الأنبياء

تفسير سورة الأنبياء

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ اقْتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمْ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ مُعْرِضُونَ﴾

Lumapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila sa mga gawa nila sa Araw ng Pagbangon habang sila ay nasa pagkalingat na mga tagaayaw sa Kabilang-buhay dahil sa pagkakaabala nila sa Mundo sa halip niyon.

﴿مَا يَأْتِيهِمْ مِنْ ذِكْرٍ مِنْ رَبِّهِمْ مُحْدَثٍ إِلَّا اسْتَمَعُوهُ وَهُمْ يَلْعَبُونَ﴾

Walang pumupunta sa kanila na isang Qur'ān mula sa Panginoon nila, na bagong baba, malibang nakikinig sila rito ayon sa pagdinig na hindi nagpapakinabang, bagkus ayon sa pakikinig ng paglalaro, na mga hindi pumapansin sa anumang narito.

﴿لَاهِيَةً قُلُوبُهُمْ ۗ وَأَسَرُّوا النَّجْوَى الَّذِينَ ظَلَمُوا هَلْ هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ ۖ أَفَتَأْتُونَ السِّحْرَ وَأَنْتُمْ تُبْصِرُونَ﴾

Narinig nila ito habang ang mga puso nila ay nalilingat dito. Nagkubli ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng pag-uusap na nagtatapatan sila habang mga nagsasabi: "Walang iba itong nag-aangking siya ay isang sugo kundi isang taong tulad ninyo na walang ikinatatangi sa kanya sa inyo. Ang inihatid niya ay isang panggagaway. Kaya susunod ba kayo sa kanya samantalang kayo ay nakatatalos na siya ay isang taong tulad ninyo at na ang inihatid niya ay isang panggagaway?"

﴿قَالَ رَبِّي يَعْلَمُ الْقَوْلَ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ﴾

Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa ikinubli ninyong pag-uusap sapagkat Siya ay nakaaalam sa bawat sinasabing namumutawi mula tagapagsabi nito sa mga langit at sa lupa. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ginagawa nila; at gaganti Siya sa kanila sa mga ito."

﴿بَلْ قَالُوا أَضْغَاثُ أَحْلَامٍ بَلِ افْتَرَاهُ بَلْ هُوَ شَاعِرٌ فَلْيَأْتِنَا بِآيَةٍ كَمَا أُرْسِلَ الْأَوَّلُونَ﴾

Bagkus nag-atubili sila sa kaugnay sa ihinatid ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kaya minsan ay nagsabi sila: "Mga maling panaginip nagkahalu-halong walang pagpapakahulugan dito." Minsan ay nagsabi sila: "Hindi, bagkus nilikha-likha niya ito nang wala ritong pinagmulan.
" Nagsabi pa sila minsan: "Siya ay isang manunula; at kung siya ay naging tapat sa pag-aangkin niya, maghatid siya sa atin ng isang himala gaya ng sa mga sinaunang mga sugo sapagkat naghatid sila ng mga himala, tulad ng tungkod ni Moises at dumalagang kamelyo ni Ṣāliḥ."

﴿مَا آمَنَتْ قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا ۖ أَفَهُمْ يُؤْمِنُونَ﴾

Walang sumampalataya bago ng mga tagamungkahing ito ng isang pamayanang nagmungkahi sila ng pagbaba ng mga tanda kaya naman nagbigay sa kanila ng mga iyon gaya ng iminungkahi nila. Bagkus nagpasinungaling sila sa mga iyon kaya ipinahamak Namin sila. Kaya sasampalataya ba ang mga ito?

﴿وَمَا أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ ۖ فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ﴾

Hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaking kabilang sa mga tao na nagkasi Kami sa kanila, at hindi Kami nagpadala sa kanila na mga anghel. Kaya magtanong kayo sa mga may kasulatan kabilang sa nauna sa inyo kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam niyon.

﴿وَمَا جَعَلْنَاهُمْ جَسَدًا لَا يَأْكُلُونَ الطَّعَامَ وَمَا كَانُوا خَالِدِينَ﴾

Hindi Kami gumawa sa mga sugo na isinugo Namin bilang mga may katawang hindi kumakain ng pagkain, bagkus kumakain sila kung paanong kumakain ang iba pa sa kanila. Hindi nangyaring sila ay mga mananatili sa Mundo nang hindi namamatay.

﴿ثُمَّ صَدَقْنَاهُمُ الْوَعْدَ فَأَنْجَيْنَاهُمْ وَمَنْ نَشَاءُ وَأَهْلَكْنَا الْمُسْرِفِينَ﴾

Pagkatapos ay nagsakatuparan Kami sa mga sugo Namin ng ipinangako Namin sa kanila yayamang sumagip Kami sa kanila at sumagip Kami sa sinumang niloob Namin kabilang sa mga mananampalataya mula sa kapahamakan; at nagpahamak Kami sa mga lumalampas sa hangganan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at paggawa nila ng mga pagsuway.

﴿لَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ كِتَابًا فِيهِ ذِكْرُكُمْ ۖ أَفَلَا تَعْقِلُونَ﴾

Talaga ngang nagbaba Kami sa inyo ng Qur'ān na dito ay may dangal ninyo at ikararangal ninyo kung nagpatotoo kayo rito at gumawa kayo ayon sa narito. Kaya hindi ba kayo nakauunawa niyon para magmadali kayo sa pagsampalataya rito at paggawa ayon sa nilaman nito?

﴿وَكَمْ قَصَمْنَا مِنْ قَرْيَةٍ كَانَتْ ظَالِمَةً وَأَنْشَأْنَا بَعْدَهَا قَوْمًا آخَرِينَ﴾

Anong dami ang mga pamayanang ipinahamak Namin dahilan sa paglabag ng mga ito sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya, at lumikha Kami matapos ng mga ito ng mga taong iba pa.

﴿فَلَمَّا أَحَسُّوا بَأْسَنَا إِذَا هُمْ مِنْهَا يَرْكُضُونَ﴾

Kaya noong nakasaksi ang mga ipahahamak sa pumupuksang pagdurusang dulot Namin, biglang sila mula sa pamayanan nila ay nagmamadali sa pagtakas mula sa kapahamakan.

﴿لَا تَرْكُضُوا وَارْجِعُوا إِلَىٰ مَا أُتْرِفْتُمْ فِيهِ وَمَسَاكِنِكُمْ لَعَلَّكُمْ تُسْأَلُونَ﴾

Kaya tatawagin sila sa pamamaraan ng panunuya: "Huwag kayong tumakas. Bumalik kayo sa taglay ninyo noon na pagpapakaginhawa at mga minamasarap ninyo at sa mga tirahan ninyo, nang sa gayon kayo ay tatanungin ng anuman mula sa kamunduhan ninyo."

﴿قَالُوا يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ﴾

Magsasabi ang mga tagalabag sa katarungan na ito habang umaamin sa pagkakasala nila: "O kapahamakan sa amin; tunay na kami noon ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya Namin kay Allāh."

﴿فَمَا زَالَتْ تِلْكَ دَعْوَاهُمْ حَتَّىٰ جَعَلْنَاهُمْ حَصِيدًا خَامِدِينَ﴾

Kaya hindi tumigil ang pag-amin nila ng pagkakasala nila at ang pagdalangin nila laban sa mga sarili nila ng pagkapahamak bilang ang panawagan nilang inuulit-ulit nila hanggang sa ginawa Namin sila tulad ng pananim na inani, bilang mga patay na walang pagkilos sa kanila.

﴿وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاءَ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَاعِبِينَ﴾

Hindi Kami lumikha sa langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito dala ng paglalaro at paglilikot, bagkus lumikha Kami sa mga ito para sa pagpapatunay sa kakayahan Namin.

﴿لَوْ أَرَدْنَا أَنْ نَتَّخِذَ لَهْوًا لَاتَّخَذْنَاهُ مِنْ لَدُنَّا إِنْ كُنَّا فَاعِلِينَ﴾

Kung sakaling nagnais Kaming gumawa ng isang asawa o isang anak ay talaga sanang gumawa Kami nito mula sa taglay Namin, at hindi nangyaring Kami ay gagawa niyon dahil sa pagkawalang-kaugnayan Namin doon.

﴿بَلْ نَقْذِفُ بِالْحَقِّ عَلَى الْبَاطِلِ فَيَدْمَغُهُ فَإِذَا هُوَ زَاهِقٌ ۚ وَلَكُمُ الْوَيْلُ مِمَّا تَصِفُونَ﴾

Bagkus, nagpupukol Kami ng katotohanan, na ikinakasi Namin sa Sugo Namin, sa kabulaanan ng mga alagad ng kawalang-pananampalataya at nagpapawalang-kabuluhan ito roon kaya biglaang ang kabulaanan nila ay umaalis na naglalaho. Ukol sa inyo, o mga nagsasabi ng paggawa Niya ng asawa at anak, ang kapahamakan dahil sa paglalarawan ninyo para sa Kanya ng hindi naaangkop sa Kanya.

﴿وَلَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَمَنْ عِنْدَهُ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَلَا يَسْتَحْسِرُونَ﴾

Sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - tanging sa Kanya ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Ang mga nasa piling Niya na mga anghel ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi sila napapagod.

﴿يُسَبِّحُونَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ لَا يَفْتُرُونَ﴾

Nagsisigasig sila sa pagluluwalhati kay Allāh palagi nang hindi nagsasawa roon.

﴿أَمِ اتَّخَذُوا آلِهَةً مِنَ الْأَرْضِ هُمْ يُنْشِرُونَ﴾

Bagkus gumawa ang mga tagapagtambal ng mga diyos bukod pa kay Allāh, na hindi nagsisibuhay ng mga patay kaya papaanong sumasamba sila sa walang-kakayahan doon?

﴿لَوْ كَانَ فِيهِمَا آلِهَةٌ إِلَّا اللَّهُ لَفَسَدَتَا ۚ فَسُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ﴾

Kung sakaling nangyaring sa mga langit at lupa ay may mga sinasambang sarisari, talaga sanang nagulo ang mga ito dahil sa pag-aalitan ng mga sinasamba sa Sansinukob. Ang reyalidad ay salungat doon sapagkat nagpawalang-kaugnayan si Allāh, ang Panginoon ng Trono, palayo sa mga inilalarawan ng mga tagapagtambal bilang pagsisinungaling na mayroon Siyang mga katambal.

﴿لَا يُسْأَلُ عَمَّا يَفْعَلُ وَهُمْ يُسْأَلُونَ﴾

Si Allāh, ang namumukod-tangi sa paghahari Niya at pagtatadhana Niya, ay hindi tinatanong ng isa man tungkol sa itinakda Niya at itinadhana Niya samantalang Siya ay magtatanong sa mga lingkod Niya tungkol sa gawa nila at gaganti sa kanila sa mga iyon.

﴿أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً ۖ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ ۖ هَٰذَا ذِكْرُ مَنْ مَعِيَ وَذِكْرُ مَنْ قَبْلِي ۗ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ الْحَقَّ ۖ فَهُمْ مُعْرِضُونَ﴾

Bagkus gumawa sila bukod pa kay Allāh ng mga sinasamba. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magbigay kayo ng katwiran ninyo sa pagiging karapat-dapat ng mga iyon sa pagsamba sapagkat itong Aklat na ibinaba sa akin at ang mga kasulatang ibinaba sa mga sugo ay walang katwiran ukol sa inyo sa mga iyon. Bagkus ang karamihan sa mga tagapagtambal ay walang pinagbabatayan kundi ang kamangmangan at ang panggagaya sapagkat sila ay mga tagaayaw sa pagtanggap sa katotohanan."

﴿وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ﴾

Hindi Kami nagpadala noong bago mo pa, O Sugo, ng isang sugo malibang nagkasi Kami sa kanya na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin - tanging sa Akin - at huwag kayong magtambal sa Akin ng anuman.

﴿وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمَٰنُ وَلَدًا ۗ سُبْحَانَهُ ۚ بَلْ عِبَادٌ مُكْرَمُونَ﴾

Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Nagpawalang-kaugnayan Siya -kaluwalhatian sa Kanya at kabanal-banalan Siya - palayo sa sinasabi nila na kasinungalingan; bagkus ang mga anghel ay mga lingkod ni Allāh, na mga pinarangalan Niya, na mga inilapit sa Kanya.

﴿لَا يَسْبِقُونَهُ بِالْقَوْلِ وَهُمْ بِأَمْرِهِ يَعْمَلُونَ﴾

Hindi sila nangunguna sa Panginoon nila sa pagsabi sapagkat hindi sila bumibigkas hanggang sa mag-utos Siya sa kanila samantalang sila sa utos Niya naman ay gumagawa sapagkat hindi sila sumasalungat sa Kanya sa utos.

﴿يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يَشْفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ارْتَضَىٰ وَهُمْ مِنْ خَشْيَتِهِ مُشْفِقُونَ﴾

Nakaaalam Siya sa nauna sa mga gawain nila at sa kasunod sa mga ito. Hindi sila humihiling ng Pamamagitan malibang ayon sa kapahintulutan Niya para sa sinumang kinalugdan Niya ang pamamagitan para roon. Sila dahil sa pangamba sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - ay mga nangingilag kaya hindi sila sumasalungat sa utos ni saway.

﴿۞ وَمَنْ يَقُلْ مِنْهُمْ إِنِّي إِلَٰهٌ مِنْ دُونِهِ فَذَٰلِكَ نَجْزِيهِ جَهَنَّمَ ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ﴾

Ang sinumang nagsasabi kabilang sa mga anghel, bilang pagpapalagay: "Tunay na ako ay sinasamba bukod pa kay Allāh," tunay na Kami ay gaganti sa kanya, dahil sa sabi niya, ng pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon bilang mamamalagi roon. Tulad ng ganting ito gagantihan ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at pagtatambal kay Allāh.

﴿أَوَلَمْ يَرَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ كَانَتَا رَتْقًا فَفَتَقْنَاهُمَا ۖ وَجَعَلْنَا مِنَ الْمَاءِ كُلَّ شَيْءٍ حَيٍّ ۖ أَفَلَا يُؤْمِنُونَ﴾

Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na ang mga langit at ang lupa dati ay magkakadikit na walang puwang sa pagitan ng mga ito para bumaba mula rito ang ulan, pagkadaka ay nagpahiwalay Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig na bumababa mula sa langit patungo sa lupa ng bawat bagay na hayop at halaman. Kaya hindi ba sila nagsasaalang-alang niyon at sasampalataya kay Allāh - tanging sa Kanya?

﴿وَجَعَلْنَا فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِهِمْ وَجَعَلْنَا فِيهَا فِجَاجًا سُبُلًا لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ﴾

Lumikha Kami sa lupa ng mga bundok na matibay upang hindi yumanig ito kasama sa sinumang nasa ibabaw nito, at naglagay Kami rito ng mga tinatahak na mga daang malawak nang sa gayon sila ay mapatnubayan sa mga paglalakbay nila tungo sa mga pakay nila.

﴿وَجَعَلْنَا السَّمَاءَ سَقْفًا مَحْفُوظًا ۖ وَهُمْ عَنْ آيَاتِهَا مُعْرِضُونَ﴾

Gumawa Kami ng langit bilang isang bubong na pinangangalagaan laban sa pagbagsak, nang walang tukod, pinangangalagaan laban sa panakaw na pakikinig [ng mga jinn], samantalang ang mga tagapagtambal naman, sa nasa langit na mga tanda gaya ng araw at buwan, ay mga tagaayaw na hindi nagsasaalang-alang.

﴿وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسْبَحُونَ﴾

Si Allāh - tanging Siya - ay ang lumikha ng gabi para sa kapahingahan, lumikha ng maghapon para sa pagkamit ng ikabubuhay, at lumikha ng araw bilang isang palatandaan sa maghapon at ng buwan bilang isang palatandaan sa gabi – bawat isa sa araw at buwan ay umiinog sa ikutan nitong natatangi rito, nang hindi lumilihis dito ni kumikiling.

﴿وَمَا جَعَلْنَا لِبَشَرٍ مِنْ قَبْلِكَ الْخُلْدَ ۖ أَفَإِنْ مِتَّ فَهُمُ الْخَالِدُونَ﴾

Hindi Kami gumawa para sa isa kabilang sa mga tao bago mo, O Sugo, ng pamamalagi sa buhay na ito. Kaya kung natapos ang taning mo sa buhay na ito at namatay, ang mga ito ba ay ang mga mamamalagi matapos mo? Aba'y hindi!

﴿كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۗ وَنَبْلُوكُمْ بِالشَّرِّ وَالْخَيْرِ فِتْنَةً ۖ وَإِلَيْنَا تُرْجَعُونَ﴾

Bawat kaluluwang mananampalataya o tagatangging sumampalataya ay makalalasap ng kamatayan sa Mundo. Susulitin Namin kayo, O mga tao, sa buhay sa Mundo sa pamamagitan ng mga pag-aatang ng tungkulin, mga biyaya, at mga kamalasan. Pagkatapos, matapos ng kamatayan ninyo ay sa Amin - hindi sa iba sa Amin - kayo magbabalik para gumanti Kami sa inyo sa mga gawa ninyo.

﴿وَإِذَا رَآكَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا الَّذِي يَذْكُرُ آلِهَتَكُمْ وَهُمْ بِذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ هُمْ كَافِرُونَ﴾

Kapag nakita ka, O Sugo, ng mga tagapagtambal na ito ay wala silang ginagawa sa iyo kundi panunuya habang mga nagpapalayo sa loob ng mga tagasunod nila sa pagsabi nila: "Ito ba ang nang-aalipusta sa mga diyos na sinasamba ninyo?" Sila, kalakip ng panunuya sa iyo, ay mga tagapagkaila sa ibinaba ni Allāh sa kanila na Qur'ān. Sa ibinigay Niya sa kanila na mga biyaya ay mga tagatangging magpasalamat kaya sila ay higit na nararapat sa pamimintas dahil sa pagkakaipon sa kanila ng bawat kasagwaan.

﴿خُلِقَ الْإِنْسَانُ مِنْ عَجَلٍ ۚ سَأُرِيكُمْ آيَاتِي فَلَا تَسْتَعْجِلُونِ﴾

Isinakalikasan sa tao ang pagmamadali kaya siya ay nagmamadali sa mga pangyayari bago ng pagkaganap ng mga ito. Kabilang doon ang pagmamadali ng mga tagapagtambal sa pagdurusa. Magpapakita Ako sa inyo, O mga nagmamadali sa pagdudulot Ko ng pagdurusa, ng minadali ninyo kaya huwag kayong humiling ng pagmamadali niyon.

﴿وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾

Nagsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na mga nagkakaila sa pagbubuhay ayon sa pagmamadali: "Kailan mangyayari ang ipinangangako ninyo sa amin, O mga Muslim, na pagbubuhay kung kayo ay mga tapat sa anumang inaangkin ninyong mangyayari?"

﴿لَوْ يَعْلَمُ الَّذِينَ كَفَرُوا حِينَ لَا يَكُفُّونَ عَنْ وُجُوهِهِمُ النَّارَ وَلَا عَنْ ظُهُورِهِمْ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ﴾

Kung sakaling nakaaalam itong mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagkaila sa pagkabuhay kapag hindi nila naitataboy ang apoy palayo sa mga mukha nila ni palayo sa mga likod nila, at na walang tagapag-adyang mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagtulak sa pagdurusa palayo sa kanila, kung sakaling natiyak nila iyon ay hindi nila mamadaliin ang pagdurusa.

﴿بَلْ تَأْتِيهِمْ بَغْتَةً فَتَبْهَتُهُمْ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ رَدَّهَا وَلَا هُمْ يُنْظَرُونَ﴾

Hindi pupunta sa kanila ang apoy na ito na pagdurusahin sila rito ayon sa pagkakaalam mula sa kanila, bagkus pupunta ito sa kanila nang biglaan kaya hindi sila makakakaya sa pagtataboy nito at hindi sila makapagpapaliban hanggang sa makapagbalik-loob sila para umabot sa kanila ang awa.

﴿وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِنْ قَبْلِكَ فَحَاقَ بِالَّذِينَ سَخِرُوا مِنْهُمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ﴾

Talagang kung nanuya sa iyo ang mga kababayan mo, ikaw ay hindi kauna-unahan doon sapagkat nangutya nga sa mga sugo noong wala ka pa, O Sugo, kaya pumalibot sa mga tagatangging sumampalataya na dating nanuya sa kanila ang pagdurusang dating kinukutya nila sa Mundo nang nagpapangamba sa kanila niyon ang mga sugo nila.

﴿قُلْ مَنْ يَكْلَؤُكُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ مِنَ الرَّحْمَٰنِ ۗ بَلْ هُمْ عَنْ ذِكْرِ رَبِّهِمْ مُعْرِضُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagmamadaling ito sa pagdurusa: "Sino ang nangangalaga sa inyo sa gabi at maghapon laban sa anumang ninanais sa inyo ng Napakamaawain na pagpababa ng pagdurusa at kapahamakan sa inyo?" Bagkus sila, sa pag-aalaala sa mga pangaral ng Panginoon nila at mga katwiran Niya, ay mga tagaayaw. Hindi sila nagbubulay-bulay sa anuman sa mga ito dala ng kamangmangan at kahunghangan.

﴿أَمْ لَهُمْ آلِهَةٌ تَمْنَعُهُمْ مِنْ دُونِنَا ۚ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَ أَنْفُسِهِمْ وَلَا هُمْ مِنَّا يُصْحَبُونَ﴾

O mayroon ba silang mga diyos na nagtatanggol sa kanila laban sa pagdurusang dulot Namin? Hindi sila nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagtulak sa pinsala palayo sa mga ito at sa pagdulot ng pakinabang para sa mga ito. Ang sinumang hindi nakapag-aadya sa sarili ay papaanong mag-aadya sa iba sa kanya? Hindi sila makakandili laban sa pagdurusang dulot Namin.

﴿بَلْ مَتَّعْنَا هَٰؤُلَاءِ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ طَالَ عَلَيْهِمُ الْعُمُرُ ۗ أَفَلَا يَرَوْنَ أَنَّا نَأْتِي الْأَرْضَ نَنْقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَا ۚ أَفَهُمُ الْغَالِبُونَ﴾

Bagkus nagpatamasa Kami sa mga tagatangging sumampalataya na ito at sa mga magulang nila hanggang sa nagpalawak Kami sa kanila ng mga biyaya Namin bilang pagpapain sa kanila hanggang sa humaba-haba sa kanila ang panahon kaya nalinlang sila dahil doon at nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Kaya hindi ba nakababatid ang mga nalinlang na ito dahil sa mga biyaya Namin, na mga nagmamadali sa pagdurusa Namin, na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga tagiliran nito sa pamamagitan ng paggapi Namin sa mga naninirahan dito at pananaig Namin sa kanila kaya magsaalang-alang sila niyon upang hindi maganap sa kanila ang naganap sa iba sa kanila! Ang mga ito ay hindi mga mananaig, bagkus sila ay mga madadaig."

﴿قُلْ إِنَّمَا أُنْذِرُكُمْ بِالْوَحْيِ ۚ وَلَا يَسْمَعُ الصُّمُّ الدُّعَاءَ إِذَا مَا يُنْذَرُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Nagpapangamba lamang ako sa inyo, O mga tao, sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakasi na ikinakasi sa akin ng Panginoon ko." Hindi nakaririnig ang mga bingi sa katotohanan na idinadalangin nila ayon sa pagkadinig ng pagtanggap kapag pinangamba sila sa pagdurusang dulot ni Allāh."

﴿وَلَئِنْ مَسَّتْهُمْ نَفْحَةٌ مِنْ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ﴾

Talagang kung nasaling ang mga nagmamadaling ito sa pagdurusa ng isang bahagi ng pagdurusang dulot ng Panginoon mo, O Sugo, ay talagang magsasabi sila sa sandaling iyon: "O kapahamakan sa amin at kalugihan sa amin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal kay Allāh at pagpapasinungaling sa inihatid ni Muḥammad." pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan

﴿وَنَضَعُ الْمَوَازِينَ الْقِسْطَ لِيَوْمِ الْقِيَامَةِ فَلَا تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْئًا ۖ وَإِنْ كَانَ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِنْ خَرْدَلٍ أَتَيْنَا بِهَا ۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَاسِبِينَ﴾

Magtutukod Kami ng mga timbangang makatarungan para sa mga tao sa Araw ng Pagbangon upang timbangin sa pamamagitan ng mga ito ang mga gawa nila, kaya hindi lalabag sa katarungan sa Araw na iyon sa isang kaluluwa sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga magandang gawa nito o pagdaragdag sa mga masagwa nito. Kung ang natimbang man ay kakaunti tulad ng timbang ng buto ng mustasa, magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang tagabilang; magbibilang Kami ng mga gawa ng mga lingkod Namin.

﴿وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ وَهَارُونَ الْفُرْقَانَ وَضِيَاءً وَذِكْرًا لِلْمُتَّقِينَ﴾

Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron, sumakanilang dalawa ang pangangalaga, ng Torah bilang tagapaghiwalay sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, ng isang kapatnubayan para sa sinumang sumampalataya rito, at ng isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila,

﴿الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ وَهُمْ مِنَ السَّاعَةِ مُشْفِقُونَ﴾

na nangangamba sa parusa ng Panginoon nila na sinasampalatayanan nila gayong sila ay hindi naman nakasaksi sa Kanya samantalang sila sa Huling Sandali ay mga nangangamba.

﴿وَهَٰذَا ذِكْرٌ مُبَارَكٌ أَنْزَلْنَاهُ ۚ أَفَأَنْتُمْ لَهُ مُنْكِرُونَ﴾

Itong Qur'ān na pinababa kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay isang paalaala para sa sinumang nagnais na mapaalalahanan nito, isang pangangaral, at maraming pakinabang at kabutihan. Kaya kayo ba rito sa kabila niyon ay mga tagapagkaila, na hindi mga kumikilala sa narito, ni gumagawa ayon dito?

﴿۞ وَلَقَدْ آتَيْنَا إِبْرَاهِيمَ رُشْدَهُ مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا بِهِ عَالِمِينَ﴾

Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng katwiran sa mga kababayan niya noong kabataan niya. Kami noon sa kanya ay nakaaalam sapagkat nagbigay Kami sa kanya ng karapat-dapat sa kanya sa kaalaman Namin na katwiran sa mga kababayan niya.

﴿إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَا هَٰذِهِ التَّمَاثِيلُ الَّتِي أَنْتُمْ لَهَا عَاكِفُونَ﴾

[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niyang si Āzar at sa mga kababayan niya: "Ano ang mga diyus-diyusang ito na niyari ninyo ng mga kamay ninyo at na kayo sa mga ito ay mga nananatili sa pagsamba sa mga ito?"

﴿قَالُوا وَجَدْنَا آبَاءَنَا لَهَا عَابِدِينَ﴾

Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sumasamba sa mga ito kaya sumamba kami sa mga ito bilang pagtulad sa kanila."

﴿قَالَ لَقَدْ كُنْتُمْ أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾

Nagsabi sa kanila si Abraham: "Talaga ngang nangyaring kayo, O mga tagasunod, at ang mga ninuno ninyong sinusunod ay nasa isang pagkaligaw, palayo sa daan ng katotohanan, na maliwanag."

﴿قَالُوا أَجِئْتَنَا بِالْحَقِّ أَمْ أَنْتَ مِنَ اللَّاعِبِينَ﴾

Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Naghatid ka ba sa amin ng kaseryosohan nang nagsabi ka ng sinabi mo, o ikaw ay kabilang sa mga tagapagbiro?"

﴿قَالَ بَلْ رَبُّكُمْ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الَّذِي فَطَرَهُنَّ وَأَنَا عَلَىٰ ذَٰلِكُمْ مِنَ الشَّاهِدِينَ﴾

Nagsabi si Abraham: "Bagkus naghatid ako sa inyo ng kaseryosohan hindi ng pagbibiro sapagkat ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumikha sa mga ito ayon sa walang pagkakatulad na nauna. Ako ay ayon na Siya ay Panginoon ninyo at Panginoon ng mga langit at lupa, at kabilang sa mga tagasaksi. Ang mga diyus-diyusan ninyo ay walang bahagi roon."

﴿وَتَاللَّهِ لَأَكِيدَنَّ أَصْنَامَكُمْ بَعْدَ أَنْ تُوَلُّوا مُدْبِرِينَ﴾

Nagsabi si Abraham kung saan hindi siya naririnig ng mga kababayan niya: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapakana nga ako laban sa mga diyus-diyusan ninyo ng kasusuklaman ninyo matapos na umalis kayo sa mga ito papunta sa pagdiriwang ninyo."

﴿فَجَعَلَهُمْ جُذَاذًا إِلَّا كَبِيرًا لَهُمْ لَعَلَّهُمْ إِلَيْهِ يَرْجِعُونَ﴾

Kaya winasak ni Abraham ang mga diyus-diyusan nila hanggang sa ang mga ito ay maging mga maliit na piraso. Itinira niya ang malaki sa mga ito, sa pag-asang babalik sila rito upang magtanong dito tungkol sa kung sino ang nagwasak sa mga ito.

﴿قَالُوا مَنْ فَعَلَ هَٰذَا بِآلِهَتِنَا إِنَّهُ لَمِنَ الظَّالِمِينَ﴾

Kaya noong nakabalik sila at nakatagpo sila sa mga diyus-diyusan nila na winasak na, nagtanong ang iba sa kanila sa iba pa: "Sino ang nagwasak sa mga sinasamba natin? Tunay na ang sinumang nagwasak sa mga ito ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan yayamang hinamak niya ang karapat-dapat sa pagdakila at pagbabanal."

﴿قَالُوا سَمِعْنَا فَتًى يَذْكُرُهُمْ يُقَالُ لَهُ إِبْرَاهِيمُ﴾

Nagsabi ang iba sa kanila: "Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na tinatawag siyang Abraham."

﴿قَالُوا فَأْتُوا بِهِ عَلَىٰ أَعْيُنِ النَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَشْهَدُونَ﴾

Nagsabi ang mga pinuno nila: "Kaya magtanghal kayo kay Abraham sa masasaksihan at makikita ng mga tao nang sa gayon sila ay sasaksi sa pag-amin niya sa ginawa niya para ang pag-amin niya ay maging katwiran para sa inyo laban sa kanya."

﴿قَالُوا أَأَنْتَ فَعَلْتَ هَٰذَا بِآلِهَتِنَا يَا إِبْرَاهِيمُ﴾

Kaya nagtanghal sila kay Abraham - sumakanya ang pangangalaga - at nagtanong sila rito: "Ikaw ba ay gumawa ng gawaing nakaririmarim na ito sa mga anito namin, o Abraham?"

﴿قَالَ بَلْ فَعَلَهُ كَبِيرُهُمْ هَٰذَا فَاسْأَلُوهُمْ إِنْ كَانُوا يَنْطِقُونَ﴾

Nagsabi si Abraham habang nang-uuyam sa kanila na naglalantad sa kawalang-kakayahan ng mga anito nila sa pagtingin ng mga tao: "Hindi ko ginawa iyon, bagkus ginawa iyon ng malaki ng mga anito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay makapagsasalita."

﴿فَرَجَعُوا إِلَىٰ أَنْفُسِهِمْ فَقَالُوا إِنَّكُمْ أَنْتُمُ الظَّالِمُونَ﴾

Kaya nanumbalik sila sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pag-iisip-isip at pagninilay-nilay kaya luminaw para sa kanila na ang mga anito nila ay hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala kaya sila ay mga tagalabag sa katarungan nang sinamba nila ang mga iyon sa halip kay Allāh.

﴿ثُمَّ نُكِسُوا عَلَىٰ رُءُوسِهِمْ لَقَدْ عَلِمْتَ مَا هَٰؤُلَاءِ يَنْطِقُونَ﴾

Pagkatapos ay bumalik sila sa pagmamatigas at pagkakaila sapagkat nagsabi sila: "Talaga ngang natiyak mo, O Abraham, na ang mga anitong ito ay hindi nakabibigkas kaya papaano kang nag-uutos sa amin na magtanong kami sa mga ito?" Nagnais sila niyon bilang isang katwiran para sa kanila ngunit ito ay naging isang katwiran laban sa kanila.

﴿قَالَ أَفَتَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُكُمْ شَيْئًا وَلَا يَضُرُّكُمْ﴾

Nagsabi si Abraham habang nagmamasama sa kanila: "Kaya sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa mga anitong hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo? Ang mga ito ay walang-kakayahan sa pagtulak sa kapinsalaan palayo sa mga sarili ng mga ito o sa pagtamo sa kapakinabangan para sa mga ito.

﴿أُفٍّ لَكُمْ وَلِمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ أَفَلَا تَعْقِلُونَ﴾

Kapangitan ay ukol sa inyo at kapangitan ay ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod kay Allāh kabilang sa mga anitong ito na hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala! Kaya hindi ba kayo nakauunawa niyon at mag-iiwan sa pagsamba sa mga ito?"

﴿قَالُوا حَرِّقُوهُ وَانْصُرُوا آلِهَتَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ فَاعِلِينَ﴾

Kaya noong nawalan sila ng kakayahan sa pagharap sa kanya sa pamamagitan ng katwiran, gumamit sila ng lakas sapagkat nagsabi sila: "Sunugin ninyo si Abraham sa apoy bilang pag-aadya sa mga anito ninyo na iginuho niya at binasag niya, kung kayo ay mga gagawa sa kanya ng isang parusang pampigil."

﴿قُلْنَا يَا نَارُ كُونِي بَرْدًا وَسَلَامًا عَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ﴾

Kaya nagparikit sila ng apoy at itinapon nila siya roon kaya nagsabi Kami: "O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham." Kaya nangyari ang gayon at hindi siya dinapuan ng isang kapinsalaan.

﴿وَأَرَادُوا بِهِ كَيْدًا فَجَعَلْنَاهُمُ الْأَخْسَرِينَ﴾

Nagnais ang mga kababayan ni Abraham - sumakanya ang pangangalaga - sa kanya ng isang pakana sa pamamagitan ng pagsunog nila sa kanya ngunit nagpawalang-saysay Kami sa pakana nila at gumawa Kami sa kanila bilang ang mga napahamak na mga nagapi.

﴿وَنَجَّيْنَاهُ وَلُوطًا إِلَى الْأَرْضِ الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا لِلْعَالَمِينَ﴾

Sumagip Kami sa kanya at sumagip Kami kay Lot. Nagpalabas Kami sa kanilang dalawa patungo sa lupain ng Sirya na nagpala Kami roon dahil nagpadala Kami roon ng mga propeta at dahil nagkalat Kami rito para sa mga nilikha ng mga kabutihan.

﴿وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ نَافِلَةً ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا صَالِحِينَ﴾

Ipinagkaloob para sa kanya si Isaac nang dumalangin siya sa Panginoon niya na bigyan siya ng anak. Ipinagkaloob para sa kanya si Jacob bilang isang dagdag. Bawat isa kina Abraham, anak niyang si Isaac, at apo niyang si Jacob ay ginawang mga maayos na mga tumatalima kay Allāh.

﴿وَجَعَلْنَاهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا وَأَوْحَيْنَا إِلَيْهِمْ فِعْلَ الْخَيْرَاتِ وَإِقَامَ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءَ الزَّكَاةِ ۖ وَكَانُوا لَنَا عَابِدِينَ﴾

Gumawa Kami sa kanila bilang mga tagapanguna na pumapatnubay sa pamamagitan ng utos Namin. Nagkasi Kami sa kanila sa paggawa ng mga mabuti, pagpapanatili sa mga dasal, at pagbibigay ng zakāh. Laging sila sa Amin ay mga tagasamba.

﴿وَلُوطًا آتَيْنَاهُ حُكْمًا وَعِلْمًا وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ تَعْمَلُ الْخَبَائِثَ ۗ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمَ سَوْءٍ فَاسِقِينَ﴾

Kay Lot ay nagbigay Kami ng pagpapasya sa paghuhusga sa pagitan ng mga magkakatunggali. Nagbigay Kami sa kanya ng kaalaman sa nauukol sa relihiyon niya. Nagpaligtas Kami sa kanya mula sa pagdurusang ibinaba Namin sa pamayanan niya (ang Sodom), na ang mga mamamayan nito noon ay gumagawa ng mahalay. Tunay na sila ay laging mga tao ng kaguluhan, na mga lumalabas sa pagtalima sa Panginoon nila.

﴿وَأَدْخَلْنَاهُ فِي رَحْمَتِنَا ۖ إِنَّهُ مِنَ الصَّالِحِينَ﴾

Nagpapasok Kami sa kanya sa awa Namin noong nagligtas Kami sa kanya mula sa pagdurusa na dumapo sa mga kababayan niya. Tunay na siya ay kabilang sa mga maayos na sumusunod sa ipinag-uutos Namin at sumusunod sa sinasaway Namin.

﴿وَنُوحًا إِذْ نَادَىٰ مِنْ قَبْلُ فَاسْتَجَبْنَا لَهُ فَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, sa kasaysayan ni Noe, noong nanawagan siya kay Allāh noong wala pa sina Abraham at Lot. Tinugon siya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng hiniling niya. Nailigtas siya at nailigtas ang mag-anak niyang mga mananampalataya mula sa pighating sukdulan.

﴿وَنَصَرْنَاهُ مِنَ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمَ سَوْءٍ فَأَغْرَقْنَاهُمْ أَجْمَعِينَ﴾

Nagligtas Kami sa kanya mula sa panlalansi ng mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin sa pamamagitan ng inalalay Namin sa kanya na mga tanda na nagpapatunay sa katapatan niya. Tunay na sila noon ay mga tao ng kaguluhan at kasamaan kaya nagpahamak Kami sa kanila nang magkakasama sa pamamagitan ng paglunod.

﴿وَدَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ إِذْ يَحْكُمَانِ فِي الْحَرْثِ إِذْ نَفَشَتْ فِيهِ غَنَمُ الْقَوْمِ وَكُنَّا لِحُكْمِهِمْ شَاهِدِينَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, sa kasaysayan nina David at ng anak niyang si Solomon - sumakanila ang pangangalaga - noong humahatol silang dalawa sa kasong isinampa sa kanilang dalawa na may kinalaman sa magkaalitan na ang isa sa kanilang dalawa ay may mga tupang kumalat isang gabi sa taniman ng isa pa at sinira ng mga ito iyon. Laging Kami sa paghahatol nina David at Solomon ay tagasaksi; walang anumang nalingid sa Amin mula sa kahatulan nilang dalawa.

﴿فَفَهَّمْنَاهَا سُلَيْمَانَ ۚ وَكُلًّا آتَيْنَا حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَسَخَّرْنَا مَعَ دَاوُودَ الْجِبَالَ يُسَبِّحْنَ وَالطَّيْرَ ۚ وَكُنَّا فَاعِلِينَ﴾

Nagpaintindi Kami ng kaso kay Solomon bukod sa ama niyang si David. Sa kapwa kina David at Soloman ay nagbigay Kami ng pagkapropeta at kaalaman sa mga kahatulan at batas. Hindi Kami nagtangi rito kay Solomon lamang. Pinatalima Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati kasabay ng pagluwalhati niya, at pinatalima Namin para sa kanya ang mga ibon. Kami noon ay gumagawa ng pagpapaintinding iyon at ng pagbibigay ng paghahatol, kaalaman, at pagpapalingkod.

﴿وَعَلَّمْنَاهُ صَنْعَةَ لَبُوسٍ لَكُمْ لِتُحْصِنَكُمْ مِنْ بَأْسِكُمْ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ شَاكِرُونَ﴾

Nagturo Kami kay David bukod kay Solomon ng pagyari ng mga baluti para sa inyo upang mangalaga sa inyo laban sa pagkitil ng sandata sa mga katawan ninyo kaya kayo ba, O mga tao, ay mga tagapagpasalamat sa biyayang ito na ibiniyaya ni Allāh sa inyo?

﴿وَلِسُلَيْمَانَ الرِّيحَ عَاصِفَةً تَجْرِي بِأَمْرِهِ إِلَى الْأَرْضِ الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۚ وَكُنَّا بِكُلِّ شَيْءٍ عَالِمِينَ﴾

Ipinatalima Namin kay Solomon ang hangin habang matindi sa pag-ihip, na dumadaloy ayon sa utos niya patungo sa lupain ng Sirya na nagpala Kami roon dahil nagpadala Kami roon ng mga propeta at dahil sa pinalawak doon na mga kabutihan. Laging Kami sa bawat bagay ay nakaaalam: walang naikukubli sa Amin mula roon na anuman.

﴿وَمِنَ الشَّيَاطِينِ مَنْ يَغُوصُونَ لَهُ وَيَعْمَلُونَ عَمَلًا دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَكُنَّا لَهُمْ حَافِظِينَ﴾

Pinaglingkod Namin ang ilan sa mga demonyo na sumisisid para sa kanya sa mga dagat, na nangunguha ng mga biyaya ko at iba pa sa mga ito, at gumagawa ng iba pa roon na mga gawain gaya ng pagpapatayo ng gusali. Kami noon sa mga bilang nila at mga gawain nila ay tagapag-ingat: walang nakalulusot sa Amin na anuman mula roon.

﴿۞ وَأَيُّوبَ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ أَنِّي مَسَّنِيَ الضُّرُّ وَأَنْتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, ng kasaysayan ni Job - sumakanya ang pangangalaga - noong dumalangin siya sa Panginoon niya - kaluwalhatian sa Kanya - nang dinapuan siya ng pagsubok, habang nagsasabi: "O Panginoon ko, tunay na ako ay dinapuan ng karamdaman at pagkawala ng mag-anak, at Ikaw ay ang pinakamaawain ng mga naaawa sa kalahatan, kaya ibaling Mo palayo sa akin ang anumang dumapo sa akin kabilang doon."

﴿فَاسْتَجَبْنَا لَهُ فَكَشَفْنَا مَا بِهِ مِنْ ضُرٍّ ۖ وَآتَيْنَاهُ أَهْلَهُ وَمِثْلَهُمْ مَعَهُمْ رَحْمَةً مِنْ عِنْدِنَا وَذِكْرَىٰ لِلْعَابِدِينَ﴾

Kaya sumagot Kami sa panalangin niya at nagbaling Kami palayo sa kanya ng dumapo sa kanya na kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng nawala sa mag-anak niya at mga anak niya at nagbigay Kami sa kanya ng tulad nila kasama nila. Lahat ng iyon ay ginawa Namin bilang isang awa mula sa ganang Amin at bilang isang pagpapaalaala sa bawat nagpapaakay sa Amin sa pagsamba upang magtiis ito kung paanong nagtiis si Job.

﴿وَإِسْمَاعِيلَ وَإِدْرِيسَ وَذَا الْكِفْلِ ۖ كُلٌّ مِنَ الصَّابِرِينَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, kina Ismael, Enoc, at Dhulkifl - sumakanila ang pangangalaga. Bawat isa sa kanila ay kabilang sa mga tagapagtiis sa mga pagsubok at sa pagsasagawa ng iniatang sa kanila ni Allāh.

﴿وَأَدْخَلْنَاهُمْ فِي رَحْمَتِنَا ۖ إِنَّهُمْ مِنَ الصَّالِحِينَ﴾

Nagpapasok Kami sa kanila sa awa Namin sapagkat gumawa Kami sa kanila bilang mga propeta at nagpapasok Kami sa kanila sa Paraiso. Tunay na sila ay kabilang sa mga maayos na gumawa ng pagtalima sa Panginoon nila. Umayos ang mga panloob nila at ang mga panlabas nila.

﴿وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَىٰ فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ إِنِّي كُنْتُ مِنَ الظَّالِمِينَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, sa kasaysayan ng Kasama ng Isda na si Jonas - sumakanya ang pangangalaga - noong umalis siya nang walang kapahintulutan mula sa Panginoon niya habang nagagalit sa mga kababayan niya dahil sa paggigiit nila sa pagsuway. Nag-akala siya na hindi Kami makagigipit sa kanya sa pamamagitan ng pagparusa sa kanya sa pag-alis niya. Sinubok siya sa pamamagitan ng katindihan ng panggigipit at pagkulong nang nilunok siya ng isda. Dumalangin siya sa loob ng mga kadiliman ng tiyan ng isda, dagat, at gabi habang umaamin ng pagkakasala niya habang nagbabalik-loob kay Allāh mula roon. Nagsabi siya: "Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Iyo; nagpawalang-kaugnayan Ka sa kapintasan at nagpakabanal Ka. Tunay na ako noon ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

﴿فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْغَمِّ ۚ وَكَذَٰلِكَ نُنْجِي الْمُؤْمِنِينَ﴾

Kaya sumagot Kami sa panalangin niya at nagpaligtas Kami sa kanya mula sa dalamhati ng katindihan sa pamamagitan ng pagpapalabas sa kanya mula sa mga kadiliman at mula sa tiyan ng isda. Tulad ng pagpapaligtas kay Jonas mula sa dalamhati niyang ito, nagliligtas Kami sa mga mananampalataya kapag nasadlak sila sa dalamhati at dumalangin.

﴿وَزَكَرِيَّا إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ رَبِّ لَا تَذَرْنِي فَرْدًا وَأَنْتَ خَيْرُ الْوَارِثِينَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, sa kasaysayan ni Zacarias - sumakanya ang pangangalaga - noong dumalangin ito sa Panginoon nito - kaluwalhatian sa Kanya - na nagsasabi: "Panginoon ko, huwag Mo akong iwang namumukod na walang anak sa akin. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga mananatili kaya magkaloob Ka sa akin ng anak na mananatili matapos ko."

﴿فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَوَهَبْنَا لَهُ يَحْيَىٰ وَأَصْلَحْنَا لَهُ زَوْجَهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا يُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَيَدْعُونَنَا رَغَبًا وَرَهَبًا ۖ وَكَانُوا لَنَا خَاشِعِينَ﴾

Kaya sumagot Kami sa kanya. Ibinigay Namin sa kanya si Juan bilang anak at pinagaling Namin para sa kanya ang maybahay niya kaya ito ay naging nanganganak matapos na hindi dati nanganganak. Tunay na sina Zacarias, ang maybahay niya, at ang anak niya ay nagmamadali noon sa paggawa ng mga kabutihan, dumadalangin sa Amin noon habang nagmimithi sa taglay Naming gantimpala at nangangamba sa taglay Naming parusa, at laging sila sa Amin ay mga tagapagsumamo.

﴿وَالَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهَا مِنْ رُوحِنَا وَجَعَلْنَاهَا وَابْنَهَا آيَةً لِلْعَالَمِينَ﴾

Bumanggit ka, O Sugo, sa kasaysayan ni Maria - sumakanya ang pangangalaga - na nangalaga sa kalinisang-puri niya laban sa pangangalunya kaya nagsugo si Allāh sa kanya kay Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - na umihip sa kanya kaya ipinagbuntis niya si Hesus - sumakanya ang pangangalaga. Si Maria at ang anak niyang si Hesus ay tanda para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh, at na Siya ay hindi napawawalang-kakayahan ng anuman yayamang nilikha Niya si Hesus nang walang ama.

﴿إِنَّ هَٰذِهِ أُمَّتُكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَأَنَا رَبُّكُمْ فَاعْبُدُونِ﴾

Tunay na itong kapaniwalaan ninyo, O mga tao, ay kapaniwalaang nag-iisa, ang Tawḥīd na siyang Relihiyong Islām, at Ako ay Panginoon ninyo kaya magpakawagas kayo sa pag-uukol ng pagsamba sa Akin - tanging sa Akin.

﴿وَتَقَطَّعُوا أَمْرَهُمْ بَيْنَهُمْ ۖ كُلٌّ إِلَيْنَا رَاجِعُونَ﴾

Nagkaiba-iba ang mga tao sapagkat kabilang sa kanila ang tagapaniwala sa kaisahan ni Allāh at ang tagapagtambal sa Kanya, at ang tagatangging sumampalataya at ang mananampalataya. Ang lahat ng mga nagkakaiba-ibang ito ay sa Amin - tanging sa Amin - mga babalik sa Araw ng Pagbangon at gaganti Kami sa kanila sa mga gawa nila.

﴿فَمَنْ يَعْمَلْ مِنَ الصَّالِحَاتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا كُفْرَانَ لِسَعْيِهِ وَإِنَّا لَهُ كَاتِبُونَ﴾

Kaya ang sinumang gumawa kabilang sa kanila ng mga gawang maayos habang siya ay mananampalataya kay Allāh, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw, walang pagkakaila para sa gawa niyang maayos, bagkus kikilala si Allāh para sa taong ito sa gantimpala niya at pag-iibayuhin ni Allāh ito para sa kanya. Makatatagpo nito ang tao sa talaan ng gawa niya sa Araw na bubuhayin siya kaya matutuwa siya rito.

﴿وَحَرَامٌ عَلَىٰ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا أَنَّهُمْ لَا يَرْجِعُونَ﴾

May imposible sa mga naninirahan sa isang pamayanan na ipinahamak Namin dahilan sa kawalang-pananampalataya nito, na bumalik sila sa Mundo upang magbalik-loob at tanggapin ang pagbabalik-loob nila.

﴿حَتَّىٰ إِذَا فُتِحَتْ يَأْجُوجُ وَمَأْجُوجُ وَهُمْ مِنْ كُلِّ حَدَبٍ يَنْسِلُونَ﴾

Hindi sila babalik kailanman hanggang sa kapag binuksan ang saplad ng Gog at Magog habang sila sa araw na iyon mula sa bawat mataas na bahagi ng lupa ay maglalabasan na mga nagmamadali.

﴿وَاقْتَرَبَ الْوَعْدُ الْحَقُّ فَإِذَا هِيَ شَاخِصَةٌ أَبْصَارُ الَّذِينَ كَفَرُوا يَا وَيْلَنَا قَدْ كُنَّا فِي غَفْلَةٍ مِنْ هَٰذَا بَلْ كُنَّا ظَالِمِينَ﴾

Nalapit ang pangakong totoo dahil sa paglabas nila at lumitaw ang mga hilakbot doon at ang mga matinding pangyayari roon kaya biglang ang mga paningin ng mga tagatangging sumampalataya ay nakabukas dahil sa tindi ng pangingilabot doon, na nagsasabi: "O kapahamakan sa amin! Kami nga noon sa Mundo ay nasa isang pagkalibang at pagkaabala para sa paghahanda sa sukdulang araw na ito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway."

﴿إِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ حَصَبُ جَهَنَّمَ أَنْتُمْ لَهَا وَارِدُونَ﴾

Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, at ang sinasamba ninyo bukod kay Allāh na mga anito at mga nalulugod sa pagsamba ninyo kabilang sa tao at jinn ay mga panggatong ng Impiyerno, na kayo at ang mga sinasamba ninyo ay doon mga papasok.

﴿لَوْ كَانَ هَٰؤُلَاءِ آلِهَةً مَا وَرَدُوهَا ۖ وَكُلٌّ فِيهَا خَالِدُونَ﴾

Kung sakaling nangyaring ang mga sinasambang ito ay mga diyos na sinasamba ayon sa karapatan, hindi sana sila pumasok sa Apoy kasama ng mga sumamba sa kanila. Lahat ng tagasamba at sinamba ay sa Apoy mga mamamalagi magpakailanman: hindi sila makalalabas mula roon.

﴿لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَهُمْ فِيهَا لَا يَسْمَعُونَ﴾

Ukol sa kanila roon, dahil sa tindi ng dinaranas nilang mga sakit, ay paghingang matindi. Sila sa Apoy ay hindi nakaririnig ng mga tunog dahil sa tindi ng hilakbot na nakasisindak na dumapo sa kanila.

﴿إِنَّ الَّذِينَ سَبَقَتْ لَهُمْ مِنَّا الْحُسْنَىٰ أُولَٰئِكَ عَنْهَا مُبْعَدُونَ﴾

Noong nagsabi ang mga tagapagtambal: "Tunay na si Hesus at ang mga anghel na sinamba ay papasok sa Impiyerno, nagsabi naman si Allāh: "Tunay na ang mga nauna sa kaalaman ni Allāh na sila ay kabilang sa mga alagad ng kaligayahan tulad ni Hesus - sumakanya ang pangangalaga - ay mga ilalayo sa Apoy."

﴿لَا يَسْمَعُونَ حَسِيسَهَا ۖ وَهُمْ فِي مَا اشْتَهَتْ أَنْفُسُهُمْ خَالِدُونَ﴾

Hindi aabot sa pandinig nila ang tunog ng Impiyerno samantalang sila sa ninanasa ng mga sarili nila na ginhawa at mga sarap ay mga mananatili: hindi mapuputol ang ginhawa nila magpakailanman.

﴿لَا يَحْزُنُهُمُ الْفَزَعُ الْأَكْبَرُ وَتَتَلَقَّاهُمُ الْمَلَائِكَةُ هَٰذَا يَوْمُكُمُ الَّذِي كُنْتُمْ تُوعَدُونَ﴾

Hindi magpapangamba sa kanila ang pangingilabot na sukdulan kapag itinaklob ang Apoy sa mga maninirahan doon at haharap sa kanila ang mga anghel nang may pagbati habang mga nagsasabi: "Ito ay ang Araw ninyo na noon ay ipinangangako sa inyo sa Mundo at binabalitaan kayo ng makatatagpo ninyo sa araw na iyon na ginhawa.

﴿يَوْمَ نَطْوِي السَّمَاءَ كَطَيِّ السِّجِلِّ لِلْكُتُبِ ۚ كَمَا بَدَأْنَا أَوَّلَ خَلْقٍ نُعِيدُهُ ۚ وَعْدًا عَلَيْنَا ۚ إِنَّا كُنَّا فَاعِلِينَ﴾

sa Araw na magbabalumbon Kami sa langit tulad ng pagbabalumbon ng kalatas sa nilalaman nito at magtitipon Kami sa nilikha ayon sa anyo nila na nilikha sila ayon doon sa unang pagkakataon. Nangako Kami niyon ayon sa isang pangakong walang pagsira. Tunay na Kami ay laging tutupad sa anumang ipinangangako Namin.

﴿وَلَقَدْ كَتَبْنَا فِي الزَّبُورِ مِنْ بَعْدِ الذِّكْرِ أَنَّ الْأَرْضَ يَرِثُهَا عِبَادِيَ الصَّالِحُونَ﴾

Talaga ngang nagsulat si Allāh sa mga kasulatang ibinaba Namin sa mga sugo matapos na naisulat Namin sa Tablerong Pinag-iingatan, na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod ni Allāh na maaayos na nagsasagawa ng pagtalima sa Kanya. Sila ay ang Kalipunan ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.

﴿إِنَّ فِي هَٰذَا لَبَلَاغًا لِقَوْمٍ عَابِدِينَ﴾

Tunay na sa ibinaba Naming pangaral ay talagang may ipinaaabot para sa mga taong sumasamba sa Panginoon nila sa pamamagitan ng isinabatas para sa kanila sapagkat sila ay ang mga nakikinabang dito.

﴿وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِلْعَالَمِينَ﴾

Hindi Kami nagpadala sa iyo, O Muḥammad, bilang isang sugo kundi bilang isang awa sa lahat ng mga nilalalang dahil sa pagtataglay mong katangian ng sigasig sa pagpapatnubay sa mga tao at pagsagip sa kanila mula sa parusa ni Allāh.

﴿قُلْ إِنَّمَا يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ مُسْلِمُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Ikinasi lamang sa akin mula sa Panginoon ko na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisa, walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Kaya magpaakay kayo sa pagsampalataya sa Kanya at paggawa ayon sa pagtalima sa Kanya."

﴿فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُلْ آذَنْتُكُمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۖ وَإِنْ أَدْرِي أَقَرِيبٌ أَمْ بَعِيدٌ مَا تُوعَدُونَ﴾

Ngunit kung aayaw ang mga ito sa inihatid mo sa kanila, sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Ipinaalam ko sa inyo na ako at kayo ay nasa isang lagay na magkapantay sa pagitan ko at ninyo sa pagkakahiwalay. Hindi ako nakaaalam kung kailan bababa sa inyo ang ipinangako ni Allāh na pagdurusang dulot Niya.

﴿إِنَّهُ يَعْلَمُ الْجَهْرَ مِنَ الْقَوْلِ وَيَعْلَمُ مَا تَكْتُمُونَ﴾

Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ipinahayag ninyo na pananalita at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo mula roon: walang naikukubli sa Kanya na anuman doon. Gaganti Siya sa inyo dahil doon.

﴿وَإِنْ أَدْرِي لَعَلَّهُ فِتْنَةٌ لَكُمْ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ﴾

Hindi ako nakaaalam; marahil ang pagpapalugit sa inyo sa pagdurusa ay isang pagsubok para sa inyo, isang pagpapain, at isang pagpapatamasa sa inyo hanggang sa isang panahong itinakda sa kaalaman ni Allāh upang magpumilit kayo sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo."

﴿قَالَ رَبِّ احْكُمْ بِالْحَقِّ ۗ وَرَبُّنَا الرَّحْمَٰنُ الْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ﴾

Nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, magpasya Ka sa pagitan namin at ng mga kababayan namin na nagpumilit sa kawalang-pananampalataya sa paghuhusgang totoo. Sa Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay nagpapatulong kami laban sa anumang sinasabi ninyo na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling."

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: