الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ إِنَّا فَتَحْنَا لَكَ فَتْحًا مُبِينًا﴾
Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwawagi
﴿لِيَغْفِرَ لَكَ اللَّهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِكَ وَمَا تَأَخَّرَ وَيُتِمَّ نِعْمَتَهُ عَلَيْكَ وَيَهْدِيَكَ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا﴾
upang magpatawad sa iyo si Allāh sa anumang nauna na pagkakasala mo at anumang nahuli, lumubos Siya sa biyaya Niya sa iyo, magpatnubay Siya sa iyo sa isang landasing tuwid,
﴿وَيَنْصُرَكَ اللَّهُ نَصْرًا عَزِيزًا﴾
at mag-adya Siya sa iyo ng isang pag-aadyang makapangyarihan.
﴿هُوَ الَّذِي أَنْزَلَ السَّكِينَةَ فِي قُلُوبِ الْمُؤْمِنِينَ لِيَزْدَادُوا إِيمَانًا مَعَ إِيمَانِهِمْ ۗ وَلِلَّهِ جُنُودُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا﴾
Siya ang nagbaba ng katiwasayan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
﴿لِيُدْخِلَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَيُكَفِّرَ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عِنْدَ اللَّهِ فَوْزًا عَظِيمًا﴾
[Ito ay] upang magpapapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog habang mga mananatili sa mga ito, magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong dakila –
﴿وَيُعَذِّبَ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْمُشْرِكِينَ وَالْمُشْرِكَاتِ الظَّانِّينَ بِاللَّهِ ظَنَّ السَّوْءِ ۚ عَلَيْهِمْ دَائِرَةُ السَّوْءِ ۖ وَغَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَلَعَنَهُمْ وَأَعَدَّ لَهُمْ جَهَنَّمَ ۖ وَسَاءَتْ مَصِيرًا﴾
at magparusa Siya sa mga lalaking mapagpaimbabaw at mga babaing mapagpaimbabaw, at mga lalaking tagatambal at mga babaing tagatambal, na mga nagpapalagay kay Allāh ng pagpapalagay na masama. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Nagalit si Allāh sa kanila, sumumpa Siya sa kanila, at naghanda Siya para sa kanila ng Impiyerno. Sumaklap iyon bilang isang kahahantungan!
﴿وَلِلَّهِ جُنُودُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا﴾
At sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
﴿إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ شَاهِدًا وَمُبَشِّرًا وَنَذِيرًا﴾
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo bilang isang tagasaksi, isang tagapagbalita ng nakagagalak, at isang tagapagbabala,
﴿لِتُؤْمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَتُعَزِّرُوهُ وَتُوَقِّرُوهُ وَتُسَبِّحُوهُ بُكْرَةً وَأَصِيلًا﴾
upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, kumatig kayo rito, gumalang kayo rito, at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at sa hapon.
﴿إِنَّ الَّذِينَ يُبَايِعُونَكَ إِنَّمَا يُبَايِعُونَ اللَّهَ يَدُ اللَّهِ فَوْقَ أَيْدِيهِمْ ۚ فَمَنْ نَكَثَ فَإِنَّمَا يَنْكُثُ عَلَىٰ نَفْسِهِ ۖ وَمَنْ أَوْفَىٰ بِمَا عَاهَدَ عَلَيْهُ اللَّهَ فَسَيُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا﴾
Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh. Ang Kamay ni Allāh ay nasa taas ng mga kamay nila. Kaya ang sinumang sumira ay sumisira lamang siya laban sa sarili niya. Ang sinumang tumupad sa ipinangako niya kay Allāh ay magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan.
﴿سَيَقُولُ لَكَ الْمُخَلَّفُونَ مِنَ الْأَعْرَابِ شَغَلَتْنَا أَمْوَالُنَا وَأَهْلُونَا فَاسْتَغْفِرْ لَنَا ۚ يَقُولُونَ بِأَلْسِنَتِهِمْ مَا لَيْسَ فِي قُلُوبِهِمْ ۚ قُلْ فَمَنْ يَمْلِكُ لَكُمْ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ بِكُمْ ضَرًّا أَوْ أَرَادَ بِكُمْ نَفْعًا ۚ بَلْ كَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا﴾
Magsasabi sa iyo ang mga nagpaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: "Umabala sa amin ang mga yaman namin at ang mga mag-anak namin kaya magpatawad Ka sa amin." Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Sabihin mo: "Sino ang makapangyayari para sa inyo laban kay Allāh sa anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kapinsalaan o nagnais Siya sa inyo ng isang kapakinabangan? Bagkus laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.
﴿بَلْ ظَنَنْتُمْ أَنْ لَنْ يَنْقَلِبَ الرَّسُولُ وَالْمُؤْمِنُونَ إِلَىٰ أَهْلِيهِمْ أَبَدًا وَزُيِّنَ ذَٰلِكَ فِي قُلُوبِكُمْ وَظَنَنْتُمْ ظَنَّ السَّوْءِ وَكُنْتُمْ قَوْمًا بُورًا﴾
Bagkus nagpalagay kayo na hindi uuwi ang Sugo at ang mga mananampalataya sa mga mag-anak nila magpakailanman, ipinang-akit iyon sa mga puso ninyo, nagpalagay kayo ng pagpapalagay ng kasagwaan, at kayo ay naging mga taong napariwara."
﴿وَمَنْ لَمْ يُؤْمِنْ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ فَإِنَّا أَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ سَعِيرًا﴾
At ang sinumang hindi sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang liyab.
﴿وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا﴾
At sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa kaninumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
﴿سَيَقُولُ الْمُخَلَّفُونَ إِذَا انْطَلَقْتُمْ إِلَىٰ مَغَانِمَ لِتَأْخُذُوهَا ذَرُونَا نَتَّبِعْكُمْ ۖ يُرِيدُونَ أَنْ يُبَدِّلُوا كَلَامَ اللَّهِ ۚ قُلْ لَنْ تَتَّبِعُونَا كَذَٰلِكُمْ قَالَ اللَّهُ مِنْ قَبْلُ ۖ فَسَيَقُولُونَ بَلْ تَحْسُدُونَنَا ۚ بَلْ كَانُوا لَا يَفْقَهُونَ إِلَّا قَلِيلًا﴾
Magsasabi ang mga nagpaiwan kapag lumisan kayo patungo sa mga samsam upang kumuha ng mga iyon: "Magpaubaya kayo sa amin, susunod kami sa inyo." Nagnanais sila na magpalit ng Salita ni Allāh. Sabihin mo: "Hindi kayo susunod sa amin; gayon ang sinabi ni Allāh noong una." Kaya magsasabi sila: "Bagkus naiinggit kayo sa amin." Bagkus sila noon ay walang nauunawaan kundi kakaunti.
﴿قُلْ لِلْمُخَلَّفِينَ مِنَ الْأَعْرَابِ سَتُدْعَوْنَ إِلَىٰ قَوْمٍ أُولِي بَأْسٍ شَدِيدٍ تُقَاتِلُونَهُمْ أَوْ يُسْلِمُونَ ۖ فَإِنْ تُطِيعُوا يُؤْتِكُمُ اللَّهُ أَجْرًا حَسَنًا ۖ وَإِنْ تَتَوَلَّوْا كَمَا تَوَلَّيْتُمْ مِنْ قَبْلُ يُعَذِّبْكُمْ عَذَابًا أَلِيمًا﴾
Sabihin mo sa mga nagpaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: "Aanyayahan kayo tungo sa mga taong may pakikidigmang matindi. Makikipaglaban kayo sa kanila o magpapasakop sila. Kaya kung tatalima kayo ay magbibigay sa inyo si Allāh ng isang pabuyang maganda. Kung tatalikod kayo gaya ng tumalikod kayo noong una ay pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang masakit."
﴿لَيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ ۗ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَمَنْ يَتَوَلَّ يُعَذِّبْهُ عَذَابًا أَلِيمًا﴾
Hindi sa bulag isang maisisisi, hindi sa pilay isang maisisisi, at hindi sa may-sakit maisisisi [na magpaiwan]. At ang sinumang tumalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang sinumang tumalikod ay pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang masakit.
﴿۞ لَقَدْ رَضِيَ اللَّهُ عَنِ الْمُؤْمِنِينَ إِذْ يُبَايِعُونَكَ تَحْتَ الشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِي قُلُوبِهِمْ فَأَنْزَلَ السَّكِينَةَ عَلَيْهِمْ وَأَثَابَهُمْ فَتْحًا قَرِيبًا﴾
Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya noong nangangako sila ng katapatan sa iyo sa ilalim ng punong-kahoy sapagkat nalaman Niya ang nasa puso nila kaya naman nagpababa Siya ng katiwasayan sa kanila at gumantimpala Siya sa kanila ng isang pagpapawaging malapit,
﴿وَمَغَانِمَ كَثِيرَةً يَأْخُذُونَهَا ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا﴾
at maraming samsam na makukuha nila. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
﴿وَعَدَكُمُ اللَّهُ مَغَانِمَ كَثِيرَةً تَأْخُذُونَهَا فَعَجَّلَ لَكُمْ هَٰذِهِ وَكَفَّ أَيْدِيَ النَّاسِ عَنْكُمْ وَلِتَكُونَ آيَةً لِلْمُؤْمِنِينَ وَيَهْدِيَكُمْ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا﴾
Nangako sa inyo si Allāh ng maraming samsam na makukuha ninyo kaya minadali Niya para sa inyo ang mga ito at pumigil Siya sa mga kamay ng tao laban sa inyo, at upang ang mga ito ay maging isang tanda para sa mga mananampalataya at magpatnubay Siya sa inyo sa isang landasing tuwid.
﴿وَأُخْرَىٰ لَمْ تَقْدِرُوا عَلَيْهَا قَدْ أَحَاطَ اللَّهُ بِهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرًا﴾
May mga iba pa na hindi kayo nakakaya sa mga iyon, na nasaklawan si Allāh doon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
﴿وَلَوْ قَاتَلَكُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوَلَّوُا الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يَجِدُونَ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا﴾
At kung sakaling kumalaban sa inyo ang mga tumangging sumampalataya ay talaga sanang nagbaling sila ng mga likod, pagkatapos ay hindi sila makatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
﴿سُنَّةَ اللَّهِ الَّتِي قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلُ ۖ وَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّةِ اللَّهِ تَبْدِيلًا﴾
[Ito ay] bilang kalakaran ni Allāh na nagdaan nga noon pa man. Hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.
﴿وَهُوَ الَّذِي كَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ عَنْهُمْ بِبَطْنِ مَكَّةَ مِنْ بَعْدِ أَنْ أَظْفَرَكُمْ عَلَيْهِمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا﴾
Siya ay ang pumigil sa mga kamay nila laban sa inyo at sa mga kamay ninyo laban sa kanila sa lambak ng Makkah mula ng matapos na nagpanagumpay Siya sa inyo laban sa kanila. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita.
﴿هُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَالْهَدْيَ مَعْكُوفًا أَنْ يَبْلُغَ مَحِلَّهُ ۚ وَلَوْلَا رِجَالٌ مُؤْمِنُونَ وَنِسَاءٌ مُؤْمِنَاتٌ لَمْ تَعْلَمُوهُمْ أَنْ تَطَئُوهُمْ فَتُصِيبَكُمْ مِنْهُمْ مَعَرَّةٌ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ لِيُدْخِلَ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ لَوْ تَزَيَّلُوا لَعَذَّبْنَا الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا﴾
Sila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay na pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito.
Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila – na baka makapaslang kayo sa kanila kaya naman tatama sa inyo ang isang kapintasan nang wala sa kaalaman – [pinahintulutan sana kayong pumasok sa Makkah] upang magpapapasok si Allāh sa awa Niya ng sinumang niloloob Niya. Kung sakaling natangi sila ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
﴿إِذْ جَعَلَ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي قُلُوبِهِمُ الْحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ الْجَاهِلِيَّةِ فَأَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَعَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَأَلْزَمَهُمْ كَلِمَةَ التَّقْوَىٰ وَكَانُوا أَحَقَّ بِهَا وَأَهْلَهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا﴾
[Ito ay] noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya sa mga puso nila ng kapalaluan – kapalaluan ng Kamangmangan – ay saka nagpababa si Allāh ng katiwasayan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya. Nagpanatili Siya sa kanila sa salita ng pangingilag sa pagkakasala at sila ay higit na may karapatan doon at higit na karapat-dapat doon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
﴿لَقَدْ صَدَقَ اللَّهُ رَسُولَهُ الرُّؤْيَا بِالْحَقِّ ۖ لَتَدْخُلُنَّ الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ إِنْ شَاءَ اللَّهُ آمِنِينَ مُحَلِّقِينَ رُءُوسَكُمْ وَمُقَصِّرِينَ لَا تَخَافُونَ ۖ فَعَلِمَ مَا لَمْ تَعْلَمُوا فَجَعَلَ مِنْ دُونِ ذَٰلِكَ فَتْحًا قَرِيبًا﴾
Talaga ngang tinututoo ni Allāh sa Sugo Niya ang panaginip ayon sa katotohanan. Talagang papasok nga kayo sa Masjid na Pinakababanal, kung niloob ni Allāh, na mga ligtas na mga inahit ang mga ulo ninyo at mga pinaiksi [ang buhok], na hindi kayo nangangamba. Nakaalam Siya ng hindi ninyo nalaman at gumawa Siya ng bukod pa roon ng isang pagpapawaging malapit.
﴿هُوَ الَّذِي أَرْسَلَ رَسُولَهُ بِالْهُدَىٰ وَدِينِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهُ عَلَى الدِّينِ كُلِّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا﴾
Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya dala ang patnubay at ang relihiyon ng katotohanan upang pangibabawin Niya ito sa relihiyon sa kabuuan nito. Nakasapat si Allāh bilang Saksi.
﴿مُحَمَّدٌ رَسُولُ اللَّهِ ۚ وَالَّذِينَ مَعَهُ أَشِدَّاءُ عَلَى الْكُفَّارِ رُحَمَاءُ بَيْنَهُمْ ۖ تَرَاهُمْ رُكَّعًا سُجَّدًا يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانًا ۖ سِيمَاهُمْ فِي وُجُوهِهِمْ مِنْ أَثَرِ السُّجُودِ ۚ ذَٰلِكَ مَثَلُهُمْ فِي التَّوْرَاةِ ۚ وَمَثَلُهُمْ فِي الْإِنْجِيلِ كَزَرْعٍ أَخْرَجَ شَطْأَهُ فَآزَرَهُ فَاسْتَغْلَظَ فَاسْتَوَىٰ عَلَىٰ سُوقِهِ يُعْجِبُ الزُّرَّاعَ لِيَغِيظَ بِهِمُ الْكُفَّارَ ۗ وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ مِنْهُمْ مَغْفِرَةً وَأَجْرًا عَظِيمًا﴾
Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa’t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at ng kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyon ay ang paghahalimbawa sa kanila sa Torah.
Ang paghahalimbawa sa kanila sa Ebanghelyo ay gaya ng tanim na nagluwal ng usbong nito, at saka pinalakas nito iyon, at saka kumapal iyon, at saka tumayo iyon sa puno nito, na nagpatuwa sa mga tagatanim, upang magpangitngit Siya sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos kabilang sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang dakila.
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة الفتح : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة الفتح : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة الفتح : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة الفتح : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة الفتح : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة الفتح : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة الفتح : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة الفتح : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة الفتح : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة الفتح : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة الفتح : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة الفتح : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة الفتح : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة الفتح : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة الفتح : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة الفتح : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الفتح : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الفتح : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة الفتح : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة الفتح : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة الفتح : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة الفتح : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة الفتح : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة الفتح : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة الفتح : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة الفتح : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الفتح : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الفتح : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الفتح : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الفتح : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة الفتح : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة الفتح : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة الفتح : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة الفتح : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة الفتح : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة الفتح : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة الفتح : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة الفتح : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة الفتح : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة الفتح : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة الفتح : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة الفتح : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة الفتح : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة الفتح : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة الفتح : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة الفتح : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة الفتح : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة الفتح : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة الفتح : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الفتح : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الفتح : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة الفتح : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الفتح : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الفتح : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة الفتح : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة الفتح : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة الفتح : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة الفتح : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة الفتح : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة الفتح : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة الفتح : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الفتح : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الفتح : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة الفتح : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة الفتح : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة الفتح : الترجمة الصينية 中文 - الصينية