العاديات

تفسير سورة العاديات

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ وَالْعَادِيَاتِ ضَبْحًا﴾

Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,

﴿فَالْمُورِيَاتِ قَدْحًا﴾

saka mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],

﴿فَالْمُغِيرَاتِ صُبْحًا﴾

saka mga nanlulusob sa bukang liwayway,

﴿فَأَثَرْنَ بِهِ نَقْعًا﴾

saka bumulabog dahil dito ng mga alikabok,

﴿فَوَسَطْنَ بِهِ جَمْعًا﴾

saka pumagitna dahil dito sa isang pangkat;

﴿إِنَّ الْإِنْسَانَ لِرَبِّهِ لَكَنُودٌ﴾

tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.

﴿وَإِنَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٌ﴾

At tunay na siya roon ay talagang isang saksi.

﴿وَإِنَّهُ لِحُبِّ الْخَيْرِ لَشَدِيدٌ﴾

At tunay na siya, sa pagkaibig sa kayamanan, ay talagang matindi.

﴿۞ أَفَلَا يَعْلَمُ إِذَا بُعْثِرَ مَا فِي الْقُبُورِ﴾

Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod

﴿وَحُصِّلَ مَا فِي الصُّدُورِ﴾

at itinanghal ang nasa mga dibdib,

﴿إِنَّ رَبَّهُمْ بِهِمْ يَوْمَئِذٍ لَخَبِيرٌ﴾

tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Nakababatid.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: