المسد

تفسير سورة المسد

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Tagalog

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ﴾

Nalugi ang dalawang kamay ng tiyuhin ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - na si Abū Lahab bin `Abdulmuṭṭalib dahil sa pagkalugi ng gawain niya yayamang siya noon ay nananakit sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at nabigo ang pagpupunyagi niya.

﴿مَا أَغْنَىٰ عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ﴾

Aling bagay ipinakinabang para sa kanya ng yaman niya at anak niya? Hindi magtutulak ang mga ito palayo sa kanya ng pagdurusa at hindi magdudulot sa kanya ng awa.

﴿سَيَصْلَىٰ نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ﴾

Papasok siya sa Araw ng Pagbangon sa isang Apoy na may lagablab, na magdurusa siya sa init niyon,

﴿وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ﴾

at papasok doon ang maybahay niyang si Umm Jamīl na dating nananakit sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga tinik sa daan niya.

﴿فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِنْ مَسَدٍ﴾

Sa leeg nito ay may tali na mahigpit ang pagkalubid, na ipang-aakay rito tungo sa Apoy.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: