إبراهيم

تفسير سورة إبراهيم

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ الر ۚ كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ إِلَيْكَ لِتُخْرِجَ النَّاسَ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ بِإِذْنِ رَبِّهِمْ إِلَىٰ صِرَاطِ الْعَزِيزِ الْحَمِيدِ﴾

Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na ibinaba Namin sa iyo upang ilabas mo ang mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri:

﴿اللَّهِ الَّذِي لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَوَيْلٌ لِلْكَافِرِينَ مِنْ عَذَابٍ شَدِيدٍ﴾

Si Allāh, na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kasawian ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya mula sa isang pagdurusang matindi,

﴿الَّذِينَ يَسْتَحِبُّونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا عَلَى الْآخِرَةِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ أُولَٰئِكَ فِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ﴾

Yaong pinakaiibig ang buhay sa Mundo higit sa Kabilang-buhay, sumasagabal sa landas ni Allāh, at naghahangad dito na maging baluktot. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo.

﴿وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ رَسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوْمِهِ لِيُبَيِّنَ لَهُمْ ۖ فَيُضِلُّ اللَّهُ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ﴾

Hindi Kami nagsugo ng isang sugo malibang ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

﴿وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا أَنْ أَخْرِجْ قَوْمَكَ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ وَذَكِّرْهُمْ بِأَيَّامِ اللَّهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ﴾

Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin, [na nagsasabi:] "Magpalabas ka sa mga tao mo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag at magpaalaala ka sa kanila hinggil sa mga araw ni Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.

﴿وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ أَنْجَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ﴾

[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong iniligtas Niya kayo mula sa angkan ni Paraon; pinalalasap nila kayo ng napakasagwang pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at hinahayaan nilang mabuhay ang mga kababaihan ninyo. Sa gayon iyon ay may isang pagsubok mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.

﴿وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكُمْ لَئِنْ شَكَرْتُمْ لَأَزِيدَنَّكُمْ ۖ وَلَئِنْ كَفَرْتُمْ إِنَّ عَذَابِي لَشَدِيدٌ﴾

[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: "Talagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang parusa Ko ay talagang matindi."

﴿وَقَالَ مُوسَىٰ إِنْ تَكْفُرُوا أَنْتُمْ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا فَإِنَّ اللَّهَ لَغَنِيٌّ حَمِيدٌ﴾

Nagsabi si Moises: "Kung tatanggi kayong sumampalataya, kayo at ang sinumang nasa lupa sa kalahatan, tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan, Kapuri-puri."

﴿أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَأُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ ۛ وَالَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ ۛ لَا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا اللَّهُ ۚ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَرَدُّوا أَيْدِيَهُمْ فِي أَفْوَاهِهِمْ وَقَالُوا إِنَّا كَفَرْنَا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ وَإِنَّا لَفِي شَكٍّ مِمَّا تَدْعُونَنَا إِلَيْهِ مُرِيبٍ﴾

Hindi ba dumating sa inyo ang balita mula sa mga nauna sa inyo, na mga tao ni Noe, ng `Ād at Thamūd, at mga mula sa [tao] pagtapos nila. Walang nakaaalam sa kanila kundi si Allāh.
Dumating sa kanila ang mga sugo nila dala ang mga malinaw na patunay, ngunit itinulak nila ang mga kamay nila sa mga bibig nila at nagsabi sila: "Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududa sa inaanyaya ninyo sa amin, na nag-aalinlangan."

﴿۞ قَالَتْ رُسُلُهُمْ أَفِي اللَّهِ شَكٌّ فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يَدْعُوكُمْ لِيَغْفِرَ لَكُمْ مِنْ ذُنُوبِكُمْ وَيُؤَخِّرَكُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۚ قَالُوا إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُنَا تُرِيدُونَ أَنْ تَصُدُّونَا عَمَّا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا فَأْتُونَا بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ﴾

Nagsabi ang mga sugo nila: "Kay Allāh ba ay may pagdududa, ang Lumalang ng mga langit at lupa? Nag-aanyaya Siya sa inyo upang magpatawad sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at mag-antala sa inyo hanggang sa taning na itinakda." Nagsabi sila: "Kayo ay hindi iba kundi mga taong tulad namin. Nagnanais kayo na bumalakid sa amin sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng katunayang malinaw."

﴿قَالَتْ لَهُمْ رُسُلُهُمْ إِنْ نَحْنُ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَمَا كَانَ لَنَا أَنْ نَأْتِيَكُمْ بِسُلْطَانٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ﴾

Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila: "Kami ay hindi iba kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagpapaunlak sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

﴿وَمَا لَنَا أَلَّا نَتَوَكَّلَ عَلَى اللَّهِ وَقَدْ هَدَانَا سُبُلَنَا ۚ وَلَنَصْبِرَنَّ عَلَىٰ مَا آذَيْتُمُونَا ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُتَوَكِّلُونَ﴾

Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay Allāh gayong nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay Allāh ay manalig ang mga nananalig."

﴿وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِرُسُلِهِمْ لَنُخْرِجَنَّكُمْ مِنْ أَرْضِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۖ فَأَوْحَىٰ إِلَيْهِمْ رَبُّهُمْ لَنُهْلِكَنَّ الظَّالِمِينَ﴾

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: "Talagang palalayasin nga namin kayo mula sa lupain namin, o talagang kayo ay babalik sa kapaniwalaan namin." Kaya nagsiwalat sa kanila ang Panginoon nila: "Talagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan,

﴿وَلَنُسْكِنَنَّكُمُ الْأَرْضَ مِنْ بَعْدِهِمْ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَافَ مَقَامِي وَخَافَ وَعِيدِ﴾

at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa kalagayan Ko at nangamba sa banta Ko."

﴿وَاسْتَفْتَحُوا وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٍ﴾

Humiling sila ng pagwawagi, at nabigo ang bawat mapaniil na mapagmatigas.

﴿مِنْ وَرَائِهِ جَهَنَّمُ وَيُسْقَىٰ مِنْ مَاءٍ صَدِيدٍ﴾

Mula sa harap niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na nana.

﴿يَتَجَرَّعُهُ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُ وَيَأْتِيهِ الْمَوْتُ مِنْ كُلِّ مَكَانٍ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٍ ۖ وَمِنْ وَرَائِهِ عَذَابٌ غَلِيظٌ﴾

Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay isang pagdurusang mabagsik.

﴿مَثَلُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ ۖ أَعْمَالُهُمْ كَرَمَادٍ اشْتَدَّتْ بِهِ الرِّيحُ فِي يَوْمٍ عَاصِفٍ ۖ لَا يَقْدِرُونَ مِمَّا كَسَبُوا عَلَىٰ شَيْءٍ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الضَّلَالُ الْبَعِيدُ﴾

Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila; ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya ng anuman laban sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.

﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۚ إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَأْتِ بِخَلْقٍ جَدِيدٍ﴾

Hindi mo ba nakita na si Allāh ay lumikha sa mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay maaalis Niya kayo at makagagawa Siya ng bagong nilikha.

﴿وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ بِعَزِيزٍ﴾

At hindi iyon kay Allāh mahirap.

﴿وَبَرَزُوا لِلَّهِ جَمِيعًا فَقَالَ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنْتُمْ مُغْنُونَ عَنَّا مِنْ عَذَابِ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ قَالُوا لَوْ هَدَانَا اللَّهُ لَهَدَيْنَاكُمْ ۖ سَوَاءٌ عَلَيْنَا أَجَزِعْنَا أَمْ صَبَرْنَا مَا لَنَا مِنْ مَحِيصٍ﴾

Lalantad sila kay Allāh nang sama-sama at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: "Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo ba ay makagagawa para sa amin ng anuman laban sa pagdurusa mula kay Allāh?" Magsasabi ang mga iyon: "Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung nanghinawa tayo o nagtiis tayo: walang ukol sa ating anumang matatakasan."

﴿وَقَالَ الشَّيْطَانُ لَمَّا قُضِيَ الْأَمْرُ إِنَّ اللَّهَ وَعَدَكُمْ وَعْدَ الْحَقِّ وَوَعَدْتُكُمْ فَأَخْلَفْتُكُمْ ۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيْكُمْ مِنْ سُلْطَانٍ إِلَّا أَنْ دَعَوْتُكُمْ فَاسْتَجَبْتُمْ لِي ۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوا أَنْفُسَكُمْ ۖ مَا أَنَا بِمُصْرِخِكُمْ وَمَا أَنْتُمْ بِمُصْرِخِيَّ ۖ إِنِّي كَفَرْتُ بِمَا أَشْرَكْتُمُونِ مِنْ قَبْلُ ۗ إِنَّ الظَّالِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

Magsasabi ang demonyo kapag natapos ang pasya: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi nangyaring mayroon ako sa inyong anumang kapamahalaan malibang nag-aanyaya ako sa inyo at tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag ninyo akong sisihin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasaklolo sa inyo at hindi kayo makasasaklolo sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay Allāh] noon." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

﴿وَأُدْخِلَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِمْ ۖ تَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَامٌ﴾

Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga mabuti sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan.

﴿أَلَمْ تَرَ كَيْفَ ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا كَلِمَةً طَيِّبَةً كَشَجَرَةٍ طَيِّبَةٍ أَصْلُهَا ثَابِتٌ وَفَرْعُهَا فِي السَّمَاءِ﴾

Hindi mo ba nakita kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang pangungusap na kaaya-aya sa gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit?

﴿تُؤْتِي أُكُلَهَا كُلَّ حِينٍ بِإِذْنِ رَبِّهَا ۗ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ﴾

Nagbibigay ito ng bunga nito sa bawat sandali ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

﴿وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٍ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ اجْتُثَّتْ مِنْ فَوْقِ الْأَرْضِ مَا لَهَا مِنْ قَرَارٍ﴾

Ang paghahalintulad sa isang pangungusap na karima-rimarim ay gaya ng isang punong-kahoy na karima-rimarin na binunot mula sa ibabaw ng lupa, na walang anumang katatagan.

﴿يُثَبِّتُ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۖ وَيُضِلُّ اللَّهُ الظَّالِمِينَ ۚ وَيَفْعَلُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ﴾

Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag na salita sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagpapaligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.

﴿۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ بَدَّلُوا نِعْمَتَ اللَّهِ كُفْرًا وَأَحَلُّوا قَوْمَهُمْ دَارَ الْبَوَارِ﴾

Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagbulid sa mga tao nila sa tahanan ng kasawian?

﴿جَهَنَّمَ يَصْلَوْنَهَا ۖ وَبِئْسَ الْقَرَارُ﴾

Impiyerno ay papasukin nila. Kaaba-aba ang pamamalagi!

﴿وَجَعَلُوا لِلَّهِ أَنْدَادًا لِيُضِلُّوا عَنْ سَبِيلِهِ ۗ قُلْ تَمَتَّعُوا فَإِنَّ مَصِيرَكُمْ إِلَى النَّارِ﴾

Gumawa sila para kay Allāh ng mga kaagaw upang magpaligaw sila palayo sa landas Niya. Sabihin mo: "Magtamasa kayo sapagkat tunay na ang kahahantungan ninyo ay sa Apoy."

﴿قُلْ لِعِبَادِيَ الَّذِينَ آمَنُوا يُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُنْفِقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خِلَالٌ﴾

Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila sa pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at hayagan bago darating ang isang araw na walang bilihan roon at walang pakikipagkaibigan.

﴿اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْفُلْكَ لِتَجْرِيَ فِي الْبَحْرِ بِأَمْرِهِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْأَنْهَارَ﴾

Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at nagbaba mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan niyon ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinaglingkod Niya para sa inyo ang mga daong upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinaglingkod Niya para sa inyo ang mga ilog.

﴿وَسَخَّرَ لَكُمُ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ دَائِبَيْنِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ﴾

Pinaglingkod Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinaglingkod Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon.

﴿وَآتَاكُمْ مِنْ كُلِّ مَا سَأَلْتُمُوهُ ۚ وَإِنْ تَعُدُّوا نِعْمَتَ اللَّهِ لَا تُحْصُوهَا ۗ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَظَلُومٌ كَفَّارٌ﴾

Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya.

﴿وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ اجْعَلْ هَٰذَا الْبَلَدَ آمِنًا وَاجْنُبْنِي وَبَنِيَّ أَنْ نَعْبُدَ الْأَصْنَامَ﴾

[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: "Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga rebulto.

﴿رَبِّ إِنَّهُنَّ أَضْلَلْنَ كَثِيرًا مِنَ النَّاسِ ۖ فَمَنْ تَبِعَنِي فَإِنَّهُ مِنِّي ۖ وَمَنْ عَصَانِي فَإِنَّكَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay nagpaligaw sa marami sa mga tao. Kaya ang sinumang sumunod sa akin, tunay na siya ay kabilang sa akin; at ang sinumang sumuway sa akin, tunay na Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain.

﴿رَبَّنَا إِنِّي أَسْكَنْتُ مِنْ ذُرِّيَّتِي بِوَادٍ غَيْرِ ذِي زَرْعٍ عِنْدَ بَيْتِكَ الْمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُوا الصَّلَاةَ فَاجْعَلْ أَفْئِدَةً مِنَ النَّاسِ تَهْوِي إِلَيْهِمْ وَارْزُقْهُمْ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَشْكُرُونَ﴾

Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko sa isang lambak na walang pananim, sa tabi ng Bahay Mong Binanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat.

﴿رَبَّنَا إِنَّكَ تَعْلَمُ مَا نُخْفِي وَمَا نُعْلِنُ ۗ وَمَا يَخْفَىٰ عَلَى اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ﴾

Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa anumang ikinukubli namin at anumang inihahayag namin. Walang naikukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit.

﴿الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي وَهَبَ لِي عَلَى الْكِبَرِ إِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ ۚ إِنَّ رَبِّي لَسَمِيعُ الدُّعَاءِ﴾

Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagkaloob sa akin sa katandaan kina Ismael at Isaac. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Madinigin sa panalangin.

﴿رَبِّ اجْعَلْنِي مُقِيمَ الصَّلَاةِ وَمِنْ ذُرِّيَّتِي ۚ رَبَّنَا وَتَقَبَّلْ دُعَاءِ﴾

Panginoon ko, gawin Mo ako na tagapagpanatili ng pagdarasal at ang kabilang sa mga supling ko, Panginoon Namin, at tanggapin Mo ang panalangin ko.

﴿رَبَّنَا اغْفِرْ لِي وَلِوَالِدَيَّ وَلِلْمُؤْمِنِينَ يَوْمَ يَقُومُ الْحِسَابُ﴾

Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na sasapit ang pagtutuos."

﴿وَلَا تَحْسَبَنَّ اللَّهَ غَافِلًا عَمَّا يَعْمَلُ الظَّالِمُونَ ۚ إِنَّمَا يُؤَخِّرُهُمْ لِيَوْمٍ تَشْخَصُ فِيهِ الْأَبْصَارُ﴾

Huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nagpapaliban lamang Siya sa kanila sa araw na mandidilat doon ang mga paningin.

﴿مُهْطِعِينَ مُقْنِعِي رُءُوسِهِمْ لَا يَرْتَدُّ إِلَيْهِمْ طَرْفُهُمْ ۖ وَأَفْئِدَتُهُمْ هَوَاءٌ﴾

Mga kumakaripas na mga nagtitingala ng mga ulo nila, hindi nanunumbalik sa kanila ang sulyap nila habang ang mga puso nila ay hungkag.

﴿وَأَنْذِرِ النَّاسَ يَوْمَ يَأْتِيهِمُ الْعَذَابُ فَيَقُولُ الَّذِينَ ظَلَمُوا رَبَّنَا أَخِّرْنَا إِلَىٰ أَجَلٍ قَرِيبٍ نُجِبْ دَعْوَتَكَ وَنَتَّبِعِ الرُّسُلَ ۗ أَوَلَمْ تَكُونُوا أَقْسَمْتُمْ مِنْ قَبْلُ مَا لَكُمْ مِنْ زَوَالٍ﴾

Magbabala ka sa mga tao ng araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa at magsasabi ang mga lumabag sa katarungan: "Panginoon namin, magpaliban Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo." [Sasabihin:] "Hindi ba kayo sumumpa noon pa man na wala kayong anumang kawakasan?

﴿وَسَكَنْتُمْ فِي مَسَاكِنِ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ وَتَبَيَّنَ لَكُمْ كَيْفَ فَعَلْنَا بِهِمْ وَضَرَبْنَا لَكُمُ الْأَمْثَالَ﴾

Tumahan kayo sa mga tahanan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila. Luminaw sa inyo kung papaano ang ginawa Namin sa kanila. Naglahad Kami para sa inyo ng mga paghahalintulad."

﴿وَقَدْ مَكَرُوا مَكْرَهُمْ وَعِنْدَ اللَّهِ مَكْرُهُمْ وَإِنْ كَانَ مَكْرُهُمْ لِتَزُولَ مِنْهُ الْجِبَالُ﴾

Nanlansi nga sila ng panlalansi nila, ngunit nasa kay Allāh ang panlalansi nila kahit pa ang panlalansi nila ay upang maalis dahil dito ang mga bundok.

﴿فَلَا تَحْسَبَنَّ اللَّهَ مُخْلِفَ وَعْدِهِ رُسُلَهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ ذُو انْتِقَامٍ﴾

Kaya huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay sisira sa pangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.

﴿يَوْمَ تُبَدَّلُ الْأَرْضُ غَيْرَ الْأَرْضِ وَالسَّمَاوَاتُ ۖ وَبَرَزُوا لِلَّهِ الْوَاحِدِ الْقَهَّارِ﴾

Sa Araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at ang mga langit, at lalantad sila kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palagapi.

﴿وَتَرَى الْمُجْرِمِينَ يَوْمَئِذٍ مُقَرَّنِينَ فِي الْأَصْفَادِ﴾

Makikita mo ang mga salarin sa Araw na iyon na mga magkagapos sa pamamagitan ng mga posas,

﴿سَرَابِيلُهُمْ مِنْ قَطِرَانٍ وَتَغْشَىٰ وُجُوهَهُمُ النَّارُ﴾

na ang mga damit nila ay yari sa alkitran at natatakpan ang mga mukha nila ng apoy,

﴿لِيَجْزِيَ اللَّهُ كُلَّ نَفْسٍ مَا كَسَبَتْ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ﴾

upang gumanti si Allāh sa bawat kaluluwa sa nakamit nito. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.

﴿هَٰذَا بَلَاغٌ لِلنَّاسِ وَلِيُنْذَرُوا بِهِ وَلِيَعْلَمُوا أَنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ وَلِيَذَّكَّرَ أُولُو الْأَلْبَابِ﴾

Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao, at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang malaman nila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang makapag-alaala ang mga may mga pang-unawa.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: