan nila upang piliin ito at may dulot ng kasiraan nila upang iwasan ito.

﴿يَعْتَذِرُونَ إِلَيْكُمْ إِذَا رَجَعْتُمْ إِلَيْهِمْ ۚ قُلْ لَا تَعْتَذِرُوا لَنْ نُؤْمِنَ لَكُمْ قَدْ نَبَّأَنَا اللَّهُ مِنْ أَخْبَارِكُمْ ۚ وَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Naglalahad ang mga mapagpanggap sa pananampalataya na nagpaiwan sa pakikibaka ng mga kadahilanang mahina para sa mga Muslim nang pagbalik nila mula sa pakikibaka. Itinutuon ni Allāh ang Propeta Niya at ang mga mananampalataya sa pagtugon sa kanila: "Huwag kayong magdahilan ng mga kadahilanang sinungaling; hindi kami maniniwala sa inyo sa ipababatid ninyo sa amin mula sa mga iyon. Nagpaalam na sa amin si Allāh ng isang bagay na nasa mga sarili ninyo.
Makikita ni Allāh at ng Sugo Niya kung magbabalik-loob ba kayo at tatanggapin naman ni Allāh ang pagbabalik-loob ninyo o magpapatuloy kayo sa pagpapanggap sa pananampalataya ninyo? Pagkatapos ay ibabalik kayo kay Allāh na nakaaalam sa bawat bagay para magpabatid Siya sa inyo hinggil sa ginagawa ninyo noon at gagantihan Niya kayo roon kaya magdali-dali kayo sa pagbabalik-loob at gawang maayos."

﴿سَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ إِذَا انْقَلَبْتُمْ إِلَيْهِمْ لِتُعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ فَأَعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ إِنَّهُمْ رِجْسٌ ۖ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ﴾

Susumpa ang mga nagpaiwang ito kay Allāh kapag bumalik kayo, O mga mananampalataya, sa kanila bilang pagbibigay-diin sa mga kadahilanan nilang bulaan, upang magpigil kayo sa panunumbat sa kanila at paninisi sa kanila. Kaya iwan ninyo sila at layuan ninyo sila. Tunay na sila ay mga salaula, mga karima-rimarim ang kalooban. Ang pananahanan nila na kakanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti sa kanila dahil sa nakakamit nila ng pagpapanggap at mga kasalanan.

﴿يَحْلِفُونَ لَكُمْ لِتَرْضَوْا عَنْهُمْ ۖ فَإِنْ تَرْضَوْا عَنْهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يَرْضَىٰ عَنِ الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ﴾

Sumusumpa ang mga nagpaiwang ito sa harap ninyo, O mga mananampalataya, upang malugod kayo sa kanila at tanggapin ninyo ang mga kadahilanan nila, kaya huwag kayong malugod sa kanila.
Ngunit kung malulugod kayo sa kanila ay sumuway nga kayo sa Panginoon ninyo sapagkat tunay na Siya ay hindi nalulugod sa mga taong lumalabas sa pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagpapanggap, kaya mag-ingat kayo, O mga Muslim, na malugod sa sinumang hindi kinalulugdan ni Allāh.

﴿الْأَعْرَابُ أَشَدُّ كُفْرًا وَنِفَاقًا وَأَجْدَرُ أَلَّا يَعْلَمُوا حُدُودَ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Ang mga nakatira sa ilang, kung tumangging sumampalataya o nagpanggap, ang kawalang-pananampalataya nila ay higit na matindi kaysa sa kawalang-pananampalataya ng iba sa kanila kabilang sa mga nakatira sa pamayanan at ang pagpapanggap nila ay higit na matindi kaysa sa pagpapanggap ng mga iyon. Sila ay higit na nababagay sa kamangmangan sa relihiyon at higit na karapat-dapat na hindi makaalam sa mga tungkulin, mga sunnah, at mga panuntunan ng mga patakarang ibinaba sa Sugo ni Allāh dahil sa taglay nilang kabagsikan, kagaspangan, at kakauntian ng pakikihalubilo. Si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan nila: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, Marunong sa pangangasiwa Niya at batas Niya.

﴿وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ مَغْرَمًا وَيَتَرَبَّصُ بِكُمُ الدَّوَائِرَ ۚ عَلَيْهِمْ دَائِرَةُ السَّوْءِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

Kabilang sa mga mapagpanggap sa pananampalataya na naninirahan sa ilang ang naniniwala na ang ginugugol niyang yaman ayon sa landas ni Allāh ay pagkalugi at multa dahil sa pag-aakala niya na hindi magpapabuya sa kanya kung gumugol siya at hindi magpaparusa sa kanya si Allāh kung nagkait siya. Subalit siya, sa kabila nito, ay gumugugol magkaminsan bilang pakitang-tao at pagpapanggap. Naghihintay siya na bumaba sa inyo, O mga mananampalataya, ang isang kasamaan para makapagwaksi siya sa inyo. Ang minimithi nila na maganap sa mga mananampalataya na kasamaan at pagbabago ng mga kalagayan na hindi mapupuri ang kahihinatnan nito ay ginawa ni Allāh na nagaganap sa kanila hindi sa mga mananampalataya. Si Allāh ay Marinigin sa anumang sinasabi nila, Maalam sa anumang kinikimkim nila.

﴿وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ قُرُبَاتٍ عِنْدَ اللَّهِ وَصَلَوَاتِ الرَّسُولِ ۚ أَلَا إِنَّهَا قُرْبَةٌ لَهُمْ ۚ سَيُدْخِلُهُمُ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Kabilang sa mga naninirahan sa ilang ang sumasampalataya kay Allāh, sumasampalataya sa Kabilang-buhay, at nagtuturing sa ginugugol niyang yaman ayon sa landas ni Allāh bilang mga pampalapit-loob na ipinanlalapit-loob niya kay Allāh at bilang kaparaanan para sa pananagumpay sa pamamagitan ng panalangin ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - para sa kanya at paghingi nito ng kapatawaran para sa kanya.
Pakatandaan, tunay na ang paggugol niya ayon sa landas ni Allāh at panalangin ng Sugo para sa kanya kay Allāh ay matatagpuan niya ang gantimpala nito sa ganang kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanya ni Allāh sa awa Nitong malawak na sumasaklaw sa pagpapatawad Nito at Paraiso Nito. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

﴿وَالسَّابِقُونَ الْأَوَّلُونَ مِنَ الْمُهَاجِرِينَ وَالْأَنْصَارِ وَالَّذِينَ اتَّبَعُوهُمْ بِإِحْسَانٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ وَأَعَدَّ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي تَحْتَهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾

Ang mga nagdali-dali una sa lahat sa pananampalataya kabilang sa mga lumikas mula sa mga tahanan nila at mga bayan nila patungo kay Allāh at kabilang sa mga tagaadya na nag-adya sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang mga sumunod sa mga lumikas at mga tagaadya na mga nauna sa pananampalataya nang may pagpapakahusay sa paniniwala, mga salita, at mga gawain ay nalugod si Allāh sa kanila kaya tinanggap Niya ang pagtalima nila at nalugod sila sa Kanya dahil sa ibinigay Niya sa kanila na gantimpala Niyang sukdulan. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Ang ganting iyon ay ang tagumpay na sukdulan.

﴿وَمِمَّنْ حَوْلَكُمْ مِنَ الْأَعْرَابِ مُنَافِقُونَ ۖ وَمِنْ أَهْلِ الْمَدِينَةِ ۖ مَرَدُوا عَلَى النِّفَاقِ لَا تَعْلَمُهُمْ ۖ نَحْنُ نَعْلَمُهُمْ ۚ سَنُعَذِّبُهُمْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ يُرَدُّونَ إِلَىٰ عَذَابٍ عَظِيمٍ﴾

Kabilang sa mga malapit sa Madīnah kabilang sa mga naninirahan sa ilang ay may mga mapagpanggap sa pananampalataya at kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah ay may mga mapagpanggap sa pananampalataya. Nagpanatili sila ng pagpapanggap at nanatili sila rito. Hindi ka nakaaalam sa kanila, O Sugo; si Allāh ay ang nakaaalam sa kanila.
Pagdurusahin sila ni Allāh nang dalawang ulit: isang ulit sa Mundo sa pamamagitan ng pagkakalantad ng pagpapanggap nila, pagkapatay sa kanila, at pagkabihag sa kanila; at isang ulit sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa sa libingan, pagkatapos sa Araw ng Pagkabuhay ay itutulak sila sa isang pagdurusang sukdulan sa pinakamababang palapag ng Apoy.

﴿وَآخَرُونَ اعْتَرَفُوا بِذُنُوبِهِمْ خَلَطُوا عَمَلًا صَالِحًا وَآخَرَ سَيِّئًا عَسَى اللَّهُ أَنْ يَتُوبَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah ay may mga iba pang taong nagpaiwan sa paglusob nang walang kadahilanan. Umamin sila sa mga sarili nila na sila ay hindi nagkaroon ng kadahilanan at hindi naglahad ng mga kadahilanang sinungaling. Ang mga gawa nilang maayos na nauna gaya ng pagsasagawa ng pagtalima kay Allāh, pananatili sa mga batas Niya, at pakikibaka ayon sa landas Niya ay inihalo nila sa gawang masagwa. Umaasa sila mula kay Allāh na tanggapin Niya sa kanila ang pagbabalik-loob at palampasin Niya sa kanila ang kasalan. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

﴿خُذْ مِنْ أَمْوَالِهِمْ صَدَقَةً تُطَهِّرُهُمْ وَتُزَكِّيهِمْ بِهَا وَصَلِّ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّ صَلَاتَكَ سَكَنٌ لَهُمْ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

Kumuha ka, O Sugo, mula sa mga yaman nila ng isang zakāh na magdadalisay sa kanila sa pamamagitan nito mula sa mga kasalaulaan ng mga pagsuway at mga kasalanan, at magpapalago sa mga magandang gawa nila sa pamamagitan nito. Manalangin ka para sa kanila matapos ng pagkuha nito mula sa kanila. Tunay na ang panalangin mo ay isang awa para sa kanila at isang kapanatagan. Si Allāh ay Marinigin sa panalangin mo, Maalam sa mga layunin nila.

﴿أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ هُوَ يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَأْخُذُ الصَّدَقَاتِ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ﴾

Alamin ng mga nagpaiwan malayo sa pakikibaka at mga nagbalik-loob kay Allāh na si Allāh ay tumatanggap sa pagbabalik-loob mula sa mga lingkod Niyang nagbabalik-loob sa Kanya, na Siya ay tumatanggap sa mga kawanggawa samantalang Siya ay walang-pangangailangan sa mga ito, na Siya ay naggagantimpala sa tagapagkawanggawa dahil sa kawanggawa nito, at na Siya ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

﴿وَقُلِ اعْمَلُوا فَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ وَالْمُؤْمِنُونَ ۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagpapaiwan malayo sa pakikibaka at mga nagbabalik-loob na ito mula sa pagkakasala nila: "Panumbalikin ninyo ang nakaalpas sa inyo, mag-ukol kayo ng kawagasan kay Allāh sa mga gawain ninyo, at gumawa kayo ayon sa ikinalulugod Niya. Makakikita si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya sa mga gawa ninyo. Ibabalik kayo sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon ninyong nakaaalam sa bawat bagay sapagkat nalalaman Niya ang inililihim ninyo at ang inihahayag ninyo. Magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa ginagawa ninyo noon sa Mundo at gaganti Siya sa inyo dahil doon."

﴿وَآخَرُونَ مُرْجَوْنَ لِأَمْرِ اللَّهِ إِمَّا يُعَذِّبُهُمْ وَإِمَّا يَتُوبُ عَلَيْهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Kabilang sa mga nagpaiwan malayo sa paglusob sa Tabūk ay mga ibang taong hindi nagkaroon ng dahilan kaya ang mga ito ay ipinagpapaliban sa paghuhusga ni Allāh at paghahatol Niya sa kanila. Hahatol Siya sa kanila ayon sa niloloob Niya: na pagdusahin Niya sila kung hindi sila nagbalik-loob sa Kanya o na tanggapin Niya ang pagbabalik-loob sa kanila kung nagbalik-loob sila. Si Allāh ay Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa parusa Niya at sinumang nagiging karapat-dapat sa paumanhin Niya, Marunong sa batas Niya at pangangasiwa Niya. Ang mga ito sina Murārah bin Ar-Rabī`, Ka`b bin Mālik, at Hilāl bin Umayyah.

﴿وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مَسْجِدًا ضِرَارًا وَكُفْرًا وَتَفْرِيقًا بَيْنَ الْمُؤْمِنِينَ وَإِرْصَادًا لِمَنْ حَارَبَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ مِنْ قَبْلُ ۚ وَلَيَحْلِفُنَّ إِنْ أَرَدْنَا إِلَّا الْحُسْنَىٰ ۖ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ﴾

Kabilang sa mga mapagpanggap sa pananampalataya rin ay ang mga nagpatayo ng isang masjid para sa hindi pagtalima kay Allāh, bagkus para sa pamiminsala sa mga Muslim at paghahayag ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga kampon ng pagpapanggap, para sa pagpapawatak-watak sa pagitan ng mga mananampalataya, at para sa paghihintay sa sinumang nakidigma kay Allāh at sa Sugo Niya bago ng pagpapatayo ng masjid. Talagang manunumpa nga ang mga mapagpanggap na ito sa inyo: "Wala kaming nilayon kundi ang kabaitan sa mga Muslim," samantalang si Allāh ay sumasaksi na tunay na sila ay talagang mga nagsisinungaling sa pag-aangkin nilang ito.

﴿لَا تَقُمْ فِيهِ أَبَدًا ۚ لَمَسْجِدٌ أُسِّسَ عَلَى التَّقْوَىٰ مِنْ أَوَّلِ يَوْمٍ أَحَقُّ أَنْ تَقُومَ فِيهِ ۚ فِيهِ رِجَالٌ يُحِبُّونَ أَنْ يَتَطَهَّرُوا ۚ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُطَّهِّرِينَ﴾

Ang isang masjid na may katangian niyon ay huwag kang tumugon, O Propeta, sa paanyaya ng mga mapagpanggap sa pananampalataya sa iyo para sa pagdarasal doon sapagkat tunay na ang Masjid ng Qubā' na itinatag sa unang pagkatatag sa pangingilag sa pagkakasala ay higit na marapat na pagdasalan mo kaysa sa masjid na itinatag sa kawalang-pananampalataya. Sa Masjid ng Qubā' ay may mga lalaking naiibigang magpakadalisay mula sa mga kalagayang nangangailangan ng paligo at mga karumihan sa pamamagitan ng tubig at mula sa mga pagsuway sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at paghingi ng kapatawaran. Si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakadalisay mula sa mga kalagayang nangangailangan ng paligo, mga karumihan, at mga pagkakasala.

﴿أَفَمَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ تَقْوَىٰ مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانٍ خَيْرٌ أَمْ مَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ شَفَا جُرُفٍ هَارٍ فَانْهَارَ بِهِ فِي نَارِ جَهَنَّمَ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ﴾

Ang nagtatag ng gusali niya sa isang pangingilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagkalugod ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapalawak sa mga gawain ng pagpapakabuti ay nakakapantay ba ng nagtayo ng isang masjid para sa pamiminsala sa mga Muslim, pagpapalakas sa kawalang-pananampalataya, at pagpapawatak-watak sa pagitan ng mga mananampalataya? Hindi sila nagkakapantay magpakailanman. Ang una ay may gusaling malakas at matibay na hindi kinatatakutan ang pagbagsak. Itong ikalawa, ang paghahalintulad nito ay katulad ng nagpatayo ng isang gusali sa gilid ng isang hukay, na nawasak at bumagsak kaya gumuho sa kanya ang gusali niya sa kailaliman ng Impiyerno. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya, pagpapaimbabaw, at iba pa roon.

﴿لَا يَزَالُ بُنْيَانُهُمُ الَّذِي بَنَوْا رِيبَةً فِي قُلُوبِهِمْ إِلَّا أَنْ تَقَطَّعَ قُلُوبُهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Hindi titigil ang masjid nilang itinayo nila sa pagiging isang pamiminsala, pagdududa, at pagpapanggap na nanatili sa mga puso nila hanggang sa maputol ang mga puso nila dahil sa kamatayan o pagkapatay sa tabak. Si Allāh ay Maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya, Marunong sa ihinahatol Niya na pagganti sa kabutihan o kasamaan.

﴿۞ إِنَّ اللَّهَ اشْتَرَىٰ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ أَنْفُسَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ بِأَنَّ لَهُمُ الْجَنَّةَ ۚ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَيَقْتُلُونَ وَيُقْتَلُونَ ۖ وَعْدًا عَلَيْهِ حَقًّا فِي التَّوْرَاةِ وَالْإِنْجِيلِ وَالْقُرْآنِ ۚ وَمَنْ أَوْفَىٰ بِعَهْدِهِ مِنَ اللَّهِ ۚ فَاسْتَبْشِرُوا بِبَيْعِكُمُ الَّذِي بَايَعْتُمْ بِهِ ۚ وَذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾

Tunay na si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila - gayong sila ay pag-aari Niya bilang isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya - sa isang halagang mahal: ang Paraiso, yayamang nakikipaglaban sila sa mga tagatangging sumampalataya upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan kaya nakapapatay sila ng mga tagatangging sumampalataya at nakapapatay sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh ng gayon ayon sa isang pangakong tapat sa Torah, ang aklat ni Moises, at Ebanghelyo, ang aklat ni Hesus - sumakanilang dalawa ang pangangalaga - at Qur’ān, ang Aklat ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Walang isang higit na palatupad sa tipan kaysa kay Allāh - napakamaluwalhati Niya. Kaya magsaya kayo at matuwa kayo, O mga mananampalataya, sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo kay Allāh sapagkat ang tubo ninyo roon ay isang tubong sukdulan. Ang pagbibilihang iyon ay ang tagumpay na sukdulan.

﴿التَّائِبُونَ الْعَابِدُونَ الْحَامِدُونَ السَّائِحُونَ الرَّاكِعُونَ السَّاجِدُونَ الْآمِرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَالنَّاهُونَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَالْحَافِظُونَ لِحُدُودِ اللَّهِ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ﴾

Ang mga magtatamo ng ganting ito ay ang mga bumalik mula sa kinasusuklaman ni Allāh at kinaiinisan Niya tungo sa naiibigan Niya at kinalulugdan Niya, na mga nagpakaaba bilang takot kay Allāh at pagpapakumbaba kaya naging mataimtim sila sa pagtalima sa Kanya, na mga nagpupuri sa Panginoon nila sa bawat kalagayan, na mga nag-aayuno, na mga nagdarasal, na mga nag-uutos sa ipinag-utos ni Allāh at ipinag-utos ng Sugo Niya, na mga sumasaway sa sinaway ni Allāh at sinaway ng Sugo Niya, at mga nag-iingat sa mga ipinag-uutos ni Allāh sa pamamagitan ng pagsunod at sa mga sinasaway Niya sa pamamagitan ng pag-iwas. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga mananampalatayang nailalarawan sa pamamagitan ng mga katangiang ito ng magpapatuwa sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.

﴿مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَالَّذِينَ آمَنُوا أَنْ يَسْتَغْفِرُوا لِلْمُشْرِكِينَ وَلَوْ كَانُوا أُولِي قُرْبَىٰ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُمْ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ﴾

Hindi nararapat para sa Propeta at hindi nararapat para sa mga mananampalataya na humiling sila ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga tagapagtambal kahit pa man ang mga ito ay mga kamag-anakan nila matapos na lumiwanag sa kanila na ang mga ito ay kabilang sa mga mananahan sa Apoy dahil sa pagkamatay ng mga ito sa shirk.

﴿وَمَا كَانَ اسْتِغْفَارُ إِبْرَاهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَنْ مَوْعِدَةٍ وَعَدَهَا إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ أَنَّهُ عَدُوٌّ لِلَّهِ تَبَرَّأَ مِنْهُ ۚ إِنَّ إِبْرَاهِيمَ لَأَوَّاهٌ حَلِيمٌ﴾

Walang ibang dahilan ang paghiling ni Abraham ng kapatawaran para sa ama niya malibang dahil sa pangako niya roon na talagang hihiling nga siya nito para roon sa pag-asang maligtas iyon. Ngunit noong lumiwanag kay Abraham na ang ama niya ay isang kaaway kay Allāh dahil sa kawalan ng pakinabang sa pagpapayo roon o dahil sa kaalaman niya sa pamamagitan ng pagsisiwalat na ang ama niya ay mamatay na isang tagatangging sumampalataya, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Ang paghingi niya ng kapatawaran para roon ay isang pagsisikap [na makatulong] mula sa kanya, hindi pagsalungat sa patakarang isiniwalat ni Allāh sa kanya. Tunay na si Abraham - sumakanya ang pangangalaga - ay talagang madalas ang pagsusumamo, madalas ang pagpapaumanhin at ang pagpapalampas sa [kasalanan ng] mga tagalabag ng katarungan.

﴿وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُضِلَّ قَوْمًا بَعْدَ إِذْ هَدَاهُمْ حَتَّىٰ يُبَيِّنَ لَهُمْ مَا يَتَّقُونَ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

Hindi nangyaring si Allāh ay humatol sa mga tao ng pagkaligaw matapos na itinuon Niya sila sa patnubay hanggang sa nilinaw Niya sa kanila ang mga ipinagbabawal na kinakailangang iwasan. Kaya kung ginawa nila ang ipinagbawal sa kanila matapos ng paglilinaw sa pagbabawal nito ay hahatulan sila ng pagkaligaw. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman. Tunay na nagturo Siya sa inyo ng hindi ninyo nalalaman dati.

﴿إِنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۚ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ﴾

Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at paghahari sa lupa. Walang katambal sa Kanya sa mga ito. Walang naikukubli sa Kanya sa mga ito na isang maikukubli. Nagbibigay Siya ng buhay sa sinumang niloob Niyang bigyan ng buhay at bumabawi Siya ng buhay sa sinumang niloob Niyang bawian ng buhay. Hindi kayo, O mga tao, magkakaroon ng iba pa kay Allāh ng tatangkilik sa mga kapakanan ninyo at hindi kayo magkakaroon ng isang mapag-adyang magtutulak palayo sa inyo ng kasagwaan at mag-aadya sa inyo laban sa kaaway ninyo.

﴿لَقَدْ تَابَ اللَّهُ عَلَى النَّبِيِّ وَالْمُهَاجِرِينَ وَالْأَنْصَارِ الَّذِينَ اتَّبَعُوهُ فِي سَاعَةِ الْعُسْرَةِ مِنْ بَعْدِ مَا كَادَ يَزِيغُ قُلُوبُ فَرِيقٍ مِنْهُمْ ثُمَّ تَابَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّهُ بِهِمْ رَءُوفٌ رَحِيمٌ﴾

Talaga ngang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob kay Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - nang nagpahintulot ito sa mga mapagpanggap sa pananampalataya sa pagpapaiwan palayo sa pagsalakay sa Tabūk.
Talaga ngang tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa mga lumikas at sa mga tagaadya na mga hindi nagpaiwan palayo roon, bagkus sumunod sa Propeta sa pagsalakay sa Tabūk sa kabila ng tindi ng init, kakauntian ng yaman, at lakas ng mga kaaway, matapos na halos kumiling ang mga puso ng isang pangkatin kabilang sa kanila na nagbalak iwan ang pagsalakay dahil sila ay dumaranas ng mabigat na kagipitan. Pagkatapos ay nagtuon sa kanila si Allāh sa katatagan at paglisan sa pagsalakay, at tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na Siya - napakamaluwalhati Niya - ay Mahabagin sa kanila, Maawain. Bahagi ng awa Niya sa kanila ang pagtuon sa Kanila sa pagbabalik-loob at pagtanggap nito mula sa kanila.

﴿وَعَلَى الثَّلَاثَةِ الَّذِينَ خُلِّفُوا حَتَّىٰ إِذَا ضَاقَتْ عَلَيْهِمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ وَضَاقَتْ عَلَيْهِمْ أَنْفُسُهُمْ وَظَنُّوا أَنْ لَا مَلْجَأَ مِنَ اللَّهِ إِلَّا إِلَيْهِ ثُمَّ تَابَ عَلَيْهِمْ لِيَتُوبُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ﴾

Talaga ngang nagpatawad si Allāh sa tatlo.
Sila ay sina , Ka`b bin Mālik,Murārah bin Ar-Rabī` at Hilāl bin Umayyah, na mga iniwanan sa pagbabalik-loob at ipinahuli ang pagtanggap sa pagbabalik-loob nila matapos ng pagpapaiwan nila sa paglisan kasama ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - papuntang Tabūk. Nag-utos ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa mga tao ng pag-iwas sa kanila.
Dinapuan sila ng lungkot at lumbay dahil doon hanggang sa sumikip sa kanila ang lupa sa kabila ng luwang nito, sumikip ang mga dibdib nila dahil sa nangyari sa kanilang pangungulila, at nalaman nila na walang kanlungan para sa kanila na makakanlungan nila kundi kay Allāh - tanging sa Kanya. Naawa Siya sa kanila sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanila sa pagbabalik-loob. Pagkatapos ay tinanggap Niya ang pagbabalik-loob nila. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagsisisi sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَكُونُوا مَعَ الصَّادِقِينَ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh, sumunod sa Sugo Niya, at gumawa ayon sa batas Niya, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at maging kasama kayo ng mga tapat sa pananampalataya nila, mga sinasabi nila, at mga ginagawa nila sapagkat walang kaligtasan para sa inyo kundi sa pagpapakatotoo.

﴿مَا كَانَ لِأَهْلِ الْمَدِينَةِ وَمَنْ حَوْلَهُمْ مِنَ الْأَعْرَابِ أَنْ يَتَخَلَّفُوا عَنْ رَسُولِ اللَّهِ وَلَا يَرْغَبُوا بِأَنْفُسِهِمْ عَنْ نَفْسِهِ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ لَا يُصِيبُهُمْ ظَمَأٌ وَلَا نَصَبٌ وَلَا مَخْمَصَةٌ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا يَطَئُونَ مَوْطِئًا يَغِيظُ الْكُفَّارَ وَلَا يَنَالُونَ مِنْ عَدُوٍّ نَيْلًا إِلَّا كُتِبَ لَهُمْ بِهِ عَمَلٌ صَالِحٌ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ﴾

Hindi ukol sa mga naninirahan sa Madīnah ni ukol sa sinumang nasa palibot nila kabilang sa mga naninirahan sa ilang na magpaiwan sila palayo sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kapag lumisan siya mismo patungo sa pakikibaka. Hindi ukol sa kanila na magmaramot sila ng mga sarili nila at mangalaga ng mga ito higit sa sarili niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Bagkus ang kinakailangan sa kanila ay magkaloob ng mga sarili nila sa halip ng sarili niya.
Iyon ay dahil sila ay hindi dinadapuan ng isang pagkauhaw ni ng isang pagkapagod ni ng isang kagutuman dahil sa landas ni Allāh, hindi nanuluyan sa isang pook na ang kairalan nila ay pumupukaw sa ngitngit ng mga tagatangging sumampalataya, at hindi nagkakamit mula sa kaaway ng pagkapatay o pagkabihag o pagkasamsam ng ari-arian o pagkatalo malibang nagtala na si Allāh para sa kanila dahil doon ng isang gawang maayos na tatanggapin Niya mula sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi magwawala ng pabuya sa mga nagmamagandang-loob, bagkus magtutumbas Siya sa kanila nito nang buo at magdaragdag Siya sa kanila roon.

﴿وَلَا يُنْفِقُونَ نَفَقَةً صَغِيرَةً وَلَا كَبِيرَةً وَلَا يَقْطَعُونَ وَادِيًا إِلَّا كُتِبَ لَهُمْ لِيَجْزِيَهُمُ اللَّهُ أَحْسَنَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Hindi sila nagkakaloob ng kaunting yaman ni marami man at hindi sila lumalampas sa isang lambak malibang itinala na para sa kanila ang ginawa nilang anumang pagkakaloob o anumang paglalakbay upang tumbasan sila ni Allāh at bigyan Niya sila sa Kabilang-buhay ng pabuya sa higit na maganda sa ginagawa nila noon.

﴿۞ وَمَا كَانَ الْمُؤْمِنُونَ لِيَنْفِرُوا كَافَّةً ۚ فَلَوْلَا نَفَرَ مِنْ كُلِّ فِرْقَةٍ مِنْهُمْ طَائِفَةٌ لِيَتَفَقَّهُوا فِي الدِّينِ وَلِيُنْذِرُوا قَوْمَهُمْ إِذَا رَجَعُوا إِلَيْهِمْ لَعَلَّهُمْ يَحْذَرُونَ﴾

Hindi nararapat para sa mga sumasampalataya na humayo sila sa pakikipaglaban nang sama-sama upang hindi sila malipol kapag nanaig sa kanila ang kaaway nila.
Kaya bakit hindi humayo sa pakikibaka ang isang pangkat kabilang sa kanila at manatili ang isang pangkat upang samahan ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - magpakaunawa sa relihiyon sa pamamagitan ng naririnig nila mula sa kanya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - mula sa Qur'ān at mga patakaran ng Batas ng Islām, at magbabala sa mga tao nila ng natutunan nila kapag bumalik ang mga ito sa kanila, sa pag-asang mag-iingat sila sa pagdurusa mula kay Allāh at kaparusahan Niya para sumunod sila sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas sila sa mga sinasaway Niya. Ito noon ay sa mga ekspedisyong ipinadadala ng Sugo sa mga pook. Pumipili siya para sa mga ito ng isang pangkatin kabilang sa mga Kasamahan niya.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قَاتِلُوا الَّذِينَ يَلُونَكُمْ مِنَ الْكُفَّارِ وَلْيَجِدُوا فِيكُمْ غِلْظَةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ﴾

Nag-utos si Allāh ng pakikipaglaban sa mga nakakatabi nila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya dahil sa isinasanhi nilang panganib sa mga mananampalataya dahilan sa kalapitan nila. Nag-utos din Siya sa kanila na magpakita sila ng kalakasan at katindihan alang-alang sa pagpapangilabot sa kanila at pagtutulak sa kasamaan nila. Si Allāh - pagkataas-taas Niya - ay kasama ng mga mananampalatayang tagapangilag sa pagkakasala sa pamamagitan ng tulong Niya at pag-alalay Niya.

﴿وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ فَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ أَيُّكُمْ زَادَتْهُ هَٰذِهِ إِيمَانًا ۚ فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا فَزَادَتْهُمْ إِيمَانًا وَهُمْ يَسْتَبْشِرُونَ﴾

Kapag nagbaba si Allāh ng isang kabanata sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay mayroon sa mga mapagpanggap sa pananampalataya na nagtatanong habang nangungutya at nanunuya: "Alin sa inyo ang nadagdagan ng pananampalataya ng ibinabang kabanatang ito na inihatid ni Muḥammad?" Tungkol sa mga sumampalataya kay Allāh at naniniwala sa Sugo Niya, nagdagdag sa kanila ng pananampalataya sa dating pananampalataya nila ang pagbaba ng kabanata habang sila ay mga pinatutuwa ng bumabang pagsisiwalat dahil sa dulot nitong mga pangmundo at pangkabilang-buhay na pakinabang sa kanila.

﴿وَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ فَزَادَتْهُمْ رِجْسًا إِلَىٰ رِجْسِهِمْ وَمَاتُوا وَهُمْ كَافِرُونَ﴾

Tungkol naman sa mga mapagpanggap sa pananampalataya, tunay na ang pagbaba ng Qur'ān kalakip ng taglay nitong mga patakaran at mga kasaysayan ay nagdagdag sa mga puso nila ng sakit at rimarim dahilan sa pagpapasinungaling nila sa ibinababa. Nadadagdagan ang sakit ng mga puso nila sa pagkadagdag ng pagbaba ng Qur'ān dahil sila, sa tuwing may bumababang anuman, ay nagdududa rito at namatay sila sa kawalang-pananampalataya.

﴿أَوَلَا يَرَوْنَ أَنَّهُمْ يُفْتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٍ مَرَّةً أَوْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمْ يَذَّكَّرُونَ﴾

Hindi ba tumitingin ang mga mapagpanggap sa pananampalataya habang mga nagsasaalang-alang sa pagsubok ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagtatanghal sa kalagayan nila at pagbubunyag sa pagpapanggap nila sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit? Pagkatapos sa kabila ng pagkakaalam nila na si Allāh - pagkataas-taas Niya ay ang tagagawa niyon sa kanila, hindi sila nagbabalik-loob sa Kanya mula sa kawalang-pananampalataya nila, hindi sila kumakalas sa pagpapanggap nila, at hindi sila umaalala sa dumapo sa kanila, na ito ay mula kay Allāh!

﴿وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ نَظَرَ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ هَلْ يَرَاكُمْ مِنْ أَحَدٍ ثُمَّ انْصَرَفُوا ۚ صَرَفَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ﴾

Kapag nagbaba si Allāh ng isang kabanata sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na sa loob nito ay may pagbanggit sa mga kalagayan ng mga mapagpanggap sa pananampalataya ay tumitingin ang ilan sa mga mapagpanggap sa iba habang mga nagsasabi: "May nakakikita ba sa inyong isa man?" Kung hindi sila nakita ng isa man ay lumilisan sila sa pagtitipon. Kaingat! Nagpalihis si Allāh sa mga puso nila palayo sa kapatnubayan at kabutihan at binigo Niya sila dahil sila ay mga taong hindi umuunawa.

﴿لَقَدْ جَاءَكُمْ رَسُولٌ مِنْ أَنْفُسِكُمْ عَزِيزٌ عَلَيْهِ مَا عَنِتُّمْ حَرِيصٌ عَلَيْكُمْ بِالْمُؤْمِنِينَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ﴾

Talaga ngang may dumating sa inyo, O katipunan ng mga Arabe, na isang Sugo kabilang sa lahi ninyo sapagkat siya ay isang Arabe tulad ninyo, na nakahihirap sa kanya ang anumang nakahirap sa inyo, na matindi ang pagkaibig niya sa kapatnubayan ninyo at pagmamalasakit sa inyo, na siya sa mga mananampalataya, lalo na, ay malaki ang pakikiramay at awa.

﴿فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُلْ حَسْبِيَ اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ ۖ وَهُوَ رَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ﴾

Ngunit kung umayaw sila at hindi sumampalataya sa inihatid mo ay sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nakasasapat sa akin si Allāh na walang sinasamba ayon sa karapatan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya - tanging sa Kanya - ako sumalig. Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang Panginoon ng tronong dakila."

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: