الحشر

تفسير سورة الحشر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

Dumakila kay Allāh at nagpahayag ng kasakdalan Niya laban sa anumang hindi nababagay sa Kanya ang lahat ng anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa na mga nilikha. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakadadaig na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.

﴿هُوَ الَّذِي أَخْرَجَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ مِنْ دِيَارِهِمْ لِأَوَّلِ الْحَشْرِ ۚ مَا ظَنَنْتُمْ أَنْ يَخْرُجُوا ۖ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ مَانِعَتُهُمْ حُصُونُهُمْ مِنَ اللَّهِ فَأَتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ حَيْثُ لَمْ يَحْتَسِبُوا ۖ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ الرُّعْبَ ۚ يُخْرِبُونَ بُيُوتَهُمْ بِأَيْدِيهِمْ وَأَيْدِي الْمُؤْمِنِينَ فَاعْتَبِرُوا يَا أُولِي الْأَبْصَارِ﴾

Si Allāh ay ang nagpalayas sa liping Naḍīr na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa Sugo Niyang si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya - mula sa mga tahanan nila sa Madīnah sa unang pagpapalayas sa kanila mula sa Madīnah papuntang Sirya. Sila ay kabilang sa mga Hudyo, ang mga alagad ng Torah, matapos na sumira sila sa kasunduan nila at naging kasama ng mga tagatambal doon. Nagpalayas Siya sa kanila patungo sa lupain ng Sirya. Hindi kayo nagpalagay, O mga mananampalataya, na lalayas sila mula sa mga tahanan nila dahil sa taglay nilang kapangyarihan at lakas.
Nagpalagay sila mismo na ang mga kuta nilang ipinatayo nila ay magsasanggalang sa kanila laban sa bagsik ni Allāh at parusa Niya, ngunit pumunta sa kanila ang bagsik ni Allāh mula sa kung saan hindi nila natantiya ang pagdating niyon nang nag-utos ang Sugo Niya ng pakikipaglaban sa kanila at pagtataboy sa kanila mula sa mga tahanan nila. Nagpapasok si Allāh sa mga puso nila ng matinding pangamba. Winasak nila ang mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila mula sa loob ng mga ito upang hindi makinabang sa mga ito ang mga Muslim. Winasak naman ang mga ito ng mga Muslim mula sa labas ng mga ito. Kaya magsaalang-alang kayo, O mga may paningin, sa dumapo sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila para kayo ay hindi maging tulad nila para magtamo ng [gaya ng] ganti sa kanila at parusa sa kanila na ipinarusa sa kanila.

﴿وَلَوْلَا أَنْ كَتَبَ اللَّهُ عَلَيْهِمُ الْجَلَاءَ لَعَذَّبَهُمْ فِي الدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابُ النَّارِ﴾

Kung sakaling si Allāh ay hindi nagtakda sa kanila ng pagpapalayas sa kanila mula sa mga tahanan nila ay talaga sanang pinagdusa Niya sila sa Mundo sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag gaya ng ginawa sa mga kapatid nila mula sa liping Quraydhah, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Apoy, na naghihintay sa kanila bilang mga mananatili roon magpakailanman.

﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ شَاقُّوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۖ وَمَنْ يُشَاقِّ اللَّهَ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾

Ang nangyaring iyon sa kanila ay nangyari dahil sa sila ay nangaway kay Allāh at nangaway sa Sugo Niya dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagsira nila sa mga kasunduan. Ang sinumang nangangaway kay Allāh, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa at aabot dito ang parusa Niyang matindi.

﴿مَا قَطَعْتُمْ مِنْ لِينَةٍ أَوْ تَرَكْتُمُوهَا قَائِمَةً عَلَىٰ أُصُولِهَا فَبِإِذْنِ اللَّهِ وَلِيُخْزِيَ الْفَاسِقِينَ﴾

Ang anumang pinutol ninyo, O kapisanan ng mga mananampalataya, na datiles upang magpangitngit kayo sa mga kaaway ni Allāh sa paglusob ng angkan ng Naḍīr, o hinayaan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito upang makinabang kayo rito ay ayon sa utos ni Allāh at hindi kabilang sa katiwalian sa lupa gaya ng inakala nila, at upang abahin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya kabilang sa mga Hudyo na sumira sa kasunduan at pumili sa landas ng kataksilan higit sa daan ng katapatan.

﴿وَمَا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ مِنْهُمْ فَمَا أَوْجَفْتُمْ عَلَيْهِ مِنْ خَيْلٍ وَلَا رِكَابٍ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يُسَلِّطُ رُسُلَهُ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

At ang inihatid ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga yaman ng angkan ng Naḍīr ay hindi kayo nagpabilis sa paghingi nito ng sinasakyan ninyong mga kabayo ni mga kamelyo, at hindi nagparanas sa inyo roon ng isang pahirap, subalit nagpanaig si Allāh sa mga sugo Niya sa sinumang niloloob Niya at nagpanaig nga Siya sa Sugo Niya sa angkan ng Naḍīr sapagkat sumakop Siya sa bayan nila nang walang pakikipaglaban. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

﴿مَا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ مِنْ أَهْلِ الْقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ كَيْ لَا يَكُونَ دُولَةً بَيْنَ الْأَغْنِيَاءِ مِنْكُمْ ۚ وَمَا آتَاكُمُ الرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَاكُمْ عَنْهُ فَانْتَهُوا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾

Ang anumang ibiniyaya ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga yaman ng mga naninirahan sa mga pamayanan nang walang pakikipaglaban ay ukol kay Allāh na itinatalaga Niya para sa sinumang niloloob Niya ay ukol sa Sugo bilang pagmamay-ari, ukol sa mga kamag-anak Niya kabilang sa liping Hāshim at liping Al-Muṭṭalib bilang pagtutumbas para sa kanila kapalit ng ipinagkait sa kanila mula sa kawanggawa, ukol sa mga ulila, mga maralita, at estrangherong naubusan ng panggugol nito upang hindi malimitahan ang pagpapalipat-lipat ng yaman sa mga mayaman sa halip na sa mga maralita. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo mula sa mga yaman na nakumpiska ay kunin ninyo, O mga mananampalataya, at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tumigil kayo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa kaya mag-ingat kayo sa parusa Niya.

﴿لِلْفُقَرَاءِ الْمُهَاجِرِينَ الَّذِينَ أُخْرِجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ وَأَمْوَالِهِمْ يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانًا وَيَنْصُرُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الصَّادِقُونَ﴾

At naglalaan ng isang bahagi mula sa yamang ito para sa mga maralita, na mga lumikas sa landas ni Allāh, na mga pinuwersa sa pag-iwan ng mga yaman nila at mga anak nila habang umaasa na magmabuting-loob si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagtustos sa Mundo at sa pamamagitan ng pagkalugod sa Kabilang-buhay. Nag-aadya sila kay Allāh at nag-aadya sila sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pakikibaka sa landas ni Allāh. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpakalalim sa kaalaman nang totohanan.

﴿وَالَّذِينَ تَبَوَّءُوا الدَّارَ وَالْإِيمَانَ مِنْ قَبْلِهِمْ يُحِبُّونَ مَنْ هَاجَرَ إِلَيْهِمْ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمْ حَاجَةً مِمَّا أُوتُوا وَيُؤْثِرُونَ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ وَلَوْ كَانَ بِهِمْ خَصَاصَةٌ ۚ وَمَنْ يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾

Ang mga Tagaadya na nanirahan sa Madīnah bago pa man ng mga Lumikas at pumili sa pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila mula sa Makkah. Hindi sila nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang ngitngit ni pagkainggit sa mga lumikas sa landas ni Allāh nang hindi sila nabigyan ng anuman mula sa nakumpiska. Inuuna nila ang mga Lumikas higit sa mga sarili nila sa mga bahaging pangmundo, kahit pa man sila ay mga nagtataglay ng karalitaan at pangangailangan. Ang sinumang napangangalagaan ni Allāh sa kasigasigan ng sarili niya sa yaman, kaya naman nagkakaloob siya sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo sa inaasahan nila at ng pagkaligtas sa pinangingilabutan nila.

﴿وَالَّذِينَ جَاءُوا مِنْ بَعْدِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا وَلِإِخْوَانِنَا الَّذِينَ سَبَقُونَا بِالْإِيمَانِ وَلَا تَجْعَلْ فِي قُلُوبِنَا غِلًّا لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا إِنَّكَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ﴾

Ang mga dumating mula ng matapos ng mga ito at sumunod sa mga ito sa paggawa ng mabuti hanggang sa Araw ng Pagbangon ay nagsasabi: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin sa relihiyon, na nauna sa amin sa pananampalataya sa Iyo at sa Sugo Mo, at huwag Kang maglagay sa mga puso Namin ng inis at sama ng loob sa isa sa mga mananampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin sa mga lingkod Mo, Maawain sa kanila."

﴿۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ نَافَقُوا يَقُولُونَ لِإِخْوَانِهِمُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَئِنْ أُخْرِجْتُمْ لَنَخْرُجَنَّ مَعَكُمْ وَلَا نُطِيعُ فِيكُمْ أَحَدًا أَبَدًا وَإِنْ قُوتِلْتُمْ لَنَنْصُرَنَّكُمْ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ﴾

Hindi ka ba tumingin, O Sugo, sa mga nagkubli ng kawalang-pananampalataya at nagpakita ng pananampalataya habang nagsasabi sa mga kapatid nila sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga Hudyo na mga tagasunod ng Torah na pinilipit: "Magpakatatag kayo sa mga tahanan ninyo sapagkat hindi kami magtatatwa sa inyo at hindi kami magsusuko sa inyo. Kaya talagang kung magpapalayas sa inyo ang mga Muslim mula sa mga iyon ay talagang lalayas nga kami bilang pakikiisa kasama sa inyo. Hindi kami tatalima sa isang nagnanais na pumigil sa amin sa paglayas kasama sa inyo. Kung kumalaban sila sa inyo ay talagang tutulong nga kami sa inyo laban sa kanila." Si Allāh ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling sa pinagsasabi nilang paglayas kasama sa mga Hudyo kapag pinalayas ang mga ito at pakikipaglaban kasama sa mga ito kapag kinalaban ang mga ito.

﴿لَئِنْ أُخْرِجُوا لَا يَخْرُجُونَ مَعَهُمْ وَلَئِنْ قُوتِلُوا لَا يَنْصُرُونَهُمْ وَلَئِنْ نَصَرُوهُمْ لَيُوَلُّنَّ الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يُنْصَرُونَ﴾

Talagang kung nagpalayas ang mga Muslim sa mga Hudyo ay hindi lalayas ang mga mapagpaimbabaw kasama sa mga Hudyo. Talagang kung kumalaban ang mga Muslim sa mga Hudyo ay hindi mag-aadya at hindi tutulong ang mga mapagpaimbabaw sa mga Hudyo. Talagang kung mag-aadya ang mga mapagpaimbabaw sa mga Hudyo laban sa mga Muslim ay talagang tatakas ang mga mapagpaimbabaw sa mga Hudyo. Pagkatapos ay hindi maiaadya ang mga mapagpaimbabaw matapos niyon, bagkus aabahin sila ni Allāh at dudustain Niya sila.

﴿لَأَنْتُمْ أَشَدُّ رَهْبَةً فِي صُدُورِهِمْ مِنَ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ﴾

Talagang kayo, O mga mananampalataya, ay higit na matindi sa pagpapangamba sa mga puso ng mga mapagpaimbabaw at mga Hudyo kaysa kay Allāh.
Ang nabanggit na iyon - dala ng tindi ng pangamba nila sa inyo at hina ng pangamba nila kay Allāh - ay dahilan sa sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa at hindi nakaiintindi yayamang kung sakaling sila ay nakapag-uunawa ay talaga sanang nalaman nila na si Allāh ay higit na karapat-dapat na pangambahan at na pangilabutan sapagkat Siya ang nagpangibabaw sa inyo laban sa kanila.

﴿لَا يُقَاتِلُونَكُمْ جَمِيعًا إِلَّا فِي قُرًى مُحَصَّنَةٍ أَوْ مِنْ وَرَاءِ جُدُرٍ ۚ بَأْسُهُمْ بَيْنَهُمْ شَدِيدٌ ۚ تَحْسَبُهُمْ جَمِيعًا وَقُلُوبُهُمْ شَتَّىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْقِلُونَ﴾

Hindi makikipaglaban sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga Hudyo nang mga magkakasama maliban sa mga pamayanang pinatibay ng mga pader, o mula sa likod ng mga pader, sapagkat sila ay hindi nakakakaya sa pagharap sa inyo dahil sa karuwagan nila. Ang bagsik nila sa pagitan nila ay malakas dahil sa namamagitan sa kanilang pag-aaway. Nagpapalagay ka na sila ay nasa adhikaing nag-iisa at na ang hanay nila ay nag-iisa gayong ang reyalidad ay na ang mga puso nila ay nagkakahati-hating nagkakaiba-iba. Ang pagkakaiba-iba at ang pag-aawayang iyon ay dahilan sa sila ay hindi nakapag-uunawa yayamang kung sakaling sila ay nakapag-uunawa ay talaga sanang nakakilala sila sa katotohanan, sumunod sila rito, at hindi sila nagkaiba-iba kaugnay rito.

﴿كَمَثَلِ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ قَرِيبًا ۖ ذَاقُوا وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Ang paghahalintulad sa mga Hudyong ito sa kawalang-pananampalataya nila at dumapo sa kanila na parusa ay katulad ng mga kabilang sa nauna sa kanila kabilang sa mga tagatambal ng Makkah sa isang panahong malapit. Kaya lumasap sila ng kasagwaan ng kinahinatnan ng kawalang-pananampalataya nila. Kaya napatay ang napatay at nabihag ang nabihag kabilang sa kanila sa Araw ng Labanan sa Badr. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit.

﴿كَمَثَلِ الشَّيْطَانِ إِذْ قَالَ لِلْإِنْسَانِ اكْفُرْ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ إِنِّي بَرِيءٌ مِنْكَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ﴾

Ang paghahalintulad sa kanila sa pakikinig nila sa mga mapagpaimbabaw ay katulad ng demonyo nang umakit siya sa tao na tumangging sumampalataya. Ngunit noong tumangging sumampalataya ito dahilan sa pang-aakit niya rito sa kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo noong tumanggi kang sumampalataya; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha."

﴿فَكَانَ عَاقِبَتَهُمَا أَنَّهُمَا فِي النَّارِ خَالِدَيْنِ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الظَّالِمِينَ﴾

Kaya ang wakas ng kagagawan ng demonyo at ng sinumang tumalima sa kanila (ang demonyong tinatalima at ang taong tumatalima) sa Araw ng Pagbangon ay sa Apoy bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Ang ganting iyon na naghihintay sa kanila ay ang ganti sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paglabag sa mga hangganan ni Allāh.

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَلْتَنْظُرْ نَفْسٌ مَا قَدَّمَتْ لِغَدٍ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Pagnilay-nilayan ng kaluluwa ang ipinauna niya na gawang maayos para sa Araw ng Pagbangon. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain nila na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.

﴿وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ نَسُوا اللَّهَ فَأَنْسَاهُمْ أَنْفُسَهُمْ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ﴾

At huwag kayong maging tulad ng mga lumimot kay Allāh dahil sa pagtigil sa pagtalima sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya. Kaya ipinalimot ni Allāh sa kanila ang mga sarili nila, kaya naman hindi nila ginagawa ang magliligtas sa kanila mula sa galit ni Allāh at parusa Niya. Ang mga lumimot na iyon kay Allāh sapagkat hindi sila sumunod sa ipinag-uutos Niya at hindi sila nagpigil sa sinasaway Niya ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.

﴿لَا يَسْتَوِي أَصْحَابُ النَّارِ وَأَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۚ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ هُمُ الْفَائِزُونَ﴾

Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso; bagkus sila ay mga magkakaiba-iba sa ganti sa kanila tulad ng pagkakaiba-iba ng mga gawain nila sa Mundo. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo ng hinihiling nila, na mga maliligtas mula sa pinangingilabutan nila.

﴿لَوْ أَنْزَلْنَا هَٰذَا الْقُرْآنَ عَلَىٰ جَبَلٍ لَرَأَيْتَهُ خَاشِعًا مُتَصَدِّعًا مِنْ خَشْيَةِ اللَّهِ ۚ وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ﴾

Kung sakaling nagbaba Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka, O Sugo, sa bundok na iyon na sa kabila ng katigasan nito ay nagpapakaaba na nagkakalamat-lamat dahil sa tindi ng takot kay Allāh dahil sa taglay ng Qur'ān na mga pangaral na pumipigil at bantang matindi. Ang mga paghahalintulad na iyon ay gumagawa Kami ng mga ito para sa mga tao nang sa gayon sila ay makaalam sa pamamagitan ng mga pang-unawa nila para mapangaralan sila ng nilalaman ng mga talata nito na mga pangaral at mga maisasaalang-alang.

﴿هُوَ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۖ هُوَ الرَّحْمَٰنُ الرَّحِيمُ﴾

22.-23.
Siya ay si Allāh na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya, ang Nakaaalam sa nakalingid at nakalantad: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon, ang Napakamaawain sa Mundo at Kabilang-buhay at ang Maawain sa dalawang ito: sumakop ang awa Niya sa dalawang daigdig, ang Hari na nagpawalang-kaugnayan sa kasiraan, ang Pinakababanal laban sa bawat kakulangan, ang Malaya sa bawat kapintasan, ang Tagapagpaniwala sa mga sugo sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang tanda, ang Mapagmasid sa mga gawain ng mga lingkod Niya, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig na isa man, ang Palasupil na nanaig dahil sa kapangyarihan Niya sa bawat bagay, ang Nakapagmamalaki. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at nagpakabanal higit sa anumang itinatambal sa Kanya ng mga tagatambal na mga diyus-diyusan at iba pa sa mga ito.

﴿هُوَ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْمَلِكُ الْقُدُّوسُ السَّلَامُ الْمُؤْمِنُ الْمُهَيْمِنُ الْعَزِيزُ الْجَبَّارُ الْمُتَكَبِّرُ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾

22.-23.
Siya ay si Allāh na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya, ang Nakaaalam sa nakalingid at nakalantad: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon, ang Napakamaawain sa Mundo at Kabilang-buhay at ang Maawain sa dalawang ito: sumakop ang awa Niya sa dalawang daigdig, ang Hari na nagpawalang-kaugnayan sa kasiraan, ang Pinakababanal laban sa bawat kakulangan, ang Malaya sa bawat kapintasan, ang Tagapagpaniwala sa mga sugo sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang tanda, ang Mapagmasid sa mga gawain ng mga lingkod Niya, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig na isa man, ang Palasupil na nanaig dahil sa kapangyarihan Niya sa bawat bagay, ang Nakapagmamalaki. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at nagpakabanal higit sa anumang itinatambal sa Kanya ng mga tagatambal na mga diyus-diyusan at iba pa sa mga ito.

﴿هُوَ اللَّهُ الْخَالِقُ الْبَارِئُ الْمُصَوِّرُ ۖ لَهُ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ ۚ يُسَبِّحُ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

Siya ay si Allāh, ang Tagalikha na lumikha sa bawat bagay, ang Tagapagpairal sa mga bagay, ang Tagaanyo sa mga nilikha Niya alinsunod sa ninanais Niya. Taglay Niya - kaluwalhatian sa Kanya - ang mga pangalan na pinakamagaganda na naglalaman ng mga katangian Niyang pinakamataas. Nagpawalang-kaugnayan sa Kanya sa bawat kakulangan ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: