الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ المر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ ۗ وَالَّذِي أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ الْحَقُّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ﴾
Alif. Lām. Rā'. Nauna ang pagtalakay sa mga katapat ng mga ito sa simula ng Kabanatang Baqarah.
Ang mga talatang mataas na ito sa kabanatang ito at ang Qur'ān na ibinaba ni Allāh sa iyo, O Sugo, ay ang totoo na walang mapag-aatubilian hinggil dito at walang duda na ito ay mula sa ganang kay Allāh, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya rito dala ng pagmamatigas at pagmamalaki.
﴿اللَّهُ الَّذِي رَفَعَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُسَمًّى ۚ يُدَبِّرُ الْأَمْرَ يُفَصِّلُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ بِلِقَاءِ رَبِّكُمْ تُوقِنُونَ﴾
Si Allāh ay ang lumikha sa mga langit nang mga nakaangat na walang mga pantukod na nasasaksihan ninyo. Pagkatapos ay pumaitaas Siya at umangat sa Trono ayon sa kataasang nababagay sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - nang walang takyīf (paglalarawan sa kahulugan) at walang tamthīl (pagtutulad sa kahulugan). Isinailalim Niya ang araw at ang buwan sa mga kapakinabangan ng nilikha Niya. Bawat isa sa araw at buwan ay umiinog sa yugtong itinakda sa kaalaman ni Allāh. Nagsasagawa Siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ng pasya sa mga langit at lupa ayon sa niloloob Niya. Naglilinaw Siya sa mga tandang nagpapatunay sa kakayahan Niya, sa pag-asang makatiyak kayo sa pakikipagtagpo sa Panginoon ninyo sa Araw ng Pagbangon para maghanda kayo para roon ng gawang mabuti.
﴿وَهُوَ الَّذِي مَدَّ الْأَرْضَ وَجَعَلَ فِيهَا رَوَاسِيَ وَأَنْهَارًا ۖ وَمِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ جَعَلَ فِيهَا زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ ۖ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ﴾
Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang nagladlad sa lupa at lumikha rito ng mga bundok na matatag upang hindi bumulabog sa mga tao. Mula sa lahat ng mga uri ng mga bunga ay gumawa Siya sa mga ito ng dalawang kaurian gaya ng lalaki at babae sa hayop. Nagtatakip Siya ng gabi sa maghapon kaya ito ay nagiging madilim matapos na ito dati ay nagliliwanag. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patunay at mga patotoo para sa mga taong nag-iisip-isip sa pagyari ni Allāh at nagmumuni-muni rito sapagkat sila ay nakikinabang sa mga patunay at mga patotoong iyon.
﴿وَفِي الْأَرْضِ قِطَعٌ مُتَجَاوِرَاتٌ وَجَنَّاتٌ مِنْ أَعْنَابٍ وَزَرْعٌ وَنَخِيلٌ صِنْوَانٌ وَغَيْرُ صِنْوَانٍ يُسْقَىٰ بِمَاءٍ وَاحِدٍ وَنُفَضِّلُ بَعْضَهَا عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الْأُكُلِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ﴾
Sa lupa ay may mga bahagi na nagkakalapitan. Dito ay may mga pataniman ng mga ubas, dito ay may pananim, at mga punong datiles na nagkakatipon sa iisang pinag-ugatan at mga punong datiles na nagkakabukod sa pinag-ugatan ng mga ito. Dinidilig ang mga patanimang ito at ang mga pananim na iyon ng nag-iisang tubig. Nagtatangi Kami sa iba sa mga ito kaysa sa iba pa sa lasa at sa iba pa ritong mga pakinabang sa kabila ng pagkakatabihan ng mga ito at pagdidilig sa mga ito ng nag-iisang tubig. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patunay at mga patotoo para sa mga taong nag-uunawa dahil sila ay nagsasaalang-alang doon.
﴿۞ وَإِنْ تَعْجَبْ فَعَجَبٌ قَوْلُهُمْ أَإِذَا كُنَّا تُرَابًا أَإِنَّا لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ ۗ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ الْأَغْلَالُ فِي أَعْنَاقِهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾
Kung magtataka-taka ka, O Sugo, sa bagay, ang higit na karapat-dapat na pagtataka-takahan mo ay ang pagpapasinungaling nila sa pagkabuhay at ang sabi nila bilang pangangatwiran sa pagtutol doon: "Kapag namatay kami at kami ay naging alabok at mga nadurog na butong bulok, bubuhayin at manunumbalik ba kami bilang mga buhay?" Ang mga tagapagkailang iyon sa pagkabuhay matapos ng kamatayan ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila sapagkat ikinaila nila ang kakayahan Niya sa pagbuhay sa mga patay. Ang mga iyon ay ilalagay ang mga tanikalang yari sa apoy sa mga leeg nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila daranas ng pagkalipol at hindi mapuputol sa kanila ang pagdurusa.
﴿وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالسَّيِّئَةِ قَبْلَ الْحَسَنَةِ وَقَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِمُ الْمَثُلَاتُ ۗ وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ لِلنَّاسِ عَلَىٰ ظُلْمِهِمْ ۖ وَإِنَّ رَبَّكَ لَشَدِيدُ الْعِقَابِ﴾
Nagmamadali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng kaparusahan at nagmamabagal sila ng pagbaba nito sa kanila bago ng pagkabuo ng mga biyayang itinakda ni Allāh para sa kanila.
Nagdaan na mula nang wala pa sila ang mga parusa sa mga tulad nila kabilang sa mga kalipunang tagapagpasinungaling, kaya hindi ba sila nagsasaalang-alang sa mga ito? Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang may pagpapalampas sa sala ng mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan sapagkat hindi Niya minamadali ang parusa sa kanila upang magbalik-loob sila kay Allāh. Tunay na Siya ay talagang malakas ang parusa sa mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila kung hindi sila nagbalik-loob.
﴿وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ إِنَّمَا أَنْتَ مُنْذِرٌ ۖ وَلِكُلِّ قَوْمٍ هَادٍ﴾
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh bilang pagpapakasidhi sa pagbalakid at pagmamatigas: "Bakit nga ba hindi nagpababa kay Muḥammad ng isang tanda mula sa Panginoon niya tulad ng ibinaba kina Moises at Hesus?" Ikaw, O Sugo, ay isang tagapagbabala lamang, na nagpapangamba sa mga tao laban sa pagdurusa mula kay Allāh at wala kang anumang mga tanda kundi ang ibinigay sa iyo ni Allāh. Ukol sa bawat madla ay isang propeta na gumagabay sa kanila tungo sa daan ng totoo at gumagabay sa kanila roon.
﴿اللَّهُ يَعْلَمُ مَا تَحْمِلُ كُلُّ أُنْثَىٰ وَمَا تَغِيضُ الْأَرْحَامُ وَمَا تَزْدَادُ ۖ وَكُلُّ شَيْءٍ عِنْدَهُ بِمِقْدَارٍ﴾
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae sa tiyan nito, nakaaalam sa bawat bagay tungkol doon, nakaaalam sa anumang nangyayari sa mga sinapupunan na kakulangan at karagdagan, at kalusugan at kasakitan. Bawat bagay sa ganang Kanya - napakamaluwalhati Niya - ay tinakdaan ng sukat: hindi nakadaragdag dito at hindi nakababawas dito.
﴿عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ الْكَبِيرُ الْمُتَعَالِ﴾
Ito ay dahil Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang Nakaaalam sa bawat nalingid sa mga pandama ng nilikha Niya at Nakaaalam sa bawat natatalos ng mga pandama nila, ang Dakila sa mga katangian Niya, mga pangalan Niya, at mga gawa Niya, ang Kataas-taasan sa bawat nilikha kabilang sa mga nilikha Niya.
﴿سَوَاءٌ مِنْكُمْ مَنْ أَسَرَّ الْقَوْلَ وَمَنْ جَهَرَ بِهِ وَمَنْ هُوَ مُسْتَخْفٍ بِاللَّيْلِ وَسَارِبٌ بِالنَّهَارِ﴾
Nalalaman Niya ang lihim at higit na kubli. Nagkakapantay sa kaalaman Niya ang sinumang nagkubli kabilang sa inyo, O mga tao, ng sinabi at ang sinumang nagpahayag nito. Nagkakapantay sa kaalaman Niya, gayon din, ang sinumang nagtatago sa dilim ng gabi sa mga mata ng mga tao at ang sinumang naghahayag sa mga gawain niya sa kaliwanagan ng maghapon.
﴿لَهُ مُعَقِّبَاتٌ مِنْ بَيْنِ يَدَيْهِ وَمِنْ خَلْفِهِ يَحْفَظُونَهُ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُغَيِّرُ مَا بِقَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا مَا بِأَنْفُسِهِمْ ۗ وَإِذَا أَرَادَ اللَّهُ بِقَوْمٍ سُوءًا فَلَا مَرَدَّ لَهُ ۚ وَمَا لَهُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَالٍ﴾
Si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay may mga anghel na sumusunod ang isa't isa sa kanila sa tao. Pumupunta ang iba sa kanila sa gabi at ang iba sa kanila sa maghapon. Nangangalaga sila sa mga tao ayon sa utos ni Allāh mula sa kabuuan ng mga pagtatakdang itinadhana ni Allāh para sa kanila at pinigilan Niya. Isinusulat nila ang mga sinabi niya at ang mga ginawa niya. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapabago sa anumang nasa mga tao mula sa isang kalagayang kaaya-aya tungo sa kalagayang iba pa na hindi magpapagalak sa kanila hanggang sa magpabago sila sa nasa mga sarili nila na kalagayan ng pagpapasalamat. Kapag nagnais si Allāh - napakamaluwalhati Niya - sa mga tao ng isang kapahamakan ay walang tagapigil sa ninais Niya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa kay Allāh, na anumang tagatangkilik na tumatangkilik sa mga kapakanan ninyo para dulugan ninyo para sa pagtulak sa dumapo sa inyo na pagsubok.
﴿هُوَ الَّذِي يُرِيكُمُ الْبَرْقَ خَوْفًا وَطَمَعًا وَيُنْشِئُ السَّحَابَ الثِّقَالَ﴾
Siya ay ang nagpapakita sa inyo, O mga tao, ng kidlat at nagsama para sa inyo rito ng pangamba sa mga lintik at paghahangad sa ulan. Siya ay ang nagpapairal sa mga ulap na namimigat sa tubig ng ulang masagana.
﴿وَيُسَبِّحُ الرَّعْدُ بِحَمْدِهِ وَالْمَلَائِكَةُ مِنْ خِيفَتِهِ وَيُرْسِلُ الصَّوَاعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَنْ يَشَاءُ وَهُمْ يُجَادِلُونَ فِي اللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ الْمِحَالِ﴾
Nagluluwalhati ang kulog sa Panginoon nito ayon sa pagluluwalhating nakaugnay sa pagpupuri sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - at nagluluwalhati ang mga anghel sa Panginoon nila dahil sa pangamba sa Kanya, pagpipitagan, at pagdakila sa Kanya.
Nagpapadala si Allāh ng mga lintik na nanununog sa sinumang niloloob Niya sa mga nilikha Niya kaya nakapagpapahamak Siya rito habang ang mga tagatangging sumampalataya ay naghihidwaan hinggil sa kaisahan Niya gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan at ang lakas sa sinumang sumuway sa Kanya.
﴿لَهُ دَعْوَةُ الْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَجِيبُونَ لَهُمْ بِشَيْءٍ إِلَّا كَبَاسِطِ كَفَّيْهِ إِلَى الْمَاءِ لِيَبْلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَالِغِهِ ۚ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ﴾
Ukol kay Allāh - tanging sa Kanya - ang panawagan ng Monoteismo, walang nakikihati sa Kanya roon na isa man samantalang ang mga rebultong dinadalanginan ng mga tagapagtambal sa halip sa Kanya ay hindi tumutugon sa panalangin ng dumadalangin sa kanila sa anumang hiling. Walang iba ang panalangin nila sa mga ito kundi tulad ng uhaw na nag-aabot ng kamay niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya para uminom mula rito gayong ang tubig ay hindi aabot sa bibig niya. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya sa mga rebulto nila kundi nasa isang pagkawala at isang pagkalayo sa tama dahil ang mga ito ay hindi nakakakayang magdulot ng pakinabang para sa kanila ni magtulak ng pinsala.
﴿وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ طَوْعًا وَكَرْهًا وَظِلَالُهُمْ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ ۩﴾
Kay Allāh nagpapasakop sa pagpapatirapa ang lahat ng nasa mga langit at nasa lupa. Nagkakapantay roon ang mananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya bagamat ang mananampalataya ay nagpapasakop sa Kanya at nagpapatirapa nang kusang loob. Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya, nagpapasakop ito sa Kanya nang labag sa loob bagamat nagdidikta rito ang kalikasan ng pagkalalang dito na magpasakop sa Kanya nang kusang loob. Sa Kanya nagpapaakay ang anino ng bawat may anino kabilang sa mga nilikha sa simula ng maghapon at sa wakas nito.
﴿قُلْ مَنْ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ قُلِ اللَّهُ ۚ قُلْ أَفَاتَّخَذْتُمْ مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ لَا يَمْلِكُونَ لِأَنْفُسِهِمْ نَفْعًا وَلَا ضَرًّا ۚ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ أَمْ هَلْ تَسْتَوِي الظُّلُمَاتُ وَالنُّورُ ۗ أَمْ جَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ خَلَقُوا كَخَلْقِهِ فَتَشَابَهَ الْخَلْقُ عَلَيْهِمْ ۚ قُلِ اللَّهُ خَالِقُ كُلِّ شَيْءٍ وَهُوَ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na sumasamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Sino ang Tagapaglikha ng mga langit at lupa at Tagapangasiwa ng kapakanan ng mga ito?" Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay ang Tagapaglikha ng mga ito at ang Tagapangasiwa ng kapakanan ng mga ito at kayo ay kumikilala niyon.
" Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Kaya gumawa ba kayo para sa mga sarili ninyo ng mga katangkilik bukod pa kay Allāh, na mga mahina na hindi nakakakayang magdulot ng pakinabang para sa mga sarili nila ni pumawi ng pinsala sa mga ito kaya paanong ukol sa kanila na kayanin iyon sa iba sa kanila?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagkakapantay ba ang tagatangging sumampalataya na siyang bulag ang paningin at ang mananampalataya na siyang nakakikitang napapatnubayan? O nagkakapantay ba ang kawalang-pananampalataya na siyang mga kadiliman at ang pananampalataya na siyang liwanag? O gumawa ba sila para kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - ng mga katambal kasama sa Kanya sa paglikha, na lumikha ng tulad ng pagkalikha ni Allāh kaya nakalito sa ganang kanila ang pagkalikha ni Allāh sa pagkalikha ng mga katambal Niya?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh - tanging Siya - ay Tagapaglikha ng bawat bagay; walang katambal para sa kanya sa paglikha. Siya ay ang namumukod-tangi sa pagkadiyos na karapat-dapat sa pagbubukod-tangi sa pagsamba, ang Palalupig."
﴿أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَسَالَتْ أَوْدِيَةٌ بِقَدَرِهَا فَاحْتَمَلَ السَّيْلُ زَبَدًا رَابِيًا ۚ وَمِمَّا يُوقِدُونَ عَلَيْهِ فِي النَّارِ ابْتِغَاءَ حِلْيَةٍ أَوْ مَتَاعٍ زَبَدٌ مِثْلُهُ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْحَقَّ وَالْبَاطِلَ ۚ فَأَمَّا الزَّبَدُ فَيَذْهَبُ جُفَاءً ۖ وَأَمَّا مَا يَنْفَعُ النَّاسَ فَيَمْكُثُ فِي الْأَرْضِ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ﴾
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad ng paglaho ng kabulaanan at pananatili ng katotohanan sa tubig ng ulan na bumababa mula sa langit hanggang sa dumaloy ang mga lambak: bawat isa ay ayon sa sukat nito sa liit at laki. Nagdala ang pagdaloy ng yagit at latak na nakaangat sa tubig. Naglahad pa Siya ng iba pang paghahalintulad ng dalawang ito sa bagay na nagpapaningas ang mga tao sa ibabaw nito ng apoy gaya ng mga metal na mamahalin dahil sa paghahangad ng paglusaw sa mga ito at pagyari ng ipinanggagayak ng mga ito. Sa pamamagitan ng dalawang paghahalintulad na ito, naglalahad si Allāh ng paghahalintulad sa katotohanan at kabulaanan. Ang kabulaanan ay tulad ng yagit at bulang lumulutang sa tubig at tulad ng itinatapon ng paglusaw sa metal gaya ng kalawang. Ang katotohanan ay tulad ng tubig na dalisay na iniinuman at nagpapatubo sa mga bunga, halaman, at damo at tulad ng natira mula sa metal matapos ng paglusaw nito para pakinabangan ng mga tao. Gaya ng paglalahad ni Allāh sa dalawang paghahalintulad na ito, naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao upang lumiwanag ang katotohanan mula sa kabulaanan.
﴿لِلَّذِينَ اسْتَجَابُوا لِرَبِّهِمُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَالَّذِينَ لَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُ لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لَافْتَدَوْا بِهِ ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ سُوءُ الْحِسَابِ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمِهَادُ﴾
Ukol sa mga mananampalataya na tumugon sa Panginoon nila noong nag-anyaya Siya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya ang gantimpalang pinakamaganda. Ito ay ang Paraiso.
Ang mga tagatangging sumampalataya na hindi tumugon sa paanyaya Niya sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya, kung sakaling nagkataong taglay nila ang anumang nasa lupa na mga uri ng yaman at taglay pa nila ang tulad niyon bilang pagdaragdag, ay talagang magkakaloob ng lahat ng iyon bilang pantubos sa mga sarili nila laban sa pagdurusa. Ang mga hindi tumugon na iyon sa paanyaya Niya ay tutuusin sa mga masagwang gawa nila sa kabuuan ng mga ito. Ang tahanan nilang kakanlungan nila ay Impiyerno. Kay sagwa ang higaan nila at ang tuluyan nila na siyang Impiyerno!
﴿۞ أَفَمَنْ يَعْلَمُ أَنَّمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ الْحَقُّ كَمَنْ هُوَ أَعْمَىٰ ۚ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُولُو الْأَلْبَابِ﴾
Hindi nagkakapantay ang sinumang nakaaalam na ang ibinaba ni Allāh sa iyo, O Sugo, mula sa Panginoon mo ay ang totoong walang mapag-aatubilian hinggil dito - siya ay ang mananampalatayang tumutugon kay Allāh - at ang sinumang isang bulag - siya ay ang tagatangging sumampalataya na hindi tumutugon kay Allāh. Nagsasaalang-alang at napangangaralan lamang sa pamamagitan niyon ang mga nagtataglay ng mga isip na malusog.
﴿الَّذِينَ يُوفُونَ بِعَهْدِ اللَّهِ وَلَا يَنْقُضُونَ الْمِيثَاقَ﴾
Ang mga tumutugon kay Allāh ay ang mga tumutupad sa pakikipagtipan nila kay Allāh o pakikipagtipan nila sa mga lingkod Niya at hindi lumalabag sa mga tipang pinagtibay kay Allāh o sa iba pa sa Kanya.
﴿وَالَّذِينَ يَصِلُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ وَيَخَافُونَ سُوءَ الْحِسَابِ﴾
Sila ay ang mga nag-uugnay sa bawat ipinag-utos ni Allāh na ugnayan sa mga kaanak, natatakot sa Panginoon nila ayon sa takot na nagtutulak sa kanila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at nangangamba na magtuos si Allāh sa kanila sa bawat nakamit nilang kasalanan sapagkat ang sinumang tinuligsa sa pagtutuos ay mapapahamak.
﴿وَالَّذِينَ صَبَرُوا ابْتِغَاءَ وَجْهِ رَبِّهِمْ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَأَنْفَقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عُقْبَى الدَّارِ﴾
Sila ay ang mga nagtiis sa pagtalima kay Allāh at sa itinakda ni Allāh sa kanila kabilang sa nagpapagalak o nagpapadalamhati, at nagtiis sa paglayo sa pagsuway kay Allāh dahil sa paghahanap sa kaluguran ni Allāh; nagsagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na anyo; nagkaloob mula sa mga yamang ibinigay Namin sa kanila ng mga tungkuling kinakailangan, at nagkaloob mula sa mga ito nang lingid sa tao palayo sa pagpapakitang-tao at nang lantaran upang tumulad sa kanila ang mga iba pa sa kanila; at pumipigil sa kasagwaan ng sinumang gumawa ng masagwa sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng maganda roon – ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang ito ay ukol sa kanila ang kahihinatnang kapuri-puri sa Araw ng Pagbangon.
﴿جَنَّاتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا وَمَنْ صَلَحَ مِنْ آبَائِهِمْ وَأَزْوَاجِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ يَدْخُلُونَ عَلَيْهِمْ مِنْ كُلِّ بَابٍ﴾
Ang kahihinatnang kapuri-puring ito ay mga hardin, na mananatili sila sa mga ito bilang mga pinagiginhawa ayon sa pananatiling magpakailanman. Bahagi ng kalubusan ng ginhawa nila sa mga ito ay papasok sa mga ito kasama nila ang naging matuwid sa mga ama nila, mga ina nila, mga asawa nila, at mga anak nila bilang pagbuo sa pagkapalagayang-loob nila sa pakikipagtagpo nila. Ang mga anghel, habang mga bumabati, ay papasok sa kanila sa lahat ng mga pinto ng mga tirahan nila sa Paraiso.
﴿سَلَامٌ عَلَيْكُمْ بِمَا صَبَرْتُمْ ۚ فَنِعْمَ عُقْبَى الدَّارِ﴾
Binabati sila ng mga anghel tuwing nakapasok sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ng mga ito: "Kapayapaan ay sumainyo!" Nangangahulugan ito: "Naligtas kayo sa mga mapanira dahilan sa pagtitiis ninyo sa pagtalima kay Allāh at pagdaan ng mga itinakda sa inyo, at sa pagtitiis ninyo sa paglayo sa pagsuway sa Kanya. Kaya kay inam ang kahihinatnan sa tahanan na naging kinahinatnan ninyo!"
﴿وَالَّذِينَ يَنْقُضُونَ عَهْدَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مِيثَاقِهِ وَيَقْطَعُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ ۙ أُولَٰئِكَ لَهُمُ اللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوءُ الدَّارِ﴾
Ang mga lumalabag sa tipan kay Allāh matapos ng pagbibigay-diin dito at pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na ugnayan sa mga kaanak, ang mga malayong malumbay na iyon ay ukol sa kanila ang pagkakataboy sa awa ni Allāh at ukol sa kanila ang kasagwaan ng kahihinatnan, ang Impiyerno.
﴿اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ وَفَرِحُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا فِي الْآخِرَةِ إِلَّا مَتَاعٌ﴾
Si Allāh ay nagpapalawak sa panustos sa kaninumang niloloob Niya at nagpapasikip sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang pagpapalawak sa panustos ay hindi palatandaan ng kaligayahan at pag-ibig ni Allāh ni ang paninikip nito ay palatandaan ng kalumbayan. Natuwa ang mga tagatangging sumampalataya sa buhay sa Mundo kaya sumandal sila at napanatag sila rito gayong walang iba ang buhay sa Mundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi isang kaunting kasiyahang lilisan.
﴿وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي إِلَيْهِ مَنْ أَنَابَ﴾
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga tanda Niya: "Bakit nga hindi nagbaba kay Muḥammad ng isang tandang pisikal mula sa Panginoon niya na nagpapatunay sa katapatan niya para sumampalataya kami sa kanya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Tunay na si Allāh ay nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ayon sa kagandahang-loob Niya. Ang kapatnubayan ay hindi nasa mga kamay nila upang itali nila ito sa pagpapababa ng mga tanda."
﴿الَّذِينَ آمَنُوا وَتَطْمَئِنُّ قُلُوبُهُمْ بِذِكْرِ اللَّهِ ۗ أَلَا بِذِكْرِ اللَّهِ تَطْمَئِنُّ الْقُلُوبُ﴾
Itong mga pinatnubayan ni Allāh ay ang mga sumampalataya at napapalagay ang mga puso nila sa pamamagitan ng pag-aalaala kay Allāh sa pagluluwalhati sa Kanya at pagpupuri-puri sa Kanya, at sa pagbigkas sa Aklat Niya at pakikinig dito. Pansinin, sa pamamagitan ng pag-aalaala kay Allāh - tanging sa Kanya - napapalagay ang mga puso; nababagay sa mga ito iyon.
﴿الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ طُوبَىٰ لَهُمْ وَحُسْنُ مَآبٍ﴾
Itong mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang kabutihan na nagpapalapit sa kanila kay Allāh, ukol sa kanila ay pamumuhay na kaaya-aya sa Kabilang-buhay at ukol sa kanila ay kahihinatnang maganda: ang Paraiso.
﴿كَذَٰلِكَ أَرْسَلْنَاكَ فِي أُمَّةٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهَا أُمَمٌ لِتَتْلُوَ عَلَيْهِمُ الَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ وَهُمْ يَكْفُرُونَ بِالرَّحْمَٰنِ ۚ قُلْ هُوَ رَبِّي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ مَتَابِ﴾
Tulad ng pagsusugong ito na isinugo Namin sa pamamagitan nito ang mga sugong nauna sa mga kalipunan nila, nagsugo Kami sa iyo, O Sugo, sa kalipunan mo upang bigkasin mo sa kanila ang Qur'ān na isiniwalat Namin sa iyo sapagkat ito ay nakasasapat sa pagpapatunay sa katapatan mo, subalit ang kalagayan ng mga tao mo ay na sila ay nagkakaila sa tandang ito dahil sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain yayamang nagtatambal sila kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang Napakamaawain na tinatambalan ninyo ng iba pa sa Kanya ay ang Panginoon ko; walang sinasamba ayon sa karapatan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya ako nanalig sa lahat ng mga kapakanan ko at sa Kanya ang pagbabalik-loob ko."
﴿وَلَوْ أَنَّ قُرْآنًا سُيِّرَتْ بِهِ الْجِبَالُ أَوْ قُطِّعَتْ بِهِ الْأَرْضُ أَوْ كُلِّمَ بِهِ الْمَوْتَىٰ ۗ بَلْ لِلَّهِ الْأَمْرُ جَمِيعًا ۗ أَفَلَمْ يَيْأَسِ الَّذِينَ آمَنُوا أَنْ لَوْ يَشَاءُ اللَّهُ لَهَدَى النَّاسَ جَمِيعًا ۗ وَلَا يَزَالُ الَّذِينَ كَفَرُوا تُصِيبُهُمْ بِمَا صَنَعُوا قَارِعَةٌ أَوْ تَحُلُّ قَرِيبًا مِنْ دَارِهِمْ حَتَّىٰ يَأْتِيَ وَعْدُ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُخْلِفُ الْمِيعَادَ﴾
Kung sakaling nangyaring bahagi ng mga katangian ng isang aklat kabilang sa mga aklat na makadiyos ay maalis sa pamamagitan nito ang mga bundok buhat sa mga lugar ng mga ito o magkabitak-bitak ang lupa para maging mga ilog at mga bukal o mabigkas ito sa mga patay at sila ay maging mga buhay, talagang iyon ay itong Qur’ān na ibinaba sa iyo, O Sugo. Ito ay maliwanag ang patotoo at dakila ang epekto kung sakaling sila ay naging mga mapangilag sa pagkakasala ang mga puso subalit sila ay mga nagkakaila. Bagkus sa kay Allāh ang pasya sa kalahatan nito sa pagpapababa sa mga himala at iba pa sa mga ito. Hindi ba nalaman ng mga mananampalataya kay Allāh na kung sakaling niloloob ni Allāh ang kapatnubayan sa mga tao sa kalahatan nang walang pagpapababa ng mga tanda ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa kanila sa kalahatan nang wala nito? Subalit Siya ay hindi lumuob niyon.
Hindi natitigil ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na tinatamaan ng anumang ginawa nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang isang kasawiang matindi na dumadagok sa kanila o bumababa ang kasawiang iyon malapit sa tahanan nila hanggang sa dumating ang pangako ni Allāh sa pagbaba ng pagdurusang nagpapatuloy. Tunay na si Allāh ay hindi nag-iiwan sa pagsasakatuparan sa naipangako Niya kapag dumating ang oras nitong itinakda para rito.
﴿وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِنْ قَبْلِكَ فَأَمْلَيْتُ لِلَّذِينَ كَفَرُوا ثُمَّ أَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ﴾
Hindi ikaw ang unang sugong pinasinungalingan ng mga tao niya at tinuya nila sapagkat may nangutya nga na mga kalipunan mula nang wala ka pa, O Sugo, sa mga sugo sa mga iyon at nagpasinungaling sila sa mga ito ngunit nagpalugit Ako sa mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila hanggang sa nag-akala silang Ako ay hindi magpapahamak sa kanila. Pagkatapos ay sumunggab Ako sa kanila matapos ng pagpapalugit sa pamamagitan ng mga uri ng pagdurusa, kaya papaano naging ang parusa Ko sa kanila? Talaga ngang ito ay naging isang parusang matindi.
﴿أَفَمَنْ هُوَ قَائِمٌ عَلَىٰ كُلِّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ ۗ وَجَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ قُلْ سَمُّوهُمْ ۚ أَمْ تُنَبِّئُونَهُ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِي الْأَرْضِ أَمْ بِظَاهِرٍ مِنَ الْقَوْلِ ۗ بَلْ زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مَكْرُهُمْ وَصُدُّوا عَنِ السَّبِيلِ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ﴾
Kaya ang sinumang siya ay tagapagtaguyod sa pangangalaga sa mga panustos ng lahat ng nilikha, na mapagmasid sa bawat kaluluwa sa anumang nakamit nito na gawa kaya gagantihan ito sa mga gawa nito ay higit na karapat-dapat bang sambahin o ang mga rebultong ito na walang karapatang ukol sa mga ito na sambahin? Gumawa nga sa mga ito ang mga tagatangging sumampalataya bilang mga katambal para kay Allāh dala ng kawalang-katarungan at kabulaanan. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Pangalanan ninyo sa amin ang mga katambal na sinamba ninyo kasama kay Allāh kung nangyaring kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo. O nagpapabatid ba kayo kay Allāh ng hindi Niya nalalaman sa lupa na mga katambal o nagpapabatid kayo ng hayag mula sa sinabi, na walang katotohanan para rito?" Bagkus pinaganda ng demonyo para sa mga tumangging sumampalataya ang pagpapanukala nilang masagwa. Kaya tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at inilihis naman Niya sila palayo sa daan ng katinuan at kapatnubayan. Ang sinumang pinaligaw ni Allāh palayo sa landas ng katinuan ay walang ukol sa kanyang anumang tagapatnubay na papatnubay sa kanya.
﴿لَهُمْ عَذَابٌ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَشَقُّ ۖ وَمَا لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَاقٍ﴾
Ukol sa kanila ay isang pagdurusa sa buhay sa Mundo sa pamamagitan ng idinudulot sa kanila ng pagkapatay at pagkabihag sa mga kamay ng mga mananampalataya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay na naghihintay sa kanila ay higit na matindi at higit na mabigat kaysa sa pagdurusa sa Mundo dahil sa taglay nito na katindihan at pamamalaging hindi napuputol. Walang ukol sa kanila na tagapigil na magtatanggol sa kanila laban sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon.
﴿۞ مَثَلُ الْجَنَّةِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۖ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ أُكُلُهَا دَائِمٌ وَظِلُّهَا ۚ تِلْكَ عُقْبَى الَّذِينَ اتَّقَوْا ۖ وَعُقْبَى الْكَافِرِينَ النَّارُ﴾
Ang katangian ng Paraiso na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay na ito ay dinadaluyan mula sa ilalim ng mga palasyo nito at mga puno nito ng mga ilog. Ang mga bunga nito ay namamalagi, hindi nauubos, na salungat sa mga bunga sa Mundo. Ang lilim nito ay hindi naglalaho at hindi umuurong. Iyon ay ang kahihinatnan ng mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang kahihinatnan naman ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy. Papasukin nila ito bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.
﴿وَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَفْرَحُونَ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ ۖ وَمِنَ الْأَحْزَابِ مَنْ يُنْكِرُ بَعْضَهُ ۚ قُلْ إِنَّمَا أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ اللَّهَ وَلَا أُشْرِكَ بِهِ ۚ إِلَيْهِ أَدْعُو وَإِلَيْهِ مَآبِ﴾
Ang mga binigyan Namin ng Torah kabilang sa mga Hudyo at ang mga binigyan Namin ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano ay natutuwa sa ibinaba sa iyo, O Sugo, dahil sa pagsang-ayon nito sa ilan sa ibinaba sa kanila. Mayroon sa mga pangkatin ng mga Hudyo at mga Kristiyano na nagkakaila sa ilan sa ibinaba sa iyo na hindi umaayon sa mga pithaya nila o naglalarawan sa kanila ng pagpapalit at pagpilipit [ng kasulatan]. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nag-utos lamang sa akin si Allāh na sumamba ako sa Kanya - tanging sa Kanya - at huwag akong magtambal sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Sa Kanya - tanging sa Kanya - ako dumadalangin at hindi ako dumadalangin sa iba pa sa Kanya at tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ang balikan ko. Naghatid ng ganito ang Torah at ang Ebanghelyo."
﴿وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَاهُ حُكْمًا عَرَبِيًّا ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ بَعْدَمَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ مَا لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا وَاقٍ﴾
Tulad ng pagpapababa Namin ng mga kasulatang nauna ayon sa mga wika ng mga taong pinatungkulan ng mga ito, ibinaba Namin sa iyo, O Muḥammad, ang Qur'ān bilang pananalitang pagpapasyang naglilinaw sa katotohanan, [sa wikang] Arabe.
Talagang kung sumunod ka, O Sugo, sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalamang itinuro sa iyo ni Allāh, walang ukol sa iyo mula kay Allāh na anumang tagatangkilik na tatangkilik sa kapakanan mo at mag-aadya sa iyo laban sa mga kaaway mo at walang ukol sa iyo na tagapagtanggol na magtatanggol sa iyo laban sa pagdurusang dulot Niya.
﴿وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِنْ قَبْلِكَ وَجَعَلْنَا لَهُمْ أَزْوَاجًا وَذُرِّيَّةً ۚ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَنْ يَأْتِيَ بِآيَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ لِكُلِّ أَجَلٍ كِتَابٌ﴾
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo mula nang wala ka pa, O Sugo, na kabilang sa mga tao kaya ikaw ay hindi isang naiiba sa mga sugo. Gumawa Kami para sa kanila ng mga maybahay at gumawa Kami para sa kanila ng mga anak gaya ng nalalabi sa mga tao. Hindi Kami gumawa sa kanila bilang mga anghel na hindi nagkakaasawa at hindi nagkakasupling. Ikaw ay kabilang sa mga sugong ito na mga taong nagkakaasawa at nagkakasupling. Kaya bakit nagtataka ang mga tagapagtambal sa iyong pagiging gayon? Hindi natutumpak ukol sa isang sugo na maghatid mula sa ganang kanya ng isang tanda malibang nagpahintulot si Allāh sa paghahatid niya niyon. Para sa bawat bagay na itinadhana ni Allāh ay may pagtatakdang bumanggit Siya rito niyon at taning na hindi nauuna at hindi nahuhuli.
﴿يَمْحُو اللَّهُ مَا يَشَاءُ وَيُثْبِتُ ۖ وَعِنْدَهُ أُمُّ الْكِتَابِ﴾
Nag-aalis si Allāh ng anumang niloloob Niya ang pag-aalis niyon na kabutihan o kasamaan o kaligayahan o kalumbayan at iba pa sa mga ito, at nagpapatibay Siya sa anumang niloloob Niya kabilang sa mga ito. Taglay Niya ang Tablerong Pinag-iingatan kaya Siya ay sanggunian ng lahat ng iyon. Ang anumang lumilitaw na pagpawi o pagpapatibay ay umaayon sa nilalaman nito.
﴿وَإِنْ مَا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِنَّمَا عَلَيْكَ الْبَلَاغُ وَعَلَيْنَا الْحِسَابُ﴾
Kung magpapakita Kami sa iyo, O Propeta, ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa bago ng kamatayan mo, iyon ay nasa Amin na, o kung babawi Kami ng buhay sa iyo bago Kami magpakita sa iyo niyon, walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot ng ipinag-utos Namin sa iyo ang pagpapaabot niyon at hindi kailangan sa iyo ang pagganti sa kanila ni ang pagtutuos sa kanila sapagkat iyon ay nasa Amin na.
﴿أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَأْتِي الْأَرْضَ نَنْقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَا ۚ وَاللَّهُ يَحْكُمُ لَا مُعَقِّبَ لِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ سَرِيعُ الْحِسَابِ﴾
Hindi ba nasaksihan ng mga tagatangging sumampalataya na ito na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa ng kawalang-pananampalataya habang bumabawas Kami rito mula sa mga gilid nito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Islām at pagsakop ng mga Muslim dito? Si Allāh ay humahatol at humuhusga ayon sa niloloob Niya sa pagitan ng mga lingkod Niya; walang isang nakapag-iiba sa kahatulan Niya sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa o pagpapabago o pagpapalit. Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang mabilis ang pagtutuos: nagtutuos Siya sa mga una at mga huli sa iisang araw.
﴿وَقَدْ مَكَرَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَلِلَّهِ الْمَكْرُ جَمِيعًا ۖ يَعْلَمُ مَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ ۗ وَسَيَعْلَمُ الْكُفَّارُ لِمَنْ عُقْبَى الدَّارِ﴾
Nanlansi nga ang mga kalipunang nauna sa mga propeta nila, nagpakana laban sa kanila, at nagpasinungaling sa dinala nila.
Kaya ano ang ginawa ng mga iyon sa pagpapanukala ng mga iyon laban sa kanila? Walang anuman dahil ang pagpapanukalang tagagawa ay pagpapanukala ni Allāh hindi ng iba pa sa Kanya, kung paanong Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang nakaaalam sa nakakamit ng mga kaluluwa nila at gaganti sa kanila roon. Sa sandaling iyon ay malalaman nila kung gaano noon sila ay mga nagkakamali sa hindi pagsampalataya kay Allāh at kung gaano noon ang mga mananampalataya ay mga tama kaya matatamo ng mga ito dahil doon ang Paraiso at ang kahihinatnang maganda.
﴿وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَسْتَ مُرْسَلًا ۚ قُلْ كَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ وَمَنْ عِنْدَهُ عِلْمُ الْكِتَابِ﴾
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya na ikaw, O Muḥammad, ay hindi isang isinugo mula kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nakasapat si Allāh bilang isang tagasaksi sa pagitan ko at ninyo na ako ay isinugo mula sa Panginoon ko sa inyo, at sa sinumang may taglay ng kaalaman mula sa mga makalangit na kasulatan na nasaad sa mga ito ang paglalarawan sa akin. Ang sinumang si Allāh ay naging tagasaksi sa kanya sa katapatan niya ay hindi pipinsala sa kanya ang pagpapasinungaling ng sinumang nagpasinungaling."
الترجمات والتفاسير لهذه السورة:
- سورة الرعد : الترجمة الأمهرية አማርኛ - الأمهرية
- سورة الرعد : اللغة العربية - المختصر في تفسير القرآن الكريم العربية - العربية
- سورة الرعد : اللغة العربية - التفسير الميسر العربية - العربية
- سورة الرعد : اللغة العربية - معاني الكلمات العربية - العربية
- سورة الرعد : الترجمة الأسامية অসমীয়া - الأسامية
- سورة الرعد : الترجمة الأذرية Azərbaycanca / آذربايجان - الأذرية
- سورة الرعد : الترجمة البنغالية বাংলা - البنغالية
- سورة الرعد : الترجمة البوسنية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bosanski - البوسنية
- سورة الرعد : الترجمة البوسنية - كوركت Bosanski - البوسنية
- سورة الرعد : الترجمة البوسنية - ميهانوفيتش Bosanski - البوسنية
- سورة الرعد : الترجمة الألمانية - بوبنهايم Deutsch - الألمانية
- سورة الرعد : الترجمة الألمانية - أبو رضا Deutsch - الألمانية
- سورة الرعد : الترجمة الإنجليزية - صحيح انترناشونال English - الإنجليزية
- سورة الرعد : الترجمة الإنجليزية - هلالي-خان English - الإنجليزية
- سورة الرعد : الترجمة الإسبانية Español - الإسبانية
- سورة الرعد : الترجمة الإسبانية - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الرعد : الترجمة الإسبانية (أمريكا اللاتينية) - المنتدى الإسلامي Español - الإسبانية
- سورة الرعد : الترجمة الفارسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم فارسی - الفارسية
- سورة الرعد : الترجمة الفارسية - دار الإسلام فارسی - الفارسية
- سورة الرعد : الترجمة الفارسية - حسين تاجي فارسی - الفارسية
- سورة الرعد : الترجمة الفرنسية - المنتدى الإسلامي Français - الفرنسية
- سورة الرعد : الترجمة الفرنسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Français - الفرنسية
- سورة الرعد : الترجمة الغوجراتية ગુજરાતી - الغوجراتية
- سورة الرعد : الترجمة الهوساوية هَوُسَ - الهوساوية
- سورة الرعد : الترجمة الهندية हिन्दी - الهندية
- سورة الرعد : الترجمة الإندونيسية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الرعد : الترجمة الإندونيسية - شركة سابق Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الرعد : الترجمة الإندونيسية - المجمع Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الرعد : الترجمة الإندونيسية - وزارة الشؤون الإسلامية Bahasa Indonesia - الأندونيسية
- سورة الرعد : الترجمة الإيطالية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Italiano - الإيطالية
- سورة الرعد : الترجمة الإيطالية Italiano - الإيطالية
- سورة الرعد : الترجمة اليابانية 日本語 - اليابانية
- سورة الرعد : الترجمة الكازاخية - مجمع الملك فهد Қазақша - الكازاخية
- سورة الرعد : الترجمة الكازاخية - جمعية خليفة ألطاي Қазақша - الكازاخية
- سورة الرعد : الترجمة الخميرية ភាសាខ្មែរ - الخميرية
- سورة الرعد : الترجمة الكورية 한국어 - الكورية
- سورة الرعد : الترجمة الكردية Kurdî / كوردی - الكردية
- سورة الرعد : الترجمة المليبارية മലയാളം - المليبارية
- سورة الرعد : الترجمة الماراتية मराठी - الماراتية
- سورة الرعد : الترجمة النيبالية नेपाली - النيبالية
- سورة الرعد : الترجمة الأورومية Oromoo - الأورومية
- سورة الرعد : الترجمة البشتوية پښتو - البشتوية
- سورة الرعد : الترجمة البرتغالية Português - البرتغالية
- سورة الرعد : الترجمة السنهالية සිංහල - السنهالية
- سورة الرعد : الترجمة الصومالية Soomaaliga - الصومالية
- سورة الرعد : الترجمة الألبانية Shqip - الألبانية
- سورة الرعد : الترجمة التاميلية தமிழ் - التاميلية
- سورة الرعد : الترجمة التلجوية తెలుగు - التلجوية
- سورة الرعد : الترجمة الطاجيكية - عارفي Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الرعد : الترجمة الطاجيكية Тоҷикӣ - الطاجيكية
- سورة الرعد : الترجمة التايلاندية ไทย / Phasa Thai - التايلاندية
- سورة الرعد : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الرعد : الترجمة الفلبينية (تجالوج) Tagalog - الفلبينية (تجالوج)
- سورة الرعد : الترجمة التركية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Türkçe - التركية
- سورة الرعد : الترجمة التركية - مركز رواد الترجمة Türkçe - التركية
- سورة الرعد : الترجمة التركية - شعبان بريتش Türkçe - التركية
- سورة الرعد : الترجمة التركية - مجمع الملك فهد Türkçe - التركية
- سورة الرعد : الترجمة الأويغورية Uyƣurqə / ئۇيغۇرچە - الأويغورية
- سورة الرعد : الترجمة الأوكرانية Українська - الأوكرانية
- سورة الرعد : الترجمة الأردية اردو - الأردية
- سورة الرعد : الترجمة الأوزبكية - علاء الدين منصور Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الرعد : الترجمة الأوزبكية - محمد صادق Ўзбек - الأوزبكية
- سورة الرعد : الترجمة الفيتنامية للمختصر في تفسير القرآن الكريم Vèneto - الفيتنامية
- سورة الرعد : الترجمة الفيتنامية Vèneto - الفيتنامية
- سورة الرعد : الترجمة اليورباوية Yorùbá - اليوروبا
- سورة الرعد : الترجمة الصينية 中文 - الصينية