مريم

تفسير سورة مريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ كهيعص﴾

Kāf, Hā, Yā, `Ayn, Ṣād.

﴿ذِكْرُ رَحْمَتِ رَبِّكَ عَبْدَهُ زَكَرِيَّا﴾

Ang pagbanggit ng awa ng Panginoon mo sa lingkod Niyang si Zacarias

﴿إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ نِدَاءً خَفِيًّا﴾

nang nanawagan siya sa Panginoon niya sa isang panawagang kubli.

﴿قَالَ رَبِّ إِنِّي وَهَنَ الْعَظْمُ مِنِّي وَاشْتَعَلَ الرَّأْسُ شَيْبًا وَلَمْ أَكُنْ بِدُعَائِكَ رَبِّ شَقِيًّا﴾

Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay napanghinaan ng mga buto mula sa akin, nagliyab ang ulo sa uban, at hindi naging malumbay sa pagdalangin sa Iyo, Panginoon ko.

﴿وَإِنِّي خِفْتُ الْمَوَالِيَ مِنْ وَرَائِي وَكَانَتِ امْرَأَتِي عَاقِرًا فَهَبْ لِي مِنْ لَدُنْكَ وَلِيًّا﴾

Tunay na ako ay nangamba sa mga kalapit kabilang sa maiiwan ko. Ang maybahay ko naman ay baog. Kaya magkaloob ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kalapit,

﴿يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنْ آلِ يَعْقُوبَ ۖ وَاجْعَلْهُ رَبِّ رَضِيًّا﴾

na magmamana sa akin at magmamana mula sa angkan ni Jacob. Gawin Mo siya, Panginoon ko, na isang kinalulugdan.

﴿يَا زَكَرِيَّا إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَامٍ اسْمُهُ يَحْيَىٰ لَمْ نَجْعَلْ لَهُ مِنْ قَبْلُ سَمِيًّا﴾

[Sinabi sa kanya:] "O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan (Yahya). Hindi Kami gumawa para sa kanya noong una ng isang kapangalan."

﴿قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَكَانَتِ امْرَأَتِي عَاقِرًا وَقَدْ بَلَغْتُ مِنَ الْكِبَرِ عِتِيًّا﴾

Nagsabi ito: "Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki gayong ang maybahay ko ay baog at tumuntong na ako sa katandaan bilang isang hukluban?"

﴿قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ وَقَدْ خَلَقْتُكَ مِنْ قَبْلُ وَلَمْ تَكُ شَيْئًا﴾

Nagsabi siya: "Gayon nga; nagsabi ang Panginoon mo: Iyon sa Akin ay madali sapagkat lumikha Ako sa iyo noong una gayong hindi nangyaring ikaw ay anuman."

﴿قَالَ رَبِّ اجْعَلْ لِي آيَةً ۚ قَالَ آيَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ النَّاسَ ثَلَاثَ لَيَالٍ سَوِيًّا﴾

Nagsabi ito: "Panginoon ko, gumawa ka para sa akin ng isang tanda." Nagsabi siya: "Ang tanda mo ay na hindi ka magsasalita sa mga tao nang tatlong gabi, gayong malusog."

﴿فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِ مِنَ الْمِحْرَابِ فَأَوْحَىٰ إِلَيْهِمْ أَنْ سَبِّحُوا بُكْرَةً وَعَشِيًّا﴾

Kaya lumabas siya sa mga kababayan niya mula sa dasalan at nagpahiwatig sa kanila na magluwalhati sila sa umaga at hapon.

﴿يَا يَحْيَىٰ خُذِ الْكِتَابَ بِقُوَّةٍ ۖ وَآتَيْنَاهُ الْحُكْمَ صَبِيًّا﴾

[Sinabi:] "O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas." Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa,

﴿وَحَنَانًا مِنْ لَدُنَّا وَزَكَاةً ۖ وَكَانَ تَقِيًّا﴾

ng pagsinta mula sa nasa Amin, at ng kadalisayan. Siya noon ay isang mapangilag sa pagkakasala,

﴿وَبَرًّا بِوَالِدَيْهِ وَلَمْ يَكُنْ جَبَّارًا عَصِيًّا﴾

nagpapakabuti sa mga magulang niya, at hindi naging isang mapaniil na masuwayin.

﴿وَسَلَامٌ عَلَيْهِ يَوْمَ وُلِدَ وَيَوْمَ يَمُوتُ وَيَوْمَ يُبْعَثُ حَيًّا﴾

Kapayapaan ay sumakanya sa araw na ipinanganak siya, sa araw ng namatay siya, at sa araw na ibabangon siya bilang buhay.

﴿وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ مَرْيَمَ إِذِ انْتَبَذَتْ مِنْ أَهْلِهَا مَكَانًا شَرْقِيًّا﴾

Bumanggit ka sa Aklat kay Maria noong nagpakalayo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.

﴿فَاتَّخَذَتْ مِنْ دُونِهِمْ حِجَابًا فَأَرْسَلْنَا إِلَيْهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرًا سَوِيًّا﴾

Gumawa siya, sa pagbukod sa kanila, ng isang tabing. Nagpadala Kami sa kanya ng espiritu Namin at nag-anyo ito sa kanya bilang isang taong lubos.

﴿قَالَتْ إِنِّي أَعُوذُ بِالرَّحْمَٰنِ مِنْكَ إِنْ كُنْتَ تَقِيًّا﴾

Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo kung ikaw ay isang mapangilag sa pagkakasala."

﴿قَالَ إِنَّمَا أَنَا رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَامًا زَكِيًّا﴾

Nagsabi ito: "Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang lalaking anak na dalisay."

﴿قَالَتْ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِي بَشَرٌ وَلَمْ أَكُ بَغِيًّا﴾

Nagsabi siya: "Paanong magkakaroon ako ng isang anak na lalaki samantalang hindi ako nasaling ng isang lalaki at hindi naman ako isang mapakiapid?"

﴿قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ ۖ وَلِنَجْعَلَهُ آيَةً لِلنَّاسِ وَرَحْمَةً مِنَّا ۚ وَكَانَ أَمْرًا مَقْضِيًّا﴾

Nagsabi ito: "Gayon nga. Nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang isang tanda para sa mga tao at isang awa mula sa Amin. Ito ay isang bagay na naitadhana."

﴿۞ فَحَمَلَتْهُ فَانْتَبَذَتْ بِهِ مَكَانًا قَصِيًّا﴾

Kaya ipinagbuntis niya ito at nagpakalayo siya kasama nito sa isang pook na liblib.

﴿فَأَجَاءَهَا الْمَخَاضُ إِلَىٰ جِذْعِ النَّخْلَةِ قَالَتْ يَا لَيْتَنِي مِتُّ قَبْلَ هَٰذَا وَكُنْتُ نَسْيًا مَنْسِيًّا﴾

Nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak sa katawan ng punong datiles at nagsabi siya: "O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan."

﴿فَنَادَاهَا مِنْ تَحْتِهَا أَلَّا تَحْزَنِي قَدْ جَعَلَ رَبُّكِ تَحْتَكِ سَرِيًّا﴾

Kaya may nanawagan sa kanya mula sa ilalim niya: "Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.

﴿وَهُزِّي إِلَيْكِ بِجِذْعِ النَّخْلَةِ تُسَاقِطْ عَلَيْكِ رُطَبًا جَنِيًّا﴾

Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga sariwang datiles na hinog.

﴿فَكُلِي وَاشْرَبِي وَقَرِّي عَيْنًا ۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ الْبَشَرِ أَحَدًا فَقُولِي إِنِّي نَذَرْتُ لِلرَّحْمَٰنِ صَوْمًا فَلَنْ أُكَلِّمَ الْيَوْمَ إِنْسِيًّا﴾

Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Kung makakikita ka nga kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako magsasalita ngayong araw sa isang tao."

﴿فَأَتَتْ بِهِ قَوْمَهَا تَحْمِلُهُ ۖ قَالُوا يَا مَرْيَمُ لَقَدْ جِئْتِ شَيْئًا فَرِيًّا﴾

Pagkatapos ay dumating siya kasama nito sa mga kalipi niya habang binubuhat ito. Nagsabi sila: "O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri!

﴿يَا أُخْتَ هَارُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ امْرَأَ سَوْءٍ وَمَا كَانَتْ أُمُّكِ بَغِيًّا﴾

O kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapang-apid."

﴿فَأَشَارَتْ إِلَيْهِ ۖ قَالُوا كَيْفَ نُكَلِّمُ مَنْ كَانَ فِي الْمَهْدِ صَبِيًّا﴾

Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: "Papaano kami makikipag-usap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?"

﴿قَالَ إِنِّي عَبْدُ اللَّهِ آتَانِيَ الْكِتَابَ وَجَعَلَنِي نَبِيًّا﴾

Nagsabi ito: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang isang propeta.

﴿وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيْنَ مَا كُنْتُ وَأَوْصَانِي بِالصَّلَاةِ وَالزَّكَاةِ مَا دُمْتُ حَيًّا﴾

Gumawa Siya sa akin bilang isang pinagpala saan man ako naroon at nagtagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay

﴿وَبَرًّا بِوَالِدَتِي وَلَمْ يَجْعَلْنِي جَبَّارًا شَقِيًّا﴾

at isang nagpapakabuti sa ina ko. Hindi Siya gumawa sa akin bilang isang mapaniil na malumbay.

﴿وَالسَّلَامُ عَلَيَّ يَوْمَ وُلِدْتُ وَيَوْمَ أَمُوتُ وَيَوْمَ أُبْعَثُ حَيًّا﴾

Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na ibabangon ako bilang buhay."

﴿ذَٰلِكَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ ۚ قَوْلَ الْحَقِّ الَّذِي فِيهِ يَمْتَرُونَ﴾

Iyon si Hesus na anak ni Maria. [Ito ay] pagsasabi ng katotohanan na hinggil dito ay nag-aalinlangan sila.

﴿مَا كَانَ لِلَّهِ أَنْ يَتَّخِذَ مِنْ وَلَدٍ ۖ سُبْحَانَهُ ۚ إِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ﴾

Hindi nangyaring ukol kay Allāh na magkaroon Siya ng alinmang anak; kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay magsasabi lamang Siya na mangyari at mangyayari ito.

﴿وَإِنَّ اللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ﴾

[Nagsabi si Hesus:] "Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid."

﴿فَاخْتَلَفَ الْأَحْزَابُ مِنْ بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ مَشْهَدِ يَوْمٍ عَظِيمٍ﴾

Nagkaiba-iba ang mga lapian mula sa kabilang sa kanila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya mula sa masasaksihan sa isang araw na sukdulan.

﴿أَسْمِعْ بِهِمْ وَأَبْصِرْ يَوْمَ يَأْتُونَنَا ۖ لَٰكِنِ الظَّالِمُونَ الْيَوْمَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾

Kay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.

﴿وَأَنْذِرْهُمْ يَوْمَ الْحَسْرَةِ إِذْ قُضِيَ الْأَمْرُ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ وَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ﴾

Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat habang sila ay hindi sumasampalataya.

﴿إِنَّا نَحْنُ نَرِثُ الْأَرْضَ وَمَنْ عَلَيْهَا وَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ﴾

Tunay na Kami ay magmamana ng lupa at ng sinumang nasa ibabaw nito, at sa Amin sila ibabalik.

﴿وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِبْرَاهِيمَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَبِيًّا﴾

Banggitin mo sa Aklat si Abraham. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.

﴿إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ يَا أَبَتِ لِمَ تَعْبُدُ مَا لَا يَسْمَعُ وَلَا يُبْصِرُ وَلَا يُغْنِي عَنْكَ شَيْئًا﴾

[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya: "O ama ko, bakit ka sumasamba sa hindi nakaririnig, hindi nakakikita, at hindi nagdudulot sa iyo ng anuman?

﴿يَا أَبَتِ إِنِّي قَدْ جَاءَنِي مِنَ الْعِلْمِ مَا لَمْ يَأْتِكَ فَاتَّبِعْنِي أَهْدِكَ صِرَاطًا سَوِيًّا﴾

O ama ko, tunay na dumating sa akin ang kaalamang hindi dumating sa iyo; kaya sumunod ka sa akin, magpapatnubay ako sa iyo sa isang landasing patag.

﴿يَا أَبَتِ لَا تَعْبُدِ الشَّيْطَانَ ۖ إِنَّ الشَّيْطَانَ كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ عَصِيًّا﴾

O ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo; tunay na ang demonyo ay laging isang masuwayin sa Napakamaawain.

﴿يَا أَبَتِ إِنِّي أَخَافُ أَنْ يَمَسَّكَ عَذَابٌ مِنَ الرَّحْمَٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيْطَانِ وَلِيًّا﴾

O ama ko, tunay na ako ay nangangamba na salingin ka ng isang pagdurusa mula sa Napakamaawain kaya ikaw sa demonyo ay maging katangkilik."

﴿قَالَ أَرَاغِبٌ أَنْتَ عَنْ آلِهَتِي يَا إِبْرَاهِيمُ ۖ لَئِنْ لَمْ تَنْتَهِ لَأَرْجُمَنَّكَ ۖ وَاهْجُرْنِي مَلِيًّا﴾

Nagsabi ito: "Tumututol ka ba sa mga diyos ko, O Abraham? Talagang kung hindi ka titigil ay talagang mambabato nga ako sa iyo, kaya umiwas ka sa akin nang matagal."

﴿قَالَ سَلَامٌ عَلَيْكَ ۖ سَأَسْتَغْفِرُ لَكَ رَبِّي ۖ إِنَّهُ كَانَ بِي حَفِيًّا﴾

Nagsabi siya: "Kapayapaan ay sumaiyo! Hihingi ako ng kapatawaran para sa iyo sa Panginoon ko. Tunay na Siya sa akin ay laging Magiliw.

﴿وَأَعْتَزِلُكُمْ وَمَا تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَأَدْعُو رَبِّي عَسَىٰ أَلَّا أَكُونَ بِدُعَاءِ رَبِّي شَقِيًّا﴾

Hihiwalay ako sa inyo at sa anumang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh at dadalangin ako sa Panginoon ko; marahil hindi ako, sa pagdalangin sa Panginoon ko, maging isang malumbay."

﴿فَلَمَّا اعْتَزَلَهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا نَبِيًّا﴾

Kaya noong humiwalay siya sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay ipinagkaloob para sa kanya sina Isaac at Jacob. Bawat isa ay ginawa Naming propeta.

﴿وَوَهَبْنَا لَهُمْ مِنْ رَحْمَتِنَا وَجَعَلْنَا لَهُمْ لِسَانَ صِدْقٍ عَلِيًّا﴾

Nagkaloob Kami para sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami para sa kanila ng mataas na pagbanggit ng kagandahan.

﴿وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ مُوسَىٰ ۚ إِنَّهُ كَانَ مُخْلَصًا وَكَانَ رَسُولًا نَبِيًّا﴾

Banggitin mo sa Aklat si Moises. Tunay na siya ay isang itinangi at naging isang sugo na propeta.

﴿وَنَادَيْنَاهُ مِنْ جَانِبِ الطُّورِ الْأَيْمَنِ وَقَرَّبْنَاهُ نَجِيًّا﴾

Tinawag Namin siya mula sa gilid ng bundok sa kanan [niya] at pinalapit Namin siya, na nakikipagtapatan.

﴿وَوَهَبْنَا لَهُ مِنْ رَحْمَتِنَا أَخَاهُ هَارُونَ نَبِيًّا﴾

Nagkaloob Kami sa kanya mula sa awa Namin ng kapatid niyang si Aaron bilang isang propeta.

﴿وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِسْمَاعِيلَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صَادِقَ الْوَعْدِ وَكَانَ رَسُولًا نَبِيًّا﴾

Banggitin mo sa Aklat si Ismael. Tunay na siya ay tapat sa pangako at naging isang sugo na propeta.

﴿وَكَانَ يَأْمُرُ أَهْلَهُ بِالصَّلَاةِ وَالزَّكَاةِ وَكَانَ عِنْدَ رَبِّهِ مَرْضِيًّا﴾

Siya noon ay nag-uutos sa mag-anak niya ng pagdarasal at pagkakawanggawa at siya noon sa ganang Panginoon niya ay isang kinalulugdan.

﴿وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِدْرِيسَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَبِيًّا﴾

Banggitin mo sa Aklat si Enoc. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.

﴿وَرَفَعْنَاهُ مَكَانًا عَلِيًّا﴾

Nag-angat Kami sa kanya sa isang pook na mataas.

﴿أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنَ النَّبِيِّينَ مِنْ ذُرِّيَّةِ آدَمَ وَمِمَّنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ وَمِنْ ذُرِّيَّةِ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْرَائِيلَ وَمِمَّنْ هَدَيْنَا وَاجْتَبَيْنَا ۚ إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُ الرَّحْمَٰنِ خَرُّوا سُجَّدًا وَبُكِيًّا ۩﴾

Ang mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta na mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin kasama ni Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay sumusubsob sila na mga nagpapatirapa, na mga umiiyak.

﴿۞ فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ أَضَاعُوا الصَّلَاةَ وَاتَّبَعُوا الشَّهَوَاتِ ۖ فَسَوْفَ يَلْقَوْنَ غَيًّا﴾

Ngunit may humalili noong matapos nila na kahalili [na masama] na nagwalang-bahala sa pagdarasal at sumunod sa mga nasa, kaya mahaharap sila sa isang kasamaan,

﴿إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ وَلَا يُظْلَمُونَ شَيْئًا﴾

maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi sila lalabagin sa katarungan sa anuman.

﴿جَنَّاتِ عَدْنٍ الَّتِي وَعَدَ الرَّحْمَٰنُ عِبَادَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّهُ كَانَ وَعْدُهُ مَأْتِيًّا﴾

Ang mga hardin ng Eden na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niya sa Lingid, tunay na laging ang pangako Niya ay darating.

﴿لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا إِلَّا سَلَامًا ۖ وَلَهُمْ رِزْقُهُمْ فِيهَا بُكْرَةً وَعَشِيًّا﴾

Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni kasinungalingan – maliban sa kapayapaan – at ukol sa kanila ang panustos sa kanila roon sa umaga at hapon.

﴿تِلْكَ الْجَنَّةُ الَّتِي نُورِثُ مِنْ عِبَادِنَا مَنْ كَانَ تَقِيًّا﴾

Iyon ang Paraiso na ipamamana Namin sa kabilang sa mga lingkod Namin na naging mapangilagin sa pagkakasala.

﴿وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمْرِ رَبِّكَ ۖ لَهُ مَا بَيْنَ أَيْدِينَا وَمَا خَلْفَنَا وَمَا بَيْنَ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيًّا﴾

[Sabihin mo, Gabriel:] "Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa harapan namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin -

﴿رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا فَاعْبُدْهُ وَاصْطَبِرْ لِعِبَادَتِهِ ۚ هَلْ تَعْلَمُ لَهُ سَمِيًّا﴾

Ang Panginoon ng mga langit at lupa at ng nasa pagitan ng mga ito – kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. May nalalaman ka bang isang kapangalan para sa Kanya?"

﴿وَيَقُولُ الْإِنْسَانُ أَإِذَا مَا مِتُّ لَسَوْفَ أُخْرَجُ حَيًّا﴾

Magsasabi ang tao: "Kapag namatay ba ako ay talagang ilalabas akong buhay?"

﴿أَوَلَا يَذْكُرُ الْإِنْسَانُ أَنَّا خَلَقْنَاهُ مِنْ قَبْلُ وَلَمْ يَكُ شَيْئًا﴾

Hindi ba naaalaala ng tao na Kami ay lumikha sa kanya noong una samantalang siya noon ay hindi isang bagay?

﴿فَوَرَبِّكَ لَنَحْشُرَنَّهُمْ وَالشَّيَاطِينَ ثُمَّ لَنُحْضِرَنَّهُمْ حَوْلَ جَهَنَّمَ جِثِيًّا﴾

Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang magtitipon nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos ay talagang magdadala nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod.

﴿ثُمَّ لَنَنْزِعَنَّ مِنْ كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمْ أَشَدُّ عَلَى الرَّحْمَٰنِ عِتِيًّا﴾

Pagkatapos ay talagang huhugot nga Kami mula sa bawat kampihan kung alin sa kanila ang pinakamatindi laban sa Napakamaawain sa paghihimagsik.

﴿ثُمَّ لَنَحْنُ أَعْلَمُ بِالَّذِينَ هُمْ أَوْلَىٰ بِهَا صِلِيًّا﴾

Pagkatapos ay talagang Kami ay higit na nakaaalam sa mga higit na naaangkop doon sa pagpasok.

﴿وَإِنْ مِنْكُمْ إِلَّا وَارِدُهَا ۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتْمًا مَقْضِيًّا﴾

Walang kabilang sa inyo malibang pupunta roon. Laging ito sa Panginoon mo ay isang kapasyahang itinadhana.

﴿ثُمَّ نُنَجِّي الَّذِينَ اتَّقَوْا وَنَذَرُ الظَّالِمِينَ فِيهَا جِثِيًّا﴾

Pagkatapos ay magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan doon na nakaluhod.

﴿وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا أَيُّ الْفَرِيقَيْنِ خَيْرٌ مَقَامًا وَأَحْسَنُ نَدِيًّا﴾

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Alin sa dalawang pangkat [natin] ang higit na mabuti sa katayuan at ang higit na maganda sa kapisanan?"

﴿وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْنٍ هُمْ أَحْسَنُ أَثَاثًا وَرِئْيًا﴾

Kay raming ipinahamak Namin bago nila na salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyo!

﴿قُلْ مَنْ كَانَ فِي الضَّلَالَةِ فَلْيَمْدُدْ لَهُ الرَّحْمَٰنُ مَدًّا ۚ حَتَّىٰ إِذَا رَأَوْا مَا يُوعَدُونَ إِمَّا الْعَذَابَ وَإِمَّا السَّاعَةَ فَسَيَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضْعَفُ جُنْدًا﴾

Sabihin mo: "Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig hanggang sa kapag nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa at maaaring ang Oras [ng pagkabuhay] kaya makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo."

﴿وَيَزِيدُ اللَّهُ الَّذِينَ اهْتَدَوْا هُدًى ۗ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِنْدَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ مَرَدًّا﴾

Nagdaragdag si Allāh sa mga napatnubayan ng patnubay. Ang mga nananatiling maayos na gawa ay higit na mabuti sa ganang Panginoon ninyo sa gantimpala at higit na mabuti sa kauuwian.

﴿أَفَرَأَيْتَ الَّذِي كَفَرَ بِآيَاتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالًا وَوَلَدًا﴾

Nakita mo ba ang tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin at nagsabi: "Talagang bibigyan nga ako ng yaman at anak."

﴿أَطَّلَعَ الْغَيْبَ أَمِ اتَّخَذَ عِنْدَ الرَّحْمَٰنِ عَهْدًا﴾

Napag-alaman ba niya ang Lingid o gumawa siya sa ganang Napakamaawain ng isang tipan?

﴿كَلَّا ۚ سَنَكْتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُ مِنَ الْعَذَابِ مَدًّا﴾

Aba’y hindi! Magsusulat Kami sa sinasabi niya at magpapalawig Kami para sa kanya ng pagdurusa sa isang pagpapalawig.

﴿وَنَرِثُهُ مَا يَقُولُ وَيَأْتِينَا فَرْدًا﴾

Magmamana Kami sa kanya ng sinasabi niya at pupunta siya sa Amin nang mag-isa.

﴿وَاتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ آلِهَةً لِيَكُونُوا لَهُمْ عِزًّا﴾

Gumawa sila bukod pa kay Allāh ng mga diyos upang mangyaring mayroon silang dangal.

﴿كَلَّا ۚ سَيَكْفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمْ وَيَكُونُونَ عَلَيْهِمْ ضِدًّا﴾

Aba’y hindi! Magkakaila ang mga ito sa pagsamba nila at ang mga ito laban sa kanila ay magiging katunggali.

﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّا أَرْسَلْنَا الشَّيَاطِينَ عَلَى الْكَافِرِينَ تَؤُزُّهُمْ أَزًّا﴾

Hindi mo ba nakitang Kami ay nagsugo sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya, na nanunulsol sa kanila sa isang panunulsol?

﴿فَلَا تَعْجَلْ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمْ عَدًّا﴾

Kaya huwag kang magmabilis sa kanila; nagbibilang lamang Kami para sa kanila ng isang pagbilang.

﴿يَوْمَ نَحْشُرُ الْمُتَّقِينَ إِلَى الرَّحْمَٰنِ وَفْدًا﴾

Sa Araw na magtitipon sa mga tagapangilag sa pagkakasala patungo sa Napakamaawain sa isang delegasyon.

﴿وَنَسُوقُ الْمُجْرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرْدًا﴾

Maghahatid Kami sa mga salarin sa Impiyerno sa uhaw.

﴿لَا يَمْلِكُونَ الشَّفَاعَةَ إِلَّا مَنِ اتَّخَذَ عِنْدَ الرَّحْمَٰنِ عَهْدًا﴾

Hindi sila makapagdudulot ng Pamamagitan maliban sa sinumang gumawa sa Napakamaawain ng isang tipan.

﴿وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمَٰنُ وَلَدًا﴾

Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak."

﴿لَقَدْ جِئْتُمْ شَيْئًا إِدًّا﴾

Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.

﴿تَكَادُ السَّمَاوَاتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْهُ وَتَنْشَقُّ الْأَرْضُ وَتَخِرُّ الْجِبَالُ هَدًّا﴾

Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at gumuguho ang mga bundok nang durug-durog,

﴿أَنْ دَعَوْا لِلرَّحْمَٰنِ وَلَدًا﴾

dahil nagparatang sila sa Napakamaawain ng anak.

﴿وَمَا يَنْبَغِي لِلرَّحْمَٰنِ أَنْ يَتَّخِذَ وَلَدًا﴾

Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng anak.

﴿إِنْ كُلُّ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ إِلَّا آتِي الرَّحْمَٰنِ عَبْدًا﴾

Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang isang alipin.

﴿لَقَدْ أَحْصَاهُمْ وَعَدَّهُمْ عَدًّا﴾

Talaga ngang nag-isa-isa Siya sa kanila at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang.

﴿وَكُلُّهُمْ آتِيهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فَرْدًا﴾

Lahat sila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang bukod-tangi.

﴿إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَيَجْعَلُ لَهُمُ الرَّحْمَٰنُ وُدًّا﴾

Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magtatalaga para sa kanila ang Napakamaawain ng pagmamahal.

﴿فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ الْمُتَّقِينَ وَتُنْذِرَ بِهِ قَوْمًا لُدًّا﴾

Kaya nagpadali lamang Kami nito sa wika mo upang magbalita ka nito ng nakatutuwa sa mga tagapangilag sa pagkakasala at magbabala ka nito sa mga taong palaban.

﴿وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْنٍ هَلْ تُحِسُّ مِنْهُمْ مِنْ أَحَدٍ أَوْ تَسْمَعُ لَهُمْ رِكْزًا﴾

Kay raming ipinahamak Namin bago nila na salinlahi! Nakadarama ba kayo sa kanila ng isa man o nakarinig kayo sa kanila ng isang tunog?

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: