الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ الر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ وَقُرْآنٍ مُبِينٍ﴾
Alif. Lām. Rā'. Nauna ang pagtalakay sa mga katapat ng mga ito sa simula ng Kabanatang Baqarah. Ang mga talatang ito ay mataas ang lagay na nagpapatunay na ang mga ito ay ibinaba mula sa ganang kay Allāh. Ang mga ito ay mga talata ng Qur'ān na nagpapaliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at mga batas ng Islām.
﴿رُبَمَا يَوَدُّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ كَانُوا مُسْلِمِينَ﴾
Mimithiin ng mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon kung sakaling sila ay naging mga Muslim kapag luminaw sa kanila ang pasya at nalantad sa kanila ang kabulaanan ng taglay nilang kawalang-pananampalataya sa Mundo.
﴿ذَرْهُمْ يَأْكُلُوا وَيَتَمَتَّعُوا وَيُلْهِهِمُ الْأَمَلُ ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ﴾
Iwan mo, O Sugo, ang mga tagapagpasinungaling na ito na kumain gaya ng pagkain ng mga hayupan at magtamasa ng mga napuputol na sarap ng Mundo, at abalahin sila ng tagal ng pag-asa palayo sa pananampalataya at mabuting gawain sapagkat malalaman nila ang taglay nilang pagkalugi kapag dumating sila kay Allāh sa Araw ng Pagbangon.
﴿وَمَا أَهْلَكْنَا مِنْ قَرْيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٌ مَعْلُومٌ﴾
Hindi Kami nagpababa ng kapahamakan sa isang pamayanan kabilang sa mga pamayanang tagalabag sa katarungan malibang nagkaroon iyon ng isang taning na tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi iyon nauuna rito at hindi iyon nahuhuli.
﴿مَا تَسْبِقُ مِنْ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسْتَأْخِرُونَ﴾
Hindi pupunta sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan ang kapahamakan niyon bago sumapit ang taning niyon, at hindi nakapagpapahuli roon ang kapahamakan kapag sumapit ang taning niyon. Kaya kailangan sa mga tagalabag ng katarungan na huwag silang palilinlang sa pagpapalugit ni Allāh sa kanila.
﴿وَقَالُوا يَا أَيُّهَا الَّذِي نُزِّلَ عَلَيْهِ الذِّكْرُ إِنَّكَ لَمَجْنُونٌ﴾
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga mamamayan ng Makkah sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O siyang ibinaba sa kanya - gaya ng inaangkin niya - ang paalaala, tunay na ikaw dahil sa pag-aangkin mong ito ay talagang isang baliw: kumikilos ka ng kilos ng mga baliw.
﴿لَوْ مَا تَأْتِينَا بِالْمَلَائِكَةِ إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ﴾
Bakit ba hindi ka naghatid sa amin ng mga anghel na sasaksi para sa iyo o humiling ng pagpapahamak sa amin dahilan sa kawalang-pananampalataya namin?
﴿مَا نُنَزِّلُ الْمَلَائِكَةَ إِلَّا بِالْحَقِّ وَمَا كَانُوا إِذًا مُنْظَرِينَ﴾
Nagsabi si Allāh bilang pagtugon sa iminungkahi nilang pagdating ng mga anghel: "Hindi Kami nagpapababa ng mga anghel malibang alinsunod sa hinihiling ng karunungan kapag sumapit ang pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagdurusa. Hindi sila - kapag naghatid Kami ng mga anghel at hindi sila sumampalataya - mga palulugitan; bagkus mamadaliin sila sa parusa."
﴿إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ﴾
Tunay na Kami ay ang nagpababa sa Qur'ān na ito sa puso ni Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya - bilang pagpapaalaala sa mga tao, at tunay na Kami sa Qur'ān ay talagang mag-iingat laban sa pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, at paglilihis.
﴿وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ فِي شِيَعِ الْأَوَّلِينَ﴾
Talaga ngang nagpadala Kami sa mga nauna sa iyo, O Sugo, ng mga sugo sa mga sinaunang pangkat ng kawalang-pananampalataya ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila, kaya`t hindi ikaw ang isang pasimula sa mga sugo sa pagpapasinungaling ng kalipunan mo sa iyo.
﴿وَمَا يَأْتِيهِمْ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ﴾
Walang dumarating sa mga naunang mga pangkat ng kawalang-pananampalataya na isang sugo malibang nagpasinungaling sila sa kanya at nanuya sila sa kanya.
﴿كَذَٰلِكَ نَسْلُكُهُ فِي قُلُوبِ الْمُجْرِمِينَ﴾
Kung paanong ipinasok Namin ang pagpapasinungaling sa mga puso ng mga kalipunang iyon, nagpapasok Kami nito sa mga puso ng mga tagapagtambal ng Makkah dahil sa pag-ayaw nila.
﴿لَا يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَقَدْ خَلَتْ سُنَّةُ الْأَوَّلِينَ﴾
Hindi sila sumasampalataya rito sa Qur'ān na ibinaba kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - samantalang nagdaan na ang kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng mga sugo sa kanila, kaya magsaalang-alang ang mga tagapagpasinungaling sa iyo.
﴿وَلَوْ فَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَابًا مِنَ السَّمَاءِ فَظَلُّوا فِيهِ يَعْرُجُونَ﴾
Ang mga tagapagpasinungaling na ito ay mga nagmamatigas hanggang sa kahit pa man lumiwanag sa kanila ang katotohanan ayon sa mga patunay na hayag. Kaya kung sakaling nagbukas Kami para sa kanila ng isang pinto mula sa langit at nanatili sila roon na umaakyat,
﴿لَقَالُوا إِنَّمَا سُكِّرَتْ أَبْصَارُنَا بَلْ نَحْنُ قَوْمٌ مَسْحُورُونَ﴾
talaga sanang hindi sila naniwala at talaga sanang nagsabi sila: "Binarahan lamang ang mga paningin namin sa pagtingin, bagkus hindi kami nakakikita sa kanya mismo dahil sa epekto ng panggagaway sapagkat kami ay mga nagaway."
﴿وَلَقَدْ جَعَلْنَا فِي السَّمَاءِ بُرُوجًا وَزَيَّنَّاهَا لِلنَّاظِرِينَ﴾
Talaga ngang naglagay Kami sa langit ng mga malaking bituing ipinanggagabay ng mga tao sa mga paglalakbay nila sa mga kadiliman ng katihan at karagatan. Pinaganda Namin ang mga iyon para sa sinumang nagmasid sa mga iyon at tumingin sa mga iyon upang ipampatunay nila sa kakayahan ni Allāh - napakamaluwalhati Niya.
﴿وَحَفِظْنَاهَا مِنْ كُلِّ شَيْطَانٍ رَجِيمٍ﴾
Nag-ingat Kami sa langit laban sa bawat demonyong itinaboy palayo sa awa ni Allāh,
﴿إِلَّا مَنِ اسْتَرَقَ السَّمْعَ فَأَتْبَعَهُ شِهَابٌ مُبِينٌ﴾
maliban sa sinumang nakapakinig sa kataas-taasang konseho nang patalilis kaya hinahabol siya ng isang bagay na nagliliwanag at sumusunog ito sa kanya.
﴿وَالْأَرْضَ مَدَدْنَاهَا وَأَلْقَيْنَا فِيهَا رَوَاسِيَ وَأَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ شَيْءٍ مَوْزُونٍ﴾
Ang lupa, naglatag Kami nito upang manuluyan ang mga tao rito, naglagay Kami rito ng mga bundok na matatag upang hindi gumalaw-galaw ito kasama ng mga tao, at nagpatubo Kami rito ng lahat ng mga uri ng halaman na tinakdaan at nilimitahan ayon sa hinihiling ng karunungan.
﴿وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَايِشَ وَمَنْ لَسْتُمْ لَهُ بِرَازِقِينَ﴾
Gumawa Kami para sa inyo, O mga tao, sa lupa ng ikabubuhay ninyo na mga pagkain at mga inumin hanggat namalagi kayo sa buhay sa Mundo, at gumawa Kami para sa iba pa sa inyo kabilang sa hindi ninyo tinustusan kabilang sa mga tao at mga hayop ng ikabubuhay nila.
﴿وَإِنْ مِنْ شَيْءٍ إِلَّا عِنْدَنَا خَزَائِنُهُ وَمَا نُنَزِّلُهُ إِلَّا بِقَدَرٍ مَعْلُومٍ﴾
Walang anumang bagay na pinakikinabangan ng mga tao at mga hayop malibang Kami ay nakakakaya sa pagpapairal nito at pagpapakinabang sa mga tao nito. Hindi Kami nagpapairal ng anumang pinaiiral Namin kabilang doon malibang ayon sa sukatang naitakda na hinihiling ng karunungan Namin at kalooban Namin.
﴿وَأَرْسَلْنَا الرِّيَاحَ لَوَاقِحَ فَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَسْقَيْنَاكُمُوهُ وَمَا أَنْتُمْ لَهُ بِخَازِنِينَ﴾
Nagsugo Kami ng mga hangin na nagpapasemilya sa mga ulap at nagpababa Kami mula sa mga ulap na pinagpasemilya ng ulan kaya nagpainom Kami sa inyo mula sa tubig ng ulan gayong hindi kayo, O mga tao, tagapag-imbak para sa tubig na ito sa lupa upang maging mga bukal at mga balon. Tanging si Allāh ay ang nag-iimbak nito rito.
﴿وَإِنَّا لَنَحْنُ نُحْيِي وَنُمِيتُ وَنَحْنُ الْوَارِثُونَ﴾
Tunay na Kami ay talagang mismong nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng paglikha sa kanila mula sa wala at sa pamamagitan ng pagbuhay sa kanila matapos ng kamatayan, at nagbibigay-kamatayan sa mga buhay kapag nalubos ang mga taning nila. Kami ay ang tagapagpaiwang nagpapamana sa lupa at sa sinumang nasa ibabaw nito.
﴿وَلَقَدْ عَلِمْنَا الْمُسْتَقْدِمِينَ مِنْكُمْ وَلَقَدْ عَلِمْنَا الْمُسْتَأْخِرِينَ﴾
Talaga ngang nakaalam Kami sa sinumang napauna kabilang sa inyo sa pagkapanganak at kamatayan, at nakaalam Kami sa sinumang napahuli sa pagkapanganak at kamatayan. Walang naikukubli sa amin mula roon na anuman.
﴿وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَحْشُرُهُمْ ۚ إِنَّهُ حَكِيمٌ عَلِيمٌ﴾
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay magtitipon sa kanila nang sama-sama sa Araw ng Pagbangon upang gumanti sa tagagawa ng maganda dahil sa paggawa nito ng maganda at sa tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa nito ng masagwa. Tunay na Siya ay Marunong sa pangangasiwa Niya, Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman.
﴿وَلَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنْ صَلْصَالٍ مِنْ حَمَإٍ مَسْنُونٍ﴾
Talaga ngang lumikha Kami kay Adan mula sa natuyong luwad na kung pinitik ay tumutunog. Ang putik na nilikha siya mula roon ay itim, na nagbago ang amoy dahil sa tagal ng pananatili nito.
﴿وَالْجَانَّ خَلَقْنَاهُ مِنْ قَبْلُ مِنْ نَارِ السَّمُومِ﴾
Lumikha Kami sa ama ng mga jinn bago pa man ng paglikha kay Adan - sumakanya ang pangangalaga - mula sa apoy na matindi ang init.
﴿وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي خَالِقٌ بَشَرًا مِنْ صَلْصَالٍ مِنْ حَمَإٍ مَسْنُونٍ﴾
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel at kay Satanas, na dating kasama nila: "Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa natuyong luwad na kung pinitik ay tumutunog, na itim [ang kulay], na nagbago ang amoy."
﴿فَإِذَا سَوَّيْتُهُ وَنَفَخْتُ فِيهِ مِنْ رُوحِي فَقَعُوا لَهُ سَاجِدِينَ﴾
Kaya kapag nabago Ko ang anyo nito at nakalubos Ako sa paglikha nito ay magpatirapa kayo sa kanya bilang pagsunod sa kautusan Ko at paggalang sa kanya
﴿فَسَجَدَ الْمَلَائِكَةُ كُلُّهُمْ أَجْمَعُونَ﴾
Kaya sumunod ang mga anghel at nagpatirapa sila sa kalahatan nila sa kanya gaya ng ipinag-utos sa kanila ng Panginoon nila.
﴿إِلَّا إِبْلِيسَ أَبَىٰ أَنْ يَكُونَ مَعَ السَّاجِدِينَ﴾
Subalit si Satanas, na dating kasama ng mga anghel at hindi nangyaring kabilang sa kanila, ay nagpigil na magpatirapa kay Adan kasama ng mga anghel.
﴿قَالَ يَا إِبْلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ السَّاجِدِينَ﴾
Nagsabi si Allāh kay Satanas matapos ng pagpipigil nitong magpatirapa kay Adan: "Ano ang nag-udyok sa iyo at pumigil sa iyo na magpatirapa kasama ng mga anghel na nagpatirapa bilang pagsunod sa utos ko?"
﴿قَالَ لَمْ أَكُنْ لِأَسْجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقْتَهُ مِنْ صَلْصَالٍ مِنْ حَمَإٍ مَسْنُونٍ﴾
Nagsabi si Satanas habang nagmamalaki: "Hindi natutumpak para sa akin na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa natuyong luwad na dating putik na itim na nagbago."
﴿قَالَ فَاخْرُجْ مِنْهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٌ﴾
Nagsabi si Allāh kay Satanas: "Kaya lumabas ka mula sa Paraiso sapagkat tunay na ikaw ay itinataboy,
﴿وَإِنَّ عَلَيْكَ اللَّعْنَةَ إِلَىٰ يَوْمِ الدِّينِ﴾
at tunay na sumaiyo ang sumpa at ang pagtataboy mula sa awa Ko hanggang sa Araw ng Pagbangon."
﴿قَالَ رَبِّ فَأَنْظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ﴾
Nagsabi si Satanas: "O Panginoon ko, kaya magpaliban Ka sa akin at huwag Mo akong bawian ng buhay hanggang sa Araw na bubuhayin ang nilikha."
﴿قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ﴾
Nagsabi si Allāh sa kanya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga pinalulugitan na ipinagpaliban ang mga taning nila."
﴿إِلَىٰ يَوْمِ الْوَقْتِ الْمَعْلُومِ﴾
Hanggang sa oras na mamamatay roon ang lahat ng mga nilikha sa sandali ng Unang Pag-ihip."
﴿قَالَ رَبِّ بِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمْ فِي الْأَرْضِ وَلَأُغْوِيَنَّهُمْ أَجْمَعِينَ﴾
Nagsabi si Satanas: "O Panginoon ko, dahilan sa pagpapaligaw Mo sa akin, talagang magpapaganda nga ako sa kanila ng mga pagsuway sa lupa at talagang magpapaligaw nga ako sa kanila sa kalahatan nila palayo sa landasing tuwid,
﴿إِلَّا عِبَادَكَ مِنْهُمُ الْمُخْلَصِينَ﴾
maliban sa mga hinirang Mo kabilang sa mga lingkod Mo para sa pagsamba sa Iyo."
﴿قَالَ هَٰذَا صِرَاطٌ عَلَيَّ مُسْتَقِيمٌ﴾
Nagsabi si Allāh: "Ito ay isang daang matuwid na nagpaparating sa Akin.
﴿إِنَّ عِبَادِي لَيْسَ لَكَ عَلَيْهِمْ سُلْطَانٌ إِلَّا مَنِ اتَّبَعَكَ مِنَ الْغَاوِينَ﴾
Tunay na ang mga lingkod Kong mga itinangi ay wala kang kakayahan ni pangingibabaw sa pagpapalisya sa kanila, maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga naliligaw.
﴿وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوْعِدُهُمْ أَجْمَعِينَ﴾
Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan ni Satanas at sinumang sumunod sa kanya kabilang sa mga naliligaw sa kalahatan nila.
﴿لَهَا سَبْعَةُ أَبْوَابٍ لِكُلِّ بَابٍ مِنْهُمْ جُزْءٌ مَقْسُومٌ﴾
Taglay ng Impiyerno ay pitong pintong papasok sila sa mga iyon. Para sa bawat pinto kabilang sa mga pinto nito, mula sa mga tagasunod ni Satanas ay may isang nalalamang dami kabilang sa kanila na papasok doon."
﴿إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ﴾
Tunay na ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya ay nasa mga hardin at mga bukal.
﴿ادْخُلُوهَا بِسَلَامٍ آمِنِينَ﴾
Sasabihin sa kanila sa sandali ng pagpasok doon: "Pumasok kayo sa mga ito sa kaligtasan mula sa mga kasiraan at katiwasayan laban sa mga pinangangambahan."
﴿وَنَزَعْنَا مَا فِي صُدُورِهِمْ مِنْ غِلٍّ إِخْوَانًا عَلَىٰ سُرُرٍ مُتَقَابِلِينَ﴾
Mag-aalis Kami sa anumang nasa mga dibdib nila na anumang poot at pagkamuhi bilang magkakapatid na mga nagmamahalan habang nakaupo sa mga trono samantalang nakatingin sila sa isa't isa.
﴿لَا يَمَسُّهُمْ فِيهَا نَصَبٌ وَمَا هُمْ مِنْهَا بِمُخْرَجِينَ﴾
Walang dadapo sa kanila roon na isang pagkapagod at sila ay hindi mga mapalalabas mula roon, bagkus sila ay mga mamamalagi roon.
﴿۞ نَبِّئْ عِبَادِي أَنِّي أَنَا الْغَفُورُ الرَّحِيمُ﴾
Ipaalam mo, O Sugo, sa mga lingkod Ko na Ako mismo ay ang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila, ang Maawain sa kanila.
﴿وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ الْعَذَابُ الْأَلِيمُ﴾
Ipaalam mo sa kanila na ang pagdurusa mula sa Akin ay ang pagdurusang nakasasakit kaya magbalik-loob sila sa Akin upang matamo nila ang kapatawaran Ko at matiwasay sila laban sa pagdurusa mula sa Akin.
﴿وَنَبِّئْهُمْ عَنْ ضَيْفِ إِبْرَاهِيمَ﴾
Magpaalam ka sa kanila hinggil sa ulat sa mga panauhin ni Abraham - sumakanya ang pangangalaga - na mga anghel na dumating hatid ang nakalulugod na balita hinggil sa anak at hinggil sa pagpapahamak sa mga kababayan ni Lot.
﴿إِذْ دَخَلُوا عَلَيْهِ فَقَالُوا سَلَامًا قَالَ إِنَّا مِنْكُمْ وَجِلُونَ﴾
Nang pumasok sila sa kanya at nagsabi sila sa kanya: "Kapayapaan" ay sumagot naman siya sa kanila ng higit na maganda kaysa sa pagbati nila. Naghain siya sa kanila ng isang inihaw na guya upang kainin nila sapagkat inakala niyang sila ay mga tao ngunit noong hindi sila kumain mula roon ay nagsabi siya: "Tunay na kami sa inyo ay mga nangangamba."
﴿قَالُوا لَا تَوْجَلْ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَامٍ عَلِيمٍ﴾
Nagsabi ang mga sugo na mga anghel: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay magpapabatid sa iyo ng ikagagalak mo: na magkakaroon ka ng isang anak na lalaking maalam."
﴿قَالَ أَبَشَّرْتُمُونِي عَلَىٰ أَنْ مَسَّنِيَ الْكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ﴾
Nagsabi si Abraham nang nagtaka siya sa pagbabalita nila ng nakalulugod sa kanya hinggil sa isang anak: "Nagbalita ba kayo ng nakalulugod sa akin hinggil sa isang anak sa kabila ng dumapo sa akin na kagulangan at katandaan? Kaya sa aling paraan magbabalita kayo ng nakalulugod sa akin?"
﴿قَالُوا بَشَّرْنَاكَ بِالْحَقِّ فَلَا تَكُنْ مِنَ الْقَانِطِينَ﴾
Nagsabi ang mga sugong mga anghel kay Abraham: "Nagbalita kami ng nakalulugod sa iyo hinggil sa katotohanang walang mapag-aalinlanganan dito kaya huwag kang maging kabilang sa mga nawawalan ng pag-asa sa ibinabalita naming nakalulugod sa iyo."
﴿قَالَ وَمَنْ يَقْنَطُ مِنْ رَحْمَةِ رَبِّهِ إِلَّا الضَّالُّونَ﴾
Nagsabi si Abraham: "At may nawawalan ba ng pag-asa sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga nalilihis palayo sa landasing tuwid ni Allāh?"
﴿قَالَ فَمَا خَطْبُكُمْ أَيُّهَا الْمُرْسَلُونَ﴾
Nagsabi si Abraham: "Kaya ano ang sadya ninyong nagpapapunta sa inyo, O mga isinugo, mula kay Allāh - pagkataas-taas Niya?"
﴿قَالُوا إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمٍ مُجْرِمِينَ﴾
Nagsabi ang mga sugong mga anghel: "Tunay na kami ay isinugo ni Allāh para sa pagpapahamak sa mga taong malalaki ang panggugulo, malalaki ang kasamaan, ang mga kababayan ni Lot.
﴿إِلَّا آلَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمْ أَجْمَعِينَ﴾
maliban sa mag-anak ni Lot at mga tagasunod niya kabilang sa mga mananampalataya sapagkat hindi sasaklaw sa kanila ang pagpapahamak. Tunay na kami ay mga magpapaligtas sa kanila sa kalahatan mula roon,
﴿إِلَّا امْرَأَتَهُ قَدَّرْنَا ۙ إِنَّهَا لَمِنَ الْغَابِرِينَ﴾
maliban sa maybahay niya sapagkat nagtakda si Allāh na siya ay kabilang sa mga matitirang sasaklawan ng kapahamakan.
﴿فَلَمَّا جَاءَ آلَ لُوطٍ الْمُرْسَلُونَ﴾
Kaya noong dumating ang mga anghel na isinugo sa mag-anak ni Lot na nasa mga anyo ng mga lalaki,
﴿قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ مُنْكَرُونَ﴾
nagsabi sa kanila si Lot - sumakanya ang pangangalaga: "Mga taong hindi kilala."
﴿قَالُوا بَلْ جِئْنَاكَ بِمَا كَانُوا فِيهِ يَمْتَرُونَ﴾
Nagsabi ang mga sugong mga anghel: "Huwag kang mangamba. Bagkus ay dumating kami sa iyo, O Lot, dala ang bagay na nagdududa noon hinggil dito ang mga kababayan mo: ang pagdurusang magpapahamak sa kanila.
﴿وَأَتَيْنَاكَ بِالْحَقِّ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ﴾
Dumating kami sa iyo dala ang katotohanang walang biro rito, at tunay na kami ay talagang mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo.
﴿فَأَسْرِ بِأَهْلِكَ بِقِطْعٍ مِنَ اللَّيْلِ وَاتَّبِعْ أَدْبَارَهُمْ وَلَا يَلْتَفِتْ مِنْكُمْ أَحَدٌ وَامْضُوا حَيْثُ تُؤْمَرُونَ﴾
Kaya maglakbay ka kasama ng mag-anak mo matapos ng paglipas ng isang bahagi ng gabi. Maglakbay ka sa likuran nila at walang lilingong isa kabilang sa inyo sa hulihan upang tingnan ang nangyari sa kanila. Humayo kayo sa kung saan kayo inutusan ni Allāh na humayo."
﴿وَقَضَيْنَا إِلَيْهِ ذَٰلِكَ الْأَمْرَ أَنَّ دَابِرَ هَٰؤُلَاءِ مَقْطُوعٌ مُصْبِحِينَ﴾
Ipinaalam Namin kay Lot ang tungkol sa paraan ng pagkasi, ang bagay na iyon na itinakda Namin: na ang mga taong ito ay pupuksain sa pamamagitan ng pagpapahamak sa kahuli-hulihan sa kanila kapag sumapit sila sa umaga.
﴿وَجَاءَ أَهْلُ الْمَدِينَةِ يَسْتَبْشِرُونَ﴾
Dumating ang mga naninirahan sa Sodom na mga nagagalak sa mga panauhin ni Lot, sa paghahangad sa paggawa ng mahalay.
﴿قَالَ إِنَّ هَٰؤُلَاءِ ضَيْفِي فَلَا تَفْضَحُونِ﴾
Nagsabi sa kanila si Lot: "Tunay na ang mga taong ito ay mga panauhin ko kaya huwag ninyo akong ipahiya dahil sa ninanais ninyo sa kanila.
﴿وَاتَّقُوا اللَّهَ وَلَا تُخْزُونِ﴾
Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagtigil sa kahalayang ito at huwag ninyo akong hamakin dahil sa gawain ninyong karumal-dumal."
﴿قَالُوا أَوَلَمْ نَنْهَكَ عَنِ الْعَالَمِينَ﴾
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Hindi ba sinaway ka na namin laban sa pagpapatuloy sa isa man sa mga tao?"
﴿قَالَ هَٰؤُلَاءِ بَنَاتِي إِنْ كُنْتُمْ فَاعِلِينَ﴾
Nagsabi sa kanila si Lot - sumakanya ang pangangalaga - habang humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin niya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa mga kababaihan ninyo kaya magpakasal kayo sa kanila kung kayo ay mga naglalayon ng pagtugon ng pagnanasa ninyo."
﴿لَعَمْرُكَ إِنَّهُمْ لَفِي سَكْرَتِهِمْ يَعْمَهُونَ﴾
Sumpa man sa buhay mo, O Sugo, tunay na ang mga kababayan ni Lot ay talagang nasa pagmamalabis sa pagnanasa nila habang nag-aatubili sila.
﴿فَأَخَذَتْهُمُ الصَّيْحَةُ مُشْرِقِينَ﴾
Kaya dinaklot sila ng matinding tinig na nagpapahamak sa sandali ng pagsapit nila sa oras ng pagsikat ng araw.
﴿فَجَعَلْنَا عَالِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ حِجَارَةً مِنْ سِجِّيلٍ﴾
Kaya binaliktad Namin ang mga pamayanan nila sa pamamagitan ng paglalagay sa itaas ng mga ito sa ibaba. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong luwad na nanigas.
﴿إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِلْمُتَوَسِّمِينَ﴾
Tunay na sa nabanggit na iyon na dumapo sa mga kababayan ni Lot na pagkapahamak ay talagang may mga palatandaan ukol sa mga tagapagnilay-nilay.
﴿وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٍ مُقِيمٍ﴾
Tunay na ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot ay talagang nasa isang daang matatag, na nakikita ng sinumang napararaan sa mga iyon na mga tagapaglakbay.
﴿إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِلْمُؤْمِنِينَ﴾
Tunay na sa gayong naganap ay talagang may katunayan ukol sa mga mananampalatayang nagsasaalang-alang nito.
﴿وَإِنْ كَانَ أَصْحَابُ الْأَيْكَةِ لَظَالِمِينَ﴾
Noon nga ang mga kalipi ni Shu`ayb na mga naninirahan sa pamayanang may mga punong nagsisiksikan ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa sugo Niyang si Shu`ayb - sumakanya ang pangangalaga.
﴿فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٍ مُبِينٍ﴾
Kaya naghiganti Kami sa kanila yayamang dinaklot sila ng pagdurusa. Tunay na ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot at ang mga pinamamayanan ng mga kasamahan ni Shu`ayb ay talagang nasa isang daang maliwanag para sa sinumang naparaan doon.
﴿وَلَقَدْ كَذَّبَ أَصْحَابُ الْحِجْرِ الْمُرْسَلِينَ﴾
Talaga ngang nagpasinungaling ang liping Thamūd, ang mga mamamayan ng Batuhan (isang lugar sa pagitan ng Ḥijāz at Sirya), sa lahat ng mga sugo nang nagpasinungaling sila sa propeta nilang si Ṣāliḥ - sumakanya ang pangangalaga.
﴿وَآتَيْنَاهُمْ آيَاتِنَا فَكَانُوا عَنْهَا مُعْرِضِينَ﴾
Nagbigay sa kanila ng mga katwiran at mga patunay sa katapatan niya sa inihatid niya sa kanila mula sa Panginoon niya, na kabilang doon ang babaing kamelyo, ngunit hindi sila nagsaalang-alang sa mga patunay na iyon at hindi sila pumansin niyon.
﴿وَكَانُوا يَنْحِتُونَ مِنَ الْجِبَالِ بُيُوتًا آمِنِينَ﴾
Sila noon ay humihiwa sa mga bundok upang yumari ng mga bahay para sa kanila na paninirahan nila bilang mga matiwasay mula sa pinangangambahan nila.
﴿فَأَخَذَتْهُمُ الصَّيْحَةُ مُصْبِحِينَ﴾
Kaya dinaklot sila ng hiyaw ng pagdurusa sa sandali ng pagsapit nila sa oras ng umaga.
﴿فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ﴾
Kaya hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusa mula kay Allāh ang anumang nakakamit nila noon na mga yaman at mga tirahan.
﴿وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ ۗ وَإِنَّ السَّاعَةَ لَآتِيَةٌ ۖ فَاصْفَحِ الصَّفْحَ الْجَمِيلَ﴾
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at hindi Kami lumikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito ayon sa kabulaanan nang walang kasanhian. Hindi Kami lumikha niyon malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating, walang pasubali, kaya umayaw ka sa mga tagapagpasinungaling sa iyo at magpaumanhin ka sa kanila nang pagpapaumanhing maganda.
﴿إِنَّ رَبَّكَ هُوَ الْخَلَّاقُ الْعَلِيمُ﴾
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Palalikha sa bawat bagay, ang Maalam dito.
﴿وَلَقَدْ آتَيْنَاكَ سَبْعًا مِنَ الْمَثَانِي وَالْقُرْآنَ الْعَظِيمَ﴾
Talaga ngang ibinigay Namin sa iyo ang Fātiḥah, na pitong talata, at ang Dakilang Qur’ān.
﴿لَا تَمُدَّنَّ عَيْنَيْكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعْنَا بِهِ أَزْوَاجًا مِنْهُمْ وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَاخْفِضْ جَنَاحَكَ لِلْمُؤْمِنِينَ﴾
Huwag kang magpatagal ng pagtingin mo sa anumang ipinatamasa Namin sa ilang uri ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga natatamasang naglalaho, huwag kang malungkot sa pagpapasinungaling nila, at magpakumbaba ka sa mga mananampalataya.
﴿وَقُلْ إِنِّي أَنَا النَّذِيرُ الْمُبِينُ﴾
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako mismo ay ang tagapagbabala laban sa pagdurusa, ang malinaw sa pagbabala,"
﴿كَمَا أَنْزَلْنَا عَلَى الْمُقْتَسِمِينَ﴾
Nagbabala si Allāh na dadapo sa inyo ang tulad ng ibinababa Niya sa mga nagkawatak-watak sa mga kasulatan Niya sa mga baha-bahagi sapagkat sumasampalataya sila sa isang bahagi at tumatangging sumampalataya sa iba pang bahagi.
﴿الَّذِينَ جَعَلُوا الْقُرْآنَ عِضِينَ﴾
na mga gumawa sa Qur’ān bilang mga bahagi at nagsabi: "Ito ay isang panggagaway o isang panghuhula o isang tula."
﴿فَوَرَبِّكَ لَنَسْأَلَنَّهُمْ أَجْمَعِينَ﴾
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, O Sugo, talaga ngang magtatanong Kami sa Araw ng Pagbangon sa lahat ng gumawa rito bilang mga bahagi.
﴿عَمَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾
Talaga ngang magtatanong Kami sa kanila tungkol sa anumang ginagawa nila noon na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sa Mundo.
﴿فَاصْدَعْ بِمَا تُؤْمَرُ وَأَعْرِضْ عَنِ الْمُشْرِكِينَ﴾
Kaya magpahayag ka, O Sugo, sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh na pag-aanyaya tungo sa Kanya at huwag kang lumingon sa sinasabi at ginagawa ng mga tagapagtambal.
﴿إِنَّا كَفَيْنَاكَ الْمُسْتَهْزِئِينَ﴾
Huwag kang mangamba sa kanila sapagkat nakasapat nga Kami sa iyo sa pakana ng mga tagatuya kabilang sa mga pinuno ng kawalang-pananampalataya kabilang sa liping Quraysh
﴿الَّذِينَ يَجْعَلُونَ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ ۚ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ﴾
na gumagawa kasama kay Allāh ng sinasambang iba pa sa Kanya, ngunit malalaman nila ang kahihinatnan ng masagwang pagtatambal nila.
﴿وَلَقَدْ نَعْلَمُ أَنَّكَ يَضِيقُ صَدْرُكَ بِمَا يَقُولُونَ﴾
Talaga ngang nalalaman Naming ikaw, O Sugo, ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa namumutawi mula sa kanila na pagpapasinungaling nila sa iyo at panunuya nila sa iyo.
﴿فَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ وَكُنْ مِنَ السَّاجِدِينَ﴾
Kaya dumulog ka kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapawalang-kaugnayan sa Kanya sa anumang hindi naaangkop sa Kanya at ng pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan Niya. Maging kabilang ka sa mga tagasamba ni Allāh, na mga tagapagdasal sa Kanya sapagkat naroon ang lunas sa paninikip ng dibdib mo.
﴿وَاعْبُدْ رَبَّكَ حَتَّىٰ يَأْتِيَكَ الْيَقِينُ﴾
Pamalagiin mo ang pagsamba mo sa Panginoon mo at magpatuloy ka roon hanggat nanatili kang buhay hanggang sa pumunta sa iyo ang kamatayan habang ikaw ay nasa gayon.
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة الحجر : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة الحجر : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة الحجر : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة الحجر : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة الحجر : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة الحجر : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة الحجر : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة الحجر : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة الحجر : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة الحجر : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة الحجر : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة الحجر : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة الحجر : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة الحجر : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة الحجر : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة الحجر : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الحجر : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الحجر : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة الحجر : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة الحجر : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة الحجر : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة الحجر : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة الحجر : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة الحجر : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة الحجر : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة الحجر : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحجر : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحجر : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحجر : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الحجر : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة الحجر : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة الحجر : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة الحجر : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة الحجر : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة الحجر : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة الحجر : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة الحجر : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة الحجر : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة الحجر : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة الحجر : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة الحجر : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة الحجر : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة الحجر : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة الحجر : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة الحجر : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة الحجر : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة الحجر : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة الحجر : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة الحجر : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الحجر : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الحجر : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة الحجر : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الحجر : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الحجر : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة الحجر : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة الحجر : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة الحجر : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة الحجر : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة الحجر : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة الحجر : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة الحجر : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الحجر : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الحجر : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة الحجر : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة الحجر : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة الحجر : الترجمة الصينية 中文 - الصينية