الشورى

تفسير سورة الشورى

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ حم﴾

1.-2. Ḥā. Mīm. `Ayn. Sīn. Qāf. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

﴿عسق﴾

1.-2. Ḥā. Mīm. `Ayn. Sīn. Qāf. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

﴿كَذَٰلِكَ يُوحِي إِلَيْكَ وَإِلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكَ اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

Tulad ng pagkakasing ito nagkakasi sa iyo, o Muḥammad, at sa mga kabilang sa nauna sa iyo na mga propeta ni Allāh, si Allāh, ang Makapangyarihan sa paghihiganti Niya sa mga kalaban Niya, ang Marunong sa pangangasiwa Niya at paglikha Niya.

﴿لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ﴾

Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa. Siya ay ang Mataas sa sarili Niya, pagtatakda Niya, at paggapi, ang Sukdulan sa sarili Niya.

﴿تَكَادُ السَّمَاوَاتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْ فَوْقِهِنَّ ۚ وَالْمَلَائِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِمَنْ فِي الْأَرْضِ ۗ أَلَا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ﴾

Bahagi ng kadakilaan Niya - kaluwalhatian sa Kanya, halos ang mga langit sa kabila ng kalakihan ng mga ito at kataasan ng mga ito ay nagkakalamat-lamat mula sa ibabaw ng mga lupa samantalang ang mga anghel ay nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon nila at nagdadakila sa Kanya habang mga pumupuri sa Kanya bilang pagpapakumbaba at pagpipitagan, at humihiling ng kapatawaran mula sa Kanya para sa mga nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

﴿وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ اللَّهُ حَفِيظٌ عَلَيْهِمْ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ﴾

Ang mga gumawa bukod pa kay Allāh ng mga diyus-diyusan na tinatangkilik nila at sinasamba nila bukod pa kay Allāh, si Allāh sa kanila ay nasa tambangan na nagtatala laban sa kanila ng mga gawain nila at gaganti sa kanila sa mga ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi itinalaga sa pag-iingat sa mga gawain nila kaya hindi ka tatanungin tungkol sa mga gawa nila. Ikaw ay isang tagapagpaabot lamang.

﴿وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لِتُنْذِرَ أُمَّ الْقُرَىٰ وَمَنْ حَوْلَهَا وَتُنْذِرَ يَوْمَ الْجَمْعِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ فَرِيقٌ فِي الْجَنَّةِ وَفَرِيقٌ فِي السَّعِيرِ﴾

Tulad ng pagkasi Namin sa mga propeta noong wala ka pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur’an na Arabe upang magbabala ka sa Makkah at sa sinumang nasa paligid nito na mga pamayanan ng mga Arabe, pagkatapos ay sa mga tao sa kalahatan, at ipangamba mo sa mga tao ang Araw ng Pagbangon, ang Araw na kakalapin ni Allāh ang mga una at ang mga huli sa nag-iisang larangan para sa pagtutuos at pagganti. Walang duda hinggil sa pagkaganap ng Araw na iyon. Ang mga tao ay mahahati sa dalawang pangkat: may isang pangkat sa Hardin; ang mga mananampalataya, at may isang pangkat sa Apoy; ang mga tagatangging sumampalataya.

﴿وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَهُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ يُدْخِلُ مَنْ يَشَاءُ فِي رَحْمَتِهِ ۚ وَالظَّالِمُونَ مَا لَهُمْ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ﴾

At kung sakaling niloob ni Allāh ang paggawa sa kanila bilang nag-iisang kalipunan sa Relihiyong Islām ay talaga sanang gumawa Siya sa kanila bilang nag-iisang kalipunan doon at magpapasok Siya sa kanila sa kalahatan sa Paraiso. Subalit hiniling ng karunungan Niya na magpapasok Siya sa sinumang niloob Niya sa Islām at magpapasok dito sa Paraiso. Ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay walang ukol sa kanila na anumang mapagtangkilik na tatangkilik sa kanila ni mapag-adya na mag-aadya sa kanila laban sa pagdurusang dulot ni Allāh.

﴿أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۖ فَاللَّهُ هُوَ الْوَلِيُّ وَهُوَ يُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Bagkus gumawa ang mga tagatambal na ito bukod pa kay Allāh ng mga katangkilik na tinatangkilik nila samantalang si Allāh ay ang Mapagtangkilik na totoo sapagkat ang iba pa sa Kanya ay hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala. Siya ay ang nagbibigay-buhay sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti. Walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman - kaluwalhatian sa Kanya.

﴿وَمَا اخْتَلَفْتُمْ فِيهِ مِنْ شَيْءٍ فَحُكْمُهُ إِلَى اللَّهِ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبِّي عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ﴾

Ang anumang nagkaiba-iba kayo, O mga tao, hinggil sa anumang bagay kabilang sa mga pinagkakaugatan ng relihiyon nito at mga pinagkakasangahan nito, ang kahatulan nito ay kay Allāh kaya sasangguni hinggil dito sa Aklat Niya o sa Sunnah ng Sugo Niya - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya. Ang nailalarawang ito sa mga katangiang ito ay ang Panginoon ko. Sa Kanya ako umaasa sa mga kapakanan ko sa kabuuan ng mga ito at sa Kanya ako nanunumbalik sa pagbabalik-loob.

﴿فَاطِرُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَمِنَ الْأَنْعَامِ أَزْوَاجًا ۖ يَذْرَؤُكُمْ فِيهِ ۚ لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ﴾

Si Allāh ay ang Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad. Gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at gumawa Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kabiyak upang magdamihan ang mga ito alang-alang sa inyo. Lumilikha Siya sa inyo sa ginawa Niya para sa inyo na mga kabiyak ninyo sa pamamagitan ng pag-aasawahan. Nagpapamuhay Siya sa inyo sa ginawa Niya para sa inyo kabilang sa mga hayupan ninyo mula sa mga karne ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Walang nakatutulad sa Kanya na anuman kabilang sa mga nilikha Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga gawain nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga gawain nila. Kung kabutihan, kabutihan [ang ganti]; kung kasamaan, kasamaan [ang ganti].

﴿لَهُ مَقَالِيدُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

Sa Kanya - tanging sa Kanya - ang mga susi ng mga imbakan ng mga langit at lupa.
Nagpapaluwang Siya sa panustos para sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit dito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nanggigipit Siya sa kaninumang niloloob Niya bilang pagsubok dito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman kabilang sa anumang naroon ang mga kapakanan ng mga lingkod Niya.

﴿۞ شَرَعَ لَكُمْ مِنَ الدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِ نُوحًا وَالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ وَمَا وَصَّيْنَا بِهِ إِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰ ۖ أَنْ أَقِيمُوا الدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُوا فِيهِ ۚ كَبُرَ عَلَى الْمُشْرِكِينَ مَا تَدْعُوهُمْ إِلَيْهِ ۚ اللَّهُ يَجْتَبِي إِلَيْهِ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي إِلَيْهِ مَنْ يُنِيبُ﴾

Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng tulad sa ipinag-utos kay Noe na ipaabot at gawin at ng ikinasi sa iyo, O Sugo. Nagsabatas Siya para sa inyo ng tulad sa ipinag-utos kay Abraham, kay Moises, at kay Hesus na ipaabot at gawin. Ang buod nito ay na: "Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito." Bumigat sa mga tagatambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwas sa pagsamba sa iba pa sa Kanya.
Si Allāh ay humihirang ng sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya para magtuon dito sa pagsamba sa Kanya at pagtalima sa Kanya at magpatnubay tungo sa Kanya sa sinumang nanunumbalik sa Kanya kabilang sa kanila, sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa mga pagkakasala nito.

﴿وَمَا تَفَرَّقُوا إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّ الَّذِينَ أُورِثُوا الْكِتَابَ مِنْ بَعْدِهِمْ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مُرِيبٍ﴾

Hindi nagkahati-hati ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagatambal malibang noong matapos na inihain sa kanila ang katwiran sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Hindi nangyari ang pagkakahati-hati nila malibang dahilan sa paglabag at kawalang-katarungan.
Kung hindi dahil sa isang nauna sa kaalaman ni Allāh na Siya ay magpapahuli sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya, ang Araw ng Pagbangon, ay talaga sanang humatol si Allāh sa pagitan nila at minadali Niya para sa kanila ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya.
Tunay na ang mga pinagmana ng Torah kabilang sa mga Hudyo at ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano matapos ng mga ninuno nila at matapos ng mga tagatambal ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ito na dinala ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan -, at mga tagapasinungaling dito.

﴿فَلِذَٰلِكَ فَادْعُ ۖ وَاسْتَقِمْ كَمَا أُمِرْتَ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ ۖ وَقُلْ آمَنْتُ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنْ كِتَابٍ ۖ وَأُمِرْتُ لِأَعْدِلَ بَيْنَكُمُ ۖ اللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ ۖ لَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ ۖ لَا حُجَّةَ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمُ ۖ اللَّهُ يَجْمَعُ بَيْنَنَا ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ﴾

Mag-anyaya ka tungo sa relihiyong tuwid na ito. Magpakatatag ka rito alinsunod sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh. Huwag kang sumunod sa mga pithaya nilang bulaan. Magsabi ka sa sandali ng pakikipagtalo sa kanila: "Sumampalataya ako kay Allāh at sa mga kasulatang ibinaba ni Allāh sa mga sugo Niya. Nag-utos sa akin si Allāh na humatol ako sa pagitan ninyo ayon sa katarungan. Si Allāh na sinasamba ko ay Panginoon namin at Panginoon ninyo sa kalahatan. Ukol sa amin ang mga gawa namin, na kabutihan man o kasamaan. Ukol sa inyo ang mga gawa ninyo, na kabutihan man o kasamaan. Walang pagtatalo sa pagitan namin at pagitan ninyo matapos na luminaw ang katwiran at lumiwanag ang pangangatwiran. Si Allāh ay kakalap sa pagitan natin sa kalahatan. Tungo sa Kanya ang panunumbalikan sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa bawat isa sa atin ayon sa nagiging karapat-dapat dito, kaya lilinaw sa sandaling iyon ang tapat sa sinungaling at ang nagtototoo sa nagbubulaan."

﴿وَالَّذِينَ يُحَاجُّونَ فِي اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا اسْتُجِيبَ لَهُ حُجَّتُهُمْ دَاحِضَةٌ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ﴾

Ang mga nakikipagtalo sa pamamagitan ng katwirang bulaan sa relihiyong ito na ibinaba kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - matapos na tumugon ang mga tao rito, ang katwiran ng mga nakikipagtalo na ito ay mawawala at lalagpak sa ganang Panginoon mo at sa ganang mga mananampalataya. Walang bakas dito. Sasakanila ay galit mula kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagtutol nila sa katotohanan. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

﴿اللَّهُ الَّذِي أَنْزَلَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ وَالْمِيزَانَ ۗ وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّ السَّاعَةَ قَرِيبٌ﴾

Si Allāh ay ang nagpababa ng Qur'ān sa katotohanang walang mapag-aalinlanganan dito at ang nagpababa ng katarungan upang humatol sa pagitan ng mga tao ayon sa pagkamakatarungan. Maaaring ang Huling Sandaling pinasisinungalingan ng mga ito ay malapit na. Alam ng lahat na ang bawat parating ay malapit.

﴿يَسْتَعْجِلُ بِهَا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِهَا ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا مُشْفِقُونَ مِنْهَا وَيَعْلَمُونَ أَنَّهَا الْحَقُّ ۗ أَلَا إِنَّ الَّذِينَ يُمَارُونَ فِي السَّاعَةِ لَفِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ﴾

Humihiling ang mga hindi sumasampalataya roon ng pagmamadali roon dahil sila ay hindi sumasampalataya sa pagtutuos ni sa gantimpala ni sa parusa. Ang mga sumampalataya kay Allāh ay mga nangangamba roon dahil sa pangamba nila sa kahahantungan nila roon at nakaaalam ayon sa kaalaman ng katiyakan na iyon ay ang katotohanan na walang mapag-aalinlanganan doon. Pansinin, tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa Huling Sandali, nakikipag-alitan hinggil doon, at nagpapaduda sa pagkaganap niyon ay talagang nasa isang pagkaligaw na malayo sa katotohanan.

﴿اللَّهُ لَطِيفٌ بِعِبَادِهِ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ ۖ وَهُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيزُ﴾

Si Allāh ay may kabaitan sa mga lingkod Niya; nagtutustos Siya sa kaninumang niloob Niya kaya nagpapaluwang Siya ng panustos at nagpapagipit sa kaninumang niloloob Niya bilang awa rito, kahit pa magmukhang hindi ganoon. Siya ay ang Malakas na walang nakagagapi sa Kanya na isaman, ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya.

﴿مَنْ كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ الْآخِرَةِ نَزِدْ لَهُ فِي حَرْثِهِ ۖ وَمَنْ كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ الدُّنْيَا نُؤْتِهِ مِنْهَا وَمَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ نَصِيبٍ﴾

Ang sinumang nangyaring nagnanais ng gantimpala sa Kabilang-buhay habang gumagawa para roon ng gawain para doon ay magpapaibayo Kami para sa kanya ng gantimpala sa kanya sapagkat ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Ang sinumang nangyaring nagnanais ng Mundo - tanging ito - ay magbibigay Kami sa kanya ng bahagi niyang itinakda para sa kanya rito at walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi dahil sa pagtatangi niya sa Mundo higit sa Kabilang-buhay.

﴿أَمْ لَهُمْ شُرَكَاءُ شَرَعُوا لَهُمْ مِنَ الدِّينِ مَا لَمْ يَأْذَنْ بِهِ اللَّهُ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةُ الْفَصْلِ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۗ وَإِنَّ الظَّالِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

O nagkaroon ba ang mga tagatambal na ito ng mga diyos bukod pa kay Allāh? Nagsabatas sila para sa kanila sa relihiyon ng hindi pumayag para sa kanila si Allāh sa pagsasabatas niyon gaya ng pagtatambal sa Kanya, pagbabawal sa ipinahintulot Niya, at pagpapahintulot sa ipinagbawal Niya. Kung hindi dahil sa ginawa ni Allāh na isang yugtong tinakdaan para sa pagpapasya sa pagitan ng mga nagkasalungatan, at na Siya ay nagpapahuli sa kanila nito, ay talaga sanang nagpasya Siya sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh at mga pagsuway, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

﴿تَرَى الظَّالِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا كَسَبُوا وَهُوَ وَاقِعٌ بِهِمْ ۗ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فِي رَوْضَاتِ الْجَنَّاتِ ۖ لَهُمْ مَا يَشَاءُونَ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِيرُ﴾

Makikita mo, O Sugo, ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng shirk at mga pagsuway, na mga nangangamba sa parusa dahil sa nakamit nilang kasalanan. Ang parusa ay magaganap sa kanila nang walang pasubali kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pangambang salat sa pagbabalik-loob. Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos ay nasa kasalungatan nila sapagkat ang mga ito ay nasa mga halamanan ng mga hardin na nakikinabang. Ukol sa kanila ang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila na mga uri ng kaginhawahan na hindi mapuputol magpakailanman. Iyon ay ang kabutihang-loob na malaki na hindi natutumbasan ng isang kabutihang-loob.

﴿ذَٰلِكَ الَّذِي يُبَشِّرُ اللَّهُ عِبَادَهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ۗ قُلْ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا إِلَّا الْمَوَدَّةَ فِي الْقُرْبَىٰ ۗ وَمَنْ يَقْتَرِفْ حَسَنَةً نَزِدْ لَهُ فِيهَا حُسْنًا ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ شَكُورٌ﴾

Iyon ay ang dakilang pagpapagalak na ibinabalita ni Allāh sa pamamagitan ng Sugo Niya sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang maayos. Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako humihiling mula sa inyo, dahil sa pagpapaabot ng katotohanan, ng isang gantimpala maliban sa nag-iisang gantimpalang bumabalik ang pakinabang nito sa inyo: na umibig kayo sa akin alang-alang sa pagkakamag-anak ko sa inyo." Ang sinumang nagkamit ng isang magandang gawa ay magpapaibayo Kami para sa kanya ng pabuya sa kanya. Ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Mapagpasalamat sa mga gawain nilang maayos na ginagawa nila dahil sa paghahangad ng kaluguran ng mukha Niya.

﴿أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۖ فَإِنْ يَشَإِ اللَّهُ يَخْتِمْ عَلَىٰ قَلْبِكَ ۗ وَيَمْحُ اللَّهُ الْبَاطِلَ وَيُحِقُّ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ﴾

Kabilang sa haka-haka ng mga tagatambal ay na si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay lumikha-likha nga ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito sa Panginoon niya samantalang nagsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling kumausap ka sa sarili mo na gumawa-gawa ito ng isang kasinungalingan ay talaga sanang nagpinid Ako sa puso mo at bumura Ako sa kabulaanang ginawa-gawa. Nagpanatili Ako sa katotohanan." Yayamang ang nangyari ay hindi ganoon, nagpatunay ito sa katapatan ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na siya ay kinakasihan mula sa Panginoon niya. Tunay na Siya ay Maalam sa nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.

﴿وَهُوَ الَّذِي يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَعْفُو عَنِ السَّيِّئَاتِ وَيَعْلَمُ مَا تَفْعَلُونَ﴾

At Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang tumatanggap sa pagbabalik-loob ng mga lingkod Niya mula sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kapag nagbalik-loob sila sa Kanya, nagpapalampas sa mga masagwang gawa nila na isinagawa nila, nakaaalam sa ginagawa ninyo na anuman: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawa ninyo na anuman at gaganti Siya sa inyo sa mga iyon,

﴿وَيَسْتَجِيبُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَيَزِيدُهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۚ وَالْكَافِرُونَ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ﴾

tumutugon sa panalangin ng mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga maayos, at nagdaragdag sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya ng hindi naman nila hiningi sa Kanya. Ang mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang malakas na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

﴿۞ وَلَوْ بَسَطَ اللَّهُ الرِّزْقَ لِعِبَادِهِ لَبَغَوْا فِي الْأَرْضِ وَلَٰكِنْ يُنَزِّلُ بِقَدَرٍ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ بِعِبَادِهِ خَبِيرٌ بَصِيرٌ﴾

Kung sakaling nagpaluwang si Allāh ng panustos para sa lahat ng mga lingkod Niya ay talaga sanang nagpakalabis-labis sila sa lupain sa kawalang-katarungan subalit Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay nagbababa ng panustos ayon sa sukat na niloloob Niya, na pagpapaluwang o pagpapagipit. Tunay na Siya ay Nakababatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga ito kaya nagbibigay Siya ayon sa isang kasanhian at nagkakait Siya ayon sa isang kasanhian din.

﴿وَهُوَ الَّذِي يُنَزِّلُ الْغَيْثَ مِنْ بَعْدِ مَا قَنَطُوا وَيَنْشُرُ رَحْمَتَهُ ۚ وَهُوَ الْوَلِيُّ الْحَمِيدُ﴾

At Siya ay ang nagbababa ng ulan sa mga lingkod Niya, noong matapos na nawalan sila ng pag-asa sa pagbaba nito, at nagpapalaganap ng ulang ito kaya tumubo ang lupa. Siya ang tagatangkilik ng mga pumapatungkol sa mga lingkod Niya, ang pinupuri sa bawat kalagayan.

﴿وَمِنْ آيَاتِهِ خَلْقُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَثَّ فِيهِمَا مِنْ دَابَّةٍ ۚ وَهُوَ عَلَىٰ جَمْعِهِمْ إِذَا يَشَاءُ قَدِيرٌ﴾

At kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pagkalikha ng mga langit at ang pagkalikha ng lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na mga nilikhang kahanga-hanga. Siya, sa pagkalap sa kanila para sa pagtitipon at pagganti kapag niloob Niya, ay May-kakayahan: hindi nagpapawalang-kakayahan sa Kanya iyon kung paanong hindi nagpawalang-kakayahan sa Kanya ang paglikha sa kanila sa unang pagkakataon

﴿وَمَا أَصَابَكُمْ مِنْ مُصِيبَةٍ فَبِمَا كَسَبَتْ أَيْدِيكُمْ وَيَعْفُو عَنْ كَثِيرٍ﴾

Ang anumang tumama sa inyo, o mga tao, na kasawiang-palad sa mga sarili ninyo o mga ari-arian ninyo ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo na mga pagsuway. Nagpapalampas si Allāh sa inyo sa marami sa mga iyon kaya hindi Siya naninisi sa inyo.

﴿وَمَا أَنْتُمْ بِمُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ ۖ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ﴾

Kayo ay hindi mga makakaya sa pagkakaligtas mula sa Panginoon ninyo sa pagtakas kapag nagnais Siya ng pagpaparusa sa inyo. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na isang mapagtangkilik na tatangkilik sa mga pumapatungkol sa inyo ni isang mapag-adya na papawi sa inyo ng pagdurusa kung nagnais Siya nito sa inyo.

﴿وَمِنْ آيَاتِهِ الْجَوَارِ فِي الْبَحْرِ كَالْأَعْلَامِ﴾

Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang mga daong na naglalayag sa dagat, tulad ng mga bundok sa pag-angat nito at kataasan nito.

﴿إِنْ يَشَأْ يُسْكِنِ الرِّيحَ فَيَظْلَلْنَ رَوَاكِدَ عَلَىٰ ظَهْرِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ﴾

Kung loloobin ni Allāh ang pagpapatahan ng mga hangin na nagpapausad sa mga daong ay mapakakalma Niya ang mga iyon para manatili ang mga ito samantalang mga nakatigil sa dagat habang hindi gumagalaw - tunay na sa nabanggit na iyon na paglikha sa mga daong at pagpapalingkod sa mga hangin ay talagang may mga katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa bawat palatiis sa pagsubok at mga pagsusulit, na mapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanya -

﴿أَوْ يُوبِقْهُنَّ بِمَا كَسَبُوا وَيَعْفُ عَنْ كَثِيرٍ﴾

o kung loloobin Niya - kaluwalhatian sa Kanya - ang pagwasak sa mga daong na iyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga hanging uunos sa mga iyon ay mawawasak Niya ang mga iyon dahilan sa nakamit ng mga tao na kasalanan, at magpapalampas Siya sa marami sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kaya hindi Siya magpaparusa sa kanila dahil sa mga ito,

﴿وَيَعْلَمَ الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِنَا مَا لَهُمْ مِنْ مَحِيصٍ﴾

at [upang] makaalam, sa sandali ng pagwasak sa mga daong na iyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga hanging umuunos, ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh para magpabula sa mga ito, na walang ukol sa kanilang anumang matatakasan sa pagkasawi kaya hindi sila dadalangin malibang kay Allāh at mag-iiwan sila sa sinumang iba pa sa Kanya.

﴿فَمَا أُوتِيتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَمَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ لِلَّذِينَ آمَنُوا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ﴾

Kaya ang ibinigay sa inyo, O mga tao, na yaman o impluwensiya o anak ay pagtatamasa ng buhay na pangmundo. Ito ay maglalaho, mapuputol. Ang kaginhawahang mamamalagi ay ang kaginhawahan ng Paraiso na inihanda ni Allāh. [Ito ay] para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at sa Panginoon nila - tanging sa Kanya - ay umaasa sa lahat ng mga pumapatungkol sa kanila.

﴿وَالَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَائِرَ الْإِثْمِ وَالْفَوَاحِشَ وَإِذَا مَا غَضِبُوا هُمْ يَغْفِرُونَ﴾

[Ito ay para sa] mga lumalayo sa mga malaki sa mga pagkakasala at mga pangit sa mga ito. Kapag nagalit sila sa gumawa ng masagwa sa kanila sa salita o gawa ay nagpapatawad sila sa kanya sa pagkatisod niya at hindi nagpaparusa sa kanya dahil doon. Ang pagpapaumanhing ito ay isang pagmamabuting-loob mula sa kanila kapag nangyaring ito ay mayroong kabutihan at kapakanan.

﴿وَالَّذِينَ اسْتَجَابُوا لِرَبِّهِمْ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَأَمْرُهُمْ شُورَىٰ بَيْنَهُمْ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ﴾

[Ito ay para sa] mga tumugon sa Panginoon nila sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya, nagpanatili sa pagdarasal sa pinakalubos na paraan, mga nagsasanggunian sa mga usaping pumapatungkol sa kanila, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila dahil sa paghahangad sa kaluguran ni Allāh.

﴿وَالَّذِينَ إِذَا أَصَابَهُمُ الْبَغْيُ هُمْ يَنْتَصِرُونَ﴾

[Ito ay para sa] mga kapag tumama sa kanila ang kawalang-katarungan, sila ay nag-aadya bilang pagpaparangal sa mga sarili nila at pagpapalakas sa mga ito, kapag nangyaring ang tagalabag sa katarungan ay hindi karapat-dapat sa paumanhin. Ang pag-aadyang ito ay isang karapatan, lalo na kapag sa pagpapaumanhin ay walang kabutihan.

﴿وَجَزَاءُ سَيِّئَةٍ سَيِّئَةٌ مِثْلُهَا ۖ فَمَنْ عَفَا وَأَصْلَحَ فَأَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ﴾

Ang sinumang nagnais na kumuha ng karapatan niya, ukol sa kanya iyon, subalit ayon sa pagkakatulad nang walang karagdagan o paglampas. Ang sinumang nagpaumanhin sa gumawa ng masagwa sa kanya, hindi naninisi sa paggawa sa kanya ng masagwa, at nakipag-ayusan sa pagitan niya at ng kapatid niya, ang gantimpala sa kanya ay nasa ganang kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan, na lumalabag sa katarungan sa mga tao sa mga sarili ng mga ito o mga ari-arian ng mga ito o mga dangal ng mga ito, bagkus nasusuklam Siya sa kanila.

﴿وَلَمَنِ انْتَصَرَ بَعْدَ ظُلْمِهِ فَأُولَٰئِكَ مَا عَلَيْهِمْ مِنْ سَبِيلٍ﴾

Ang sinumang nag-adya sa sarili niya,, ang mga iyon ay wala sa kanilang anumang paninisi dahil sa pagkuha sa karapatan nila.

﴿إِنَّمَا السَّبِيلُ عَلَى الَّذِينَ يَظْلِمُونَ النَّاسَ وَيَبْغُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Ang paninisi at ang parusa lamang ay ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga tao at gumagawa sa lupain ayon sa mga pagsuway. Ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit sa Kabilang-buhay.

﴿وَلَمَنْ صَبَرَ وَغَفَرَ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ﴾

Tungkol naman sa sinumang nagtiis sa pananakit ng iba sa kanya at nagpalampas doon, tunay na ang pagtitiis na iyon ay kabilang sa naghahatid ng kabutihan sa kanya at sa lipunan. Iyon ay isang bagay na pinapupurihan. Walang naitutuon doon kundi ang may bahaging dakila.

﴿وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ وَلِيٍّ مِنْ بَعْدِهِ ۗ وَتَرَى الظَّالِمِينَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ يَقُولُونَ هَلْ إِلَىٰ مَرَدٍّ مِنْ سَبِيلٍ﴾

Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa kapatnubayan at pinaligaw palayo sa katotohanan ay walang ukol dito na isang mapagtangkilik, matapos ni Allāh, na tatangkilik sa pumapatungkol sa kanya.
Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, kapag napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, ay magsasabi habang mga nagmimithi: "Ang pagbabalik ba sa Mundo ay may daan para magbalik-loob kami kay Allāh?"

﴿وَتَرَاهُمْ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا خَاشِعِينَ مِنَ الذُّلِّ يَنْظُرُونَ مِنْ طَرْفٍ خَفِيٍّ ۗ وَقَالَ الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا إِنَّ الظَّالِمِينَ فِي عَذَابٍ مُقِيمٍ﴾

Makikita mo, O Sugo, ang mga tagalabag sa katarungan na ito kapag idinadarang sila sa Apoy habang sila ay mga aba at mga hinihiya, na tumitingin sa mga tao nang patalilis dala ng tindi ng pangamba nila roon. Magsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya: "Tunay na ang mga lugi, sa totoo, ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon dahilan sa daranasin nilang pagdurusang dulot ni Allāh. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay nasa isang pagdurusang mamamalagi, na hindi mapuputol magpakailanman."

﴿وَمَا كَانَ لَهُمْ مِنْ أَوْلِيَاءَ يَنْصُرُونَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ سَبِيلٍ﴾

Walang ukol sa kanila na anumang mga katangkilik na mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa katotohanan at pinaligaw Niya, walang ukol sa kanya magpakailanman na anumang daang magpapahantong sa kanya sa kapatnubayan tungo sa katotohanan.

﴿اسْتَجِيبُوا لِرَبِّكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا مَرَدَّ لَهُ مِنَ اللَّهِ ۚ مَا لَكُمْ مِنْ مَلْجَإٍ يَوْمَئِذٍ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَكِيرٍ﴾

Tumugon kayo, O mga tao, sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagdadali-dali sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at pag-iwan sa pagpapaliban bago sumapit ang Araw ng Pagbangon, na kapag dumating ay walang magtutulak doon. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan na dudulugan ninyo at walang ukol sa inyo na anumang pagkakailang ipangkakaila ninyo sa mga pagkakasala ninyo na nakamtan ninyo sa Mundo.

﴿فَإِنْ أَعْرَضُوا فَمَا أَرْسَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا ۖ إِنْ عَلَيْكَ إِلَّا الْبَلَاغُ ۗ وَإِنَّا إِذَا أَذَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنَّا رَحْمَةً فَرِحَ بِهَا ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَإِنَّ الْإِنْسَانَ كَفُورٌ﴾

Ngunit kung umayaw sila sa ipinag-utos mo sa kanila, hindi Kami nagsugo sa iyo sa kanila bilang isang mapag-ingat na mag-iingat sa mga gawain nila, Walang tungkulin sa iyo kundi ang pagpapaabot sa anumang ipinag-utos sa iyo na ipagpaabot ito, at ang pagtutuos nila ay nasa kay Allah. Tunay na kapag nagpalasap Kami sa tao mula sa Amin ng isang awa mula sa yaman at kalusugan at mga tulad nito ay natutuwa siya rito. Kung tatama sa tao ang isang pagsubok na kinamumuhian niya dahil sa mga kasalanan nila, tunay na ang karaniwang gawain nila ay ang pagtanggi sa biyaya ni Allah at hindi pagpapasalamat rito, at ang pagkapoot sa anumang itinadhana ni Allah dahil sa karunungan Niya.

﴿لِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۚ يَهَبُ لِمَنْ يَشَاءُ إِنَاثًا وَيَهَبُ لِمَنْ يَشَاءُ الذُّكُورَ﴾

49.-50. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya na lalaki o babae o iba pa roon. Nagbibigay Siya sa kaninumang niloloob Niya ng mga [batang] babae at ipinagkakait Niya rito ang mga lalaki. Ipinagkakaloob Niya sa kaninumang niloloob Niya ang mga lalaki at ipinagkakait Niya rito ang mga babae. O inilalagay Niya sa sinumang niloloob Niya ang mga lalaki at ang mga babae nang magkasama. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog na hindi nagkakaanak. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nangyayari at anumang mangyayari sa hinaharap. Ito ay bahagi ng kalubusan ng kaalaman Niya at pagkaganap ng karunungan Niya: walang naikukubli sa Kanya na anuman. Walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

﴿أَوْ يُزَوِّجُهُمْ ذُكْرَانًا وَإِنَاثًا ۖ وَيَجْعَلُ مَنْ يَشَاءُ عَقِيمًا ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ قَدِيرٌ﴾

49.-50. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya na lalaki o babae o iba pa roon. Nagbibigay Siya sa kaninumang niloloob Niya ng mga [batang] babae at ipinagkakait Niya rito ang mga lalaki. Ipinagkakaloob Niya sa kaninumang niloloob Niya ang mga lalaki at ipinagkakait Niya rito ang mga babae. O inilalagay Niya sa sinumang niloloob Niya ang mga lalaki at ang mga babae nang magkasama. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog na hindi nagkakaanak. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nangyayari at anumang mangyayari sa hinaharap. Ito ay bahagi ng kalubusan ng kaalaman Niya at pagkaganap ng karunungan Niya: walang naikukubli sa Kanya na anuman. Walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

﴿۞ وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَنْ يُكَلِّمَهُ اللَّهُ إِلَّا وَحْيًا أَوْ مِنْ وَرَاءِ حِجَابٍ أَوْ يُرْسِلَ رَسُولًا فَيُوحِيَ بِإِذْنِهِ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ عَلِيٌّ حَكِيمٌ﴾

Hindi natutumpak para sa tao na kumausap dito si Allāh maliban sa isang pagkasi sa pamamagitan ng pagsisiwalat o iba pa roon, o kumausap dito sa kung saan nakaririnig ito sa salita Niya samantalang hindi ito nakakikita sa Kanya, o magsugo Siya rito ng isang anghel na sugo tulad ni Gabriel para magkasi sa sugong tao ayon sa pahintulot Niya ng anumang niloloob ni Allāh na ikasi. Tunay na Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay Mataas sa sarili Niya at mga katangian Niya, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.

﴿وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ رُوحًا مِنْ أَمْرِنَا ۚ مَا كُنْتَ تَدْرِي مَا الْكِتَابُ وَلَا الْإِيمَانُ وَلَٰكِنْ جَعَلْنَاهُ نُورًا نَهْدِي بِهِ مَنْ نَشَاءُ مِنْ عِبَادِنَا ۚ وَإِنَّكَ لَتَهْدِي إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ﴾

Gaya ng pagkasi Namin sa mga anghel noong wala ka pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur'ān mula sa ganang Amin. Hindi ka noon nakaaalam kung ano ang aklat na makalangit na ibinababa sa mga sugo at hindi ka noon nakaaalam kung ano ang pananampalataya. Subalit nagpababa Kami ng Qur'ān na ito bilang tanglaw na nagpapatnubay Kami sa pamamagitan nito sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Tunay na ikaw ay talagang gumagabay sa mga tao tungo sa isang daang tuwid; ang Islām,

﴿صِرَاطِ اللَّهِ الَّذِي لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ أَلَا إِلَى اللَّهِ تَصِيرُ الْأُمُورُ﴾

ang daan ni Allāh na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at sa Kanya ang anumang nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Tiyakan, kay Allāh nanunumbalik ang mga usapin sa pagtatakda sa mga ito at pangangasiwa sa mga ito.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: