البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 87

﴿ﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤ ﴾

﴿وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَقَفَّيْنَا مِنْ بَعْدِهِ بِالرُّسُلِ ۖ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ أَفَكُلَّمَا جَاءَكُمْ رَسُولٌ بِمَا لَا تَهْوَىٰ أَنْفُسُكُمُ اسْتَكْبَرْتُمْ فَفَرِيقًا كَذَّبْتُمْ وَفَرِيقًا تَقْتُلُونَ﴾

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagpasunod Kami sa kanya ng mga sugo noong matapos niya sa bakas niya. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng mga tanda na maliwanag na naglilinaw sa katapatan niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketongin. Nagpalakas Kami sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga.
Kaya ba sa tuwing dinalhan kayo, o mga anak ni Israel, ng isang sugo mula sa ganang kay Allāh ng anumang hindi sumasang-ayon sa mga pithaya ninyo ay nagmamalaki kayo sa katotohanan at nagpapakataas-taas kayo sa mga sugo ni Allāh sapagkat sa isang pangkat kabilang sa kanila ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo?

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: