الأنفال

تفسير سورة الأنفال

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ يَسْأَلُونَكَ عَنِ الْأَنْفَالِ ۖ قُلِ الْأَنْفَالُ لِلَّهِ وَالرَّسُولِ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَصْلِحُوا ذَاتَ بَيْنِكُمْ ۖ وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

Tinatanong ka nila tungkol sa mga samsam sa digmaan? Sabihin mo: "Ang mga samsam sa digmaan ay ukol kay Allāh at sa Sugo." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at ayusin ninyo ang nasa pagitan ninyo. Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, kung kayo ay mga mananampalataya.

﴿إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَإِذَا تُلِيَتْ عَلَيْهِمْ آيَاتُهُ زَادَتْهُمْ إِيمَانًا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ﴾

Ang mga mananampalataya lamang ay ang mga kapag nabanggit si Allāh ay nababagabag ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila.

﴿الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ﴾

Sila na mga nagpapanatili sa pagdarasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol,

﴿أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُؤْمِنُونَ حَقًّا ۚ لَهُمْ دَرَجَاتٌ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَمَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ﴾

Ang mga iyon ay ang mga mananampalataya, sa totoo. Ukol sa kanila ay mga antas sa ganang Panginoon nila, kapatawaran, at isang panustos na masagana.

﴿كَمَا أَخْرَجَكَ رَبُّكَ مِنْ بَيْتِكَ بِالْحَقِّ وَإِنَّ فَرِيقًا مِنَ الْمُؤْمِنِينَ لَكَارِهُونَ﴾

Gaya ng pagpalabas sa iyo ng Panginoon mo mula sa bahay mo ayon sa katotohanan at tunay na ang isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya ay talagang mga nasusuklam,

﴿يُجَادِلُونَكَ فِي الْحَقِّ بَعْدَمَا تَبَيَّنَ كَأَنَّمَا يُسَاقُونَ إِلَى الْمَوْتِ وَهُمْ يَنْظُرُونَ﴾

nakikipagtalo sila sa iyo hinggil sa katotohanan matapos luminaw ito, para bang inaakay sila sa kamatayan habang sila ay nakatingin.

﴿وَإِذْ يَعِدُكُمُ اللَّهُ إِحْدَى الطَّائِفَتَيْنِ أَنَّهَا لَكُمْ وَتَوَدُّونَ أَنَّ غَيْرَ ذَاتِ الشَّوْكَةِ تَكُونُ لَكُمْ وَيُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُحِقَّ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ وَيَقْطَعَ دَابِرَ الْكَافِرِينَ﴾

[Banggitin] noong nangangako sa inyo si Allāh ng isa sa dalawang pangkatin, na ito ay ukol sa inyo at iniibig ninyo na ang walang taglay na sandata ay magiging ukol sa inyo, ngunit nagnanais si Allāh na patotohanan ang katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya at putulin ang ugat ng mga tagatangging sumampalataya

﴿لِيُحِقَّ الْحَقَّ وَيُبْطِلَ الْبَاطِلَ وَلَوْ كَرِهَ الْمُجْرِمُونَ﴾

upang patotohanan Niya ang katotohanan at pabulaanan Niya ang kabulaanan, kahit pa man masuklam ang mga salarin.

﴿إِذْ تَسْتَغِيثُونَ رَبَّكُمْ فَاسْتَجَابَ لَكُمْ أَنِّي مُمِدُّكُمْ بِأَلْفٍ مِنَ الْمَلَائِكَةِ مُرْدِفِينَ﴾

[Banggitin] noong nagpasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo, [na nagsasabi]: "Tunay na Ako ay aayuda sa inyo ng isang libong anghel na magkakasunud-sunod."

﴿وَمَا جَعَلَهُ اللَّهُ إِلَّا بُشْرَىٰ وَلِتَطْمَئِنَّ بِهِ قُلُوبُكُمْ ۚ وَمَا النَّصْرُ إِلَّا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Hindi ginawa iyon ni Allāh kundi bilang isang balitang nakalulugod at upang mapanatag doon ang mga puso ninyo. Walang pagwawagi kundi mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.

﴿إِذْ يُغَشِّيكُمُ النُّعَاسَ أَمَنَةً مِنْهُ وَيُنَزِّلُ عَلَيْكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً لِيُطَهِّرَكُمْ بِهِ وَيُذْهِبَ عَنْكُمْ رِجْزَ الشَّيْطَانِ وَلِيَرْبِطَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمْ وَيُثَبِّتَ بِهِ الْأَقْدَامَ﴾

[Banggitin] noong nilulukob Niya kayo ng pagkaantok bilang isang katiwasayan mula sa Kanya at nagpapababa Siya sa inyo mula sa langit ng tubig upang magdalisay sa inyo sa pamamagitan nito at mag-alis sa inyo ng sulsol ng demonyo, at upang patibayin Niya ang mga puso at patatagin Niya ang mga paa ninyo.

﴿إِذْ يُوحِي رَبُّكَ إِلَى الْمَلَائِكَةِ أَنِّي مَعَكُمْ فَثَبِّتُوا الَّذِينَ آمَنُوا ۚ سَأُلْقِي فِي قُلُوبِ الَّذِينَ كَفَرُوا الرُّعْبَ فَاضْرِبُوا فَوْقَ الْأَعْنَاقِ وَاضْرِبُوا مِنْهُمْ كُلَّ بَنَانٍ﴾

[Banggitin] noong nagsisiwalat ang Panginoon mo sa mga anghel, [na nagsasabi]: "Tunay na Ako ay kasama ninyo kaya patatagin ninyo ang mga sumampalataya. Magpupukol Ako sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya ng hilakbot, kaya humagupit kayo sa ibabaw ng mga leeg at humagupit kayo mula sa kanila sa bawat daliri."

﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ شَاقُّوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ وَمَنْ يُشَاقِقِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾

Iyon ay dahil sa sila ay nakipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang makipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya, tunay na si Allāh ay matindi ang pagpaparusa.

﴿ذَٰلِكُمْ فَذُوقُوهُ وَأَنَّ لِلْكَافِرِينَ عَذَابَ النَّارِ﴾

Iyon [ay ukol sa inyo], kaya lasapin ninyo ito; at ukol sa mga tumatangging sumampalataya ay ang pagdurusa sa Apoy.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا لَقِيتُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا زَحْفًا فَلَا تُوَلُّوهُمُ الْأَدْبَارَ﴾

O mga sumampalataya, kapag nakatagpo ninyo ang mga tumangging sumampalataya na sumusulong [sa labanan] ay huwag kayong magbaling sa kanila ng mga likod.

﴿وَمَنْ يُوَلِّهِمْ يَوْمَئِذٍ دُبُرَهُ إِلَّا مُتَحَرِّفًا لِقِتَالٍ أَوْ مُتَحَيِّزًا إِلَىٰ فِئَةٍ فَقَدْ بَاءَ بِغَضَبٍ مِنَ اللَّهِ وَمَأْوَاهُ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾

Ang sinumang magbaling sa kanila sa gayong araw ng likod niya – malibang gumigilid para sa pakikipaglaban o sumasama sa isang hukbo – ay babalik na may dalang galit mula kay Allāh. Ang kanlungan niya ay ang Apoy. Kaaba-aba ang kahahantungan!

﴿فَلَمْ تَقْتُلُوهُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ قَتَلَهُمْ ۚ وَمَا رَمَيْتَ إِذْ رَمَيْتَ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ رَمَىٰ ۚ وَلِيُبْلِيَ الْمُؤْمِنِينَ مِنْهُ بَلَاءً حَسَنًا ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

Hindi kayo pumatay sa kanila, subalit si Allāh ay pumatay sa kanila. Hindi ka bumato nang bumato ka, subalit si Allāh ay bumato at upang subukin Niya ang mga mananampalataya ng isang magandang pagsubok mula sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam.

﴿ذَٰلِكُمْ وَأَنَّ اللَّهَ مُوهِنُ كَيْدِ الْكَافِرِينَ﴾

Iyon nga, at na si Allāh ay nagpapahina sa pakana ng mga tumatangging sumampalataya.

﴿إِنْ تَسْتَفْتِحُوا فَقَدْ جَاءَكُمُ الْفَتْحُ ۖ وَإِنْ تَنْتَهُوا فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَإِنْ تَعُودُوا نَعُدْ وَلَنْ تُغْنِيَ عَنْكُمْ فِئَتُكُمْ شَيْئًا وَلَوْ كَثُرَتْ وَأَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُؤْمِنِينَ﴾

Kung humihiling kayo ng pasya ay dumating na sa inyo ang kapasyahan. Kung titigil kayo, ito ay mabuti para sa inyo. Kung manunumbalik kayo ay manunumbalik Kami, at hindi makapagdudulot sa inyo ang pangkatin ninyo ng anuman kahit pa man dumami ito. Si Allāh ay kasama ng mga mananampalataya.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَا تَوَلَّوْا عَنْهُ وَأَنْتُمْ تَسْمَعُونَ﴾

O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, at huwag kayong tumalikod sa kanya habang kayo ay nakaririnig.

﴿وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ قَالُوا سَمِعْنَا وَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ﴾

Huwag kayong maging gaya ng mga nagsabi: "Narinig namin," samantalang sila ay hindi nakaririnig.

﴿۞ إِنَّ شَرَّ الدَّوَابِّ عِنْدَ اللَّهِ الصُّمُّ الْبُكْمُ الَّذِينَ لَا يَعْقِلُونَ﴾

Tunay na ang pinakamasama sa mga kumikilos na nilalang sa ganang kay Allāh ay ang mga bingi at ang mga pipi, na hindi umuunawa.

﴿وَلَوْ عَلِمَ اللَّهُ فِيهِمْ خَيْرًا لَأَسْمَعَهُمْ ۖ وَلَوْ أَسْمَعَهُمْ لَتَوَلَّوْا وَهُمْ مُعْرِضُونَ﴾

Kung sakaling nakaalam si Allāh sa kanila ng anumang mabuti, talaga sanang pinakinig Niya sila; at kung sakaling pinakinig man Niya sila, talaga sanang tatalikod sila habang sila ay mga umaayaw.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اسْتَجِيبُوا لِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ إِذَا دَعَاكُمْ لِمَا يُحْيِيكُمْ ۖ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَحُولُ بَيْنَ الْمَرْءِ وَقَلْبِهِ وَأَنَّهُ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ﴾

O mga sumampalataya, tumugon kayo kay Allāh at sa Sugo kapag inanyayahan niya kayo sa magbubuhay sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay humaharang sa pagitan ng tao at puso nito at na sa Kanya kayo titipunin.

﴿وَاتَّقُوا فِتْنَةً لَا تُصِيبَنَّ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْكُمْ خَاصَّةً ۖ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾

Mangilag kayo sa isang pagsubok na hindi nga dadapo nang natatangi sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang pagpaparusa.

﴿وَاذْكُرُوا إِذْ أَنْتُمْ قَلِيلٌ مُسْتَضْعَفُونَ فِي الْأَرْضِ تَخَافُونَ أَنْ يَتَخَطَّفَكُمُ النَّاسُ فَآوَاكُمْ وَأَيَّدَكُمْ بِنَصْرِهِ وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ﴾

Banggitin ninyo noong kayo ay kaunti na mga sinisiil sa lupa, na nangangamba kayo na daklutin kayo ng mga tao, ngunit kinanlong Niya kayo, inayudahan Niya sa pamamagitan ng pag-aadya Niya, at tinustusan Niya kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَخُونُوا اللَّهَ وَالرَّسُولَ وَتَخُونُوا أَمَانَاتِكُمْ وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ﴾

O mga sumampalataya, huwag kayong magtaksil kay Allāh at sa Sugo at huwag kayong magtaksil sa mga ipinagkatiwala sa inyo habang kayo ay nakaaalam.

﴿وَاعْلَمُوا أَنَّمَا أَمْوَالُكُمْ وَأَوْلَادُكُمْ فِتْنَةٌ وَأَنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ أَجْرٌ عَظِيمٌ﴾

Alamin ninyo na ang mga ari-arian ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso at na si Allāh ay may isang gantimpalang sukdulan.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنْ تَتَّقُوا اللَّهَ يَجْعَلْ لَكُمْ فُرْقَانًا وَيُكَفِّرْ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ﴾

O mga sumampalataya, kung mangingilag kayong magkasala kay Allāh ay gagawa Siya para sa inyo ng isang pamantayan, magtatakip Siya para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo, at magpapatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay ang may kabutihang-loob na sukdulan.

﴿وَإِذْ يَمْكُرُ بِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِيُثْبِتُوكَ أَوْ يَقْتُلُوكَ أَوْ يُخْرِجُوكَ ۚ وَيَمْكُرُونَ وَيَمْكُرُ اللَّهُ ۖ وَاللَّهُ خَيْرُ الْمَاكِرِينَ﴾

[Banggitin] noong nanlalansi sa iyo ang mga tumangging sumampalataya upang bihagin ka nila o patayin ka nila o palayasin ka nila. Nanlalansi sila at nanlalansi si Allāh at si Allāh ay pinakamabuti sa mga nanlalansi.

﴿وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا قَالُوا قَدْ سَمِعْنَا لَوْ نَشَاءُ لَقُلْنَا مِثْلَ هَٰذَا ۙ إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ﴾

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin ay nagsasabi sila: "Narinig na namin; kung sakaling loloobin namin ay talaga sanang nagsabi kami ng tulad nito; walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna."

﴿وَإِذْ قَالُوا اللَّهُمَّ إِنْ كَانَ هَٰذَا هُوَ الْحَقَّ مِنْ عِنْدِكَ فَأَمْطِرْ عَلَيْنَا حِجَارَةً مِنَ السَّمَاءِ أَوِ ائْتِنَا بِعَذَابٍ أَلِيمٍ﴾

[Banggitin] noong nagsabi sila: "O Allāh, kung ito ay ang katotohanan mula sa ganang Iyo, magpaulan Ka sa amin ng mga bato mula sa langit o magdala Ka sa amin ng isang pagdurusang masakit."

﴿وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمْ وَأَنْتَ فِيهِمْ ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ مُعَذِّبَهُمْ وَهُمْ يَسْتَغْفِرُونَ﴾

Hindi mangyayaring si Allāh ay nauukol magparusa sa kanila habang ikaw ay nasa piling nila. Hindi mangyayaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran.

﴿وَمَا لَهُمْ أَلَّا يُعَذِّبَهُمُ اللَّهُ وَهُمْ يَصُدُّونَ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَمَا كَانُوا أَوْلِيَاءَهُ ۚ إِنْ أَوْلِيَاؤُهُ إِلَّا الْمُتَّقُونَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Ano ang mayroon sa kanila na hindi magpaparusa sa kanila si Allāh samantalang sila ay sumasagabal sa Masjid na Pinakababanal at sila naman ay hindi mga katangkilik Niya? Walang iba ang mga katangkilik Niya kundi ang mga nangingilag magkasala, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

﴿وَمَا كَانَ صَلَاتُهُمْ عِنْدَ الْبَيْتِ إِلَّا مُكَاءً وَتَصْدِيَةً ۚ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُونَ﴾

Walang iba ang pagdarasal nila sa tabi ng Bahay ni Allāh kundi sipol at palakpak. Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil sa kayo noon ay tumatangging sumampalataya.

﴿إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ لِيَصُدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ فَسَيُنْفِقُونَهَا ثُمَّ تَكُونُ عَلَيْهِمْ حَسْرَةً ثُمَّ يُغْلَبُونَ ۗ وَالَّذِينَ كَفَرُوا إِلَىٰ جَهَنَّمَ يُحْشَرُونَ﴾

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay gumugugol ng mga yaman nila upang humadlang sa landas ni Allāh. Kaya gugugol sila ng mga ito, pagkatapos sa kanila ito ay magiging isang hinagpis, pagkatapos ay madadaig sila. Ang mga tumangging sumampalataya ay sa Impiyerno titipunin

﴿لِيَمِيزَ اللَّهُ الْخَبِيثَ مِنَ الطَّيِّبِ وَيَجْعَلَ الْخَبِيثَ بَعْضَهُ عَلَىٰ بَعْضٍ فَيَرْكُمَهُ جَمِيعًا فَيَجْعَلَهُ فِي جَهَنَّمَ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ﴾

Upang itangi ni Allāh ang karima-rimarim sa kaaya-aya at ilagay Niya ang mga karima-rimarim – ang ilan sa mga iyon ay nasa ibabaw ng iba – para itumpok Niya ang mga iyon sa kalahatan para ilagay ang mga iyon sa Impiyerno. Ang mga iyon ay ang mga lugi.

﴿قُلْ لِلَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ يَنْتَهُوا يُغْفَرْ لَهُمْ مَا قَدْ سَلَفَ وَإِنْ يَعُودُوا فَقَدْ مَضَتْ سُنَّتُ الْأَوَّلِينَ﴾

Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya na kung titigil sila ay magpapatawad sa kanila sa anumang nakalipas na; ngunit kung manunumbalik sila ay nagdaan na ang kalakaran sa mga nauna.

﴿وَقَاتِلُوهُمْ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتْنَةٌ وَيَكُونَ الدِّينُ كُلُّهُ لِلَّهِ ۚ فَإِنِ انْتَهَوْا فَإِنَّ اللَّهَ بِمَا يَعْمَلُونَ بَصِيرٌ﴾

Makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa wala nang nangyayaring ligalig at ang relihiyon sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh. Ngunit kung tumigil sila, tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila ay Nakakikita.

﴿وَإِنْ تَوَلَّوْا فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَوْلَاكُمْ ۚ نِعْمَ الْمَوْلَىٰ وَنِعْمَ النَّصِيرُ﴾

Kung tatalikod sila, alamin ninyo na si Allāh ay Tagatangkilik ninyo. Kay inam na Tagatangkilik at kay inam na Tagaadya.

﴿۞ وَاعْلَمُوا أَنَّمَا غَنِمْتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَأَنَّ لِلَّهِ خُمُسَهُ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ إِنْ كُنْتُمْ آمَنْتُمْ بِاللَّهِ وَمَا أَنْزَلْنَا عَلَىٰ عَبْدِنَا يَوْمَ الْفُرْقَانِ يَوْمَ الْتَقَى الْجَمْعَانِ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Alamin ninyo na ang nasamsam ninyo [sa digmaan] na anumang bagay ay tunay na ukol kay Allāh ang ikalima nito at ukol sa Sugo, sa mga may pinakamalapit na pagkakaanak [sa kanya], sa mga ulila, sa mga dukha, sa manlalakbay na kinapos sa daan, kung nangyaring kayo ay sumampalataya na kay Allāh at sa ibinaba sa Lingkod Namin sa araw ng Pagtatangi nang araw na nagtagpo ang dalawang pangkat. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

﴿إِذْ أَنْتُمْ بِالْعُدْوَةِ الدُّنْيَا وَهُمْ بِالْعُدْوَةِ الْقُصْوَىٰ وَالرَّكْبُ أَسْفَلَ مِنْكُمْ ۚ وَلَوْ تَوَاعَدْتُمْ لَاخْتَلَفْتُمْ فِي الْمِيعَادِ ۙ وَلَٰكِنْ لِيَقْضِيَ اللَّهُ أَمْرًا كَانَ مَفْعُولًا لِيَهْلِكَ مَنْ هَلَكَ عَنْ بَيِّنَةٍ وَيَحْيَىٰ مَنْ حَيَّ عَنْ بَيِّنَةٍ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَسَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

[Banggitin] noong kayo ay nasa pampang na pinakamalapit at sila ay na sa pampang na pinakamalayo at ang karaban ay nasa higit na mababa kaysa sa inyo.
Kung sakaling nagtipanan kayo ay talaga sanang nagkaiba-iba kayo sa tipanan subalit [nagkatagpo kayo] upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin upang masawi ang sinumang masasawi ayon sa isang malinaw na patunay at mabuhay ang sinumang mabubuhay ayon sa isang malinaw na patunay. Tunay na si Allāh ay talagang Madinigin, Maalam.

﴿إِذْ يُرِيكَهُمُ اللَّهُ فِي مَنَامِكَ قَلِيلًا ۖ وَلَوْ أَرَاكَهُمْ كَثِيرًا لَفَشِلْتُمْ وَلَتَنَازَعْتُمْ فِي الْأَمْرِ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ سَلَّمَ ۗ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ﴾

[Banggitin] noong ipinakita sila sa iyo ni Allāh sa pananaginip mo na kaunti; ngunit kung sakaling ipinakita Niya sa iyo sila bilang marami ay talaga sanang napanghinaan kayo ng loob at talaga sanang nagkahidwaan kayo sa usapin subalit si Allāh ay nagpaligtas sa inyo. Tunay na Siya ay Maalam sa nasa kimkim ng mga dibdib.

﴿وَإِذْ يُرِيكُمُوهُمْ إِذِ الْتَقَيْتُمْ فِي أَعْيُنِكُمْ قَلِيلًا وَيُقَلِّلُكُمْ فِي أَعْيُنِهِمْ لِيَقْضِيَ اللَّهُ أَمْرًا كَانَ مَفْعُولًا ۗ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ﴾

[Banggitin] noong ipinakita Niya sa inyo sila, noong nagtagpo kayo, sa mga mata ninyo bilang kaunti ngunit pinangangaunti Niya kayo sa mga mata nila upang magpatupad Siya ng isang bagay na mangyayaring gagawin. Tungo kay Allāh ibinabalik ang mga usapin.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا لَقِيتُمْ فِئَةً فَاثْبُتُوا وَاذْكُرُوا اللَّهَ كَثِيرًا لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾

O mga sumampalataya, kapag may nakatagpo kayong isang pangkat ay magpakatatag kayo at alalahanin ninyo si Allāh nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

﴿وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَا تَنَازَعُوا فَتَفْشَلُوا وَتَذْهَبَ رِيحُكُمْ ۖ وَاصْبِرُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ مَعَ الصَّابِرِينَ﴾

Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong maghidwaan para panghinaan kayo ng loob at maalis ang lakas ninyo, at magtiis kayo; tunay na si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis.

﴿وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ خَرَجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ بَطَرًا وَرِئَاءَ النَّاسِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطٌ﴾

Huwag kayong maging gaya ng mga lumabas mula sa mga tahanan nila dala ng kayabangan at pagpapakitang-gilas sa mga tao at sumasagabal sa landas ni Allāh. Si Allāh sa anumang ginagawa nila ay nakasasaklaw.

﴿وَإِذْ زَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ وَقَالَ لَا غَالِبَ لَكُمُ الْيَوْمَ مِنَ النَّاسِ وَإِنِّي جَارٌ لَكُمْ ۖ فَلَمَّا تَرَاءَتِ الْفِئَتَانِ نَكَصَ عَلَىٰ عَقِبَيْهِ وَقَالَ إِنِّي بَرِيءٌ مِنْكُمْ إِنِّي أَرَىٰ مَا لَا تَرَوْنَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ ۚ وَاللَّهُ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾

[Banggitin] noong ipinaakit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila at nagsabi siya: "Walang makagagapi sa inyo sa araw na ito kabilang sa mga tao at tunay na ako ay isang tagakanlong para sa inyo." Ngunit noong nagkakitaan ang dalawang pangkat ay umurong siya sa mga sakong niya at nagsasabi: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo; tunay na ako ay nakakikita ng hindi ninyo nakikita; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh. Si Allāh ay matindi ang pagpaparusa."

﴿إِذْ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ غَرَّ هَٰؤُلَاءِ دِينُهُمْ ۗ وَمَنْ يَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ فَإِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagkunwari sa pananampalataya at ang mga nasa puso nila ay may karamdaman: "Luminlang sa mga ito ang relihiyon nila." Ngunit ang sinumang nanalig kay Allāh ay tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.

﴿وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ يَتَوَفَّى الَّذِينَ كَفَرُوا ۙ الْمَلَائِكَةُ يَضْرِبُونَ وُجُوهَهُمْ وَأَدْبَارَهُمْ وَذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ﴾

Kung sakaling nakikita mo kapag nagpapanaw sa mga tumangging sumasampalataya ang mga anghel habang humahagupit sa mga mukha nila at mga likod nila, at [nagsasabi]: "Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pagkasunog."

﴿ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيكُمْ وَأَنَّ اللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِلْعَبِيدِ﴾

Iyon ay dahil sa ipinaunang gawa ng mga kamay ninyo at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.

﴿كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾

Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga kabilang sa nauna sa kanila, tumanggi silang sumampalataya sa mga tanda ni Allāh kaya kinuha sila ni Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay malakas, matindi ang pagpaparusa.

﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ لَمْ يَكُ مُغَيِّرًا نِعْمَةً أَنْعَمَهَا عَلَىٰ قَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا مَا بِأَنْفُسِهِمْ ۙ وَأَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ﴾

Iyon ay dahil sa si Allāh ay hindi nangyaring nag-iiba sa isang biyayang ibiniyaya Niya sa mga tao hanggang sa iniiba nila ang nasa mga sarili nila, at na si Allāh ay Madinigin, Maaalam.

﴿كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَّبُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ فَأَهْلَكْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ وَأَغْرَقْنَا آلَ فِرْعَوْنَ ۚ وَكُلٌّ كَانُوا ظَالِمِينَ﴾

Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga kabilang sa nauna sa kanila, nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya pinasawi sila dahil sa mga pagkakasala nila at nilunod ang mga kampon ni Paraon. Lahat sila noon ay mga tagalabag sa katarungan.

﴿إِنَّ شَرَّ الدَّوَابِّ عِنْدَ اللَّهِ الَّذِينَ كَفَرُوا فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ﴾

Tunay na pinakamasama sa mga palausad sa ganang kay Allāh ay ang mga tumangging sumampalataya sapagkat sila ay hindi sasampalataya.

﴿الَّذِينَ عَاهَدْتَ مِنْهُمْ ثُمَّ يَنْقُضُونَ عَهْدَهُمْ فِي كُلِّ مَرَّةٍ وَهُمْ لَا يَتَّقُونَ﴾

Yaong mga nakipagkasunduan ka sa kanila, pagkatapos ay sumira sila sa kasunduan nila sa bawat pagkakataon habang sila ay hindi nangingilag magkasala.

﴿فَإِمَّا تَثْقَفَنَّهُمْ فِي الْحَرْبِ فَشَرِّدْ بِهِمْ مَنْ خَلْفَهُمْ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ﴾

Kaya kung makasusumpong ka nga sa kanila sa digmaan ay magpawatak-watak ka sa kanila sa sinumang nasa likuran nila nang sa gayon sila ay makapag-aalaala.

﴿وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِنْ قَوْمٍ خِيَانَةً فَانْبِذْ إِلَيْهِمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْخَائِنِينَ﴾

Kung mangangamba ka nga sa mga tao ng isang pagtataksil ay ibato mo sa kanila [ang kasunduan upang maging] ayon sa pagkakapantay. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga nagtataksil.

﴿وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا سَبَقُوا ۚ إِنَّهُمْ لَا يُعْجِزُونَ﴾

Huwag ngang mag-aakala ang mga tumangging sumampalataya na makalulusot sila. Tunay na sila ay hindi makapagpapahina [kay Allāh].

﴿وَأَعِدُّوا لَهُمْ مَا اسْتَطَعْتُمْ مِنْ قُوَّةٍ وَمِنْ رِبَاطِ الْخَيْلِ تُرْهِبُونَ بِهِ عَدُوَّ اللَّهِ وَعَدُوَّكُمْ وَآخَرِينَ مِنْ دُونِهِمْ لَا تَعْلَمُونَهُمُ اللَّهُ يَعْلَمُهُمْ ۚ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ شَيْءٍ فِي سَبِيلِ اللَّهِ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تُظْلَمُونَ﴾

Maghanda kayo para sa kanila ng nakaya ninyo gaya ng isang lakas at gaya ng mga kawan ng mga kabayo na magpapangilabot kayo sa pamamagitan ng mga ito sa kaaway ni Allāh, kaaway ninyo, at mga iba pa bukod pa sa kanilang hindi ninyo nalalaman, na nakaaalam si Allāh sa mga ito. Ang ginugugol ninyo na anuman ayon sa landas ni Allāh ay tutumbasan sa inyo habang kayo ay hindi nilalabag sa katarungan.

﴿۞ وَإِنْ جَنَحُوا لِلسَّلْمِ فَاجْنَحْ لَهَا وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ﴾

Kung kumiling sila sa kapayapaan ay kumiling ka roon at manalig ka kay Allāh. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

﴿وَإِنْ يُرِيدُوا أَنْ يَخْدَعُوكَ فَإِنَّ حَسْبَكَ اللَّهُ ۚ هُوَ الَّذِي أَيَّدَكَ بِنَصْرِهِ وَبِالْمُؤْمِنِينَ﴾

Kung ninanais nilang linlangin ka, tunay na sapat sa iyo si Allāh. Siya ang umalalay sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at sa pamamagitan ng mga mananampalataya.

﴿وَأَلَّفَ بَيْنَ قُلُوبِهِمْ ۚ لَوْ أَنْفَقْتَ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا مَا أَلَّفْتَ بَيْنَ قُلُوبِهِمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ أَلَّفَ بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Nagpatugma Siya sa pagitan ng mga puso nila. Kung sakaling ginugol mo ang nasa lupa nang lahatan ay hindi ka makapagtutugma sa pagitan ng mga puso nila subalit si Allāh ang nagpatugma sa pagitan nila. Tunay na Siya ay Makapangyarihan, Marunong.

﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ حَسْبُكَ اللَّهُ وَمَنِ اتَّبَعَكَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ﴾

O Propeta, sapat sa iyo si Allāh at sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.

﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ حَرِّضِ الْمُؤْمِنِينَ عَلَى الْقِتَالِ ۚ إِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ عِشْرُونَ صَابِرُونَ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ مِائَةٌ يَغْلِبُوا أَلْفًا مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ﴾

O Propeta, udyukan mo ang mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Kung kabilang sa inyo ay may dalawampung magtitiis, gagapi sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay may isang daan, gagapi sila ng isang libo kabilang sa mga tumangging sumampalataya dahil sila ay mga taong hindi nakauunawa.

﴿الْآنَ خَفَّفَ اللَّهُ عَنْكُمْ وَعَلِمَ أَنَّ فِيكُمْ ضَعْفًا ۚ فَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ مِائَةٌ صَابِرَةٌ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ أَلْفٌ يَغْلِبُوا أَلْفَيْنِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ مَعَ الصَّابِرِينَ﴾

Ngayon, nagpagaan si Allāh sa inyo at nalalaman Niya na sa inyo ay may kahinaan. Kaya kung kabilang sa inyo ay may isang daang magtitiis, gagapi sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay may isang libo, gagapi sila ng dalawang libo ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis.

﴿مَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَنْ يَكُونَ لَهُ أَسْرَىٰ حَتَّىٰ يُثْخِنَ فِي الْأَرْضِ ۚ تُرِيدُونَ عَرَضَ الدُّنْيَا وَاللَّهُ يُرِيدُ الْآخِرَةَ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Hindi naging ukol sa isang propeta na mayroon siyang mga bihag hanggang sa nanlipol siya sa lupa. Ninanais ninyo ang mahihita sa lupa samantalang si Allāh ay nagnanais ng Kabilang-buhay. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.

﴿لَوْلَا كِتَابٌ مِنَ اللَّهِ سَبَقَ لَمَسَّكُمْ فِيمَا أَخَذْتُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ﴾

Kung hindi sa isang atas mula kay Allāh na nauna ay talaga sanang nasaling kayo dahil sa kinuha ninyo ng isang pagdurusang sukdulan.

﴿فَكُلُوا مِمَّا غَنِمْتُمْ حَلَالًا طَيِّبًا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Kaya kumain kayo mula sa nasamsam ninyo [sa digmaan] ng ipinahihintulot na kaaya-aya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِمَنْ فِي أَيْدِيكُمْ مِنَ الْأَسْرَىٰ إِنْ يَعْلَمِ اللَّهُ فِي قُلُوبِكُمْ خَيْرًا يُؤْتِكُمْ خَيْرًا مِمَّا أُخِذَ مِنْكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

O Propeta, sabihin mo sa sinumang nasa mga kamay ninyo na mga bihag: "Kung nakaaalam si Allāh sa mga puso ninyo ng isang mabuti ay magbibigay Siya sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kinuha mula sa inyo at magpapatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."

﴿وَإِنْ يُرِيدُوا خِيَانَتَكَ فَقَدْ خَانُوا اللَّهَ مِنْ قَبْلُ فَأَمْكَنَ مِنْهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾

Kung nagnanais sila ng pagtataksil sa iyo ay nagtaksil na sila kay Allāh noon pa, kaya pinangyari [ka] Niya laban sa kanila. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

﴿إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالَّذِينَ آوَوْا وَنَصَرُوا أُولَٰئِكَ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَلَمْ يُهَاجِرُوا مَا لَكُمْ مِنْ وَلَايَتِهِمْ مِنْ شَيْءٍ حَتَّىٰ يُهَاجِرُوا ۚ وَإِنِ اسْتَنْصَرُوكُمْ فِي الدِّينِ فَعَلَيْكُمُ النَّصْرُ إِلَّا عَلَىٰ قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ مِيثَاقٌ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ﴾

Tunay na ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka sa pamamagitan ng mga ari-arian nila at mga sarili nila ayon sa landas ni Allāh; at ang mga kumanlong at nag-adya ay, ang mga iyon ang mga katangkilik ng isa’t isa sa kanila. Ang mga sumampalataya ngunit hindi lumikas ay walang ukol sa inyo na pagtangkilik sa kanila na anuman hanggang sa lumikas sila. Kung nagpaadya sila sa inyo sa Relihiyon, kailangan sa inyo ang pag-adya maliban sa laban sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may kasunduan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.

﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ إِلَّا تَفْعَلُوهُ تَكُنْ فِتْنَةٌ فِي الْأَرْضِ وَفَسَادٌ كَبِيرٌ﴾

Ang mga tumangging sumampalataya ay mga katangkilik ng isa’t isa sa kanila. Kung hindi ninyo gagawin [ang pagtatangkilikan na] ito ay may mangyayaring isang pagsubok sa lupa at isang malaking kaguluhan.

﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالَّذِينَ آوَوْا وَنَصَرُوا أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُؤْمِنُونَ حَقًّا ۚ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ﴾

Ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh, at ang mga kumanlong at nag-adya, ang mga iyon ay ang mga mananampalataya nang totohanan. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na maalwan.

﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا مِنْ بَعْدُ وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا مَعَكُمْ فَأُولَٰئِكَ مِنْكُمْ ۚ وَأُولُو الْأَرْحَامِ بَعْضُهُمْ أَوْلَىٰ بِبَعْضٍ فِي كِتَابِ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

Ang mga sumampalataya matapos niyon, lumikas, at nakibaka kasama ninyo, ang mga iyon ay kabilang sa inyo. Ang mga may mga pagkakamag-anak, ang isa’t-isa sa kanila ay higit na karapat-dapat [sa pagmamanahan] sa pagtatakda ni Allāh. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: