العنكبوت

تفسير سورة العنكبوت

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ الم﴾

Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

﴿أَحَسِبَ النَّاسُ أَنْ يُتْرَكُوا أَنْ يَقُولُوا آمَنَّا وَهُمْ لَا يُفْتَنُونَ﴾

Nag-akala ba ang mga tao na sila, dahil sa pagsabi nila: "Sumampalataya kami kay Allāh," ay hahayaan nang walang pagsusulit na maglilinaw sa reyalidad ng sinabi nila kung sila ba ay mga mananampalataya nang totohanan? Ang usapin ay hindi gaya ng inakala nila.

﴿وَلَقَدْ فَتَنَّا الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۖ فَلَيَعْلَمَنَّ اللَّهُ الَّذِينَ صَدَقُوا وَلَيَعْلَمَنَّ الْكَاذِبِينَ﴾

Talaga ngang sumulit Kami sa mga nauna sa kanila noon kaya talagang nakaaalam nga si Allāh ayon sa kaalaman ng paglitaw at nagbubunyag para sa inyo sa katapatan ng mga tapat sa pananampalataya nila at sa kasinungalingan ng mga sinungaling doon.

﴿أَمْ حَسِبَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ أَنْ يَسْبِقُونَا ۚ سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ﴾

O nag-aakala ba ang mga gumagawa ng mga pagsuway gaya ng shirk at iba pa na makalulusot sila sa Amin at makaliligtas mula sa parusa Namin? Pumangit ang hatol nilang inihahatol nila sapagkat sila ay hindi makalulusot kay Allāh ni makaliligtas mula sa parusa Niya kung namatay sila sa kawalang-pananampalataya nila.

﴿مَنْ كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ اللَّهِ فَإِنَّ أَجَلَ اللَّهِ لَآتٍ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ﴾

Ang sinumang umaasa sa pakikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon upang gumantimpala sa kanya ay alamin niya na ang taning na itinalaga ni Allāh para roon ay talagang darating kaagad. Siya ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.

﴿وَمَنْ جَاهَدَ فَإِنَّمَا يُجَاهِدُ لِنَفْسِهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَغَنِيٌّ عَنِ الْعَالَمِينَ﴾

Ang sinumang nakibaka sa sarili niya sa pagbunsod dito sa pagtalima at paglayo sa pagsuway at nakibaka sa landas ni Allāh ay nakibaka lamang para sa sarili niya dahil ang pakinabang doon ay bumabalik sa sarili. Tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan sa mga nilikha sa kabuuan nila sapagkat walang naidadagdag sa Kanya ang pagtalima nila at walang naibabawas sa Kanya ang pagsuway nila.

﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُكَفِّرَنَّ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَحْسَنَ الَّذِي كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

Ang mga sumampalataya, nagtiis sa pagsusulit Namin sa kanila, at gumawa ng mga maayos ay talagang buburahin nga Namin ang mga pagkakasala nila sa pamamagitan ng ginawa nila na mga gawang maayos at talagang gagantimpalaan nga Namin sila sa Kabilang-buhay ng higit na maganda sa dati nilang ginagawa sa Mundo.

﴿وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ حُسْنًا ۖ وَإِنْ جَاهَدَاكَ لِتُشْرِكَ بِي مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۚ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang na magpakabuti siya sa kanilang dalawa at magmagandang-loob siya sa kanilang dalawa.
Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo, O tao, upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil sa pagtatambal sa Kanya - gaya ng naganap kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allāh sa kanya, mula sa ina niya - ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagapalikha. Tungo sa Akin - tanging sa Akin - ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, at magpapabatid Ako sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo.

﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُدْخِلَنَّهُمْ فِي الصَّالِحِينَ﴾

At ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos ay talagang magpapapasok nga Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa gitna ng mga maayos sapagkat magtitipon Kami sa kanila kasama ng mga iyon at maggagantimpala Kami sa kanila ng gantimpala nila.

﴿وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَقُولُ آمَنَّا بِاللَّهِ فَإِذَا أُوذِيَ فِي اللَّهِ جَعَلَ فِتْنَةَ النَّاسِ كَعَذَابِ اللَّهِ وَلَئِنْ جَاءَ نَصْرٌ مِنْ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ إِنَّا كُنَّا مَعَكُمْ ۚ أَوَلَيْسَ اللَّهُ بِأَعْلَمَ بِمَا فِي صُدُورِ الْعَالَمِينَ﴾

Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh," ngunit kapag sinaktan ng mga tagatangging sumampalataya dahil sa pananampalataya ay nagtuturing sa pagdurusang dulot ng mga iyon na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh kaya naman tumatalikod sa pananampalataya bilang pagsang-ayon sa mga tagatangging sumampalataya. Talagang kung may nangyaring isang pag-aadya mula sa Panginoon mo para sa iyo, O Sugo, ay talagang magsasabi nga sila: "Tunay na kami ay kasama sa inyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga tao? Walang naikukubli sa Kanya sa anumang nasa mga ito na kawalang-pananampalataya at pananampalataya. Kaya papaano kayong magbabalita kay Allāh ng nasa mga puso nila samantalang Siya ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga ito kaysa sa inyo?

﴿وَلَيَعْلَمَنَّ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَلَيَعْلَمَنَّ الْمُنَافِقِينَ﴾

Talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga sumampalataya sa Kanya nang totohanan at talagang nakaaalam nga Siya sa mga mapagpaimbabaw na naghahayag ng pananampalataya at nagkikimkim ng kawalang-pananampalataya.

﴿وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا اتَّبِعُوا سَبِيلَنَا وَلْنَحْمِلْ خَطَايَاكُمْ وَمَا هُمْ بِحَامِلِينَ مِنْ خَطَايَاهُمْ مِنْ شَيْءٍ ۖ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ﴾

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya kay Allāh - tanging sa Kanya: "Sundin ninyo ang relihiyon namin at ang anumang kami ay naroon, papasanin namin mismo ang mga pagkakasala ninyo kaya gagantihan kami dahil dito sa halip na kayo." Hindi sila mga magpapasan ng anuman mula sa mga pagkakasala ng mga iyon. Tunay na sila ay talagang sinungaling sa sabi nilang ito.

﴿وَلَيَحْمِلُنَّ أَثْقَالَهُمْ وَأَثْقَالًا مَعَ أَثْقَالِهِمْ ۖ وَلَيُسْأَلُنَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَمَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ﴾

Talagang magpapasan nga itong mga tagatangging sumampalataya, na mga tagapag-anyaya sa kabulaanan nila, ng mga pagkakasala nila na ginawa nila. Talagang magpapasan nga sila ng mga pagkakasala ng sinumang sumunod sa pananampalataya nila nang walang nababawasang anuman mula sa mga pagkakasala ng mga tagasunod nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang nililikha-likha sa Mundo na mga kabulaanan.

﴿وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَلَبِثَ فِيهِمْ أَلْفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمْسِينَ عَامًا فَأَخَذَهُمُ الطُّوفَانُ وَهُمْ ظَالِمُونَ﴾

Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe bilang isang sugo sa mga tao niya. Namalagi siya sa kanila sa loob ng siyam na raan at limampung taon, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila. Dinaklot sila ng gunaw habang sila ay tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya kaya nasawi sila sa pamamagitan ng pagkalunod.

﴿فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَصْحَابَ السَّفِينَةِ وَجَعَلْنَاهَا آيَةً لِلْعَالَمِينَ﴾

Ngunit sinagip Namin si Noe at ang mga kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya sa daong mula sa kasawian sa pamamagitan ng pagkalunod. Ginawa Namin ang daong bilang isang maisasaalang-alang para sa mga tao, na isasaalang-alang nila.

﴿وَإِبْرَاهِيمَ إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاتَّقُوهُ ۖ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, ng kasaysayan ni Abraham nang nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - at mangilag kayo sa parusa Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang ipinag-uutos na iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung nangyaring kayo ay nakaaalam.

﴿إِنَّمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا وَتَخْلُقُونَ إِفْكًا ۚ إِنَّ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَا يَمْلِكُونَ لَكُمْ رِزْقًا فَابْتَغُوا عِنْدَ اللَّهِ الرِّزْقَ وَاعْبُدُوهُ وَاشْكُرُوا لَهُ ۖ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ﴾

Sumasamba lamang kayo, O mga tagapagtambal, sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala. Lumilikha-likha kayo ng kasinungalingan nang nag-aangkin kayo ng pagigindapat ng mga iyon sa pagsamba. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng panustos para tumustos sa inyo. Kaya humiling kayo sa ganang kay Allāh ng panustos sapagkat Siya ang Tagapagtustos, sumamba kayo sa Kanya - tanging sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya sa ibiniyaya Niya sa inyo na panustos. Tungo sa Kanya kayo panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti, hindi tungo sa mga diyus-diyusan ninyo."

﴿وَإِنْ تُكَذِّبُوا فَقَدْ كَذَّبَ أُمَمٌ مِنْ قَبْلِكُمْ ۖ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ﴾

Kung magpapasinungaling kayo, O mga tagapagtambal, sa dinala ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - may nagpasinungaling na na mga kalipunan noong wala pa kayo gaya ng mga tao nina Noe, `Ād, at Thamūd. Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag. Nagpaabot nga siya sa inyo ng ipinag-utos sa Kanya ng Panginoon niya na ipaabot sa inyo.

﴿أَوَلَمْ يَرَوْا كَيْفَ يُبْدِئُ اللَّهُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ﴾

Hindi ba napag-alaman nitong mga tagapagpasinungaling kung papaanong lumilikha si Allāh sa pasimula, pagkatapos ay inuulit Niya ito matapos ng pagkalipol nito? Tunay na iyon, kay Allāh, ay madali sapagkat Siya ay nakakakaya: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

﴿قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ بَدَأَ الْخَلْقَ ۚ ثُمَّ اللَّهُ يُنْشِئُ النَّشْأَةَ الْآخِرَةَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli: "Humayo kayo sa lupain at magnilay-nilay kayo kung papaanong nagsimula si Allāh sa paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magbibigay-buhay sa mga tao, matapos ng kamatayan nila, sa ikalawang buhay para sa pagkabuhay na muli at pagtutuos. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbuhay na muli sa mga tao kung paanong hindi Siya nawawalang-kakayahan sa paglikha sa kanila sa unang pagkakataon."

﴿يُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَيَرْحَمُ مَنْ يَشَاءُ ۖ وَإِلَيْهِ تُقْلَبُونَ﴾

Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya mula sa nilikha Niya ayon sa katarungan Niya, at naaawa Siya sa sinumang niloloob Niya mula sa nilikha Niya ayon sa kabutihang-loob Niya. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - kayo panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos kapag nagpabangon Siya sa inyo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay.

﴿وَمَا أَنْتُمْ بِمُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ ۖ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ﴾

Hindi kayo mga makaaalpas sa Panginoon ninyo ni mga makatatakas sa parusa Niya sa lupa ni sa langit. Hindi magkakaroon sa inyo bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik na tatangkilik sa kapakanan ninyo, at hindi magkakaroon sa inyo bukod pa kay Allāh ng isang mapag-adyang mag-aalis sa inyo ng pagdurusang dulot Niya.

﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ وَلِقَائِهِ أُولَٰئِكَ يَئِسُوا مِنْ رَحْمَتِي وَأُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - at sa pakikipagkita sa Kanya sa Araw ng Pagbangon, ang mga iyon ay nawalan na ng pag-asa sa awa Ko kaya naman hindi sila papasok sa paraiso magpakailanman dahil sa kawalang-pananampalataya nila, at ang mga iyon ay magkakaroon ng isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Kabilang-buhay.

﴿فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا اقْتُلُوهُ أَوْ حَرِّقُوهُ فَأَنْجَاهُ اللَّهُ مِنَ النَّارِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾

Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan ni Abraham sa kanya - matapos ng pag-uutos niya sa kanila ng pagsamba kay Allāh lamang at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito - kundi na nagsabi sila: "Patayin ninyo siya o ihagis ninyo siya sa apoy bilang pag-aadya sa mga diyos ninyo," ngunit iniligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa pagpapaligtas sa kanya mula sa apoy matapos ng pagtapon sa kanya roon ay may mga maisasaalang-alang para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ang mga makikinabang sa mga maisasaalang-alang.

﴿وَقَالَ إِنَّمَا اتَّخَذْتُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا مَوَدَّةَ بَيْنِكُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكْفُرُ بَعْضُكُمْ بِبَعْضٍ وَيَلْعَنُ بَعْضُكُمْ بَعْضًا وَمَأْوَاكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَاصِرِينَ﴾

Nagsabi si Abraham - sumakanya ang pangangalaga - sa mga kababayan niya: "Gumawa lamang kayo ng mga diyus-diyusan bilang mga diyos na sinasamba ninyo dahil sa pagkakakilalahan at pagmamahalan sa pagsamba sa mga ito sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mapuputol ang pagmamahalan na iyan sa pagitan ninyo sapagkat magpapawalang-kaugnayan ang ilan sa inyo sa iba sa inyo sa sandali ng pagkakita sa pagdurusa at susumpa ang ilan sa inyo sa iba. Ang titigilan ninyong kakanlungan ninyo ay Apoy. Walang ukol sa inyo na anumang mga tagaadya na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh: wala mula sa mga diyus-diyusan ninyong kayo noon ay sumasamba bukod pa kay Allāh, ni wala sa iba pa sa mga iyon."

﴿۞ فَآمَنَ لَهُ لُوطٌ ۘ وَقَالَ إِنِّي مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّي ۖ إِنَّهُ هُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

Naniwala sa kanya si Lot - sumakanya ang pangangalaga. Nagsabi si Abraham - sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na ako ay lilikas tungo sa Panginoon ko sa pinagpalang lupain ng Sirya. Tunay na Siya ay ang Makapangyarihang hindi nagagapi at hindi nahahamak ang sinumang lumikas sa Kanya, ang Marunong sa pagtatakda Niya at pangangasiwa Niya."

﴿وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَجَعَلْنَا فِي ذُرِّيَّتِهِ النُّبُوَّةَ وَالْكِتَابَ وَآتَيْنَاهُ أَجْرَهُ فِي الدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ﴾

Ibinigay Namin kay Abraham si Isaac at ang anak nitong si Jacob. Ginawa sa mga anak niya ang pagkapropeta at ang mga kasulatang ibinaba mula sa ganang kay Allāh. Magbibigay sa kanya ng gantimpala sa pagtitiis niya sa katotohanan sa Mundo dahil sa kaayusan ng mga anak, at ng pagbubunying maganda. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang gagantihan ng ganti sa mga maayos. Hindi makababawas ang ibinigay sa kanya sa Mundo sa inihanda para sa kanya na ganting masagana sa Kabilang-buhay.

﴿وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ مَا سَبَقَكُمْ بِهَا مِنْ أَحَدٍ مِنَ الْعَالَمِينَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, kay Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng pagkakasalang masagwa na walang nakauna sa inyo sa paggawa niyon na isa man kabilang sa mga nilalang bago ninyo, sapagkat kayo ay ang kauna-unahan sa nagpasimula sa pagkakasalang ito, na tinatanggihan ng maayos na kalikasan ng pagkalalang (fiṭrah).

﴿أَئِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ وَتَقْطَعُونَ السَّبِيلَ وَتَأْتُونَ فِي نَادِيكُمُ الْمُنْكَرَ ۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا ائْتِنَا بِعَذَابِ اللَّهِ إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ﴾

Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki sa mga likod nila para sa pagtugon sa pagnanasa ninyo, nandarambong sa daan sa mga manlalakbay kaya hindi sila nagdaraan sa inyo sa takot sa ginagawa ninyong mahalay, at pumupunta sa mga umpukan ninyo sa mga gawaing nakasasama gaya ng paghuhubad at pananakit sa sinumang dumaraan sa inyo sa salita at gawa?" Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya sa kanya matapos ng pagsaway niya sa kanila sa paggawa ng mga nakasasama kundi na nagsabi sila sa kanya: "Maghatid ka sa amin ng pagdurusang dulot ni Allāh, na ibinabanta mo sa amin, kung nangyaring ikaw ay tapat sa pinagsasabi mo."

﴿قَالَ رَبِّ انْصُرْنِي عَلَى الْقَوْمِ الْمُفْسِدِينَ﴾

Nagsabi si Lot - sumakanya ang pangangalaga, habang dumadalangin sa Panginoon niya matapos ng kasutilan ng mga kababayan niya at paghiling nila ng pagpapababa ng pagdurusa sa kanila bilang pagmamaliit sa kanya: "Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo sa lupa dahil sa ipinalalaganap nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway na minamasagwa."

﴿وَلَمَّا جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا إِنَّا مُهْلِكُو أَهْلِ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ ۖ إِنَّ أَهْلَهَا كَانُوا ظَالِمِينَ﴾

Noong dumating ang mga anghel na ipinadala Namin upang magbalita ng nakagagalak kay Abraham hinggil kay Isaac at sa matapos nito na anak nitong si Jacob ay nagsabi sila: "Tunay na kami ay magpapasawi sa mga naninirahan sa pamayanan ng Sodom, na pamayanan ng mga kababayan ni Lot. Tunay na ang mga naninirahan diyan ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa isinasagawa nilang paggawa ng mahalay."

﴿قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطًا ۚ قَالُوا نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَنْ فِيهَا ۖ لَنُنَجِّيَنَّهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ﴾

Nagsabi si Abraham - sumakanya ang pangangalaga - sa mga anghel: "Tunay na si Lot ay nasa pamayanang iyan na ninanais ninyong pasawiin ang mga naninirahan. Siya ay hindi kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." Nagsabi ang mga anghel: "Kami ay higit na nakaaalam sa sinumang nariyan. Talagang sasagipin nga namin siya at ang mag-anak niya mula sa kasawiang ibababa sa mga naninirahan sa pamayanan maliban sa maybahay niya; ito ay kabilang sa mga maiiwang masasawi sapagkat magpapasawi kami rito kasama sa kanila."

﴿وَلَمَّا أَنْ جَاءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِيءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالُوا لَا تَخَفْ وَلَا تَحْزَنْ ۖ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهْلَكَ إِلَّا امْرَأَتَكَ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ﴾

Noong pumunta ang mga anghel na ipinadala Namin kay Lot para magpasawi sa mga kababayan ni Lot ay nahapis siya at ikinalungkot niya ang pagdating nila dahil sa pangamba para sa kanila mula sa kasamaan ng mga kababayan niya sapagkat dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaki at ang mga kababayan niya ay pumupunta sa mga lalaki dahil sa pagnanasa bukod pa sa mga babae. Nagsabi sa kanya ang mga anghel: "Huwag kang mangamba sapagkat hindi makapagpaparating sa iyo ng kasagwaan ang mga kababayan mo. Huwag kang malungkot sa ipinabatid Namin sa iyo na pagpapasawi sa kanila. Tunay na kami ay mga tagasagip sa iyo at sa mag-anak mo laban sa pagkasawi maliban sa maybahay mo; ito ay kabilang sa mga maiiwang masasawi sapagkat magpapasawi kami rito kasama sa kanila."

﴿إِنَّا مُنْزِلُونَ عَلَىٰ أَهْلِ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ﴾

Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan na dati nang gumagawa ng mga karima-rimarim ng isang pagdurusa mula sa langit, na mga batong yari sa tuyong luwad, bilang parusa sa kanila sa paglabas nila sa pagtalima kay Allāh dahil sa ginagawa nilang mahalay na pangit, ang pagpunta sa mga lalaki dahil sa pagnanasa bukod pa sa mga babae.

﴿وَلَقَدْ تَرَكْنَا مِنْهَا آيَةً بَيِّنَةً لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ﴾

Talaga ngang nag-iwan Kami mula sa pamayanang iyan na pinasawi Namin ng isang tandang maliwanag para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang mga nagsasaalang-alang sa mga tanda.

﴿وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَارْجُوا الْيَوْمَ الْآخِرَ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ﴾

Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila sa kaangkanan na si Shu`ayb - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya, umasa kayo sa pagsamba ninyo sa Kanya ng gantimpala sa Huling Araw. at huwag kayong manggulo sa lupa bilang sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pagpapalaganap ng mga ito."

﴿فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ﴾

Ngunit nagpasinungaling sa kanya ang mga kalipi niya kaya dumapo sa kanila ang lindol; at sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga bumagsak sa mga mukha nila. Dumikit nga ang mga mukha nila sa alabok, nang walang pagkilos sa kanila.

﴿وَعَادًا وَثَمُودَ وَقَدْ تَبَيَّنَ لَكُمْ مِنْ مَسَاكِنِهِمْ ۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَكَانُوا مُسْتَبْصِرِينَ﴾

Nagpasawi Kami nang gayon din sa liping `Ād, ang lipi ni Hūd, at sa liping Thamūd, ang lipi ni Ṣāliḥ. Luminaw para sa inyo, O mga naninirahan sa Makkah, mula sa mga tirahan nila sa Ḥijr at Shijr ng Ḥaḍramawt (sa Yemen) ang nagpapatunay sa inyo sa pagpapasawi sa kanila sapagkat ang mga tirahan nilang walang laman ay sumasaksi roon. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nilang sila noon ay nakasadlak gaya ng kawalang-pananampalataya at iba pa rito na mga pagsuway. Nagpalihis siya sa kanila palayo sa landasing tuwid habang sila noon ay mga may pagkakita sa katotohanan, pagkaligaw, pagkagabay, at pagkalisya dahil sa itinuro sa kanila ng mga sugo nila, subalit pinili nila ang pagsunod sa pithaya higit sa pagsunod sa patnubay.

﴿وَقَارُونَ وَفِرْعَوْنَ وَهَامَانَ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مُوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ فَاسْتَكْبَرُوا فِي الْأَرْضِ وَمَا كَانُوا سَابِقِينَ﴾

Nagpasawi Kami kay Qārūn - noong nagpakapalalo siya laban sa mga kalipi ni Moises - sa pamamagitan ng pagpapalamon sa kanya at sa bahay niya [sa lupa]. Nagpasawi Kami kay Paraon at sa katuwang niyang si Hāmān sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Talaga ngang nagdala sa kanila si Moises ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya, ngunit nagmalaki sila sa lupain ng Ehipto sa halip ng pagsampalataya sa kanya. Hindi nangyaring sila ay ukol maligtas mula sa pagdurusang dulot Namin dahil sa pagkalusot nila sa Amin.

﴿فَكُلًّا أَخَذْنَا بِذَنْبِهِ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِ حَاصِبًا وَمِنْهُمْ مَنْ أَخَذَتْهُ الصَّيْحَةُ وَمِنْهُمْ مَنْ خَسَفْنَا بِهِ الْأَرْضَ وَمِنْهُمْ مَنْ أَغْرَقْنَا ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ﴾

Kaya nagpataw Kami sa bawat isa sa mga nabanggit kanina ng nagpapasawing pagdurusang dulot Namin. Kabilang sa kanila ay ang mga kababayan ni Lot na nagpadala Kami sa kanila ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong. Kabilang sa kanila ay ang mga kalipi ni Ṣāliḥ at ang mga kalipi ni Shu`ayb na dinaklot ng hiyaw. Kabilang sa kanila ay si Qārūn na ipinalamon Namin siya at ang tahanan niya sa lupa. Kabilang sa kanila ay ang mga tao nina Noe, Paraon, at Hāmān na pinasawi Namin sa pamamagitan ng pagkalunod.
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na lalabag sa katarungan sa kanila sa pamamagitan ng pagpapasawi sa kanila nang walang pagkakasala, subalit sila noon ay lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway kaya naman nagindapat sila sa pagdurusa.

﴿مَثَلُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ كَمَثَلِ الْعَنْكَبُوتِ اتَّخَذَتْ بَيْتًا ۖ وَإِنَّ أَوْهَنَ الْبُيُوتِ لَبَيْتُ الْعَنْكَبُوتِ ۖ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ﴾

Ang paghahalintulad sa mga tagapagtambal na gumawa, bukod pa kay Allāh, ng mga diyus-diyusang sinasamba nila sa pag-asa sa pagpapakinabang ng mga ito o pamamagitan ng mga ito ay katulad ng gagamba, na gumawa ng isang bahay na magsasanggalang sa kanya laban sa pangangaway sa kanya. Tunay na ang pinakamahina sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba sapagkat ito ay hindi nakapagtatanggol sa kanya sa isang kaaway. Gayon din ang mga diyus-diyusan nila: hindi nakapagpapakinabang ang mga ito, hindi nakapipinsala ang mga ito, at hindi nakapamamagitan ang mga ito. Kung sakaling nangyaring ang mga tagapagtambal ay nakaaalam niyon, talaga sanang hindi sila gumawa ng mga diyus-diyusan na sinasamba nila bukod pa kay Allāh.

﴿إِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

Tunay na si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - ay nakaaalam sa sinasamba nila bukod pa sa Kanya: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon. Siya ang Makapangyarihang hindi nadadaig, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya.

﴿وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ ۖ وَمَا يَعْقِلُهَا إِلَّا الْعَالِمُونَ﴾

Ang mga paghahalintulad na iyan na ginagawa Namin para sa mga tao upang gumising sa kanila, magpakita sa kanila sa katotohanan, at magpatnubay sa kanila roon ay walang nakatatalos sa mga ito ayon sa paraang hinihiling kundi ang mga nakaaalam sa Batas ni Allāh at sa mga kasanhian nito.

﴿خَلَقَ اللَّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِلْمُؤْمِنِينَ﴾

Lumikha si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - sa mga langit at lumikha Siya sa lupa ayon sa katotohanan. Hindi Siya lumikha sa mga ito ayon sa kabulaanan at hindi Siya lumikha sa mga ito sa paglalaro. Tunay na sa paglikhang iyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga mananampalataya dahil sila ay ang mga nagpapatunay sa tagapaglikha sa pamamagitan ng paglikha ni Allāh - kaluwalhatian sa Kanya. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, tunay na sila ay napararaan sa mga tanda ng mga abot-tanaw at mga kaluluwa nang hindi natatawag ang mga pansin nila sa kadakilaan ng tagapaglikha at kakayahan Niya - kaluwalhatian sa Kanya.

﴿اتْلُ مَا أُوحِيَ إِلَيْكَ مِنَ الْكِتَابِ وَأَقِمِ الصَّلَاةَ ۖ إِنَّ الصَّلَاةَ تَنْهَىٰ عَنِ الْفَحْشَاءِ وَالْمُنْكَرِ ۗ وَلَذِكْرُ اللَّهِ أَكْبَرُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تَصْنَعُونَ﴾

Bigkasin mo, O Sugo, sa mga tao ang ikinasi sa iyo ni Allāh mula sa Qur'ān. Magsagawa ka ng pagdarasal sa pinakalubos na paraan. Tunay na ang pagdarasal na isinagawa ayon sa katangian nitong lubos ay sumasaway sa tagapagsagawa nito sa pagkakasadlak sa mga pagsuway at mga nakasasama dahil sa idinudulot nito na liwanag sa puso, na pumipigil sa paggawa ng mga pagsuway at gumagabay sa paggawa ng mga maayos. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki at higit na dakila kaysa sa bawat bagay. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga gawain ninyo: kung mabuti ay mabuti rin at kung masama ay masama rin.

﴿۞ وَلَا تُجَادِلُوا أَهْلَ الْكِتَابِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ إِلَّا الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ ۖ وَقُولُوا آمَنَّا بِالَّذِي أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَأُنْزِلَ إِلَيْكُمْ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمْ وَاحِدٌ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ﴾

Huwag kayong makipagtalakayan, o mga mananampalataya, at huwag kayong makipag-alitan sa mga Hudyo at mga Kristiyano malibang ayon sa istilong pinakamagaling at pamamaraang pinakaideyal, ang pag-aanyaya sa pamamagitan ng pangaral at mga katwirang malinaw, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila sa pamamagitan ng pagmamatigas at kahambugan at nagpahayag ng digmaan sa inyo sapagkat makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa magpasakop sila o magbigay sila ng jizyah nang kusang-loob habang sila ay mga nanliliit. Sabihin ninyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Sumampalataya kami sa ibinaba ni Allāh sa amin na Qur'ān at sumampalataya kami sa ibinaba sa inyo na Torah at Ebanghelyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa: walang katambal sa Kanya sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at kalubusan Niya. Kami sa Kanya - tanging sa Kanya - ay mga nagpapaakay na nagpapakaaba."

﴿وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ ۚ فَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَمِنْ هَٰؤُلَاءِ مَنْ يُؤْمِنُ بِهِ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الْكَافِرُونَ﴾

At gayon nagbaba kami ng mga kasulatan sa mga nauna sa iyo ay ibinaba rin namin sa iyo ang Qur'an. Kaya ang ilan sa kanila na nagbabasa ng Torah -tulad ni Abdullah bin Saba'- ay naniniwala rito, noong nahanap nila ang katangian nito sa mga aklat nila. At mayroon din mula sa mga tagapagtambal na naniniwala rito. At walang tatangging sumampalataya sa mga tanda Namin maliban sa mga tagatangging sumampalataya na namalagi na sa kanila ang pagtanggi at pagmamatigas sa katotohanan sa kabila ng paglitaw nito.

﴿وَمَا كُنْتَ تَتْلُو مِنْ قَبْلِهِ مِنْ كِتَابٍ وَلَا تَخُطُّهُ بِيَمِينِكَ ۖ إِذًا لَارْتَابَ الْمُبْطِلُونَ﴾

Hindi ka dati, O Sugo, bumibigkas noong bago ng Qur'ān na ito ng anumang aklat at hindi ka dati nagsusulat ng anuman sa pamamagitan ng kanan mo dahil ikaw ay iliterato: hindi nakababasa at hindi nakasusulat. Kung sakaling nangyaring ikaw ay nakababasa at nakasusulat, talaga sanang nagduda ang mga mangmang sa mga tao sa pagkapropeta mo at nagdahilan sila na ikaw dati ay nagsusulat buhat sa mga kasulatang nauna.

﴿بَلْ هُوَ آيَاتٌ بَيِّنَاتٌ فِي صُدُورِ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الظَّالِمُونَ﴾

Bagkus ang Qur’an na pinababa sa iyo ay mga talatang maliliwanag na nasa mga dibdib ng mga binigyan ng kaalaman kabilang sa mga mananampalataya. Walang nagkakaila sa mga talata Namin kundi ang mga tagalabag sa katarungan para sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya.

﴿وَقَالُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَاتٌ مِنْ رَبِّهِ ۖ قُلْ إِنَّمَا الْآيَاتُ عِنْدَ اللَّهِ وَإِنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾

Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Bakit nga ba hindi nagpababa kay Muḥammad ng mga tanda mula sa Panginoon niya tulad ng pinababa sa mga sugo noong wala pa siya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Ang mga tanda ay nasa kamay ni Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - lamang; nagpapababa Siya ng mga ito kailanman Niya loobin at hindi para sa aking pagpapababa sa mga ito. Ako ay isang tagapagbabala lamang para sa inyo laban sa parusa ni Allāh, na maliwanag sa pagbabala."

﴿أَوَلَمْ يَكْفِهِمْ أَنَّا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ يُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَرَحْمَةً وَذِكْرَىٰ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾

Hindi ba nakasapat sa tagapagmungkahing ito para sa mga talata na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān na binibigkas sa kanila? Tunay na sa Qur'ān na pinababa sa kanila ay talagang may awa at pangaral para sa mga taong sumasampalataya sapagkat sila ang mga makikinabang sa narito. Kaya ang anumang ibinaba sa kanila ay higit na mabuti kaysa sa anumang iminungkahi nila na kawangis sa ibinaba sa mga sugo noon.

﴿قُلْ كَفَىٰ بِاللَّهِ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ شَهِيدًا ۖ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَالَّذِينَ آمَنُوا بِالْبَاطِلِ وَكَفَرُوا بِاللَّهِ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Nakasapat si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - bilang isang saksi sa katapatan ko sa anumang dinala ko at sa pagpapasinungaling ninyo. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan mula sa bawat sinasamba bukod pa kay Allāh, at tumangging sumampalataya kay Allāh na karapat-dapat - tanging Siya - para sa pagsamba, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagpapalit nila ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya."

﴿وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ ۚ وَلَوْلَا أَجَلٌ مُسَمًّى لَجَاءَهُمُ الْعَذَابُ وَلَيَأْتِيَنَّهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ﴾

Nagpapamadali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng pagdurusang nagbabala ka sa kanila niyon. Kung hindi dahil si Allāh ay nagtakda para sa pagdurusa nila ng isang panahong hindi nauuna ni nahuhuli, talaga sanang dumating sa kanila ang hiniling nilang pagdurusa. Talagang pupunta nga iyon sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nag-aasam niyon.

﴿يَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةٌ بِالْكَافِرِينَ﴾

Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusang nangako ka sa kanila niyon. Tunay na ang Impiyernong ipinangako ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya ay talagang sasaklaw sa kanila, na hindi nila kakayanin ang pagtakas mula sa pagdurusa roon.

﴿يَوْمَ يَغْشَاهُمُ الْعَذَابُ مِنْ فَوْقِهِمْ وَمِنْ تَحْتِ أَرْجُلِهِمْ وَيَقُولُ ذُوقُوا مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾

sa Araw na babalot sa kanila ang pagdurusa mula sa itaas nila at ito ay magiging isang himlayan para sa kanila mula sa ilalim ng mga paa nila at magsasabi si Allāh sa kanila bilang paninisi sa kanila: "Lasapin ninyo ang ganti sa dati ninyong ginagawa na shirk at mga pagsuway."

﴿يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ أَرْضِي وَاسِعَةٌ فَإِيَّايَ فَاعْبُدُونِ﴾

O mga alipin Ko na sumampalataya sa Akin, lumikas kayo mula sa isang lupaing hindi kayo nakakakaya riyan sa pagsamba sa Akin. Tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sumamba kayo sa Akin -tanging sa Akin - at huwag kayo magtambal sa Akin ng isa man.

﴿كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۖ ثُمَّ إِلَيْنَا تُرْجَعُونَ﴾

Huwag pumigil sa inyo sa paglikas ang pangamba sa kamatayan. Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos ay sa Amin - tanging sa Amin - kayo panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.

﴿وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُبَوِّئَنَّهُمْ مِنَ الْجَنَّةِ غُرَفًا تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ نِعْمَ أَجْرُ الْعَامِلِينَ﴾

Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalapit sa Kanya ay talagang magpapatuloy nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga ito bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Kay inam ang ganti sa mga tagagawa ng pagtalima kay Allāh, ayon sa ganting ito!

﴿الَّذِينَ صَبَرُوا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ﴾

Kay inam ang ganti sa mga tagagawa ayon sa pagtalima kay Allāh, na mga nagtiis sa pagtalima sa Kanya at paglayo sa pagsuway sa Kanya! Sa Panginoon nila - tanging sa Kanya - ay sumasandal sila sa lahat ng mga nauukol sa kanila.

﴿وَكَأَيِّنْ مِنْ دَابَّةٍ لَا تَحْمِلُ رِزْقَهَا اللَّهُ يَرْزُقُهَا وَإِيَّاكُمْ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ﴾

Ang lahat ng mga hayop - sa kabila ng dami ng mga ito - na hindi nakakaya sa pagtipon ng panustos ng mga ito ni pagbubuhat nito, si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at nagtutustos sa inyo. Kaya walang dahilan para sa inyo sa pag-ayaw sa paglikas dahil sa pangamba sa pagkagutom. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ninyo, ang Maalam sa mga layunin ninyo at mga ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon. Gaganti Siya sa inyo roon.

﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ﴾

Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit, kung sino ang lumikha ng lupa, kung, kung sino ang nagpalingkod ng araw at buwan habang ang mga ito ay nagsusunuran ay talagang magsasabi nga silang si Allāh ang lumikha ng mga ito. Kaya papaanong nalilihis sila sa pananampalataya kay Allāh - tanging sa Kanya - at sumasamba sila sa iba pa sa Kanya na mga diyos na hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala?

﴿اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ لَهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

Si Allāh ay nagpapalawak sa panustos para sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nagpapasikip nito sa kaninumang niloloob Niya dahil sa isang kasanhiang nalalaman Niya mismo. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman kaya walang naikukubli sa Kanya na anumang nababagay para sa mga lingkod Niya ng pangangasiwa.

﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ نَزَّلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ مِنْ بَعْدِ مَوْتِهَا لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ﴾

Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig, na nagpatubo sa pamamagitan nito sa lupa matapos na ito dati ay tuyot, ay talagang magsasabi nga silang ang nagpababa ng ulan mula sa langit at nagpatubo sa pamamagitan nito sa lupa ay si Allāh.
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran laban sa inyo," ngunit ang resulta ay na ang karamihan sa kanila ay hindi nakapag-uunawa yayamang kung sakaling sila dati ay nakapag-uunawa, talaga sanang hindi sila nagtambal kay Allāh ng mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala.

﴿وَمَا هَٰذِهِ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا لَهْوٌ وَلَعِبٌ ۚ وَإِنَّ الدَّارَ الْآخِرَةَ لَهِيَ الْحَيَوَانُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ﴾

Walang iba itong buhay pangmundo - kalakip ng taglay nitong mga ninanasa at tinatamasa - kundi isang paglilibang para sa mga puso ng mga nahuhumaling dito at isang laro. Hindi maglalaon at magwawakas ito nang mabilis. Tunay na ang tahanang pangkabilang-buhay ay talagang iyon ang buhay na tunay dahil sa pananatili niyon. Kung sakaling dati silang nakaaalam ay hindi sana sila nagpauna sa naglalaho higit sa nananatili.

﴿فَإِذَا رَكِبُوا فِي الْفُلْكِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ إِذَا هُمْ يُشْرِكُونَ﴾

Kapag nakasakay ang mga tagapagtambal sa mga daong sa dagat ay dumadalangin sila kay Allāh - tanging sa Kanya - bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagdalangin na iligtas sila sa pagkalunod. Ngunit noong nailigtas Niya sila mula sa pagkalunod, naging mga tagapagtambal sila na dumadalangin kasama sa Kanya sa mga diyos nila.

﴿لِيَكْفُرُوا بِمَا آتَيْنَاهُمْ وَلِيَتَمَتَّعُوا ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ﴾

Naging mga tagapagtambal sila upang magkaila sila sa ibinigay Namin sa kanila na mga biyaya at upang magtamasa sila sa ibinigay sa kanila na ningning ng buhay, ngunit malalaman nila ang kahihinatnan nilang masagwa kapag namatay sila.

﴿أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا حَرَمًا آمِنًا وَيُتَخَطَّفُ النَّاسُ مِنْ حَوْلِهِمْ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَةِ اللَّهِ يَكْفُرُونَ﴾

Hindi ba nakakita ang mga tagapagkailang ito sa biyaya ni Allāh sa kanila - nang nagligtas si Allāh sa kanila mula sa pagkalunod - ng iba pang biyaya? [Ang biyayang] ito ay na Kami ay gumawa para sa kanila ng isang kanlungang natitiwasay sila roon para sa mga buhay nila at mga ari-arian nila samantalang ang ibang tao ay nilulusob ng mga pag-atake kaya napapatay ang mga iyon, nadadakip ang mga iyon, nabibihag ang mga kababaihan nila at ang mga supling, at dinadambong ang mga ari-arian nila. Kaya ba sa kabulaanan ng mga inaakalang diyos nila sila sumasampalataya at sa biyaya ni Allāh sa kanila sila nagkakaila kaya hindi sila nagpapasalamat dito kay Allāh?

﴿وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِالْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُ ۚ أَلَيْسَ فِي جَهَنَّمَ مَثْوًى لِلْكَافِرِينَ﴾

Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa Kanya ng katambal o nagpasinungaling sa katotohanang dinala ng Sugo Niya. Walang duda na sa Impiyerno ay may tirahan para sa mga tagatangging sumampalataya at para sa mga tulad nila.

﴿وَالَّذِينَ جَاهَدُوا فِينَا لَنَهْدِيَنَّهُمْ سُبُلَنَا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَمَعَ الْمُحْسِنِينَ﴾

Ang mga nakibaka sa mga sarili nila sa paghahangad ng kaluguran Namin ay talagang magtutuon nga Kami sa kanila sa pagkatamo sa landasing tuwid. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga tagagawa ng maganda sa pamamagitan ng tulong, pag-aadya, at paggagabay.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: