لقمان

تفسير سورة لقمان

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ الم﴾

Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

﴿تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْحَكِيمِ﴾

Itong mga talatang ibinaba sa iyo, O Sugo, ay ang mga talata ng Aklat na bumibigkas ng karunungan.

﴿هُدًى وَرَحْمَةً لِلْمُحْسِنِينَ﴾

Ito ay isang kapatnubayan at awa para sa mga nagpapaganda ng gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga karapatan ng Panginoon nila at mga karapatan ng mga tao.

﴿الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ﴾

[Sila] ang mga nagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na anyo at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, at sila ay mga nakatitiyak sa anumang nasa Kabilang-buhay na pagbubuhay na muli, pagtutuos, gantimpala, at parusa.

﴿أُولَٰئِكَ عَلَىٰ هُدًى مِنْ رَبِّهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ﴾

Ang mga nailalarawang iyon sa katangiang iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo sa hinihiling nila at pagkakalayo sa anumang pinangingilabutan nila.

﴿وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَشْتَرِي لَهْوَ الْحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًا ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ﴾

May mga tao - tulad ni An-Naḍr bin Al-Ḥārith - na pumipili sa mga usapang nagpapalibang upang magpabaling sa mga tao sa mga iyon palayo sa Relihiyon ni Allāh nang walang kaalaman, at gumagawa sa mga talata ni Allāh bilang isang biro na nilalait nila. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay magkakaroon ng isang pagdurusang mang-aaba sa Kabilang-buhay.

﴿وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا وَلَّىٰ مُسْتَكْبِرًا كَأَنْ لَمْ يَسْمَعْهَا كَأَنَّ فِي أُذُنَيْهِ وَقْرًا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ﴾

Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki sa paglayo sa pakikinig sa mga ito, na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi sa pagdinig sa mga tinig. Kaya magbalita ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya.

﴿إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ جَنَّاتُ النَّعِيمِ﴾

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan, na magpapakaginhawa sila sa anumang inihanda ni Allāh para sa kanila roon.

﴿خَالِدِينَ فِيهَا ۖ وَعْدَ اللَّهِ حَقًّا ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

bilang mga mamamalagi roon, nangako sa kanila si Allāh niyon bilang isang pangakong totoo na walang duda rito. Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang Makapangyarihang hindi magagapi ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.

﴿خَلَقَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ وَأَلْقَىٰ فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِكُمْ وَبَثَّ فِيهَا مِنْ كُلِّ دَابَّةٍ ۚ وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ﴾

Lumikha si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - ng mga langit nang nakaangat na walang mga haligi. Nagtukod Siya sa lupa ng mga bundok na matatag upang hindi mayanig ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya sa ibabaw ng lupa ng mga uri ng hayop. Nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan at nagpatubo sa lupa ng bawat uring marikit ang tanawin, na nakikinabang ang mga tao at ang mga hayop.

﴿هَٰذَا خَلْقُ اللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ الَّذِينَ مِنْ دُونِهِ ۚ بَلِ الظَّالِمُونَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾

Itong nabanggit ay nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin, O mga tagapagtambal, kung ano ang nilikha ng mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh! Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag sa katotohanan yayamang nagtatambal sila kasama sa Panginoon nila ng hindi nakalilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha.

﴿وَلَقَدْ آتَيْنَا لُقْمَانَ الْحِكْمَةَ أَنِ اشْكُرْ لِلَّهِ ۚ وَمَنْ يَشْكُرْ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ كَفَرَ فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ﴾

Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng pagkaunawa sa relihiyon at pagkatama sa mga usapin. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka, O Luqmān, sa Panginoon mo noon sa ibiniyaya Niya sa iyo na pagtutuon sa pagtalima sa Kanya." Ang sinumang nagpapasalamat sa Panginoon niya, ang pakinabang sa pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa sarili niya sapagkat si Allāh ay walang-pangangailangan sa pasasalamat niya.
Ang sinumang nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya at tumangging sumampalataya kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya ay sa kanya at hindi napipinsala si Allāh ng anuman sapagkat Siya ay walang-pangangailangan sa nilikha Niya sa kalahatan, pinapupurihan sa bawat kalagayan.

﴿وَإِذْ قَالَ لُقْمَانُ لِابْنِهِ وَهُوَ يَعِظُهُ يَا بُنَيَّ لَا تُشْرِكْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّ الشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ﴾

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nagpapaibig dito sa kabutihan at nagpapaingat dito laban sa kasamaan: "O anak ko, huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya. Tunay na ang pagsamba sa isang sinasamba kasama kay Allāh ay isang paglabag sa katarungan, na sukdulan para sa kaluluwa dahil sa paggawa ng pinakasukdulang pagkakasala na nagpapahantong sa pagpapanatili rito sa Apoy."

﴿وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ وَهْنًا عَلَىٰ وَهْنٍ وَفِصَالُهُ فِي عَامَيْنِ أَنِ اشْكُرْ لِي وَلِوَالِدَيْكَ إِلَيَّ الْمَصِيرُ﴾

Nagtagubilin sa tao hinggil sa pagtalima sa mga magulang niya at pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa anumang walang pagsuway roon kay Allāh. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa tiyan nito habang dumaranas ng isang hirap matapos ng isang hirap. Ang pagpapatigil sa kanya sa pagpapasuso ay sa dalawang taon. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa iyo na mga biyaya, pagkatapos ay sa mga magulang mo sa isinagawa nilang dalawa ng pag-aalaga sa iyo at pangangalaga." Tungo sa Akin - tanging sa Akin - ang panunumbalikan para gumanti Ako sa bawat isa ng anumang nagigindapat ito.

﴿وَإِنْ جَاهَدَاكَ عَلَىٰ أَنْ تُشْرِكَ بِي مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۖ وَصَاحِبْهُمَا فِي الدُّنْيَا مَعْرُوفًا ۖ وَاتَّبِعْ سَبِيلَ مَنْ أَنَابَ إِلَيَّ ۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Kung gumawa ang mga magulang ng pagsisikap upang magbunsod sa iyo na magtambal ka kay Allāh ng iba pa sa Kanya dala ng pagdodomina mula sa kanilang dalawa ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagapaglikha. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa pagpapakabuti, pagpapanatili ng ugnayan, at paggawa ng maganda. Sumunod ka sa daan ng nagsisi sa Akin ayon sa paniniwala sa kaisahan Ko at pagtalima. Pagkatapos ay sa Akin - tanging sa Akin - sa Araw ng Pagbangon ang panunumbalikan ninyo sa kalahatan at magbabalita AKo sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na gawain at gaganti Ako sa inyo dahil doon.

﴿يَا بُنَيَّ إِنَّهَا إِنْ تَكُ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِنْ خَرْدَلٍ فَتَكُنْ فِي صَخْرَةٍ أَوْ فِي السَّمَاوَاتِ أَوْ فِي الْأَرْضِ يَأْتِ بِهَا اللَّهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ﴾

[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ang masagwang gawa o ang magandang gawa, naging gaano man kaliit ito tulad ng bigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa ilalim ng isang bato na walang nakababatid doon na isa man o nasa alinmang pook sa mga langit o sa lupa, tunay na si Allāh ay maglalahad nito sa Araw ng Pagbangon at gaganti sa tao dahil doon. Tunay na si Allāh ay Nakatatalos: walang naikukubli sa Kanya na mga kaliit-liitan ng mga bagay, Nakababatid sa mga reyalidad ng mga ito at kinalalagyan ng mga ito.

﴿يَا بُنَيَّ أَقِمِ الصَّلَاةَ وَأْمُرْ بِالْمَعْرُوفِ وَانْهَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا أَصَابَكَ ۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ﴾

O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang dumapo sa iyo na anumang nakasusuklam dahil doon. Tunay na ang ipinag-utos sa iyo kabilang doon ay kabilang sa pinagpasyahan ni Allāh sa iyo na gawin mo kaya walang mapagpipilian para sa iyo rito.

﴿وَلَا تُصَعِّرْ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمْشِ فِي الْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ﴾

Huwag kang maglihis ng mukha mo palayo sa mga tao dala ng pagmamalaki at huwag kang maglakad sa ibabaw ng lupa dala ng pagpapakasaya habang humahanga sa sarili mo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang sa paglalakad niya, na hambog sa anumang ibinigay sa kanya na mga biyaya, na nagmamalaki ang mga ito sa mga tao at hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito.

﴿وَاقْصِدْ فِي مَشْيِكَ وَاغْضُضْ مِنْ صَوْتِكَ ۚ إِنَّ أَنْكَرَ الْأَصْوَاتِ لَصَوْتُ الْحَمِيرِ﴾

Magpakakatamtaman ka sa paglakad mo sa pagitan ng pagpapabilis at paggapang, sa isang paglakad na nagpapakita ng kapitaganan. Magbaba ka ng tinig mo; huwag mong itaas ito sa isang pagtataas na nakasasakit. Tunay na ang pinakapangit sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno dahil sa pagkakataas ng mga tinig ng mga ito.

﴿أَلَمْ تَرَوْا أَنَّ اللَّهَ سَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَسْبَغَ عَلَيْكُمْ نِعَمَهُ ظَاهِرَةً وَبَاطِنَةً ۗ وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُنِيرٍ﴾

Hindi ba kayo nakakita at nakasaksi, O mga tao, na si Allāh ay nagpadali para sa inyo ng pakikinabang sa nasa mga langit na araw, buwan, at mga planeta; nagpadali para sa inyo rin sa nasa lupa na mga hayop, mga puno, at mga halaman; at nagpalubos sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran sa mga mata gaya ng karikitan ng larawan at kagandahan ng anyo, at pakubling patago gaya ng pagkaunawa at kaalaman? Sa kabila ng pagkakaroon ng mga biyayang ito, mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh nang walang kaalamang nakabatay sa isang kasi mula kay Allāh o isang pagkaunawang nakapagbibigay-liwanag at walang aklat na maliwanag na ibinaba mula kay Allāh.

﴿وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اتَّبِعُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ قَالُوا بَلْ نَتَّبِعُ مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا ۚ أَوَلَوْ كَانَ الشَّيْطَانُ يَدْعُوهُمْ إِلَىٰ عَذَابِ السَّعِيرِ﴾

Kapag sinabi sa kanila na nakikipagdebate sa kaisahan ni Allah: "Sundin ninyo ang ibinaba ni Allāh sa Kanyang sugo na mula sa kasi," nagsabi sila: "Hindi namin ito susundin. Bagkus sinusunod namin ang natagpuan namin sa mga magulang namin na pagsamba sa mga diyos namin." Kahit ba ang Demonyo ay nag-aanyaya sa kanila -sa pamamagitan ng pagligaw niya sa kanila na pagsamba sa mga rebulto- sa pagdurusa sa Impiyerno sa araw ng Pagkabuhay?!

﴿۞ وَمَنْ يُسْلِمْ وَجْهَهُ إِلَى اللَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ ۗ وَإِلَى اللَّهِ عَاقِبَةُ الْأُمُورِ﴾

Ang sinumang nag-ukol ng sarili kay Allāh habang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba at nagpapaganda sa gawa ay nakahawak siya sa pinakamatibay na makakapitan ng sinumang umaasa ng pagkaligtas yayamang hindi siya nangangamba sa pagkaputol ng hinawakan niya. Tungo kay Allāh - tanging sa Kanya - ang kahahantungan ng mga usapin at ang panunumbalikan ng mga ito para gumantimpala Siya sa bawat isa ayon sa nagigindapat dito.

﴿وَمَنْ كَفَرَ فَلَا يَحْزُنْكَ كُفْرُهُ ۚ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ﴾

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang kawalang-pananampalataya niya. Sa Amin - tanging sa Amin - ang panunumbalikan nila sa Araw ng Pagbangon at magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga masagwang gawa sa Mundo at gaganti Kami sa kanila dahil sa mga ito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa nasa mga dibdib: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa nasa mga ito.

﴿نُمَتِّعُهُمْ قَلِيلًا ثُمَّ نَضْطَرُّهُمْ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٍ﴾

Magpapatamasa Kami sa kanila ng ibinibigay Namin sa kanila na mga pampasarap sa Mundo sa kaunting panahon, pagkatapos ay magpapadulog Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa isang pagdurusang matindi, ang pagdurusa sa Apoy.

﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾

Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha sa mga langit at sino ang lumikha sa lupa ay talagang magsasabi nga sila na ang lumikha sa mga ito ay si Allāh. Sabihin mo sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran sa inyo." Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa kung sino ang nagigindapat sa papuri dahil sa kamangmangan nila.

﴿لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ﴾

Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang anumang nasa mga langit at lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya, ang Pinapupurihan sa Mundo at Kabilang-buhay.

﴿وَلَوْ أَنَّمَا فِي الْأَرْضِ مِنْ شَجَرَةٍ أَقْلَامٌ وَالْبَحْرُ يَمُدُّهُ مِنْ بَعْدِهِ سَبْعَةُ أَبْحُرٍ مَا نَفِدَتْ كَلِمَاتُ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Kung sakaling ang anumang nasa lupa na punong-kahoy ay pinutol at tinasahan para maging mga panulat at ginawa ang dagat na tinta para sa mga iyon, at kung sakaling dinagdagan ito ng pitong dagat, hindi mauubos ang mga salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pagwawakas ng mga ito. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadaraig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.

﴿مَا خَلْقُكُمْ وَلَا بَعْثُكُمْ إِلَّا كَنَفْسٍ وَاحِدَةٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ﴾

Walang iba ang pagkalikha sa inyo, o mga tao, ni ang pagbuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti kundi gaya ng pagkalikha sa iisang kaluluwa at pagbuhay rito sa kadalian. Tunay na si Allāh ay Madinigin: hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkarinig sa isang tinig palayo sa pagkarinig sa iba pang tinig, Nakakikita: hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkakita sa isang bagay palayo sa pagkakita sa iba pang bagay. Gayon din, hindi nakaaabala sa Kanya ang paglikha sa isang kaluluwa at ang pagbuhay rito palayo sa paglikha ng iba pa at pagbuhay niyon.

﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَأَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ﴾

Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay bumabawas mula sa gabi upang magdagdag sa maghapon, bumabawas mula sa maghapon upang magdagdag sa gabi, nagtakda sa daanan ng araw at buwan yayamang umiinog ang bawat isa sa nililibutan nito tungo sa isang yugtong tinakdaan, at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo at gaganti sa inyo sa mga iyon?

﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ الْبَاطِلُ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ﴾

Ang pangangasiwa at ang pagtatakdang iyon ay sumasaksi na si Allāh - tanging Siya - ay ang totoo sapagkat Siya ay totoo sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya; na ang sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanang walang batayan; at na si Allāh ay ang Mataas sa sarili Niya, paglupig Niya, at halaga Niya sa lahat ng mga nilikha Niya, na walang higit na mataas kaysa sa Kanya, ang siyang higit na Malaki sa bawat bagay.

﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ الْفُلْكَ تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِنِعْمَتِ اللَّهِ لِيُرِيَكُمْ مِنْ آيَاتِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ﴾

Hindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa kabaitan Niya at pagpapalingkod Niya upang magpakita Siya sa inyo, O mga tao, ng mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya - kaluwalhatian sa Kanya - at kabaitan Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga katunayan sa kakayahan Niya para sa bawat palatiis sa anumang tumatama sa kanya na kariwaraan, na mapagpasalamat sa anumang dumadapo sa kanya na kaginhawahan.

﴿وَإِذَا غَشِيَهُمْ مَوْجٌ كَالظُّلَلِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ فَمِنْهُمْ مُقْتَصِدٌ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا كُلُّ خَتَّارٍ كَفُورٍ﴾

Kapag pumaligid sa kanila mula sa bawat gilid ang mga alon na tulad ng mga bundok at mga ulap ay dumadalangin sila kay Allāh - tanging sa Kanya - bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagdalangin at pagsamba; ngunit noong tumugon si Allāh sa kanila, nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, at naligtas sila sa pagkalunod, mayroon sa kanila na katamtaman: hindi nagsagawa ng kinailangan sa kanya na pasasalamat ayon sa paraang lubos, at mayroon sa kanila na tagapagkaila sa biyaya ni Allāh.
Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat taksil sa pangako - tulad ng nakipagkasundo kay Allāh na talagang kung ililigtas siya ay talagang magiging kabilang nga siya sa mga tagapagpasalamat kay Allāh - na palatangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh: hindi siya nagpapasalamat sa Panginoon niya na nagbiyaya nga mga ito sa kanya.

﴿يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ وَاخْشَوْا يَوْمًا لَا يَجْزِي وَالِدٌ عَنْ وَلَدِهِ وَلَا مَوْلُودٌ هُوَ جَازٍ عَنْ وَالِدِهِ شَيْئًا ۚ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ﴾

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at mangamba kayo sa pagdurusa sa isang Araw na hindi makapagdudulot doon ang isang magulang para sa anak niya at hindi makapagdudulot ang isang inanak para sa magulang niya ng anuman.
Tunay na ang pangako ni Allāh ng pagganti sa Araw ng Pagbangon ay napagtibay at magaganap nang walang pasubali kaya huwag ngang manlinlang sa inyo ang buhay pangmundo sa pamamagitan ng taglay nitong mga ninanasa at mga pampalibang at huwag ngang mandaya sa inyo ang demonyo hinggil sa pagtitimpi ni Allāh sa inyo at pagpapahuli Niya ng pagdurusa sa inyo.

﴿إِنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ الْغَيْثَ وَيَعْلَمُ مَا فِي الْأَرْحَامِ ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ مَاذَا تَكْسِبُ غَدًا ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ بِأَيِّ أَرْضٍ تَمُوتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ﴾

Tunay na si Allāh ay may taglay - tanging Siya - ng kaalaman sa Huling Sandali sapagkat nalalaman Niya kung kailan iyon magaganap, nagbababa ng ulan kung kailan Niya niloob, at nakaaalam sa anumang nasa mga sinapupunan kung lalaki ba ito o babae, kung malumbay o maligaya. Hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan na kabutihan o kasamaan, at hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bagkus si Allāh ay ang nakaaalam niyon sa kabuuan niyon. Tunay na si Allāh ay Maalam, Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: